Seeking Light in the Darkness

By sunfloweryy_seeds

3.1K 346 20

"Ate, hindi na po ba tayo pupuntahan ni mama?" Tanong ng nakababata kong kapatid. Hindi ako nagsalita dahil h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 12

109 20 0
By sunfloweryy_seeds

"Kailangan ako ang katabi ng kapatid ng future boyfriend ko!" She smiled at me.

"Asa ka naman magiging jowa mo 'yong kuya niya." Sabi ng isa pang babae na may kulay gray ang dulo ng hair niya.

The girl beside me glared her. "Syempre naman magiging boyfriend ko 'yon!" Humarap siya sa akin and smiled. "Right, Shay? Your brother is single naman diba? Ipakilala mo ako! Ayaw kasi ako ipakilala ni Nat!"

"Syempre! You don’t take relationships seriously!" Depensa ni kuya Nat.

"Alam ko naman kung sino ang seseryosohin at sino ang hindi, 'no!" She rolled her eyes.

"Anyway, Shay. Do you drink ba?" She asked me.

"Isang beses palang po ako nakainom ng alak." First time kong makatikim ng alak ay noong birthday ng kaklase ko dati, last year.

Unang inom palang ay parang umikot na ang mundo ko at sobrang init sa lalamunan! Kaya hindi na ulit ako nagtry at binigay nalang sa iba dahil hindi ko kaya.

Kahit isang baso lang 'yon na maliit hindi ko pa rin kayang ubusin.

"You should try to drink alcohol!" Bigla akong kinabahan, kumuha siya ng plastic cup at nilagyan ng iniinom nila.

"Hoy! Minor yan! Manahimik ka nga Dazzy!" Tumayo si kuya Nat, inagaw niya kay ate Dazzy ang baso at binalik ang laman.

"Dito ka Shay! Sit here, wag ka tumabi sa kaniya bad influence 'yan." Hinawakan ako ni kuya sa braso. "Palit nga kayo, pre." Pinaupo niya ako sa tabi ni kuya Jasiah nagpalit kami ng isang lalaki.

"You're so mean!" Ate Dazzy said while pouting and glaring at kuya Nat.

"Wag mo nga turuan 'yan! Bata pa 'yan!" Bumalik na si kuya sa inuupuan niya.

Binigyan nila ako ng pineapple juice, nakikinig lang ako sa mga pinaguusapan nila pero wala akong maintindihan sa topics nila.

Nakikitawa nalang ako pag tumatawa rin sila. Na-miss ko tuloy ang mga kaibigan ko dati.

Ang mga barkada ko sa school, hindi na kami nagkikita at naguusap. Actually they message me nang malaman nila na huminto na ako sa pag-aaral sinabi ko lang na nagkaproblema.

After that wala na kaming communication pero nakikita ko minsan ang mga posts nila na magkakasama.

Hindi ko maiwasang maiingit dahil malaya sila, bibigyan lang sila ng pera ng mga magulang nila and pwede na silang gumala kahit saan nila gusto.

Dati ganon din ako, gala akong tao pero dahil sa mga nangyari at nagkatrabaho na hindi na ako nakakagala.

Dahil walang magbabantay kay Jazen at kailangan mag tipid ng pera. Natutunan namin mag tipid at maghandle ng pera.

Actually nagbabasakali pa rin ako na mag message sila sa akin at kumustahin ako pero wala. Miss ko na sila.

Nagpaalam muna akong pupunta sa kusina para kumuha ng tubig dahil ayaw na ng lalamunan ko ang pineapple juice.

Kinuha ko ang pitcher sa fridge at nagsalin sa baso.

"Hindi ka pa matutulog?" Muntik ko nang mabitawan ang pitcher na hawak ko dahil sa gulat.

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si kuya Jasiah!

"Hmm.. Maya maya po," Pagkatapos kong magsalin ay binalik ko na sa fridge at uminom.

"You should go to sleep na." Naglakad siya papalapit sa akin. He lean towards me, napatitig ako sa kaniya.

Dahil sa ginawa niya natigilan ako, the glass that i'm holding is between our faces.

Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya, I think he's already drunk namumula na rin ang mga pisngi niya. Medyo marami ang kanilang nainom, limang beses silang kumuha ng alak.

Hinawakan niya ang wrist ko kung saan hawak hawak ko ang baso, dahan dahan niya 'yong binaba at kinuha ang baso sa kamay ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nakatitig lang ako sa kaniya pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kinakabahan ba ako? Bakit ako kinakabahan? Wala naman siyang gagawing masama diba?

I mean he look so nice, he look so kind. He's handsome, his brown eyes look so good on him. His hair look messy but it suits him.

Pagkakuha niya sa baso ay umayos siya ng tayo at ininom niya ang natirang tubig. Nakatingin lang ako sa kaniya habang umiinom siya.

Why is he so handsome by just drinking water, huh?!

Napalunok din ako when his adam's apple move when he swallowed. Napaiwas agad ako ng tingin nang tignan niya ako.

Natawa siya dahil doon kaya mas lalo akong nahiya. Nag-init ang pisngi ko. Binaba niya ang baso sa counter top na nasa likod ko.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong niya. Kanina ay medyo inaantok na ako pero dahil sa ginawa niya ay parang nawala.

"H-hindi pa po." Sagot ko.

"Really? Kanina pa kita nakikitang hikab ng hikab." He smirked.

Napansin niya pala 'yon? It's already midnight kaya nakakaantok, saka nasanay akong maaga matulog dahil kinabukasan ay maaga ang pasok ko.

"Matulog kana sa taas." Utos niya. "Matutulog na rin naman ang mga 'yon dahil mga lasing na." Tukoy niya sa mga pinsan niya.

Para siyang kuya ko.

"Sige po." Tumalikod ako sa kaniya at kinuha ang baso dinala ko ito sa lababo.

Lumapit uli ako sa kaniya "Akyat na po ako." Pagpapaaalam ko.

"Okay, goodnight." He smiled sweetly.

"Goodnight, kuya." I smiled, pero nakita kong unti unting nawala ang mga ngiti niya.

"Kuya?" Patanong niyang sabi.

"Bakit po? Diba po kaklase kayo ni ate Rein so same age lang po kayo ni ate." Diba? Mas matanda pa nga siya sa kuya ko kaya dapat talagang kuya ang tawag ko sa kaniya.

"Yeah, but,"

"Ayaw niyo po bang tinatawag kayong kuya?" Baka hindi siya sanay na tinatawag na kuya.

"H-hindi naman." He sighed. "Nevermind."

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising dahil nga puyat, paggising ko ay wala na si Jazen sa tabi ko naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko ay medyo maraming two sa living room, mga nagkakape sila. Mukhang mga bagong gising lang rin pero ang mga bata ay nagtatakbuhan na, umagang umaga sobrang hyper.

Nakita ko rin ang ibang pinsan nila kuya Nat mukhang may mga hang over pa sila.

"Ate!" Lumapit sa akin si Jazen at niyakap ako.

"Kumain kana?" Tanong ko, alas-dies na rin kasi malapit na mag lunch.

"Opo!" Sagot niya. "Pinakain ako ni tita-mommy!"

"Tita-mommy?" Sino 'yon?

"Si tita Jhin! Sabi niya po 'yon daw po itawag ko sa kaniya!" Sagot niya. Akala ko naman kung sino, pumunta kami sa kusina para kumuha ng pagkain dahil nagugutom na ako.

Nakita ko rin doon si tita Jhin kausap niya si kuya Jen. Narinig kong inutusan niya si kuya na paakyatin si tito sa kwarto. Napansin niya agad ako at nilapitan.

Niyaya niya akong kumain, siya pa nga ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko. Para talaga siya ang nanay ko.

"Kagabi hirap na hirap ako sa tito mo! Ayaw pa tumigil sa pagiinom!" Natatawa nalang ako kay tita, dinadaldal niya ako habang kumakain ako. Buti nga at nandito siya dahil nakakahiya sa mga kamag-anak nila.

"Saan siya natulog tita?" Tanong ko. Alam ko ay puno na ang mga kwarto dahil medyo maraming nagstay overnight at wala rin si tito sa kwarto paggising ko kanina.

"Nandoon sa tabi ng pool kung saan sila naginom! Ayaw niya umalis doon, magkakasama sila ng mga kumpare niya." Sagot ni tita. Sabay kaming napatingin nang pumasok sina kuya Nat kasama ang iba niyang pinsan.

Mukhang kakagising lang din nila dahil magugulo pa ang mga buhok.

"Anak! Kumain na kayo." Tumayo si tita at inasikaso sila. Lumabas din agad si tita para puntahan ang ibang bisita.

Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko ang mga pinagkainan sa lababo. Lumabas muna ako para hanapin si Jazen.

Lumabas kasi siya kanina habang kumakain ako. Nakita ko si tita sa harap ng gate nila na kinakausap ang mga aalis na.

Hindi ko alam kung nasaan na si Jazen, saan ba nagpunta ang batang 'yon?

Naglibot nalang muna ako sa bakuran nila tita, may mga nakakalat na bote ng alak. Mukhang marami silang biniling alak.

Bigla kong naalala si kuya, ano kayang emergency 'yon? Sobrang nagmamadali siya kahapon sobrang importante siguro non.

"Shay!" Nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin. Paglingon ko ay si kuya Jen pala. Bunso ni tita Jhin.

"Hello po." Bati ko.

"Nakausap mo na ba ang kuya mo? Hindi ko kasi siya ma-contact. Hindi niya sinasagot tawag ko." Aniya.

"Baka busy." Sabi ko. Baka dumeretso na siya sa trabaho niya kanina.

"Siguro pero kung mag-usap kayo sabihin mo tawagan ako."

I nodded. "Sige kuya." He smiled and pat my head before leaving.

Pinagpatuloy ko nalang ang paghahanap kay Jazen at nakita ko nga siya sa tabi ng pool na may kasamang batang lalaki.

Parang mas bata sa kaniya pero parehas lang sila ng laki. Maliit lang kasi si Jazen, maliit siya compare sa mga ka-age niya.

"Jazen!" Tawag ko. Sabay silang napatingin ng batang lalaki.

Tumakbo siya papunta sa akin. "Ate pwede mag swimming doon?" Tinuro niya ang pool.

"Bawal, malalim d'yan." Napasimangot siya. "Sa cr ka nalang maligo, tara na." Pawis na pawis nanaman siya, siguro nagtatatakbo 'to.

Papasok na kami ng bahay nang makasalubong namin si kuya Jasiah.

"Hey." Aniya.

"Hello po! Good morning." Bati ko. Mukhang paalis na siya.

"Good morning. Did you eat already?" He asked.

"Ah opo kakatapos lang." Tumango tango siya at dumako ang tingin niya sa batang hawak ko.

"Ah si Jazen po, kapatid ko." Pakilala ko sa kaniya.

"Hello po!" Bati naman ni Jazen.

He smiled at him. "Hello!"

"Uuwi na po kayo?" Tanong ko.

"Yes." Sagot niya. Gusto ko pa sana siyang makausap dahil parang magkakasundo kami gaya kagabi parang close na kami.

Kaso medyo naiilang akong tawagin siyang kuya dahil mukhang hindi niya nagustuhan 'yon. Nakita ko kung paano naglaho ang mga ngiti niya kagabi.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
257K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...