Blood Menace

By fbbryant

14.4K 933 217

Kam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lo... More

Foreword
Part I
1- Kam
2- First Day
3- Rival
4- Achievers
5- Mortal Enemy
6- Perfect
7- Not His Type
8- Field Trip
9- Tough Decision
10- Self to Blame
11- Travel Buddy
13- Macon City
14- Whittles
15- Followed
16- His Plaything
17- Ended Before it Started
18- Sophomore
19- Mr. Nice
20- Surial
21- Field Training
22- Death
23- End of the Beginning
Part II
24- Obis
25- Allies
26- Festival of the Moon
27- Murderer
28- Hellville Academy
29- The Husband
30- Taken
31- The Parents
32- Omelette
33- Broken Heart
34- Love of My Life
35- Pretending No More
36- Comfortable
37- In the Lion's Den
38- Where is Cole?
39- Dramas
40- Illusory
41- Love/Hate
42- Death
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

12- Sentry Training

300 20 5
By fbbryant

Kakabalik lang ni Kam sa cabin nila ni Cole. Kinailangan niyang lumabas para bumili ng kape at para na rin mag-stretch ng mga paa. Tatlong araw na rin kasi sila sa mahabang byahe na 'to at medyo napapagod na s'ya.

Pero in fairness, mas komportable na siya sa presence ni Cole. Mabait pala ito kahit na nakakainis minsan. Marami kasing kalokohan.

Binuksan niya ang pinto ng cabin at nakita n'yang busy ito sa pagbabasa ng kung anong libro na hindi naman mukhang textbook. Nakapatong pa ang mga paa nito sa upuan.

He looked so comfortable in his gray sweatsuit and black socks. Suot pa rin nito ang gold necklace nito na may pendant na letter B.

Tahimik na naupo siya sa kanyang bench at sumimsim ng kanyang mainit na kape.

Nakatitig pa rin siya sa lalaki. Nakaka-amaze kasi itong tingnan.

"You're staring," bigla nitong sabi pero tutok pa rin sa binabasa.

"What are you reading?" tanong naman niya. No need to act innocent. Nakatitig naman kasi talaga siya.

Itinaas nito ang libro para makita n'ya ang cover.

A Passionate Night with A King by Kisses Hots

Napangiwi si Kam nang mabasa ang title ng binabasa nito. "Is that an erotic novel?"

Ibinaba nito ang libro sa maliit na mesa na nasa harapan nila. Nakadikit ito malapit sa malaking bintana kaya hindi sagabal sa pagitan nila at kalahati lang ng bench ang haba.

"Caedis, 'wag mong i-underestimate ang power ng written words. Kahit hindi mo genre, kailangan mo pa ring respetuhin ang talent ng author sa pag-describe ng mga scenes. Sobrang vivid eh. Nai-imagine ko talaga ang lahat ng nagaganap sa librong ito. The author is so talented."

Napailing na lang si Kam. "You are such a pig," natatawa niyang komento at nakitawa na rin ito.

"You like coffee?" tanong nito pagkaraan ng ilang saglit.

Tumango siya. "I love coffee."

"Me too. So, where's mine?"

Napatitig pa lalo si Kam dito. "Hindi mo naman sinabi na gusto mo rin."

He exhaled as if he was exasperated. "Bumili ka na lang sana, you know, out of respect. Mag-aya ka kahit labag sa loob mo."

"Eh paano kung ayaw mo pala? Nag-aksaya lang ako ng pera?" ganti naman niya at agad na nanlaki ang mga mata nito na parang hindi makapaniwala.

"You're the daughter of the richest people in the whole world. Kape lang tapos manghihinayang ka?"

"Uy, Bloodworth, kahit one dayal lang 'yan, pera pa rin 'yan. Hindi ibig sabihin na mayaman ka ay pwede ka nang mag-aksaya ng pera. Respect money."

Napangiti ito. "Rich people," anitong napapailing.

"Rich people ka d'yan. Kung makapagsalita akala mo naman hindi rich," bulong niya at ngumisi lang ito. "Oh, share na lang tayo."

Hindi naman nagpakipot si Cole. Agad nitong sinunggaban ang kanyang kape at mabilis na tumungga sa hawak niyang cup. Ni hindi niya nagawang bitawan iyun.

"Ah," he exclaimed, satisfied. "Thank you, Caedis."

Napatingin ang dalaga sa cup saka sa binata. Nangalahati ang kape n'ya. "Tsk. Bumili ka ng sarili mong kape next time."

He smiled sweetly.

Naiiling na tinapos na lang niya ang pagkakape at itinuloy na rin nito ang pagbabasa ng erotica nito. Nakakatawa pa nga ang itsura ng binata kasi seryoso talaga ito sa pagbabasa. Ina-absorb talaga nito ang binabasang... genre.

Nang maubos na ni Kam ang kanyang kape ay nagsimula na siyang mag-aral. Oo, dinala n'ya lahat ng kanyang textbooks at notebooks.

She enjoyed the silence. In fact, she thought Cole's presence was calming and reassuring. She felt safe and she didn't feel alone. It was a big change for her.

And she appreciated it. She liked that Cole was there with her.

"Caedis. Hey, Caedis."

"Hmm?" sagot ng dalaga. Teka, bakit ang bigat ng pakiramdam n'ya? At ano 'yang kumikiliti sa ilong n'ya?

"Gising na, Caedis."

Gising?

Gulat na napabalikwas si Kam nang maintindihan ang nangyayari. She fell asleep! As in bagsak ang mukha niya sa kanyang libro na nasa ibabaw ng maliit na mesa.

"What the hell?" aniya nang makita ang paatras na si Cole at may hawak pa itong nirolyo na toilet paper.

Walang hiya talaga ang lalaking ito. 'Yun yata ang ginamit nito para kilitiin ang ilong n'ya. How she wished she sneezed on his face. Tsk!

"Haay, salamat! Nagising din ang mantika," palatak nito kaya nakatanggap tuloy ito ng masamang tingin.

"How long have I been asleep?"

"Two hours," balewalang sagot nito. Hindi na niya makita ang erotic novel nito. Nakasuot pa nga ito ng garb.

"Hindi mo ako agad ginising," pagmamaktol niya.

"Ang sarap mo kasing tingnan matulog. Maganda ka..."

Namula ang dalaga. Maganda raw s'ya oh. Nagandahan si Cole sa kanya kahit natutulog s'ya.

"... kahit tulo-laway ka," dagdag nito.

Inis na binato ito ng dalaga ng makapal na textbook na nasalo naman nito nang walang kahirap-hirap saka niya pinahid ang gilid ng kanyang bibig.

Tsk. Meron nga pero konti lang naman.

Tumawa si Cole. Libang na libang. He tossed her book back at her at nasalo n'ya 'yun.

"Bakit mo ba ako ginising?" paasik na tanong niya. Iniligpit na niya ang kanyang mga gamit sa kanyang backpack.

"Well, hindi ko nasabi sa'yo na isa sa mga kondisyon ng Director sa paglabas mo ay ang continuous combat practice natin kaya magpalit ka na ng damit. We will train."

Napatingin si Kam sa kanilang maliit na cabin. Mahal ang ibinayad niya doon pero hindi 'yun malaki.

"What? Where?"

"When? How? Why?" walang kwenta na dagdag ni Cole habang may kinukuha sa luggage nito. Dalawang metal rods na parehong two and a half feet ang haba.

"Seryoso ako, Bloodworth."

Itinuro nito ang mukha. "Do I look like I'm joking? Seryoso rin ako."

"Saan nga tayo magti-training?" singhal niya rito at ngumisi naman ito.

Sa ibabaw ng tren sila nagpunta. Sa totoo lang, parang liliparin si Kam ng hangin dahil sa bilis ng takbo niyun. She planted her feet firmly on the roof of the train but she still felt uneasy.

"A-Are you... sure this is a good idea?" she tried to balance herself in the middle of the roof. It wasn't narrow but she was still uncomfortable. Paano kung liparin nga s'ya ng hangin?

She would really kill Cole Bloodworth. For real.

At ang mokong, kampante lang itong nakatayo na para bang hindi man lang nito ramdam ang hangin.

"Just relax," anito. Wala na sa ayos ang fohawk nito pero bakit ang gwapo pa rin nito kahit magulo ang buhok?

"Ano'ng relax? Paano kung nilipad ako?" sigaw niya kahit three feet lang naman ang layo nito sa kanya.

"I can catch you, Caedis. Remember, I can control things with my mind. Hindi kita hahayaang mawala sa paningin ko. You can trust me," seryoso nitong sabi at hindi magawang sumagot ni Kam.

Bakit bumaon sa kasuluk-sulukan ng puso n'ya ang sinabi nito? Wala namang ibang ibig sabihin ang sinabi nito maliban sa bigyan siya ng assurance na hindi s'ya nito hahayaang matangay ng hangin o mahulog.

She cleared her throat and stood straight. Medyo nanginginig pa rin ang mg tuhod n'ya pero naniwala siya kay Cole.

She trusted him.

Isang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Here," he tossed to her direction one of the metal rods he had been holding. "Let's pretend these are swords. Hindi naman kasi ako pwedeng magdala ng espada sa train."

Itinaas ni Kam ang hawak na rod. "At ito pwede?"

"Sabi ko tungkod ko 'yan. Hinayaan naman nila ako. Nadala yata sa puppy eyes ko."

Umikot ang mga mata ng dalaga. Wala talagang kwentang kausap itong lalaking 'to.

Tungkod? Pambihira!

"Ready?" untag nito kaya napatigil siya sa pagmamaktol sa kanyang isip.

She nodded and posed a fighting stance. Itinaas din niya ang hawak na rod sa kanyang kanang kamay.

Walang pasabi na inatake siya bigla ni Cole. The next thing she knew, he was close to her, trying to hit her with his weapon.

Walang nagawa ang dalaga kundi sanggain ang bawat atake nito. He was strong. Really strong. Tila nagba-vibrate ang mga braso niya sa tuwing tumatama ang metal rod nito sa metal rod n'ya.

Napaatras siya, feet firm on the roof. She angled herself to get more balance.

Mabilis ang bawat kilos ni Cole at pilit na sinasabayan iyun ng dalaga. Tama nga si Tryx. Cole was really good in weaponry. If they were using swords, he would be an expert swordsman. Kam envied him.

"Aw!" sigaw niya bigla nang tumama ang weapon nito sa hita n'ya.

Masamang tingin ang ibinigay nito sa kanya kaya sheepish na napangiti ang dalaga.

Hindi naman talaga siya nasaktan. Napigilan ni Cole ang sarili bago pa man siya tamaan ng malakas na atake nito. Nagulat lang talaga siya.

"Saan ba lumipad ang utak mo?" seryoso nitong tanong. "Kung totoo labanan ito, baka naputulan ka na ng buong hita."

"Sorry. Busy lang ako sa pag-appreciate sa galing mo," mahinang sagot ng dalaga.

Cole sucked in a breath. Natigilan pa ito at umigting ang panga. Was he trying to stop himself from smiling?

He cleared his throat. "Kalaban mo ako, Caedis. Don't appreciate me no matter how good I am. Alam ko naman 'yan. Tsk!"

Napangiti si Kam. Liliparin na nga talaga siya ng malakas na ihip ng hangin. Ang hangin nito eh.

After two hours of physical training, bumalik na sa cabin ang dalawa. Unang naligo si Cole kaya nag-aral muna si Kam habang naghihintay na matapos ito.

Napatingin siya sa kanilang bintana at kita roon na mabilis niyang nadadaanan ang kulay green na mga burol. Medyo elevated kasi ang kinaroroonan ng train tracks kaya kita ang magandang view.

Napaka-opposite ng Chilakest. Their continent was highly industrialized and urbanized. A concrete jungle. Halos wala nang natirang gubat. Puro matatayog na skyscrapers ang makikita sa lahat ng sulok. And most giant businesses were owned by her family.

"Malapit na tayo sa Macon," napalingon siya kay Cole. Tapos na itong mag-shower at kasalukuyan nitong pinapatuyo ang buhok gamit ang puting maliit na towel.

Puti ang suot nitong cotton shirt, gray ang jogging pants at puti rin ang branded at mamahaling slide sandals. Suot pa rin nito ang gold chain na may letter B na pendant.

He looked so...

Kam cleared her throat. She forced her head to turn to the window again. Grabe. Halos gamitin na niya ang sariling kamay para lang mapilit ang leeg na lumingon.

Cole was just too hot. There's no denying it.

He was too attractive, it's unbelievable.

"Take a shower while I order us some food. Ano'ng gusto mo?" he flumped on his seat and started checking the laminated menu that was sitting on the table.

"Uhm... ikaw na ang bahala," anang dalaga saka tumayo na dala ang kanyang towel at mga damit na inihanda n'ya kanina.

She had to escape.

Ayaw n'ya ng sitwasyon nila. They seemed close. Napaka-kaswal na nila sa isa't isa. Cole was so comfortable with her around.

Ayaw n'yang masanay na gan'on sila.

Walang pagmamadali na naligo na si Kam. Hinilod n'ya lahat ng sulok ng katawan n'ya kahit na dulo ng buhok n'ya ay nakatanggap ng atensyon n'ya.

"Caedis, forty minutes ka na d'yan. 'Wag kang magsayang ng tubig. And the food is here," kinatok siya ni Cole.

"M-Mauna ka na," sagot niya. Tsk. Hindi naman nakabukas ang shower the whole time na nandoon s'ya ah.

"I will wait for you," narinig n'yang sagot ng binata kaya napabuntung-hininga na lang ang dalaga.

Tinapos na niya ang pagligo. Well, kanina pa naman talaga siya tapos. Nagsuot na rin siya ng puting sleeveless crop top na hapit sa katawan n'ya, high-waisted blue denim straight leg jeans at puti ring sneakers.

Nagtaas ng tingin si Cole nang lumabas siya ng shower room habang nakabalot pa sa buhok n'ya ang towel.

Hindi alam ni Kam kung namamalik-mata siya o ano pero parang nagtagal ang titig ni Cole sa kanya.

He cleared his throat and looked at the food on the table.

"Let's eat?" his voice was deeper this time and a little gruff. Ilang beses pa ulit itong tumikhim.

"Ano'ng in-order mo?" aniya para mabawasan ang kanilang tension. Ang bigat eh. Parang hindi siya makahinga nang mabuti.

"I don't know what you like so, I ordered a lot. Don't worry kung hindi mo mauubos. I eat a lot naman," anito.

Naupo na si Kam at nakita niyang may roasted rack of lamb na may kung anu-anong garnishes, braised short ribs, sautéed scallops, veal chops, cheesy baked potatoes, green beans, roasted carrots at may lemon curd mousse at chocolate fudge brownie cheesecake pa for dessert.

"Ordered a lot is an understatement, Bloodworth. This is a feast," aniya. Her mouth watered. She liked food. She liked cooking because she liked eating. Simple.

"Well, let's dig in," anito.

And dig in they did.

Walang pa-kiyeming lumamom si Kam at enjoy na enjoy din si Cole sa pagsasalo nila.

"Mmmm... this is so delicious. It's juicy and tender," Kam's eyes almost rolled to the back of her head when she tasted the ribs. Napapikit pa s'ya sa sobrang sarap. And yes, she moaned in delight.

Grabe. The chef deserved a raised.

When she opened her eyes, she saw Cole looking at her intently. His jaw was clenched and his lips were set in a thin line. And his face was beet red.

"What?" aniya. May nagawa ba s'yang mali? Was she being rude? May table etiquette ba ang Vergaemonth na nilabag n'ya?

He cleared his throat and looked down at his food. "Nothing."

Sinulyapan niya si Cole at nakatingin na ito sa labas ng bintana. Pulang-pula pa rin ang mukha nito at panay pa ang pagbuntung-hininga.

Galit ba ito? Iritado?

"Hoy! Okay ka lang?" agaw n'ya uli sa atensyon nito.

Lumingon naman ito sa kanya at napatingin pa sa mga labi n'ya.

He handed her a piece of paper towel. "Your lips... your lips are greasy."

"Oh. Sorry," agad niyang tinanggap ang paper towel at nagpahid ng mga labi. "Okay na?" she pouted to show him her lips.

At mas namula ito. Agad itong tumingin sa bintana. Again!

"Y-Yeah," pabuntung-hininga na sagot nito.

***
@immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 571K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
225K 10K 110
[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someon...
78.3K 3.7K 59
↝ ❝ gagapangin kita gabi-gabi maging lalaki ka lang, lee daehwi ❞ ↜ ↭ epistolary & narration ↭ wanna one series #1 ↭ date started (01/29/18) ↭ date...
110K 5.5K 47
Tiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fasc...