Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 70:

454 18 0
By donnionsxx04

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Di ko maiwasang maglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Marami pa namang tao at pinagtitingin na kami ng iba. May iba naman takang-taka sa dalawang kasabi ko. Hindi ko tuloy alam kung nag-aaway ba sila o ano.

Kung isa ako sa mga audience na nanonood sa kanila, masasabi kong nag-aaway sila. Para akong nasa isang drama na pinag-aagawan ng dalawang lalaki. Asa naman ako na may gusto sa amin si Sir.

"Bibitawan mo ang kapatid ko o hindi?" Tila nagbabanta na sabi ni Ros.

Tiningnan ko si Sir na nakatingin pa rin ng seryoso kay Ros.

"S-sir?" Mahinang tawag ko dito.

Napatingin naman siya sa akin. Mabilis naman niya akong binitawan. Pagkabitaw naman niya sa akin, hinatak naman ako ng mahina ni Ros palapit sa kanya.

"Ano kailangan mo sa kapatid ko?" Kunot-noong tanong ni Ros dito.

Hindi umimik si Sir bagkus nakatingin lamang ito sa akin. Feeling ko tuloy may kailangan sabihin si Sir pero hindi niya ko masolo dahil kay Ros.

Bumalik ang pagiging bossy nang bumaling si Sir Johnser kay Ros.

"Saan kayo kakain? Balak ko kasing sumabay na sainyo," sabi ni Sir sa amin.

"No---"

Mabilis ko naman hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya na dahilan hindi niya naipatuloy ang sasabihin.

"Sige po, Sir. Sumabay kana po sa amin mag-lunch ng kapatid ko." Nakangiting prisinta ko dito.

Kunot-noo na tumingin sa akin si Ros. Sinenyasan ko lamang siya sa pamamagitan ng kamay kong hawak niya. Napasimangot na lamang si Ros.

****

"Salamat po!" Nakangiting pasalamat ko.

Nilapag na nga ng tindera ang order naming pagkain. Pagkatapos, umalis din kaagad ito.

Nakangiti pa ring binalingan ko yung dalawa. Magkatabi sila kung saan kaharap ko sila, kakaiba ang tinginan nilang dalawa sa isa't-isa na akala mo may namumuong mainit na tensyon. Mukhang hindi maganda na magkasama sila, kita ko palang imposible silang magkasundong dalawa.

"Kain na tayo," sabi ko. Nilakasan ko na ang boses ko para marinig nila ako.

Kanya-kanya naman sila ng kuha ng kutsara sa lagayan. Kumain na silang pareho pero nagtatapunan pa rin sila ng tingin kada susubo.

"Isa pang kanin!" Sabi ni Ros.

"Kanin din sakin!" Sabi naman ni Sir.

Pagkaubos na naman ng kanin nila...

"Kanin!"

"Extra rice pa!"

"Extra rice!"

"Isa pa!

"Isa rin sakin!"

Nakaawang ang bibig na nakatingin ako sa kanila. Sabay nilang nilapag sa mesa ang maliit na mangkok na hinigop nilang sabaw at sabay pa silang dumighay na dalawa. Hindi ko alam kung nagko-contest silang dalawa o may pinapatunayan lang.

Nagtinginan ulit sila at ganoon pa rin kanina, mainit pa rin ang mga mata nila sa isa't-isa.

Nang bumalik ang matino kong pag-iisip, itinikom ko na ang bibig ko sabay tikhim.

"Tara na?" Yaya ko sa kanila.

Nakangiting bumaling silang dalawa sa akin. Ang bilis mag-transform ng mukha nila.

"Sige." Sabay nilang sagot.

Tumayo na nga kami sa pagkakaupo at naglakad na para lisanin ang karinderya. Ako nangunguna maglakad habang nakasunod naman si sir at Ros sa akin. Pabalik na kami ngayon sa bus dahil one minute nalang, lalarga na kami.

Pagtingin ko sa likod, nahuli ko silang tila nagbabanggaan ng balikat nila. Nang makita nila akong tumingin, nag-akbayan sila at may gumuhit na malaking ngiti sa labi nila.

"Friends kami." Sabay sabi nila. Nagtaptap pa sila ng balikat nila.

Di ko naman tinanong, bakit ganun sinabi nila?

Kumibit-balikat na lamang ako at humarap na ulit sa daanan. Napapailing na lamang ako sa pinaggagawa nitong dalawa. Hindi ko alam kung okay sila o magka-away. Bahala nga sila kung magbasagan sila ng ulo basta labas ako diyan.

MANDY YU POV:)

Nagtatawanan na bumalik na kami sa bus ng mga kasama ko. Kakatapos lang namin kumain, saan pa ba kami kumain e di sa Jollibee. Ayaw ko kumain sa karinderya. Iww! Ayaw ko maka-langhap ng mababahong amoy ng iskwater.

Yes! Maarte ako. Ano paki nyo?

Pinauna ko nang pinapasok sa bus ang mga kasama ko. Hahakyan na sana ako nang makaramdam ako ng kakaiba sa loob ng tiyan ko. D*mn! Bakit ngayon pa ko magbabawas?

"Di ka pa ba papasok?"

Napatingin na lamang ako sa likuran ko habang hawak parin ang railings ng bus. Nakita ko namang si Dylan iyon, ang cold pa rin ng mukha niya kahit kailan.

Kumirot na naman ang tiyan ko kaya nanigas ako. Please? Wag muna ngayon, bumalik ka. Sh*t!

"A-ah?" Sambit ko lang. Need ko nang mag-CR. Feeling ko di ko na kakayanin."P-pasok kana," sabi ko sa kanya at binigyan siya ng space para makapasok sa bus.

Nakaramdam ulit ako ng kirot sa tiyan ko halos napahawak ako sa bus at naninigas. Kanina, everything is under control. Ngayon, everything is abnormal. Lalabas na sya!

Papasok na sana sa loob si Dylan na mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Kaya natigilan ito at napatingin sa akin.

"Bakit?" Malamig na tanong niya sa amin.

Namilipit na naman ako. Lalabas na talaga, paani ko 'to sasabihin kay Dylan. Need ko ng CR, right now!

"Dylan, a-ano..." Please! Wag kana mahiya. Nakasalalay dito ang sarili mo.

"Ano?"

Nahihiya akong magsabi sa kanya. Bakit ganun? Sa madaming tao na pwede ko yayain, bakit si Dylan pa? Si Dylan pa makakakita ng kahihiyan ko. Panigurado matu-turn off siya sa akin.

Paano na 'to?

"May kailangan ka ba?" Tanong ulit nito.

"W-wala." Nautal na sabi ko at dahan-dahan binitawan siya.

Ano na gagawin ko? Dignidad o bawas? Jusko! Bakit nangyari ba ito sa akin?!

Papasok ulit si Dylan sa loob nang hawakan ko ulit ang kamay niya para pigilan.

"Sandali!" Napatingin naman ito sa akin.

Jusko! Lalabas na! Lalabas na siya?!

"Bakit?" Kunot-noo niyang tanong.

"Di ko na kaya." Naiiyak ko nang sabi halos napakapit na ko sa kanya at pinipilit kong di lumabas ang isang bagay sa loob ko."T-ta-tae na a-ako," mahinang sabi ko sa kanya halos manginik na ako sa sobrang sakit ng tiyan ko.

Lalabas na siya! Dylan, help me!

Mabilis naman ako hinila ni Dylan at dinala kahit saan. Tumigil na lamang kami sa isang---iww! Ayaw ko dito! Nakakadiri!

"Pasok kana," sabi niya sa akin.

"Dylan, no! So ka-dirdir." Naiiyak na sabi ko.

Nakita ko naman na maraming iskwater na nagsisilabasan at nagsisipasok sa public CR kaya mas lalo umaatras ako.

"Sa Jollibee nalang please. Ow!" Namilipit na naman ako sa sakit.

"Malayo, di mo na kakayanin makarating doon. Bilisan mo na, di kita iiwan dito." Sabi niya sa akin.

D*mn! Bahala na nga!

Tumakbo na ako papasok sa CR.

Nahihiyang lumabas na ako ng CR. Nakita ko namang nakaabang sa akin si Dylan. Totoo ngang hindi niya ako iniwan kaso nakakahiya! Ang malas ko ngayon!

"Tapos kana---"

Hindi ko siya pinansin bagkus deretsyo na ko naglakad pabalik sa bus. Hindi ko kayang humarap sa kanya. Nakakahiya talaga! Bakit ganun? Si Dylan pa talaga! Nakakahiya!

Pagkapasok sa bus, naupo na ako sa pwesto ko. Nakita ko naman si Dylan na kakapasok lamang. Nang magtama ang mata Namin, nagkunyareng nagtulog-tulugan ako.

Wala akong mukhang ihaharap sa kanya ngayon.

Bakit nangyari pa ito sa akin? Gosh! Mamamatay na sana ako please?!

ANTHONY DURAN POV:)

Kakatapos lang namin makipaglaro ng Rules of Survival. Naglalakad kami dito sa high way habang kumakain ng banana cue at umiinom ng coke mismo. Balak lang namin ipasyal si Pubg lalo na wala si Ros ngayon kaya naghahanap kami ng pagkakaabalahan.

"Nakakamiss si Ros," turan na lamang ni Jake.

"Namimiss ko yung kakulitan niya," dagdag ni Jero.

"Sana sumama nalang tayo sa kanila." Malungkot na pahayag ni John.

Sabay-sabay silang tatlo na napabuntong-hininga sa sobrang kalungkutan.

Sumipsip muna ako ng soft drinks saka nagsalita."Wag nyo na muna isipin si Ros. Isipin nyo nalang na nagbabakasyon sila ni Elizabeth. Honeymoon nila kumbaga."

Natigilan naman ang tatlo sa sinabi ko. Nagtinginan silang tatlo at may nakakalokong ngiti na lumabas sa mukha nila.

"Honeymoon? Ehem!" Malisyang sabi ni John sabay ngisi.

"Mukhang may mabubuong tao nyan," nakangiting nakakaloko na dagdag ni Jero.

"May first na tayong inaanak." Dagdag rin ni Jake sa sinabi ng kaibigan niya.

Binigyan ko naman ito ng tag-iisang batok. Napa-aray naman ito sabay sapo sa kani-kanilang ulo.

"Kahit kailan ang dudumi talaga ng utak n'yo 'no? Sa linggo, magsimba nga kayo para malinis-linisan man lang iyang mga utak nyo. Utak nyo may ubo!" Suway ko sa kanila.

Nakangusong napakamot na lamang ang tatlo sa ulo sabay inom ng softdrinks.

Bumaling na ako sa daan at sumipsip ng soft drinks. Pagkatapos sabay kagat ng banana cue. Napatingin na lamang ako kay Pubg na tulala lamang habang naglalakad. Di pa nito nagagalaw ang kinakain nito kahit ang soft drinks nitong di pa nababawasan.

Kanina ko pa napapansin mula paggising ng umaga hanggang ngayon ang pagiging tulala niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko dito sabay siko ng mahina sa braso nito.

Doon naman siya nagising sa pagmumuni niya.

"A-ah?" Naituran lamang niya nang mapatingin sa akin.

"Okay ka lang? Mukhang malalim iniisip mo ah?" Tanong ko pa rin sa kanya.

"Wala! Iniisip ko lang kung sino ba talaga ako." Rason nito kaagad sabay tawa ng pilit.

Hinakbayan naman siya nito ni Jero na kinagulat naman niya.

"Tulala yan si Pubg dahil sa chicks." Pabirong sabi ni Jero kay Pubg."Wag kang mag-alala. Tutulungan kita mapansin ka ng anak ni Carlito." Nakangiting prisinta nito.

Si Mang Carlito lang naman yung may-ari ng computer shop na pinaglaruan namin kanina, hindi doon sa mismong harapan ng apartment namin, sa kabila naman. Dalawa kasi sa barangay namin ang may computer shop.

Siguro kaya tulala si Pubg dahil nga doon sa anak ni Mang Carlito. Pinakilala kasi namin siya doon pero mukhang di siya gusto nito. Iyon ata pino-problema niya. Iba ring klase din pala magkagusto sa babae si Pubg.

"Don't worry ma' friend," humakbay rin si John dito kaya dalawang braso ang nakapatong sa balikat niya."I will help you. I will do all our best for you to win his heart. Relax and I will save your heart." Payong kaibigan sabi niya dito.

"Gag*! Anong english 'yon?" React ni Jake sabay tawa ng malakas.

"Balik ka grade one, 'tol. Mas mababagay ka doon." Pang-iinsulto naman ni Jero dito.

Nagtawanan naman kami. Napasimangot lamang si John na tila napikon ito sa mga sinabi ng kaibigan niya.

Napansin ko naman si Pubg na pilit lamang ang tawa niya. Tila napipilitan pero pinapakita niya nakikisama siya sa amin. Mukhang ibang problema ang iniisip nito at hindi ang babae. Ano kaya iyon?

ANDREW SY POV:)

Narinig ko ngang bumukas ang pinto ng office ko. Pagkalagok ko ng alak, saka ako humarap dito at tama nga ang hinala ko, ang assistant ko ang pumasok.

Tumigil ito sa harapan ko sabay bow para magpakita ng paggalang.

"Nakaalis na sila?" Tanong ko rito sabay lapag ng baso sa table ko.

"Opo." Sagot nito.

"Good." Sabi ko sabay kuha ng alak at nagsalin.

"Sinama ni Sir Johnser ang janitress sa kanila." Dagdag nito na dahilan natigilan ako.

Nilapag ko na ulit sa mesa ang alak at kunot-noo na tumingin dito.

"Sure ka?" Tanong ko.

"Opo." Sagot nito sabay yuko.

Mukhang tuluyan nang nahumaling si Johnser sa babaeng iyon. Ano meron ang babae para magkaganito siya? Hindi siya kagandahan at mukhang eskwater sya. Posible kayang ginayuma siya ng babaeng iyon?

"Yung inutos ko sayo noon na kunin ang impormasyon ng babaeng iyon, gawin mo na. Kailangan ko iyon, ngayon din." Utos ko dito.

"Masusunod po." Sagot dito sabay bow.

Umalis na nga ito at naiwan akong mag-isa sa office.

Tumungo ako sa bintana habang dala ang baso na naglalaman ng alak. Malalim ang iniisip na nilagok ko ang alak na nasa baso. Malalim pa rin ang iniisip na nakatingin ako sa labas.

"Hindi ako papayag na makapag-asawa ng eskwater si Johnser. Hahanap ako ng paraan para lumayo ang janitress iyon sa kanya dahil magiging sagabal lamang iyon sa buhay niya." Sa isip kong turan at lumagok ulit ng alak.

To be continued...

Sorry sa mga typos o grammar.
Aayusin ko nalang ito.
Don't forget to like, comment and follow me.
FB page: Lovely Adeline xx
FB group: Lovely Adeline Babies

Continue Reading

You'll Also Like

113K 2.7K 36
She's simple, a typical nerd. Pero sa unang pagkikita pa lang namin na inlove na kakagad ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ako nagkagus...
463K 10K 64
"Woman, I will be loyal to you. I will love you but please love me back " "Gusto kong magsikap at abutin ka, masyado kang mataas. Tinitingala ka ng m...
45.6K 1.2K 30
Dahil sa isang misyon na kailangan mong gawin ay doon mo rin pala makikilala ang taong magpapatibok ng iyong puso. Aria Bailey at Creed Nicholson ay...
467K 10.5K 54
β€’ Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. β€’ kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18