Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 74

62K 3.4K 2.7K
By DemLux_Pain

Nang marinig ko ang malamig na boses na 'yon ay hindi ko alam kung dapat ko bang imulat pa ang mga mata ko. Kaya naman mas diniin ko na lang ang mukha ko sa dibdib ni Trider at doon nagtago. Pero mukhang mali yata ang ginawa ko dahil bigla na lang nanigas ang katawan ni Trider at mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya.





'Aiya! Ano nang nangyayari at pati ang inosenteng si Trider ay nagkakaroon na rin ng reaksyon. Wala pa naman akong ginagawa ahh!'





"I can't do that."





Napalunok na lang ako nang marinig ang malamig na boses ni Trider. Shit! Muntik nang mawala sa isip ko na may galit nga pala ang lalaking 'to sa mga noble. Kaya kapag hindi 'to naagapan ay siguradong giyera ang mangyayari. Lalo pa't ang nasa harap niya ngayon ay ang pinakademonyo at male lead ng nobela na si Vile!





'Geez! Dapat ko na bang imulat ang mga mata ko?!'





BRICK'S POV (pink haired guy)





Nang makarating kami sa hotel ay agad naming nakita ang mga nakapaligid na sundalo sa buong lugar. Sigurado ako na sila ang mga pinadalang tao ng Military Sect para mailabas ang lahat ng tao sa hotel ng ligtas. Marami din ang nagkalat na reporter at ibat-ibang journalist na galing pa sa mga malalaking entertainment company ng Atlante.





"Kailangan nating makapasok nang hindi nila napapansin. Alam niyo na ang gagawin niyong dalawa, diba?" Seryosong tanong ni Butch na nakasuot ng all black na damit.





"Yup!" Nakangising sagot ni Boomer na nakasuot din ng itim ngayon.






Kung tutuusin ay mukha talaga kaming mga assassin sa mga suot namin kaya kailangan naming mag-ingat. Mamaya mapagkamalan pa kaming kalaban, edi lalo naman kaming nalintikan kay boss kapag nagkataon.





"May puno doon sa gilid na pwede nating akyatin," biglang sabi ni Boomer na nakatingin sa medyo tagong bahagi ng gusali.




"Okay, let's go!"





Mabilis kaming kumilos at patakbong lumapit sa puno na nakita ni Boomer. Syempre habang ginagawa namin 'yon ay kailangan naming mapanatili na tago ang presensya namin mula sa mga sundalo. Malakas din kasing makaramdam ang ilan sa kanila kaya pagalingan lang talaga ang labanan.






'Well, tiwala naman ako sa kakayahan naming tatlo bilang assassin, kaya sigurado akong hindi nila kami mahuhuli. *Smirks*'





Agad kaming umakyat ng puno at isa-isang umapak sa sanga. Manipis na lang kasi 'yon dahil nasa may kataasan na kami ng puno. Para makapasok sa third floor ng hotel ay kailangan naming buksan ng tahimik ang bintana.





"Shh! May sundalo sa baba kaya huwag kayong huminga." Seryosong utos sa'min ni Butch na kinakunot ng noo namin. Anong huwag huminga? Siraulo ba siya?!





Hindi na lang namin siya pinansin at hinintay na makalagpas sa pwesto namin ang mga naglalakad na sundalo sa baba. Mukhang naglilibot-libot sila para malaman kung may mga naiwan o na-trap pang mga tao sa loob ng building.





"Let's go." mahinang sabi ni Butch nang makaalis na ang mga lalaki.





Nasa unahan namin siya ngayon kaya siya ang mauunang pumasok sa loob. Nang makatapak sa dulo ng sanga ay mabilis siyang tumalon pakapit sa bakal na meron sa gilid ng bintana. Agad niya ding binuksan ang bintana atsaka pumasok sa loob ng kwarto.





Hinintay lang namin siya ni Boomer na magbigay ulit ng signal para pumasok. Titignan niya pa kasi kung may mga kalaban sa paligid bago niya kami pasunurin. Isa kasi 'to sa mga routine namin lalo na kung tatlo lang kami ngayon.





Kapag pumasok kasi kami nang sabay-sabay ay malaki ang tsansa na maraming kalaban sa kabilang side, ibig sabihin non lahat kami ay mamamatay. At kapag namatay kaming lahat ay siguradong hindi namin matatapos ang misyon namin. Kaya naman si Butch ang pinauna namin para kapag maraming kalaban sa kabila ay siya lang ang mamamatay. Haha!





Ilang sandali nga ay nakita na namin si Butch na sumilip sa bintana at agad kaming sinenyasan. Si Boomer na nasa harap ko ay mabilis na tumakbo sa sanga at mabilis na tumalon papasok ng bintana. Nang makatayo na siya ay tsaka ako sumunod sa pagtalon.





"Walang kalaban sa labas ng kwarto pero siguraduhin niyo pa rin na walang matatamaan sa inyo." sabi pa ni Butch na kinatawa naman ni Boomer.





"Yes, father."





"Shut up! Baka nakakalimutan mo na muntik ka nang mahuli ng mga tauhan ng Caventry sa misyon natin last time?!" Inis na paalala pa niya kay Boomer na natigilan ngayon.






Marahil ay naalala niya nga ang kapalpakan niya nitong nakaraang linggo. Sino ba naman kasing abno ang ihuhulog ang vase ng kwarto ng target niya diba? Muntik na tuloy kaming mahuli ng mga trainee sa training ground dahil sa kabobohan niya.





'Hayys! Sinasabi ko na nga ba at hindi talaga bagay sa'kin ang maging pinakabobo sa kanila ehh!'






"Bilisan na natin dahil nasa 20th floor pa ang venue ng event." Sabi ko na lang at nauna nang lumabas ng kwarto.





Sumilip muna ako sa mahabang pasilyo para tignan kung may kalaban. Nang masiguro na wala na sila ay tsaka ako lumabas at hindi na pinansin ang mga katawang nakahandusay sa sahig. Halos lahat sa kanila ay patay na pero alam ko na may iba sa kanila na humihinga pa at lumalaban sa buhay.





'Hmm... I feel too bad for them since this place will be wrecked soon.'





Naglakad na kami papunta sa elevator ng hotel. Kahit kasi na medyo patay-patay na ang ilaw dito ay isang malaking himala na may gumagana pa ring elavator. Kaya naman para sa tamad na tulad ko ay isa itong biyaya! Sino ba naman ang gugustuhing umakyat ng hagdan mula third floor papunta sa twentieth floor, diba?





Atsaka mahirap kaya makipagbarilan sa mga hagdanan. Bukod kasi sa aalalahanin mo ang kalaban mo, ay kailangan mo pang mag-ingat at baka bigla ka na lang gumulong-gulong pababa ng hagdan. Patay ka na tapos bali-bali pa buto mo. Tsk!





'Abnormal lang ang gugustuhing makipaglaban sa hagdanan, okay?!'





"Sigurado ka bang nandito pa si Lady Heavenhell? Wala na kasi akong nakikitang mga tao na pagala-gala sa buong lugar." Sabi ko na lang sa dalawa na may kaniya-kaniyang baril na hawak.





"Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko na nasa loob pa siya." Seryosong sagot ni Boomer na nakasandal ngayon sa elevator.





"Ako rin malakas din ang kutob ko..." sabi ko na lang na kinakunot ng noo niya.





"Malakas ang kutob mo na alin?" tanong niya.





"Malakas ang kutob ko na mamamatay ka ngayong gabi. Hahahaha!" natatawa kong sabi.





"Funny!" inis niyang sabi at tinarayan ako. Minsan din talaga ay naiisip ko na Bakla 'tong bubble gum na 'to tapos may gusto siya sa'kin. Tsk! Tsk! Iba na talaga ang gwapo ngayon!





"Focus!" Biglang sigaw ni Butch at mabilis na pinaputok ang baril sa mga kalaban.





Agad kasi kaming sinalubong ng mga kalaban pagkabukas pa lang ng elevator. Hindi naman yata sila excited na mamatay no? Napangisi na lang tuloy ako at tinutok ang baril sa lalaking nakatago sa lamesa ng venue.





Mukha namang naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya dahil mabilis siyang lumingon sa'kin. Itututok niya sana sa'kin ang baril niya kaya lang mas mabilis kumilos sa kaniya ang bala ng baril ko. Wala pang segundo ay duguan na siyang bumagsak sa sahig.





Napahinto pa nga sina Butch at Boomer at napatingin sa'kin. Hindi siguro nila akalain na may kalaban na nagtatago sa lamesa, kaya nagulat sila sa nalaman na niligtas ko ang buhay nila. *light coughs*





"Good job, bro!" Nakangiting sabi ni Boomer habang naka-thumbs up pa. Nginitian ko na lang siya pabalik atsaka tinapos ang mga natitira pang kalaban.





"Umakyat na tayo dahil mukhang wala nang taong buhay pa sa palapag na 'to." Seryosong sabi ni Butch habang nakatingin sa mga bisitang wala nang buhay na nakahiga sa sahig.





Puno na rin ng dugo ang paligid at nagmumukha talagang may massacre na naganap sa event. Sana nga talaga ay ayos lang ang kalagayan ni Lady Heavenhell dahil malalagot kami kay boss kapag may nangyaring masama.





"Let's go!" tawag sa'min ni Butch na tumakbo papunta sa elevator.





Nang makarating kami sa tapat ng elevator ay hinintay na lang namin na bumukas ito. Ang kaso nang makita namin na bumukas na ang pinto ay tsaka namin napansin na may tao sa loob. Nang makilala namin kung sino ay agad na bumilis ang tibok ng puso namin sa sobrang kaba.





"B-boss..."





PIRA'S POV





Tahimik lang akong sumunod kay Lady Heleina nang makarating kami sa hotel. Pagkarating namin ay agad kaming hinarang ng mga tauhan na nasa Military Sect. Nang makilala kami ay bigla silang napatigil.






"Go-good evening, Lady Caventry. Anong maitutulong namin sa inyo?" magalang na tanong ng isang sundalo.





"Just let us in." Seryoso na sabi ni Lady Heleina habang nakatingala sa mataas na gusali ng hotel.



"I-I'm sorry but we can't do that, Milady. T-the general told us to stop everyone from going inside since we would be undergoing a rescue operation." Nauutal na sagot ng lalaki.





Hindi ko tuloy maiwasan na mapataas ng kilay. Kung umasta kasi siya ay para bang hindi siya sundalo. Kahit naman na nakakatakot talaga si Lady Heleina dahil sa family background nito, ay hindi dapat niya 'yon pinapakita dahil hindi niya magagawa ng maayos ang trabaho niya.





Tulad na lang ngayon, imbes na magmukha siyang nakakatakot at seryoso ay nagmumukha siyang mahina. Paano siya susundin ng tao kung ganiyan siya magsalita? Pero hindi ko naman siya masisisi dahil ganiyan din ang nararamdaman ko kapag nakikita kong biglang nagseseryoso si Lady Athy.





May kakaiba talaga kay milady pero nagkukunwari na lang akong walang napapansin. Minsan ay nakikita ko siyang tumatawa mag-isa, tapos biglang ngingisi na para bang may balak gumawa ng masama.






Bilang maid ng pamilya na parte ng Mafia Organization ay sinanay din kaming makipaglaban at bumasa ng emosyon ng mga tao. Isa rin ako sa pinakamagaling na trainee noon, kaya nang malipat ako sa Caventry Palace bilang personal maid ni milady ay nakasanayan ko nang basahin ang emosyon nito.





Lagi kong nakikita ang lungkot sa mata niya, sa tuwing pinagtatabuyan siya ng lahat. Kaya naman nangako ako na mananatili sa tabi niya kahit anong mangyari. Pero ngayon ay malaki na ang pagbabagong nagyari kay Lady Athy.





Hindi ko na mabasa ang emosyon nito at wala akong makita na kahit na ano sa mga mata niya. Para bang isa lang siyang tao na walang kaluluwa. Mahirap ipaliwanag pero sa tuwing ngingiti si Milady ay hindi ko masabi kung totoong masaya siya dahil sa mga mata nitong walang laman.





May isa ring beses na nakaramdam ako ng labis na takot kay milady. Nakita ko kasi sa mga mata nito ang kakaibang galit na para bang handa na siyang pumatay. Kaya naman sa gabing 'yon ay agad akong pumikit bago tumingin ulit sa kaniya para tignan kung namamalikmata lang ba ako. Pero pagmulat ng mata ko ay nakangiti na siya sa'kin at nagbalik na naman sa dati ang mata niya.





'She's like a living person who lost her soul.'





Napailing na lang ako sa naisip at tumingin kay Lady Heleina na masama na ang tingin ngayon sa sundalong humaharang sa'min.





"I don't care. I'm also here to rescue my sister, so get out of my way." Mataray nitong sabi na kinatingin ng mga sundalo sa isa't-isa. Mukhang hindi na nila alam ang gagawin.





"B-but we can't."





"Don't stop me if you still want to live." Malamig na sabi na ni milady sa kanila. Bigla namang may babaeng nakasuot din ng military uniform ang lumapit sa'min.





"The colonel called, it's okay. Let them in." Seryosong sabi nito na kinangiti na lang ni milady.





"Good choice. Let's go, Pira."




"Yes, my lady."





Maraming napatingin sa'min na sundalo pero hindi na nila kami hinarang ulit katulad kanina. Yung iba pa sa kanila ay nakatitig sa'kin na parang bang pinapahiwatig nila kung anong ginagawa ng katulong na tulad ko sa ganitong klaseng lugar.





Ngayon kasi ay suot-suot ko ang maid uniform ko dahil ayokong makaagaw ng atensyon, pero mukhang mas natuon yata sa'kin ang mga mata nila dahil dito. Tsk!



"Ready your weapon, Pira." Paalala sa'kin ni milady na kasalukuyang may hawak-hawak na baril sa magkabilang kamay nito.






Nang makapasok na kami ng elevator ay tsaka ko na nilabas ang armas na binigay sa'kin ni Lady Athy nitong mga nakaraang araw. Sabi niya ay maghanda daw ako sa pwedeng peligrong mangyari kaya dapat lagi ko daw 'tong dala. Ngayon nga ay ang araw na una ko siyang magagamit kaya hindi ko maiwasang mapangisi.



Nang mailabas ko na ang armas mula sa loob ng uniform ay agad na napatingin sa'kin si Lady Heleina. Nakatitig lang siya sa hawak ko at kitang-kita ang pagtataka sa mata niya.





"What is that weapon? That looks cool!" Excited niyang sabi habang nagniningning ang mga mata.





"Lady Athy said that this is a curved double-bladed knife." sagot ko na Lalo niyang pinagtaka.





"My big sis? How did she know?"





"She gave this to me." Nag-aalinlangan kong sagot. Baka kasi masamain niya ang pagbibigay sa'kin nito ni Lady Athy, kaya hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kaniya.






"W-what? Did she give that to you? I also want one! I'm so jealous!" Nakasimangot niyang sabi na kinahinga ko ng maluwag. Mukhang hindi naman nagalit si milady kaya nakabawas ng aalalahanin ko.





"You can ask for one, my lady."





"Okay, but now let's focus on our killing spree." Nakangiti niyang sabi bago kinasa ang baril na hawak niya.




"Yes, my lady."




Nang bumukas ang elevator ay wala kaming nakita na kalaban sa kahit na anong sulok ng palapag. Ang nakikita lang namin ay ang mga katawan ng bisita at maging mga lalaking nakaitim na sa tingin ko ay ang mga kalaban.





Mabilis kong nailibot ang paningin at sinuri kung isa ba si Lady Athy sa mga katawan na nasa loob. Nang makita na wala siya sa kanila ay agad akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Sana nga ay ayos lang ang lagay niya ngayon hangga't 'di pa namin siya nakikita.





"Milady, sa tingin ko ay kailangan pa nating umakyat ng ilan pang palapag." Suhestyon ko sa kaniya na nakasimangot na ngayon.





Sigurado ako na disappointed siya na wala siyang naabutan na kalaban sa paligid. Napansin ko rin kasi na mahilig pumatay ang bunso sa mga Caventry kaya hindi ko alam kung kanino ba siya pinaka-nagmana.





"Okay, let's go!"





***




Ngayon ay buong oras kaming naglilibot sa iilang mga palapag ng hotel, pero wala na kaming makita na kalaban. Puro katawan na lang nila at ng mga tao ang naaabutan namin. Para bang may nangyari nang patayan at na-late na kami sa eksena.





"It's so annoying! Bakit wala na masiyadong kalaban sa paligid?! Namatay na ba sila agad?" Naiinis na tanong ni Lady Heleina.





Kasalukuyan kasi kaming nasa thirtieth floor ng hotel at wala pa rin kaming nasasalubong. Kahit nga ako ay naiinip na dahil ang buong akala ko ay magagamit ko na ang regalo sa'kin ni Lady Athy. Tsk!





"Pumunta na lang tayo sa next floor, Pira. Sana lang ay may maabutan pa tayo don." Nakasimangot niyang sabi atsaka pumunta ulit sa elevator.






Pagbukas ng pinto ay agad na napatawa si Lady Heleina sa nasaksihan. Nakita niya lang naman ang iilan sa mga kalaban na nagtatago sa isang pader. Parang sa ginagawa ng mga ito ay may pinagtataguan sila na hindi mo maintindihan. Hindi ba dapat sila ang humahabol at naghahanap ng biktima, bakit ngayon sila pa ang nagtatago?





"Hihi! This is nice! Pira, sa'yo na ang dalawa sa kaliwa tapos sa'kin na ang lima na nasa kanan. " Nakangiti nitong sabi na kinatango ko na lang. Hindi na rin ako nagreklamo dahil magpapasalamat pa ako na may binigay siya sa'kin na dalawa.





Tulad ng napag-usapan ay agad akong lumapit sa dalawang lalaking nakaitim na mukhang hindi pa yata nararamdaman ang presensya namin. Nang makalapit sa kanila ay mabilis kong tinutok sa kanila ang blade na hawak ko. Nakita ko ang paninigas ng katawan nila at sabay na humarap sa gawi ko.





"Y-you? Who are you?!" Sabay nilang tanong na mukhang gulat na gulat na makita ako sa likod nila.





"Me? I'm just a normal maid," naka-poker face kong sabi bago sila ginilitan sa leeg.






Nang makitang bumagsak sila sa mismong paanan ko ay agad ko silang sinipa palayo sa'kin bago pinunasan ang blade ng kutsilyo. Ayoko kasing madumihan ang bigay na regalo sa'kin ni milady kaya dapat ay agad ko 'tong linisan.





Pagkatapos kong punasan ang blade gamit ang palda ko ay tsaka lang ako nagkaroon ng panahon na tignan ang lagay ni Lady Heleina. Pagtingin ko sa gawi nila ay doon ko nakita ang nakangising mukha nito na isa-isang binabaunan ng bala ang mga ulo ng lalaki.






Kahit na patay na ang mga lalaki ay hindi pa siya tumigil at pinagsisipa ang katawan ng mga 'to.





"Annoying! Dirty! Bastards! Jerks!" Sunod-sunod niyang sigaw habang sinisipa pa rin ang mga katawan sa sahig.






"Milady, they're dead." Sabi ko na lang nang makita na wala siyang balak na tumigil. Napatigil naman siya nang marinig ang boses ko bago tumayo ng maayos.






"Okay, but big sis is not here! Where is she? Do you think she's alright, Pira?" Nag-aalala niyang tanong sa'kin habang tumitingin-tingin sa paligid.



"Yes, I'm sure, since I know that Lady Athy can protect herself." Seryoso kong sagot dahil naniniwala ako na hindi mahina si Lady Athy. I can feel it!





"Oh? You also know that! Me too! I believe that big sis is really strong but decided not to fight. " Nakanguso niyang sabi na pasimple ko na lang na kinailing. She's weird and her sister is weirder...


"Yeah, that's right."





"Okay, let's just find her on the other floors." Sabi niya at dumiretso na sa elevator na agad ko namang sinundan.





'Lady Athy, I hope your safe and wait for us...'





THIRD PERSON'S POV





Sa isang palapag ng hotel ay nakangiti si Clive habang may hawak-hawak na M4 carbine assault rifle. Isa-isa niyang pinagbabaril ang mga lalaking naka-itim na nakikita niya, at habang ginagawa niya ito ay binibilang niya ang mga kalabang napapatay niya sa kaniyang isipan.

Sa kabilang banda naman ay mabilis na pinapaikot ni Lemuel ang hawak nitong black metal staff sa kaniyang kamay. Malakas niyang hinahampas ang kaniyang armas sa ulo ng mga kalaban. Hindi man agad-agad na binabawian ng buhay ang mga ito ay halata pa rin sa mukha ni Lemuel na natutuwa siya sa ginagawa.


Isa kasi sa dahilan kung bakit ito ang napili niyang dalhin na armas ay para masulit niya ang pagpatay sa mga kalaban. Ayaw niya kasi na mabilis mamatay ang target niya kaya naman ito ang natripan niyang gamitin.





Samantala, si Deyl ay masaya din sa ginagawang pambabaril niya sa kalaban. Kahit na hand gun lang ang dala niya ay marami pa rin siyang napapatumba at hindi nalalayo sa dami ng bilang na napatay ni Clive.





Sa isang sulok naman ay sinusuri muna ni Alexio ang mga katawan na napapatumba ni Lemuel bago patayin. Hawak-hawak ang scalpel ay isa-isa niyang hinihiwa ang leeg ng mga kalaban habang dahan-dahan siyang umiikot sa buong lugar.




Nagbabakasakali kasi siyang may mahahanap na bagong katawan para gawing test subject para sa gagawin niyang lason. Gusto niya kasing mas pabilisin pa ang pag-epekto ng lason sa katawan ng tao at magagawa niya lang 'yon kapag marami na siyang tao na nakuha.






Nang mapatumba ang lahat ng kalaban sa mga ibat-ibang palapag ng gusali ay napaupo na lang sa sahig si Lemuel. Napagod kasi siya sa kakahampas ng armas niya sa katawan ng mga kalaban.






"Whoa! Killing is really my favorite exercise." Nakangiting sabi ni Clive habang nakasandal sa pader ng mahabang pasilyo ng palapag.





"It's just an exercise for you?! How come? It's the best moment of my life!" Nakangising sabat naman ni Lemuel nang marinig ang sinabi ng kaibigan.





"Idiots." naiiling na sabi na lang ni Alexio nang marinig ang pinagsasabi ng dalawa.





Hindi na rin siya nagtaka na kung umasta ang dalawa ay parang sayang-saya sila sa pagpatay. Sa kanilang lahat kasi ay si Clive at Lemuel ang pinaka natutuwa kapag may laban na nagaganap sa paligid nila.



"Oh, Alexio? You're the weirdest here! Why are you still holding a scalpel? " Mapang-asar na tanong ni Lemuel nang makita ang scalpel ni Alexio na may bahid ng dugo.





"This is my weapon."





"Your weapon is boring! Change it!" sabi pa nito habang nakadila pa.






"Your staff that you're holding is much more boring than mine." Seryoso na sagot ni Alexio na kinatigil ni Lemuel.



"He's right, Lemuel! Why did you choose to bring that one? " Biglang tanong ni Deyl na nakatayo sa 'di kalayuan mula pwesto nila.



"It's easy to carry since it's not heavy." Sagot nito at mabilis na pinaikot sa kamay ang hawak na armas.



"Well, you're both weird. But still, my gun killed more people than yours did." Pagyayabang ni Deyl habang nakahawak sa pistol nito.





Nang marinig ni Clive ang sinabi ng pinsan ay agad niya itong sinamaan ng tingin. "As far as I remember, my carbine killed dozens of them, so I won!"






"It's obvious, okay?! Both of you are using guns!" Nakasimangot na sigaw ni Lemuel sa magpinsang nagsasamaan ba ng tingin ngayon.






"It's your problem, not ours! But wait... Why does it seem that we have forgotten something important?" Biglang tanong ni Clive na kinatingin ng apat.






Si Lemuel naman na kanina pa hindi mapakali sa loob-loob niya ay napatingin kay Clive nang marinig nito ang kaniyang sinabi. Magmula kasi nang mamatay ang ilaw ay nakaramdam na agad siya na para bang may nakalimutan siya pero hindi niya maalala kung ano.





"Yeah, you feel it too?" tanong niya dito.





"Hmm... Wait! Have any of you seen Venven?"





Sabay-sabay na nagkatinginan si Deyl at Lemuel nang maalala na kasama nga pala sa event si Heavenhell.





"S-shit! I almost forgot about her! " Gulat na sabi ni Lemuel habang iniisip kung nasaan na nga ba ang babaeng 'yon.





"But wait, where's Vengeance?" tanong ni Deyl nang mapansin na wala sa paligid si Vance.





"I'm here."





Napatingin silang apat sa pinanggalingan ng boses at doon nga nila nakita si Vance na may hawak-hawak din na baril sa kaniyang kanang kamay.





"Have you seen my love?" tanong ni Deyl na agad kinatingin ng masama ni Clive.



"What? Why are you looking at me like that?!" Natatawang tanong ni Deyl sa pinsan na sobrang sama ng tingin sa kaniya. Kung makatingin kasi siya ay para bang handang-handa na siyang pumatay.





"Stop calling her like that." Seryoso nitong sabi na kinatigil ni Deyl. Alam niya kasi na loko-loko ang pinsan niyang yan, pero kapag ganiyang seryoso na siya ay dapat ka nang matakot. Isa pa rin siyang Lucretius- ang pamilyang kinakatakutan ng lahat.






"Okay! Okay! So, have you seen Lady Heavenhell?" seryoso niya ng tanong kay Vance na kararating lang.






"Yeah, she was with me awhile ago." Naka-poker face nitong sagot na parang walang problema sa sinabi niya.





"So where is she now?" Tanong ni Alexio na kasalukuyang pinupunasan ang salamin nitong natalsikan ng dugo.





"I don't know. I lost her."





Nanlaki ang mata nila Lemuel sa narinig. Lalo na nang makita nila ang walang emosyon nitong mukha. Sa itsura niya kasi ay parang wala siyang pakialam kung may mangyaring masama sa kasama niya kanina.



"What?! She's safe, right?" Tanong ni Lemuel sa kanila na tahimik lang sa kani-kanilang pwesto.






"I think she is..." Nag-aalinlangan na sagot ni Deyl habang iniisip ang posibilidad na mangyari kapag napahamak ang young lady ng pamilya Caventry.





"Who's safe?"




Isang malamig na boses ang narinig nina Lemuel na bigla nilang kinatigil. Boses pa lang nito ay alam na nila kung sinong demonyo ang dumating. Sabay-sabay silang lumingon dito at doon nakita nila ang young master ng Lucretius na nakasuot ng black tuxedo. Sa itsura nito ay alam na agad nila na kauuwi lang niya galing sa business trip mula sa Mordovia.





"B-brother?! Ahmm... " Gulat na sabi ni Clive habang iniisip kung anong pwedeng ipalusot sa kapatid. Mag-iisip pa lang sana siya nang bigla na lang nagsalita ang walang hiya niyang kasama na si Alexio.






"We're looking for Ms. Caventry. She's gone." seryosong sagot ni Alexio habang pasimpleng nginingisihan ang naiinis na si Clive sa gilid niya.





"So why are you still here?" Malamig na tanong ni Vile na pinagtaka nila. What do you mean by why we're still here?





"H-huh? What? " Nakakunot-noong tanong ni Clive sa kapatid pero nang marinig nito ang susunod niyang sinabi ay wala pang ilang segundo silang nagtayuan para kumilos.





"Find her."


BUTCH'S POV (Green-haired guy)





Tahimik lang namin sinusundan si Boss na tahimik lang ding tinitignan isa-isa ang mga kwarto dito sa 32nd floor ng hotel. Ngayon ay hiwa-hiwalay naming ginagawa ang paghahanap para mas mabilis ang proseso, pero kahit anong hanap namin ay hindi namin makita si Lady Heavenhell.





Napatigil lang kami nang may marinig na malakas na kalampag at doon ay nakita namin si boss na malakas na sinisipa ang pinto ng isang kwarto. Mabilis akong lumapit, ganoon din ang dalawang kumag at tinulungan si boss na buksan ang pinto.





Nang bumukas ito ay mabilis na pumasok si boss at patakbong binuksan ng isa pang pinto sa loob ng kwarto. Kami namang tatlo ay naiwan sa labas. Ang tanging nakita lang namin ay may babae na duguan na nakahiga sa kama. Sa itsura pa lang non ay alam mo na kaagad na patay na ang babaeng 'yon.





'Shit! Sa tingin ko ay magkaibang tao ang pumatay sa babae at sa mga bisita ng event. Kung totoo ngang magkaiba sila, sino naman ang isa?'





Napatigil ako sa pag-iisip nang bigla na lang lumabas si boss ng kwarto habang buhat-buhat ang isang babae. Sa tingin ko ay siya na nga si Lady Heavenhell! Ang milady na iniingatan ni boss...





"Boss..."





"That bastard. Find him." Malamig na utos niya sa'min bago naglakad paalis.





'That bastard?! Shit! Mukhang magiging mahirap ang susunod naming trabaho...'





"Good luck to us!" Napapakamot na sabi ni Brick sa gilid habang nakatingin sa pigura ni boss na papaalis na. Napailing na lang ako at minabuti pang umalis na ng lugar.





'I need to find the bastard my boss is talking about.'





HEAVENHELL'S POV




"Shit! What should I do? How come that the demon himself is here? '





Nanatili akong tahimik habang iniisip ang gagawin. Kung imumulat ko ang mata ko ay malaki ang tsansa na kailangan ko na namang umarte, ibig sabihin dagdag sakit na naman ng ulo ko. Pero kapag hindi naman ako nagsalita ay baka magkaroon pa ng away sa pagitan nila.





'Like duh? Masamang magkagalit na agad si Trider at Vile, okay? Wala pa nga si Lilian tapos war na agad sila?'





"I can't do that."





Nang marinig ang sinagot ni Trider kay Vile ay halos hindi na ako makahinga sa kaba. Hindi naman siguro maglalabas ng baril ang male lead para patayin si Trider, diba?





"Bro, calm down. She's Heavenhell's personal bodyguard. " Dinig kong sabi ni Clive na mukhang kasama pa yata ng male lead ngayon.





'Shocks! Huwag niyong sabihin na magkakasama sila ngayon?! Shit! Kakaiba na ang mga nangyayari at pati ako ay naguguluhan na.'





"But this is our first time seeing you around. Are you really her bodyguard?" tanong pa ni Lemuel.






Paano ba naman nila makikita ang animal na 'to kung nagti-training pa diba? Aiya! Dapat na ba akong magpaliwanag? Kaso ang sakit na talaga ng pisngi at panga ko dahil sa isa pang animal na si Theo!





"I am." Malamig na sagot ni Trider na kinangiti ko na lang sa utak ko.






'Go, Trider! Paalisin mo na sila at nang makauwi na tayo. Your lady is so tired!'





"He's right. I saw him one time at the boutique with Venven. " Dagdag pa ni Clive. Buti pa 'to ang talas ng memorya! Ako nga sa sobrang daming impormasyon sa utak ko ay hindi ko na maalala ang iba. Tsk!






"But why did he appear just now? Isn't he supposed to be with her all the time?" Sa pagkakataong 'to ay si Deyl naman ang nagtanong. Nakahinga nga ako ng maluwag nang hindi niya ako tinawag na "my true love" o kung ano man.






"That's right, we can't trust you, so hand her over. " dagdag pa ni Lemuel na kinainis ko.





Bakit ba kinukuha pa nila ako kay Trider? Hindi ba nila nakikita na nag-eenjoy na ako sa mga bisig ng gwapong animal na 'to? Aiya! Nababaliw ka naman, Carnelia! Nasampal ka na't lahat-lahat ang landi mo pa rin?






"It's none of your business what I'm doing with my lady. If you'll excuse me, I need to take her to the hospital." sagot na ni Trider.





'Teka? Anong hospital? Masiyado na ba akong malala at doon ako balak dalhin?'



"Hospital?! What happened to her?!" Nababaliw na tanong ni Lemuel na akala mo kamag-anak ko kung makasigaw.



"I don't know."





Nang marinig pa rin silang nagsasalita ay pasimple akong gumalaw para ayusin ang pwesto ko. Medyo nangangawit na kasi ako nagmistulang estatwa si Trider sa hindi ko malamang dahilan.






"W-wait! What happened to her face?" Tanong ni Clive na parang nagulat pa na nagkaroon ng gasgas ang maganda kong mukha. Hayys!






Napatigil na lang ako sa pagyayabang sa isip ko nang marinig ang nagmamadaling yabag na papalapit sa pwesto namin. Damn! Bakit pakiramdam ko padami sila ng padami? Dapat na ba akong maiyak na maraming concern sa'kin? Kalokohan!





"M-my sister, is she okay?!" Nag-aalalang tanong ni Heleina nang makalapit sa'kin.





"We need to take her to the hospital, Lady Heleina." seryoso na sabi ni Trider. Gusto kong magsalita na huwag nila akong dalhin doon pero malalagot naman ako. Ayoko ngang makita ang male lead na nararamdaman kong masama na ang tingin sa'kin ngayon.





'Hindi niya naman siguro ako papatayin kapag nagkita kami ulit diba?! Diba? Aiya! Wala akong ideya!'





"Wait, but my brother is here. Let him take care of her. " Sabat pa ni Clive. Konti na lang talaga ay masasapak ko na Ang character niya ehh. Bakit ba pinipilit niya sa'kin ang kapatid niya? Wala naman yung gusto sa'kin kaya bakit ayaw niyang manahimik?



"No. She's my responsibility, so I am the one who will take care of her." Malamig na sabi ni Trider na ikinapalakpak ko sa aking isip.





'Good job, Trider! Huwag mo kong ibigay sa mga human lying detector na 'yan! Ang hirap mag-isip ng palusot ehh.'





"You! You're just her bodyguard, and she's my brother's fiance. " Sabi na naman ni Clive. Ang daldal niya rin no? Baka gusto niyang hingiin muna ang opinyon ng kapatid niya bago siya mag-assume no?





"Not anymore." Matapang na sagot ni Trider na kinangiti ko. Agad din akong bumalik sa pagiging stiff nang ma-realize ang nagawa. Wala naman sigurong nakahalata na gising ako diba? Hmm...



"You're quite brave for a bodyguard. Nice." Sabi ni Alexio na sa tingin ko ay nakangisi na naman ngayon.






"We'll take care of my sister, young masters. So you don't have to involve yourself with us." Biglang sabi ni Heleina. Sa tingin ko ay nalilito na rin siya kung bakit napapaligiran ng gwapo ang ate niya. Hahahaha! Ehem!





"Give her to me." Nang ulitin ni Vile ang sinabi niya kanina ay hindi na ko nakatiis. Mukhang kailangan ko na nga talagang gumising dahil nagbabanta na ang tono ng male lead.





"Yo-young master..." Nauutal na sabi ni Heleina na mukhang hindi alam ang sasabihin.



"I apologize, but I can't." Matibay na sagot ni Trider na kinagulat ko. Damn! Ang tapang pala ng animal na 'to at kahit sa harap ni Vile ay nagagawang makipagsabayan! Nae-excite tuloy ako kapag nagkaharap-harap na silang apat ni Javier at Lucas.





Napailing na lang ako at nagdesisyon nng imulat ang mata. Mukha ako na ang kailangang magpaalis sa mga 'to kaya tama na ang pagtutulug-tulugan.





"I-" Nagkukunwari kong nanghihina na sabi habang dahan-dahan na kinulat ang mga mata.





"Sister, are you okay? What happened to your face? " Nag-aalalang tanong ni Heleina atsaka hinawakan ang balikat ko.





"Who did this to you, my lady?"





Gulat akong napatingin sa gilid ni Heleina nang marinig ang boses ni Pira. Wait? Bakit nandito ang personal maid ko? Hindi ko na lang muna sila inisip atsaka tumingin sa kanilang lahat.



"I-I'm fine. You can put me down now, Trider." nanghihina kong sabi.




"Are you sure?"




"Hmm..."



Nang maibaba na ako ni Trider ay mabilis niyang nilipat ang kamay niya at humawak sa bewang ko. Hindi ko na lang din pinatanggal dahil talagang masakit ang ulo at paa ko. Kung hindi lang talaga dahil sa mga male characters na 'to ay nagpapahinga na sana ang lola niyo ngayon.





"Dad-ehem! Young master Lucretius, everyone, thank you for expressing your concerns. I'm really okay now. So you all can go home now and rest. " Awkward kong sabi nang bigla akong tignan nila Clive na parang isa akong alien.





'Ikaw ba naman, Carnelia ay hindi nag-iingat at balak mo pa yatang ipagkalat sa lahat na "daddy" ang tawag mo sa male lead!'





"You don't look okay to me, Venven." Nakangiti na sabi ng animal na si Clive na mukhang nakahalata na sa dapat ko sanang itawag sa kapatid niya. Kung bakit naman kasi nakita pa nila ang kahihiyang ginawa ko kay noon kay Vile?!






"Yeah, you can tell us who did this to you and we'll take care of them." Nakangisi ring sabi pa ni Lemuel na nang-aasar lang talaga.



"My love, I can't accept this. They all should die," sabi naman ng isa pang abnormal.






Napatingin lang ako kay Trider nang maramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko. Oh? Nang tumingin siya sa'kin ay nginitian niya lang ako na kinangiti ko na lang din. Nakaka-good vibes kasi ang mukha niya at talaga namang napakagwapo!





"Will you please stop calling her that?" Naiinis na sabi ni Clive na mukhang ang laki ng galit sa pinsan niya. Mas nagalit pa nga siya kaysa sa'kin ehh. Abnormal talaga.





"What? That's what I want, so you should shut up." Masungit na sabi ni Deyl atsaka naglakad palayo kay Clive. Takot niya lang mabaril ng demonyo.



"A-ahmm... I really need to rest now, so please excuse us." Singit ko sa pag-aaway nila.






Nang hindi na sila nagsalita ay tsaka ako naglakad paalis at hindi na lumingon pa. Ayoko kasing mapatingin sa gawi ni Vile dahil feeling ko mamamatay ako sa tingin niyang walang emosyon. Geez!





"Hold my hand, my lady. Or do you want me to carry you again?" Nag-aalalang tanong ni Trider habang nakalahad ang kamay sa harap ko.





"No, this is fine." sabi ko na lang at hinawakan ang kamay niya.






"Yo-young masters, thanks for all your concerns for my sister. We'll go now." Dinig kong paalam ni Heleina sa kanila bago naglakad papalapit sa'min.





"Are you really alright, Athy?" paniniguro pa ni Trider nang makita na paika-ika ako ng lakad.



"Hmm..." sagot ko na lang.



'Hayys! Mukhang malapit na akong mamatay dahil sa mga sunod-sunod na problema! Author baka naman bigyan mo ko ng pahinga! Huwag mo namang ipakita ng sobra ang galit mo sa character ni Heavenhell dahil nadadamay ang mabait na ako! Tsk!'




THIRD PERSON'S POV




"He calls her by her nickname?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lemuel habang nakatingin sa magkahawak kamay na si Trider at Heavenhell.



"They look like they're close." Sabi ni Deyl na nakatingin din sa babaeng gusto niyang pakasalan. Hindi siya makapaniwala na mas nauna pa ang bodyguard ni Heavenhell na mahawakan ang kamay niya, kaysa sa kaniya!





"How close?" Nakangising tanong ni Alexio habang pinaglalaruan pa rin sa kamay ang scalpel.



"Very close." sagot na ni Vance habang naka-poker face.





"I can't believe that she chose to follow her bodyguard instead of going with us." Nakangusong reklamo ni Clive habang hinahampas ang hawak niyang baril sa sahig na kinauupuan niya.





"Yeah, isn't that interesting?" Tanong ni Alexio na sabay nilang kinatingin, lalo na nang marinig nila ang susunod nitong sinabi. "I wonder what kind of relationship they have."





"Shut up, Alexio! Do you want to die?" tanong ni Clive na masama na ang tingin ngayon. Naiinis siya sa mga lalaking kasama niya at hindi makaramdam!






"What? I'm just curious. It looks like Ms. Caventry is stressed seeing us together, so she prefers going with her bodyguard. " dagdag pa niya.






"He looks handsome, but I'm still the best." Mayabang na sabi ni Lemuel na isa rin sa sinamaan ng tingin ni Clive.






"Shit! Bakit ba hindi sila makaramdam?! Gusto na ba nilang mamatay?" Naiinis na tanong ni Clive sa kaniyang isip habang iniiwasan na mapatingin sa kapatid.






"You're childish. You didn't get the point at all. Isn't it weird that she chose to be with him instead of Eli? What do you think is the reason?" Naiiling na tanong ni Alexio na tuloy-tuloy pa rin sa pagsasalita.






"Wait! A-are you saying that Venven doesn't like my brother as much as before? " Tanong na ni Clive nang mapagtanto ang nangyari.



"Dunno." kibit-balikat na sagot ni Alexio na lalo niyang kinainis.






Si Secretary Chen naman na nakatayo lang sa gilid habang nanonood ng nangyayari ay hindi maiwasang kabahan. Lalo na nang makita niya na nagsisimula nang maglakad paalis ang boss niyang wala pa ring emosyon hanggang ngayon.





"Oh shit! B-brother, where are you going?!" Tanong ni Clive sa kapatid na paalis na.





"How do you want us to finish the job?" Seryosong tanong ni Vance nang dumaan sa harap niya si Vile.





"Burn, " maikli nitong sabi na pinagtaka ng lahat.





"Ha? Burn what? " Kinakabahan na tanong ni Deyl sa pinsan.





Ngunit nang marinig nito ang susunod niyang sinabi ay dito na gumuho ang mundo niya.





"This building... Burn it."





"W-what?"





_________________________________________


Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...