AMARI (MIKHAIAH)

Por chasingserenityyy

87.6K 3.1K 384

Sabi ng matatanda, matuto raw tayo sa pagkakamali ng iba, kapag mali, wag na raw gagayahin at kung minsan sin... Más

INTRODUCTION/CHARACTER
CHAPTER I
CHAPTER II
CHAPTER III
CHAPTER IV
CHAPTER V
CHAPTER VI
CHAPTER VII
CHAPTER VIII
CHAPTER IX
CHAPTER X
CHAPTER XI
CHAPTER XII
CHAPTER XIII
CHAPTER XIV
CHAPTER XV
CHAPTER XVI
CHAPTER XVII
CHAPTER XVIII
CHAPTER XIX
CHAPTER XX
CHAPTER XXI
CHAPTER XXII
CHAPTER XXIII
CHAPTER XXIV
CHAPTER XXV
CHAPTER XXVI
CHAPTER XXVII
CHAPTER XXVIII
CHAPTER XXIX
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII
CHAPTER XXXIX
CHAPTER XL
CHAPTER XLI
CHAPTER XLII
CHAPTER XLIV
CHAPTER XLV
CHAPTER XLVI
CHAPTER XLVII
CHAPTER XLVIII
CHAPTER XLIX
CHAPTER L
CHAPTER LI
CHAPTER LII
CHAPTER LIII
CHAPTER LIV
LAST CHAPTER
SPECIAL CHAPTER I

CHAPTER XLIII

1.4K 57 19
Por chasingserenityyy

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

Kinaumagahan ay agad na nagpatawag ng meeting si Hepe kasama ng iba pa namin makapagkakatiwalaan na kasamahan na sila Torreliza at Porcalla.

"May nakuha akong impormasyon galing sa isang mapagkakatiwalaan tao" Paninimula ni Hepe.

"Na aalis na sa bansa ang dating mayor na si Mr. Delgado sa araw mismo ng kasal ng anak niyang si Konsehal Delgado"

"Nakatanggap na rin ako ng imbitasyon mula sa anak ng dating mayor" Dagdag pa ni Hepe kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

Napalingon naman ako kaagad kay Gail at pinakita naman niya ang invitation card na natanggap niya.

Wala na pala talagang atrasan to

Pero baka magulo namin ang espesyal na araw nilang yon at ayoko naman mangyari iyon.

"Huwag niyong sabihin na sa mismong araw ng kasal ni Doktora at ng kapatid ko natin siya huhulihin?" Takang tanong ko kay Hepe.

"Wala na tayong panahon pa, Tenyente"

"Kailangan na natin planuhin ang paghuli sa kanya bago pa niya tayo matakasan" Sagot sa akin ni Hepe.

"Kapitan Rivera"

"Hepe"

"Ikaw na ang bahala sa mga taong makakasama niyo sa operasyon, kailangan bukas na bukas ay nandito na sila para sa planong mabubuo natin" Utos nito kay Kapitan Rivera

"Copy, Sir"

"Tenyente Perez, ikaw na ang bahala magtala ng mga pulis sa bawat pamilya na dadalo sa araw na iyon hanggat maari kailangan ligtas lahat ng taong dadalo"

"Yes sir"

"Tenyente Santiago" Biglang tawag sa akin ni Hepe

"Sir"

"Ikaw na ang bahala mag check sa buong lugar at mga daanan sa kalapit na lugar sa gaganapan ng kasal nila Doktora Asuncion at Konsehal Delgado"

"Ikaw din ang aasahan kong manguna sa pagbubuo ng plano patungkol doon mismo sa lugar" Utos pa niya sa akin kaya napatango na lang din naman ako.

"Copy sir"

"Toreliza at Porcalla, kayo ang inaatasan kong sasama kay Tenyente Santiago para kunin ang blue print ng buong resort" Pag uutos pa ni Hepe.

Matapos ng kabi-kabilang utos ay sabay-sabay na rin kaming lumabas ng headquarters para gawin na ang kaniya kaniya namin gawain.

Ngunit bago pa man akong tuluyan sumakay sa motor ko ay nakita ko pang lumabas si Hepe mula sa headquarters kaya agad ko itong nilapitan.

"Hepe!" Tawag ko rito

"Sana ikonsindera niyo rin ho ang plano ko, ayoko naman hong masira ang espesyal na araw ni doktora at ng kapatid ko" Usap ko sa kaniya kaya nakangiti naman niyang tinapik ang braso ko.

"Latagan mo ko ng plano bukas pero titignan pa rin natin kung saan tayo mas mapapadali" Sagot niya bago tuluyan umalis sa harapan ko.

Nakarinig naman ako ng palakpak mula sa likuran ko kaya agad naman ako napalingon.

"Iba ka talaga!" Napapailing na usap ng kaibigan niyang si Gail.

"Akala ko ba mahal mo? Bakit parang tutol ka pang hindi matuloy ang kasal nila dahil sa paghuli natin sa tatay ng kapatid mo?" Takang tanong niya kaya hindi naman ako makapaniwalang humarap sa kaniya.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Kasal ni Amari at Cloie yang tinutukoy mo, Gail" Nasabi ko na lang sa kaniya.

"Kaya nga, kasal ng taong mahal mo sa kapatid mo" Usap pa niya.

"Gail"

"Mabuti na lang talaga, hindi ako katulad mong martyr" Napapailing na sabi niya pa kaya napaiwas na lang talaga ako ng tingin.

"Ito na lang mapapayo ko sayo, Mickenzie" Usap niya at bahagya pang lumapit sa akin.

"Matuto kang makinig sa sasabihin ng ilang tao sa paligid mo at sana pagtapos ng lahat ng ito, sarili mo naman ang piliin mo hindi puro ang ibang tao"

"Dahil hindi selfish ang minsan pagpili mo sa sarili mo" Seryosong aniya pa niya bago tuluyan umalis sa harap ko at sumakay na sa motor niya paalis sa headquarters.

"Sir! Tara na!" Tawag na sa akin nila Porcalla na ngayo'y nasa patrol na, napatango na lang naman ako at naglakad na palapit sa motor ko.

hindi selfish ang minsan pagpili mo sa sarili mo.

"Paano kung ang kaakibat ng pagpili ko sa sarili ko ay ang pagpili ko rin sa taong mahal ko?" Natanong ko na lang sa sarili ko kaya napailing na lang naman ako.

Arrggghh ano nanaman ba ito?

Pagdating sa address na binigay sa amin ni Hepe ay agad ko muna kinausap ang manager ng naturang resort, mabuti na lamang at agad na nakipag cooperate ang mga ito sa amin kaya agad din naman namin naisagawa ang mga dapat namin gawin.

Nang makuha na nila Porcalla ang kopya ng blue print ng resort ay sabay sabay namin inaral ang buong lugar bago namin ito tuluyang ikutin ang buong lugar.

Matapos namin pag aralan ang bawat sulok ng lugar ay napatigil naman ako sa paglalakad ng makita ko si Doktora Asuncion na nakaupo sa buhanginan sa tabing dagat.

"Sir! Okay na po lahat" Biglang usap ni Porcalla sa akin, napatango na lang naman ako at akma na sanang maglalakad na rin palabas ng resort.

Pagbigyan mo na sarili mo, Mickenzie, kahit ngayon lang

"Una na kayo sa headquarters, sunod na lang ako" Usap ko sa dalawa kaya napatango na lang naman sila at naglakad na palabas ng resort.

Muli naman ako humarap sa gawi ni Doktora Asuncion at napahinga na lang muna ng napaka malalim bago tuluyan lumapit dito.

"Hindi mo kasama si Cloie?" Tanong ko sa kaniya ng makaupo sa kung saan hindi masyadong malapit sa kaniya.

Agad naman siya humarap sa gawi ko kaya napangiti na lang naman ako.

"Ako lang mag isa" Simpleng sagot niya kaya tumango na lang ako.

"Nga pala" Biglang usap pa niya habang may hinahanap sa bag niya.

"Huwag kang mawawala sa araw na yan ah" Nakangiting usap pa niya habang inaabot sa akin ang invitation card na katulad ng pinakita sa akin ni Gail kanina.

Paano ko ba maipapangako sa sarili ko na hindi namin magugulo ang kasal niyo?

"Darating ako" Nakangiting sagot ko kaya napatango na lang naman siya.

"Ikaw ba? Sigurado ka na ba? Talaga bang hindi ka na aatras diyan?" Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit natanong ko sa kaniya ang bagay na yan

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Wala" Umiling na lamang ako atsaka ngumiti sa kaniya.

"Ayoko lang maiwan kapatid ko na mag isa" Dagdag ko na lang.

"Pero ang maiwan ka, okay lang?" Aniya pa niya habang sa papalubog na araw pa rin ang paningin niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko sa kanila.

Ngumiti naman siya atsaka dire-diretsong tumayo.

"Una na ako" Paalam niya bago tuluyan umalis sa harapan ko.

Bakit ba ang hirap hirap diretsuhin ang mga bagay bagay?

"Masaya ako para sayo, doktora"

Seguir leyendo

También te gustarán

310K 10.4K 55
MIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob ni...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
215K 5.4K 47
Despite the fame her band Portmanteau and the attention she was getting, Alyssa Valdez, a second year High School at Greendale High, was a shy and co...
193K 4.1K 74
Papano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Que...