Almost Cruel

By love_dine

2K 540 89

Gabriella Series #3 Status: Completed Synopsis: Rosette Jude Florencio 23/03/2022 - 02/05/2022 More

Almost Cruel
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Love, Dine

Chapter 35

39 6 4
By love_dine

Chapter 35: Last Chapter
Deep Within Him

Hindi ko maproseso ang ibig nitong sabihin. Hindi ko alam kung maganda ba o hindi. Nang makita ang pigil na ngisi ni Alyssa ay doon ko napagtantong nagugustuhan niya ang mga pangyayari.

Tumikhim si Kai at bumaling ng tingin saakin. Ako man ay inosente siyang tinignan. He smirked and shook his head.

"You don't have to tell me what to do, Ma." malamig lang kaming tinignan ng Mama niya bago sumenyas sa nurse at umalis na sila.

Dahil sa nangyari kanina, pinili kong magpauwi nalang muna. I have to think of what's happening. Lalo na ang sinabi ng ginang tungkol sa naririnig niya raw kami. Hiyang hiya ako at ayaw kong mag-iba nanaman ang tingin niya. Kahit pa hiniling niyang magbunga raw sana ito.
Handa naman na ako at siguradong sigurado. Ayaw ko lang na isipin niyang magkaka-anak kami dahil lang gusto niya. Not that it's going to happen anyway. We're not going to have a child just because she says so. Magkakaroon kami dahil gusto at planado.

Mabilis na pumayag si Kai. Nang ihatid ako ay saglit lang akong nagpaalam bago diretso pasok at nagtagal pa sa loob ng banyo. Nag-isip isip. Naligo at kahit nang mahiga ay wala paring makuhang sagot. Hindi ko matantya ang Mama ni Kai. Galit ba siya saakin o gusto niya ako? I mean, siguro ay ayos lang kung sino basta mahal ng anak niya. She's also far from the woman in our unregistered wedding. Nakangiti siya at mukhang masaya kahit naka wheel chair na siya noon.

Still, gusto man niya ako o hindi, gusto ko paring makuha ang loob niya at makasundo dahil siya ang pinakamamahal na ina ng lalaking mahal ko. Siya ang nag-alaga at nagmahal simula noong una pa. I want to gain her trust and at least makes her feel comfortable when I'm around. Not just for Kai, of course. Gusto kong magkasundo kami dahil gusto niya akong kasundo.

Napabuntong hininga ako.

She gave me a heads up about her constant change of behavior. Alam ko naman. I'm a nurse and I'm aware. I understand and I would love to help take care of her.

Nasa bed na ako at nakahiga nang maka-receive ng text message galing kay Kai.

From: Kai

I love you... matutulog kana?

Niyakap ko ang unan bago nag-reply.

To: Kai

Hmm... love you. Hindi pa ako matutulog. I just got out from the bathroom. Where are you? Nakauwi kana?

From: Kai

Hmm? Hindi pa ako nakakauwi... I'll drink with some of my friends here. Pampatulog 'cuz I miss you.

To: Kai

Okay sige. Text me once you got home. Good night.

Nagising ako na may text nga si Kai. Bandang iyon ng gabi nang makauwi siya.

From: Kai

Nakauwi na ako, love. Sunduin kita bukas dito kana mag breakfast. I love you. Sleep well.

Hindi na siya nag text nitong umaga na. Paniguradong tulog pa dahil uminom sila ng mga kaibigan niya raw. I don't remember any of his friends. Wala naman akong kilala na kaibigan niya maliban kina Luis.

Kinatok ako ni Papa kahit sobrang aga pa. Dadayo raw sila nina Auntie Lucy sa mga kaibigan.

"Kina Kai kana matulog mamaya. Susunod sina Anne mamaya pagkatapos ng klase. Hindi ka talaga sasama saamin?" I shook my head.

"Okay sige. Kina Kai kana matulog." ulit niya pa. I raised my brow. "O kali ay dito mo siya patulugin." oh, wow.

"Okay po. Ingat kayo." masayang kumaway si Auntie Lucy saakin. Tumango lang ako at hinatid sila sa labas. May mga baong pagkain at ilang gamit para sa outing nila. Kagabi pa ako sinasama ni Papa pero wala ako sa wisyo at tinatamad na magpunta sa kung saan.

"Bye, Jude! Papuntahin mo si Kai dito para may kasama ka!" tumango ako.

Naglinis nalang ako ng buong bahay pagkaalis nila. Kahit mag-isa ay sinipag ako na magluto nang maalala ko si Kai. Malamang ay masakit ang ulo non pagkagising.

Naligo ako at nagbihis. Inayos ko ang hangover soup na para kay Kai bago umalis. Pinapasok ako ng kanilang katulong sa loob. Tinanong ko kung nasaan si Kai at nang sinabing nasa kwarto pa, nag-offer muna siyang isasalin ang soup at ihahatid nalang kaya dumiretso na ako sa taas.

I didn't knock and just open the door and went inside. Naabutan ko siyang nakadapa at walang suot na pang-itaas. Natatakpan ng kumot ang baywang pababa habang mahimbing parin na natutulog. Hindi pa naman sobrang tanghali pero hindi siya nagigising ng ganitong oras. Pero siguro'y dahil sa sobrang daming nainom kagabi.

Dinala rin agad ang soup kaya nilagay ko muna sa gilid. Nakaupo ako sa sofa sa pwesto ring 'yon. Hindi niya pansin dahil sa ibang side siya naka pwesto. Bahagya siyang gumalaw at umikot ng kaonti. Ginulo ang buhok at binaon ang ulo sa unan. Maya maya ay napaahon at pilit na kinakapa ang cellphone na nasa tabi niya lang.

He groaned in so much pain. Salitan ang hawak sa ulo at sa pagta-type. My phone vibrated. Bumuntong hininga ako at tumayo na.

"Si Jude..." bulong niya at pilit na tumatayo.

"Marami kang nainom?" kunot noo siyang napabaling saakin. Nakatukod ang isang siko sa kama at ginugulo ang buhok. Ang isang kamay ay hinihilot ang ulo at hirap idilat ang mga mata.

"Love..." nagtungo ako sa bintana para buksan ang malaking kurtina bago nagsalin ng tubig na nasa bed side niya. Inabot ko iyon at hinantay siyang makainom. Naubos niya ang isang baso bago muling pinatong sa mesa.

"Nagkatuwaan kami kaya naparami... come here," marahan niya akong hinatak nang makalapit. "Marami kaming napagkwentuhan dahil sa bayan pala sila nagsisipagtrabaho. Hindi madalas dito kaya nagkaayaan." paliwanag niya pa.

"Anong mga napag-usapan niyo?"

"Hmm... their life? Kung saan na sila ngayon, trabaho, girlfriend, o kahit ano lang na mapag-usapan namin." tumango ako.

"Masakit pa ang ulo mo? Nagdala ako ng soup." he nodded.

"Tinanghali na ako ng gising. Sinong naghatid sa'yo dito?"

"Nag commute lang. Umalis sina Papa."

"Saan sila?"

"Sa bukid ata. May sapa roon."

"Hindi ka sumama?" umiling ako.

"Ayaw mo doon? You can swim."

"Not in the mood to swim. Tumayo kana. Lalamig na ang soup. I'll get you a med for your headache."

"Yes please, love. Thank you,"

Bumaba pa ako para sa gamot. Their helper asked me and I told her what I need. "Antayin ko nalang dito."

"Sige po, Ma'am. Saglit lang."

"Okay, thank you." nag-antay ako sa sala nila.

"Excuse me?" binalingan ko ang pumukaw sa atensyon ko. Nauna ang pagbaling ng ulo bago ang malamig na mga mata.

"Yes?" I asked coldly. Nagtagal ang titig niya, napakunot ang noo bago napaawang ang labi.

"Jude?" umatras ako nang lumapit siya. He apologized for his sudden movement and shook his head.

"Sorry!" my eyes narrowed when I looked at his face. Trying to recognize until he stated his name.

"Benjamin," tumigas ang ekspresyon ko nang marinig iyon. "Aguilar. We were schoolmates back then." I remember him and his family. The reason why I wanted to get away back then. Baka umabot kina Papa ang eskandalo nila. Sa ilang mga kamag-aral nga'y umabot sa pamilya ko pa kaya? Lalo na't may patutsada si Auntie Lucy tungkol doon.

Wala na saakin iyon ngayon. Wala na akong pakialam dahil isa lang siya sa mga gustong manira ng tao.

"Uhm, your suitor when you were in high school? We had a fight and a misunderstanding. I remember--"

"Anong kailangan mo?" I'm sure it's not a simple misunderstanding. Gusto ko rin sanang itanong kung anong kailangan niya dito pero naalala ko na magpinsan sila ni Kai.

Binaling ko ang tingin sa katulong na nag-abot ng gamot at ng baso ng tubig. Nagpasalamat ako bago tinapunan ng tingin ang lalaki at binalak na umalis.

"S-Sandali," in nervous voice.

"Pwede ba tayong mag-usap saglit?"

"Hindi pwede." malamig kong ani. Napaamang siya at hindi alam ang idudugtong. "May gagawin pa ako."

"Gusto ko lang humingi ng tawad sa nangyari saatin dati." pero pinilit niya parin. "Sa eskandalo na ginawa ni Mommy. Gustong gusto kasi talaga kita at hindi ko matanggap na tinatanggihan mo ako." he sighed sadly. Pero mukang peke saakin ang lungkot na iyon.

"Kung ginusto mo sana ako noon... susuportahan kita sa pag-aaral mo. Pero mas gusto mong si Kai pa ang gumawa. Gustong gusto ka ni Mama pero dahil ayaw mo saakin ay hindi tuloy kayo nagkasundo." umiling siya. "At totoo nga ang narinig ko na si Kai ang boyfriend mo? Pareho pala kami ng taste ng pinsan ko." pagak siyang natawa.

"Ayaw mo pa saakin, wala kang mapapala doon. He didn't even have a complete family. I don't mean to offend you. Pero paano ka mabibigyan non kung ang Papa niya nga ay may ibang pamilya? Pareho lang sila ng Papa niya kaya huwag ka ng magtaka." Kai told me that his parents are in good relationship. Kita ko rin naman. Parehong pumayag sa set up at hindi naman namimilit lang. Wala ring siraan at kapakanan lang ni Kai ang gusto.

Hihingi ba siya ng tawad o sisiraan si Kai sa harap ko?

Benjamin and his ugly reasons.

Matagal na akong may gustong sabihin sakaniya. Sa tingin ko rin ay kilala ko parin siya ngayong mukhang wala namang pagbabago sakanya. He still looked the same for me. Pero sige, bigyan natin ng pagkakataon depende sa kung anong magiging reaksyon niya sa matagal ko ng gustong sabihin sakaniya. Hindi ko lang masabi dahil walang tapang noon, bata pa at takot na masira ang buhay.

"If a woman says no, you have to accept it." panimula ko. "Kapag tinanggihan ka, matuto kang rumespeto sa desisyon. Tulad ng sinabi mo, matagal na nga 'yon. Halos limot ko na at wala na talagang pakialam sa nangyaring 'yon. But seeing you here, I just want you to know how fucked up your family is. You and your parents. Isama mo na ang pinsan mong si Aga." he looked real offended this time. Galit at hindi matanggap ang mga sinabi ko.

Sa tingin ko ay hindi magbabago na ayaw niyang matapakan ang ego niya. Gusto paring masunod kung anong gusto kahit na tinanggihan na. Mabuti at hindi ganito ang ugali ni Kai. Magaling magpalaki ang Mama niya kahit na mag-isang tumayo bilang ama at ina ni Kai noong wala pa ang Papa nito.

"What did you say?" I raised my brow.

"Ang sabi ko, hindi kayo pareho ni Kai. Wala ka sa kalingkingan ng pinsan mo. Magpinsan kayo pero kailanman ay hindi siya naging bastos tulad mo. Hindi namimilit ng babae at higit sa lahat hindi ganito kauhaw at kadesperado." mas napikon siya at tatalikuran ko na sana dahil nasabi na ang gustong sabihin nang hablutin niya ang siko ko. Umigkas ang kamay ko at natapon sakaniya ang baso ng tubig na hawak.

"Anong sabi mo?!"

"Oh my god, Benj!"

"Benjamin!" nagsipasukan ang mga magulang nito. Nahuhuli ang Mama ni Kai na walang emosyon ang mukha. She looked unbothered, too. Matigas ang ekspresyon at minsan ay nakikita ko ang ganitong ugali sakaniya.

"What's happening here?" malamig nitong saad. "Anong gulo ito at dito pa sa pamamahay ko." matigas ang ekspresyon ko at hindi nagpapatinag kahit hawak ng katulong.

"Tawagin si Kai." tumalima ang isang katulong na binubulungan ako kung ayos lang ako.

"Kai is here!" gulantang na saad ni Helena. Nakatitig ako sakanilang tatlo sa harap ko. Manalo and Helena Aguilar aged a lot after years. Pero ganoon parin ang tingin ko sa pamilya nila.

"Anong nangyari at bakit nagkagulo dito? Benjamin? Jude?" ang ginang.

"Malamang ay kagagawan ng babaeng ito, ate. Remember what I told you about her when I heard about Kai and this girl? Gold digger lang ito!" I clenched my fist pero hindi sumabat. I don't respect their family but I respect Ma'am Canella. Hindi ako makikipag-away sa harap nito.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Helena." malamig nitong turan. "Benjamin?" madilim ang tingin ni Benjamin saakin.

"I apologized for the misunderstanding we had back then."

"You apologized!" halos mawindang si Helena.

"Totoo naman diba? We had a mutual understanding. It's clear to you that I was your suitor. If it's not for the secret relationship that you had with my father--" natawa ako. Helena looked so uncomfortable. Pareho sila ng kaniyang asawa na kanina pa nakatitig saakin.

"What's happening here? Where's Jude?"

Hindi ko pinansin na nariyan na si Kai. Matapang akong bumaling kay Ma'am Canella tutal sakaniya lang naman ako dapat na nagpapaliwanag.

"Their family accused me of having an affair with Manolo Aguilar. How disgusting." nasingit ko pa.

"You're disrespectful!"

"Shut up, huwag mong putulin ang sinasabi niya." si Ma'am Canella kay Helena. Naramdaman ko na ang kamay ni Kai sa likuran ko.

"Let's go," bulong nito pero di ako nagpatinag.

"I was just seventeen when it happened. It's not really a big deal. Hindi lang matanggap ni Benjamin Aguilar na binasted ko siya at hindi ako pumayag na makipag sex sakaniya noon. It's all in my trash memory pero ngayong nakita niya ako dito nanghihingi siya ng tawad. He just told me that he regretted it, kung hindi lang daw ako tumanggi baka raw siya ang sumuporta saakin sa pag-aaral at hindi si Kai."

"Not true!" si Benjamin.

"Shut your dirty mouth." si Kai naman.

"I told him how fucked up he is and his family. He doesn't know how to accept and respect a woman's decision. Nagalit siya saakin. Hindi matanggap na tama ang sinasabi ko." akmang aabutin ako nang itulak ni Kai ang dibdib nito at hindi pinapalapit saakin.

I raised my brow.

Iritang sumenyas si Kai sa kung sino at napagtanto lang nang may dumating na dalawang nakaitim na lalaki. Hindi ko alam kung saan nanggaling pero nabaling nalang din ako nang tawagin ng dalawang katulong.

"Susunod po si Sir sainyo, Ma'am." kumunot ang noo ko at hindi nagpatinag. Bumaling ako at nahagip ang tingin ni Ma'am Canella. Tumango siya saakin kaya sumunod ako sa dalawang babae.

Binigyan nila ako ng tubig bago lumabas. At habang mag-isa sa kwarto, nakaramdam ako ng pagsisisi na dito pa sa pamamahay nila Kai nangyari ang gulo. Sa dinami dami ng lugar, bakit dito pa? O bakit nagkita pa kami? Sana ay hindi nalang dahil malaking abala 'yon sa mag-ina. Nahiya tuloy ako dahil pinatulan ko pa. Ayaw ko lang na sinisiraan ng ganon si Kai. Besides, nagmatapang lang ako na mapaliwanag ang side kay Ma'am Canella. I want to gain her trust by telling her the truth.

Ngayon, hindi ko na alam ang judgement niya saakin. Kaya rin siguro nagpapanggap siyang hindi niya ako nakikita nitong mga nakaraang araw. Kung hindi lang sobrang mahal ang anak na gustong suportahan ang desisyon nito, baka pangit na talaga ang tingin nito saakin.

Lunch came at dinala nalang ang pagkain sa kwarto ni Kai.

"Dito nalang daw po muna kayo kumain, Ma'am." kumunot ang noo ko.

"Si Kai?"

"Umalis po, e. Pero baka po doon nalang kumain. Tumawag lang para ipaalala na dalhan kayo ng pagkain." I checked my phone. Tumawag sakanila pero saakin hindi? Ni text ay wala.

Umalis ang helper at mag-isa ulit ako. Bumalik para kunin ang pinagkainan. Nagtanong ulit ako kung si Kai lang umalis mag-isa. May kasama raw.

"Si Ma'am Canella?"

"Nasa kwarto po nagpapahinga." nagpapahinga?

"Ayos lang ba siya?" tumango ito at lumabas na. Naiwan ulit akong mag-isa at hindi namalayang nakatulugan na ang paghihintay kay Kai. Nang magising ako at wala parin siya, mas lumalim pa ang pag-iisip ko.

Galit ba siya? O disappointed saakin? I texted him earlier at walang reply ni isa. I texted him again bago binaba ang cellphone.

Gusto kong lumabas pero ang Mama yata ni Kai ang nagpapasok saakin dito sa loob.

"Galit ba siya?" bulong ko.

Wala akong magawa sa loob ng kwarto. Kakaantay ay napagpasyahan kong maligo para iwaglit ang iniisip. I used his bathroom and even his things there. Nag-amoy Kai tuloy ako. May mga nilagay din naman siyang damit ko dito pero hindi iyon ang sinuot ko. Kumuha ako ng malaking gray na shirt at walang pambaba kundi panty lang.

Naabutan ko ang meryenda sa mesa pero tinitigan ko lang iyon. Wala ulit akong magawa at gusto na sanang lumabas para magtanong pero baka expected ni Ma'am Canella na hindi muna ako lalabas. Gumawa pa ako ng gulo sa bahay nila. Nakakahiya talaga. Nahihiya talaga ako sa ugali kong hindi mapigilan kapag may gustong sabihin.

Ngayong halos magdilim na. Parang gusto ko nalang maiyak dahil wala pa si Kai. Saan na nagpunta 'yon?

Nahiga ako sa kama at mahigpit na niyakap ang unan niya. Dahil sa pag-iisip, nakatulog ulit ako na balot na balot ng kumot at unan. Masyadong kumportable ang higaan na kahit kakatulog lang ay nakatulog ulit.

"She's sleeping..." rinig ko. I also heard the door closed pero tumagilid lang ako ng higa. Lumundo ang kama at bago pa makadilat ay may kamay nang bumalot sa baywang ko.

"Kai?" paos ang boses kong tawag.

"Hmm? Sorry, did I wake upu up?" napakunot ang noo ko nang makalanghap ng amoy ng alak mula sakaniya.

"Uminom ka?" gusto kong bumaling pero mahigpit ang yakap niya saakin. Nakabaon ang ulo sa leeg ko at pilit na nagtatago.

"Kai?" he shook his head.

"Isang shot lang."

"Kaiinom mo lang kagabi..."

"Sorry..." I reached for his hand on my stomach. Inangat ko 'yon para makaharap sakaniya. I can almost hear his fast breathing. Hinagod ko ang buhok niya para tumingin siya. Nag-angat siya ng tingin sa namumungay na mga mata.

"Ayos kalang?" he smiled and nodded his head. I sighed in relief nang makita na totoo naman ang ngiti niya. He's actually blushing... Maybe because of the alcohol.

"Kumain kana?" I asked. Tumango siya.

"Ikaw?" tumango rin ako. Naupo ako para makita siya. Bumagsak ang tingin niya sa suot ko at napaungol.

"You looked good in my shirt," napanguso ako.

"Hiniram ko lang."

"Anong hiram? Kahit sa'yo na lahat ng gamit ko riyan." he chuckled. Umayos siya ng higa at ginawang unan ang hita ko tulad ng madalas niyang ginagawa.

"You're wearing my boxers, too?" umiling ako.

"Underwear ko," he smirked.

"That's better."

"It's comfortable."

"Yeah..." he gulped. Natawa ako.

"You sure it's just a shot? Namumula kana," biro ko sabay haplos sa pisngi niya.

Inabot niya ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri. "One shot lang talaga. Sa susunod na ang marami."

"Hindi inaaraw araw ang alak, Kai. It's bad for your health. Kagabi lang ay naparami na ang inom ninyo." tumango siya at nakatitig lang sa mga daliri kong pinaglalaruan ng dalawang kamay niya.

"Kahit pa ayain ka ng mga kaibigan mo. You can be with them without drinking that much. I'm a nurse so I know its consequences." paliwanag ko pa.

"Hmm... okay. I want to hear more of your advices," tumango tango ako at nagugustuhan na ang paghihilot niya sa kamay ko. He's too absorbed playing with my fingers na sa tingin ko ay minamasahe niya na ako. Kaya pinagpatuloy ko ang mga pangaral sakaniya.

"Yeah, you should listen to me--" napaawang ako ng makitang may sing sing na siyang pinapasok sa daliri ko. Para akong na-estatwa sa bilis ng pangyayari at naputol na ang dapat na sasabihin. He caressed the ring in my finger.

"I s-should listen to you, and?" sa paos at kabadong boses na parang gusto niyang ipagpatuloy ang susunod na pangaral.

"You just slid a ring on my finger!" gulantang ko. He looked at me with nervous eyes but still remain compose.

"I did. I want to hear more of your advices for this life time and if possible, forever."

"Kai!" binawi ko ang kamay at nanginginig iyong niyakap. Nangilid ang luha ko at hindi makabawi sa salita. I'm too overwhelmed and happy to even absorb this kind of feeling. Parang hindi totoo!

Tumayo siya at hinawakan ang dalawang kamay ko para tumayo.

"I can't believe you're doing this!" his face remained serious and compose. Na parang pinaghandaan ito kahit na namumula narin ang gilid ng kaniyang mga mata at nagbabadya na ang luha.

"I need to say this," so I listened.

"You changed my life, Rosette Jude. Hindi ko na alam kung anong gagawin kung mawawala kapa saakin. We happened unexpectedly. No plans, no feelings, and just the thought that I have to be responsible for you. Kahit na hindi natin talaga kilala ang isa't isa noon." mariin parin ang yakap ko sa daliri. Pilit na pinapakiramdaman ang malamig na metal dahil baka hindi totoo!

"I want to hear more of your advices... I want to hear your suggestions, your opinions, at ang lahat basta parte ka. Parte ang mga salita mo sa lahat ng kung anong gagawin ko. 'Cuz love, my life is nothing without you. At hindi ako papayag na hindi pang habang buhay ang mga salita mo. Minsan ko lang marinig ang mga advice mo sa buhay ko, and I'm lucky that when I feel like I need it, hindi ko na kailangang hilingin dahil agad mong binibigay. Hindi kona kailangan tanungin dahil alam mong kailangan ko." hinawakan niya ang pulso ko nang punasan ko ang luhang tumulong sa mga mata niya.

"Marry me, Jude." sa buong boses. Sigurado at walang pag aalinlangan.

Tumango ako."Pakakasalan kita, Kai." sigurado at walang pag-aalinlangan. He hugged me tightly at doon palang tuluyang bumuhos ang luhang pinipigilan para lang masabi ng maayos ang kaniyang kataga.

Our relationship isn't perfect at all. I heard his lies and distinguished his stand. I feel his love and even felt him struggled to convey it. Pero hindi niya na kailangang maghirap, I already know it since then.

Deep within him, with his eyes revealing his true feeling, he knows that no man has felt the rapture of my warmth, but only him.

Love, Dine 🫀

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 89 27
Melinoe Carmelite Chande Lier Allure Likes this man name Aeolus Gulfere. She noticed herself liking this cold man. She noticed the changed on herself...
5.6K 106 43
Paano kapag nalaman mong nainlove ka sa kakambal ng taong gustong pumatay sayo? Mamahalin mo ba siya at ibuwis ang buhay mo para lang sa kaligtasan n...
1.6K 90 63
He promised to comeback,he promised to come back for her. and she wait,she's willing to wait for him,kahit na galit siya rito dahil sa pagsisinungali...
13.5K 1.4K 22
𝐃𝐘𝐍𝐀𝐒𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #𝟑 𝗥𝗮𝘁𝗲𝗱 𝟭𝟴 | 𝗧𝗵𝗲𝗺𝗲𝘀, 𝗟𝗮𝗻𝗴𝘂𝗮𝗴𝗲, 𝗩𝗶𝗼𝗹𝗲𝗻𝗰𝗲, 𝗡𝘂𝗱𝗶𝘁𝘆, 𝗦𝗲𝘅 Unedited 𝐓𝐡𝐞 𝐝𝐲𝐧𝐚�...