My Angel Baby

By itsme_lene31

14 0 0

Saying promise is a worst More

Chapter One

Chapter Two

2 0 0
By itsme_lene31

 CHAPTER TWO
          
                                      "KRIS POV"


Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno. Wala na akong pakialam kong nag cut akong ng klase. Naiiyak parin ako hanggang ngayon. I'm so disappointed to them. They betrayed me. Nakakasawa palagi na umasa sa pangako nila,nakakainsulto para sa akin. Parang ang dating sa akin ay pinangakuan lang ako at hindi naman iyon matutupad.

Pinahid ko ang aking luha at napabuntong hininga. Iisipin ko na mula ngayon ay wala ng nag eexist na Jeremiah at Ethan. Kailangan ko na naman mapag isa. Pinipigilan ko ang aking luha,para hindi lumabas.

"Here,take this". Nagulat ako dahil may nagsalita bigla. Tumingin ako sa inabot niya,bahagya pa akong natawa dahil sa dinarami-raming daraanan ay nakita niya pa ako. Sipat ng mata ha. Nakaupo parin ako at siya ay nakatayo sa aking bandang likuran. Alam kong lalaki ito dahil sa boses kanina.

Hindi ko parin nakikita ang kanyang kabuoan. Nag angat ako ng tingin sa kanya at medyo nagulat pa ako ng slight dahil ang lalaking ito ay isang Campus Hearthrob dito sa mismong school na ito. Pero wala akong pakialam kong famous siya. Wala akong pakialam sa mga taong nakakasalamuha ko. Yes tawagin niyo na akong better pero wala kayong magagawa kong ganito ako.

Binubully ako pero hindi ako lumalaban,tsk kanina lang. Pagbintangan pa naman akong malandi, foul na yun eh. I have a reason,e very important reason,why I'm not fighting bact to all the bullies. Hahayaan ko sila hanggang sa magsawa. Hindi naman ako kagaya ng iba na iiyak at tatakbo,lumalaban ako pero limited lang. Pero kung sumusubra na sila ay hindi ko na palalagpasin iyon.

"Nangagalay na ako". Biglang usal nung lalaki. Napapikit ang mata ko at kinuha na iyong panyo.

"Sino ba kasing nagsabi na bigyan mo ko nito". Inis kong turan dito at pinahid ang aking luha. Akala ko magagalit siya pero hindi, narinig ko lang ang paghugot ng malalim niyang hininga, at naupo katabi ko.

"I saw you". Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. Palihim akong natawa dahil napansin niya pala ako. " I hate seeing girls crying".dugtong nito at tumingin sa akin.

Nakangiti ito at maaliwalas ang mukha ,parang walang problema. Sana all. Nilihis ko ang aking paningin at nagsalita.

"You hate seeing girls crying,so why are you here?". Inis kong sabi dito at tumawa lang ang ulol.

"You're so rude to me, obviously I'm concerned". He said,while smiling. Napaikit ang aking mata dahil sa sagot niya. Concern? Hindi ko kailangan iyon.

"I'm Justin,and you are?".pagpapakilala niya at nilahad pa ang kanyang kamay.

"Kristene".maikling kong sabi at hindi tinanggap ang kanyang kamay. Medyo napahiya ata siya kaya kakamot-kamot itong sa kanyang batok. May kuto ata.

Dumating ang hapon na hindi ako nagpapakita sa dalawa,ayoko silang makita. Hanggang kaya kong umiwas ay iiwas ako para hindi narin mahirap para sa akin. Alam kong hinahanap nila ako pero hindi parin ako nagpapakita. Bukas na ang alis nila pero wala akong balak magpaalam. Masasaktan lang ako. Para ko na silang Kuya at mahirap para sa akin ang lumayo sa kanila,kung tutuusin nga eh parang sila pa ang tunay kong pamilya.

Pauwi na ako ngayon at nakasakay sa kotse ko. Pagkatapos kasing magpakilala nung Justin ata ay umalis na ako roon. Wala akong balak mag stay dahil hindi ko alam ang takbo ng utak niya baka kasi nang tri-trip lang iyon. Gwapo siya sa totoo lang,masayahin at may kislap ang kanya magandang mata. Ang kanyang mata ang agad kong napansin kanina sa kanya. Kulay brown iyon at ang sarap tignan. How i wish na sana ay ganon rin yung akin.

Nakakawala ng stress ang kanyang tawa at ngiti. Sobrang maaliwalas sa mata ang kanyang mukha at mabango. Manly scent. I took a breath when I suddenly know that I'm in front of my house. Bumaba na agad ako sa kotse at pumasok na.

"Iha,narito kana pala".salubong sa akin ni Yaya Linda. Pumunta ako sa kanyang harap at nagulat siya dahil bigla ko siyang niyakap. Ilang segundo ay yumakap rin ito sa akin kaya hindi ko mapigilan ang maluha.

"Yaya Linda, aalis na sila".sabi ko kaya kumawala ito sa aking yakap at nagtatanong tumingin sa akin."Ethan and Jeremiah po,aalis po sila,siguro pupuntang Amerika". Sabi ko.

"Tahan na iha,pagod ka kaya umakyat kana at magpahinga".sabi nito kaya tumango lang ako at umakyat na. Paakyat na ako ng nakita ko si Clark na nakatingin rin sa akin. Nakita niya siguro iyong scene namin ni Yaya kanina. Ususiro.

Nilagpasan ko siya pero bigla niya akong hinawakan sa kamay kaya napatingin ako roon. Malumanay ang kanyang matang nakatingin sa akin bago magsalita.

"I'm sorry,for what i did last night".sinserong sabi niya at binitawan ang aking kamay."I didn't mean to say that,nadala lang talaga ako sa galit ko,I'm sorry".

Pagod ako ngayon kaya tumango lang ako at walang balak na questionin pa ang kanyang sinabi. Iniwan ko lang siya don at pumasok sa aking kwarto at binagsak ang aking katawan sa kama.

Napamulat ako ng kaunti dahil parang may humahaplos sa aking mukha. Hindi ko minulat  ng buo ang aking mata at hinayaan siya.

"Alam kong hindi moko tanggap bilang ina,pero naiintindihan kita".napatawa ito ng mapait at nagpatuloy sa pagsasalita."Sino ba naman kasing matutuwa kong ang isang katulad ko ay magiging nanay mo,pero kung naririnig mo ito,gusto kong malaman mo na mahal kita Kris,mahal na mahal hindi ko alam kong bakit pero siguro naranasan ko narin ng mawala ng Ina sa murang edad,at ayoko kung maranasan o isipin mo na nag-iisa ka na hindi ka mahal ng lahat". Tumigil ito at suminghot. Umiiyak."Hayaan mo gagawa ako ng paraan para maging masaya kalang,kahit ipagtabuhayan mo na ako".

Akala ko magsasalita pa ito pero narinig ko nalang ang pagsara ng pinto. Dahang-dahan kong minulat ang aking mata at sumandal sa likod ng aking kama. Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit galit ako sa kanya,kung tutuusin nga eh wala naman siyang kasalanan.

Kinuha ko ang picture frame ni Mommy at hinaplos iyon.Miss na miss ko na siya.

"Mommy I miss you so much".nagsimula na naman akong maging emosyonal."I miss everything about you, you're smile,you're hug,you're care".hindi ko mapigilan ang maiyak."I'm longing for your love Mom". patuloy ko habang pinapahiran ang luha.

Pagkatapos kong mag emote sa kwarto ay napagdesisyonan ko na bumaba. Sa hagdan palang ay naririnig ko na ang kulitan ni Clark at Stacey. Napailing ako at nagpatuloy sa paglalakad ng tawagin ako ni Stacey.

"Ate Kris,halika ka sali ka samin".masayang sambit nito at tumayo pa para pumunta sa aking direksyon. Nagulat ako dahil hinila niya ako papunta sa sofa at pinaupo sa gilid niya,bali siya sa gitna namin ni Clark. Tumingin sa akin si Clark na nagtatanong. Kaya pinandilitan ko siya,tsk bawal nabang maglaro ngayon?. Hindi ako na update ha.

Wala na akong nagawa kundi ang sumabay sa pagtawa at pagkiliti sa kanila. Minsan napapahinto ako dahil bigla-bigla nalang sumasakit ang aking ulo. Nararamdaman ko na ito minsan pero pinagsawalang bahala ko iyon. Tinatanong ako minsan ni Clark kong ayos lang ba ako,tango lang ang sagot.

"Tama na yan,maghugas na kayo ng kamay para makakain na".biglang dumating si Martha dahilan para tumigil kami sa paglalaro. Tumayo na kami at bigla akong napaupo ulit dahilan para lumapit sa akin si Clark at Martha. Tumakbo pa si Martha papunta sa akin dahil nakasilip lang ito mula sa kusina.

"Are you okay/ayos kalang".sabay na sambit nila. Pinatayo ako ni Clark at pinaupo ulit sa sofa. Nahihilo ako. Pinipikit-pikit ko ang aking mata dahil medyo lumalabo ang aking paningin. Medyo nahimasmasan ako kaya nagsalita na ako.

"Ayos lang ako,medyo nahilo lang ako kanina".sabi ko kaya napabuntong hininga sila pareho at tumango. Inalalayan parin ako ni Clark papunta sa dining table sinabi ko narin kanina na kaya ko pero baka raw matumba ulit ako kaya pinabayaan kona.

Kailangan ko sigurong magpa check-up para alam ko kung ano ang nangyayari sa akin. Natapos ang hapunan ay ganon nalang ang ngiti nila dahil raw nakasabay ako sa kanila. Napaisip rin kasi ako na walang magagawa ang galit ko. Kailangan ko lang siguro ng kunting oras para sumang-ayon  sa disesyon ni Dad.

Tapos na ang hapunan at nauna akong pumunta sa aking kwarto. Hindi pa ako matutulog dahil busog pa ako. Tumambay muna ako sa veranda ng aking kwarto. Napatingin ako sa langit at biglang sumilay ang ngiti sa aking labi dahil ang daming stars ngayon.

"Mom, aren't you mad to me if ever na pumayag ako sa gusto ni Dad?". Alam ko naman na hindi masasagot ni Mommy ang tanong ko kaya ngumiti lang ako. Hindi kasi magalitin si Mom,parati siyang nakangiti, ni minsan hindi ko nakita na nag-away sila ni Dad.

"Alam nating dalawa na hindi nagagalit basta-basta ang mommy mo".nagulat ako kasi pumasok si Dad sa aking kwarto."Sorry,kumatok ako pero hindi mo yata narinig kaya pumasok nalang ako".

"It's okay Dad".sabi ko kaya pumunta siya sa aking gawi at napatingin rin sa langit.

"I miss her".sabi nito kaya napangiti ako. Hindi rin pala nakalimutan ni Dad si Mom. Saksi ako kung paano umiyak si Dad nung araw na nilibing si Mom. Ayaw pa nga nitong umalis sa puntod nito at paulit-ulit kong naririnig na humihingi ito ng sorry. Hindi ko alam kong bakit nag so-sorry ito noon pero ngayon ay alam kona.

"Okay lang kong hindi ka pumayag sa gusto ko, naiintindihan kita".sabi nito habang nakangiti kahit alam ko naman na pilit lang iyon. Napabuntong hininga ako at tumingin sa langit.

"Wala naman po akong karapatan para pigilan ka sa gusto mo Dad,alam ko naman na hindi magiging masaya si Mom kung pipigilan ko ang kasiyahan mo". Sabi ko habang nakatingin parin sa langit."Be happy Dad,be happy with her".nakangiti ko pang dugtong at tumingin na sa kanya.

Nagulat pa ako dahil umiiyak si Dad,kaya hindi ko rin mapigilan na mapaluha. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil na mimiss ko ang yakap nito. Matagal narin na hindi kami gaano nag uusap ni Dad dahil iniiwasan ko ito.

"Thank you Baby,for understanding my situation".kumawala ako sa yakap at nginitian siya. Okay na kami ni Dad."Matulog kana dahil may pasok kapa bukas, goodnight baby". Sabi nito at hinalikan pa ako sa noo.

Nakalabas si Dad sa aking kwarto at tumunog naman ang aking cellphone. Tinignan ko iyon, message galing kay Ethan. Nakaalis na siguro sila.

Ethan message:
I'm sorry for what we did to you. Sana maintindihan mo na kailangan lang talaga naming umalis dahil kailangan kami ngayon sa kompanya. Pagtapos na kami ay uuwi kami kaagad diyan. Take care always and I love you.

Napangiti ako dahil ang sweet talaga ni Ethan sa akin. Minsan nga dinate niya ako,pinagkamalan pa nga kaming mag-jowa dahil sobrang sweet nito sa akin. Pero wala talaga kaming gusto sa isat-isa,as in parang kapatid lang talaga ang turing namin.

Nag compose ako ng message at sinend sa kanya. Bago ko pinatay ang aking phone para matulog.

Next Chapter 3......

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 262K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
544K 45K 21
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
1.8M 45.7K 67
When Ana confronts her new neighbour after being kept up all night by his sex noises, she's mortified to discover he's none other than Freddie-the po...
730K 21.2K 23
Beau HATES Oliver Fowler. But Oliver doesn't hate Beau.. quite the opposite actually. Oliver is the univeristies 'Golden Boy', adored and admired by...