Till My Heartaches End

By mhyrr_nicole

1.5K 39 36

She was betrayed by the man whom she trusted and loved so dearly. Nikki fell into pieces and did not know ho... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-Flashback(Anniversary)
Flashback (Beach)
CHAPTER 2-Flashback(Meeting his ex)
Flashback(All of Me)
CHAPTER 3-Flashback(Dealing with Dana)
Flashback(sunflower watch)
CHAPTER 4- Flashback(Opportunity knocks)
Flashback(When I need you)
CHAPTER 5-Flashback(Don't say goodbye)
CHAPTER 6- Off to Dumaguete
CHAPTER 7- I'll Be Over You
CHAPTER 8-Moving On
CHAPTER 9- Sorry
CHAPTER 10-Maybe Someday
CHAPTER 11-Waiting
Chapter 13- I'm Coming Home
Chapter 14- Surprise
Epilogue

CHAPTER 12-Forgiveness

50 2 1
By mhyrr_nicole

Nikki's POV

"Oh kumusta?"I'm trying so hard to control my emotion. Ang saya ko talaga ngayon kasi finally nakausap ko na si Albie through skype. Gusto ko siyang yakapin right this very moment. Damn, I missed this man.

He grinned. That famous grin of him.

"You missed me."-Albie

I blushed. Halata ba ako masyado? Pero bago paman ako maka-deny..

"Coz I missed you too."-Albie

"Ayan, ang mga hirit mong yan eh. Loko-loko kapa rin. Anu kumusta ka?"

"Okay naman. Ikaw? Kumusta ang work mo? Does that Jeff guy still bugging you?"

Yeah, I told him about that kid. "Yeah, he's so consistent."

He chuckled. "Naku dapat naba akong mag-worry? Baka ma-inlove kana dun ah."

"Hmm, so what kung ma-inlove ako dun. Single naman ako."

Napakamot ito sa batok.

"Then if that happens, I'll fly immediately to Manila. Aagawin kita."

Aww, so sweet. "Really?"

"Really. Pero I'm sure it won't happen."

"How can you be so sure?"Oh, I love this conversation.

"Kasi hindi mo siya type. Kasi ako ang type mo."

I laughed."You're too confident. Are you sure na ikaw ang type ko?"

"Of course. Your eyes say so."

"Haha.. So psychic kana pala ngayon."

"I am. Alam ko rin na palagi mo akong iniisip."

Psychic nga. Eh ako, iniisip rin niya kaya ako palagi?

"Hmm, sige na nga, I admit palagi kitang iniisip. At alam mo kung anung lagi kong naaalala sayo?"

"What? Naku bat parang kinabahan ako."

"Haha. Yung own version mo ng All of me na super unique."

"Sabi na nga ba eh."

Pero bitin ang naging usapan namin kasi napansin ko na he's exhausted. Kawawa naman. So kahit ayoko pang mag-goodbye, I have to para makapagpahinga siya. Alam kong pinipilit niya lang magmukhang okay.

The whole conversation was puro asaran. We never talked about it. I mean the promise necklace and even kung kelan siya babalik ng Pilipinas. As of now, okay na sakin knowing na okay siya. I can wait pa naman. I don't have to rush things. Naiintindihan ko naman na may obligasyon pa siya sa family niya.

Nang makausap ko siya, after 48 years of waiting, ang tagal noh? Hehe.. Alam ko na sa sarili ko na mahal ko siya. Mahal ko si Albie. And I'm ready to move on to the next chapter of my life. If, he fulfills his promise. IF..

I opened the drawer beside my bed and pull out a purple box where I kept the necklace. The necklace with the key pendant. One of the things that I most treasured, his PROMISE.

"Okay.. I'm ready."Pumunta ako sa vanity mirror ko at isinuot ang necklace.

****************************************************************************************

Nagsusuklay nalang ako ng mahabang buhok ko and I'm ready to get to work, nang pumasok si Dana sa room ko.

"Uy bruha, can I ask you a favor? Tutal maaga pa naman."

"Oh, may problema?"

"Pwede ba akong makisabay sayo? Malapit lang naman ang work ko sa work mo. Eh kasi yung kotse ko, di pa naaayos. Nasa shop pa. Okay lang ba?"

"Sure. Maaga pa naman, pwede pa kitang mahatid sa work mo."

"The best ka talaga. So, okay kana? Let's go na?"

"Yeah."I grabbed my bag and my eyeglasses saka lumabas na ng room with Dana.

****************************************************************************************

"Benta mo na kasi yung kotse mo, tapos bili ka nalang ng bago."

"No. May sentimental value yun sakin. Yun ang unang-unang nabili ko mula sa modelling career ko. Ang dami na naming pinagdaanan ni Velvet."

Velvet ang name ng car niya. Weird noh?
I got mine too. She's Cha-cha. Pero I think mas weird yung sakin. Anyways..

"Sabagay."I shrugged. "Kumusta na nga pala si Kurt? Nami-miss ko na ang baklang yun."

"Hay nakerrr, busy sa lovelife niya. Hindi maiwan yung boyfie niya, baka kasi may biglang humablot. Kalokang bakla."

Yeah, may jowa si Kurt. Avid fan daw niya. Radio dj na kasi si Kurt ngayon at may love segment siya tuwing gabi. Ya'know, may tatawag at hihingi ng advice sa kanya tungkol sa heart problems. At dun daw na-inlove yung jowa niya ngayon sa kanya. To cut the story short, naging caller niya si Sam, yung boyfie niya, ayun nag-eyeball sila and na-feel daw agad nila yung spark. Oh diba, pang MMK lang ang peg.

I laughed."Hayaan mo na yung tao. Inlababu eh. Pero call him and tell him labas tayo mamaya. Treat ko. Dun sa favorite natin na seafood resto by the sea. Hindi na tayo nakakalabas tatlo eh. Nami-miss ko na yung bonding natin. Anu pwede ka mamaya?"

"Hmm.. I think may meeting ako with.. okay I'l cancel it. I don't wanna miss your treat. Hehe.. Don't worry kay Kurt, akong bahala dun."

"Good. Wala nang atrasan yan ah. Magpapa-reserve ako agad pagdating ko ng school."

"Ofcourse."

I turned on the car radio and All of me plays. Naalala ko na naman yung unique version ni Albie. And I'm smiling without even noticing it. Bigla kong nakalimutang may kasama pala ako. Naalala ko nalang nang sundutin ni Dana ang tagiliran ko.

"Anu ba. Mamaya madisgrasya tayo eh."

"Eh kasi para kang tanga, ngumi-ngiti kang mag-isa. Okay ka lang?"

"Wala, may naalala lang ako."

"Hala, dati umiiyak ka pag naririnig mo ang kantang yan. Anyare?"

"Eh kasi yung bad memory nung kanta, napalitan na ng happy memory."

"Oh my G."Sabi nito na nanlalaki ang mga mata."Is it Albie? si Albie ba?"

"Erm, maybe."

"Aaayyy!"Tili nito. Buti nalang nakasara ang mga bintana ng kotse."Kayo na?"

"Huh?? Sira! Hindi pa. Naghihintay pa nga lang akong bumalik siya ng Pilipinas eh. Yun kung like pa rin niya ako."I didn't tell her about the necklace.

"But you love him?"

"Yes."

"Aww.. so happy for you bruha. Hayaan mo, I'm gonna call Albie. At super sureness ako na like kapa rin nun."

"Wag mo muna istorbohin yung tao. Dadating din yung moment namin. In time."

"Ganun. Tagal naman. May pa in time, in time pa.

"Siyempre! Kung si Bryan nga nakapaghintay eh. So kaya ko rin maghintay. Anu, sinagot mo naba?"Then she blushed. Parang teenager lang eh.

"Hindi pa. Anu bang magandang date para sagutin siya?"

"Baliw! Sagutin mo na ngayon. Naku, pag nagsawa yun sa kaliligaw sayo, sige ka."

"Oo nga noh. Sige tatawagan ko na siya."

****************************************************************************************

Bryan's POV

Ring.. Ring.. Ring..

Inaantok pa ako. Madaling araw na kaming nakauwi mula sa gig namin. Buti nalang day off ko ngayon. From Tuesday to Saturday, nagtratrabaho ako as Financial Advisor sa isang firm, kapag Sunday tumutugtog kami sa bar na pag-aari ni Rence.

Sunget Calling... Pagkabasa ko sa screen kung sinong tumatawag, biglang napadilat ang mga mata ko at tuluyan nang nawala ang antok.

"Morning sunget. Miss mo na ako agad?"

"Tse! I called to say yes."

"Yes what?"

"Sinasagot na kita gago!"

What?? Tama ba ang narinig ko? Sinasagot na niya ako?

"Anu?? Ayaw mo??"

"Gusto! Haha! Gustung-gusto!! Wait, tatalon muna ako."Tumalon ako at nagpa-gulong-gulong sa kama. Yes! Yes! "Thank you sungit. Thank you."

"Hmm.. Sunduin mo'ko mamaya sa work ko ha, 6:30. Kapag na-late ka, forget that I said yes."

"Yes, yes. 6pm, nandun na ako."

"Okay bye."

****************************************************************************************

Nikki's POV

Napailing-iling nalang akong nakikinig sa conversation nila. Kaloka tong pinsan kung to.

"Okay bye."

"Iba din ang trip mo noh. I called to say yes."Sabay gaya ko sa reaction niya kanina.

"Eeh, hayaan mo na. Ayokong ma-feel niya na kinikilig ako. Baka asarin lang ako nun."

"Ewan ko sayo. Akala ko nagbago kana. Bitter ka pa rin pala."

"Gaga!"

****************************************************************************************

Nang maihatid ko si Dana, pumasok na rin ako doing my daily routine. Teaching, talking for hours and the worst is dealing with Jeff. Pero habang tumatagal, medyo nasasanay naman na ako sa kakulitan at kayabangan niya.

Last class ko na to at makakauwi na rin ako. Pagpasok ko ng classroom, nagulat ako sa nakita ko. Jeff and a girl in their making out session. Mukhang bata pa yung girl. Freshy yata to eh. Tsk! Nakabiktima na naman ang aroganteng to.

"Erm, excuse me. May I remind you that this is a classroom, not a motel."Grabe na talaga ang Jeff na to. Alam ko kung bakit niya to ginagawa, but sorry I'm not affected.

Nagulat yung girl nang magsalita ako. Bata pa nga at mukhang probinsyana pa.

"So-sorry po mam."At diretso labas na ng room.

Unfortunately, studyante ko rin si Jeff sa last subject na handle ko. Diretso na ako sa lamesa at inayos na ang gamit ko. Si Jeff naman sobrang lapad ng ngisi. Nakakairita.

"Nagselos kaba mam? Sorry, ayaw ko sana siyang patulan kaso mapilit siya eh."

"Take your seat Mr. Salvador and study. I'll give a quiz later."
At nang-asar pa talaga dahil sa lamesa ko umupo ang gago.

"Not in my table."

"Bakit ba pakipot ka masyado mam?"
Pagkasabi nito, inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Andaming babaeng nagkakandarapa sa akin. Ang swerte mo nga at ikaw ang gusto ko. Alam ko nahihiya ka lang. Okay lang yan, sige na aminin mo na, na gusto mo rin ako."

"Okay, nang matigil na to. Aaminin ko na."
Mas lalong lumapad ang ngisi nito. "I don't like you. Bakit? Kasi arogante ka, mayabang, mahangin, ang taas ng tingin mo sa sarili mo, feeling gwapo, at higit sa lahat hindi ako pumapatol sa mas bata sa akin. I don't find you attractive. Alam mo mabuti pa pagtuunan mo nalang ng pansin ang studies mo kasi balita ko ni PE subject mo, hindi mo nga maipasa eh. Saka may gatas kapa sa labi. Kain ka muna ng marami."Namula ang pisngi niya at hindi nakapagsalita. Kaya tinapik-tapik ko ang pisngi niya. "Sige na, mag-aral ka na, I'll give a quiz later. Baka sakali mabigyan kita ng passing grade."

Napakamot ito sa ulo. Sakto namang nagsipasukan na ang iba pang mga estudyante kaya hindi na nakapagsalita si Jeff. Good. Sana hindi na niya ako kulitin.

****************************************************************************************

After ng klase ko ay umuwi muna ako para makapagpahinga saglit at makapagpalit ng damit. At exactly 6:30, papunta na ako sa seafood resto na napagkasunduan namin ni Dana. 7pm ang usapan namin. Didiretso na kasi siya dun galing work niya.

Buti nalang walang traffic kaya nakarating ako ng maaga. Timing naman kasi wala masyadong tao ngayon sa resto kasi konti lang ang naka-park na mga sasakyan kaya hindi ako nahirapan mag-park.

"Good evening mam. You have reservation?"Sabi ng isang waitress na lumapit sa akin.

"Yeah. I'm Ms. Lewis."

"Oh. This way mam."

"Uhm miss, dumating naba yung mga kasama ko?"

"Wala pa pong dumating mam."

Wala pa sila."Ganun ba? Later nalang miss, magpapahangin nalang muna ako sa labas."

"Okay po mam. Just approach me mam if you need anything."

"Thank you."At lumabas ako uli.

Pagkalabas ko malamig na hangin agad ang sumalubong sa akin. Napakaganda ng tanawin ngayon. Kumikislap ang dagat dahil sa mga bituin na nagrereflect sa tubig. Oh, I miss Albie.

"Ang ganda."
Napalingon ako nang malamang may kasama pala ako. Hindi ko inaasahang magkikita kami uli ngayon, in this wonderful evening. Seeing him again, I realize hindi na ako nasasaktan but I suddenly felt confused. He looked different, he lose weight and he seems sad. But why?

"Erm, Rence? Hi."Ok this is awkward. "Ma-madalas ka rin ba dito?"
Umiling siya.

"Actually, sinundan talaga kita kaya ako napadpad dito."

Nagulat ako. Anu to, stalking me? Kelan pa? Nung magkita kami sa Dumaguete?

"Please Nik, wag kang umalis. Gusto lang sana kitang makausap. Kahit pagkatapos nito, hinding-hindi na ako magpapakita sayo. Pakinggan mo lang muna ako. Please."

Well, siguro nga time na rin para mag-usap kami ng matino ni Rence at sabihin ko sa kanya na napatawad ko na siya para tuluyan na kaming maka move on pareho. After a short pause, nagsalita siya uli.

"I know this sounds crazy but.. Nikki I want you back. I really do. My life is a total mess without you. Kailangan kita. Mahal na mahal parin kita bunso."

Nagulat ako. Hindi ito ang inaasahan kong marinig mula sa kanya. Akala ko hihingi siya ng tawad. Biglang bumalik ang sakit ng nakaraan namin. Ang sarap sanang pakinggan na mahal parin niya ako, kaso wala na akong maramdaman eh.

"Alam ko ang laki ng kasalanan ko sayo at araw-araw kong pinagsisisihan yun. Dapat naging matapang ako. Dapat pinaglaban kita. Napaka walang kwenta kong tao. Patawarin mo ako. Pero, kung tatanggapin mo ako uli sa buhay mo, I promise hinding-hindi na kita sasaktan. Marry me bunso. Please. Hindi ba pangarap natin yun na ikasal tayo. Tutuparin ko yun. Just give me the chance."

This isn't right. He's out of his mind.

"Nik, please say something."

"Naririnig mo ba ang sarili mo Rence? Akala ko nagbago kana, akala ko nag mature kana. Alam mong imposible yang gusto mong mangyari."

"Because I'm married? Hindi ko siya mahal. Ikaw ang mahal ko. Kaya ko siyang iwan para sayo."-Rence

"Imposible, kasi hindi na kita mahal. Naghintay ako sayo noon. Umasa ako na babalikan mo ako, na sa huli ako parin ang pipiliin mo because we had promises. Pero wala kang ginawa until I realized that I have stopped loving you. Nakakapagod ka kasing mahalin Rence. Tama ka, wala kang kwentang tao. You're such a big jerk Rence. Puro sarili mo lang ang iniisip mo. Taman na, move on, magbago kana. Para magkaroon ka ng kwenta, mahalin mo ang asawa mo, lalo na ang anak mo. Be responsible enough."Okay I'm outta here.

"No, please don't leave. We can work this out Nik. Mahal mo pa rin ako diba? Sinasabi mo lang na hindi mo na ako mahal kasi nasaktan kita. We promised to each other."-Rence

"Nang saktan mo ako, tinapon ko na ang sinasabi mong promise natin Rence."

"Pero mahal mo parin ako diba?"-Rence

"May mahal na akong iba. Tama na Rence. Mag move on na tayo. Pagod na rin ako sa ganito. Napatawad na kita kaya patawarin mo na rin ang sarili mo. Please, tama na. May kanya-kanya na tayong buhay. May pamilya kana. Mahalin mo sila, lalo na ang anak mo. Kailangan niya ng ama."

"Hindi niya kailangan ng amang walang kwenta sa buhay niya. Mas mapapabuti siya kung wala ako."-Rence

"Gusto mo bang matulad sayo ang anak mo? na lumaking walang ama? Don't be selfish. Ibigay mo naman sa kanya ang pagmamahal na nararapat sa kanya. Pero bago mo magawa yun, kailangan patawarin mo muna at mahalin ang sarili mo. And about Chelsea, natututunan ang pagmamahal Rence."

He paused na tila nag-isip. Then he cried. Nasasaktan ako na nakikita siyang ganito. I still care for him though. He was then part of my life. I hugged him. Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko. Maya-maya pa'y nag-ring ang phone niya, si Chelsea. Tinitigan niya lang ito.

"Hindi mo ba sasagutin ang asawa mo? Baka nag-aalala na yan sayo." Saka pa nito sinagot ang phone.

"Hello.. Oo. May pinuntahan lang ako. Pauwi na ako."

Sabi nito. Naririnig ko ang conversation nila. Hinahanap daw siya ng anak niya kasi may sakit ito. Biglang nagbago ang emosyon ni Rence, parang realization dawned him.

"Hinihintay kana ng anak at asawa mo Rence. Umuwi kana sa kanila. They need you."

He looked at me at nagbuntong-hininga.

"Siguro nga kailangan ko ng umuwi. I'm sorry Nik and thank you. But before I leave I just want you to know that I will always love you. (Sigh) I guess I have to say goodbye."-Rence

I nod and he waves goodbye. And then he's gone.

Haay.. Gumaan na rin ang pakiramdam ko.

"Goodbye Rence."

"I'm so proud of you bruha."-Dana

Napalingon ako. Dumating na pala ang dalawa, si Dana at Kurt. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Napayakap ako sa kanilang dalawa. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko, hindi ko kinaya ang pag-uusap naming iyun ni Rence pero pinilit kong maging matapang sa harap niya.

"Hey, anu yan. Don't tell me affected kapa rin kay fafa Rence."-Kurt

"Hindi naman. Hindi ko lang akalain na dumating ang araw na nakayanan ko ng harapin siya. Akala ko noon hindi na ako makaka move on sa kanya."

"But you did. And we're so proud of you."-Dana

"I know right. Kaya tonight deserves a celebration. Anu, hindi paba tayo kakain?"-Kurt

I laughed. "Aww, I missed you bakla."

"I missed you too malandi."-Kurt

****************************************************************************************

Rence's POV

"Gusto mo bang matulad sayo ang anak mo? na lumaking walang ama? Don't be selfish. Ibigay mo naman sa kanya ang pagmamahal na nararapat sa kanya. Pero bago mo magawa yun, kailangan patawarin mo muna at mahalin ang sarili mo. And about Chelsea, natututunan ang pagmamahal Rence."-Nikki

Sa tatlong taon naming pagsasama ni Chelsea, ni isang beses hindi ko naipadama sa kanya ni katiting na pagmamahal. Hindi kami natutulog sa iisang silid. I never showed care kapag nagkakasakit siya o kaya kapag nakikita ko siyang pagod na pagod sa pag-aalaga ng anak namin. Knowing Chelsea before, I never expected her to be a caring, thoughtful and loving mother and wife. Nakita ko ang kakaibang Chelsea. Kahit paulit-ulit ko siyang sinasaktan at ipinamumukha sa kanya na hindi ko siya mahal, hindi siya napagod pagsilbihan ako at alagaan ang aming anak. Ngayon ko lang na realize ang lahat ng ito. Tama si Nikki. Chelsea deserves to be loved, lalo na ang anak namin. Tama si Nikki, kailangan ako ng anak namin. Hindi ako makapapayag na lumaki siyang tulad ko na walang ama. Nabulag ako. Nagbago si Chelsea, siguro kaya ko rin gawin yun.

Hindi ko mapigilang maiyak. Napaka-walang kwenta kong tao. Tatlong taon ang sinayang ko.

Nagulat ako nang yakapin ako ni Nikki. She had forgiven me. Siguro nga ay dapat patawarin ko na rin ang sarili ko. Maya-maya, nag-ring ang phone ko. Si Chelsea tumatawag.

"Hindi mo ba sasagutin ang asawa mo? Baka nag-aalala na yan sayo."-Nikki

Hello.

Rence, nasan ka? Pauwi kana ba?

Oo. May pinuntahan lang ako. Pauwi na ako.

Sige mag-iingat ka. Bilisan mo ah, kanina kapa kasi hinahanap ng anak mo. Nilalagnat kasi.

I nod na parang nasa harapan ko lang ang kausap ko at binaba ko na ang phone.

"Hinihintay kana ng anak at asawa mo Rence. Umuwi kana sa kanila. They need you."-Nikki

"Siguro nga kailangan ko ng umuwi. I'm sorry Nik and thank you. But before I leave I just want you to know that I will always love you. (Sigh) I guess I have to say goodbye."

She nods. Saka iniwan ko na siya. Masakit na malamang hindi na ako mahal ng babaeng minamahal ko. Pero ito ang tama. May pamilya na ako. Mula sa gabing to, pinapangako ko, na sa kanila ko na ibubuhos lahat ng pagmamahal at atensyon ko. Pupunan ko ang pagkukulang ko.

I guess I have to buy flowers for my wife.

Continue Reading

You'll Also Like

29.9M 1.1M 109
Escaping from his responsibilities as a future duke, Terron Dashwood moves to the Philippines, hoping to live a simple and humble life. But when he c...
219 24 26
What if the man of your dreams came back from the past? Will you be able to welcome him again ?Are you willing to make you hurt again ?Will you give...
10.2K 299 17
this au was about........ a boy named Niki was traumatized and hurt by he's first love, he meet sunoo and sunoo Heald him, but he didn't feel a Love...
8.6K 281 12
Teaser: It wasn't love at first sight for both of them. Pero nang lumaon, nagkagusto na si Angelina kay Jin.Unfortunately, Jin is in love with her be...
Wattpad App - Unlock exclusive features