That Smile Smells Trouble

By Averysummer21

8.1K 313 26

Azami Emmanuelle Esquivel suffers from a teenage trauma that changes her from being good to bad. Away from he... More

Bad Girl Series #1: That Smile Smells Trouble
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 5

204 9 3
By Averysummer21

The number you have dialled is unattended. Please try again later.

"Aish! Ano kayang ginagawa no'n?"

The number you have dialled is unattended. Please try again later.

"Tsk."

Halos mamanhid na ang daliri ko sa kada-dial ng numero ni Pierce pero hindi siya sumasagot. Bumuntonghininga ako at sinubukan ulit.

The number you have dialled is unattended. Please try again-

"Zami!"

Napalingon ako sa kumakaway at papalapit na si Tierra.

"Akala ko nakauwi ka na?" Inayos niya ang kanyang sling bag nang lumapit.

"Hindi pa e." Napatingin tuloy ako sa cellphone ko. "Wala pa si Pierce."

"Hindi ka niya susundin?" She raised an eyebrow.

"I dunno. He told me he will pero wala pa siya." Tumingin ako sa relo ko.

It is already six thirty in the evening. Ang usapan namin susunduin niya ako ng five pero hanggang ngayon wala pa siya.

"Gano'n? Why don't you come with us na lang? I'll tell my driver na ihatid ka na muna namin sa inyo."

I glanced at her. Nagtagal ang tingin ko sa kanya bago ibinaling sa paligid. Madilim na at kaunti na lang ang tao dito sa school. In the end, I smiled at her.

"Thank you, sis pero okay lang. Baka on the way na si Pierce. Kaya niya... hindi sinasagot ang tawag ko."

Humalukipkip siya. "Are you sure? Baka naman nasa party na naman 'yon? Just like the usual na ginagawa niya tuwing na-le-late siya ng sundo sa'yo."

"I know. Kaya nga hihintayin ko na. Darating naman e."

"Sure kang darating ha? Look oh? It's getting dark na. Mag-isa ka pa naman dito." Iginala niya ang paningin.

I chuckled a bit. "I'm fine, Tierra. May street lights naman. Tatawagan ko na lang ulit siya mamaya."

Tumingin siya sa akin, hindi kumbinsido. "Sure ka, Azami?"

"Mm." Nakangiti akong tumango.

Nagtagal ang tingin niya sa akin bago suminghap sa gilid.

"Sige. Bahala ka. Mauna na ako." Tinuro niya ang naghihintay nilang SUV.

"Okay."

Minsan pa niya akong matamang tinignan. "Sure ka ah?"

"Oo nga," natatawang sabi ko.

"Sige... bahala ka." She looked at me from head to toe. "You really love that guy, huh? Head over heels, sis?" Ngumisi siya nang nakakaloko.

I only chuckled a bit. "It's not like that. I just want to be a good girlfriend."

"Wow... E 'di ikaw na? Bahala ka nga d'yan. Ewan ko sa'yo. Good girlfriend." Ngumiwi siya bago niya ako tinalikuran.

I shook my head amusingly while following her direction. Tinignan ko uli ang cellphone ko at sinubukang tawagan ang boyfriend ko. His phone is keep on ringing. Always unattended. Bumuntonghininga ako at nagtipa na lang ng mensahe sa kanya.

I was in the midst of texting when someone beeped at me. Iniharang ko ang isang kamay ko dahil sa high beam ng sasakyan niya. I thought it was Pierce but it was a motorcycle. Si Chance.

Huminto siya sa gilid ko at pinatay ang ilaw. Inalis niya ang helmet niya at agad na tumingin sa akin.

"Tara na," he declared softly.

I smiled at him. "Mauna ka na. Susunduin ako ni Pierce."

Nanatili ang tingin niya sa akin bago 'yon bumaba.

"Sa'n ka galing?" tanong ko nang hindi na siya nagsalita.

He's really a man of few words.

Tumingin siya sa akin.

"D'yan lang," alanganin pa niyang sagot.

"Ah... Si Ren? Umuwi na?"

He looked at me and shrugged.

Napatango na lang ako at muling tumingin sa cellphone. Wala pa ring reply si Pierce. Talaga bang nasa bar na naman siya?

I sighed in disappointment and put back my phone in my pocket. Tumingin ako kay Chance na naroon pa rin.

"I liked your gift." I smiled when I remember his gift to me when I turned eighteen.

Ngayon ko lang uli kasi siya nakausap matapos ng debut ko.

"When did you start learning to play the piano?" I asked curiously.

Lumikot naman ang mga mata niya at napakamot sa ulo. "Nito lang."

"Did you do it for me?" nakangising tanong ko.

Nakatungo siyang tumango.

"Nice, huh?" Tinapik ko siya sa braso. "Ang galing mo. Thank you nga pala. I loved it."

Tumingin siya sa akin pero hindi na sumagot. Tumingin ako sa dumidilim nang paligid.

"Mauna ka na, Chance. Padating na rin naman si Pierce," sabi ko kahit 'di naman ako sure kung darating pa ba siya.

I just want to assume.

Mabigat siyang bumuntong hininga. Parang dismayado.

"I'm okay. Tawagan kita kapag nakauwi na ako." Iwinagayway ko ang hawak na cellphone.

Naalala ko kasi na palagi niya akong chi-ne-check sa pag uwi ko. I don't know if it was because of Ren or just by himself.

He looked at the other side like he's against it but in the end he just looked down. Maya-maya pa'y kinuha na niya ang helmet at muling isinuot bago muling tumingin sa akin.

"Tawagan mo 'ko," bilin niya bago unti-unting umalis.

Sinundan ko siya ng tingin nang humarurot na nang husto ang kanyang motorsiklo sa kalsada.

I tried to call Pierce again and this time he answered.

"Babe!" he sounds drunk.

Parang nadismaya na agad ako sa unang rinig ko sa boses niya.

"Have you forgotten about me again?" I didn't want to sound disappointed but I can't help it.

I'm really disappointed again this time.

"Oh no! Of course not! Itinago lang nila ang phone ko kaya hindi ko nasasagot ang mga tawag at text mo."

"Cheers, brad!"

I can hear loud music and drunk people around him.

"Pierce, can you fetch me now? Nilalamok na ako rito," I said after I slapped a mosquito on my arm.

"Sure, babe. Nand'yan na. Wait for me, please? I love you!" medyo malakas na sabi niya dahil sa ingay ng music at mga tao.

My brows furrowed after the call. He's partying again. Nakalimutan na naman niya ako. Sometimes I don't get him. He's very sweet sometimes but sometimes he's very distant. I don't know why.

Dumating si Pierce after twenty minutes. I was right when I saw him drunken red. He looked okay but his eyes were nearly closing. Magulo ang buhok niya at polo. Sobrang tapang din ng alak na naamoy ko sa kanya Kasama ng kanyang pabango.

Nakapamulsa siyang huminto sa harap ko. "Sorry. Nakainom lang." Napahimas siya sa batok. "I didn't forget about you, babe. Those dumbass immediately dragged me there after school kaya..."

I sighed. "I've been waiting for almost two hours now."

"Yeah, I know. That's why I'm sorry." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Mas lalo kong nalanghap ang alak sa katawan niya kaya tiningala ko siya. Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Ang ganda mo lalo ngayon, Azami."

"Pierce..."

"Come with me. I'll introduce you to my newly found friends. They're friends of friends and they would like to meet you. Ang sabi ko kanina may girlfriend ako pero ayaw nilang maniwala. They want to meet you. Halika. Ipapakilala kita." He pulled me gently.

"Pero hindi pa ako nakapagpaalam." Pigil ko sa kanya.

"I'll take care of it, okay? And besides, legal naman tayo sa parents mo kaya ayos lang 'yon. It's okay basta ako ang kasama mo. I assured your dad."

"Pero lasing ka, Pierce."

He chuckled like it's not a big thing. "Hindi ako lasing, babe. Nakainom lang. I know what I'm doing so don't worry. Ihahatid kita agad matapos kitang ipakilala."

I'm a bit worried. Hindi lasing pero pulang-pula na at halos pumipikit na.

"Don't you trust me?" He smirked.

I glanced at him. Nakangiti siya pero parang sarkatisko ang dating no'n.

"Of course I trust... you," mahina at alanganin kong sagot.

He smirked more. "'Yon naman pala e. Let's go."

Wala akong nagawa nang hilain na ako ni Pierce. Sumakay ako sa motorsiklo niya at wala pang trenta minuto nakarating na kami sa nasabing bar.

"Birthday ni Jec. Remember my childhood friend from St. Benilde? Kakauwi niya lang kaya tri-neat niya kami," paliwanag ni Pierce nang nakapasok na kami sa loob.

This isn't my first time to enter a bar. So the chill party vibes, alcohols and drunk people didn't surprise me at all. I also didn't mind the colorful neon lights striking my face and loud thumping music all over. Parang nasanay na rin ako. My friends are party goers and so as my boyfriend kaya saan ako lulugar?

"Hey! Ang ganda naman ng kasama mo, pare. Pakilala mo naman kami!"

Inakbayan ng isang lasing nang lalaki si Pierce. May hawak pa itong alak na sobrang daming yelo.

"Bro, siya 'yung sinasabi ko sa inyo. Azami, my girlfriend." Nagmamalaki akong inakbayan ni Pierce.

"Whoa..." They all cheered.

I only smiled at them. Medyo nahihiya kahit na hindi naman ito ang unang beses na ipakilala niya ako sa mga kaibigan niya. I know all of his friends and I'm already comfortable with them. Except for these people around me. Siguro dahil mas maraming lalaki kesa babae. And I don't know why I am bothered with the way they look at me. Their lewd stares are creeping me out.

"Sexy, pare..." dinig kong bulungan nang dalawang lalaki sa gilid at nang tumingin ako sa kanila ay ngumisi sila sa akin.

"You must be kidding me, bro? This girl is your girlfriend? Are you sure she's not your guardian angel?" Tinuro ako ng lalaking kausap ni Pierce kanina.

Humalakhak si Pierce. "Both."

The guy chuckled and gave me a shot of vodka.

"Uh, hindi ako masiyadong umiinom," nahihiyang pagtanggi ko.

"Come on, isang shot lang. Birthday ko pa naman oh? Pagbigyan mo na ako. Azami, right?" Ngumisi siya.

"Sige na, babe..." bulong ni Pierce.

Everyone looked at me, waiting to drink the shot. I sighed defeatedly and drank it straight. As expected, naghiyawan sila.

"One of the best shot!"

Napapikit ako at halos isuka ang pait no'n. I barely drink and light drinker lang ako. Dalawang shot pa lang kasi, tumba na ako. Gano'n ako kabilis malasing kaya naman kahit na nag-aalala ako para sa sarili, pinagbigyan ko na lang sila para matapos na. At para sa tinatawag nilang pakikisama. Ayoko namang tawagin nilang KJ. Medyo... nakakahiya 'yon sa part ni Pierce.

"Oh, upo na kayo, pre and let's slay the night!" masayang deklara ni Jec.

Everyone cheered loudly and raised their glasses. Wala akong choice kundi kumuha na rin ng baso at itinaas sa ere. This time, beer naman.

"Bottoms up?"

"Yes!"

"Okay, one, two, three!"

I faked my drink. Kunwari umiinom ako pero hindi ko nilulunok. I've learned this strategy from Paris who's a light drinker also. When they all closed their eyes, I immediately put my drink to an empty glass and put it down. Sa paanan para hindi nila mapansin.

The party went on. Dahil matagal na nga sila dito, halos maglupaypay na ang lahat except for the boys who are actively drinking. Mukhang heavy drinker silang lahat. What do I expect? They're all from family of elites.

"Azami, shot ka muna. Mukhang heavy drinker ka rin ah? Hindi ka mukhang lasing." Tinabihan ako at inabutan ng shot glass ni Briggs.

"Uh, not really. Where's Pierce?" I asked when I noticed that my boyfriend is missing.

Sa dami ng nangyayari, nawala siya sa isip ko.

"Nagbanyo lang. Sige na. Shot ka muna. Kaunti pa lang nainom mo oh?" pamililit ni Briggs na nag-aabot ng shot glass.

I forced a smile and accepted his offer. He looked at me when I started to sip on it.

"Ang ganda mo naman. Ang swerte ng lokong 'yun ah?"

I looked at him in the corner of my eye and continued drinking. Medyo nailang ako sa paraan ng paninitig niya sa akin. Is it just me or I can really smell something different?

"Ang ganda ganda mo talaga. At ang kinis mo pa," patuloy niyang bulong.

Napatingin ako sa kanya at bigla na lang umikot ang paningin ko. Naging blurred na rin ang mukha niya sa akin pero naaninag ko pa kung paano siya ngumisi bago nagdilim ang aking paningin.

Continue Reading

You'll Also Like

228K 5.3K 46
Beguiled and seductive, she gets all men that take her fancy, but her hunger for carnal pleasures cannot be satiated.
9K 396 76
COMPLETED ‼️ This is an Epistolary. She discovered an app called "Online Diary." That app caught her interest and attention nang dahil sa pangalan ka...
14.4K 859 39
Pinanganak bilang isang bai ngunit ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan ay kaniyang ikinubli sa pagkatao ng isang ato. Siya ay walang iba kundi si H...