Taste of Friendship [ON GOING]

By sovereigngel

3.4K 184 38

Naja Blair, a typical highschool girl didn't expect meeting strangers that became a friend. Join Naja and he... More

s o v e r e i g n g e l
0
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
12

11

66 9 0
By sovereigngel

NAJA'S POINT OF VIEW

Sumapit na ang araw ng game ni Archer, nasa loob ng gymnasium gaganapin ang tournament kaya halos mapuno na ng mga manonood ang gym.

Nakapwesto na kami ng upuan nina Zarden, Gael, Avabella at Flynn.

Hindi ko nga aakalaing magkakaclose kami ngayon, simula kasi no'ng gabi na nagkasama kami kumain sa restaurant ng pamilya ni Flynn ay mas napapadalas na ang pagsasama naming anim kaya ngayon ay inimbita kami ni Archer na manood sa game niya.

Syempre g na g ako! Ako pa!

Pero nag-aalala lang ako kay Archer dahil simula kaninang umaga ay hindi pa namin siya nakikita, para sana suportahan siya, pero hindi namin siya mahagilap at macontact man lang, hindi nga nagrereply sa gc kaya dumiretso na lamang kami sa ni-reserve naming upuan upang manood ng game.

Second game pa ang laro nina Archer kaya naisipan kong mag-cr na muna, nasa likod ng gymnasium ang cr kaya ilang pasikot-sikot ang nagawa ko upang marating lang ito.

Paglabas ko ng banyo ay kaagad kong nahagilap ang kaparehong jersey ni Archer.

Nandito naman ako, kaya tatanungin ko na.

Lumapit ako sa kanila at magtatanong sana pero hindi iyon natuloy nang marinig ko ang pangalan ni Archer.

Pinag-uusapan ba nila si Archer? Bakit naman?

Labag man sa loob kong makinig sa pinag-uusapan nila ay hindi naman ako pinapahilom ng evil side ko na makinig.

Tsaka kaibigan ko si Archer kaya may karapatan ako 'no?

Umasta akong may tinitipa sa phone pero ang hindi nila alam, naka-full volume ang dalawa kong tainga sa mga sasabihin nila.

"Ewan ko anong nangyari sa kaniya, pre."

"Hindi mo pa pala alam ang balita?"

Anong balita???

"Atin lang 'to ha, nakipagbreak daw kaninang umaga ang girlfriend niya."

Napakurap ako sa mga sinabi ng isa sa lalake.

May girlfriend pala si Archer?

"Naku! Sana hindi nalang siya nagpaapekto lalo pa at game natin ngayon."

"'Yun na nga.. pero sabi ni coach kapag hindi raw siya tumino bago magsimula ang game i-b-ban muna siya ngayon."

"Sayang naman.."

Naalarma ako sa sinabi nilang ban, kaya hindi na ako nagsayang ng oras.

"Hello po!"

Natigil ang pag-uusap ng dalawa at napatingin sa akin. 

"Alam niyo po ba saan si Archer? May delivery po siya." sabay angat ko ng aking dala na pagkain.

Sana hindi nila mapansin na kinainan ko na to..

Nagtininginan ang dalawa, "Nagawa niya pa talagang mag-order."



"Nandiyan siya sa loob, ikaw nalang bahala kumatok, ayaw magpaistorbo eh."

Pangiti akong tumango sa dalawang lalake at hinintay silang umalis.

"Ay oo nga pala, miss."

Natigil ang pagpihit ko sa door knob nang may pahabol pa ang dalawang kalalakihan.

"Tinatanong ng kaibigan ko kung single ka ba, hihi."

Anong trip ng dalawang 'to?

"May asawa na po ako.." si Heeseung^^

Napakati sa ulo ang isa sa lalake na tila napahiya kaya umalis na lamang sila.

Pinihit ko na ang doorknob, tahimik at medyo makalat na kwarto ang bumungad sa akin. Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko mahanap si Archer.

Baka niloloko lang ako ng dalawang 'yon.

Lalabas sana ako sa kwartong iyon nang makarinig ako ng pagsinghot.

Teka..? hindi 'yun imahinasyon ko lang. Narinig ko talaga 'yon!

Nagmula ito sa may gilid ng cabinet. Hinay-hinay akong lumapit doon at tama nga ako ng hinala, nakasandal habang nakapikit si Archer habang may mga luhang pumapatak sa mata niya.

Umupo ako sa tabi niya na kaagad niyang napansin, saglit pa siyang nagulat sa biglaan kong pag-upo sa tabi niya.

"Naja?"

"Hm?" sabay kain ng dala kong popcorn.

"What are you doing here? Also, how come you knew where I am?" padiskarte niya ring hinawi ang luha sa pisngi niya.

"Hm.. na feel ko lang na nandito ka.

Umiwas siya ng tingin sa akin, "I know you're lying."

"Hindi, ah."

"Halata lang, Naj."

Ganoon na ba ako kahalata?=_=

"I know you heard about something, that's why you came here."

Napabuntong hiniga na lamang ako dahil alam na alam ni archer ang dahilan kung bakit ako nandito, pero hindi lang naman talaga 'yon ang pakay ko.

"Alam mo, may nakita akong banner sa gym kanina, nakalagay do'n ay Go, Archer."

Totoo, may nakita talaga akong banner na sinusuportahan hindi lamang ang ang grupo nila kundi si archer mismo.

"Ang totoo niyan, hindi ako nandito para pag-usapan ang mga inakala mo. Nandito ako para suportahan ka, Archer. Kanina pa kasi kami nag-aalala sa 'yo sa gymnasium."

Hindi man lang siya umimik, nakatulala lamang siya.

"Paano naman 'yung mga taong sumosuporta sa 'yo kung hindi ka nila makita ngayon? Paano naman kami na ikaw lang talaga ang pakay doon sa game?"

Maliban sa grupo nila ay si Archer lang talaga pinunta namin, gusto namin siyang suportahan at makita kung paano siya maglaro.

Yumuko si Archer at hindi pa rin sumasagot.

Hindi ba talaga tatalab ang mga sinasabi ko sa kaniya? Ano pa bang pwedeng sabihin?

"Archer..—" pero hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang magsalita siya.

"She's the reason why I entered basketball."

Oh.

Parang may kung anong pader ang namagitan sa amin, at napakahirap niyang makita, sinubukan kong sirain ang pader pero wala akong dalang gamit—wala pa akong alam sa tumatakbo sa buhay niya—kaibigan ko si Archer pero hindi ko pa pala kilala ang mga taong takbo ng isip niya.

Hindi ko pa lubos kilala si Archer.

"She's the reason why I am here, Naj. She is.."

Sa mga sinabi niya ay nagbigay ito ng kaunting kirot, sino ba namang hindi? Crush ko si Archer.

Pero imbes na magpadala sa sarili ko ring emosyon ay hindi ko ginawa, imbes na sirain ang pader na namamagitan sa amin.. inakyat ko nalang.

"Pero alam kong mahal mo ang pagbabasketball, Archer."

"Y-Yes, but..—"

"Ikaw na nagsabi na gusto mo talaga ang pagbabasketball, sarili mo na ang nagsabi."

Natigilan si Archer sa mga sinabi ko.

"Sa buhay, parang nasa bus ka lang at ikaw ang driver. Isa siya sa mga taong sumakay sa bus mo, at habang hinahatid mo siya sa destinasyon niya ay may nadadaanan ka na  bago sa paningin mo, nagustuhan mo ang lugar na iyon na umabot sa puntong gusto mong dumaan ulit dahil sabi ng sarili mo na.. mahal mo na ang lugar na iyon."

"Nang minahal mo na ang lugar, naalala mo ang taong hinatid mo ro'n, kaya lubos kang nagpasalamat sa kaniya, hindi mo siya kinalimutan, pero lahat ay may kaniya-kaniyang destinasyon, kailangan niyang bumaba."

"Nalungkot ka dahil bumaba na siya, bumaba na ang taong nagpakilala sa iyo sa lugar na iyon."

Hindi ko pa lubos maintindihan ang pinagdadanan ni Archer pero sinubukan ko dahil gusto kong makalabas siya roon.

"Ang sa akin lang, Archer... pwede ka namang dumaan sa lugar na iyon kahit wala siya, diba?"

Nakita ko kung paano nanlambot ang mga mata niya.

"Pwede ka pa namang magbasketball kahit wala siya."







Continue Reading

You'll Also Like

Alexandra Rose By <3

Teen Fiction

273K 8.2K 45
It's been ten years since the Stones family lost their little girl. In those ten years, Alexandra Rose has grown up with an abusive foster father wh...
1M 3.6K 72
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
218K 9.1K 50
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
112K 2.3K 12
BURN - " trust no one " Cassiopeia Stewart survived the Flare ever since it started. Her parents decided that she and her little brother, Sam Stewart...