After the Chase

By JEYL_Purple

4.9K 197 61

Suarez-Cordova Cousins Second Installment: Apollo Neecko S. Cordova *** "After all these years running around... More

After the Chase
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen

Ten

149 10 10
By JEYL_Purple





#ATC10 Chapter Ten

APOLLO'S FIST WAS lifted on the air. He was currently standing in front of Snow and Sunshine's unit for a long time already, but he was still contemplating if he should continue to knock or not.

Ilang minuto na siyang nandoon pero hindi niya magawang katukin ang pinto. Para siyang aso na naghihintay pagbuksan ng pinto ng kanyang amo.

He cursed under his breath. Ano ba ang ginagawa niya roon? Dapat ay sumama na lang siya sa kapatid at mga kaibigan sa airport para sunduin ang kanyang mga magulang. Pero nagpaiwan siya para ano? Tumayo sa harap ng pintuan ng kapitbahay?

"Tang ina." Napasabunot siya sa sariling buhok at kinagat ang ibabang labi.

Para siyang tanga. Natatakot ba siya sa kung ano man ang maririnig niya mula sa magkapatid? Oo at alam na niya kung saan puwedeng mapunta ang magiging usapan nila. Pero nanlalamig pa rin ang kalamnan niya habang iniisip ang mga puwedeng sabihin ni Snow sa kanya.

Kay Sunshine? Walang problema. Naisampal na sa kanya na hindi siya nito magugustuhan. Masakit, siyempre. Pero balak niyang lumaban. Gusto niyang ipakita sa dalaga na seryoso nga siya rito. Gusto niyang patunayan ang sarili niya hindi lang kay Sunshine kundi pati sa rin sa mga taong nagsasabi sa kanya na hindi siya marunong magseryoso. Ni hindi nga niya problema kung may iba itong kinikita. Kinikita pa lang naman. Hindi pa naman opisyal na magkasintahan. May pag-asa pa siya.

But the thing that was making Apollo stop was Snow and her damn feelings for him. Kung totoo man ang mga sinasabi ng kakambal niya at ni Justice, he had no idea on how to deal with it. Hindi siya handa para roon. Napaka-imposible talaga ng ideyang 'yon sa kanya kaya hindi niya ito pinagtutuunan ng pansin.

Halos mapaatras siya nang biglang bumukas ang pinto na kanina pa niya tinititigan, at bumungad doon ang bagong gising na mukha ni Snow. Apollo's lips parted when he saw her rubbing her eyes in a cute way. Nakasuot ito ng oversized shirt na pink habang nakapaa.

Apollo clicked his tongue.

Heto ba? Hetong babaeng nasa harapan ba niya ang may gusto sa kanya? Kahit itaya niya pa lahat ng mga naging ka-fling niya, alam niyang hindi siya pagkakainteresan ng dalaga. They were so... out of each other's leagues.

Ang tipo niya, iyong gaya ni Sunshine. Matangkad, palaban ang aura, masungit, at medyo singkit. Ang naiisip naman niyang tipo ni Snow ay iyong mga uri ng lalaking malayo sa kanyang pag-uugali. He believed that a guy who was smart shy, wearing thick glasses, tall, and slim was the man for Snow. Iyon 'yong alam niyang tipo ng dalaga.

Hindi iyong gaya niyang malakas ang dating, maingay, at maraming kaibigan, at mahilig sa bola.

Imposible. Napaka-imposible talaga.

"Anong ginagawa mo rito?" Napanguso si Apollo sa tono ng boses ni Snow. Napaka-aga pa lang para sungitan siya nito. "Alas singko pa lang."

"Alam ko," mahinang sambit ni Apollo. "Puwede ba kitang kausapin saglit?"

"Importante ba 'yan?" gusot ang mukha na sabi nito.

"I think so."

Snow crossed her arms together. "Kung walang kuwenta 'yang sasabihin mo, umalis ka na lang. Masyado pang maaga para painitin mo ang ulo ko."

His lips parted. "Hindi pa ba mainit ang ulo mo sa lagay na 'yan?"

"Hindi pa. Mabait pa lang ako ngayon."

Apollo stared at Snow, amused. He couldn't help but to smile, reason why Snow frowned even more. Ang hirap seryosohin ang galit ng dalaga. Sa itsura kasi nito ay parang batang naagawan lang ng kendi.

Apollo slid his palm inside his pocket. Tinatantya niya kung ayos lang bang itanong sa dalaga ang mga bagay na kagabi pa gumugulo sa kanyang isipan.

"May gusto lang akong itanong—kung ayos lang sa 'yo."

I just need to fucking ask. What's scary with that?

"Basta hindi bastos," sabi ni Snow saka sumandal sa hamba ng pintuan. Apollo smiled internally. Mukhang hindi yata siya gustong papasukin ng dalaga.

"Hindi naman ako bastos."

Snow eyed him. "Talaga lang!"

"And... hindi ka naman kabastos-bastos." Apollo shrugged his shoulders.

Naningkit ang mga mata ni Snow. She bit her lower lip and glared at him. Apollo blinked. What did he do this time?

"Hindi ko alam kung ma-o-offend ako sa sinabi mo o matutuwa."

He laughed. "Bakit ka naman ma-o-offend? Sinabi ko lang namang hindi ako magtatanong ng bastos."

"Kasi hindi ako kabastos-bastos."

Apollo nodded. "Right."

"Ang offending talaga pakinggan." Snow pouted.

Apollo chuckled. "What? You want me to say na kabastos-bastos ka?"

Snow glared at him again. He laughed. Umayos ito ng tayo at matiim na tumingin sa kanya.

"Sa vocabulary mo kasi, ang kabastos-bastos sa 'yo, iyong mga pasok sa standards mo sa babae." Pahina nang pahina ang boses ng dalaga. "Alam ko namang hindi ako pasado roon kaya feeling ko na-offend ako—"

"Do you know what are my standards in women?" Apollo asked, tilting his head on the side.

"Iyong gaya ni Sunshine. Maganda, matangkad, sexy, malakas ang personality," dere-deretsong sagot nito.

Apollo stared at her for a moment. Sinubukan ng dalagang tapatan ang mga titig niya rito, pero ito pa rin ang unang nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Napangiti siya.

"Maganda ka rin naman," Apollo said and he saw how Snow's cheeks reddened. "Matangkad din—"

"Gago ka ba?" she snapped.

Natawa siya. "I mean, you're a five footer. That's tall enough for me." Snow just glared at him as he spoke. "Sunshine's just a bit slimmer than you, but you have the curves. And you have a very positive personality. Everyone likes you because you're like a sunflower; always radiating positivity."

Pulang-pula na ang buong mukha ni Snow nang matapos niyang sabihin 'yon. Apollo stared at her. Bumaba ang tingin ng dalaga sa mga paa nito habang iniipit ang buhok sa likod ng tenga. Apollo wanted to help her fix her hair. But he stopped himself because he felt like something was wrong.

Damn...

He looked at Snow's reaction.

And there it was. The answer to his unsaid question.

He swallowed the lump in his throat and opened his mouth to speak. His stomach churned for some reason while looking at Snow. Bigla siyang tinamaan ng nerbyos. Gusto lang niyang itanong kung tama ang nakikita niya. Kung tama ang pagkakaintindi niya sa reaksyon ng dalaga.

"Snow..." his voice was raspy. Nanuyo ang kanyang lalamunan. "Do you... like me?"

Apollo stood there, unmoving. He waited for Snow to answer immediately like how she cut him off during their arguments. But a minute passed, added by another minute, and another... Snow stayed silent.

Her eyes were wide. Her cheeks were flushed. Her breathing was untamed. She then took a step backward. Apollo bit his lip.

Was she going to leave him again without clearing his messed up thoughts about her damned feelings?

"G-gising na yata si Sunshine. Magluluto pa ako ng breakfast—"

Apollo held Snow's arm to stop her from going inside their unit. Napatigil ang dalaga at marahas siyang hinarap. Her face was tensed. Seryoso naman ang mukha ni Apollo habang hinuhuli ang mga mata nito.

"Snow, please. I need to hear your—"

Natigilan si Apollo nang samaan siya ng tingin ng dalaga. "Ano naman sa 'yo kung gusto kita?" pabalang na sabi nito. Umawang ang kanyang mga labi. Shit! "May gagawin ka ba?"

Napapasong binitawan ni Apollo ang braso ni Snow. He clenched his jaw while his eyes were fixed on her cute face. Napasuklay siya sa kanyang buhok saka dinilaan ang pang-ibabang labi.

There it was. The answer he'd been asking for. Nanggaling na mismo sa bibig ng dalaga na gusto siya nito.

Gusto siya ni Snow. Fuck.

"Papanindigan mo ba 'tong nararamdaman ko sa 'yo?" nanghahamon na tanong ni Snow.

Apollo sighed. He kept clenching his jaw. He knew where this was going to. He experienced it a lot of times already. At sanay na sanay na siya. Marami na siyang nakakausap na mga babaeng nagtatapat ng damdamin sa kaniya. He never liked them back, that was why he was always turning them down. Ayaw niyang paasahin ang mga ito. Kaya sa una pa lang ay lagi niyang sinasabi agad na hindi siya magkakagusto o hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ng mga ito.

Of course he would always feel guilty after talking to them. He didn't like to see them on the verge of crying or feel humiliated. That was why he would always take it slow with them. He talked to them in a nice and gentle way. He even offered them friendship. Sila na lang ang bahala kung tatanggapin ba ang inaalok niya.

But seeing Snow glaring at him bravely even if he could see the visible pain dancing in her doll eyes, parang gusto na lang niyang tumalikod at lumakad paalis nang walang sinasabi rito.

He didn't want to hurt her. She was too soft. She was too innocent. She was like a baby. Who wanted to see a baby cry? Definitely not him.

"I'm sorry," iyon lang ang tanging nasabi ni Apollo pagkaraan ng mahabang katahimikan sa gitna nila ng dalaga.

Snow smiled bitterly. She scoffed then started laughing sarcastically. Humakbang ito paatras. Nasa loob na ng unit ang mga paa nito, nakahawak ang isang kamay sa pinto habang matalim ang tingin sa kanya.

"Nagpunta ka lang ba rito para i-reject ako, Apollo?" mapait na wika niya.

Marahas na umiling si Apollo. He parted his lips to speak up. He wanted to explain. But the more he was trying to compose his reasons, the more Snow was being pained.

Itinaas ng dalaga ang palad sa harap niya. "Huwag mo nang sagutin. Obvious naman na rejected na ako." She kept her bitter smile on her lips. "Hindi pa pala obvious sa 'yo. Oo, gusto kita. Matagal na kitang gusto, Apollo. Pero alam ko ring may gusto ka sa kapatid ko kaya okay lang kung wala kang pakialam sa nararamdaman ko."

"Snow..." He was beginning to feel uncomfortable.

But Snow continued, "salamat sa pagpunta rito ng ganito kaaga para iparinig sa akin kung ano man ang puwede mong isagot kung sakaling aamin ako sa 'yo. You're sorry? Okay. Whatever. Apology accepted. Get lost."

She slammed the door in front of his face. Natahimik ang buong paligid. Nanatiling nakatayo si Apollo sa nakasaradong pinto.

He blinked when the door opened again and Snow's angry face showed. "Baka iniisip mo na hahadlangan ko ang panliligaw mo sa kapatid ko. Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako bitter at immature. Hindi ko sisirain ang mga plano mo kay Sunshine. You want to court her? Go on. I don't give a fuck. May sarili akong feelings na kailangang unahin. Good luck na lang sa 'yo."

The door shut in front of Apollo. He released a heavy sigh after. Fuck.





"MAY PROBLEMA KA ba?" nagtatakang tanong ni Justice kay Apollo habang nakatambay sila sa coffee shop sa labas ng condominium building.

Sa sobrang lamig ng panahon at nabalot na ang buong paligid ng niyebe ay naisipan nilang mag café hopping na lang. Kasama nilang magkakaibigan ang mga magulang nila ni Artemis, pero nakahiwalay ang mag-asawa ng mesa mula sa kanilang apat.

"Si Sunshine na naman ba?" Artemis asked.

"O si Snow?" Nova added.

He sighed while playing on his cup of black coffee. "Both."

Three pair of eyes glared at him.

"Ang guwapo mo naman," nang-aasar na wika ni Nova.

"Masama 'yan, bro. Huwag magkapatid ang tuhugin mo nang sabay," Justice said.

Sinamaan niya ng tingin ang binata. "Gago."

"Ano na naman bang ginawa mo sa dalawang 'yon, Apple?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Artemis.

"Wala. Kinausap ko lang si Snow kaninang umaga," he said, omitting some of the information he knew Artemis wanted so much to know.

"Anong sinabi mo?" patuloy na tanong ng kakambal.

"Tinanong ko lang kung kumain na ba siya," walang kuwentang sagot niya. Hinagisan siya tuloy ni Artemis ng basang tissue.

"Ano nga? Binastos mo na naman ba?"

Apollo's eyebrows met. "Na naman? Ni minsan, hindi ko binastos si Snow."

Hindi niya maintindihan kung bakit sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya na may binastos na siyang tao—lalong-lalo na ang mga babae. Even Apollo's ex flings and hook ups were treated right. Makalat lang siya minsan, pero hindi niya magagawang mambastos ng iba.

"O. E, bakit nga kayo nag-usap?" pag-iintriga naman ni Nova bago uminom sa kape nito.

"Hindi niyo ba alam 'yong salitang privacy?"

Nagkatinginan sila Artemis at Nova bago muling tumingin sa kanya. "Tayo-tayo lang naman ang nag-uusap. Wala namang makakaalam," Artemis said.

He frowned at his twin sister. "Ano bang meron kay Snow at gustong-gusto niyong malaman kung ano ang pinag-usapan namin?"

"I don't know." Artemis shrugged her shoulders and picked up her cup. "Maybe because I can see her avoiding us?" Tumaas ang kilay ni Apollo. "Look, she's even trying her best na hindi lumingon dito."

"What?" Mas tumaas ang kanyang mga kilay. Ngumuso si Artemis na parang may tinuturo sa kanyang likuran kaya sinundan niya ito ng tingin.

Apollo's eyes landed easily on Snow's reflection. Nasa labas ito ng café habang may kausap na isang lalaki. Based on the guy's appearance, he looked like a native American. Tumatawa ito at pasulyap-sulyap sa loob ng shop. Snow's smile was forced, nahalata niya iyon. Bumaling ang dalaga sa loob at sandaling nagtama ang tingin nilang dalawa. Snow glanced back at the guy she was with then shook her head lightly.

"Ayaw yatang pumasok dito kasi nakita tayo," Nova stated the obvious.

Muntik nang sumubsob sa sahig si Apollo nang itulak siya bigla ni Artemis paalis sa kinauupuan niya. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa kakambal na natatawa pa.

"Puntahan mo si Snow. Yayain mo rito," Artemis urged him.

"Ayoko nga," sagot niya saka umayos ng upo. "Ba't 'di na lang ikaw ang gumawa, tutal ikaw naman ang nakaisip."

"Ikaw ang may kasalanan sa kanya. Apologize!"

"Nag-sorry na kaya ako!" he said.

"Bakit parang galit pa rin sa 'yo?" Artemis asked

"Hindi ko alam. Baka may dalaw?"

Artemis gaped at him. Tumawa si Justice saka siya binato ng tissue. Kanina pa sila nagkakalat ng tissue roon. Baka mamaya ay palabasin na sila sa ginagawa ng mga kasama niya.

"Hindi yata siya kumportable sa kasama niya," pansin na naman ni Nova.

"Classmate namin 'yang kasama niya. Close naman sila," Artemis said.

Apollo looked at Snow and the guy. He scoffed. Close? Kanina pa kaya niya napapansin na pilit lang kung ngumiti ang dalaga sa kausap.

Napaharap ulit siya kay Justice na kaharap niya sa mesa, nang makitang pumasok na sa loob ng café si Snow at ang Amerikano na kasama nito. Dumeretso ang dalawa sa counter para mag-order. Nanatili namang nakatingin si Apollo kay Justice na pinagtatawanan siya.

"Para kang tanga," sabi ng binata.

"Manahimik ka na lang," he replied, annoyed.

Pinapakiramdaman ni Apollo kung saan pupunta si Snow nang marinig na tapos na itong umorder. He could hear her bubbly voice talking about the second floor of the café. Mukhang doon pa yata nito gustong tumambay. Iniiwasan talaga siya ng dalaga.

Uminom siya sa kanyang kape. Mabuti na rin siguro 'yon. Titiisin na lang niyang hindi sagutin ang mga tanong nila Artemis kahit na nakakarindi na.

"Snow!" malakas na tawag ng kanyang kakambal sa pangalan ng dalaga na halos nagpabuga sa iniinom niyang kape. "Over here!"

"What are you doing?" he hissed. Nababaliw na ba si Artemis? Iniiwasan na nga siya ng dalaga. Bakit pa nito tinawag?

Apollo forced himself to glance at Snow. Nakita niya itong nakatayo ilang pulgada mula sa table nila. She was wearing a pale yellow dress covered with a white coat. Nasa likuran nito ang lalaking kasama na nakasuot din ng winter clothes.

Snow was smiling. She was holding her caramelized coffee and a plate of sliced cake. Naglakad ang dalaga palapit sa puwesto nila.

"Hi, Art! Uh, nandito na ba sila Sir Eros?" Deretso lang ang tingin nito kay Artemis. Kahit na nasa tabi na siya ay hindi pa rin siya nito binabalingan.

"Nasa kabilang table. You wanna go and say hi to them first?" Artemis asked.

"Sure! Saglit lang."

"Iwan mo na muna 'yang food mo rito," Artemis offered. "You, too, Charles. You can put your food here."

"Is it alright?" Charles said with his thick accent.

"Sure! You can seat here." Umusog si Nova hanggang sa gilid ng glass window kaya napasunod din si Justice. "Here. Beside my boyfriend."

Charles showed Nova a friendly smile before sitting beside Justice.

"Uh... We can get our own table," nahihiyang ani ni Snow.

"Bakit? Nasa date ba kayo? You want some privacy?" Artemis asked Snow with a teasing smile.

Apollo wanted to roll his eyes at his twin. Privacy? They didn't know what privacy was.

"Hindi." Snow laughed. "We're not on a date. Right, Charles?"

Charles smirked at Snow. "Yeah, sure. If that's what you think."

Impit na tumili sila Nova at Artemis kaya napalingon sa banda nila ang mga magulang. His Dada called Snow the moment he saw her standing near their table. Lumapit naman ang dalaga at magalang na nakipag-usap sa dalawa.

"So, you're having a date?" Artemis asked Charles. Gusto na lang niyang takpan ang bibig ng kapatid. Nagiging tsismosa na ito.

"No, I'm just teasing Snow. I feel like she needed it since she was kind of down a little today," Charles replied.

Natigilan si Apollo nang lingunin siya ni Artemis at Nova. Fuck.

"Did something happened to her?" Artemis asked Charles.

"Nothing serious, I guess. She called me and asked me to take her out because she feels lonely."

"Yeah... I didn't see Sunshine with you two."

"Sunshine's with Dane. They're on a date."

Napainom ng kape si Apollo.

"Sana all date," malakas na sambit ni Nova na nakatingin sa kanya. Ngumisi ang dalaga at bumaling kay Artemis. "Art, kapag ba rito, officially mag-on na 'yong mga gaya nila Sunshine at Dane na lumalabas para mag-date? Or it's still part of courting?"

"Some consider it as part of courting, some said it's another level or romantic relationship. You know, dating," Artemis answered.

"Sunshine and Dane already like each other. I think those two are officially dating," singit ni Charles sa usapan.

Nova's mouth formed into an 'o' and looked at him. Apollo frowned and finished his coffee. Tumayo siya at saglit na nagpaalam para mag banyo. Narinig pa niya ang pagtawa ni Nova sa kung anong ibinulong ni Justice pero hindi na niya pinansin ang mga ito.

He entered the restroom and went straight in front of the mirror. Inayos niya ang nakasimangot na mukha. He looked so grumpy. Tang ina kasi ng Charles na 'yon. Kung ano-anong sinasabi. Hindi naman niya hinihingi ang opinyon nito tungkol kila Sunshine.

He sighed before washing his face on the sink. Ginulo rin niya ang buhok bago muling lumabas. Natigilan siya nang makita si Snow na nasa mesa na nila. She was sitting on his seat. Kinagat ni Apollo ang ibabang labi. Ano? Palalayasin ba niya?

"Kila Momma muna ako," sabi niya saka kinuha ang black forest cake na balak niyang kainin kanina.

Pumunta si Apollo sa table ng mga magulang at doon nakiupo. Pero hindi pa siya nakakatagal nang mapansing nasa tabi na niya si Snow. His breathing stopped. Ewan ba niya kung epekto iyon ng kapeng nainom, pero biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"If you mind, Apollo. I'm just gonna talk to Snow about something," seryosong ani ng ama.

Wala siyang nagawa kundi umusog para bigyan ng mauupuan ang dalaga. Para siyang sinilaban ng apoy nang maramdaman ang pagdikit ng balat nito sa kanya. He heard Snow uttered her thanks pero hindi niya ito nasagot dahil kinausap na siya ng ina.

"I'm planning to work naman po sa Kupid's, Sir Eros. Pero alam niyo naman pong pangarap ko ang magtrabaho sa Europe," sabi ni Snow na narinig niya.

"You can work there after earning some experience in our restaurant. Tutulungan pa rin kitang pumasok sa Kupid's kapag nasa France ka na."

Snow's eyes glowed. "Talaga po? Hala, ang dami niyo na pong naitulong sa amin ni Sunshine, Sir."

"You are my scholar. Of course I don't want to just throw you off the cliff after you graduate. As long as you're under my sponsorship, sagot ko na lahat pati trabaho niyo," his Dad replied.

Apollo remained silent while the two were talking. Nakisali na rin ang kanyang ina sa usapan ng dalawa.

Snow was very excited to work abroad. Did that mean Sunshine would follow her sister, too?

***
JEYL_Purple

Continue Reading

You'll Also Like

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
40.2K 1.9K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
236K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
381K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...