That Breakup

Από HippityHoppityAzure

341K 5.6K 392

(Informally written and not yet edited) Siya si Micki Magdayo, isang frustrated girlfriend. Lagi na lang niya... Περισσότερα

That Break-up
< i >
< ii >
< iii >
< iv >
< v >
< vi >
< vii >
< viii >
< ix >
< x >
< xi >
< xii >
< xiii >
< xiv >

< final >

25.7K 682 104
Από HippityHoppityAzure

< final > 

[EZEKIEL's PoV] 

Di ko alam kung gaano na ba ko kalayo mula sa bahay ni Kristine. Lakad lang kasi ako nang lakad dito sa beach habang tumitingin sa paligid. 

Bukod sa mga bahay na karamihan ay beach house din, may nadadaanan din akong ilang resort na may nakabukas na bilihan ng pagkain. Di sila mga tipong high class kaya naman pumapasok ako sa mga yun para hanapin si Micki. Baka kasi napagtripan lang nyang kumain at uminom mag-isa. 

Nagtanung-tanong din ako sa mga taong nandun. Dinescribe ko sakanila si Micki kaso lahat sila, wala raw nakita. 

Tsk. 

Sinabunutan ko ang sarili ko pagkalabas ko sa huling resort na pinagtanungan ko. 

"Micki.. Asan ka na ba?" inis kong tanong sa sarili ko. 

Natatakot na ko. Di ko na mapigilang mag-isip ng kung ano. Di kaya may nangyari nang masama sakanya? 

Umiling ako at hilot ng ulo ko. 

Di yun pwede. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sakanya. 

Tinignan ko ang cellphone ko. Si Haji kaya, di pa nakikita si Micki? 

Ayoko sanang sya ang unang makakita kay Micki pero ngayon mas gusto kong magkita na sila.. mas gusto kong malaman na buhay si Micki at ligtas.. 

Pero di pa naman ako kinokontak ni Haji. Ibig sabihin, di pa sila nagkikita. Tinawagan nya kasi ako kanina at sabi nya, magtawagan na lang daw kami kung may balita na kami kay Micki. 

Muli kong sinabunutan ang sarili ko at huminga nang malalim. Nilabanan ko itong lumalalang takot sa loob ko. 

Di ito ang tamang oras para sumuko. Hahanapin ko pa rin si Micki. Kung wala pa sya sa susunod na resort na madadaanan ko.. siguro.. kailangan na naming humingi ng tulong sa mga pulis.. 

Naglakad na ko ulit hanggang sa marating ko ang isa pang resort. Pumasok ako dun. Wala masyadong tao. May nakabukas na parang snack bar dun at meron ding ilang grupo na kumakain at umiinom. 

"Excuse me po!" nagmamadali akong lumapit sa babaeng bantay nung snack bar. "May nakita po ba kayong babae na.. na kaedad ko lang? Maliit sya sakin ng unti tapos hanggang balikat yung buhok? Pero nakatali pala yung buhok nya ah! Uhm.. tsaka naka-itim syang tshirt!" 

Natulala sakin yung babae na para bang nahihirapan syang intindihin ang mga sinabi ko. 

"Ano na, miss?" naiirita kong tanong sa babae. 

"Uhh.. Wala eh?" potek! Wala pala pinatagal pa! 

Tinalikuran ko na sya agad. 

Pagkalabas ko, tuluyan na kong nilamon ng takot. 

Wala si Micki dito. Wala sya sa mga una kong nadaanan na mga resort. Di naman siguro sya pupunta sa malayo para lang kumain at uminom NANG MAG-ISA. 

Bumigat ang loob ko. Gusto ko pa sana syang hanapin pero masyado nang gabi. Masyado nang malayo itong naabot ko. Dapat bumalik na lang ako sa beach house at humingi ng tulong sa barkada namin. 

Tuliro at nanlalata akong naglakad pabalik ng beach house. Pinilit kong mag-isip ng positibo pero kahit anong isip ko, mas nangingibabaw na talaga sakin ang takot. 

Habang naglalakad ako, nagring ang cellphone ko. May tumatawag. Madali ko yung chineck. Nabuhayan ako ng loob kasi si Haji yun! 

Sana, nakita na nya si Micki. Sana. 

"Haji? Ano na? Nakita mo na sya?" dire-diretso kong tanong kay Haji. 

"Kiel.." mahinahon nyang umpisa. "Hindi ko pa sya nakikita eh.." 

Napahinto ako sa sagot nya. Nanggigil ang mga kamay ko. Galit ako. Nagagalit ako sa sarili ko. 

"Kung saan-saan na ko nakaabot, nagtanung-tanong din ako pero.. tsk.. wala talaga sya.." 

Sandali.. 

Mula dito sa kinatatayuan ko, may nasilayan akong babaeng nakaupo sa buhangin at nakaharap malapit sa dagat. 

"Mas mabuti siguro kung ireport na natin sa police station tong pagkawala nya.." suggestion pa ni Haji pero hindi ako makasagot. 

Abala ko sa pagtitig dun sa babae. At sa pagtitig ko sakanya, nagsimula nang gumaan ang pakiramdam ko. 

Yung babae, naka-itim syang tshirt. Nakatali rin ang buhok nya at may gamit syang gitara-- isang pamilyar na gitara. 

GITARA YUN NI HAJI. 

"Kiel, ako nang bahala dun sa pagreport. Balik ka na lang sa beach house. Gisingin mo si Luke tapos iba--" 

"Micki.." bigla kong sabi dahil namukhaan ko na yung babae at siguradong-sigurado ako, si MICKI yun. 

"Ano yun, Kiel?" pagtataka ni Haji. 

"Si Micki, nakita ko na sya." di ko na naitago ang saya sa tono ko. "Ka.. Kakausapin ko lang sya ah, Haji. Wag ka mag-alala, aayusin ko na toh." 

Inend ko na yung tawag at naglakad palapit kay Micki. 

Unti-unti, naririnig ko na ang pagtugtog nya sa gitara. 

Kumakanta rin sya pero.. mabagal at mahina ang pagkanta nya. 

"♫ Could have been a perfect love, I'm still trying.. I know you've lost your faith in me, now I'm crying.. I know I've been such a fool, I've been blinded..♫" 

Nakonsensya naman ako sa kanta nya. Alam ko, yun ang nararamdaman nya ngayon eh. 

"♫ Can we just get back to where we've started? 'Cause I miss your grip and I miss the way you kiss me..♫" 

Napangiti ako. Namimiss ko na rin naman syang hawakan at halikan. 

"♫ I know I've hurt you, have driven you down.. Begging on my knees.. Tell me what should I do?♫" 

Ano nga bang dapat nyang gawin? 

Wala naman na eh. Dahil ako.. ako na ang dapat kumilos. 

Tumigil na sya bigla sa pagtugtog at pagkanta. Kita kong kinusot nya ang mga mata nya. Siguro umiiyak na naman sya-- dahil sakin. 

Napahinga ulit ako nang malalim. Nag-ipon ako ng lakas ng loob. 

Ngayon na.. dapat ko na syang kausapin. 

[MICKI's PoV] 

Tsk. Naiyak na naman ako. Ba't ba kasi yun pa kinanta ko?! 

Hay naman.. 

Matapos ko kusutin ang mga mata ko, tumugtog na ko ulit gamit tong gitara ni Haji. Kung anu-anong nota na lang tinugtog ko. 

"Ano ba yan.." biglang sabi ng isang lalaki sabay upo sa tabi ko. 

Natakot ako at tatayo sana kaso masakit nga pala yung paa ko! 

Pero.. itong tumabi sakin.. 

Si KIEL pala toh. 

Si Kiel nga toh pero yung takot ko, di pa rin nawawala. Bakit ba kasi sya nandito? Diba dapat nandun pa sya sa resto bar nina Kristine? 

Natulala lang ako sakanya habang sya, nakakunot-noong nakatitig sa dagat. 

"Bakit ka ba nandito ah?" mahina nyang tanong pero may pagkainis sa tono nya. "Di mo ba alam kung anong oras na? Kanina ka pa namin hinahanap ni Haji. Pi..Pinag-alala mo kami.." 

Pinag-alala ko SILA ni Haji? PATI SYA, nag-alala sakin? 

Natuwa puso ko dun ah. Pero may kaba pa rin ako. Pag kasama ko kasi si Kiel, pakiramdam ko masasaktan lang ulit ako. 

"S-Sorry.. Tatambay lang sana ko sa beach malapit sa beach house eh pero.. bigla akong nagutom kaya naghanap ako ng bilihan ng burger.." nahihiyang natatakot kong paliwanag sakanya. 

Tumingin na sya sakin nang nakakunot noo pa rin. "Ano ka? Naglilihi ah?" 

"Huh? Nag-- NAGLILIHI?! DI NOH!" sinapak ko sya sa braso nya. 

Nagulat ako sa ginawa ko. Agad kong nilayo ang kamao ko sakanya at binaling ang tingin ko sa dagat. 

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Nahihiya ako. Ang kapal ko lang. Nagfi-feeling okay na ko sakanya. 

"Mukhang wala ka namang nabiling burger." totoo, wala nga. Wala akong nakitang bilihan eh. "Eh ano pang ginagawa mo dito? Kita mo namang delikado dito. Mamaya....tsk.." 

Wow naman.. Nag-aalala talaga sya sakin ah? 

"Nagpapahinga lang ako saglit dito. Masakit kasi paa ko." sagot ko na sakanya. 

"Masakit? Bakit? Anong nangyari?" sinilip nya ang mga paa ko. 

"N-Natapilok lang ako kanina habang pababa sa hagdanan nung isang resort.." 

"Tsk. Kung di ka natitisod sa hagdanan, lagi ka namang natatapilok." 

T3T 

Totoo yun.. Lagi na lang akong ganun.. Siguro kasi... 

..tanga ako. 

TANGA NGA KO. 

Nagawa ko ba namang pagdudahan, lokohin at saktan ang lalaki na toh na.. na mahal pala talaga ko.. 

Napatakip ako ng bibig. Bigla kasi akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Naiiyak na naman ako. 

Nang muling tumingin sakin si Kiel, nagulat sya. "Micki?" 

"Uhh hehe.. Wala lang toh.." sabi ko sabay punas sa mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata ko. Pero sa kada punas ko, merong pumapalit. Tsk. Ano ba toh? 

Nakakahiya kay Kiel. Ayokong lumabas na nagpapaawa ako sakanya. 

Pero naramdaman ko na lang bigla ang braso ni Kiel na dinikit nya sa likuran ko tapos yung isa nya pang braso, niyakap ako sa balikat. Nabitawan ko ang gitara ni Haji pero di ko na pinansin yun. Masyado akong nagulat sa pagyakap na toh sakin ni Kiel. 

Yakap ako ni Kiel.. Ang saya pero nalilito ako.. Bakit nya ba toh ginagawa? 

"Sorry.." bulong nya sakin na mas ikinalito ko. 

"Ha? Sorry?" ulit ko sa sinabi nya. Tuluyan na kong naiyak. "Pero ako dapat ang nagsosorry sayo diba? Kasi.. niloko kita.. kasi sinaktan kita.." 

Naramdaman kong napabuntung-hininga sya. 

"Sorry ah, Kiel?" sirang-sira na ang boses ko. 

Pero hindi. Hindi ako papapigil sa sakit ng lalamunan ko o sa pag-iyak kong toh. Kukunin ko na ang pagkakataong toh para magpaliwanag kay Kiel kahit hindi nya ko paniwalaan. 

"Kiel.. Hindi ko na ipipilit na paniwalaan o patawarin mo ko pero.. di ko talaga sinasadya yung ginawa ko.. Mahal talaga kita eh pero pinagdudahan kita.. At nagpakatanga ako.. sobra akong nagpakatanga para magpaloko kay Lou at para saktan kita.." 

"Sshh. Tama na. Naniniwala na ko sayo." inalis na nya ang pagkakayakap nya sakin at tinulungan ako sa pagpupunas sa mga luha ko. "Tsaka wag mo na sisihin ang sarili mo, okay? Narealize ko na eh..na hindi lang ikaw ang may ginawang mali.. Ako rin Micki, bilang boyfriend mo non, may pagkakamali rin ako.." 

Napunasan na nya ang lahat ng luha ko pero ang kamay nya, nanatiling nakahawak sa pisngi ko at.. ang sarap lang. Gustung-gusto ko ang pakiramdam na hawak nya ko. 

"Malaki ang pagkukulang ko sayo non, Micki.. Kaya ngayon, gusto ko sanang bumawi.. Gusto ko nang ayusin ang lahat satin.." napapikit ako dahil hinalikan nya ang noo ko. "Mahal pa rin kita eh.. sobra.. Pwede bang.. magsimula tayo ulit? Pwede bang maging akin ka ulit? Kung bibigyan mo pa ko ng chance, ipinapangako, hindi na magiging katulad ng dati ang relasyon natin.. Natuto na ko eh kaya sana..mapagbigyan mo pa ko.." 

Tiningala ko sya. Naluluha ako pero ang mga luha na toh, di na sya dahil sa lungkot. Dahil na toh sa tuwa. 

"Kalimutan na natin ang mga di magandang nangyari satin noon, ah?" pinunasan nya ulit ang mga luha ko. "Papalitan na natin yun ng mga magagandang alaala." 

Nakangiti akong tumango sakanya. Ngumiti rin sya at hinalikan ang ilong ko pati ang mga labi ko. 

"I love you, Micki." mahina nyang sabi. 

Natawa ko pero binigyan ko sya ng isa pang mabilis na halik. "I love you too.." 

Ngiting-ngiti sya. Tapos hinalikan nya ko ulit but this time, mas matagal na ang halik nya. 

Yung halik nya, parang binabawi nya ang matagal nang hindi nya paghalik sakin. Para bang..pinapalitan na nya agad ng magandang alaala ang di magandang nangyari samin noon. 

Sinagot ko ang paghalik nya. Parehas lang naman kami nang nararamdaman eh at parang ayaw na rin naming huminto. 

Mukhang wala nga kaming balak huminto pero.. 

BIGLA KAMING TINAMAAN NG ALON! 

WAAA~ Nabasa na ko! >___< 

Si Kiel din pala, nabasa. Parehas pa kaming naubo. 

Panira ng moment yung alon pero.. di na mahalaga yun! 

Natawa na nga lang kami ni Kiel. 

Ang mahalaga naman kasi ngayon, ayos na kaming dalawa at.. 

..nagkabalikan na kami. 

* * 

* * 

"Naku Micki! For sure, lalaglag panga ni Kiel sayo nyan!" tuwang-tuwa si Andrea nang lumabas na ko ng CR.

Tuwang-tuwa sya dahil sa suot ko na two-piece bikini. Di naman kasi ako palasuot nang ganito pero dahil sa espesyal ang araw na toh, nagpapilit na ko sa gusto nya. =___= 

"Kainggit! Ang sexy-sexy mo talaga! Kaya di ka natiis ni Kiel eh!" dagdag pa nya. "Pero ayieee lang talaga sa inyo. Sabi na nga ba kasi, mahal nyo pa rin ang isa't isa." 

Natawa na lang ako sakanya. Kanina pa nya kasi sinasabi yan. Palibhasa di sya maka-getover sa nakita nya kaninang umaga. Uhm, naabutan nya lang naman kami ni Kiel na magkatabi at magkayakap na natutulog sa sofa. 

"Ay, tara na Micki! Kailangan pa nating lubusin ang pagsuswimming at uuwi na tayo mamaya!" hinatak na ko ni Andrea palabas ng beach house. 

So ito.. alam na ng buong barkada ang tungkol sa pagkakabalikan namin ni Kiel. At tulad ni Andrea, masaya silang lahat para samin. 

Wala nga lang silang kaalam-alam tungkol sa pagpanic nina Haji at Kiel kagabi, nung inakala nilang nawawala ako. 

Speaking of Haji, nakausap ko na sya kanina. Nagsorry ako kasi pinag-alala ko sya kagabi. Nagsorry rin ako para dun sa gitara nya. Ehe. Nabasa rin kasi yun ng alon kagabi. Pero sabi ni Kiel, papalitan na lang daw nya yun. 

At yung nangyari naman samin ni Kiel pagkatapos kaming hampasin ng alon? Uhm.. Pinasan nya lang naman ako pauwi kasi nga masakit paa ko. Buti na lang ngayon, di na sya masakit. 

"WOW! MICKII! SEXYY!" pasigaw na bati ni Candy nang makalabas na kami ni Andrea. Nandun sya sa dagat kasama sina Luke, Kristine at Kiel. 

Sina Luke at Kristine, nginitian ako. Habang si Kiel, nanlaki ang mga mata sakin. 

Naman. Naconscious tuloy ako. >///< 

"Tignan mo si Kiel! Di lang nalaglag ang panga! Naluwa din yung mga mata! Haha!" sabi ni Andrea tapos tumakbo na sya sa dagat. 

Si Kiel naman, lumapit sakin. Parang di nya alam kung saan sya titingin. Sakin ba o sa malayo? Pero sa huli, tumingin sya nang diretso sa mga mata ko. 

"Uhm.." 

Hala... Si Kiel, naspeechless? O___O 

"Uy, Micki." tawag ni Haji na natanaw ko sa likuran ni Kiel. Papalapit sya samin. "Ayos sa suot ah." 

Mabilis syang hinarap ni Kiel pero ano toh? Bastusan? Hinaharangan nya ko kay Haji eh! 

"Kiel naman?" natatawang bati ni Haji sakanya. "Kung nagkakaganyan ka dahil sa sinabi ko kagabi..kalimutan mo na yun. Nasabi ko lang naman yun para matauhan ka at effective naman." 

Ha? Anong pinagsasabi ni Haji? 

"Buti naman kung ganun.. Salamat ah.." parang nahihiya na sagot ni Kiel. 

Tuluyan naman nang natawa si Haji at tinapik si Kiel sa balikat. 

"KIEL! MICKI! HAJI! TARA NA DITO!" tawag samin ni Candy. 

"Tara na raw." nauna na si Haji dun sa dagat. 

At kami ni Kiel.. nagbalik-titigan muna kami. 

"Gusto ko yang suot mo.. Bagay sayo.." bati na nya. "Ang ayaw ko lang eh..pinagtitinginan ka ng maraming lalaki dahil dyan.." 

Napatingin ako sa paligid. May ilan kaming mga kasabayan ngayon dito sa beach at.. OO NGA! MAY MGA LALAKING NAKATINGIN SAKIN! 

Makoconscious sana ko ulit pero yung thought na nagpapaka-protective si Kiel sakin.. mas natuwa ako kaysa naconscious. 

Lumapit ako kay Kiel at tiningala sya. 

"Hanggang tingin lang naman sila eh.." bulong ko sakanya. "Hinding-hindi mababago ng mga tingin nilang yun ang katotohanan na ikaw ang mahal ko.. at na sayo ako-- SAYO LANG." 

Napangiti sya at niyakap ako sa bewang. 

"Oo nga naman?" nilapit nya ang mukha nya sakin. "I love you Micks." 

Pinanggigilan ko ang mga pisngi nya. "And I love you too Kieltot." 

Natawa sya pero agad na nilapat ang mga labi nya sa mga labi ko. 

Right there, we kissed. Wala na kaming pake kung may nakakakita samin o kung tinutukso na kami ng barkada naming nandun sa dagat. 

Well.. I'm Micki, Kiel's girlfriend. 

Hindi na FRUSTRATED GIRLFRIEND ah! 

Di ko na kasi pinagdududahan ang pagmamahal nya sakin. 

Alam na rin kasi namin kung paano ipaparamdam sa isa't isa ang totoong nararamdaman namin. 

Parehas na kaming natuto sa mga pagkakamaling nagawa namin eh. 

All thanks to that break-up we just had.

o x o x o x [ E N D . ] x o x o x o 

OHAAA! HAPPY ENDING! XDD 

Pero parang di ako naplease sa ending.. @o@ LOL. sensya na lang din sa ibang hindi naplease XD 

at syempre! THANKS MUCH sa sumubaybay sa kaartehan nina Micki at Kiel! THANKS MUCH MORE sa mga nagcomment at nagvote! THANKS VERY VERY MUCH SA NAGTYAGA~ X3 

also, kung may maghahanap ng: 

COMPILATION? 

- sorry, wala nito. 

at SOFTCOPY? 

- i'll provide this! hindi nga lang agad-agad so wait-wait na lungs~ XD 

k! TBU ends here! 

Thanks ulet, TBU readers~ ;) 

*AZURE bows*

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

Always Have Been, Always Will Be Από letterL

Εφηβική Φαντασία

18.3K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
92.5K 560 3
History repeats itself. Kung ano ang puno, siya ang bunga. Paano mo nga ba maiiwasan ang temptasyon. Is there a rule to avoid everything that has bee...
Under the Rain Από Yumi

Ρομαντική

491K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...
12.8M 179K 53
[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na...