Taken by Him

Galing kay HunterSiann

14.2K 692 32

Tulad ng araw-araw kong buhay ,nandito sa loob ng klinika ang buhay ko . Isa ako pack doctor na isa ng kalha... Higit pa

Emergency
Border
Rouge
Taken
Poison
poison ll
Safe
With his Pack
Rain
Run
Strange
Cyra
Mark
Mate?!
Demon Wolf
Marking
awake
unexpected
Jealous
Flower
Heat
Message
Smile
Stranger
gone
Given
Seed
Hidden
Visitor
Sign
Target
Trapping
Defeated
Luna Revenge
End
Special Chapter
Special Chapter
Special Chapter

First Plan

462 19 1
Galing kay HunterSiann



"Luna,kaunti nalang maghihilom narin ang iyon sugat"masayang sabi ni Lily

"Nakikita ko"sagot ko habang nakatingin sa aking palad

Nilalagyan kasi ni Lily ng gamot ito ngayon...

Dalawang araw na ang lumipas ng nangyari ang lahat...

At dalwang araw na iniiwasan ko ang Rouge Alpha nila..

Tuwing siya ay pumupunta dito sa silid agad na nagpapanggap akong natutulog at minsan nag papanggap na nag babasa ng mga aklat na dinala niya.

"Luna....pwede ba akong magtanong ?"
Tanong niya bigla

Tumingin ako sa kanya

"Ano iyon?"siya lamang ang nakakausap ko sa mga bagay bagay kaya naging kumportable ako sa kanyang presensya.

"Bakit?itinatanggi niyo si Alpha???,may mali ba siyang ginawa?"maingat niyang tanong

"Maraming kasalanan ang Alpha niyo sa pack namin...at lalong hindi ko siya mate.."
Direktang sagot ko

"Luna,sana dumating ang panahon na mapatawad mo siya...
Alam kong hindi ko dapat ito sinasabi ngunit gusto kong malaman mo na kailangan ka ni Alpha... May nagawa man siyang kasamaan,pero ang kalooban niya ay may kabutihan.
Hindi siya tulad ng iniisip mong walang puso..at lalong hindi po maaari magkamali ang Alpha sa kaniyang nararamdaman na mate ka niya."
Uminit bigla ang  ulo ko,sa sinabi niya...

Pero huminga ako ng malalim bago muling nagsalita

"Lily,ayaw kong pag usapan ang iyong Alpha...
At makinig kang mabuti saakin,hindi mo ako luna,hindi mangyayari iyon..."
Saka tumayo ako at pumunta sa bintana upang makalanghap ng hangin..

Mataas na lugar ang silid kong kinalalagyan.
Mula sa bintana nakikita ko ang madilim na kagubatan.

Ang pack ng mga rouge na ito,ay nakatago sa gitna ng gubat..
At hindi madaling makatakas dito.

Kailangan kong pag aaralan ang lahat kong gusto kong makaalis dito.

Humarap ulit ako kay Lily..

Kong gusto kong makaalis isang tao ang dapat kong maaasahan  at mapag kukunan ng inpormasyon.

"Lily,kamusta ang lahat sa silda?"
Tanong ko

"Ang pack niyo po , Luna?"tanong niya

"Oo,sila nga..anong kalagayan nila??"

"Luna,pinagbabawal pong may maka pasok sa silda ..Mataas ang bantay ,kaya hindi ko po alam ang nangyayari sa loob.. Pasensya na"
Siya na nakayuko

Nagsalubong ang kilay ko
"Pero noong nakaraang dalawang araw,paano mo napuntahan ang  silda??"

"Dala po ng inyong kalagayan ,nakumbinse ko sila na ako ay papasokin.."

Napaupo ako sa tabi niya..
Sapo-sapo ang ulo habang nakayuko,kong kailangan kong magpanggap at mag paawa sa kanyang mga mata.Gagawin ko

"May paraan ba upang sila ay makausap ko.??Nag aalala ako ng sobra sa kanila.."

Hinawakan ko ang kamay niya ..

"Lily,maawa ka saakin...oras oras hindi sila mawala sa aking isip..Kahit sa pag tulog ko sila ang laman ng aking panaginip.Alam kong naiintindihan mo ako hindi ba?"
Tanong ko na humarap sa kanya na naluluha

"Lun-luna .. patawad hindi ko alam ang gagawin...Kahit ako,wala akong lakas,isa lamang akong  omega  ...at hindi ko alam kong makakapasok pa ako sa silda  muli."siya na hindi makatingin sa akin

Huminga ako ng malalim

"Kong ganon,ayos lang..."na may sigla sa boses,pero nasa mukha ang lungkot

Kong hindi siya ang tamang tao para makatulong saakin,kailangan kong makahanap ng paraan para makalapit sa silda.

....

Bukas ang pinto tulad ng inaasahan kong oras.
Naririto na ulit ang Alpha ng mga rouge..

Ito nalang ang huli kong pag pipilian.Ang kuhanin ang loob niya para makatakas .

Nakaupo ako ngayon sa isang upuan ,hindi tulad ng mga nakaraang araw  talagang iniiwasan ko siya .
Ngayon hinintay ko siya upang makipag butihan.

"Kakaiba yata ngayon o swenerte lamang akong makita kang hindi natutulog"siya na may dala ng pag kain..

Siya ang nag dadala sa hapunan ng makakain.

Ibinaba ko ang hawak kong aklat

Lumapit siya at ibinaba ang dalang pagkain..

Naglakad naman ako palapit sa kanya.
Para kumain na ...Alam ko naman na nagtataka siya dahil sa pagbabago ng kilos kong ito.Pero kailangan  mapaniwalang nagsisimula na akong makisama.

"Kumain ka na ba?"tanong ko
Habang hinahayaang ayusin niya ang kanyang dala

"Hindi pa,bakit mo natanong?yayain mo ba akong sumabay sayong kumain ?"na may nakakainis na ngisi

Gusto kong nagsalubong ang kilay ko pero pinigilan ko

"Napansin ko kasing ang dami mong dala,kaya naisip kong sabayan mo ako...nalulumbay ako ng ganito palaging mag isa."
Saka ako nagsimula ng kumain na hindi na siya binigyan pa ng pansin..

"Kong ganon,sumama ka bukas na bukas sa pag papatrolya ko sa buong pack.Oras na para makita mo ang pack nating pamumunuan.Marami kang makilala at makakasama .At ng sa  ganon hindi ka na malumbay.."nasa himig niya ang saya 

"Talaga?"hindi ko makapaniwalang tanong

Tumango siya bago nagsalita

"Ilang araw ka ng hinihintay ng buong pack sila ay iyong harapin.Gusto kanilang makilala"
Dagdag pa niya

Teka , paano ko sila pa tutungohan...
Tulad lang rin ba sila ng pack namin..??
Pack ito ng mga rouge,kaya siguradong hindi maiiwasang idinadaan nila sa dahas ang lahat.Magiging ayos lang ba ang lahat..??

"Alpha ng mga rouge,gusto kong malaman ang iyong pangalan"

Ng tiningnan ko siya,nakatingin lang din siya saakin..

Natigilan siya panandalian,ng kalaunan gumuhit sa labi niya ang pag ngisi
Naglakad siya palapit saakin ,
Inilapit niya ang mukha sa akin..ng tumapat ang bibig niya sa aking taenga..ramdam ko ang init ng kanyang hininga.
Kaya napalunok ako ng laway,..
Hindi ko rin naiwasang,malanghap ang mabango at mahalimuyak na kanyang scent.. napapikit ako dahil doon

"Alvierd"mahina niyang bulong sa taenga ko
Saka lumayo ng kaunti at humarap saakin.
Nakatingin siya saaking mga mata..Ang mata niya...kakaiba ang dating nito sa akin..
Pakiramdam ko nakatingin ako sa malamig at mainit na mga mata niya..
Hindi ko maintindihan..
Hindi ko maigalaw ang aking mata,nanatili lamang itong nakikipag titigan sa kanya..
At sa pamamagitan ng aming titigan,tila nag uusap ang aming mga tingin







Matapos ang paligsahan namin sa pag titigan,napag desisyon niyang siya ang alisin ang tingin at saka tumawa ng malakas

Saakin pa siya nakipag titigan  sanay akong makipag titigan lalo na at pakiramdam ko nasa isang paligsahan ako na kong sino ang unang pumikit ay talo.

At sa oras na iyon pakiramdam ko nanalo  na ako ..Kaya naging ganado ako sa pagkain,habang siya ay nakikisabay narin kumain..

Tahimik buong oras na kami ay kumakain..minsan napapansin ko ang pag tingin tingin niya ..na mukhang pinapanood ang mga galaw ko.Pero hindi  ko na iyon pa binigyan ng pansin




"Alvierd,gusto kong makita ang aking mga pack member"bigla kong sabi ng matapos namin kumain
Nakatingin ako sa hawak kong baso at kinakalog ang laman nito.

"Bakit?"tanong niya
Ramdam ko ang tingin niya sa akin

"Nais kong malaman kong nasa maayos pa ba silang kalagayan."
Paliwanag ko,pinilit kong itago sa aking tinig lumabas ang may pag kainis.

"Hmm.. anong makukuha kong ibigay ko ang hinihingi mo?..."

Napatingin ako sa kanya.. sinalubong ko ang tingin niyang mapanuri

"Anong gusto mong iparating?"

"Luna,aking Luna...Lahat ngayon may kapalit na kabayaran..Hindi natin makukuha ang ating gusto kong hindi natin pag hihirap,hindi ba?"
May mapaglarong ngiti sa kanyang labi at nakikita sa kanyang mata ang pag-ka liwanag na emosyon.

"Hindi ako ang Luna mo..at iyon ang alam ko..."diretso kong sagot na hindi makikita ang emosyon na gusto kong kanina ipakita

Umiling iling ito..
At humalakhak,at ilang sandali...nawala ang pag katuwa sa kanya at napalitan ng seryoso at hindi makikitaan ng giliw.

"Paano ko,gumawa tayo ng kasunduan ."malamig niyang tinig

Napalunok ako ng laway sa kaba .. Pakiramdam ko , maririnig niya ang tibok ng puso ko sa lakas  ng tibok ng puso ko ngayong kaharap siya


"A--anong kasunduan?"
Pinilit kong ituwid ang aking tinig.

"Sabihin nalang natin ,...

kong handa kang isugal ang iyong kalayaan kapalit ng mga buhay ng dati mong pack"

Agad na uminit ang ulo ko sa sinabi niya..

"Sinasabi mo bang papatayin mo sila??!"galit na tanong ko

"Syempre,hindi...Pero kong gusto mong mabuhay sila ng malaya..pwede naman natin pag usapan ang lahat,hindi ba?"siya sabay haplos ng mukha ko

Na agad ko namang hinampas ang kanyang kamay para ilayo ito saakin.masama ko siyang tiningnan
..

"Naisip kong makipag butihan sayo,ngunit sa naririnig ko ngayon..sinira mo ito."na dismaya ako ng sobra sa kanya..

Tumayo agad ako at lumabas papuntang balcony ng pack na ito...
Doon alam ko ,makaka langhap ako ng hangin ..

Alam ko ang gusto niyang iparating..at hindi ko iyon nagustuhan.

Napahilot nalang ako ng sintido sa sakit ng ulo ko..


Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

611 90 21
This is a BOYXBOY story❗❗❗ Unang pagkikita pa lang nina Kixion at Prinsipe Zhyfel ay epic na, unang nasilayan ni Kixion ang prinsipe ay nahulog na ka...
1.2K 102 12
Ang pagtakas ang aming naging daan upang kami ay magtagpo. Inakala kong isa siyang kalaban,at itinuring masamang kalaban. Pero nag kamali ako,dahil i...
4.1K 196 16
Paano mo malalabanan ang NILALANG na nagkukubli sa kadiliman kung ang nagpapalakas dito ay ang sarili mong TAKOT ? DILIM : Dapat ba talaga itong kat...
897 85 47
"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita"...