Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

Door donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... Meer

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 69:

448 21 3
Door donnionsxx04

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkalagay ng mga bagahe sa taas, tumabi na nga sa akin si Ros. Nasa tabi ako ng bintana nakaupo. Nakasakay na kami ng bus sakay ang mga nagtatrabaho sa All Day Shop. Papunta na kami ngayon sa Uphone dahil doon raw magkikita.

"Sir Ros, kompleto na po tayo." Sabi ng lalaki kay Ros habang may hawak na papel kung saan doon nakalista ang mga pangalan na kasama.

"Good. So, let's go!" Nakangiting sabi ni Ros.

"Let's go!" Tuwang-tuwa sabi ng mga katrabaho ni Ros.

Umandar na nga ang bus habang pinatugtog ng driver ng bus ang radyo. Di ko mapigilang mapangiti dahil lahat sila ay sabay-sabay na kumakanta.

Tumingin sa akin si Ros at sumabay na rin sa mga dito. Para tuloy niya ako kinakantahan sa ginagawa niya. Nakangiting gumaya na rin ako sa kanila habang nakatingin kami sa isa't-isa. Kala mo nagdu-duet kami.

Doon ko lang na-realize na close lahat ni Ros ang mga katrabaho niya sa kompanya. At lahat dito ay gustong-gusto ang personality niya.

****

Panay busina lang ang driver at mukhang na-traffic kami. May nangyaring bungguhan daw kasi sa dulo kaya di namin alam kung makakarating pa kami sa Uphone.

"Bababa na ko." Turan na lamang ni Ros sabay tayo sa pagkakaupo."Maglalakad ako papuntang Uphone para iinform sila na na-traffic tayo at hindi makadaan ang bus natin. Kailangan na natin bumyahe ng bicol on time." Sabi niya sa mga dito.

"Sure kayo, Sir?" Tanong ng lalaking siya may hawak ng listahan.

Tumango si Ros dito."Wag kang mag-alala. Malapit na ang Uphone mula dito."

Bababa na sana si Ros ng bus nang pigilan ko ito.

"Ros!" Tawag ko.

Napalingon naman ito."Hmm?"

"Sama ako." Sabi ko.

Naglalakad na nga kami ni Ros. Di naman umabot ng five minutes, nasa harap na kami ng Uphone. Nakita kong nakaparada na ang dalawang bus at madami nang taong ready na para bumyahe.

Panay lingon lamang ako para mahanap ko kaagad si Sir Johnser. Nalimutan ko sabihin sa kanya na nagtatrabaho si Ros kay Mr. Kailes at siya leader sa team nito. Baka kasi magulat siya bakit kasama si Ros. Kaya isa rin sa rason bakit sumama ako kay Ros para sabihin ito sa kanya.

"Elizabeth!"

Hinanap ko naman ang kinaroroonan ng tumawag sa akin.

Nakita ko naman kaagad si Sir Johnser, kumakaway ito. Napansin ko naman na nakatingin sa akin ang mga tao lalo na si Miss Mandy na kunot-noo nang makita ako.

Tumingin pa ko sa paligid ko at nakaramdam ako ng hiya dahil lahat ng mata nakatingin sa akin. Feeling ko mali yung ginawa ni Sir, baka pag-chismisan kami nito.

Nahihiyang dahan-dahan akong humakbang patungo sa kinaroroonan ni Sir Johnser kasama si Miss Mandy at Sir Dylan.

"G-good morning, Sir Johnser." Nautal na bati ko sabay bow."Good morning, Sir Dylan, Miss Mandy." Bati ko rin sa dalawa.

Nginitian lamang ako ng tipid ni Dylan.

"Y-you?" Di makapaniwala na bulalas ni Miss Mandy halos naituro pa ako nito."Kasama siya?!" Nakataas-kilay baling niya kay Sir Johnser.

Oo nga, bakit kasama ako? Ano nalang ba talaga iisipin ng mga taga Uphone sa amin? Bakit di ko 'yon naisip?

Hindi sumagot si sir dito bagkus nakatingin lamang siya sa akin na may ngiti sa mga labi. Siguro isipin ko nalang bakit kasama ako dahil mabait si Sir. Alam niyang taga doon ako at saa ako sa magga-guide sa kanila doon para ma-communicate kaagad nila ang mga taga sa amin.

"Hello? Sorry kung na-late kami." Boses ng bagong dating.

Sabay-sabay naman kami napatingin dito.

Nakangiti ng matamis si Ros kila Sir Johnser. Iyon na nga sinasabi ko, nanlaki yung mga mata ni Sir mang makita si Ros. Expected ko na na mangyayari ito. Dapat sinabi ko na nung isang araw para inform si Sir.

"Ros!" Di makapaniwala bulalas na lamang ni Miss Mandy habang nakatingin dito."Paanong..." Di makapaniwala na saad lamang nito.

Wait? Kilala ni Miss Mandy si Ros? Paano? Kailan? Paano? Wala naman kinu-kwento sa akin si Ros.

"Ako pala ang team leader na pinadala ni Mr. Kailes. Nice to meet you all." Nakangiting bati ni Ros sa mga dito.

CEDRIC SY POV:)

Narinig kong bumukas ang punto ng office ko. Nakilala ko naman kung sino ang pumasok dito. Nasa bintana ako habang nakatingin sa labas at pinapanood mula rito ang nangyayari sa ibaba.

"Paalis na po sila." Sabi ng assistant ko.

Humarap na nga ako dito. Kinuha ko ang coat ko na nakapatong sa swivel at sinuot iyon.

"Pupunta tayo ngayon sa hospital. Dadalawin ko lang si mama." Sabi ko dito at naglakad na ko patungo sa pintuan.

Sumunod naman sa akin ang assistant ko.

JOHNSER SY POV:)

"Oh my god! Di ko aakalain na nagtatrabaho si Ros kay Mr. Kailes. Wala siya sinabi sa akin kahit ni isa." Bulalas na lamang ni Mandy.

Nasa unahan ako nakaupo katabi siya habang si Dylan naman ay nag-iisa sa kabila kung saan nasa likuran siya ng driver.

Nasa byahe na kami ngayon papunta ng bicol. Wala si Elizabeth dito dahil doon siya nakasakay sa bus ni Mr. Kailes. Expected ko pa naman na makakatabi ko siya pero hindi.

"You know, di ko rin inaasahan na ang personal maid mo ay kilala si Ros," baling nito sa akin. Umupo ulit ito ng maayos at tumingin sa unahan."So, ang Lady Beth na sinasabi niya ay yung janitress na yun? Oh my!" Maarte pa ring sabi nito at tumawa ng bahagya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tinext si Elizabeth.

To: Elizabeth
Treat kita mamaya pag nag-bus stop na.

THIRD PERSON POV:)

Binasa naman ni Ros ang mensaheng natanggap niya mula kay Johnser para kay Elizabeth. Napakunot-noo naman siya dahil doon. Base sa nabasa niya parang gusto um-score ito kay Lady Beth.

"Sino yan?" Tanong na lamang ni Elizabeth sa kanya.

Mabilis na di-nelete niya ang message.

"Wala. Scammer lang." Pagsisinungaling niya. Tinago na niya ang cp sa kanyang bulsa.

"Ros, ang sinasabi mong mandirigma, si Miss Mandy? Siya yung bumili lahat ng gamit na dinala mo noon sa apartment?" Tanong nito.

Tumango siya bilang sagot dito.

Nakita niyang napa-pout ito. Mabilis naman niyang hinawakan ang kamay nito na nagpapahiga sa lap nito at nilagay sa bulsa ng jacket niya. Gulat na napatingin naman ito sa ginawa.

"Ito ang magiging first trip natin na magkasama, 'di ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Namula ang pisngi na tumango ito dahan-dahan.

"First time kong bumyahe na may kasama," mahinang sabi nito habang nakatingin sa akin. Umayos ito ng upo at tumanaw sa labas."Unang byahe ko pagluwas ko ng maynila, ako lang mag-isa. Dahil di pa ko nakakapunta sa Maynila, kapa-kapa pa ako dito. Di ko alam gagawin ko noon. Buti nalang nakakita ako ng poster na hiring ang Uphone at nag-apply kaagad ako. Tinanggap kaagad ako. Nung wala pa kong mahanap na mauupahan, sa locker room pa ako natutulog noon. Mabuti nga mabait si Aling Doya sakin." Kwento nito.

Natahimimik naman si Ros nang marinig ang pinagdaanan noon ni Elizabeth. Pinakinggan lamang niya ito.

"Akalain mo 'yon, uuwi ako sa amin may kasama na." Natatawang sabi ni Elizabeth sabay tingin kay Ros.

Napangiti naman siya nang makitang nakangiti si Elizabeth. Mabilis niyang hinawakan ang ulo nito at pinahiga sa kanyang balikat. Hawak pa rin niya ang kamay nito habang nasa bulsa niya. Wala nang umimik sa kanilang dalawa pero may ngiti sa mga labi nila sa isa't-isa.

JOHNSER SY POV:)

Pagka-text ko kay Elizabeth, naghintay pa ko ng one minute pero wala akong na-recieve na reply galing sa kanya.

Naisip na lang baka nasa bag nito ang cellphone at hindi nito narinig ang pagtunog iyon.

Walang magawa, nilagay na niya ulit sa kanyang bulsa ang cellphone.

"Di ko akalain na ang tinutukoy na girlfriend ni Ros ay ang janitress na yun. What the heck!"

Natigilan naman ako sa narinig. Kunot-noo na napatingin naman ako dito.

"What did you say?" Tanong ko kaagad dito.

Tumingun naman sa akin si Mandy.

"Sabi kasi sa akin ni Ros may jowa raw siya at yung personal maid mo pala ang tinutukoy niya." Ulit nito.

Nakaramdam ulit ako ng hinala nang marinig iyon. Alam kong nalaman ko na ang resulta ng DNA pero bakit bumalik ulit ang kaba ko. Di ko alam bakit ako kakabahan kaya nagtataka ako bakit naghihinala pa rin ako sa Ros na iyon.

Magsasalita sana ako nang naunahan ako ni Dylan.

"Magkapatid si Ros at Elizabeth." Sabi nito kaya sabay n napatingin kami ni Mandy sa kanya."Nakita ko na si Ros noon. Si Ros dati ang nag-ayos ng office ni Mr. Kailes sa Uphone at sinabi niya sakin na kapatid niya si Elizabeth na nagtatrabaho dito," cold na paliwanag nito.

"Ah? Magkapatid? Ahh, ngayon ko lang nalaman." Patango-tango na sabi nalang ni Mandy.

Tumango lamang si Dylan dito sabay tingin na sa harapan si Dylan.

Tinitigan ko ito ng maigi. Di ko maiwasang maghinala sa kanya. Binigay niya sa akin ang result ng DNA at positive ang nakalagay pero hindi pa rin ako maka-kampante. Hindi ko alam bakit.

Tumingin na lamang ako sa harap at inisip ko nalang na wala itong nararamdaman ko.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Huminto na nga ang bus at nakita kong nagsitayuan na ang iba para bumaba. Nakita ko sa orasan ng bus, alas 12 na ng tanghali. May eight hours pa kaming byahe bago kami makarating sa bicol. Siguro dalawang beses kami magba-bus stop.

Ginising ko nga si Ros na kanina pang tulog.

"Ros?"

Nagising naman ito halos humikab pa ito."Nag-bus stop na ba?" Tanong nito.

Tumango ako."Tara! Labas na tayo kasi 15 minutes lang lunch break natin."

Tumayo na nga siya sa pagkakatayo. Dala ko lamang ang wallet ko. Pagkatayo ko, nagulat pa ko nang hawakan niya ang kamay ko.

"Let's go." Yaya niya.

Kinikilig na nagpaakay na lamang ako dito.

"Gusto mo ba kumain dito?" Tanong niya sa akin habang nasa tapat kami ng isang karinderya.

"Sige,"

Pagkapasok namin sa loob, mabilis na hinila niya ako nang makahanap ng uupuan namin. Nang makahanap siya, pinaghilaan niya ako ng mauupuan. Uupo na sana ako nang makaramdam ako ng pagka-CR.

"CR muna ako," paalam ko.

"Sige. Ako na mag-oorder ng pagkain natin." Payag niya.

Tumango na lamang ako sa kanya.

Naglakad na ako para maghanap ng malapit na CR dito.

****

Pagkalabas ko ng CR, nagbayad pa ko sa nagbabantay ng five pesos. Pagkatapos, naglakad na ako para bumalik na sa karinderya kung saan kami kakain ni Ros.

Napatigil na lamang ako sa paglalakad nang may humawak sa pulsuhan ko. Takang napalingon naman ako at tinignan ang kamay na nakahawak sa akin. Dahan-dahan pang iniangat ko ang ulo para makita ang nagmamay-ari ng kamay na iyon.

Bahagyang nagulat ako nang makita ko ang taong pamilyar sa akin.

"Sir Johnser?" Gulat na sambit ko.

Mas lalo akong nagulat na mabilis na may umalis ng kamay ni Sir Johnser sa akin at hinila ako nito palapit sa kanya. Nanlaki mata ako nang makita kong si Ros ang may gawa iyon.

Di ko inaasahan pa ang nangyari nang hawakan ni Sir Johnser ang isang kamay ko para bawiin at hinila papunta sa kanya kaso nabigo siya dahil hindi ako binitawan ni Ros. Naghilaan sila sa akin at hindi ko maintindihan kung ano nangyayari at bakit ito sa akin nangyayari.

Tila ayaw magpatalo silang dalawa dahil pareho silang ayaw akong bitawan. Ang tinginan nila na parang may kuryenteng naglalaban. Na akala mo'y pareho silang may pinaglalaban.

Di ko maiwasang maglipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Marami pa namang tao at ang iba ay nakatingin sa amin. Hindi ko tuloy alam kung nag-aaway ba sila o ano.

Para akong nasa isang drama na pinag-aagawan ng dalawang lalaki.

To be continued...

Guys help nyo ko maka-abot ito ng 50k reads.🥰❤️
Para ma-post ito sa dreame for non-exclusive.
Pakadami kayo mga babies.😘💝
Sa nagtanong kung sino iboboto ko, ito po 👉 🌸💖

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

137K 4.4K 116
[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi...
15.2K 570 77
How will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to bur...
467K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18
58.4K 2.5K 93
Why does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's...