𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED)

By FancyErah

2.3K 386 220

Isang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula... More

Couh Moch
Prologue
✟ CHAPTER 1 ✟
✟ CHAPTER 2 ✟
✟ CHAPTER 3 ✟
✟ CHAPTER 5 ✟
✟ CHAPTER 6 ✟
✟ CHAPTER 7 ✟
✟ CHAPTER 8 ✟
✟ CHAPTER 9 ✟
✟ CHAPTER 10 ✟
✟ CHAPTER 11 ✟
✟ CHAPTER 12 ✟
✟ CHAPTER 13 ✟
✟ CHAPTER 14 ✟
✟ CHAPTER 15 ✟ (Alexander's POV)
✟ CHAPTER 16 ✟ (Alexander's POV)
✟ CHAPTER 17 ✟
✟ Epilogue ✟
✟ Epilogue 1 ✟
✟ Epilogue 2 ✟
✟ Special Chapter (Lukas POV) ✟
✟ Special Chapter 1 (Before The Wedding) ✟
✟ Special Chapter 2 (Before The Wedding ✟
✟ Special Chapter (Michael's POV) ✟
Physical Book Is Coming!!!
Couh Moch Pre-order

✟ CHAPTER 4 ✟

77 17 9
By FancyErah

Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa malawak na kalsada sa harapan ng ospital. Maraming naglalaro sa aking isipan. Iniisip ko pa kung ano ang dapat kong unang gawin para mahanap at masagot ang katanungan kung bakit ako minumulto. Matatahimik lang siguro siya kapag inalam ko ang katotohanan sa likod ng kaniyang kamatayan.

Dalawang linggo akong nanatili sa ospital at ngayong araw na ako makakauwi.

Nakalapat ang aking likod sa sementong haligi sa labas ng ospital, nakatanaw lang sa mga taong dumaraan sa aking harapan. Nakakrus ang mga braso ko. Ang iba ay nakikita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin sa akin dahil siguro sa benda na nasa ulo ko.

Hinihintay ko ang aking asawa dahil kinuha niya ang mga gamit na naiwan pa sa aking kuwarto.

Biglang nabuhayan ang tulala kong isip nang may tumapik sa aking balikat. Nabigla ako. Nagalaw ko kasi ang aking buong katawan na para bang nakainom ako ng ilang tasang kape dahil sa gulat. Mukhang naging phobia ko na yatang may humahawak sa akin, particularly sa balikat.

Lumingon ako at nakita ko ang aking butihing asawa na may bitbit na isang duffle bag-ang mga gamit na naiwan sa kuwarto.

"Okay ka lang ba? Para kang nakakita ng multo." Halatang nagulat siya nang makita niyang nailundag ko nang mahina ang aking buong katawan sa kaniyang pagtapik.

Mapakla akong ngumiti sa kaniya. "Wala, mahal. Nagulat lang ako nang bahagya. Tara na?" anyaya ko sa kaniya.

Ipinulupot niya ang kaniyang kaliwang kamay sa aking baywang habang ang kaliwang kamay naman ay hawak ang maliit na duffle bag.

Nagtungo na kami sa kaniyang sasakyan. Inalalayan niya pa akong makapasok sa loob ng kotse. Nang makaupo na ako sa likod ng sasakyan ay nginitian ko siya at saka siya nagtungo sa driver's seat.

Hindi pa man ipinaaandar ni Xander ang sasakyan ay ikinabit ko na ang seat belt. Habang ikinakabit ako ay may naamoy akong mabango sa loob ng kotse. Calming and soothing iyong amuyin. Alam na alam ko ang bango nito dahil paborito ko itong bulaklak.

Napaangat ako ng ulo at nakita kong nakangiting inaabot ng asawa ko ang isang pumpon ng lavender.

Hindi ko napigiling kiligin kaya napangiti rin ako. "Salamat, mahal," usal ko.

Nag-duck face lang siya at ibinalik ang tingin sa manibela. Nakita ko sa salamin sa harapan ang aking asawa na hindi mawala ang matamis na ngiti.

Inamoy-amoy ko naman ang bulaklak habang pinaaandar na niya ang sasakyan.

Pagkatapos kong amuyin ang bulaklak ay inilagay ko ito sa aking kandungan at napansin ko kaagad ang isang maliit na card. Nakasabit ito sa plastic na nakapalibot sa bulaklak kung saan mababasa kung saang flower shop ito binili.

Violet's Flower Shop-ito ang pangalan ng tindahan. Ito rin ang tindahan ng bulaklak na pinagbilhan ko noong tinanong ako ni Xander para maging girlfriend niya.

Napasinghap ako nang maalala ko ang matanda sa flower shop.

Naalala kong nabanggit niya sa akin ang pangalang Couh. I needed to talk to her. Kailangan kong malaman ang katotohanan sa likod ng pangalan ni Couh. Baka kasi ako si Couh o baka iyong multo? O baka may kakambal talaga ako? Bakit kasi kamukha ko siya? Iyan ang mga tanong na hindi ko pa masagot.

Nabigla na lamang ako nang huminto ang sasakyan, dahilan para mapaabante ang katawan ko sa harapan. Mabuti na lamang ay naka-seat belt ako dahil kung hindi ay nabunggo na ang aking ulo sa likod ng driver's seat. Kaya kailangan na kailangan talagang mag-seat belt lalo pa kung wala ka sa huwisyo palagi.

Tiningnan ko si Xander sa may rearview mirror at nakita kong parang may hinahanap siya sa labas ng sasakyan.

"Ano ang nangyari, mahal?" I asked him while fixing myself.

He slightly looked at me. "May batang babaeng biglang tumawid." Hindi pa rin siya mapakali at may hinahanap pa rin sa kaliwa't kanan.

"Nasaan ang bata? Baka nasagasaan mo na iyon." Nahawa na rin ako at nataranta. Hinahanap na rin ng aking paningin kung nasaan ang bata.

"Ewan, nawala na lang bigla," sagot niya.

"Pero hindi mo naman siya nabangga?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi-hindi ako sigurado."

Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid at pinatay ang makina ng sasakyan.
Nang makaparada na siya nang maayos ay sabay kaming nagbukas ng pinto at lumabas ng sasakyan.

Tiningnan ko ang paligid pero wala akong makita na kahit ano o sino maliban sa mga naglalakihang puno ng acacia sa gilid ng kalsada. Habang ipinapasyal ko ang aking mga mata para hanapin ang bata ay nahagip ng hangin ang aking buhok dahilan para matabunan ang aking paningin na nakatanaw sa kabilang parte ng kalsada.

Napahawi ako ng buhok at saka ito inayos gamit ang aking kamay. Unang napansin ko kaagad ay ang side-view mirror ng kotse ni Xander. Si Xander ay nakatuwad at parang hinahanap sa ilalim kung may nasagasaan ba talaga siya.

Nakita ko ang batang babae sa side-view mirror. Siya ang batang nasa Baguio. May dala pa rin siyang maliit na kahon na may nakaukit na dragon. Iyon din ang nakita ko sa aking panaginip. Bigla akong kinilabutan. Pero para masigurado ko na totoo ang nakikita ko ay ipinikit ko ang aking mga mata. Sa muli kong pagdilat ay nawala na ang bata.

Nabigla ako nang may maramdaman akong mabigat na nakalapat sa aking balikat kaya ako napalingon kaagad. Si Xander lang pala. Hindi ko siya napansin na nakalapit na pala sa akin dahil sa batang babae.

"Let's go. Wala namang bata. Baka namalikmata lang ako," usal niya.

Pilit ko siyang nginitian. Pinagbuksan na niya uli ako ng pinto saka ako pumasok sa loob ng kotse.

Nakatutok ang aking tingin sa kalsada habang umaandar ang kotse. Kailangan ko na talagang masagot ang mga katanungan sa mga nangyayari.

Pupuntahan ko bukas ang matanda sa Violet's Flower Shop.


💀💀💀


Kinabukasan

Nakasandal ako sa kotse ko habang tanaw ang kabuoan ng Violet's Flower Shop. Nagpakawala ako ng maraming buntonghininga bago ako naglakad patungo sa tindahan. Mahigpit kong hinawakan ang doorknob bago ko buksan ang pinto. Kinakabahan kasi ako sa kung ano ang malalaman ko tungkol sa pagkatao ko.

Pagkabukas ko ay kaagad kong natanaw ang matanda na paugoy-ugoy sa kaniyang silya.

Naamoy ko ang iba't ibang uri ng scent ng mga halaman na nasa loob. Walang tao maliban sa matanda. Tinanaw ko rin ang counter pero wala roon ang apo nito na si Nica.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng matanda.
Nakatingin lang ito sa sahig habang paugoy-ugoy. Hininto ko ang pag-ugoy nito saka ako umupo. Tiningnan ko ang matanda. Kulubot na ang mukha niya. Ang buhok niyang maiksi ay kulay abo na rin.

Kaagad namang naagaw ko ang kaniyang pansin, dahilan para tingnan niya rin ako.

Nginitian ko siya.

Biglang gumalaw ang kaniyang labi na nanginginig. Nakikita ko sa kaniyang mga mata na nababasa na at ilang segundo lang ay tutulo na ang mga luha. Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kamay patungo sa aking pisngi.

Dahil sa kaniyang ginawa ay parang may kung anong karayom na tumusok sa aking dibdib. Hindi ko alam kung nahawa lang ako sa kaniya o may ugnayan talaga kaming dalawa.
Patulo na sana ang luha ko nang may magsalita sa likod ko kaya napalingon kaagad ako.

"Ano po ang atin?"

Nakita ko ang dalagita na may dalang mga bulaklak. Mukhang bagong idi-display niya.

Nang makita niya ako ay nag-aalangan pa siyang ngumiti. Siguro ay nabigla lang siyang kausap ko lola niya.

"Veronica, naaalala mo pa ba ako?" tanong ko sa kaniya habang tumatayo ako.

Naglakad patungo sa isang mesa si Nica at saka niya inilagay ang mga bulaklak niyang bitbit.

"Opo, may bibilhin po ba kayo? Pasensiya na ho. Pumunta pa kasi ako sa likod para kunin ang bagong dating na bulaklak."

Nilapitan ko siya at hinawakan kaagad ang kaniyang kamay. Napitlag pa siya nang ginawa ko iyon.

"May iba akong pakay sa pagpunta ko rito, Nica."

"Ano po ang ibig n'yong sabihin?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
Lumingon muna ako sa matanda bago ako sumagot. "Galing ako sa China, Nica. Mula nang makauwi ako rito ay may mga kababalaghan nang nangyayari sa buhay ko. Hinala ko rin na may alam ang lola mo sa totoong pagkatao ko."

Kinalas niya ang kamay niya at saka kunwaring inayos ang mga bulaklak.

"Ulyanin na po si Lola Austria, Ate. Baka nasabi lamang niya iyon noon dahil na-miss lang niya mga alaga niya noong dalaga pa siya."

"Hayaan mo lamang ako magtanong-o makausap ang lola mo, Nica. Kailangan ko talagang malaman ang katotohanan. Hindi ko alam pero may kutob ako na kilala ako ng lola mo."
Huminto siya sa kaniyang ginagawa at nakakrus ang mga braso na humarap sa akin. Hindi naman siya nagmamaldita. Hindi ko naman nakitang galit o naiinis ang mukha niya. Gusto niya lang sigurong makasigurado kung ano ang pakay ko sa lola niya.

"Ano po ba ang pakay n'yo kay Lola, Ate?"

"May gusto lang ako malaman sa likod ng pangalang nabanggit niya noong unang punta ko rito."

Naglakad siya kaya napasunod na lang ako sa kaniya. Umupo siya sa isang upuan. Nagsenyas siya sa akin na umupo muna roon.

"Gusto n'yo po ba ng kape?"

"Hindi na. Salamat."

Bumuga siya ng hangin bago uli nagsalita. "Si Couhrel po ba?" tanong niya.

"Hindi ako sigurado pero C-Couh ang sabi niya sa akin last time."

"Couh o Couhrel ay iisang tao lang po, Ate.

"Please, Nica, tulungan mo akong makausap ang lola mo."
Tiningnan niya ako sa mga mata. Parang sinuri niya pa ako.
Siguro ay nakumbinsi ko siya dahil sa desperasyon ko na makausap ang lola niya kaya tumayo na siya.
Sinundan ko na naman siya patungo sa lola niyang umuugoy uli sa silya.
Inalalayan niya itong makatayo at pinaupo sa wheelchair. Maingat niyang itinulak ito patungo sa aking kinaroroonan.

"Kausapin n'yo na po si Lola Austria."
Nakita kong umalis na siya at nagtungo sa may likod. Iniwan niya kami.

Nilapitan ko ang matanda at hinawakan ang kulubot nitong mga kamay. "Lola, kilala n'yo po ba ako?" walang paligoy-ligoy kong tanong.

Marahang inangat ng matanda ang kaniyang mukha at tinitigan niya ako. "Couhrel, anak. Kumusta ka na?" Tumulo na ang namuong luha sa kaniyang mga mata.

"Lola, kilala n'yo po ba ako? Sino po si Couhrel, Lola?" tanong ko habang magkahawak ang aming mga kamay.
Ang maamong mukha niya ay biglang nag-iba. Ang mukha niya ay napuno ng takot. Biglang may puwersa na rin ang paghawak ng matanda sa aking kamay.

Nakatingin siya sa aking likod. Parang siyang may nakita roon kaya lumingon ako ngunit hinawakan niya ang magkabila kong mga pisngi.
Umiling siya kaya napakunot kaagad ang noo ko.

"Nandiyan siya palagi, nakabantay sa iyo, Couh, kaya mag-ingat ka."

Biglang may kilabot akong naramdaman nang sabihin niya iyon. Dinagdagan pa nang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko.

"Lola, sino po siya? Bakit niya ako minumulto?"

Biglang nanghina si Lola Austria. Sumandal uli siya sa wheelchair at kumurap-kurap. Ilang segundo pa ay pumikit na siya. Tingin ko ay nakatulog na siya.

Yuyugyugin ko sana siya para magising pero nagsalita na sa likod si Nica.

"Ganiyan ho palagi si Lola. Hindi siya puwedeng kausapin nang matagal."
Lumingon ako sa kaniya. Halos isang metro ang layo niya sa amin. Tumayo ako at lumapit kay Veronica. Palapit naman ito sa lola niya.

Itinulak niya uli ang wheelchair at sinundan ko sila ng tingin.

Natigil saglit si Nica sa pagtutulak. "Sumunod ho kayo, Ate. May ipapakita ako sa iyo. Baka makatulong ito sa gusto mong malaman."

Tumango ako bago ko siya sinundan sa paglalakad.

Pumasok si Nica sa isang kuwarto. Palagay ko ay bahay na rin nila itong tindahan.

Pagkapasok namin sa silid ay bumungad kaagad ang amoy ng menthol. Parang ganoon ang amoy ng kuwarto. Mahahalata talagang sa matanda ang kuwarto dahil sa mga disenyong nakakalat sa maliit na silid at dahil na rin sa amoy. Ipinasyal ko ang aking mga mata. Na-focus ang atensiyon ko sa isang picture frame na nakalagay sa isang maliit na mesa na katabi ng higaan ni Lola. Lumapit ako roon at dinampot ko iyon. Isang litrato ng isang gate ng bahay na may letrang R sa pinakaitaas nito.
Lumingon ako sa kinaroonan nina Nica at Lola.

Nakita kong dahan-dahan niyang binuhat ang matanda para pahigain sa kama. Nang makita kong nahihirapan na siya ay kaagad akong lumapit at tinulungan siya. Napangiti naman ang dalaga sa pagtulong ko.
Nang makahiga na nang maayos ang matanda ay kinuha ko ang picture frame. Nang nilapitan ko siya uli ay siya namang paglagay niya ng kumot sa lola niya.

Tumingin siya sa akin at saka ko inangat ang picture frame. "Alam mo ba kung saan ito?"

Kinuha niya ito at tiningnan. "Sa bahay ng pamilya Rosal, Ate. Diyan po nagtatrabaho si Lola noong dalaga pa siya."

Rosal? Bakit parang pamilyar sa akin ang apelyidong iyon.

"Kambal na babae ang binabantayan ni Lola sa bahay na iyan. Sina Moch at Couh," dagdag niya.

Naglakad siya patungo sa maliit na lamesa at inilapag ang frame. Then she haunched on the floor to find something at the bottom of the table. May inilabas siyang kahon galing sa ilalim.

Nilapitan ko siya para makita kung ano ang kaniyang kinuha. Nakayuko na rin ako sa tapat niya. Isa-isa niyang kinuha ang laman ng kahon at kinuha niya ang isang lumang litrato at inabot niya sa akin.

Tiningnan ko ito at nagulat ako sa aking nakita. Bakit nandito ako sa litratong ito? At totoo talagang may kambal ako? Dalawang batang babae ang nasa litrato na katabi ni Lola Austria.

"Ikinuwento ni Lola noon na mahal na mahal daw niya itong magkakambal na ito." Nagsimula nang magkuwento si Nica.

"Ano pa ang naikuwento ni Lola Austria, Nica," tanong ko dahil wala talaga akong maalala kahit isa.

"Nagkahiwalay raw ang magkapatid na iyan. Baka nga siguro ikaw si Couh, at si Moch naman ang naiwan dito sa Pilipinas. Ang kuwento kasi ni Lola ay naghiwalay ang nanay at tatay ng kambal. Si Mochel ang naiwan dito at si Couhrel naman ang dinala ng tatay nilang Tsino sa China."

Dahil sa sinabi ni Nica ay napatunayan kong may memories akong nakalimutan. Ang kuwento sa akin ni Daddy mula noong naospital ako dahil sa disgrasya ay wala akong kapatid at iniwan kami ni Mommy para umuwi sa Pilipinas.

Kaya siguro minumulto ako ng aking kapatid dahil kinalimutan ko siya?

"Wala ka bang alam kung ano ang nangyari sa kapatid ko?"

Inako ko na lamang na kapatid kahit hindi pa ako sigurado.

"Buhat nang malayo kayo ng kapatid n'yo ay hindi na uli nagtrabaho si Lola sa nanay n'yo. Isa kasi si Lola sa napatalsik nang maghiwalay ang mga magulang n'yo," sagot niya.

Hindi na ako nagtanong tungkol sa pagiging tagapangalaga ni Lola sa amin. Ang kailangan ko ay malaman kung ano ang nangyari sa kapatid ko upang patahimikin na niya ang buhay ko.

"Puwedeng hiramin ko muna ang larawang ito, Nica? May gusto lang akong malaman sa lahat ng katotohanan sa aking pagkatao pati sa kapatid ko."

Tumayo na si Veronica at tumayo na rin ako. "Sige po, Ate."

"Aalis na rin ako, Nica. Salamat sa lahat ng tulong."

"Sige po, Ate."

Naglakad na ako at palabas na ng kuwarto nang biglang sumigaw si Nica kaya napalingon kaagad ako.

"Ate!"

Nakita kong bakas sa kaniya ang pag-aalala.

"Mag-ingat po kayo," halos pabulong niyang pagkasabi.

Nginitian ko ang dalaga at tumungo na sa labas ng tindahan. Halos lahat ng tao na nakakasalamuha ko na may alam sa pagkatao ko ay pulos mag-ingat ako ang sinasabi. Siguro ay may sumpa akong dala-dala o hindi kaya ay nanganganib ang aking buhay.

Pagkalabas ko ay pumasok na ako kaagad sa kotse. Pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa bahay na tinuluyan naming mag-asawa. Sa isa sa mga subdivision na mayayaman lamang ang tumitira.

Habang nakatuon ako sa kalsada at hawak-hawak ko ang manibela ay hindi nawawala sa aking isipan ang kuwento ng dalaga sa akin. Kailangan kong malaman ang puno't dulo ng aking mga panaginip. Kung patay na ba ang kakambal ko o guniguni ko lamang ito. Hindi ako puwedeng umupo lang.

Nagising ako sa katotohanan nang marinig ko ang malakas na busina galing sa aking likod. Hindi ko namalayang huminto pala ako sa gitna ng kalsada. May nabangga ba ako? Dahil sa kalutangan ay hindi ko alam ang nangyayari.

Napalingon ako at nakita ko ang malaki at matabang lalaki na naglalakad papalapit sa aking kinaroroonan. Pagkalapit niya sa kotse ko ay kumatok siya sa salaming bintana.

Pinagbuksan ko siya ng bintana at pekeng ngumiti, pero nabigla ako sa kaniyang reaksiyon. Napatakip siya kaniyang bibig at binigkas ang katagang ito, "Mochel? Ikaw ba iyan?"

To be continued. . .

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 340 17
Will you still go back to the memories you both shared even though you were stolen away by another man from him?
799K 50.9K 76
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
2.1M 42.9K 69
"Anong gagawin mo kung minumulto ka ng matalik mong kaibigan? Humihingi ba siya ng tulong? O kasama ka sa mga nagkasala sa kanya?" Highest Rank: #1...
21K 1.5K 36
"Everything changed in one dark night." - (TMFO) Calista Luna Hermosa was just a simple registered nurse who had a big future ahead of her. A woman k...