I do

By wawengzxc

13 0 1

Short story. Kasing ikli ng title More

"I Do"

13 0 1
By wawengzxc

Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kaba. Basang basa narin ang panyo kapupunas sa aking pawisang mukha.

Parang sa bawat pintig ng dibdib ko ay sya ring pagpatak ng pawis sa buo kong katawan.

Sa panaginip ko lang ata noon nakita ang ganitong eksena. Na makita si Alexa sa kanyang damit pangkasal habang dahan-dahang naglalakad sa pasilyo at maingat na inaalalayan ng kanyang ama na talaga namang bumagay sa suot nitong toxido.

Naaalala ko pa kung paanong ang musmusin kong kababata noon ay magiging kasing kinang ng bituin at kasing ganda ng diyamante.

"Dennis payatot"

"Sus, Alexang mabantot"

"Hoy hindi ah. Mas mabantot ka, hindi ka naliligo"

"Kase mabango na ako. Hindi ko na kailangan pang maligo"

"Lokohin mo lelang mo Dennis payatot"

"Sige lang. Kahit mabantot ka, pakakasalan parin kita balang araw"

"Maligo ka nga muna, payatot na nga mabantot pa"

Napangiti nalang ako habang inaalala ang mga kabataan namin. Nakakatuwang sariwain ang mga panahon noong mura pa ang kaisipan namin.

Hindi ko na marinig ang koro, o maging ang usapang puno ng galak mula sa mga bisitang nakapako na ang paningin sa mala-dyosang naglalakad sa pasilyo.

Nabibingi na 'ko sa lakas ng tibok ng aking puso. Habang palapit sya nang palapit, mas lalo pang bumibilis ang tibok nito.

Pagdating nya sa harap ng altar ay tumahimik ang paligid. Naghihintay sa pagsisimula ng seremonya. Bakas sa mukha ni Alexa ang kaba na hindi maitatago ng suot nyang belo.

Sandali pa ang lumipas ay nagbulong-bulungan na ang mga bisita, bakit nga ba hindi pa nagsisimula ang seremonya?

"F-Father?"

Sa wakas ay nabawi ko ang sarili.
"Dear friends and family of the bride and groom..."

Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kaba. Basang basa narin ang panyo kapupunas sa aking pawisang mukha.

Hindi ko nakakalimutan ang tungkulin ko sa ating Ama. Hindi ko lang talaga inaasahan na ganito ang plano nya.

Ako pala ang mag magkakasal sa babaeng una kong minahal ng sobra.

Continue Reading

You'll Also Like

30.4M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
30.4M 979K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
72.6M 722K 29
Ready to say goodbye?
10.1M 226K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
Wattpad App - Unlock exclusive features