You Are My Everything (COMPLE...

By AiaRev3use

15K 560 1.8K

He is a playboy, for him a girl is just a toy. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Dahil alam niya na sa huli... More

SYNOPSIS
YOU ARE MY EVERYTHING
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 11

338 13 72
By AiaRev3use

CHAPTER 11

'Third Person's P.O.V'

Napakunot ang noo ni Shero ng mapansing pamilyar na bahay ang hinintuan nila. Binuksan ng isa sa kasambahay ang gate kung kaya ay tuluyan ng ipinasok ni Ethan ang sasakyan sa loob.

"Dito ang bahay niyo?" Hindi niya maiwasang itanong dito, hindi siya pweding magkamali, alam niya kung kanino may ari ang bahay na ito.

Tumango si Ethan. "Yeah, halika na at baka hinhintay na tayo ni mommy sa loob." Nakangiti nitong pag-aya sa kaniya ng maihinto ang sasakyan, kahit naguguluhan ay tumango siya bago ibinigay rito ang bulaklak at tinanggal ang sariling seatbelt at bumaba.

Sabay silang naglakad ni Ethan papasok sa loob ng bahay, nakakaramdam ng kaunting saya si Shero dahil sa nangyayari, hindi siya nagkakamali, ito ang bahay nito.

"Mom, dad, I'm home!" May kalakasang sigaw ni Ethan, nasa bukana pa lamang sila ng pinto ay nagsalita na ito.

May mga ilang bisita rin sa bahay, mukhang hindi magarbo ang handaan. Ilang saglit lang ay lumabas na ang ina ni Ethan mula sa kusina, may suot pa itong apron.

Automatikong napangiti si Shero, hindi niya gawaing ngumiti sa kahit kaninong tao ngunit ng makita ang ina ni Ethan, si Rj ay napangiti siya.

"Anak nan-." Nabitin ang sasabihin ni Rj ng mapatingin ito sa deriksyon niya. "May." Rinig niyang bigkas nito sa pangalan niya.

"Miss Joy." Tugon niya na may munting ngiti sa labi, naglakad ang ina ni Ethan palapit sa kanila.

Nalukot ang mukha ni Rj dahil sa itinawag niya rito. "Ilang beses ko na bang sinabi sa 'yo, huwag mo akong tatawaging Joy."

Mahina siyang natawa. "Bagay naman, hindi magandang pakinggan ang Rj."

Ngumiwi si Rj sa sinabi ni Shero. Kung mag-usap ang dalawa ay para bang magkababata lang at hindi nalalayo ang idad isa't isa. Napakunot ang noo ni Ethan, naguguluhan siya sa inaakto ng dalawa.

"Wait mom, magkakilala kayo?" Singit nito sa usapan.

Doon lang napagtanto ni Rj na nandirito pala ang anak niya. "Oo, bakit mo siya kasama? Huwag mong sabihin na siya ang isinunod mong babae." Agad na tumaas ang presyon ni Rj, akmang pipingutin siya ng ina sa tainga ng agad siyang umatras at nagtago sa likuran ni Shero.

"Mom hindi, isinama ko siya dahil sabi niya ay makikikain raw siya." Parang batang sumbong nito, marahas at malalim na bumuntong hininga si Shero.

Maling mali ang pagsama niya rito. Ginawa pa siyang panangga ng lalaki. Sira ulo!

"Miss Joy, isinama ako ng anak mo dahil gusto raw nitong patunayan sa'yo na hindi na siya babaero. Hindi ko alam na anak mo pala ito, hindi naman kasi halata." Walang prenong aniya sa ina ni Ethan, baka mag-away pa ang mag-ina sa mismong harapan niya kung hindi siya sasabat.

"Magkakilala kayo ng anak ko?" Tanong ni Rj sa kaniya, napabuntong hininga siya.

"Isasama ba ako ng anak mo kung hindi kami magkakilala?" Sarkastiko niyang tanong.

"Naninigurado lang. Mamaya na tayo mag-usap May. Halina kayo at kumain na tayo." Aya ni Rj sa kanilang dalawa, nakahinga siya ng maluwag. Nagpaunang naglakad si Rj, kung kaya ay nasa likuran silang dalawa ni Ethan.

"Magkakilala kayo ni mommy?" Mahinang tanong ni Ethan sa kaniya.

"Oo." Tipid niyang sagot, tinatamad siyang magsalita alam niyang pupunuin siya ng mga katanungan ni Rj mamaya kung mag-usap man silang dalawa.

"Paano?" Puno ng kuryusidad na tanong sa kaniya ni Ethan, kibit balikat lang ang isinagot niya.

"Gutom ka na? Kasi ako gutom na." Pag-iiba niya sa usapan nila, bago ito iniwan at sumabay kay Rj.

Hindi na nagtaka si Shero ng makita si Evan pagpasok nila ng dining area, isa ito sa anak ni Rj at nasisigurado niyang ang tinutukoy na kakambal ni Evan ay si Ethan.

Ang liit nga naman ng mundo, ang lalaking iniligtas niya noon ay anak pala ng taong tumulong at nagturo sa kaniya kung paano depensahan ang sarili.

"We meet again." Rinig niyang wika ni Evan, nakatingin sa deriksyon niya. May kasama itong babae, nahihinuha niyang kasintahan ito ng lalaki.

Tumango siya. "At dahil iyon sa kakambal mo." Nakangisi niyang sagot at bahagyang tumingin kay Ethan na ngayon ay nakakunot pa rin ang noo, naguguluhan at walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Teka nga magkakilala rin kayo, noon pa? E bakit ako hindi kita kilala noon?" Naguguluhan at bakas ang inis sa boses na tanong ni Ethan.

"Tsk. Palagi kang wala sa bahay, paano mo siya makikilala noon?" Sarkastikong tanong ni Evan sa kakambal, noon pa man ay alam na niyang kaugali ni Evan si Rj, ngunit hindi alam ni Shero kung kanino nakuha ni Ethan ang ugali nito.

Tsk. Siguro ay kay Mr. Ramirez, sa ama nito.

"Still, I can't get it." Hindi pa rin naiintindihan ni Ethan ang nangyayari. Gustong matawa ni Shero dahil parang isa itong batang musmos at naguguluhan.

"Tigilan niyo na 'yan, kakain na." Sita ni Rj sa dalawang anak. "Evan, akala ko ba ay tinawagan mo na ang tatay mo? Nasaan na 'yon?"

"Mom, nasa daan na raw." Tipid na sagot ni Evan sa ina.

Umupo si Shero sa bakanteng upuan at umupo naman sa tabi niya si Ethan. Saglit na umalis si Rj para tanggalin ang apron na suot ngunit bumalik rin sa dating pwesto. Hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil wala pa ang padre di pamilya nila, wala pa si Elias.

Isang simpleng handaan lang ngunit napakaraming pagkain sa hapag, napatangin siya katapat na babae, Rachel ang pangalan nito. Minsan na niya itong nakita sa school na pinapasukan niya ngunit hindi niya ito ganoon kakilala.

Napatingin siya kay Ethan, tahimik ito at nahuli niyang nakatingin sa kaniya. "Tsk." Angil nito, na tila ba ay nagtatampo na ikinakunot ng noo niya.

"Anong problema mo?" Mahina niyang sabi sapat para marinig nito.

Napalingon siya kay Rj ng magsalita ito. "Bakit ang tagal mong hindi bumalik rito para bisitahin ako?" Alam niyang siya ang tinutukoy nito.

"Masyadong maraming ginagawa sa buhay. Sa nakikita mo binisita naman kita." Sagot niya rito, hindi na niya kailangan pang gumamit ng po at opo sa pakikipag-usap dito dahil alam niya na ayaw na ayaw nito ang ganoon.

"Kung hindi ka isinama ni Ethan hindi ka pupunta rito." Napakamot siya sa kilay dahil sa sinabi ni Rj.

"Gaya ng sabi ko hindi ko alam na anak mo siya, at isa pa ang mahalaga ay nandito ako at binisita ka." Hindi niya alam kung paano ito kaakusapin at ipapaintindi dito ang gustong sabihin.

"Akala ko ay tinakbuhan mo na ako pagkatapos kitang turuan." Napangiti si Shero sa pagpapalatak ni Rj.

"Isang baranggay lang ang pagitan natin, hindi kita matatakbuhan huwag kang mag-alala." Wika niya at uminom ng  tubig, nauuhaw na siya at nagugutom ang tagal dumating ni Mr. Ramirez.

Parang silang dalawa lang ni Rj ang nasa hapag, nanatiling tahimik ang mga kasama nila at nakikinig sa pinag-uusapan nila.

Si Rina Joy o mas kilala bilang Rj, na Joy kung tawagin niya ay ang nagturo sa kaniya kung paano depensahan ang sarili. Labing anim na taong gulang siya ng makilala niya ito. At noong panahon pang iyon ay mahina siya, walang kalaban-laban, palaging inaapi at sinasaktan. Ngunit ng dahil kay Rj ay natutu siya..

Itinuro nito kung paano dumipensa at depensahan ang sarili, kahit may anak na ito noon ay tinuturuan pa rin siya nito at lihim na pinupuntahan at minsan ay pumupunta rin siya sa bahay nito ngunit kailanman ay hindi niya nakita ni anino ni Ethan kung kaya ay hindi niya ito kilala.

Hindi niya naisip na isa rin pala itong Ramirez at anak siya ng taong nagturo sa kaniya. Kung sa bagay nagamit rin naman niya ang natutunan niya kay Rj, natulungan niya si Ethan, naprotektahan niya ito noong kailangan nito ng tulong.

Maraming naitulong sa kaniya si Rj at laking pasasalamat niya doon. Malaki ang utang na loob niya kay Mrs. Ramirez, dahil kung hindi dahil dito ay marahil siya pa rin ang dating Shero na mahina at lampa.

Ilang minuto lang ay dumating na si Mr. Ramirez. Kilala niya ito at kilala rin siya nito, kung kaya ng makita siya nito ay napangiti si Elias, tango lang ang itinugon niya rito.

Kilala siya ng pamilya Ramirez noon pa, maliban kay Ethan. Hindi rin naman kasi niya ito kilala noon, ngunit alam niya na may isa pang anak si Rj.

"Magpapaliwanag ka sa akin mamaya." Mahinang bulong sa kaniya ni Ethan saglit niya itong nilingon bago ipinagpatuloy sa pagkain, bahala itong dumada. Kumakain siya at ayaw niya itong pakinggan sa pangungulit.

Pumunta siya rito para makikain hindi para makipag-usap dito.

...

"Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Ethan?" Halos masamid siya sa tanong ni Rj, lumabas siya para magpahangin, iniwan niya ang mga ito sa loob, si Ethan naman ay may kinakausap.

Alam naman niyang susundan siya ni Rj para kausapin, ngunit hindi niya maiwasang magulat ng iyon ang itanong nito.

"Anong klaseng tanong 'yan Miss Joy?" Kunot ang noong tanong niya.

"Hindi pa nagdadala ng babae ang anak ko dito maliban sa'yo, kung kaya ay naisip kong ikaw ang bago niya." Paliwanag nito, ibinigay nito sa kaniya ang isang hawak na beer in can.

Umiling siya, "hindi ako umiinom niyan." Tanggi niya.

"Hindi rin naman ako umiinom, kaso napasobra ang nabili ko kanina kaya kailangan kong bawasan at hindi masobrahan ng asawa at ng mga anak ko ang mainom nila." Hindi niya maiwasang hindi matawa sa sagot nito sa tanong niya, walang pinagbago.

Kinuha niya ito at binuksan. "Alam kung babaero ang anak mo, at maniwala ka sa hindi dinala lang niya ako rito dahil gusto raw niyang patunayan sa'yong nagbago na siya. At pumayag lang ako dahil gusto kong makikain, iyon lang."

"Paano kayo nagkakilala?" Nakakunot ang noong tanong ni Rj.

Bumuntong hininga siya. "Aksidente kaming nagkakilala, tinulungan ko lang naman siya at mula nang araw na 'yon ay hindi na ako nito tinantanan."

"Tinulungan?"

Tumango siya. "Kung hindi ko siya tinulungan marahil wasak ang buto-buto ng anak mo. Hindi ko lang maintindihan, tinulungan mo akong matutong depensahan ang sarili ngunit ang sarili mong anak ay hindi mo naturuan."

Napatango-tango si Rj bago malalim na napabuntong hininga. "Lalaki ang mga anak ko, ayaw ko silang turuang pareho. Dahil bilang isang ina ayaw kong maging dahilan 'yon para maging matakaw sila sa pakikipag-basag ulo. Alam mo naman ang mga lalaki."

"Disiplinahin mo." Suhetisyon ni Shero, napailing si Rj.

"Nadisiplina ko na ang mga ito, ngunit kasing tigas ng ulo nila ang ulo ng ama nila. Hindi marunong makinig at palaging pinapairal ang gusto. Paano pa kaya kung tinuruan ko sila noong bata pa sila? Baka lumaki silang mahilig sa gulo dahil alam nila kung paano lumaban." Mahabang litanya nito, napatango siya. Naiintindihan naman niya ito.

"Salamat sa pagtatanggol sa kaniya." Mahinang dagdag ni Rj.

"Ginawa ko lang sa kung ano ang tingin kong tama." Tipid niyang sagot, tinapik lang siya nito sa balikat. Saglit silang pareho na nanatili sa hardin bago napagdesisyonang bumalik sa loob.

Pumunta si Rj sa asawa nitong si Elias, at siya naman ay hinintay ang papalapit na si Ethan. "Saan ka nagpunta?" Tanong nito, "kanina pa kita hinahanap."

"Bakit mo ako hinahanap?" Tanong ko, nagulat ako ng bigla nitong kuhanin ang hawak kong beer in can. "Bakit mo kinuha?"

"Sinong nagbigay sa'yo nito? Hindi ka pweding uminom ng beer." Nangangaral na anito at nilagok ang natitirang laman ng beer.

"Binigay ng mommy mo." Tipid na sagot ko, malalim itong napabuntong hininga, "bakit mo ako hinahanap?"

"Akala ko ay iniwan mo na ako at umalis ka na. Kasama mo ba si mommy kanina?" Tanong niya,

"Oo, may pinag-usapan lang kami." Tinignan niya si Ethan, mukhang hindi naman ito lasing.

"Paano kayo nagkakilala ni mommy? Na kung mag-usap kayo ay parang magkaedad lang. Wala man lang akong kaalam-alam na kilala ka na pala ng buong pamilya ko at ako lang hindi." Sumimangot pa ito bago pinaglaruan ang walang lamang lata ng beer.

"Huwag ka ngang umakto na para bang bata." Sita niya dito, "kailangan ko ng umuwi mamaya. Kung balak mong uminom ay sige na, magcocommute na lang ako."

Mabilis na umiling si Ethan. "Hindi ka magcocommute, hindi ako iinom. Ihahatid kita." Mabilis na anito sa kaniya.

"Himala? Ikaw, gagawin 'yon? Hindi iinom para ihatid ako?" Nang-aasar nitong tanong kay Ethan.

"Paano mo nalamang umiinom ako?"

"Sinabi ng mommy mo." Napapakibit balikat niyang sagot. Sumimangot si Etham, ipinagkanulo na naman siya ng kaniyang ina.

"Hindi nga ako iinom, ihahatid kita mamaya. Gusto mo bang kumain ng dessert?" Pag-iiba ni Ethan sa usapan, umiling siya. Busog na siya at hindi na niya alam kung saang parte pa ng tiyan niya ilalagay ang kinain kung sakali mang kumain pa siya.

"Okay, wait me here. Kukuha lang ako ng akin." Paalam nito bago siya iniwan. Siya naman ay umupo sa bakanteng sofa.

Ang ilang bisita ay busy sa pagkwekwentuhan, iilan lang naman ang bisita at bilang lang iyon. Mukhang ang inimbitahan lang ay ang mga mahahalagang tao kay Rj.

Ilang saglit lang ay bumalik na si Ethan, umupo itos sa tabi niya, malaki ang sofa at nakakatawang sabihin na nagkasya silang dalawa at may space pa. Gusto niyang itulak palayo si Ethan dahil may iba pa namang upuan ngunit mas pinili nitong makitabi mismo sa kinauupuan niya.

"Ano ba Ethan, doon ka nga!" Angil niya rito, hindi siya nito pinansin bagkus ay isinubo lang ang mango graham na inumang sa tinidor. Naglaway ang bagang ni Shero, para bang gusto rin niya iyon.

"Bakit hindi mo ako kinuhanan?" Tanong niya rito.

Gulat siyang tinignan ni Ethan. "Tinanong kita. Akala ko ba ay ayaw mo."

Umiwas siya ng tingin at hindi sumagot rito. Sana pala ay umuo na lang siya ng tanungin siya nito kanina.

"Here." Napalingon siya rito ng magsalita ito, iniumang ni Ethan ang tinidor sa mango graham at itinapat malapit sa bibig niya.

Napatingin siya kay Ethan, ngumiti ito at tipid siyang tinanguan. Dahan-dahan naman niyang ibinuka ang bibig niya at kinain ang isinusubo ni Ethan sa kaniya.

Napapikit siya ng malasahan ang mango graham, napakasarap. "You like it?" Tanong ni Ethan, mabilis siyang tumango.

Nagsalitan silang dalawa ni Ethan hanggang sa maliit na parte na lang ang natira, nagkatinginan silang dalawa. "Let me eat this."

Umiling siya. "Ako na lang." Angil niya, umiling si Ethan, mabilis naman niyang tinusok ang maliit na graham at itinapat sa sariling bibig, ibubuka na niya sana ang bibig niya ng biglang habulin ni Ethan ang graham dahilan para maisubo niya nang tuluyan ang graham at maglapat ang labi nilang pareho ni Ethan.

Literal na nanlaki ang mga mata niya habang magkadikit ang labi nilang dalawa, hindi niya manguya ang graham na nasa bibig dahil magkadikit ang labi nilang pareho.

Mabilis silang naghiwalay ng may marinig silang tumikhim, mabilis siyang napatingin doon. Si Evan, ang kakambal ni Ethan ang nakakita sa kanila.

Pakiramdam niya ay gusto na lang niyang lumubog sa kahihiyan. Lahat ng angas niya ay nawala, naglaho.

Pati na rin ang unang halik niya ay nawala, nakuha na. Wala na. Napatingin siya kay Ethan, hanggang ngayon ay halatang gulat pa rin sa nangyari, mabilis niya itong sinuntok dahil sa inis.

"Ouch!" Daing nito at bumalik sa ulirat.

"Kinuha mo ang unang halik ko, at kung makatulala ka riyan ay para bang ngayon ka lang nahalikan. Anak ka ng kagang! Panindigan mo ako!" Pagpapalatak niya, nababakasan ang inis sa boses.

"Panindigan? Halik lang naman 'yon, hindi sinasadya." Depensa ni Ethan.

"Anong lang? Anong halik lang 'yon? Mahalaga 'yon sa akin, naku! Nanggigil ako sa'yo, lumayo ka sa 'kin at baka masipa kita." Nagbabanta niyang sabi dito at napasampal sa sariling noo.

"Sorry na, hindi ko naman sinasadya. Sinabi na nga kasing sa akin na lang dapat 'yong tira." Sumimangot si Ethan  sinusubukang paamuhin ito.

"Tigilan mo 'ko." Nanggigil niyang sabi rito.

"Tsk!" Natigilan sila sa pag-aaway ng marinig iyon, sabay silang napatingin kay Evan. Ngayon lang nila naalalang nandirito pala ito.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 141 23
[Matured Content] May mga bagay sa mundo na mahirap paniwalaan at mapanindigan, isa sa mga bagay na ito ay ang tinatawag nila na mga kathang-isip at...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
10.7M 352K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook