Blood Menace

By fbbryant

16.1K 987 284

Kam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lo... More

Foreword
Part I
1- Kam
2- First Day
3- Rival
4- Achievers
5- Mortal Enemy
6- Perfect
7- Not His Type
8- Field Trip
9- Tough Decision
10- Self to Blame
12- Sentry Training
13- Macon City
14- Whittles
15- Followed
16- His Plaything
17- Ended Before it Started
18- Sophomore
19- Mr. Nice
20- Surial
21- Field Training
22- Death
23- End of the Beginning
Part II
24- Obis
25- Allies
26- Festival of the Moon
27- Murderer
28- Hellville Academy
29- The Husband
30- Taken
31- The Parents
32- Omelette
33- Broken Heart
34- Love of My Life
35- Pretending No More
36- Comfortable
37- In the Lion's Den
38- Where is Cole?
39- Dramas
40- Illusory
41- Love/Hate
42- Death
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

11- Travel Buddy

346 20 8
By fbbryant

Pabagsak na naupo si Cole sa couch na nasa sala ng dorm room ni Tiana. Walang roommate itong kapatid nilang babae kaya pwede silang tumambay doon nang walang napupurwesyo.

"Ano nanaman ba ang ginagawa n'yo rito? Uubusin n'yo nanaman ang pagkain ko?" singhal ni Tiana na kakalabas lang ng bedroom nito. Magulo ang buhok nito at mukhang kakagaling lang sa pag-aaral.

Well, walang napupurwesyo maliban kay Tiana.

"Ang damot mo naman. Bad 'yan," sagot ni Malik na nasa harapan na ng refrigerator.

"Oh, nasaan sina Gaius at Auberon?" tanong ng babae sa kakambal nitong kanina pa tahimik at nakatitig sa kisame.

"I don't know," matamlay na sagot ni Deus na nakasalampak sa couch.

"Ano'ng you don't know? Lage na lang nawawala ang dalawang 'yun. May problema ba ang mga Kühn?"

"Hindi ko alam, Kambal."

Pinanood lang ni Cole ang nakakatandang-kapatid. Deus was the kindest person he knew at hindi siya mapakali na makitang matamlay ito at mukhang may problema. He didn't deserve that. He was too good to have a problem.

Hindi na lang umimik si Cole. Alam n'ya kung bakit matamlay si Deus pero kung ayaw nitong mag-open sa iba nilang mga kasama, then wala siyang magagawa.

Patamad na rin siyang sumandal sa couch at tumitig na rin sa kisame. Mukhang may mga nakasulat kasing solusyon doon sa problema nila dahil titig na titig doon si Deus.

At ano ang problema ni Cole?

Ano ba ang gagawin n'ya kay Kam?

Hindi n'ya ito responsibilidad pero bakit hindi siya makakapayag na magbyahe itong mag-isa?

Hindi rin naman sila close pero bakit nag-aalala siya rito?

Napabuga siya ng hangin.

"Problema mo?" paangil na tanong ni Tiana na pabagsak na umupo sa tabi n'ya.

"Wala. I just miss... uhm... Linus. Umuwi kaya ako kahit two weeks lang," aniya.

"Huh? Kung uuwi kang Hellville sasama kami."

Napalabi si Cole. "Wag na lang pala. Ayaw kitang kasama."

Isang batok ang natanggap n'ya mula kay Tiana.

Paano ba siya makakaalis nang hindi kahina-hinala?

Nakita n'yang tapos nang mang- ransack ng fridge si Malik kaya mabilis niyang isinara ang kanyang utak. Ayaw niyang mabasa nito ang gumugulo sa isipan n'ya. Loko-loko pa naman ito at lage siyang ipinapahamak lalo na kay Tiana.

"Sure kang si Linus ang nami-miss mo? Wala ka bang bibisitahing chicks sa Hellville?" nakangising tanong ni Malik na nilalantakan ang black olives na nakita nito sa fridge.

"Ano'ng chicks? Wala naman akong naging girlfriend d'on ah. 'Wag mo nga akong itulad sa'yo," paangil na sagot ni Cole. Minsan naiinis na siya kapag nababansagan siyang palikero dahil sa kakasama n'ya rito kay Malik.

"Maniwala ako sa'yo. Iisa ang kulo n'yong dalawa," ani Tiana na pabalik-balik ang pagturo sa kanila ni Malik.

Huminga na lang ng malalim si Cole. Oh well, he had that reputation now. Kahit sa sarili niyang pamilya.

Pero paano talaga siya makakasama kay Kam? Hindi naman pwedeng ito lang ang umalis. Hindi 'yun safe. Isasama kaya nito si Tryx?

If that was the case then maybe he shouldn't worry too much. Tryx was a capable Senior. Kaya na nitong protektahan ang isang Freshman na kagaya ni Kam.

Pero mapapanatag ba talaga s'ya? 'Yung totoo?

"Ugh!" Cole groaned.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Deus.

"Yeah," matamlay na sagot ni Cole. Ano pa nga ba ang masasabi n'ya?

Bakit ba siya nag-aalala sa kaklase n'yang 'yun? 'Di ba mas mabuti nang wala ito for a few days para malamangan n'ya ito?

Tama!

Naagaw ni Auberon ang atensyon nila nang bigla na lang itong pumasok nang nagdadabog pero agad namang lumiwanag ang mukha nito nang makita si Deus.

"Babe!" palatak nito saka umupo sa kandungan ng lalaki.

Agad na napangiwi si Cole at napasimangot si Tiana. Hindi talaga sila masanay-sanay sa Public Display of Affection ng dalawa.

"May kamay ka naman, Auberon. Matuto kang kumatok. Hindi mo 'to kwarto," biglang sabi ni Tiana na lukot ang mukha at napalabi lang si Auberon.

Napansin din ni Cole ang disappointed na tingin ni Deus sa kakambal.

"Okay, aalis na ako. I'll see you all in a week," ani Malik saka humakbang na papunta sa pinto.

"Week? Saan ka nanaman pupunta?" kunut-noong tanong ni Cole.

"Nagpapasama si Tryx sa akin. May mission siya sa Apary."

"Mission? But you're just a Sophomore. Bakit ka sasama? That's dangerous," sabi ni Auberon.

"Reconnaissance lang naman. Walang labanan na magaganap as long as manatili kami ni Tryx sa hotel room namin," sagot ni Malik na may pilyong ngiti sa mga labi.

"Baboy ka talaga," naiiling na komento ni Tiana.

"Umalis ka na nga!" natatawang pagtataboy naman ni Deus at humalakhak nga si Malik nang umalis.

Naiwang tahimik si Cole. Ano 'yung sinabi ni Malik? Sino ang sasamahan nito?

"Cole, 'di ba may klase ka pa? Why are you still here?" nagtatakang tanong ni Deus kaya agad na napatayo si Cole.

"Right," aniya saka mabilis na tumayo.

Malalaki ang hakbang na nagtungo siya sa Akadēmos. Ayaw n'yang ma-late sa klase n'ya.

One week na mawawala si Tryx! Ilang beses na nag-echo iyun sa utak ng binata.

So, sino ang isasama ni Kam sa trip nito papuntang Macon? Mag-isa lang ba ito?

Masyadong delikado!

"Ugh!" nasabunutan na lang niya ang sarili saka umikot para makahakbang papunta sa opposite direction.

Papunta sa Autorité kung saan naroon ang opisina ni Director Brisbois.

—-

"There you go," napangiti si Kam nang maipasok n'ya sa overhead bin ang kanyang dalang maliit na luggage.

Umupo siya sa komportableng bench na magsisilbi ring kama niya sa loob ng limang araw niyang train ride mula Morland papuntang Macon.

Malaki ang private cabin niya at may magkaharap na upholstered bench at sa gitna ay may maliit na mesa. Meron din siyang private toilet and bath kaya hindi na niya kinailangang lumabas pa ng cabin. Magro-room service na lang siya ng pagkain.

"Okay. Magbabasa na lang ako ng lessons pampalipas-oras," aniya saka naghalungkat na sa kanyang backpack.

Buti na lang talaga pinayagan siya ni Director Brisbois na bumiyaheng mag-isa. Isasama n'ya sana si Tryx kaso may mission pala ito sa Apary kaya solo traveler s'ya ngayon. Humingi siya ng two-week leave at kukuha na lang siya ng makeup exams para sa mga na-miss niyang klase.

Nagtaka nga siya kung bakit ang bilis pumayag ng kanilang director kahit mag-isa lang siya.

Excited siya sa byaheng ito pero kinakabahan din siya kasi baka galit si Nova sa kanya.

Paano kung hindi s'ya nito haharapin?

Ipinilig n'ya ang kanyang ulo. She would try everything to convince Nova's parents to send her friend back to the academy.

Everything.

Nagsimula nang umusad ang tren kaya kumuha na siya ng isang textbook. Dapat magiging productive siya habang nasa byahe. Wala rin naman siyang ibang magagawa para malibang.

Umayos siya ng upo. Naka-itim na cycling shorts lang siya, iyung pulang hoodie ni Cole na gustung-gusto niyang suotin dahil masyadong malambot ang tela, at black socks. Nag-lotus squat siya sa bench at iniwan sa sahig ang kanyang mamahalin at itim na slide sandals.

Magsisimula na sana siya sa pagbabasa nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang cabin at pumasok doon ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt, itim ding jeans, red shoes at itim na headphones na nasa leeg nito. May gold necklace ito na may pendant na letter B. Malinis ang ayos ng buhok nitong fohawk.

"Bloodworth? Ano'ng ginagawa mo rito? Naka-lock 'yang pinto ko! Paano ka nakapasok?" aniya sabay turo sa mukha ng lalaki.

Exaggerated namang nanlaki ang mga mata nito. "Caedis? Ikaw ang mission ko? I wouldn't even have guessed," palatak nito sabay hila sa luggage nito. He locked the cabin door and proceeded to stow his luggage in the overhead bin across her.

"Seryoso. Ano'ng ginagawa mo rito?" malakas niyang tanong.

Ano ba naman itong nangyayari? Makakasama n'ya ba itong lalaking ito sa loob ng maliit na cabin na 'to for five days?

"I am here to protect you. It's my mission," sagot nito saka umupo sa bench na nasa harapan n'ya. Ang laki ng ngisi nito na parang nanalo ng jackpot sa casino.

"Kaya pala ako pinayagan agad ni Director Brisbois. Nag-volunteer kang bantayan ako?"

"Ano'ng volunteer? Bakit naman ako magbo-volunteer na bantayan ka? Ano ka? Sinuswerte?" nakasimangot na sagot nito pero hindi naman makatingin sa kanya.

Napabuga na lang ng hangin si Kam. Ano pa nga ba ang magagawa n'ya? Mukhang makakasama nga niya sa loob ng dalawang linggo si Cole.

—-
"Oh, lord! This is so funny!"

Gulantang na napamulat ng mga mata si Kam nang marinig ang malakas na halakhak ng isang lalaki.

What the hell was going on? Bakit may maingay na lalaki sa silid n'ya?

"What the freaking freak?" at tumawa nanaman ito.

Wait. Teka. Mabilis na napaupo si Kam nang maalala kung nasaan siya at kung sino ang kasama n'ya.

Si Cole Bloodworth!

Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa lalaki na nanonood ng kung ano sa phone nito at suot na nito ang headphones kaya hindi n'ya alam kung ano ang pinapanood nito.

Sumulyap ito sa kanya nang ilang saglit habang nakangisi pa rin at muntik nang mapatalon si Kam.

Bakit masyado itong intense tumingin?

Pero isang segundo lang siyang binigyan nito ng atensyon dahil ibinalik na nito sa phone ang paningin.

"What are you watching?" taas-kilay na tanong niya. Kunwari ay naiinis siya dahil sa ingay nito.

Pero hindi siya sinagot ng lalaki. Tumawa pa ito sabay hawak ng tiyan.

Kumunot ang noo ng dalaga. What the hell? This time, nainis na siya nang totohanan.

Irritated, she kicked Cole's shin.

Gulat na napatalon ito at masama siyang tiningnan. "Why did you kick me?" anito pagkatanggal ng headphones.

"Kinakausap ka eh," paangil naman niyang sabi.

"Tsk," anitong umirap sa kanya. "Kinakausap din naman kita kanina pero tinulugan mo ako. Sinipa ba kita?"

Tinulugan n'ya ito? Bakit? Nag-uusap ba sila bago siya nakatulog? Parang hindi naman yata.

"Ano ba kasi ang pinapanood mo? Tuwang-tuwa ka yata," sa totoo lang ay gusto n'yang maki-share. Mukhang comedy kasi ang pinapanood nito.

Ngumisi si Cole, iyung ngisi na parang nang-iinis.

"Kick Me starring Kray Hayes," anitong ang laki talaga ng ngisi.

Agad na kumunot ang noo ni Kam sa pag-iisip. "Walang nakakatawang movie si Kray Hayes. Lahat action," aniya. Siempre alam n'ya. Napanood na kaya niya lahat ng movies ng lalaki. Kahit isa walang nakapagpatawa sa kanya. Lahat kasi bugbugan.

Tumawa pa si Cole kaya napasimangot na si Kam. Pinagtatawanan ba nito si Kray?

"Ano'ng wala? Sobrang nakakatawa kaya. Nakakatawa ang sobrang kabaduyan. Grabe. Sobrang corny kaya parang nakikiliti ako," anito kaya agad na umusok ang ilong ng dalaga.

"Wala kang karapatang pagtawanan si Kray," aniya saka ibinato ang unang bagay na nadampot n'ya at buti na lang nasalo nito iyun.

It was her phone! Tsk. Ang lakas pa naman ng pagkakabato niya rito.

He smirked before throwing the phone back at her. Agad n'ya namang sinalo 'yun.

"Idol na idol mo naman yata si Kray Hayes. I remember you talking about him during our class," anitong nakataas ang kilay.

Hindi sumagot si Kam.

"Uy, crush mo ba s'ya?" pangungulit nito.

"Bakit tsismoso ka?"

"Sumagot ka na lang kasi."

"Eh ano naman kung crush ko?" aniya pero at agad na pinatay nito ang phone nito.

"That dude is ancient. Mas matanda pa 'yun sa Great gramps Orpheus ko. Ew!"

"I know him personally," aniya. Hindi n'ya alam kung bakit sinabi n'ya 'yun sa binata pero lumabas na. Nakita naman niya ang panlalaki ng mga mata nito.

"For real? So, taga-Chilakest ka talaga?"

Tumango siya.

"A Caedis from Chilakest. Wow. I heard tatlo lang kayo. Parents mo at ikaw. At kayo ang pinakamayamang pamilya sa buong continent. Bakit mo sinabing taga-Athenun ka?"

Hindi sumagot si Kam. Should she tell him?

"But hey, you don't have to tell me if you don't want to," dagdag naman nito saka muling sumandal at binuhay uli ang phone.

"I don't want people to know who my parents are," she blurted out.

He turned his phone off. Again. Ang intense nanaman ng tingin nito sa kanya. "Duh."

Napasimangot si Kam sa reaksyon nito. 'Yun na 'yun? Duh? Wala pala itong kwentang kausap.

"Obvious naman 'di ba kaya hindi mo sinabi ang totoo," anito.

Sabagay, naisip ng dalaga. "Dahil sa pera ng pamilya namin, marami ang gustong sumipsip."

Cole leaned forward to focus on her. Titig na titig ito sa kanya kaya naasiwa ang dalaga. Pero saan ba ito dapat tumingin? Dapat lang na sa kanya kasi s'ya itong nagsasalita. Alangan namang sa pinto ito makipagtitigan.

Kam cleared her throat.

"Back in Chilakest, I tried so hard to make friends. Siempre inuutusan ng parents 'yung mga anak nila na kaibiganin ako," pagsisimula n'ya. Masakit ang alaalang ito pero gusto n'yang ipaintindi rito kung bakit s'ya naglihim.

"Gaano ba kayo kayaman?" anito.

"Well, sa pagkakaalam ko, mas malaki pa ang net worth namin kahit na i-combine pa ang net worths ng lahat ng bilyonaryo rito sa Vergaemonth."

Cole whistled. "Gan'on kayo kayaman?"

Namula si Kam. Hindi siya sanay na pinag-uusapan ng ganito ang yaman nila. But she wanted to be truthful to Cole. Ewan n'ya lang kung bakit. Sana hindi siya magsisi.

"Well, Blackbourne is the richest continent in the world 'di ba? That's a known fact. But when it comes to private wealth, Caedis family is the richest family in the world."

Napailing-iling si Cole. Mukhang litung-lito talaga ito. "So, bakit mo inilihim 'yan? With your status, you're gonna be an instant celebrity in the academy."

Mariin naman siyang umiling. "Promise me na wala kang pagsasabihan ng sekreto ko. I just want to protect the people around me."

Yes, this was the reason why she's telling him. She wanted him to understand her wishes.

Mas nalito pa tuloy ang binata dahil sa sinabi n'ya. "What? Am I stupid or is this situation just ridiculous?"

"When I was ten, I had two bestfriends. Sobra naming close. 'Yung parents nila, ini-invite ng parents ko sa mga gatherings namin. Until one day, nag-away ang bestfriends ko. Pinagtatalunan nila kung sino ang mas close sa akin.

I found out na inutusan lang pala sila ng parents nila na makipagkaibigan sa akin. They used me to climb up the ladder of success. Because their names are attached to our name, their business ventures boomed."

Napailing si Cole pero hindi ito sumabad. Nakinig lang ito. He seemed interested to know.

And Kam decided to continue.

"My friends' parents talked to my parents. Siniraan nila ang isa't isa. Nagalit ang mga magulang ko not because they were badmouthing each other. Not because of what they did to me. Not because of my feelings. Nagalit sila kasi nakakainsulto na naisahan nila ang pamilya namin.

The next day, parehong na-bankrupt ang dalawang pamilya. At hindi lang d'on tumigil ang parents ko. Dinamay pa nila ang mga distant relatives ng mga kaibigan ko. Lahat sila nawalan ng trabaho at businesses. Until now, they're still struggling. Hindi sila makahanap ng maayos na trabaho kasi blacklisted sila sa mga kompanya roon."

Hindi nakapagsalita si Cole. Nakaawang pa ang mga labi nito na parang hindi makapaniwala sa sinabi n'ya.

"Look, my parents feel like our family is better than everyone else. They feel like they can get away with everything because of their money. So far, 'yan nga ang nangyayari. Kahit ang government namin sa Chilakest, sunud-sunuran sa mga magulang ko."

"So, inilihim mo ito sa academy because...?"

"Ayokong mangyari uli iyung ikinuwento ko. Ayokong may mapahamak uli dahil sa akin. Kapag hindi alam ng mga tao kung sino ang mga magulang ko, walang makakapag-report sa kanila kung ano ang nangyayari sa akin dito. As long as maganda ang grades na nakukuha ko at buhay ako, my parents won't care what I do here. Pero oras na pumalpak ako, hindi lang ako ang magsa-suffer kundi maging iyung mga nasa paligid ko."

Patamad na sumandal si Cole at ipinagkrus nito sa dibdib ang mga braso. Habang ginagawa iyun ay titig na titig pa rin ito sa kanya.

Natatakot ba ito sa mga magulang n'ya? Nagsisi ba ito kung bakit sumama ito sa kanya ngayon?

"Alam mo, I believe that a person's upbringing is influenced by how they're raised and by their environment," anito kaya napakunut-noo si Kam.

Pinagsasabi nito?

"Kung ganyan ang mga magulang mo, why do I feel like you're different? You are not Ms. Sunshine and all, but you're alright. You're not bad."

That comment warmed Kam's heart. She worked so hard to be different from her parents. She didn't want to ruin other people's lives just because she was insulted. She didn't want to punish the innocent just because they share the same blood with the guilty.

"Nannies and governesses raised me. My parents would check on me from time to time to see my achievements. Pero mga employees ang nagpangaral sa akin habang lumalaki. My parents told me to act like them but I can't be like them because other people raised me."

"Thank goodness," palatak ni Cole. "No offense meant for your parents but they sound awful."

Lihim na napangiti si Kam. Hindi siya sanay na may magsabing gan'on sa mga magulang n'ya. Lage na lang kasing sipsip ang mga nasa paligid n'ya.

And she couldn't blame those people. Ayaw lang mapahamak ng mga ito.

"So, paano kayo nagkakilala ni Kray Hayes? Tsk. Ang baduy talaga ng lalaking 'yun," naiiling na komento ni Cole kaya sinamaan ito ni Kam ng tingin.

"Five years ago, I was fourteen then, nagulat na lang ako na naghihintay s'ya sa akin sa labas ng school ko. Nakakagulat lang din kasi pumayag ang driver kong si Mr. Smit na makausap ako ni Kray."

Napamura si Cole. Mukhang naeskandalo pa ito sa kwento n'ya. "For goodness' sake! You were a minor!"

Kumunot ang noo ni Kam. "Makinig ka nga! We just talked okay? Walang masamang balak sa akin si Kray. We just became each other's confidant."

"He's not your boyfriend or lover?" seryoso pa rin ang mukha ni Cole. Hindi yata talaga nito matanggap kung may romantic relationship sila ni Kray.

Umiling ang dalaga. Hindi nito maiintindihan ang relasyon niya kay Kray kaya hindi na lang niya sasabihin dito. Hindi naman kasi nito kailangang malaman pa.

"So, you're one year older than me," pag-iiba nito ng usapan.

"Well, I had to travel eleven months from Chilakest to Morland. After high school, I was forced to take a gap year because of that journey."

Tumangu-tango ito. "So, I will call you older sister then. Ate."

Masamang tingin ang ibinigay n'ya rito. "Shut up!"

Tumawa ng malakas si Cole. Tawagin ba naman siyang Ate? Magaling talagang mang-inis ang lalaking 'to.

***
@immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 638 22
Pag-iibigang nabuo sa loob ng bilangguan.
478 80 35
After a tragic accident while boarding a ship, Stella Cordelia, an anthropologist, found herself in otherwordly place called Adora. Saved by the firs...
3.9M 138K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
9.4K 699 33
"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which mai...