You Are My Everything (COMPLE...

De AiaRev3use

14.9K 560 1.8K

He is a playboy, for him a girl is just a toy. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Dahil alam niya na sa huli... Mai multe

SYNOPSIS
YOU ARE MY EVERYTHING
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 10

428 12 66
De AiaRev3use

CHAPTER 10

'Shero May P.O.V'

"Paano kung ako talaga 'yong taong nakalaan para sa'yo?" Nakangiting tanong ni Ethan sa akin, napangiti ako.

"E di mas maganda kung gano'n." Sagot ko, ipinalibot nito ang kanang braso sa baywang ko.

"Talaga gusto mo? Mas maganda kung ganoon?" Paninigurado nito habang may mapaglarong ngisi sa kaniyang labi.

Sunod sunod akong tumango. "Siyempre gustong gusto."

"Hindi ba't gusto mo lang naman ako? Hindi mo pa naman sinasabing mahal mo ako." Ngumuso ito at isinandal ang ulo sa balikat ko, mahina akong natawa sa inakto nito.

"May sinabi ba akong gusto kita?" Kunwari ay masungit kong tanong.

Saglit ako nitong nilingon bago ibinalik ang ulo sa pagkakasandal sa balikat ko. "Hindi mo ba talaga ako gusto? Hindi mo na nga ako mahal, hindi mo pa ako gusto." Bakas ang lungkot sa boses nito, pinitik ko ang tainga niya na mahina niyang ikinadaing na ikinatawa ko.

"Mahal kita, hindi lang halata." Mahinang bulong ko sa mismong tainga niya, at dahil doon mabilis siya napalingon sa akin dahilan para magdikit ang mga labi namin sa isa't isa. Nanlaki ang mga mata ko at akmang hahawakan siya ng biglang.....

Nagising ako, tulog ako. Nagising ako, panaginip. Nahulog ang dalawang unan sa sahig na mabilis kong pinulot. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa pader. Bago tinampal ang sariling bibig at napasabunot sa sariling buhok.

"Argh! Lintek na panaginip!" Sinipa ko ang pader dahil sa inis na mahina kong ikinadaing dahil sa kirot. Nakakainis, bakit ba sa dinami-dami ng panaginip na pweding dumaan sa pagtulog ko ay siya pa? Bakit siya?

Hindi ko naman siya pinagpapantasiyahan o kung ano ka pa man 'yan at mas lalong hindi ko siya gusto para mapanaginipan, at bakit sa dinami-dami ng senaryo na kasama siya sa panaginip ay bakit sa ganoong kalagayan pa?

Napatingin ako sa bintana na natatakpan ng manipis na kurtina, sumisilip na ang sinag ng araw. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at pilit na tinanggal sa isip ang napanaginipan.

Binungkos ko paipit ang maiksi kong buhok papusod bago lumabas ng kwarto at nagmumog. Pagkatapos ay nagsimula na akong magluto ng makakain para sa almusal.

Pritong itlog at tuyo ang nahanap ko para iluto. Ginawa ko ring sinangag ang tirang kanin namin kagabi at pagkatapos ay nagluto ulit ako ng kanin para baunin mamaya pagpasok. Wala nang ibang mailutong kung kaya ay bibili na lang siguro ako ng ulam mamaya sa karinderya na malapit sa school.

Nang matapos kumain ng almusal ay tumayo na ako para ilagay ang kanin sa baunan na babaunin para mamaya. Pagkatapos ay dumeritso na ako ng kuwarto ko para kunin ang pamalit at tuwalya ko na nakahanda na bago lumabas at pumuntang banyo para maligo.

Habang naliligo ay sumagi na naman sa isipan ko ang napanaginipan ko, dahil sa inis ay binilisan ko ang pagligo at hindi na nag-shampoo.

Lumabas ako ng banyo na nakasuot na ng uniform habang nasa balikat naman ang tuwalya at hawak-hawak ko ang maruming damit.

Naabutan ko sina mama at papa na kumakain sa hapag. Dumeritso lang ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit na dapat dalhin, itinapon ko sa lagayan ng maruming damit ang hawak kong pinagbihisan bago kinuha ang bag na nasa kama at binuksan at inilagay ang notes ko na iniwan ko kahapon. Isinampay ko naman sa hanger ang tuwalya pagkatapos kong punasan ang buhok.

Pinasadahan ko ng suklay ang buhok bago isinuot ang stockings at ang black two inch shoes. Isinukbit ko sa balikat ang bagback bago lumabas ng kuwarto, nagmamadali ako dahil ayaw kong mahuli sa klase.

"Alis na po ako." Paalam ko ng mapadaan ako sa gilid nila.

Tango lang ang isinagot ni papa, tuluyan na akong lumabas ng bahay at naghintay ng masasakyang traysikel.

Ngunit mukhang hindi sa traysikel ako sasakay ngayon dahil paglabas ko pa lang ng compound namin ay may nag-aabang ng kotse. At dahil doon bumalik na naman ang kagimbal-gimbal kong panaginip.

Gusto kong tumalikod at lumihis ng daan dahil ayaw kong makisabay sa kaniya, ngunit huli na ang lahat dahil napansin na pala ako nito.

Napakagat ako sa ilalim ng pisngi ko, ang panaginip ay panaginip lang. Iyon lang 'yon hindi makatutuhanan, bumukas ang pinto ng kotse at lumabas doon si Ethan.

Napalunok ako ng dumako ang tingin ko sa labi niya, lihim akong napa-iling at kinurot ang sarili upang gisingin ang katawang lupa sa kalukohang iniisip.

"Hey, good morning." Bati nito, "kumain ka ba?"

Tipid akong tumango bago umayos ng tayo. "Anong ginagawa mo rito?"

"Sinusundo ka." Walang pag-aalinlangan nitong sagot.

"Hindi naman kailangan." Walang buhay na boses kong wika.

"Pero iyon ang gusto ko, so let's go now. Baka pareho pa tayong mahuli sa klase kong magbabangayan pa tayo rito." Anyaya nito, pinagbuksan niya ako ng pinto nang passenger seat at isenenyas ang kamay sa akin na sinasabing pumasok na ako sa loob.

Napabuntong hininga ako at wala ng nagawa. Pagdating sa kaniya ay wala akong magawa, hindi ako maka-angal.

"Napanaginipan kita kagabi." Halos masamid ako sa sariling laway ng marinig ko ang sinabi niya, hindi ko maiwasang hindi magulat at napatingin sa kaniya.

"Napanaginipan mo ako?" Bahagya kong ikinunot ang noo, kunwari ay hindi ako interesado.

"Yeah, I dreamed of you." Sagot nito ng may ngiti sa labi. "Magkasama raw tayo, and we are having a date."

Nanlaki ang mga mata ko, at iniwas ang tingin. Itinuon ko ang paningin sa labas ng bintana bago kinagat-kagat ang ilalim ng pisngi. Anak ng kabayo!

Hindi naman ako natatae pero bakit nag-aalburuto ang tiyan ko at hindi magkandamayaw sa pagtibok ang puso ko. Hindi ito pwedi, bakit sa tuwing nandyan at malapit siya pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng sakit sa puso.

Hindi naman sana ito kagaya ng mga nababasa ko sa isang libro, dahil hindi iyon pweding mangyari.

"Hey, bakit namumula ang gilid ng pisngi mo? Did you use blush on or you just blushing?" Rinig kong tanong niya, napahawak ako sa gilid ng pisngi ko, namumula?

Napakurap-kurap ako. "Hindi ah, mainit lang. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano diyan."

Mahina itong natawa na sigurado akong ikinapula mas lalo ng pisngi ko. "Air-condition ang kotse ko, paanong mainit?"

Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Walang takas, taas noo akong humarap sa kaniya. Namamasa ang kamay ko dahil sa hiya.

"Ano bang pake mo? Naiinitan nga ako e." Angil ko at binuksan ang bintana ng kotse, napahagalpak naman ito ng tawa dahil sa sinabi ko, tinignan ko siya matalim ang mga matang ipinukol sa kaniya. "Tigilan mo ako Ramirez, baka masapak kita at hindi ako makapag-timpi." Pagbabanta ko.

Saglit itong tumigil sa pagtawa at itinaas ang isang kamay, ang isa naman ay iniwan niya sa manibela. "Oh ayan hindi na ako tatawa." Halatang pinipigilan nito ang tumawa dahil may ngiti pa itong isinusupil sa labi.

"Anyway may pasok ka ba mamaya sa trabaho?" Tanong niya kalaunan, nilingon ko siya.

"Wala naman, day off ko ngayon." Tipid kong sagot at bahagyang napakamot sa ulo, hindi ako nakapag-shampoo kanina at iyon ay dahil sa kaniya.


"Birthday ng mommy ko ngayon, I want to invite you." Anito, mabilis akong napalingon sa kaniya.

"Bakit mo ako iniimbitahan?" Napakunot ang noo ko habang tinitignan siya.

"Dahil gusto ko. At gusto ko ring ipakita kay mommy na nagbabago na ako sa pagiging babaero." Sagot nito at saglit akong binalingan ng tingin.

Pagak akong natawa. "Kung gano'n ibig mo bang sabihin, iniimbitahan mo ako dahil gusto mo akong gamitin?"

Tumango siya. "Pero hindi naman iyon ang unang dahilan ko. Pangalawang dahilan lang, sasama ka ba?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi, may gagawin ako sa bahay." Tanggi ko.

"I'm not taking no for answer, kaya sasama ka kahit hindi ka pumapayag." Anito na ikinamaang ko.

"Ano? Sira na ba ang ulo mo?" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses. Nilingon ako nito at kinindatan bago inihinto ang sasakyan sa parking area ng school. "Nahihibang ka na. Hindi mo ako girlfriend pero dadalhin mo ako sa pamamahay niyo?"

"Magiging girlfriend rin naman kita sa hinaharap. Sumama ka na lang." Tinanggal nito ang seatbelt at tinitigan ako.

"Hindi ba't sinabi ko na ngang hindi mo ako magiging girl-." Itinigil ko na lang ang dapat ay sasabihin at napahawak sa noo ko ng makitang lumambot ang ekspresyon nito at may kakaibang emosyon na lumitaw sa mga mata niya. "Sige, titignan ko kung makakasama ako."

Ang emosyon ng kaniyang mga mata ay mabilis na napalitan ng kasiyahan. "Talaga? Bakit pumayag ka bigla?"

"Pumayag na ba ako? Hindi pa naman." Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"Pero papayag ka na rin naman." Nakangiti nitong wika.

"Gusto kong makikain kaya ako sasama. Iyon lang." Napapatangong ani ko bago tinanggal ang sariling seatbelt.

"Akala ko ba ayaw mong tumaba ulit?" Tanong niya, pareho na kaming nakababa ng sasakyan at naglalakad papuntang building namin.

"Akala ko rin ba ay ayos lang kung tumaba man ako?" Balik tanong ko, mahina itong natawa at inakbayan ako. Napapatingin ang ilang mga kapwa estudyante sa amin.
"'Yang kamay mo Ethan." Mahinang suway ko sa kaniya, hindi ako nito pinansin bahagya lang nitong pinisil ang balikat ko na ikinapikit ko ng mariin.

Napayuko ako habang naglalakad. Siya naman ay tuloy lang sa pagsasalita, pagkwekwento at pagsusumbong sa akin.

"Alam mo ba noong unang araw na nakita kita, ay tumatakbo ako at nagtatago sa babae ko?"

"Hindi, hindi ko alam." Sagot ko, rinig ko ang mahinang palatak nito. "Ano? Nakikisama na nga."

"Iyon nga, nakita kitang nakatalikod noong araw na 'yon pakiramdam ko ay nawawala na ako kung kaya nang makita kita ay lumapit ako sa'yo ang kaso bigla ka namanh sumigaw at umiiyak ka rin." Pagpapatuloy nito, saglit ako nitong nilingon.

"Hindi nga kasi ako umiiyak noong araw na 'yon. Ang kulit!" Angil ko at tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin ngunit ibinalik lang rin niya ulit.

"Umiiyak ka nga kasi, nakita kong namumula 'yong mga mata mo at basa ang basa rin ang gilid nito. Kaya alam kung umiyak ka, huwag mo ng itanggi." Pagpupumilit nito, ang araw na 'yon ay ang araw na pinagalitan ako ni Mama, dahil raw kakaunti ang lang ang perang naibigay ko, at sinumbat-sumbat rin nito na ang lahat ng mga pagkakamaling hindi ko naman ginawa. Noong araw na 'yon ay hindi ko maiwasang hindi masaktan kung kaya lumabas ako ng bahay para magpalamig.

"Ano naman ngayon kung umiiyak ako noong araw na 'yon?" Tanong ko at tumigil sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng classroom ko.

"Gusto kong malaman ang dahilan." Sagot niya, "sige na. Mamaya na lang natin ipagpatuloy ang kwentuhan, pumasok ka na sa loob. Sabay tayong kumain ng tanghalian." Anito at kagaya ng ginawa niya noong nakaraan, mabilis ako nitong dinampihan ng halik sa noo at mabilis ring umalis.

Napakurap-kurap ako bago napahawak sa sariling noo at pumasok sa loob ng classroom, ang lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa deriksyon ko. Tinanggal ko ang hiyang nararamdaman bago taas noong umupo sa sariling upuan ko.


Hindi ko alam ngunit sa simpleng pagkalungkot nito ay napapaamo kaagad ako nito. Kagaya na lang ng nangyari kanina, simpleng emosyon na nakita ko sa mga mata niya ay bumigay kaagad ako.

Hindi ko alam ngunit ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan, ayaw ko siyang makitang nasasaktan. Pakiramdam ko ay napaka-inosente niya at hindi dapat siya masaktan, kahit pa na ang ugali nito ay manakit mang-iwan ng babae.

Naguguluhan ako sa sarili ko, hindi ko maintindihan kung anong klaseng pakiramdam ba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag, ang hirap ipaliwanag.

Dumating ang lunch gaya ng sabi niya ay sabay kaming kakain at iyon nga ang nangyari, ngunit ang sabi ko kanina ay bibili ako ng ulam sa karinderya ngunit hindi iyon ang nangyari, nagdala kasi itong ng pagkain at dinamihan niya dahil para sa aming dalawa iyon.

Habang kumakain ay napatitig ako sa kaniya, tutok na tutok ito sa pagkain na para bang kapag nalingat lang siya ay mawawalan na siya nito. Manloloko at mang-iiwan ba talaga siya? Hindi halata ngunit maraming patunay, at iyon ay ang mga babaeng humahabol sa kaniya.

Napa-iling ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Kung ano man itong nabubuong nararamdaman ko sa kaniya ay kailangan ko ng itigil, kailangan kong pigilan dahil hindi siya ang tipo at gusto kong lalaki.

Sumapit ang hapon ay uwian na. Nauna silang lumabas kung kaya paglabas ko pa lang ng classroom ay naghihintay na ito roon, nagkukumpulan ang ilang mga kababihan sa gilid niya at nagtutulakan ngunit wala roon ang atensyon, dahil ang atensyon niya ay nasa akin lang. Akin lang.


"Let's go." Aya nito pagkahinto ko sa harapan niya, ilang dipa ang pagitan naming dalawa.

"Hindi naman ako pumayag, ang sabi ko ay pag-." Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ay hinila na ako nito.

"Huwag mo akong niloloko Shero, alam kung payag ka na." Nakangiti nitong wika at nagpatuloy sa paghila sa akin, at ako naman ay hinayaan siyang hatakin ako.

Kung umakto ito ay para bang boyfriend ko siya at girlfriend niya ako, ngunit ako isang kahibangan ang hayaan ko lang siya. Kung kaya siguro ay hibang na ako dahil hinahayaan ko lang siyang gawin 'yon, itrato ako na para bang kasintahan niya.

...
Pareho na kaming  nakasakay sa kotse niya at nagmamaneho na ito, ngunit inihinto niya ito sa isang flower shop. "Hintayin mo na lang ako rito, kukuhanin ko lang ang pina-reserve kong bulaklak." Paalam nito, saglit akong tumango bago siya tuluyang lumabas ng sasakyan.

Mula sa loob ng sasakyan ay kitang-kita ko ang pagpasok niya sa loob ng shop, napabuntong hininga ako bago sumandal sa kinauupuan bago pumikit.

Dapat pala ay hindi na lang ako pumayag, umuwi na lang sana ako ng bahay. Pero heto ako at pumayag na sumama sa kaniya. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto ng driver seat pumasok siya sa loob. Iminulat ko ang mga mata ko at dumako iyon sa bulaklak na hawak niya.

"Bakit may libro sa gitna 'yang bulaklak?" Kunot ang noong tanong ko.

"My mother loves books, kaya naisipan kung isama ang libro sa mga bulaklak. Ganito rin ang madalas gawin ni daddy sa tuwing binibigyan niya ng gift si mommy." Sagot nito, "pwedi mo bang hawakan ito? Baka kasi kapag nilagay ko sa backseat ay masira."

Kinuha ko ang hawak niya at inilagay sa hita, siya naman ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan at nagmaneho paalis. Napatingin ako sa pambisig kong relo, mag-aalasingko pa lang naman. Siguro ay sasaglit lang ako doon at uuwi na rin.

Continuă lectura

O să-ți placă și

2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
4.8K 141 23
[Matured Content] May mga bagay sa mundo na mahirap paniwalaan at mapanindigan, isa sa mga bagay na ito ay ang tinatawag nila na mga kathang-isip at...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
6.7M 243K 52
deceret (n.) latin word for "body to body" When Philodemus Elton Treveron's parents were slayed, the only thing that brings him closer to finding the...