Childhood Sweetheart | STALKE...

By riyazyn

2.6K 75 4

[COMPLETED] STALKER #1 "Are you really a stalker of mine?" "Um, y-yeah..." **** Date Started: April 2022 Date... More

Author's Note
WORK OF FICTION
SYNOPSIS
Prologue
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Special Chapter
Special Chapter 2
Epilogue

3

58 3 0
By riyazyn

Chapter 03

Athena

Tawa ako nang tawa habang nakatingin sa phone ko. Tama nga si Pomela, pansamantalang nakalimutan ko nga si Jamie. Naaaliw kasi ako sa pagsstalk ko kay Daren. Bi-nlock pa niya ako sa Facebook hahaha! Pikon talaga yun!

Infairness, naging masaya ako hehe. Pero hindi ko pa rin maiwasang maguilty dahil nanggamit pa talaga ako ng ibang tao para makalimot ako.

Pero ayoko nang umatras kasi nararamdaman ko sa sarili ko na gustong-gusto kong inisin siya haha! Sana nga lang maging matagumpay itong plano namin at hindi namin siya masasaktan at sana hindi niya malaman ang katotohanan.

"Oh Athena, akala ko umuwi ka na." Sabi ng kaklase kong babae. Hinarap ko siya ng nakangiti.

"Pauwi na hehe. Sige, una na ako." Lumabas akong building habang tumawa-tawa.

Naalala ko tuloy yung nangyari sa Grocery storeㅡyung nakita ko sila tapos tinulak ko yung babaeng kasama niya.

Hindi ko naman sinasadya yun. Nagulat nga ako dahil hindi ko rin inaasahang magagawa ko yun. Ewan ko ba, kusa lang gumalaw ang katawan ko nun. Tapos kung ano-ano pang pinagsasasabi kong creepy nun.

At talagang sumigaw pa ako ng hindi ko akalaing magagawa ko. First time kong gawin yun at hanggang sa pag-uwi ko, hindi parin nawala sa isip ko.

Natampal ko ang noo ko. Stalker na stalker talaga ang dating ko.

I'm well aware na nakakahiya yung ginagawa ko at alam ko sa sarili ko na pag may nagawa akong maliit na bagay kahit walang kahiya-hiya ay madali talaga akong mahihiya. Kaya nakapagtatakang wala akong naramdamang hiya pagkatapos nung nagawa ko sa store.

Nagpara akong taxi at sumakay nang may natanggap akong text mula kay Skier.

From: Skier
Cuz, I'm so happy because finally I will be able to visit you there. I guess, see you after two months. Take care always my cousin. Love you!

Napangiti nalang ako sa text niya. Gustong-gusto niya talagang bisitahin ako. Mabuti naman at makakapunta na siya sa wakas dito sa Pilipinas. Miss ko na rin yung pinsan kong yun.

Nag reply lang ako sa kanya.

To: Skier
Sure, I'll wait for you here and I'm gonna teach you Tagalog words. Love you too, cousin!

Nang makarating ako sa tapat ng condominium building ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Dahil tamad akong magluto, napagpasyahan ko nalang na kumain sa pinakamalapit na kaina.

Naglakad ako papunta sa malapit na restaurant nang may nasinghot akong amoy ng pagkain na matagal ko ng na-miss. Wahhh! Fishball!

Kaya lumiko ako at tinungo ang Fishball vendor sa gilid lang ng kalye.

"Kuya, pabili po."

"Sige, kuha ka lang, 'neng." Excited akong kumuha ng dalawang nakatuhog na fishball at isinawsaw sa maanghang na sauce.

"Mmmm.. na-miss kita fishball. Ang sarap mo pa rin hehe.." pagkausap ko sa fishball.

"Paborito mo ba, 'neng?" Tanong ni manong sakin.

"Opo, Kuya. Sobrang na-miss ko po to dahil wala namang ganito sa Australia eh."

"Oo nga, 'neng. Dito lang talaga yan sa Pilipinas. Kaya masarap."

"Naku, tama po kayo, kuya!" Lamon lang ako ng lamon ng may nagsalita.

"Excuse me, miss." Anang isang lalaki pero hindi ko binalingan ng tingin. Umusog lang ako dahil alam kong bibili din yung lalaki.

"Uy, boss, kayo pala. Ilang stick gusto niyo, boss?" Ani kuya sa bagong dating na lalaki.

"Limang stick."

"Sige, boss." Boss? Parang amo lang.

Nang maubos ko ang kinain ko ay binalingan ko ulit si Kuya. "Kuya, dalawang stick ulit."

"Sige, 'neng. Uunahin ko muna kay boss ha?"

"Sige, kuya." Sagot ko. Naramdaman ko ang titig ng nasa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Ganun nalang ang panlaki ng mata ko ng makilala yun.

Siya? B-Bakit siya andito?

Tila na-estatwa ako sa uri ng tingin niya. Nakakunot-noo din siya habang walang emosyong nakatingin sakin.

"Magkakilala ba kayo ni boss, 'neng?" Tanong ni Kuya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Boss?" Takang tanong ko.

"Oo, pinakyaw kasi ni boss at ng kaibigan niya ang paninda ko nung isang araw kaya mula noon ay boss na ang tawag ko sa kanya pati dun sa kaibigan niya." Paliwanag pa ni kuya.

Tumango nalang ako dahil parang hindi ko alam ang gagawin ko. Lalo nang naramdaman ko parin ang tingin ni Daren sakin.

"Ahm, Kuya hehe.. sa next time nalang po yung dalawang stick. Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako. Sige po."

"Sige, ineng. Salamat sa pagbili. Next time ulit!" Pagkatapos kong bayaran yung nakain ko, agad akong tumalikod at nagmamadaling umalis.

"My god, ano bang nangyayari sakin?" Pinagpapawisan pa ako ng matindi. "Diba stalker niya ako? Dapat pi-nursue ko siya hindi yung nag-walk out ako, tsk!"

Daren

"Daren, kumakain ka ba ng mga street foods?" Tanong ni Kaede.

"Oo naman. Actually, kaming dalawa ni Zares kumakain niyan. Especially, fishball, kwek kwek at kikiam."

"Wow, talaga? Ako rin eh, since hindi ko afford ang kumain sa mga restaurant. Hanggang karenderya at street foods lang ako."

"Hahaha! Next time, treat kita."

"Naku, wag na. Treat mo nalang ako ng fishball hehe.." nandito kasi kami ngayon sa park.

Ako ang ipinasama ni Zares kay Kaede na pumunta dito dahil daw may gagawin siya.

"Kaede, pasensya ka na kay Zares ha? Sobrang busy niya lang talaga eh."

"Daren, naiintindihan ko naman kaya no worries." Ngumiti pa siya. Napansin ko ring parang may pagkakahawig ang ngiti namin.

"Ang swerte talaga ng kaibigan ko sayo haha. Kaya sabihin mo sakin kapag sinaktan ka niya. Kahit kaibigan ko siya, hindi ako magdadalawang-isip na pektusan yun." Sabi ko na ikinatawa niya.

"Hahaha! Mabait naman ang kaibigan mo. Kaya nga napaisip ako na ako ang maswerte dahil naging boyfriend ko siya. Noon iniisip ko na wala talagang lalaking magkagusto sakin dahil bukod sa mahirap lang ako, hindi pa ako kagandahan at sexy katulad ng ibang babae."

"Kaede, wag mo nang sabihin yan. Ang ganda mo kaya. Saka yun nga ang tipo naming babae ni Zares eh, yung simple lang sa pananamit. Hindi kagaya ng iba na halos makita na ang singit sa sobrang ikli ng suot, akala naman nila maputi ang singit nila."

Natawa ulit siya. "Grabe ka. Ah basta, maswerte ako hindi lang sa kanya kundi pati din sayo. Salamat dahil dumating kayong dalawa ni Keiv sa buhay ko."

"Ikaw talaga. Sige ganito nalang. Maswerte tayong lahat dahil nakilala natin ang isa't isa."

"Tama!"

"Halika, I'll treat you fishball." Tumayo kami at naglakad-lakad. "Dito ka lang. Ako na ang bibili." Pinaupo ko muna siya sa isang bench na nandun sa tapat lang ng isang condominium building.

Hinahanap ko yung fishball vendor na palagi naming pinagbibilhan ni Zares.

Nang makita ko yun, agad akong lumapit. Dahil may nakaharang na babaeng sobrang nag-eenjoy sa kinakain niya, nag-excuse lang ako kaya napatabi siya.

Di ko maiwasang tingnan yung babae dahil pamilyar ang pigura niya. Kumakain parin siya na bahagyang nakatalikod sakin.

"Kuya, dalawang stick ulit." Agad akong napalingon sa kanya dahil sa boses niyang pamilyar din.

Nanlaki pa ang mata ko nang makilala ko siya. Hanggang dito ba naman sinusundan niya ako?

Wait, nauna pala siya sakin dito kaya imposibleng sinusundan niya ako. Bat siya andito? Para bumili ng fishball?

Napatitig ako sa kanya dahil sa naisip na mahilig din pala siya sa fishball. Akala ko, maarte siya at hindi kumakain ng ganitong klaseng pagkain.

Siguro naramdaman niya ang titig ko dahil napalingon siya sakin at nanlaki pa ang mata niya. At sa pagkakataong yun, inaasahan ko na ang gagawin niya kasi nga 'stalker' ko daw siya.

Pero ganun nalang ang pagkadismaya ko ng wala siyang ginawa.

"Ahm, kuya hehe.. sa next time nalang po yung dalawang stick. Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako. Sige po." aniya na mukhang nagmamadali.

May sinabi pa si kuyang nagtitinda bago siya umalis at nagmamadaling naglakad papalayo. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa condo. Wait, jan siya nakatira?

"Kilala niyo ba siya, boss?" Napabaling ako ng tingin sa harapan.

"No." Nararamdaman ko ang pagkadismaya sa boses ko. Wait, bakitt ba ako nadismaya? Dahil ba wala siyang ginawang nakakahiya? Diba dapat maging masaya ako kasi hindi niya ako ginalit? Hayst! Kinakausap ko na ang sarili ko. "Ikaw ba, kilala mo siya?" Balik tanong ko.

Napakamot naman si kuya ng ulo. "Hindi boss eh. Pero nabanggit niya kanina na paborito niya ang Fishball at sobra niyang na-miss ito dahil walang ganito sa Australia. Tingin ko, boss mestisa yun."

Australia? So Taga dun siya. Kaya pala may pagkakaiba sa kanya. Parang hindi siya full Filipino.

Teka, bakit ko ba siya iniisip!

"Eto na boss."

Binayaran ko agad yung fishball. "Thanks. Keep the change."

"Naku, salamat boss." Tumango lang ako bago naglakad pabalik sa gawi ni Kaede.

"Daren, parang nakita ko yung stalker mo na papasok sa building. O kaya naman namamalik-mata lang ako."

"Siya yun. Nagkasabay kaming bumili ng fishball." Sabi ko.

Nanlaki ang mata niya. "Ows? Tama nga ako. Wait, kung nagkasabay kayo, I'm sure may ginawa na naman siya."

Bumuntong-hininga ako. "Wala siyang ginawa. Pagkakita niya sakin, agad siyang umalis. Pero nagpapasalamat ako na wala siyang ginawa na ikapahiya sakin."

"Ayt." Inilapag ko ang Fishball at pinagsaluhan namin yun.

Pagkatapos, nagkwentuhan lang kami ni Kaede hanggang sa dumating si Zares.

"Daren, lilipat ka pala?" Tanong ni Zares.

"Huh? Pinagsasabi mo?"

"Your mommy told me earlier. Gusto mo na daw magkaroon ng sariling condo unit kaya naman, binilhan ka niya. Dito pa nga yun eh." Aniya at tinuro ang building.

Napatingin ako kay kaede na nakatingin sakin na may panunudyo.

"Si mommy talaga. Matagal ko ng hiniling yun at kinalimutan ko na dahil akala ko hindi ko na itutuloy." Sabi ko nalang para itago ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko. Weird..

"Okay. Kaede, let's go. May pasok ka pa bukas sa mall. Bro, thanks for accompanying her."

"Sus wala yun. Anything for Kaede." Kinindatan ko pa si Kaede kaya nakatanggap na naman ako ng matalim na tingin ni Zares. "Hahaha! Possessive as always. Sige na, bro. Uuwi na din ako para makausap si mommy."

Nagkahiwalay kami ng landas. Ako, deretso sa bahay para makompirma ang sinabi ni Zares kanina.

****

"Of course, totoo yun. Diba matagal mo ng sinasabi samin ng daddy mo na gusto mo ng sariling condo unit kaya naman iga-grant ko ang wish mo." Sabi ni mommy.

"Talaga, mom?" Gulat pa ako sa sinabi niya.

"Yup. Bakit, ayaw mo ba? Nagbago na ba ang isip mo?"

"No, of course not mom. Gusto ko syempre. Alam mo namang matagal ko nang gusto yun. Kahit nga lumipat agad ako dun eh."

"Hahaha! Sobrang excited ka na ah." Ewan ko ba, nakaramdam agad ako ng excitement at tuwa. Parang gusto ko ng lumipat dun. "Pero, bukas ka na lumipat dahil kasalukuyan pang inaayos at nilinis yung unit."

"Okay, mom. Thank you so much. You're the best." Niyakap ko siya.

"Baka naman magselos si Kaerelle niyan." Pagbanggit ni mommy sa totoong mommy ko na namatay nang isilang ang baby sister ko. Peor unfortunately, Parehas silang nawala sa buhay namin ni dad.

Pero nang dumating naman ang stepmom ko, ni minsan hindi ko naramdaman hindi niya ako tunay na anak. In fact, minahal at inaalagaan niya ako na parang kanyang sariling anak. So I'm thankful to her.

"The best kayo pareho at mahal ko." Niyakap naman ako pabalik ni mommy.






Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 53 35
matapos masaktan ay babangon si Angela Loraine para balikan ang nanakit sa kanya
4.2K 1.8K 37
∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some parts are UNDER EDITING!!! Ongoing...... [...
260K 8.1K 186
What if a Pokémon Trainer found herself in the world of One Piece? What if she found herself with the Strawhat Pirates? What if she finds herself get...
271K 7.8K 133
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."