Loving My Brother #2: Who's T...

By ziryanggg

58.5K 3.7K 953

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2] Sino nga ba ang may kasalanan? Siya o ako? Kasalanan ko bang magkaroon ako ng feeli... More

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]
CHARACTERS:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119.
Chapter 120:
Chapter 121:
Chapter 122:
Chapter 123:
Chapter 124:
Chapter 125:
Chapter 126:
Chapter 127:
Chapter 128:
Chapter 129:
Chapter 130:
Chapter 131:
Chapter 132:
Chapter 133:
Chapter 134:
Chapter 135:
Chapter 136:
Chapter 137:
Chapter 138:
Chapter 139:
Chapter 140:
Chapter 141:
Chapter 142:
Chapter 143:
Chapter 144:
Chapter 145: Own me
Chapter 146:
Chapter 147:
Chapter 148:
Epilogue:
story ni blue?

Chapter 113:

728 57 6
By ziryanggg

Thrizel's POV

"Ilang beses ko bang sasabihing bawal lang lumabas?!"

Napapikit ako sa kaniyang sagot. Ilang araw na akong hindi kumakain, hindi niya ako binibisita o kinukumusta. Kaya ang ginawa ko ay tumakas sa bintana para kumuhang pagkain sa kusina, bigla nga lang akong nahuli ng aking tatay.

"I'm hungry, dad."

Tila akong batang kalye dahil sa aking hitsurang napakadungis. Kung ilang araw akong walang kain, ganoon din ako na walang ligo. Halata naman sa aking tatay na hindi niya ako bibigyan ng awa.

"Lalabas ka lang kapag umuwi ang nanay mo!" Sinalampak niya ako sa sofa. Tumama pa ang aking baba kaya napasimangot ako roon. Kamalas-malasan nga naman.

Iniwan ako ng tatay ko dahil pumunta siyang kusina. Makalipas ang ilang minuto, naglapag siya ng pagkain sa lamesa. Tuwang-tuwa naman ako pero nang makita ko ang pagkain, agad nawala ang aking saya.

"Ayoko niyan, hilaw. Hindi ka naman marunong magluto." Nakuha ko pang humalukipkip habang nakanguso. "Gusto ko si mom ang magluluto, ayoko sa 'yo."

"Kung ayaw mong kumain, edi 'wa-"

"Saglit! Ito na nga, kakain na." Hinawakan ko pa siya sa kaniyang pulsuhan para pigilan. Wala akong nagawa kun'di kainin ang pilit niyang luto.

"May ibang pamilya na ang nanay mo. Hindi niya na tayo babalikan. Kung gusto mong umuwi siya, magmakaawa ka. Sa tingin mo ba mahal ka niya? Kung mahal ka niya, hindi ka niya iiwan dito. Kung mahal ka niya, isasama ka niya."

Napatigil ako sa pagkain at napaisip-isip. Kunot noo ko siyang tiningnan saka nagsalita. "Ang drama mo."

"Wala ka bang galang?!"

"Sabi mo hindi kita tatay!" Sigaw ko pabalik.

Tumayo ako dahil tapos naman na kumain. Mabilis akong tumakbo pabalik sa bodega. Sinundan naman ako ng lalaking 'to.

"Makulit ka t-"

Hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin nang isarado ko ang pinto. "Ako na magkukulong sa sarili ko, hindi ka na kailangan. Alis na po." Matapos kong sabihin 'yon, wala na siyang naging tugon. Ang tanging nagawa ko nalang ay umupo sa sulok at magmukmok.

Thrale's POV

Nandidito ako ngayon sa emergency room dahil kay Thrizel. Ilang oras na akong nagbabantay ngunit hindi siya magising. Ayos lang naman ang kaniyang kalagayan, sabi ng doktor. Panatag ako sa nalaman pero ang pinagtataka ko lang, tulog pa rin siya hanggang ngayon. Magtatakip silip na. Pahinga lang naman ang kailangan niya. Kailangan ba dapat ay dalawang araw tulad ng dati? Hindi ko siyang magawang iwan, gusto kong ako mismo ang magbabantay sa kaniya.

Wala pa akong kain mula kanina. Kahit kasi hindi ko alamin, pakiramdam ko may nagmamanman sa amin. Pati ba naman sa ospital, nakukuhang magmanman ni Mr. X? Kapag umalis ako. Paano nalang kung may gawin siyang masama sa kapatid ko? Nasa ospital kami. Kayang-kaya niyang patayin 'to. Mahina pa ang pakiramdam ni Thrizel, hindi siya magising-gising.

Kumalam ang aking tiyan, hinawakan ko lang 'to. Yumuko ako sa kama dahil nakaramdam ako ng pagod ngayong araw. Gusto ko sanang matulog nang biglang may pumasok. Nagulat pa ako dahil nandidito si Link.

"Paano mo nalamang nandidito ako?" Pagtatanong ko na hindi siya tinitingnan. Hawak-hawak ko lang ang kamay ng aking kapatid.

"Hawak mo ang cellphone mo. Huwag ka nang magtaka kung paano ko nalaman kung nasaan ka." Kalmado siya kung magsalita. "Anong nangyari kay Thrizel? Akala ko ay iba kang dinadalaw kaya nandidito ka."

"Umalis ka na, huwag ka nang pumapel. Kaya kong alagaan ang kapatid ko, Link." Ayokong makipagtalo sa kaniya. Ayoko ng away kaya mas gusto kong umalis siya.

"Mukha namang ayos ang kapatid mo pero alam mo ba kung anong oras na? 9:00 pm." Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi kaya muli siyang nagsalita. "Thrale, makikipag-usap sa 'yo si Anissa sa oras na 8:00 pm. Hindi mo ba naalala? Naghanap pa ako sa 'yo tapos dito lang pala kita makikita?"

Naiirita ko siyang hinarap. "Lang? Alam mo ba 'yang pinagsasabi mo, Link? Kapatid ko ang nakahiga ngayon. Kailangan niya ako ngayon. Nag-aalala ka kay Anissa? May pakialam ka sa kaniya? Bakit hindi ikaw ang makipag-usap? Tutal mga nakaraang araw, kayo naman ang wala sa bahay." May kahulugan ang aking pinagsasabi. Sana naman ay maintindihan niya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw ang kailangan ni Anissa, ikaw ang makipagkita." Nilingon niya si Thrizel. "Ako na ang mag-aalaga kay Thrizel. Pumunta ka na sa girlfriend mo."

"Umalis ka nga lang, Link." Bakas na sa pananalita ko ang inis. "Kapag sinabi kong babantayan ko ang kapatid ko, babantayan ko. Umalis ka na. Hindi ka kailangan dito. Kung pangungulit ang ambag mo, huwag ka nang mag-aksaya."

Bigla siyang natawa ng mahina. "Pag-aawayan na naman ba natin 'to, Thrale? Lagi nalang ba tayo mag-aaway?" Naglakad siya papalapit sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko siya tinatapunan ng tingin. "Thrale, your girlfriend is Anissa! She needs you because she wants you to talk. Your girlfriend is your priority because I can care Thrizel here in the hospital. Do you know what you are saying? It's like you don't care about your girlfriend!"

Nakuha ko na siyang lingunin dahil sa kaniyang pananalita. "Bumabawi ako kay Thrizel! Kailangan ako ngayon ng kapatid ko!"

"Really, huh? Napapansin mo ba 'yang pinaggagawa mo? Noong una kailangan ka ni Arella? Hindi mo napapansin na nasasaktan si Thrizel. Anong nangyari? Lumayo sa 'yo, hindi ba? Ngayon naman kailangan ka ni Thrizel. Mas kailangan ka ni Anissa dahil iyang binabantayan mo. Hindi ka na kailangan dahil sarili niya lang ang kailangan niya. Hihintayin mo pa bang lumayo sa 'yo ang tao para malaman mo? Gusto mo pa bang lumayo si Anissa para makabawi ka?"

"Pinsan lang kita. Huwag mong pakialaman ang mga ginagawa k-"

"Oh? Pinapakialam ko dahil wala na sa tama. Sumagot ka nga, isa ka rin ba sa may gusto kay Thrizel?"

Napatayo ako sa kaniyang tinanong. Parang kahit anong oras, gusto kong sapakin si Link. "Nababaliw ka na ba?" Nagpapatayan kami gamit ang mga titig. "Huwag mong bigyan ng malisya ang ginagawa ko ngayon kay Thri-"

"Ngayon? E, matagal ka nang ganiyan. Una palang nakakahalata na ako sa 'yo. Parehas lang ba kayo ng nararamdaman ni Thrizel? Bakit hindi mo aminin sa akin ngayon, Thrale? Hindi ganoon umakto ang kuya. Ibang-iba sa 'yo, halatang-halata ka sa kilos mo."

"Wala akong gusto kay Thri-"

"Bakit hindi mo puntahan si Anissa ngayon?" Hindi ako nakasagot. "Wala pala e. Edi puntahan mo 'yong babeeng mahal mo." Nanatiling nakatingin sa kaniya. "Hindi mo magawa? Dahil ba nandito 'yong mas angat?" Alam ko ang kaniyang tinutukoy. "Mamili ka, Thrale. Si Thrizel o si Anissa?"

Lumihis ako sa pagtititigan namin. Muli akong umupo. Seryosong sumagot sa kaniya. "Kapatid ko."

Sa pagsagot kong 'yon, wala na siyang naging salita.

Anissa's POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa resto. Ang huling mensahe sa akin ni Link ay hinahanap niya si Thrale. Romantic restaurant ang pinili ko, nakaayos na nga lahat, may mga musicians pa. Ginagawa ng lalaki kapag nakikipagdate sila sa babaeng gusto nilang isama sa ganitong ka-romantiko. Pero ayos lang naman sa akin kung ako ang nagplano ngayon. Ang gusto ko lang ay pumunta si Thrale, makasama siya ngayong gabi.

Napatingin ako sa aking relos, ales diyes na ng gabi. Sumisipat din ako sa ibang direksyon dahil lumalabas na ang iba, wala ng costumer na pumapasok. Kahit ganoon, nakaupo pa rin ako, hinihintay siya. Pinagtitinginan na nga ako ng mga kinuha kong musicians, nagsasabi nalang ako na maghintay sila dahil dadating din ang aking nobyo. Naiintindihan naman nila.

To: Link

Nahanap mo na ba siya? Nasaan na? Hindi rin kasi sinasagot ni Thrale ang tawag at mensahe ko sa kaniya. Kung mahanap mo man, pakiusap, papuntahin mo rito.

Nilapag ko ang selpon sa mesa. Hindi ko mapigilang hindi luminga-linga baka kasi papasok na si Thrale. Pero matapos ang isang oras, wala pa rin kaya tanging pagtulala nalang ang aking nagawa. Alas dose ang sara nito kaya muli akong naghintay. Pero naubos na ang mga tao sa resto, wala pa rin siya. Hindi ko alam kung maiiyak ako o maiinis.

Lumapit sa akin ang isang staff. "I'm sorry, ma'am. Magsasara na po kami."

Nahihiya akong nakiusap. "Uhm, p'wede bang maghintay pa ako ng isang oras? I can pay naman. Hinihintay ko lang ang boyfriend." Ngumiti ako sa kaniya ng matamis kahit mabigat ang aking loob.

"Pasensya na talaga, ma'am. Iyon po talaga ang oras ng close namin."

Napahinga ako nang malalim. Wala na akong ibang nagawa kun'di ang tumayo. Nagpaumahin din ako sa mga kinuha kong musicians dahil kasama ko silang naghintay. Bagsak ang dalawang balikat kong naglalakad sa kalsada, wala akong ganang maglinga ng taxi. Nakayuko akong naglalakad, hindi nakaligtas sa akin ang huwag umiyak. Tumulo ang luha ko sa pisngi. Natigil lang nang tumunog ang aking selpon.

From: Link

Umalis ka na riyan. Puntahan mo kami rito sa ospital.

Ospital? Nagtaka ako kaya nagtanong ako kung anong ginagawa nila roon.

From: Link

Binabantayan ni Thrale si Thrizel dahil nahimatay. Ayos naman ang kalagayan ni Thrizel. Pumunta ka nalang dito.

Sa nalaman ko, parang mas lalong bumigat ang aking nararamdaman. Hindi ba tama ang nararamdaman kong makaramdam ng selos? Hindi ba tamang makaramdam ako ng sobrang galit kay Thrale?

Sumakay na ako ng taxi para puntahan ang ospital na tinutukoy ni Link. Minensahe niya naman sa akin kung saang ospital at kung anong numero ng kwarto ni Thrizel. Nang makarating agad, mabilis akong naglakad pataas para tunguhin ang silid. Nang matunton ko, binuksan ko agad 'yon. Bumungad si Link na nakatitig sa akin, si Thrizel na nakahiga sa kama habang tulog at si Thrale na ang tingin ay nasa kapatid lamang.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Nabitawan ko ang door knob. Kumikibot ang aking labi. Napupuno ng galit ang aking puso. Kusang tumulo ang aking mga luha. Wala akong naging salita.

Napatingin sa akin si Thrale. Agad siyang lumapit sa p'westo. "Anissa, nandiyan ka pala. Maupo ka, hon." Pinapaupo niya ako sa sofa pero hindi ako kumilos. Nakatingin lang ako sa kaniya. "Hon, mukhang pagod ka. Umupo ka muna. Saka saan ka galing? Nakabihis ka? Umalis ka ba? Kumain ka na?" Hindi na naman ako sumagot. "Oh, bakit ka umiiyak? May nangyari ba?"

Nagpunas ako ng luha gamit ang kanang kamay. Inagaw ko ang kaliwang kamay kong hinawakan ni Thrale. "H-Hindi pa ba sapat na lagi kitang iniintindi?" Kahit anong punas ko, kusang bumubuhos ang aking mga luha.

Natigilan si Thrale. Nagtataka. "Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Bakit ka umiiyak? Pinapaupo lang naman kita, hon."

Napahawak ako sa aking puso dahil sobrang sakit no'n. "K-Kailan ka ba makikiramdam?" Huminga ako nang malalim. "Gusto kong makipag-ayos sa 'yo. Gusto kong maayos ang relasyon natin, Thrale. Gustong-gusto ko. Bakit hindi mo 'ko kayang siputin kanina?"

Mukha namang naintindihan niya ang aking sinabi. "Pasensya na, nahimatay kasi si Thrizel. Kailangan ko siyang bantayan."

"Ngayon naman si Thrizel? Noong una si Arella. Inintindi kita. Si Thrizel na naman ba tapos iintindihin na naman kita?" Ang bilis kong lumuha. Hindi ko kayang idaan sa pag-iintindi 'to para hindi umiyak.

"Tama na, Anissa." Awat sa akin ni Link. Hinawakan pa ang aking kamay.

Hindi ko siya pinansin. Ang mga tingin ko ay na kay Thrale lang. "Nagmukha akong tanga sa resto. Nakuha ko pang makiusap na huwag muna sila magsara dahil hinihintay kitang pumunta tapos maabutan kitang nakaupo lang diyan habang ako naghihintay doon?" Barag na barag na ang aking boses. Alam kong kalat na ang make up sa aking mukha. "Anong dahilan mo, Thrale? Apat ang manliligaw ni Thrizel na kaibigan mong p'wedeng magbantay sa kaniya. Nandito si Link, p'wede mong ipabantay." Humina ang aking boses. "K-Kasi kung mahal mo 'ko, gagawa ka ng paraan para puntahan ako..." Masakit na ang aking lalamunan.

Walang emosyon si Thrale. Nakatingin lang sa akin. "Kailangan pa ba ako roon?" Malamig ang kaniyang pagtatanong. "Si Link ang kailangan mo, hindi ako." Nangunot ang aking noo. "Akala niyo ba hindi ko alam na may namamagitan sa iny-"

Biglang pinutol ni Link ang kaniyang sasabihin. "Anong klaseng utak 'yan, Thr-"

"Huwag kang mangialam dito, Link." Muling tumingin sa akin si Thrale. "Patago pa talagang nagkikita. Umaalis ng walang paalam. You cheated on me, Anissa? Hindi ko maisip na magagawa mo 'yo-"

"Dahil hindi ko naman talaga gagawin 'yon!" Sigaw ko sa kaniya. "Thraleeeeee!" Nagsusumamo ang aking boses na intindihin niya naman ako. "Second monthsary natinnnnnn!" Natigilan siya. Lumambot ang reaksyon. "Nagpapatulong ako kay Link kung anong gagawin. Wala akong balak lokohin ka gamit ang pinsan mo. Oo, nagsasama kami pero dahil 'yon sa 'yo, sa atinnnnnn!" Napahilamos ako ng mukha. "Isa na namang masakit. Hindi mo naalala? Ako nalang ba ang nagmamahal dito? Hindi ko kasi maramdaman 'yong sa 'yo. Bakit pakiramdam ko habang patagal nang patagal, nawawalan ka ng pakialam sa akin?" Napasandal ako sa pinto dahil pakiramdam ko hindi kakayanin ng sarili ko itong nangyayari ngayon.

"Anissa..." Ang boses niyang malambing na ngayon lang dahil nasasaktan ako pero matapos nito, wala na naman. "Hon, sorry. Hindi ko naman nakalimuta-I mean, naalala ko kasi..." Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. "Kailangan lang ako ng kapatid ko."

Muli akong tumitig sa kaniya. "May tanong ako..." Kinakabahan ako. "May gusto ka ba kay Thrizel o wala?"

"Aniss-"

"May gusto ka ba?!"

"Wal-"

"Bakit iyon 'yong pakiramdam ko?!" Napaupo nalang ako. Pinatong ko ang aking mukha sa aking mga tuhod. "A-Anong nangyari sa inyo ni Thrizel sa comfort room noong birthday ni Amira?" Nag-uumpisa na namang gumaralgal ang aking boses. "Dahil simula n'on, may iba na sa inyo. Kahit ngayon lang, Thrale. Huwag ka nang magdeny, anong nangyariiiii?"

Hinintay ko ang kaniyang sagot na agad niya namang binigay. Na pinagsisihan na dapat hindi ko na tinanong. "S-She kissed me.."

Wala akong naging sagot. Nakayuko lang ako. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking puso. Ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin. Ngayon ay hindi ko na alam ang sasabihin. Ang gusto ko lang ay umalis sa pangyayaring 'to.

Nilapitan ako ni Thrale. "A-Anissa, please, forgive me. Hindi ko intensyon 'to lahat. Hindi ko namalayan. Hon, sorry naman."

Tumayo ako at lumayo sa kaniya. Buong tapang ko siyang hinarap. “I’ll walk away from you, Thrale. Please, let me...” Natulala siya sa aking sinabi. Nakikiusap akong nagsalita. “Gusto kong makawala sa sakit na ’to.” Pinunasan ko ang aking luha. “Hindi na ikaw ’yong Thrale na mahal na mahal ko. Hindi na ikaw ’yong Thrale na nanligaw sa akin. Nasa isip ko nga na sana hindi nalang kita sinagot para maayos pa rin ang pagtrato mo sa akin. Habang patagal nang patagal, pasakit nang pasakit.” Ngumiti ako sa kaniya. “Intensyon kong iwan ka ngayon, I love you...”

Tumalikod na ako.

Ang inaasahan ko ay nangyari. Hinawakan niya ang aking pulsuhan. "Anissa, give me a second chance. I love you so much. I will not allow you to leave me. Just now I hurt you so much. Give me a second chance. I can't if I lose you too. Let me change for you. Please, Anissa. Listen to me."

Kalmado ang mukha kong hinarap siya. "This is the right decision, Thrale. Hindi ako manhid para hindi iwasan ang nakasasakit sa akin." Ngumiti ako sa kaniya. "Isa ako sa rason para alagaan mong mabuti ang kapatid mo. Masakit 'to sa aking desisyon ko pero kailangan. Dito nalang siguro tayo. Acceptance ang kailangan natin sa isa't isa hindi ang pagsasama natin."

Napatigil ako sa pagsasalita dahil nakita kong nakatayo si Thrizel sa likod ni Thrale. Walang emosyon at halatang kakagising lang. Mukhang alam niya rin ang nangyayari ngayon. Napansin ni Thrale na may tinitingnan ako kaya tumingin din siya, bahagya pang gumilid.

Ang mga tingin ni Thrizel ay nasa amin. Hindi mo siya mababasa. Nilihis niya lang ang paningin niya nang mag-umpisa na siyang maglakad. Dinaanan lang kami nito na parang wala siyang pakialam sa nangyayari.

Bumitaw na ako kay Thrale. Wala na siyang nagawa nang tumalikod na ako at naglakad. Naabutan ko pa si Thrizel na ika-ika kung maglakad. Tahimik lang.

Ngumiti ako sa kaniya. "Get well."

Sa aking sinabi, natigil siya sa paglalakad. Hinarap ako. "Aruga ng mga magulang ang kailangan ni Thrale, hindi ikaw." Saka muli siyang naglakad. Pinanood ko na lamang siya.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

12.9K 181 27
book two of I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND
7.6K 259 19
Everyone has an ideal man, ideal boyfriend but not me. Posted : May 26, 2021 - May 26, 2021 Pic is not mine... Credits to the rightful owner. Unedited
60.8K 2K 23
"Please no... I am sorry... please I beg.... Dont leave me here please... I promise not to do anything wrong ever again...." She wailed begging for h...
957K 30.5K 82
Vena isn't a selfish person. Everything she does is for her brother, her family, and the expectations of everyone else. She doesn't like to disappoin...