Loving My Brother #2: Who's T...

By ziryanggg

58.6K 3.7K 953

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2] Sino nga ba ang may kasalanan? Siya o ako? Kasalanan ko bang magkaroon ako ng feeli... More

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]
CHARACTERS:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119.
Chapter 120:
Chapter 121:
Chapter 122:
Chapter 123:
Chapter 124:
Chapter 125:
Chapter 126:
Chapter 127:
Chapter 128:
Chapter 129:
Chapter 130:
Chapter 131:
Chapter 132:
Chapter 133:
Chapter 134:
Chapter 135:
Chapter 136:
Chapter 137:
Chapter 138:
Chapter 139:
Chapter 140:
Chapter 141:
Chapter 142:
Chapter 143:
Chapter 144:
Chapter 145: Own me
Chapter 146:
Chapter 147:
Chapter 148:
Epilogue:
story ni blue?

Chapter 112:

651 53 3
By ziryanggg

Link’s POV

Ang mga tingin ko ay nasa laptop ko lang dahil may inaasikaso ako. Dalawang oras na ako ritong walang nang didistorbo sa akin, ngayon lang mayroon. Napalingon ako kay Anissa at Thrale na parang nagtatalo. Hindi ko sila inintindi, patuloy pa rin sa ginagawa. Simula nang maisauli namin si Redelyn Gauniria kay Phryx Recas, sobrang tahimik na ng bahay lalo na’t wala si Thrizel. Siya lang naman ang nagpapaingay dito.

“Saan ka na naman ba pupunta? May lalaki ka ba riyan?”

Narinig ko ang pagtatanong ni Thrale kay Anissa kaya nilingon ko sila. Pinanood ang dalawang nagtatalo.

“Thrale, wala. Sinasabi ko naman sa ‘yong kay Aevie ako pumupunta, hindi ba? May inaasikaso lang kami.” Kahit nakukuha na siyang sigawan ni Thrale, kalmado pa rin ang kaniyang pagsasalita. Kawawang babae.

“Really, huh? Dapat ba maniwala ako? Kung pipirmi ka sa bahay at walang pupuntahan. Magiging kampante ak—”

“Ang unfair naman.” Nagulat ako sa sinabi ni Anissa dahil mukhang mangangatwiran siya. Ngayon lang ito. “Umaalis ka nga dati na wala kang paalam, anong oras na umuuwi. Nag-aalala ako pero iniintindi kita. Intindihin mo rin naman ako, Thrale. Alam kong normal ang inaakto mo ngayon dahil mahal mo ako pero may tiwala ka naman, ‘di ba? Thrale, wala akong ibang kinikita. Ikaw pa rin ang mahal ko. Ang tagal na nating magkakilala, kilala mo naman ako.”

Natigilan si Thrale. Tinitigan muna si Anissa bago maupo sa sofa. Nag-isip isip siya. “Minsan kasi hindi ka nagpapaalam. Malamang ay magtataka ako. Iniintindi naman kita pero minsan talaga may hindi ako maintindihan.”

Nilapitan siya ni Anissa para amuhin. “Hindi ka naman ganiyan dati, Thrale. Ang laki ng pagbabago mo. Ano bang problema? May hindi ka ba sinasabi sa akin? Ilang beses ko bang sasabibing nandito ako? Hindi kita iiwan. Kasama mo ako sa lahat.”

Kahit nasa laptop ang aking mga paningin, hinihintay ko ang magiging sagot ni Thrale.  Pero nakalipas na ang isang minuto wala pa rin kaya muli akong lumingon sa kanila. Walang pasintabing tumayo si Thrale at lumabas. Napatingin ako kay Anissa na malungkot ang mga mata. Nakuha pang bumuntong hininga.

“Amoy pula.” Mahinang bulong ko na alam kong narinig ni Anissa. Wala siyang naging tugon kaya napailing-iling nalang ako.

Kinuha ko ang aking selpon para tawagan si Thrizel. “Hello, Thrizel. Wala na si Arella sa bahay na ‘to. Arella is Redelyn Gauniria, ang identication na pinapadala mo ay naibigay ko na kay Phr—”

“Nasabi na sa akin ni Thrale lahat nang tumawag siya.”

Napatabingi ako ng ulo, kunot ang noo dahil may iba sa boses ng babaeng ‘to. Pero kahit ganoon, nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. “Mabuti naman, uuwi ka ba kapag umuwi ang parents niyo? Oh, nice. Mabuti naman.” Kahit hindi pa siya sumasagot sa tanong ko.

“Yes, tama. Uuwi nga ako.” May iba talaga sa kaniyang boses. Anong nangyari dito?

“Ayos ka lang ba?”

“Oo naman, may sasabihin ka pa ba? Ibababa ko na, may gagawin pa kasi ako.” Mahihin ang kaniyang pananalita. Ngayon lang naging ganito si Thrizel.

“Ah, sig—”

Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang patayin niya agad. Anong problema ng babaeng ‘yon? Hindi naman siya gano’n sa akin. Kung ano-ano na naman siguro ang iniisip niya. Tsk.

Thrizel’s POV

“Ms. Wrent, pakihugasan na ‘tong karne.”

Agad kong tumango sa utos ni Chef Sanchez. Habang nasa lababo ako ay hindi mapigilan ng aking sarili na hindi mag-isip. Matapos kasi sabihin ni Elkhurt ang bagay na ‘yon, hindi na naalis sa aking isipan. Isang araw na ang nakakalipas pero ito pa rin ako ngayon, apektado.

“Ms. Wrent, umaapaw na ang tubig.”

Agad akong napatingin sa aking hinuhugasan. Pinatay ko na ang gripo. “Pasensya po.” Pagpapaumahin ko.

“Wala ka sa sarili, Ms. Wrent. May problema?”

Napabaling ako kay Manager dahil bigla siyang nagtanong. Wala siyang pakialam sa mga staff dito kaya nagtaka ako kung bakit niya ako pinapakialaman ngayon. Matapos kasi manligaw ng apat sa akin, balik trabaho ako. Balik din sa pagsusungit si Manager.

“Wala naman ho.” Bahagya pa akong yumukod. Matapos ay inabot ko kay Chef Sanchez ang karneng hinugasan.

Bumalik na ulit ako sa paghihiwa ng gulay pero ito na naman, lumilipad na naman ang aking isip kung saan-saan. Bakit ba kasi ako binigyan ni Elkhurt ng iisiping gano'n? Aaminin ko sa sarili kong nangangamba ang aking puso. Na para bang dapat malaman ko na ngayon, dapat hindi ako magpakampante.

“Ms. Wrent, balat ang hinihiwa mo.”

“P-Pasensya na! Pasensya na!” Tinapon ko na ang mga balat sa trash bin. Hindi ko naman namalayan na iba pala ang nakuha ko.

“Pagod ka yata.” Ani Mr. Sanchez na ang atensyon ay nasa kaniyang niluluto. “Pagkapasok mo ay wala ka sa sarili. Hanggang ngayon ay wala pa rin. Nasa oras ka ng trabaho.” Napailing-iling siya.

“Pasensya na talaga, patutuonan ko na ng pansin.” Depensa ko.

“Lahat naman tayo ay may mga problema sa bahay pero kapag nasa trabaho, dapat iniiwan mo ‘yon.” Sa ngayon, tinitigan niya na ako. “Focus on work, Thrizel.”

Ngumiti nalang ako sa kaniya.

Lumabas lang ako ng resto nang biglang tumawag si Link. Wala sana akong balak sagutin pero ang sabi ni Chef Sanchez ay kausapin ko na raw. Sandali lang naman ang aming pag-uusap dahil ang sasabihin niya ay nasabi na sa akin ni Thrale. Napahinga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Patuloy na sana sa kusina nang may tumawag sa akin.

“Thrizel!”

Nilingon ko. Medyo nagulat ako nang makita kong si Thrale ito. Anong ginagawa niya rito? Ano na naman bang kailangan niya? Tiningnan ko lang siya hanggang makapasok siya sa resto.

“Anong ginagawa mo rito?” Pangbungad kong tanong. Wala naman si Gio rito, wala siyang dahilan para may puntahan.

“Next week ay uuwi na sila mom. Gusto kitang makausap tungkol doon.”

Wala akong naging reaksyon pero nagsalita ako. “Oras ng trabaho ko, dapat sa off duty ka nalang pumunta kung gusto mo akong makausap. Mamayang gabi pa ang uwi ko, umuwi ka muna. Maiinip ka lang kakahintay.”

“No, hihintayin kita rito.” Bigla siyang umupo sa bakanteng upuan. “I can order para hindi mapaalis.” Gustong-gusto.

“Ikaw ang bahala.” Sabi ko nalang at naglakad na pabalik sa kusina. Nakita ko pa si Chef Sanchez na pinapanood kami ni Thrale na nag-uusap. Hindi ko siya pinansin.

Nasa pag-aayos ako ng mga ginamit na utensils nang mahagip kong pumasok na si Chef Sanchez. Alam kong may sasabihin siya dahil ang kaniyang direksyon ay sa aking gawi.

“Sino ‘yong lalaking kausap mo kanina? Ang daming inorder.”

Pasikat masyado.

“Kuya ko lang po.” Magalang kong sagot.

“Pamilyar ang kaniyang mukha. Nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala. Anong pangalan niya?”

“Thrale Wrent.”

Napatango-tango siya. “Basta nakita ko siyang kasama ang puro kalalakihan pero naiiba siya sa lahat dahil mga nasa 30 years old ang kaniyang mga kasama. Isa kasi roon ang kaibigan ko.”

Napatingin ako sa kaniya. “Mahilig talaga makisalamuha ang aking kuya sa kahit kanino.” Saka muling tinuon ang tingin sa ginagawa.

“Oh, Ms. Wrent, may nagmensahe sa ‘yo.” Kita ko pang sinilip ni Chef Sanchez ang aking selpon. “Just wait, my lovely lady. Makikilala mo rin ako from Mr. X. Your stalker or secret admirer?”

Ngayon nalang muli nagpadala si Mr. X ng mensahe. Hindi ko nasagot ang pagtatanong ni Chef Sanchez dahil kaba ang nanguna sa akin.

Thrale’s POV

Ayokong magalit kay Anissa dahil baka masaktan ko siya o masabihan ng mga salitang posibleng makasakit sa kaniya. Gusto kong umiwas muna para matanggal ang aking galit. Alam ko namang narinig ni Link ang aking pinagsasabi pero parang wala lang sa kaniya ‘yon. Ano ba kasi mayroon sa dalawa? Kapag wala si Anissa, wala rin si Link. Tama lang naman na magtaka ako roon, ah?

Kaya nandidito ako ngayon sa resto kung saan nagtatrabaho si Thrizel. Nakaupo lang habang kinakain ang napakaraming pagkaing nasa aking harapan. Kaya ko namang hintayin ang off duty niya. Saka wala akong mapupuntahan ngayon kaya rito nalang. Ayoko namang puntahan ang aking mga kaibigan lalo na si Kein na takang-taka na sa akin.

Napatingin ako sa isang sulok dahil may mga babae roon. Panay sila sipat sa akin at pagkuwan ay kinikilig. Wala akong naging reaksyon kahit todo ngiti pa sila. May kasintahan ako.

Tumaginting ang aking selpon kaya tiningnan ko kung sino ang nagmansahe. Napatingin ako dahil galing kay Anissa. Mamayang gabi pa kasi ako uuwi, iyan ang balak ko.

From: Honey

Alam kong masama ang loob mo sa akin. Alam kong gabi ka na rin uuwi. 8:00 pm, gusto kong makipag-usap sa ‘yo. Inutusan ko na si Link na siya ang maghatid sa ‘yo. Inaasahan kita, Thrale. Always remember I love you, okay? Mag-ingat ka palagi.

Binasa ko lang ‘yon, hindi na ako tumugon. Mamaya pa naman siya makikipag-usap, may oras pa akong kausapin si Thrizel.

Napatingin ako sa labas dahil may nararamdaman akong parang nakatingin sa akin. Nang libutin ko gamit ang aking tingin, wala naman akong nakita. Isa lang ang nasa isip kong gagawa no’n, si Mr. X. Anong ginagawa niya sa resto? Sinusundan niya ba ako? Ano na naman bang kailangan niya? Hindi ko na kinakausap ang lalaking ‘to dahil nakakairita ang pagiging mayabang niya.

Nang malapit nang magtakip silip. Doon na lumabas si Thrizel pero naka-apron pa rin. Pumunta siya sa mga lamesa para linisin ‘yon. Kitang-kita ko ang pagod sa kaniyang mukha dahil hindi niya man lang nakukuhang ngumiti o tingnan ang taong nakapaligid sa kaniya. Kahit ako, ni sulyap ay wala akong nakuha.

Nananatili akong nakaupo, hinihintay na puntahan ako. Mukhang patapos na siya, bago kasi siya pumasok sa kusina ay tinanggal niya ang suot niyang apron. Masayahin ang babaeng ‘yon. Pero bakit ngayon parang pinagbagsakan ng buong langit? Parang busog na busog sa mga problema?

“Tara na.”

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya dahil sa pag-iisip. Nakasuot siya ng white t-shirt at fitted black pants, pormal ng kaniyang suot. Nakatali ang kaniyang buhok, may naiwan sa mukha. Ngayon ko lang nakita ang aking kapatid na ganiyan kapagod. Malumanay ang kaniyang mga mata.

“Ah, tara na.” Kinuha ko ang aking selpon sabay tayo. Ngumiti ako sa kaniya.

Wala siyang naging reaksyon. Diretso lang siyang lumabas ng resto kaya sumunod ako. Medyo madilim na ang daan, sira din ang ibang street lights. Ramdam ko ang lamig ng hangin, wala akong dalang jacket.

“Saan pala ang apartment mo?” Panimula ko ng pag-uusapan.

Mahinhin siyang sumagot. Oo, mahinhin, nakakapagtaka. “Malapit lang naman dito sa resto.” Pero hindi mawawala ang pagiging malamig. “Nilalakad ko nalang kapag kaya. Wala naman akong nadadaang mga tambay na lalaki. Ito lang ang gawain ko sa araw-araw, wala ng iba. Hindi rin naman ako nabuburyo sa apartment, doon kasi nakatira si Blue pansamantala.”

“Wala bang ginagawa sa ‘yo ang mukhang adik na ‘yon?”

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. “Wala naman, mabait ang lalaking ‘yon, nakakatawa pa.” Bahagya siyang napangiti. Kahit kaunti lang ‘yon, nakita ko pa rin. “Buti nga ay may kasama na ako, hindi nakakaburyo. Pumupunta rin si Kein sa apartment. Kung nag-aalala ka, hindi na kailangan. Lagi niya akong kinukumusta.”

“That’s good lalo na’t manliligaw mo na ang lalaking ‘yon.” Napatingin siya sa akin. Nilihis din naman agad. “Sundin mo ang puso mo, piliin mo kung sino talaga ang mahal mo sa aking mga kaibigan. Marunong tumanggap ng desisyon ang mga ‘yon kaya kapag may napili ka na, hindi ka mahihirapan.”

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. “May sinabi si Elkhurt, Thrale. About 2 years ago, si Kein ang talo at ikaw ang panalo. Ang sabi niya ay may hindi pa ako alam. Can you tell me?”

Natigilan ako. Nakuhang sabihin ‘yon ni Elkhurt sa aking kapatid? Kinalimutan na namin ‘yong lima para hindi na magkalamat ang aming pagkakaibigan. Kung may balak balikan ni Elkhurt, huwag naman sana.

“Kilala mo naman ang lalaking ‘yon. May pagka-abnormal mins—araw-araw.”

“Pero seryoso siya n’on.” Tumingin siya sa ibaba. “May lalaki na akong minamahal. Hinahanda ko nalang ang aking sarili.” Ngumiti siya ng peke sa akin. “Don’t worry, may pipiliin ako sa apat mong kaibigan.”

Natulala ako dahil kaniyang sinabi. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Iniisip ang mga salitang binitawan niya. Si Ryke lang ang nalalaman kung anong p’wedeng mangyari pero ako, ito, hindi ko alam kung ano bang mangyayari sa kanila.

“Tumigil na pala si Elkhurt...”

Alam ko naman na mabilis sumuko ‘yon.

“Alam niya kasi kung saan siya lulugar.” Ani ko.

“Umpisahan mo na kaya ang gusto mong pag-usapan natin? Malapit na ako sa apartment. Hindi kita p’wedeng papasukin dahil alam kong mag-aaway lang kayo ni Blue.”

“What? Ako ang kapatid mo, hoy. Iyong lalaking ‘yon ang mag-adjust!”

“Sundin m—”

“Thrizel!”

Sa isang iglap, pagpapatuloy ko sa paglalakad. Nakita ko nalang na bumagsak ang kaniyang katawan sa semento. Umupo ako para tingnan ang kaniyang katawan. May kaunting gasgas ang kaniyang noo. Kinapa ko iyon. Inaapoy siya ng lagnat, parang maya-maya lang ay makakapaso na ang kaniyang init. Kaya ba mahinhin siyang magsalita? Walang ngiti-ngiti? Pagod na pagod kanina?

Hindi na ako nagpatagal pa dahil sa kaba. Nagpara na ako ng taxi para dalhin ang kapatid kong matigas ang ulo sa ospital. Hindi man lang nagsasabi sa akin.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 128 35
this story tells my version of events that happened prior the award season that included golden globes and the critics choice awards back in January...
7.8K 318 83
he is a man who has nothing to fear even if it is death as long as he can get what he wants or he can just kill his opponent.wala siyang sinasanto ka...
266K 9.1K 39
(Y/N) Uchiha is unique. Banned from his own clan due to his undying loyalty to the 4th Hokage. Not only does he have a killer presence, and has the s...
5.5K 206 51
Athanasia Skye Fernandez is a 22-year old woman who's living her life full of lies and danger. What will she do if she discovers that she is adopted...