Capturing Her Heart

By DarkPncyl

38.7K 1.1K 130

BOOK FOUR OF SWEET BACHELOR SERIES |RATED SPG Xylyx Soreman is a leading champion when it comes in gossip. A... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 31

506 19 1
By DarkPncyl

CHAPTER 31

HINDI HALOS maalis ang mga mata ni Sanie sa screen ng monitor niya. Ni hindi na niya nakain ang pagkaing inorder ni Xylyx dahil sa sobrang busy niya. Limang minuto simula makaalis ang binata kanina ay sunod-sunod ang tawag na natatanggap niya.

Lahat ng tumatawag laging hinahanap si Xylyx at nais makausap ang binata. Kaya naman lahat ng tumawag ay nilagay niya sa pending appointment para bukas at ang iba naman ay sa mga susunod na araw, ang kailangan na lang ay ang confirmation ni Xylyx.

Naipairap siya sa hangin nang tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya ang cellphone na nasa tabi ng keyboard niya. Kumunot naman kaagad ang nuo niya nang makitang si Lucas ang tumatawa.

Ano na naman kaya ang kailangan nito?

Wala siyang oras para sumagot ng mga tawag ngayon maliban na lang kung talagang importante iyon o galing sa mga kasosyo ni Xylyx sa negosyo.

So, answering Lucas' call is a waste of time for her. Sampu ang kailangan niyang gawan ng appointment para bukas. Lahat iyon ay kailangan niyang isingit sa schedule.

"Nasaan na ba kasi yung lalaking iyon?" Tanong niya sa sarili na hindi pa rin inaalis ang tingin sa monitor. "Bubungangaan talaga kita, Xylyx, pagdating mo rito."

Tumunog na naman ang cellphone niya at nang tignan niya ang caller ay si Lucas na naman iyon.

"Ang kulit naman nito." She was about to answer the call when the elevator door open. Napatingin siya sa elevator at nakita si Xylyx na parang may hinahabol ito. Nang makita siya nito, agad itong lumapit sa mesa niya. "Saan ka ba nagpunta? Ilang oras kang nawala, alam mo bang sunod-sunod ang tawag na natatanggap ko? Lahat iyon ikaw ang hanap."

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at nagsalita, "Sanie, we need to talk."

"Mamaya na tayo mag-usap." Naiiritang aniya saka tinuro ang screen ng monitor niya. "Kailangan kong tapusin ito at kailangan ng confirmation mo nang maisend ko na sa mga—"

"Sanie, listen." Putol nito sa sasabihin niya. Tinignan niya ito at nakita ang pagiging seryoso sa mukha nito. "We really need to talk."

"Hindi ba pwedeng mamaya na lang?" Mahinahon niyang tanong dito. "Pagkatapos ng office time natin?"

"No. This is important."

"Mas importante pa ba iyan kesa rito sa ginagawa ko?" Tanong niya na medyo bakas sa tono ang pagkairita. "Hindi mo nakikitan—"

"Goodness, Sanie. Just listen." Anito at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya. "Yes, mas importante itong sasabihin ko kesa riyan sa ginagawa mo."

She take a deep breath then look at him with serious look. "Fine. But let me save this file first. Baka mawala."

Mabilis niyang sinave ang file na ginagawa niya saka muling humarap dito. "Ayos na."

"Great." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok sa opisina nito. Dinala siya nito sa sofa na nandoon at pinaupo. Naupo naman ito sa kaharap niyang sofa. "You need to listen to me, very carefui, okay?"

"'Kay." Maikling sagot niya. "Tungkol saan ba ang paguusapan natin?"

"This is about Lucas." Sagot nito na bahagyang ikinalaki ng mga mata niya. What's with Lucas? "So, I asked my friend to check Lucas' background and—"

"You did what?" Putol niya rito. "Bakit mo ginawa iyon without my or Lucas' knowledge?"

"This what they called private investigation, Sanie." Anito saka napabuntong hininga. "Look, I did that for you."

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya rito. "Wala ka bang tiwala kay Lucas? Tingin mo ba masamang tao siya?"

"Yes and yes." Mabilis nitong sagot at napakaseryoso ng mukha nito. Talaga bang seryoso ito? "Sanie, he is not who you think he is. Lahat ng pinakita niyang ugali niya sayo ay kabiliktaran. Lahat iyon pakitang-tao lang."

She frowned from what he said. "Ano bang pinagsasasabi mo, Xylyx? Are you out of your shell?"

"Okay, let me explain first, alright?" Inabot nito ang kamay niya at hinaplos iyon. "Listen to everything I will say."

Wala na siyang nagawa kundi makinig dito. Hindi naman siguro siya masasaktan kung makikinig siya sa mga sasabihin ng binata.

She take a deep breath then look at him. "I'm all ears."

Xylyx tell everything he knows about Lucas. She is still in shock because of what she heard about him. She can't even say if Xylyx is telling the truth or he maybe he is just lying to make her stop talking to Lucas.

But why? Wala namang ginagawang masama si Lucas sa kanila? Maybe Lucas is a rival for Xylyx but everything should be alrightby now. Pinaliwanag na niya kay Lucas ang lahat noong nasa probinsya pa lan sila at ayos lang iyon kay Lucas.

So why would Xylyx damage Lucas' image? Is Xylyx lying to her? He does not have any proof after all.

"Xylyx." Tawag niya rito na puno ng seryoso ang boses. "Lucas is not a psychopath. Sinasabi mo ba ito para hindi na ako makipag-usap sa kanya? O hindi kaya ay gusto mo lang siyang siraan dahil tinuturing mo pa rin siyang karibal mo?"

"What?" His frowned. Para bang nabigla ito sa sinabi niya. He sigh. "Are you saying that I'm lying, Sanie?"

"Yes." She answer quickly. "Lucas will never do those horrible things you said. Mabait siya. He even told me that he is an introvert, and because of that all women does not want him."

"And you believe him?" He asked. His eyes were empty. She's like staring in the darkness that a light will never shine on it. "Are you really sure that he is an introvert?"

She stared at him for a second before answering, "yes."

He chuckled. "Have you ever thought that most of the introvert does not like social media? And yet he has. He even have an account in dating apps. Tapos maniniwala ka na introvert siya? My cousin is an introvert and up to this day she still not have any social media accounts because she said that having an active social life is not for introverts like her. Now tell me, is he really an introvert like he told you?"

What he said is right. Kalimiting nakikita niyang mga introvert ay walang kahit anong koneksyon sa outer world.

Pero may mga introvert din naman na nakikipag-socialize sa small group of people, hindi ba?

"Maybe." She said making him frowned even more. "Some of the introverts socialize to the outer world. Siguro isa siya roon."

"How sure you are?"

"I-I don't know."

"Sanie." His empty eyes earlier is now showing a specific emotion. He is really worry for her. "Siguro nga gusto ko na hindi mo na siya makausap dahil karibal ko siya, iyon ang unang pumasok sa isip ko noong araw na pina-imbestigahan ko siya. Pero nang malaman ko kung sino talaga siya, nagbago ang isip ko. I'm telling you this because I want you to be safe. Baka mamaya hindi natin mamalayan nasa paligid pala siya at bigla ka na lang dukutin. I don't want that to happen."

Wala na siyang masabi ngayon. After seeing him so worried, a part of her saying that he is saying the truth. But she has a doubt about it. Ni minsang magkasama sila ni Lucas hindi ito nagpakita ng kahit anong pag-uugali ng isang psychopath.

Is he really a psychopath?

Hindi na niya alam kung ano ba ang paniniwalaa. niya ngayon. Nag-imbestiga si Xylyx at malaki ang posibilidad na nagsasabi ito ng totoo.

At hindi rin pinapakita ng mga psychopaths ang totoo nilang ugali para makuha nila ang loob ng bibiktimahin nila. What if Xylyx is really saying the truth?

But she needs a proof.

She looked at him. "I will believe you. Pero kung may ipapakita kang pruweba na masamang tao talaga siya. I will give you an hour to prove this."

"Give me ten minutes." Sabi nito na bahagya niyang ikinagulat. "I will show you every proofs you need."

"Alright." Tumayo siya at tumingin ng matiim dito. "Ten minutes. Babalik ako rito pagkatapos ng sampung minuto, at kung hindi mo maipapakita lahat ng pruweba na kailangan ko para maniwala sa mga sinabi mo, I will still talk to him because he is my best friend."

Nang masabi niyang lahat iyon ay lumabas na siya ng opisina at nang makalabas ay agad siyang napabuntong hininga.

Para siyang pulis na kailangan ng matibay na pruweba. Pero tama naman siguro ang ginawa niya. Hindi siya dapat agad maniwala dahil baka nais lang talaga siraan ni Xylyx si Lucas.

She sigh. Bumalik siya sa mesa niya at sinet ang stopwatch ng cellphone niya ng ten minutes. Then she put her phone beside the keyboard of her pc.

Kung nagsasabi nga ito ng totoo, kailangan na niyang putulin lahat ng koneksyon nila ni Lucas. She does not want to be involve to any psychopaths living in this world.

Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya at para bang napakatagal ng takbo ng oras ngayon. Nayayamot na kinuha niya ulit ang cellphone sa tabi ng keyboard at tinawagan ang matalik niyang kaibigan.

Isang ring lang at sinagot agad nito ang tawag. "Sanie, bakit ngayon ka lang napatawag ha?!"

Napapikit siya ng mariim dahil sa pagsigaw nito sa kabilang linya. "Huminahon ka nga, Jay. Naging busy lang ako."

"Anong ganap ngayon sa buhay mo?" Tanong nito. "At bakit parang walang buhay yang boses mo?"

"Ang dami lang nangyari, ayoko ng isa-isahin ang mga yon." She said then sigh. "Busy ka ba ngayon?"

"Unfortunately, yes." Sagot nito na ikinalungkot niya naman. "Ang dami kong tatapusin na paperworks na kailangang isumbit sa HR. Hanggang bukas na lang tanghali ito."

"I will guess," she paused for a second before continuing what she was about to say, "ngayon mo lang gagawin ang mga iyan, ano?"

"Alam mo, pakiramdam ko talaga may lahi kayong manghuhula." Wika nito na ikinatawa niya naman. Kilala na niya talaga ito, mas gusto kasi nito na gawin ang mga dapat nitong gawin the day before the deadline kasi raw mas buhay ang braincells nito. "Lagi ka na lang tama sa mga hula mo ha."

"Kilala na kasi kita." Aniya habang mahinang natatawa. "Oh siya, tapusin mo muna iyang mga dapat mong gawin. Tawagan na lang ulit kita pag alam kong tapos ka na."

"Sure, tutal manghuhula ka naman." Anito saka pinatay ang tawag niya ng walang paalam.

Napailing-iling na lang siya dahil sa asal ng kaibigan. Jay is an open book. Lahat ng iniisip nito madaling mabasa.

Second later, nakaramdam siya ng pagkabagot kaya naman sinubukan na lang niyang tapusin ang ang naudlot niyang trabaho kanina.

Hindi pa nag iinit ang pwetan niya sa kinauupuan ay bigla namang nang ring ang cellphone niya. Itinigil niya ang pagtipa sa keyboard saka sinagot ang tawag nang makitang si Xylyx iyon.

"You already compile the proofs, Mr. Soreman?" Tanong niya na parang hinahamon niya ito. She knows ten minutes is not enough to find a proof.
"Are you ready?"

"I should be the one asking, are you ready?" Balik tanong nito sa kanya. "If yes, come in here. I will show you everything."

Napabuntong hininga siya saka siya na mismo ang nagpatay ng tawag at tumayo. Hindi na siya nagdalawang isip pa at naglakad na siya papasok ng opisina nito.

Pagkabukas niya ng pinto, nakita agad niya si Xylyx na nakaupo sa kinauupuan nito kanina. Napairap siya sa hangin saka lumapit dito.

"What now?" Tanong niya nang makalapit dito. Tumingin ito sa kanya saka tinuro ang upuan kung saan siya naupo kanina. Umirap siyang muli bago naupo. "So? Ano na?"

May ginalaw ito sa laptop na nasa ibabaw ng center table saka iniharap sa kanya ang laptop. "All evidences you need."

Naguguluhan man, kinuha niya ang laptop at pinatong iyon sa hita niya saka iyon ginalaw.

Parang biglang nablangko ang utak niya dahil sa mga larawang nakita niya. Mga babaeng maraming pasa at halos hindi makilala ang mukhang nakikita niya sa laptop.

"A-ano 'to?" Naguguluhang tanong niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen ng laptop. "Paano nito mapapatunayan ang pinagsasasabi mo kanina?"

"Lahat iyon ay kagagawan ni Lucas." Sagot nito na mas lalong nagpagulo sa isip niya.

XYLYX IS just staring at Sanie's shock face as she look at the screen of his laptop. Pinakita niya rito ang lahat ng pinakita sa kanya ni Kielle kanina. Pati ang video na napanood kanina ay hiningi niya rin kay Kielle.

Inabot pa siya ng halos walong minuto para lang mahingi lahat ng ebidensya. Kielle is known for his confidential work. Lahat kasi ng ginagawa nito ay masyadong pribado at dapat ay walang makaalam kahit isa.  Kaya naman nahirapan siyang kumbinsihin ito.

"Oh my God." Nagising siya bigla nang marinig niya boses ng dala. Muli siyang napatingin dito at kitang-kita ang gulat sa mukha nito. "Lucas d-did this?"

"Yes." Deretso niyang sagot. "Now, do you believe me?"

"No way." Bulong nito pero narinig niya pa rin kahit papaano. "How could he..."

"I'm sorry, Sanie. But we can't trust him."

Bakas pa rin dito ang pagkabigla at halatang pilit pa rin mags-sink in sa utak nito ang mga nakita nang bigla na lang tumunog ang cellphone nito.

Nabigla ito sa biglaang pag ring ng cellphone. Sanie frown then pick up her phone and look at the screen. Seconds after, she look at him.

Napakunot din ang nuo niya dahil sa ginawa nito.

"Its Lucas." She said making his blood boil in anger. The nerve of that guy. "What should–"

"Don't answer it." Mabilis niyang sagot saka kinuha rito ang cellphone. Siya na ang kakausap dito. Hindi niya kayang ipakausap ang dalaga sa lalaking mamamatay-tao. He click the answer button then press the phone in his ears. "What do you want, you dumbass?"

No one answered. Lucas ended the call. Dahil sa inis niya, siya na mismo ang nagblock sa numero ng binata saka niya binalik sa dalaga ang cellphone.

"He won't cal you anymore." Aniya saka naupo sa tabi nito nang makitang tumutulo na ang luha nito. "Don't worry, hindi ko hahayaan na gawin niya rin lahat ng iyon sa iyo. Hindi ako papayag."

Niyakap niya ito at agad naman itong umiyak ng tuluyan.

"Hindi ako makapaniwalang nakipagkaibigan ako isang masamang tao." Wika nito habang umiiyak. "I can't believe Lucas would do such horrible things."

"There's a lot more we don't know about him." Aniya at inaalo pa rin ito. "Maybe his behavior gotten much worse. But don't worry, I won't let him lay his dirty hands on you. Over my dead body."

I will kill him first before he could touch you.

A/N: Hey, I'm back. Pasensya na at ngayon lang ako nakabalik. Katatapos lang kasi ng finals namin kaya medyo naging busy ako. But I think I have lots of time na ngayon, pero hindi ako masyadong sure hahaha I mean may mga kailangan pa kaming gawin para sa closing so baka minsan hindi ako makapag-update. I hope you understand.

Continue Reading

You'll Also Like

230K 5.1K 73
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
3M 69.6K 32
Her village had forsaken her, allowed her to be dragged off to her death, but for Perttu, it wasn't her death he wanted - it was her.
160K 2.5K 30
WARNING : SPG/R-18/MATURE CONTENT Playgirls Series 3 -Denise Ancheta Isiah Williams & Denise Ancheta
231K 5.9K 27
BOOK ONE OF SWEET BACHELOR SERIES | RATED SPG Calvin Clein Cruz is the twin brother of Galvin. He's the half owner of Cruz Building Company and the C...