You Are My Everything (COMPLE...

By AiaRev3use

14.9K 560 1.8K

He is a playboy, for him a girl is just a toy. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Dahil alam niya na sa huli... More

SYNOPSIS
YOU ARE MY EVERYTHING
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 7

443 15 74
By AiaRev3use

CHAPTER 7

'Shero May P.O.V'


"Dito na." Wika ko at ipinahinto ang sasakyan niya, hindi kalayuan sa bahay namin. "Doon lang ang bahay namin, dito na." Ulit ko.

Tumango ito. "Dito ka nakatira?"

"Hindi ba halata? Ipapahinto ko ba ang sasakyan kung hindi?" Tanong ko na puno ng sarkastiko.

"Nagtatanong lang, ang bahay naman namin ay sa kabilang baranggay lang." Wika nito na para bang wala lang ang sinabi ko.

Tumango ako. "Hindi ko naman tinatanong. Sige, bababa na ako. Sa susunod huwag mo na akong hintayin, huwag matigas ang ulo Ramirez." May pagbabantang sabi ko.


Ngumisi ito. "Gagawin ko kung ano ang gusto ko Shero, susunduin at hihintayin kita kung iyon ang gusto ko."

Ikinalma ko ang sarili ko. "Bakit ba ang kulit mo?"

"Dahil gusto ko." Tipid at mahangin nitong sabi.

Bumuntong hininga ako, hindi ko kinakaya ang kakulitan nito dahil higit sa lahat ayaw ko sa mga taong makukulit.

"Aalis na ako." Paalam ko at binuksan ang pinto ng passenger seat at bumaba. "Salamat sa paghatid."

Dahil sa sinabi ko ay automatiko itong ngumiti. "You are welcome babe."

"Tsk, mag-iingat ka sa biyahe." Iyon lang at isinara ko na ang pinto ng passenger seat, tinapik ko pa ang sasakyan niya bago tuluyang naglakad palayo papuntang bahay namin.

Hindi ko alam kong paano ko siyang napapakitunguhan sa bawat araw na nagkikita kami, sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakilala ng lalaki ubod ng kulit ngunit babaero naman.

Napapailing akong napangiti sa hindi malamang dahilan, hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya kanina. Bakit ba namam kasi ay napakatigas ng ulo nito at hindi marunong makinig.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at isinara ito pagkapasok bago dumeritso sa sariling kwarto. Hinubad ko ang sapatos na suot at humiga sa kama.

Napatingin ako sa kisame bago napakurap-kurap. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit pagdating sa kaniya ay humihina ang depensa ko? Samantalang kakikilala pa lang naman namin noong nakaraan.

Malalim at marahas akong bumuntong hininga. At ano ba ang ibig sabihin ng nangyari sa akin kanina? Bakit ko 'yon nararamdaman sa kaniya? Bakit lumalakas ang tibok ng puso ko sa kahit simpleng paghawak at pagtawag niya sa pangalan ko?

Nakatulog ako ng naguguluhan at siya ang laman ng isip, hindi ko alam kung ito ba ay makabubuti sa akin o hindi. Kung anong klase mang pakiramdam ito, ayaw ko itong maramdaman kung ito lang rin ang magiging dahilan ng ikasisira ko.

Kinaumagahan nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok na nagmumula sa labas ng pinto nang kwarto ko. "Shero, gumising ka na. Magsisimba pa tayo." Boses iyon ni Kuya.

Hindi ako sumagot o nagsalita, tumayo ako at naglakad papuntang pinto at binuksan iyon. Pagkabukas ko ay tinanguan ko lang ito, ayaw kong magsalita dahil pakiramdam ko ay mabaho ang hininga ko.

"Mag-ayos ka na, bago tayo kumain." Bilin nito bago umalis. Isinara ko ulit ang pinto. Kinuha ko ang pang-ipit ng buhok na naka-kawit sa kamay ko at binungkos papusod ang buhok ko.

Inayos ko ang magulong higaan bago kumuha ng damit na isusuot sa kabinet at inilatag sa higaan bago lumabas ng sariling kwarto at dumeritso ng kusina.

Nagmumog muna ako bago umupo sa katabing upuan ni Kuya, katapat namin sina mama at papa. Ngayon lang ulit kami nagsabay-sabay sa iisang hapag. Masaya sa pakiramdam kahit pa na hindi ko iyon masabi o maipakita.

Akmang kukuha na ng makakain sina mama at papa ng i-lead ni kuya ang dasal pagkatapos magdasal ay tsaka na ito kumuha ng pagkain at nilagyan ako sa plato.

Tumango lang ito sa akin at isenenyas na kumain na ako, tipid lang akong tumango bago nagsimulang kumain.

Pareho kaming apat na tahimik na kumakain ng basagin iyon ni papa. "May pupuntahan ka ba Gelo?"

Saglit na tumigil si kuya sa pagkain bago sumagot. "Opo pa, magsisimba kami ni Shero."

Tahimik lang akong kumakain at hindi sila nilingon, nakatutok ang atensyon ko sa kinakain. Hinahayaan ko si kuya na siyang sumasagot sa mga tanong, habang ako ay tahimik na kumakain at nakikinig.

"Sasama kami ng papa mo." Sumabat sa usapan ng dalawa si mama. Bahagya akong natigilan ngunit pinagpatuloy ko lang ang pagkain hanggang sa matapos na ako.

Nagpaalam ako na maliligo na at umalis na sa hapag, dumeritso ako sa kwarto ko at kinuha ang tuwalya at ang pampalit na damit bago pumuntang banyo.

Nang matapos maligo at makapagbihis ay napatingin ako sa sariling suot. Kulay puting damit na may print sa kanang bahagi ng dibdib ko at kulay abong pantalon.

Isinampay ko ang tuwalya ko sa balikat bago lumabas ng banyo. Pumasok ako sa sariling kwarto at isinampay ang tuwalyang ginamit sa hanger.

Kinuha ko ang sapatos ko na nakalagay sa gilid at isinuot. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ss kama at tumingin sa salamin, dapat ba akong magsuklay?

Napabuntong hininga ako bago napipilitang kinuha ang suklay sa tabi at isinuklay sa buhok kong basa. Maiksi ang buhok ko at hanggang balikat ko lang ito ngunit sapat para maipit ko sa tuwing gusto ko.

Lumabas ako ng kwarto ng maiayos ko na ang lahat, naabutan ko si Kuya na papasok pa lang ng banyo dala-dala ang damit na pagbibihisan. Nag-thumbs up ito ng makita ako.

"Tsk."

Umupo ako sa sofa at doon naghintay. Pagkaraan ng tatlumpong minutong paghihintay ay dumating na rin sila, natapos na rin sila sa kaniya kaniyang pag-aayos.

Umarkila kami ng traysikel na pagsasakyan namin papuntang church, sa labas kaming pareho ni kuya sumakay samantalang sina mama naman ay sa loob ng traysikel.

Sakto alas-otso ay nakarating kami sa church, mabuti na lang at hindi pa nag-uumpisa ang misa.

Pumuwesto kami sa bandang gitna, maluwang ang church at may kalakihan rin. Lumipas ang ilang minuto ay nagsimula na.

Lihim akong napatingin kay mama at papa, pareho ang mga ito na tahimik at nakikinig sa harap. Napatingin ako kay kuya na nakatingin rin sa harapan at nakikinig, gusto kong ngumiti sa nakikita, ngunit pinigilan ko ang sarili.

Nakinig na lang rin ako at isinapuso ang naririnig na salita ng Diyos. Lumipas ang higit isang oras ay natapos ang preaching.

Halos magkasabay-sabay kaming tumayo nina mama at papa, at kuya. Maraming mga tao ang nagsimba ngayon.

Medyo natagalan pa kami bago tuluyang nakalabas sa loob ng church. Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw ng isang tao na kilalang-kilala ko.

"Babe!" Anito, kahit pa na nakatalikod ako alam kung nakakuha na ito ng mga atensyon ng mga tao. Hindi ako huminto sa paglalakad, kasama ko sina mama, papa at kuya. Ayaw kong malaman nila na ako ang tinutukoy nito, baka kung ano pa ang isipin nila.

"Shero!" At dahil doon ay napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang pagtingin sa akin ni kuya at nina mama at papa. Napatigil sila sa paglalakad kung kaya ay napatigil rin ako sa paglalakad.

Lumingon si kuya sa likuran namin, napalingon rin sina mama at papa. Napabuntong hininga ako, ano ba ang nangyayari? Bakit ba hanggang dito ay kailangang magkita ulit kami? Bakit ba walang palya ang pagkikita namin sa bawat araw?

Lumingon rin ako sa likuran namin at doon ay nakita ko siya naglalakad palapit sa amin. Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Kilala mo ba?" Tanong nito sa akin, tipid akong tumango.

"Nagkita ulit tayo." Nakangiti nitong sabi ng makalapit sa amin, sa akin nakatingin tila hindi niya alam na kasama ko ang pamilya ko.

Tumikhim ako bago tumango. "Nagkita ulit tayo." Ulit ko sa sinabi nito. Ngumiti na pagkalapad-lapad, akmang mas lalapit ito sa akin ng tumikhim si kuya sa tabi ko.

"Magkaanu-ano kayo ng kapatid ko?" Tanong nito, seryosong nakatingin kay Ramirez.

Lumipat ang tingin niya kay kuya, at sa akin. "May kapatid ka?"

Umiling ako. "Hindi, pero kuya meron." Tipid na sagot ko. Ngumiti ito bago ibinaling ulit ang tingin kay kuya.

"Magandang umaga kuya." Anito na para bang magkakilala sila.

Nangunot ang noo ni kuya Gelo. "Magkaanu-ano kayo ng kapatid ko?" Ulit ni kuya sa eksaktong sinabi, seryoso ang tono.

"Girlfriend ko ho ang kapatid mo kuya." Deritsong sagot nito, walang pag-aalinlangan na para bang totoo. Automatiko akong napatingin kay kuya na ngayon ay madilim na ang mukha.

"Mag-uusap tayo mamaya sa bahay Shero." Puno ng kaseryosohan ang boses nito.

Umiling ako. Bago tumingin kay Ramirez. "Ano bang pinagsasabi mong lalaki ka? Anong girlfriend?" Nakakunot ang noong tanong ko, mabuti na lang at nakalayo na sina mama at papa sa deriksyon namin.

"Mali ba ako babe?" Nakangiti ulit nitong tanong, tila inosente sa kalukohang ginagawa. Napapikit ako ng mariin.

"Tigilan mo ako Ramirez baka masipa kita ora mismo." Matiim ko itong tinitigan habang madiin ang mga salitang sinasabi.

"I'm just kidding babe, I mean Shero." Mahina itong tumawa bago tumingin ulit kay kuya. "I'm Shero's future boyfriend."

Napapikit ako ng mariin, pilit pinapakalma ang sarili. Kalalabas mo lang ng simbahan May, kalalabas mo lang, kumalma ka.

"And future husband." Akala ko ay tapos na ang mga pinagsasabi niya, ngunit nagkamali ako dahil may idinugtong pa ito.

Tuluyan ng nawala ang pagtitimpi ko at mabilis ko siyang hinila sa papunta sa kung saan papalayo sa church. Bahala na sina kuya Gelo, at sina papa at mama.

Huminto lang ako sa paglalakad at pagkakahila sa kaniya ng malayo na kami at wala ng mga tao. Galit ang mga matang ipinukol ko sa kaniya pagkaharap pa lamang.

"Adik ka ba? Naka-drugs ka ba? Ilan ang nahithit mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya, at hindi ko napigilan ang inis sa tono ng boses ko habang nagsasalita.

"What?" Tanong nito na nakakunot ang noo, itinuro ko siya ngunit inilipat ko lang rin ang kamay ko sa noo ko.

Ito ang unang pagkakataon na nainis ako sa isang lalaki.

"Alam mo bang nakaka-asar ka? Bakit mo ba sinabi 'yon? E hindi naman totoo? Anong mukha ang ihaharap ko sa kuya ko nito?" Naghihistrikal ko singhal sa kaniya.

"Wala namang mali sa sinabi ko." Parang balewalang tugon nito.

Marahas akong napabuntong hininga. "Hindi kita boyfriend at hindi kita magiging boyfriend o magiging asawa sa hinaharap, maliwanag? Kaya kung pu-pwedi ba tantanan mo ako at tigilan na? Huwag mo akong idagdag sa mga koleksyon mong mga babae."

Natigilan ito sa sinabi ko. "That's not my intension. Hindi ko intensyon na idagdag ka sa mga niloko kong babae. Binibiro lang kita kanina pero dinibdib mo naman, gusto ko lang mapalapit sa 'yo, iyon lang dahil gusto kita, gustong gusto. Nagbibiro lang ako, pasensiya na kung sineryoso mo pala."

Akmang magsasalita pa ako ng unahan niya ako. "Don't worry, hindi na kita kukulitin kung iyan ang gusto mo. Didistansiya na ako. I need to go." Anito at walang pasabing tinalikuran ako at iniwan.

Natigilan ako napakurap-kurap, wala naman sigurong mali o masama sa ginawa ko hindi ba? Bumuntong hininga ako bago naglakad palayo at pumara ng traysikel, malamang ay naka-alis na sina kuya at naka-uwi na ng bahay.

...

"Mag-iingat ka kuya." Paalam ko habang nakangiti.

Umismid ito. "Hindi pa tayo tapos na nag-uusap Shero, huwag mong ibahin ang usapan."

Bumuntong hininga ito. "Kuya sinabi ko na nga sa'yo hindi ba? Hindi ko siya boyfriend o kung ano ka pa man 'yan. Walang namamagitan sa amin ng lalaking 'yon. Alam mo ang priority ko kuya."

Nakahanda na ito sa pag-alis, nakasuot na sa kaniya ang bagpack nasa labas na rin ng pinto ang kaniyang maleta ngunit hindi pa rin ako nito pinalampas sa nangyari kanina.

"Shero, hindi naman kita pinagbabawalang makipag-relasyon. Ang akin lang, sabihin o ipaalam mo muna sa akin at tandaan mo ang limitasyon mo iyon lang Shero." Paliwanag ni kuya at hinalikan ako sa noo.

"Alam ko 'yon kuya." Mahinang wika ko at tinapik siya sa balikat. "Huwag kang mag-alala kuya, wala akong planong maki-pagrelasyon." Tipid akong ngumiti.

Umiling ito. "Hindi iyon ang gusto kong mangyari. Ang gusto ko mahanap mo ang lalaking para sa 'yo. Huwag mong pigilan ang sarili mong mahulog o umibig sa isang tao. Tandaan mo, nandito lang ako kung may kailangan ka o may problema ka." Ngumiti ito.

"Kuya mo ako Shero, nandito lang ako." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi ni kuya. Tama siya, kuya ko ngang talaga siya.

"Mag-iingat ka kuya, tumawag ka kung may problema o kung may kailangan ka." Tugon ko bago kami sabay na lumabas ng bahay. Nag-hihintay na ang inarkila naming sasakyan na maghahatid sa kaniya sa Manila at papuntang airport.

Sina mama at papa ay nagpaalam na rin sa kaniya, sa huling pagkakataon ay nagpaalam ulit ako bago tuluyang umalis ang sasakyang sinakyan ni Kuya.

Bumuntong hininga ako bago pumasok sa loob ng bahay at naghugas ng pinggan. Napakunot ang noo ko ng sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Ramirez kanina.

May mali ba akong nasabi? May mali ba?

Hindi ako pumasok sa lugawan ngayon dahil linggo naman at hindi ako hinayaan ni kuya, kung kaya ay maaga akong humiga sa kama.

Napabaling ako sa kabilang direksyon ng hindi ako makatulog, napabuntong hininga ako. Bakit ba ako hindi ako makatulog? Nakakaurat naman, palaging sumasagi sa isip ko ang nangyari kanina, ang mga sinabi ni Ramirez.

Pumapasok sa isip ko ang imahe niya habang nagsasalita kanina, para bang may lungkot sa mga mata nito habang sinasabi niya ang mga 'yon.

"That's not my intension. Hindi ko intensyon na idagdag ka sa mga niloko kong babae. Binibiro lang kita kanina pero dinibdib mo naman, gusto ko lang mapalapit sa 'yo, iyon lang dahil gusto kita, gustong gusto. Nagbibiro lang ako, pasensiya na kung sineryoso mo pala."

Hindi ko maiwasang hindi mainis at saka  bumangon mula sa pagkakahiga. Ano bang nangyayari?

Continue Reading

You'll Also Like

244K 16.2K 79
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
155K 3.3K 32
My Boyfriend is The Professor Book 3 Dont forget to read the first 2 books before reading this. My Boyfriend is the Professor (1) I'm Married to a...
7.6K 105 19
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...