Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 67:

455 21 4
By donnionsxx04

JOHNSER SY POV:)

Pagkababa ko ng kotse, nakita ko ring bumaba rin ng kotse nito si Tito Andrew. Parehong kakarating lang namin sa hospital at siguro pareho rin nalaman namin na gising na si Lola.

"Tito Andrew." Bungad ko.

Lumapit ito sa akin kasama ang assistant nito."Gising na raw ang lola mo. Kailangan tayo makita niya." Sabi nito at nauna nang naglakad dito.

Sumunod na nga kami ng assistant nito. Nagulat na lamang ako na may mga reporters na naghihintay, nakaupo tila may inaabangan na lumabas na taong iinterview-in. May artista atang na-aksidente at dito dinala.

Nakita kong patuloy lamang sa paglalakad si tito kaya sumunod kaagad ako dito.

Nang makita kami ng nga reporters mabilis na nagsilapit sa amin ang mga ito na dahilan napahinto kami sa paglalakad. Nagulat naman kami nang dinumog kami nito. Kaya ba nandito ang mga reporter dahil sa nangyari kay lola? Paano nakalabas ito sa media?

"Sir! Sir! Kamusta po kalagayan ni Dona Valencia?" Tanong ng isang reporter kay tito at tinapat dito ang mike.

"Papunta palang kami. Magbibigay nalang ako mamaya ng statement sa kalusugan ni mama." Mahinahong sagot ni tito dito.

Tangkang maglalakad ulit si Tito nang may nagsalitang reporter na lalaki.

"May kinalaman din ba ang nangyari kay Dona Valencia sa namatay na bunsong anak ni Mr. Sy? Totoo bang may taong nasa likod ang nangyayaring kaguluhan ngayon sa Uphone?"

Natigilan naman bahagya si tito sa tanong ng reporter. Pati ako ay nanlalaking mata sa tanong nito. Hindi ko alam saang chismis napulot nito para itanong ang ganyang klaseng tanong.

"What?" Gulat na tanong ni tito dito.

"Totoo po ba ang lumalabas sa facebook na may pumatay sa bunsong anak ni Mr. Sy?" Tanong naman ng isang reporter.

Napatingin naman kami sa isang reporter nang magsalita ito."May anonymous na nagpost sa facebook na hindi basta aksidente ang nangyari sa anak ni Mr. Sy at hindi rin basta inatake sa puso si Dona Valencia. Ang sabi pa, nasa loob ng Uphone ang may kagagawan iyon."

Napakunot-noo naman ako sa sinabi nito.

Post? May kumakalat ngayon sa social media?

Mabilis na kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone nang maramdamang nag-vibrate iyon.

Doon ko nakita ang nga article na naglalabasan tungkol sa Uphone. Maaring magkaroon ito ng laking gulo sa kompanya namin. Di lang iyon, makaka-apekto ito sa image ng kompanya. May chance ring maurong ang pag-lunch ng new phone.

Seryosong tumingin si tito sa reporter na nagsabi iyon. Magsasalita na sana si tito na biglang sumingit ang assistant nito. Hinarangan kaagad nito ang reporter dito.

"Nagmamadali si Sir. Mag-iiwan na lamang siya ng statement mamaya." Sabi nito sa mga reporter.

"Sandali! Sir! Sir!" Tawag ng mga reporter.

Niyaya na nga ako ni Tito Andrew at naiwan doon ang assistant nito para harangan ang mga reporter. Saka rin nagsidating ang mga guard para tulungan ito para hindi makasunod sa amin.

"Media talaga ang sisira sa pangalan mo." Turan na lamang ni tito habang papunta na kami sa kwarto ni Lola.

Patuloy lamang sa paglalakad ni Tito at tila sumama ang timpla nito.

Siguro isa na doon na siya ang may kagagawan sa pagkamatay ng kapatid ko pero hindi niya magagawang saktan si lola. Alam kong inatake ito sa puso, iyon ang sabi ng doctor.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Nagising na lamang ako sa tunog ng cellphone ko. Umaga na at kailangan ko nang mag-ayos dahil papasok pa ko sa trabaho. Nawala na lamang ang antok ko nang makita si Ros na natutulog sa tabi ko.

Doon ko nalang naalala ang nangyari kagabi.

"Ros," mabilis na niyugyog ito.

"Bakit?" Pupungas-pungas na tanong nito sabay bumangon at humikab pa ito.

"Alas kwatro na ng umaga. Bumalik kana doon sa higaan nyo ni Pubg." Mahinang sabi ko dito."Baka ano isipin nun satin! Alam pa naman niya na magkapatid tayo." Atat na sabi ko dito.

"Pabayaan mo na---"

Hihiga na sana siya na mabilis na hinawakan ko ang manggas ng damit niya.

"Pag malaman ni Aling Martha na nagsisinungaling tayo, sa labas tayo titira nyan mamaya. Alam mong ibang magalit 'yon!" Dagdag ko pa.

Nanlaki na lamang ang mata niya nang ma-realize ang lahat. Siguro nakita na rin niya ang ugali ni Aling Martha. Mabilis naman siya bumangon sa pagkakahiga at sinundan ko pa siya.

Mahinang binuksan niya ang pinto at sumilip sa labas. Nakita naman ni Ros na himbing pa ring natutulog si Pubg. Lumabas na nga ito at sinenyasan ko pa siya na huwag maingay.

Dahan-dahan ito pumunta sa higaan nila ni Pubg at di naglikha ng ingay na naupo sa higaan. Hihiga na sana si Ros nang bumangon si Pubg sa pagkakahiga. Nanlaki mata naman ako sa nakita.

Na-estatwa naman si Ros ng makitang nakatingin ito sa kanya ng walang emosyon.

"Saan ka galing?" Tanong na lamang ni Pubg dito.

Nataranta naman ako nang titingin sa gawi ko si Pubg kaya nag-isip kaagad ako ng palusot.

"Wooh!" Kunyare nag-stretching ako sabay labas ng kwarto."Good morning! Himala! Gising na kayong dalawa?" Nag-aacting na tanong ko dito. Sana effective yung acting ko.

Tingnan ako ni Pubg sunod tingin kay Ros. Tingin naman sakin at baling naman kay Ros. Hindi ba effective pagkukunyari ko? Nakahalata na ba siya?

Napalunok na lamang ng laway si Ros at kinakabahan na hinihintay namin ang sasabihin nito.

"Papasok na kayo sa trabaho?" Sa wakas saad nito.

Napabagsak na lamang ng balikat si Ros. Pareho kami nakahinga ng maluwag. Salamat naman at hindi nito napansin na nagsisinungaling kami.

"O-oo." Nautal na sagot ni Ros dito sabay ngiti ng pilit.

"Tulog ulit ako." Malumbay na sabi nito. Humiga na ulit ito at tumalikod pa pahiga kay Ros.

Nakangiti ng pilyo si Ros sakin.

Mukhang masusundan pa ito bukas ah? Sa kwarto na naman siya matutulog nito mamaya.

*****

Nagpi-prito na nga ako ng itlog para almusalan namin habang si Ros naman ay nagtitimpla ng kape. Nasa sala pa rin si Pubg, mahimbing na natutulog.

Pag-crack ko ulit ng itlog saka ako nagsimula ng topic naming dalawa.

"Ikaw ba nagsuggest kay Mr. Kailes na sa lugar namin sila mag-reach out program?" Tanong ko dito.

"Oo," sagot nito pagkalagay ng asukal at hinalo na iyon.

Ngumiti lamang ako ng palihim. Sobrang na-appreciate ko mga ginagawa ni Ros para sa akin. Ang dami nang ginawa niya, ni isa hindi ko pa nasusuklian lahat ng iyon. Dapat may gawin ako para maging masaya rin siya.

Naramdaman ko na lamang ang kamay ni Ros na pumaikot sa tiyan ko. Niyakap ako nito mula sa aking likod at pinatong ang baba sa ulo ko. Ang taas talaga niya at nakakahiya ng height ko pag kasama ko siya.

Dahil sa ginawa niya, natigilan ako sa ginagawa ko.

"Alam mo, habang tumatagal, sumasaya ako. Sumasaya ako pag palagi kitang kasama," pahayag na lamang nito.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Dahil sa ginagawa niya, nagsisimula na naman mabaliw ang sarili ko.

"Pangako. Hindi ako mawawala sayo." Dagdag nito.

Ngiti na lamang nai-sagot ko sa kanya.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Literal na na-pepe talaga ako. Bakit ba sobrang sweet niya? Siya dahilan na nagpapagulo sa nararamdaman ko palagi. Kulang ang isang yakap at halik sa pinapadama niyang kilig sa akin.

Pagdating sa lalaki, ang swerte ko na kaagad sa kanya. Sobrang swerte ko talaga. May Ros ako na palagi pinaparamdam sa akin na napaka-espesyal kong babae. Wala na kong masabi basta gustong-gusto ko siya.

"Nasaan ang CR dito?"

Tarantang humiwalay naman kami sa isa't-isa ni Ros nang marinig ang boses ni Pubg.

Bago paman makapasok ito sa kusina, naabutan kami nito na nilalagay ko na sa plato ang prinito kong itlog habang si Ros naman at kunyareng naghuhugas ng kamay sa lababo.

"Ah?" Kinakabahan tanong ko dito.

Muntikan na kami doon. Wiw!

MANDY YU POV:)

Napabangon na lamang sa kinahihigaan si Mandy habang hawak ang cellphone.

"Natulog lang ako saka paggising ko, may issue sa Uphone?!" Bulalas nito.

Scroll-scroll lang siya sa mga social media at lahat ay puro article tungkol sa Uphone. Trending na trending ito sa social media at daming mga nag-comment na netizen.

May magsisilabasan rin na article na bakit raw ayaw ipakita sa public ang itsura ng bunsong anak ni Tito. May mga naglalabasan na posibleng dahilan bakit hindi lumaki sa pilipinas si Clive. Isa na roon na pinanganak itong pangit ang mukha, kaya dinala ito sa ibang bansa para ipaayos. May isa naman na article na hindi ito tunay na anak ni Tito at nag-cheat raw ang wife nito. May iba naman na nagsasabi na matagal nang patay si Clibe dahil kasabay ito sa kotse pag-ambush ng sinasakyan ng mama nito.

Nalilito tuloy ako kung ano papaniwalaan ko dito.

Wait! Totoo kaya pinost nitong anonymous na 'to? Hindi basta aksidente ang nangyari sa anak ni Tito? May taong nasa likod ng nangyari dito? Saka kay Lola Valencia, hindi ba ito inatake sa puso dahil sinakal ito?

CEDRIC SY POV:)

"Thank you." Sabi ko sabay umatras bahagya para mag-bow.

Pagka-bow, umalis na ako at saka naman nagkagulo ang mga reporter, hinarangan naman kaagad iyon ng mga bodyguard ko para hindi makalapit sa akin.

Nagpa-presscon ako para magbigay ng statement ukol sa issue ng pinost ng isang anonymous netizen sa social media. Kailangan ko patahimikin ang media baka ito rin ang dahilan masira ang image ng Uphone. Baka ito rin maging dahilan di matuloy ang anniversary ng kompanya ni Mr. Kailes.

Susunod pa sana sa akin ang assistant ko nang huminto ako sa paglalakad at humarap dito.

"Wag mo na kong sundan. Pumunta ka ng hospital at balitaan mo ko kung gising na si mama," wika ko.

"Masusunod po." Sagot nito at nag-bow para magpakita ito ng paggalang sa akin. Tumalikod na din ito at umalis.

Pagtalikod ko ulit, nakita ko na lamang ang taong kilala ko. Natigilan ito sa paglalakad ng makita ako. Ramdam ko pa rin dito ang galit sa akin.

Nagpatuloy ulit ito sa paglalakad at dinaanan lamang ako nito.

"Di malabong ikaw rin ang dahilan bakit inatake si mama." Makahulugang sabi ko na dahilan napahinto ito sa paglalakad.

Nakangiting lumingon ako sa aking likuran para masulyapan ito. Kunot-noo naman na tumalikod ito at humarap sa akin. Medyo kalayuan ang distansya naming dalawa.

"Pinagbibintangan mo ba ako?" Tila naghahamon na tanong nito.

"Ikaw lang naman huling kausap ni mama. Syempre, paghihinalaan kita." Naghahamon ring sabi ko sa kanya habang nakatingin dito ng seryoso.

"Kung hindi sa akin, patay na sana si mama." Nagsusumbat na wika nito.

Bahagyang napangisi naman ako sa sinabi nito. Humakbang ako ng limang hakbang para makaharap ito ng harap-harapan. Nagsalubong naman ang aming mga mata na tila may kuryente na naglalabanan sa pamamagitan doon.

"Baka tinangka mong patayin si mama tulad ng ginawa mo kay papa, Kuya Andrew?"

Napakunot-noo naman ito sa sinabi ko.

**Flashbacks**

"Mama, asan si Papa?" Tanong ko dito.

Kasalukuyang nasa pool kami para i-celebrate ang graduation ko. Naging valedictorian ako sa college at in-announce rin ni papa na ako na ang susunod na tagapagmana ng Uphone. Nag-iihaw ng oras iyon si Mama pati ang assistant nitong si Miss Eladia.

"Nasa kwarto, anak. Iidlip muna ang papa mo dahil masakit raw ang ulo niya ngayon." Sagot ni Mama sa akin.

Nilagay ko sa walang laman na plato ang hawak kong barbecue at naglakad papasok ng bahay. Pumunta kaagad ako sa kwarto nila mama para magpasalamat kay papa sa mga ginawa niya sa akin.

Papasok na sana ako sa loob ng nakita kong bahagyang bukas ang pinto ng kwarto ni Papa. Di inaasahan nakita ko na lamang ang kapatid kong si Kuya Andrew na may hawak na unan. Dahan-dahan niya iyon nilalagay sa mukha ni papa habang mahimbing itong natutulog. Nakalikha ako ng ingay kaya natigilan ito sa pina-plano nito.

Mabilis naman nakita ako nito na dahilan napa-atras ako at nanlalaking mata na nakatingin dito.

**End of Flashbacks**

"Di na 'ko magtataka bakit hindi nila binigay sayo ang kompanya dahil sa gahaman mo sa kapangyarihan." Sabi ko sabay napangisi ng nakakainsulto dito.

"You!" Galit na mabilis na kinuwelyuhan ako nito. Tangkang susuntukin na sana ako nang pinigilan nito ang sarili sa binabalak sana niya.

Padabog na binitawan ako nito at padabog na umalis.

DYLAN LORENZO POV:)

"D*mn! Bakit di ko siya ma-trace!" Galit na sambit ko.

Nag-try ulit ako magtype sa keyboard at pinilit na ma-connect ulit iyon.

Mabilis naman nag-failed iyon.

Sinusubukan kong malaman kung sino nagpost ng anonymous statement na iyon. Siya ang dahilan bakit nagkakagulo ang Uphone. Siya rin ang dahilan at baka masira ang pina-plano ko na makulong ang mga taong tumangkang pumatay kay Clive.

Nang wala pa ring magawa, cli-nick ko ang profile pic ng nag-post na iyon.

Napakunot-noo na lamang ako sa nakita.

Pamiyar sa akin ang picture na iyon. Isa syang gagamba na parang logo. Naalala ko na lamang ang USB. Mabilis na kinuha ko iyon sa drawer ng table ko at kinuha iyon.

Tiningnan ko ang nakadikit na sticker sa USB at pinagkumpara ang profile picture ng account na iyon. Nanlaki-mata nanlamang ako nang makitang parehong-pareho sila. Para siyang logo o iyon ang logo ng grupo nila.

Posible kayang tama ang hinala ko? May gusto sumira sa Uphone?

To be continued...

Malapit na tayo pumunta sa bicol.
HAHAHA!
Bakasyon muna tayo doon kasama sila Ros at Lady Beth. BWAHAHAH!
Don't forget to like, comment and follow me.
Thank you!😘♥️
Posted na po ang MBDEM sa tatlong olatform.
(NOVELAH, FINOVEL AND STORYON)
Sana support nyo rin sila doon.
Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

28.8K 720 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
106K 673 6
"It was you. The one who watched me every night, who visits me in my bed and who kissed me in my sleeps... It was you. The beast that I saw and love...
58.4K 2.5K 93
Why does my heart beat so early in a man? We just met for the first time, it wasn't good. I know it's forbidden to like him because he's my brother's...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...