Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 72

58.4K 3.1K 2.2K
By DemLux_Pain

Napapailing na lang ako sa kalokohang naiisip atsaka sinimulan na pakiramdaman ang paligid. Dahil nakapatay ngayon ang mga ilaw ay mas lalong nakadagdag takot ang mga tunog na naririnig sa buong venue. Mga sigawan, tunog ng baril, at pagsabog ang maririnig mo, kaya hindi ko masisisi ang mga nobles na sobra kung humingi ng tulong.



Kung normal na tao nga lang ako ay malamang gumulong-gulong na ako sa sahig sa sobrang takot. Sa tingin ko rin ay damay ang buong hotel sa nagaganap ngayon, ibig sabihin maraming kalaban na nakapalibot sa iba't-ibang palapag ng gusali.





'Hayss! Kawawa naman ang mga namatay ngayon. Siguradong magiging haunted hotel ang labas nitong gusali sa mga tao. Haha! Note the sarcasm there! Tsk!'



Mabagal akong naglakad habang tinatalasan ang pakiramdam dahil kailangan kong maging alerto at baka biglang may bumaon na bala sa bungo ko. Mabuti nga at hindi ako natamaan kanina ganoong halos limang minuto yata akong nakatayo don. Aiya! Iba talaga ang maganda at mapapasabi ka na lang ng, "lucky me!".



*BANG!*




*BOOGGSSHHH!*




*BANG!*




Shit! Grabehan na ang nangyayari sa paligid at kung saan-saang parte na ng venue ang mga sumasabog. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok dahil mas nakadagdag suspense ang kawalan ng ilaw sa buong paligid. Kung kaya't maaninag mo lang ang mga dadaanan mo sa pamamagitan ng mga apoy na nagkalat sa lahat ng parte nitong lugar.



Marami na rin akong nakikitang mga katawan na nakabulagta na sa sahig habang naliligo sa sarili nilang mga dugo. Sinong mag-aakala na ang mga taong pinagtsitsismisan lang ako kanina ay patay na ngayon diba? Aiya! Karma na ba 'to sa mga masasama nilang ginagawa?




Nang makalapit isang table ay agad kong kinuha ang kutsilyo at mabilis na binawasan ang haba ng gown ko. Aba'y sa haba nito ay siguradong mahahabol ako ng mga bad guys sa paligid, kaya maigi na ang handa para sa kahit anong uri ng panganib na pwedeng mangyari. Hehe!



Ngayon ay hanggang tuhod ko na lang ang gown na suot ko kaya maayos na akong nakakapaglakad habang hinahakbangan ang mga katawan sa sahig. *Gulp*




Itong senaryo na nakikita ko ay talaga namang nakakakilabot. Yung mga bisita na magaganda ang kasuotan kanina ay hindi na makilala sa itsura nila. May mga tama sila ng bala sa ulo, sa mata, leeg at kung saan-saang parte ng katawan na agad nilang kinamatay.



'Like duh? Sinong hindi mamamatay kung halos lima pataas ang balang nakabaon sa'yo diba? Kaya nga masasabi ko na sinuwerte ako at buhay pa ko hanggang ngayon.'



Maglalakad na sana ulit ako nang makarinig ng pag-iyak. Ako naman na may mabuting puso ay napahinto. Mabilis kong inilibot ang paningin habang ginagamit ang liwanag na nanggagaling sa sunog na nasa kabilang parte ng venue.




Nang marinig ang boses sa may bandang stage ay agad akong tumakbo doon habang sinisiguro na walang kalaban na nakapansin sa'kin. Mabuti rin na makalapit ako kaagad para mapatahimik ang umiiyak na babae. Aba'y nagtatawag lang naman siya ng panganib sa pag-iyak niya ng malakas! Aiya! Baka gusto niyang marinig ng kalaban at mamatay?




Paglapit ko ay agad kong Nakita ang babaeng nakaluhod habang hawak-hawak ang kamay ng lalaki sa sahig. Geez! Mukhang may masasaksihan pa akong drama ngayon, mala-Romeo at Juliet ang dating ehh!



"H–honey! Wake up! I can't live without you!" iyak ng babae na kinataas ng kilay ko. My gosh! Ang drama nila, pwede ko bang iwan na lang 'to at parehas silang matigok?



Well, kaya ko lang naman sila hindi maiwan dahil si Madam Eckheart itong nasa harap ko! See that?! Ang babaeng nagda-drama ngayon ay walang iba kung hindi ang nanay ni Vance!



"Auntie..." Mahina kong tawag atsaka hinawakan ang balikat nito.



Mukha namang nagulat siya nang marinig ang boses ko dahil mabilis siyang tumingin sa'kin. Sa itsura nito ngayon ay agad kong naalala ang mukha niya sa mukha ng mommy ko noong malaman niyang naaksidente si daddy. Shit! Where the hell is Vance?!



"H–Heavenhell..." Namumula ang mga mata niyang sabi habang tahimik na humihikbi.




Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya niyakap ko na lang siya. Bilang asawa ay talagang masakit ang nangyayari ngayon habang nakikita si Mr. Eckheart na nakahiga sa sahig na animo'y wala nang buhay.



"M–may bumaril sa kaniya kanina... *huk* I–I saw it! I'm so scared!" Humahagulgol na sabi nito habang pinipilit na makapagsalita.




Wala naman akong magawa kung hindi ang haplusin ang likod nito dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang nalalaman ko. Baka kasi ako naman ang mapasama!




"Don't cry, auntie..." Mahina kong sabi habang pasimpleng sinasamaan ang katawan ni Mr. Eckheart na nakahiga pa rin hanggang ngayon.




"I–I can't accept this..." Walang tigil sa pag-iyak nitong sabi. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ba ako o maiiyak sa kaniya ehh.




"H–He's not dead, right? I can't!" Patuloy nitong sabi habang niyayakap pa rin ako hanggang ngayon.



"It's okay, Auntie. You still have two sons with you." Pag-comfort ko kuno sa kaniya habang iniisip kung hanggang anong oras kaya kami dito?



"I–it's not okay. If he's gone, then how am I able to live? W-what will happen to me if my two sons start to like someone? *Huk* What will happen if you get married to my son? Isn't it too lonely for me?"



Literal akong napanganga sa narinig. Aba'y mas advance pa siyang mag-isip sa'kin ehh! Atsaka ilang taon pa lang si Luke kaya paano niya nasasabi na may magugustuhan na agad ang bata? Isa pa na kinagulat ko ay sa imagination niya ay ikakasal na kami agad ng anak niyang demonyo. Geez! *Shivers*



'Tsk! Kasalanan 'to ni Mr. Eckheart! Kung hindi siya nagpabaril, wala sanang ganitong eksena na nangyayari ngayon.'



Hindi ko tuloy maiwasan na mapangisi sa naiisip. Hehe! Sa ganitong paraan ay makaganti man lang ako ng konti sa pinaggagagawa niya.



"First auntie, I'm not going to marry your son since he will probably like someone else in the future. Second, you can't be lonely! In fact, if Mr. Eckheart is dead, then you can start dating again. Isn't that fun? You're free without him as a burden, and-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumangon sa pagkakahiga si Mr. Eckheart at mabilis akong sinamaan ng tingin.




"H–hey! What are you teaching my wife?" Seryoso niyang tanong na kinagulat ni Madam Eckheart.



Ikaw ba naman iyakan ang asawa mo dahil akala mo patay na siya, tapos makikita mo na lang na bumangon siya bigla? Sinong hindi magugulat aber?!



"O-oh? You're still alive, Mr. Eckheart! Welcome back!" Kunwaring nagulat kong sabi habang pinipigilan ang matawa nang makita ang reaksyon niya.




Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Vance pagdating sa reaksyon nito. Yung tipo na poker face lang siya na parang isang napakawalang kwentang bagay ang narinig nila. Ganon!



"H–honey? How come that you're okay? Are you really not dead?" Gulat na gulat na tanong ni Madam Eckheart habang pinupunasan ang mga luha niya na nag-ala gripo sa pagtulo.



"Yes, I'm alive, so don't try to listen to her words!" Seryoso nitong sabi atsaka ako ulit tinignan ng masama.



Sa tingin niya nga ay parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya. Geez! Kasalanan ko bang pinagtripan niya ang asawa niya?! Abnormal talaga 'tong Mr. Rat na 'to, manang-mana sa kaniya si Vance na isa ring abnormal.



"Y–yes, honey! B-but how come that you're still alright despite being shot?" Tanong ulit ni Madam Eckheart na hindi maka-move on na buhay pa ang asawa niya.



Napatingin naman ako kay Mr. Eckheart at hinihintay ang sagot nito. Kahit ako ay hindi makapaniwala na ngayon nila sinagawa ang product testing ng bulletproof vest bago nila ilabas sa market.




Well, aaminin ko na napakadelikado ng ginawa nilang eksperimento ngayon. Dahil paano pala kung nagkaaberya ang suot niyang vest, edi patay siya? Ang ending patay din ako kay Vance dahil malalaman niya na sa'kin nanggaling ang ideya na 'yon. Geez!



"I'm wearing the bulletproof vest tonight because some intelligence told me that I'm the main target of these jerks." sagot nga niya. Pero hindi ko inakala na sasabihin ni Mr. Eckheart na siya ang main target ng mga assassins mismo sa harap ko na outsider. Hmm...



"B–bulletproof vest? Isn't that the reason for your partnership with the Caventry?" Biglang sabi ni Madam Eckheart na kinangiti ko nalang ng palihim.




"Yes, that's right!"




"Oh! So I should thank Heavenhell for this! " Excited na sabi ni Madam habang nakatingin sa'kin. Ngunit hindi pa siya nakakapagsalita ay agad na siyang tinutulan ni Mr. Eckheart.



"Don't thank her!" Suway niya na masama pa rin ang loob sa'kin. Aiya!



Ngayon masasabi ko na talaga na maraming nakuhang ugali si Vance sa tatay niya. Sa nobela kasi ay talagang matampuhin si Vance sa female lead, kaya nga naging paborito ko siya dahil sa cute siya sa paningin ko at kinikilig ako ng konti habang nagbabasa.



"Why?" Nagtataka na ngang tanong ni Madam Eckheart nang mapansin na naiinis sa'kin ang asawa niya.



Sinamaan muna niya ako ng tingin bago sumagot, "After what she said to you, I'm not going to like her anymore!"



"That's what you get for pranking your wife, Mr. Eckheart, so please don't take it seriously." Nakangiti kong sabi habang nagtitimpi. Aba'y hindi ko talaga trip ang ganitong suyuan kaya nagpipigil lang akong ibuka ang bibig ko.




"So you knew?"




Pasimple na lang akong napataray. Paano ko hindi malalaman kung nakikita kong nag-eenjoy siyang panoorin ang asawa niyang umiiyak kanina? Atsaka anong trip niya at may ganito siyang hobby? Feeling teenager lang ang peg?




"Yeah, I saw your eyes opened a little, but it seems like you enjoyed watching your wife's reaction, so you waited a little longer. I'm sorry for saying those things, but I can't watch her cry like that." Pa-inosente ko na lang sabi habang tumitingin-tingin sa paligid.




"H–honey?! You dare make fun of me?" May halong inis na tanong ni Madam Eckheart nang marinig ang sinabi ko.





"I–it's not like that! It's just that I like watching you be concerned with me. I'm sorry." Mahina na sabi ni Mr. Eckheart na kinatayo ng balahibo ko.



"H-hmmp! You sleep outside the room tonight!" Mataray na sabi naman ng isa. Ako naman na tahimik lang sa pinapanood ay kinikilabutan sa nakikita. Atsaka anong oras na, baka gusto nilang umalis dahil may giyera pa sa paligid no?





"H–honey, I can't!"



Hindi na ako nakatiis at pinutol na ang kanilang eksena dahil wala akong oras makinig sa love story nila. Atsaka kwento 'to nila Vile at ng anak niya kaya dapat sila ang may exposure. Hayys!



"Ahmm... I understand that you love each other, Auntie and Mr. Eckheart, but this is not the right time to talk. We're in the middle of fights between those unknown killers, so we need to leave."




"O-oh, right! Let's leave now, honey! Follow us, Heavenhell! " Medyo namumula pa na sabi ni Madam Eckheart na tumayo na ngayon habang inaalalayan si Mr. Rat.



Nang mapagtanto ko rin na balak nila akong isama ay agad akong tumanggi. Hindi dapat nila ako makasama ngayon dahil may balak pa akong malaman kung paano lumaban ang mga male characters sa mga kalaban nila. Syempre sa nobela ay nababasa mo lang ang mga fighting scence, kaya iba pa rin ang dating kung nakikita mo sa personal diba?



"N–no, I can't go." Kunwaring nag-aalala kong sabi habang pinipilit ang sarili na magmukhang nagdadalawang isip sa sinabi.




"H–huh? Why?" Nagtatakang tanong ni Madam Eckheart na napatigil na ngayon sa paglalakad. Hindi kasi ako sumabay sa kanila kaya ngayon ay ilang metro din ang layo nila sa'kin. Mabilis naman akong nag-isip ng dahilan bago magsalita.



"I haven't found my friends yet, and I can't leave without finding them." Sabi ko na lang na akala mo'y mabait talaga akong kaibigan. Ni hindi ko nga naisip kung nasaan na sila Lorraine, Janice at Arriana ngayon, kaya paano ako magiging mabait? Geez! You're such a liar, Carnelia.




"Don't worry about them. We can let our people do that. You should worry about your safety first, Ms. Caventry." seryoso na sabi ni Mr. Eckheart na ikinailing ko bilang pagtanggi.



"No, that's okay. I will be alright. " May diin kong sabi. Mukha namang nakita ni Mr. Eckheart na desidido na akong magpa-iwan kaya pumayag na rin siya.



"Okay, I will call my people to follow you."




"Honey, we can't leave her alone! This is dangerous! " Nag-aalala na sabi ni Madam Eckheart na kinatawa ko ng mahina. Paano ba naman mas inaalala niya pa ang kaligtasan ko kaysa sa anak niya na si Vance na nawawala ngayon.



"Auntie, I'll be okay, so don't worry." Nakangiti kong sabi habang pinapahiwatig na ayos lang ako kaya umalis na kayo. Aish!



"Let's go. These two will follow you to protect you."




Pagkatapos magsalita ni Mr. Eckheart ay agad na lumitaw ang dalawang nakasuot ng suit na may salamin pa talaga sa mata. Grabe ang dilim na nga dito dahil ang sunog lang ang nagbibigay ng ilaw sa'min, tapos magsusuot pa sila niyan?



"Okay, thank you, Mr. Eckheart. Take care! " Paalam ko na lang sa kanila.



"Be safe, Heavenhell." Nag-aalala pa ring paalala ni Madam Eckheart na kinangiti ko.



"Yes, Auntie."




Nang makaalis na sila kasama ang ilan sa mga tauhan ng Eckheart ay naiwan naman ako kasama ang dalawang lalaking 'to. Tahimik lang sila at para bang naghihintay ng iuutos ko sa kanila.



Hindi ko na lang sila pinansin dahil mabilis kong inaaninag ang buong venue habang umaasang mahahagip ng mata ko ang isa sa mga male characters. Pero sa kasamaang palad ay wala akong makitang gwapo-este male leads. Ehem!



Nagsimula na akong maglakad palabas ng main door ng venue. Kung wala sila dito ay malamang ay nasa ibang palapag sila at nakikipagpatayan sa mga kalaban. Ang exciting non kung nagkataong maabutan ko silang makipagbarilan! As a fan ay normal lang sa'kin na ma-excite no!



Napangisi na lang ako sa naiimagine at dumiretso ng lakad. Paglabas pa lamang namin ng pinto ay agad kaming sinalubong ng mga bala na agad kong kinaiwas. Agad akong nagtago sa pinto habang patuloy pa rin kaming pinapaulanan ng bala. Damn! Hindi ko alam na may pa-surprise pala sa'kin ang mga kalaban!



*BANG!*




*BANG!*




*BANG!*




*BANG!*




Nilabas ng dalawang tauhan ni Mr. Eckheart ang kaniya-kaniya nilang baril at agad na nakipagbarilan sa mga lalaki. Tulad ko ay nasa likod din sila ng pader nagtatago habang humahanap ng tiyempong bumaril. Sadyang madami lang kasing mga kalaban sa labas ng pinto kaya hindi sila makasugod.



Iniisip ko tuloy kong anong gagawin ko sa sitwasyon na 'to? Hmm... Sa tantsa ko ay nasa lima hanggang pito ang dami ng mga lalaking bumabaril sa'min ngayon. Malaki rin ang tsansa na mas marami pa ang nakaabang sa iba't-ibang bahagi nitong venue.




Kung totoo ang hula ko ay may posibilidad na mula ground floor hanggang dito sa twenty floor ay kontrolado na ng mga kalaban. Ibig sabihin lang noon ay mahihirapan akong makagalaw dito. Maliban na lang syempre kung magpapakitang gilas ako diba?




Tinignan ko ang malaking orasan na naka-display sa venue at agad na tinignan ang oras. Ngayon ay halos maghahating-gabi na at base sa minuto ng pag-alis nila Madam Eckheart ay sigurado akong nakaalis na sila ng building.




Hindi na rin naman ako nagtaka na nakalabas sila dahil bukod sa dami ng mga tauhan ng Eckheart ay marunong ding lumaban si Mr. Wrath. Syempre may patutunguhan din naman ang pangalan niya kaya binigyan siya ng talent ng author ng nobela.



Magmo-monologue pa sana ako nang mapansin na wala nang ingay na nanggagaling sa baril ng kalaban. Mabilis akong kumilos at tinignan ang dalawang tauhan ng Eckheart na nakahandusay na sa sahig ngayon. May tama ang dalawa sa kanilang mga noo at tadtad din ng bala ang katawan nila.



'Hayys! They're dead already! Well, too bad. Rest in peace.' Sabi ko na lang sa isip ko habang naiiling na nakatingin sa mga katawan nilang wala nang buhay.



"I guessed it was my fate to be alone, huh?" Madrama kong sabi atsaka hinarap ang mga naka-itim na lalaki na may hawak na baril ngayon.



Nakatutok ang mga ito sa mismong harap ko kaya konting galaw ko lang ay siguradong malilintikan ang diyosang ako. Wala tuloy akong nagawa kung hindi mapangiti ng pilit atsaka dahan-dahang tinaas ang mga kamay ko.




"Hello? I surrender. "



Sabay-sabay naman silang napataas ng kilay atsaka ako tinignan na parang ngayon lang sila nakakita ng alien sa harap nila. Kumbaga pang-out of this world lang ang mga gaya ko kaya hindi ko na sila masisisi kung bakit ganiyan ang reaksyon nila. P-pfft! Ehem! Be serious, Carnelia!



Pinilit ko naman na magseryoso atsaka nakipagtitigan sa mga lalaki. Kung sa Earth ay uso ang mga kriminal na nakatakip ang mukha, pwes ibahin niyo sa Pangaea dahil pakapalan ng mukha dito! Tignan mo si Mitchel, dinaig pa ang encyclopedia sa kapal.



"Miss, kilala ka namin." biglang sabi ng lalaking may malaswang mukha. Paano ko nasabi? Kung makatingin kasi siya ay para bang balak niya na akong hubaran. See that? Ang kapal ng mukha, hindi naman gwapo!



"I see. Gusto niyo autograph? Bigyan ko kayo later kapag natapos niyo na ang misyon niyo." Seryoso kong sabi na kinakunot ng noo nila. Binaba ko na rin ang kamay kong nakataas dahil nakakangalay makipag-kwentuhan sa mga kriminal.



Well, hinihintay ko rin kasing magsidatingan ang mga tao galing sa Military Sector at Government Sector. Kapag may mga ganito kasing gulo na nangyayari sa mga public places ay sila ang namamahala ng kaayusan sa lugar. Lalo na kung ang lugar ay pagmamay-ari mismo ng government.



Kaya naman kahit may kinalaman ang mga Eckheart at ibang mafia organization sa kaguluhan na 'to ay magiging responsibilidad pa rin ito ng dalawang sektor.



"Miss, nakikinig ka ba sa'min?! Gusto mo na bang mamatay?!"



Kalmado kong hinarap ang mga lalaki sa harap ko atsaka sila pasimpleng sinamaan ng tingin. Kung hindi nga lang nasa paligid ang mga male characters ay pasimple ko na silang pinatay ehh!



"Nakikinig ako sadyang hindi lang ako tumitingin sa mukha niyo." sabi ko na lang.




"At bakit, hah?!" galit na galit na sigaw ng isa. Tinaasan ko lang sila ng kilay atsaka sumagot.




"Ang papangit niyo ehh!"



Nagulat sila nang marinig ang sinabi ko pero 'di rin nagtagal ay napalitan ng galit ang mga mukha nila. Siguro ay natagalan sila sa pagproseso ng sinabi ko dahil hindi sila makapaniwala na ang babaeng pinapalibutan ng mga kalaban ay nagawang pang magsalita ng masama.



"Wala bang gwapo sa inyo? Yun ang iharap niyo baka ganahan pa ako ng konti." Natatawa kong sabi habang hinihinaan ang boses. Yung sakto lang para marinig nila.




Agad na umusok ang ilong ng mga lalaki at mabilis pa kay Flash na kinasa ang mga baril. Ako naman na feeling scared kuno ay mabilis na napaupo, sakto lang sa sunod-sunod na pagputok ng baril.



*BANG!*



*BANG!*



*BANG!*



*BANG!



*BANG!*



Nang imulat ko ang mata ko ay natagpuan ko na lang ang mga lalaki na nakahandusay na sa sahig. At dahil sa malapit lang sila sa'kin ay nagmistulang naligo ako sa dugo dahil sa mga dugo nilang tumalsik sa'kin. Ang puti ko ngang gown ngayon ay nagmukhang may design na pula dahil dito.



'Aiya! Kung may makakakita sa'kin sa labas ay aakalain nilang nabaril ako o kung ano nang dahil sa itsura ko ngayon.'




"Hey, you okay?"




Napaangat ko ang ulo ko nang marinig pamilyar na boses. Kaso paghangad ko pa lang ay ang napakagwapong mukha niya agad ang bumungad sa'kin. Nakasuot siya ngayon ng navy blue na tuxedo at nakaayos din ang buhok nito na pawang isang prinsipe.



'Aiya! Ito na ba ang eksena sa mga nobela kung saan ililigtas ka ng iyong knight in shining armor?'



"It's you!" Gulat kong sabi habang nakatingin sa mukha ni Vance. Yeah, ang nasa harap ko ngayon ay ang lalaking hinahanap ko kanina. Alam niya na kaya ang mga drama na nangyari sa magulang niya? Tsk!



"Hmm..." Pasimple lang siyang tumango bago ako tinalikuran at nagsimulang maglakad. Ako naman na nagulat ay agad na napatayo at mabilis siyang hinabol.



"W–wait, where are you going?!" Tanong ko sakaniya pero ang loko ay tinaasan lang ako ng kilay.



"None of your business." Malamig niyang sabi atsaka naglakad ulit paalis. Aba'y hindi yata maganda ang ugali ng hinayupak na 'to! Tama ba namang iwan ang magandang ako nang nag-iisa sa gitna ng kaguluhan?



'Sige, Carnelia! Ipagmalaki mo pa ang kagandahan baka sakaling gumana at isama ka nitong si Vance. Hayys! Ang sakit niya sa braincells!'




Hinabol ko na lang ulit siya atsaka hinarangan ang dadaanan niya. Kahit na nakakatakot ang ginagawa ko ay kailangan ko pa ring gawin. Hindi niya naman siguro ako papatayin agad-agad diba?




"H–hey, you can't leave me alone! I'm scared!" Kunwaring natatakot kong sai habang nakabuka ang dalawang kamay na pawang hinaharangan siya.



"You being scared has nothing to do with me." Seryoso na nitong sabi na kinalunok ko.



Grabehan na ang mga male characters dito! Ang sasama talaga ng ugali at wala man lang awa sa babae! Take note hindi lang basta babae, kung hindi maganda at matalinong babae! Tapos hindi man lang nila ako papansinin?!



'Kalma, Carnelia! Breathe in... Breathe out!'




"H–how could you be so mean? I'm a girl, so you should at least protect me." Naiiyak kong sabi habang nagpapanggap na nasasaktan kuno. Yikes! Nandidiri ako sa pinaggagagawa ko pero kailangan para sa bayan. P-pfft!



"I'm not a bodyguard and I believe in gender equality."




(-_-)




Napa-poker face na lang ako sa sinabi niya. Anong kalokohan ang naiisip niya at may pa-gender equality pa siyang sinasabi?! My gosh! Mababaliw na ako sa male character na 'to! Kaya ngayon pa lang ay nagsisisi na ako na siya ang bias ko sa puso ni Lilian!




"Are you really going to leave me behind?" Pagpapaawa ko ulit habang nagpu-puppy eyes sa harap niya.



Ewan ko nga kung cute ang kinalabasan ko o literal akong nagmukhang aso sa ginagawa ko. Geez! Bakit naman kasi ang hirap utuin ng lalaking 'to?! Wala man lang siyang binatbat sa cuteness ni Trider!



"Hey! Please, bring me with you. I'll behave." Sabi ko pa habang nakahawak ang dalawa kong palad sa isa't-isa na para bang nagmamakaawa sa lalaking 'to.



"No." May diin niyang sabi pero papatalo ba naman ako diba? Syempre hindi! Hangga't wala akong nakukuhang impormasyon tungkol sa kaniya ay hindi ako papayag na umuwing luhaan.



"Please?"




"Not at all."



Napakuyom na lang ako ng kamao sa sobrang inis. Konti na lang talaga at masasapak ko na siya. Hindi niya alam kung gaano ko pinipigilan ang sarili kong manakit sa sobrang asar sa kaniya. Tsk! Kailangan ko nang gamitin ang pinagbabawal na technique!



"Vance, don't leave me. Hmm? " Pagpapaawa oong sabi habang pinagdidikit ang dalawa kong hintuturo. Damn! Saan ko ba napanood 'to at naisipan ko pa talagang gawin sa isa sa mga male character?!



Hindi ko pa tapos pagalitan ang sarili nang bigla siyang maglakad papalapit sa'kin. Mabilis niya ring nahawakan ang kamay kong nakaharang sa daraanan at agad itong binaba.



"What did you just call me?" May halong pagbabanta niyang tanong habang nakahawak ng mahigpit sa braso ko.



"Vance." Kunwaring inosente ko pa ring sabi habang pinipigilan ang mapangiwi. Ito kasing animal na 'to kung makahawak ay sobrang sakit. Hindi man lang naisip na, "I'm weak and vulnerable!"




"Don't call me weird names and stay away from me." Banta niya ulit na kinatango ko na lang. Sa itsura niya kasi ay parang kakainin niya na ako ng buhay, kaya mas mabuti na huwag na natin siyang galitin baka biglang manaksak ehh.



"F–fine, but let me follow you."



"No."



"Just this once, I'm really scared! I don't want to die!" Naiiyak kong sabi pero nanatili lang siyang nakatingin sa'kin bago nagsalita na kinahina ng sistema ko.



"I don't care."



Pagkatapos niyang sabihin yan ay nagsimula na siyang maglakad paalis. Hindi na rin ako nagsalita pa dahil naiinis talaga ako sa nangyayari. Napaupo na lang ako sa gilid ng hallway at yumuko. Sumakit ang ulo ko sa kaka-acting tapos balewala lang pala sa hinayupak na 'yon.



Atsaka ang sakit na rin ng paa ko sa heels na suot ko ngayon. Ikaw ba naman sumayaw sa stage na mas marami pa ang pagpadyak kaysa sa paggalaw ng kamay, ewan ko lang kung hindi sumakit paa mo.




Napahinga na lang ako ng malalim bago inangat ang paningin. Tatayo na sana ako nang makita na may sapatos sa harap ko, kaya naman agad akong naging alerto at tinaas ang ulo.



"Let's go."




O_O




Napatulala na lang nang makita na naka-crossed arms sa harap ko si Vance ngayon. Naka-poker face lang siya habang nakatingin sa'kin nang seryoso. Ni hindi ko nga malaman kung anong iniisip niya at nandito siya ngayon.



"What? Are you going or not?" Naiinis niyang tanong na kinangiti ko na lang.



"I'm going! I'm going! You're so nice!" Natutuwa kong sabi atsaka mabilis na tumayo.




"Stop blabbering." Suway niya sa'kin na kinatango ko na lang kahit na hindi niya nakikita. Naglalakad kasi siya sa harap ko ngayon kaya hindi niya nakikita ang nakangisi kong mukha.



"Okay, okay!"



Habang naglalakad kami ni Vance ay panay ang tingin ko sa paligid. Samantalang ang lalaki sa harap ko ay kung maglakad ngayon ay parang walang mga kalaban sa paligid. Diretso lang ang lakad niya papunta sa elevator. Okay?



"Where are we going? Why are we taking an elevator?" tanong ko nang makarating kami sa harap.



"What do you think?"



"What I think is that it is not a good idea. We should be more cautious and go down using the stairs." suhestyon ko sa kaniya.



"No, it's tiring." seryoso niyang sabi na kinataas ng kilay ko. Ang arte ng lalaking 'to at pati paglalakad sa hagdan ay ayaw.



Actually, kaya ko lang naman gustong dumaan doon ay dahil sa mga nababasa kong novel. Kadalasan kasi ay magandang magbarilan kapag nasa hagdanan, yung tipong naghahabulan kayo doon tapos magpapalitan ng putok ng baril. Aiya! That's so cool!



Kaya lang ang arte ng kasama ko at ayaw ng adventure kaya naman nasa loob na kami ng elevator. Pagkapasok pa lang namin ay agad ko nang nai-imagine ang aabutan namin kapag bumukas ang pinto.



"But what if there are so many enemies waiting for us?" kunwaring kinakabahan kong tanong habang nakasandal sa gilid. Tinignan niya lang ako bago sumagot na kinatigil ko.



"Kill them. All of them."



"O–okay." Sabi ko na lang dahil masiyado na siyang seryoso sa lagay na 'to. Nakakatakot galitin at baka sa'kin niya gawin yung sinabi niya.



"And who says we're going down? We'll be on the rooftop." Bigla niyang sinabi nang mapansin niyang nakatingin ako sa number ng floor kung nasaan na kami ngayon.



"Why?" Tanong ko kahit na may ideya na ako kung bakit.



"Chopper." Sagot naman niya na parang wala lang sa kaniya ang sinabi. Geez! So rich!



Nang huminto ang elevator ay agad niya akong hinila papunta sa likod niya. Ngayon ay kitang-kita ko na wala pa kami sa rooftop kaya alam ko na may problema sa taas. Aiya! This is it!



"Stay behind me."



"Okay, sir."



Pagkabukas ng elevator ay agad akong tumago sa likod ni Vance nang makita ang tatlong kalaban sa labas. Mabilis na gumalaw ang tatlo pero sadyang mas mabilis lang sa kanila si Vance dahil wala pang ilang segundo ay may tama na sila ng bala sa kanilang mga noo.



*Gulp*



"These people are so dirty. It's extremely vexing." Dinig kong reklamo niya sabay labas ng elevator.



Hindi na rin ako nagkomento pa dahil kita ko na ang pagka-seryoso sa mukha ni Vance. Nakakahiya namang mag-ingay at baka bigla niya akong iwanan dito. Geez! Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo.



"Van- I mean, young master, I don't think that we're going the right way."



"I know."



"But why? I thought that we were going to the rooftop." Nagtataka kong tanong pero sinamaan niya lang ako ng tingin.



"Don't ask me. If you're not here with me, I'm already there."



"Am I annoying?" kunwaring malungkot kong sabi. Baka sakaling maawa siya sa'kin at hindi magsabi ng totoo, pero mukhang nakakalimutan ko yata ang characteristics nitong si Vance.



"Yeah, very."



'Shit! Masiyado siyang masakit magsalita!'



Natahimik na lang ako nang maramdaman na bumagal ang paglalakad ni Vance sa harap ko.



"Look here. We were going straight there. You should be aware that there were so many annoying guys there, so you better keep close to me." seryoso nitong sabi.



Agad ko naman siyang sinunod at lumapit sa kaniya. Nang makalipas ang ilang segundo ay hindi pa rin siya naglalakad ay napatingin na ako sa kaniya. Ngayon ay masama ang tingin niya sa'kin na pinagtaka ko na naman.



'Aiya! Ano bang problema ng animal na 'to at ang daming reklamo sa'kin?'



"What are you doing?"



"I thought that I should keep you close to me." Mahina kong sabi na para bang bata sa pinaggagagawa ko. Yikes!



"Yeah, but don't get too close. Understand?" Nakakunot noo niyang tanong na naging dahilan para tignan ko kung gaano kami kalapit sa isa't-isa.



Nakahawak ako likod niya at may ilang inches din ang layo sa'kin kaya hindi pa rin naman ako madidikit sa kaniya. Seriously? Gaano ba 'to kaarte at ayaw magpahawak?! Wala naman din akong nagawa kung hindi ang lumayo ng konti.



"Is this space enough?" Pilit ngiti kong tanong.



"It's alright, but don't touch me."



"Okay." sabi ko na lang at hindi na siya hinawakan.



Pagkarating namin sa isang hallway ay may daanan sa kaliwa at kanan kung kaya't napatigil ako sa paglalakad. Humarap sa'kin si Vance atsaka seryoso akong hinawakan sa balikat.



"The next hallway is full of enemies, so you need to stay here and wait for me. Do you get it?"



Nang makita na seryoso siya ay mabilis akong tumango. Dinig ko rin kasi sa pwesto ko na mas malakas ang pagsabog sa kabilang parte nitong palapag kaya alam ko na mas marami ang kalaban na naghihintay doon.



"Yes, I get it." Nakangiti kong sabi na kinatango niya.



"Alright, be good."



Mabilis na nakalakad palayo si Vance habang hawak-hawak nito ang dalawa niyang baril. Ako naman na masunurin ay nagtago sa isa mga poste na nakatayo dito. Nagbabakasakali ako na walang makakita sa'kin pero ano pa bang aasahan ko diba?!



Sa galit ng author sa character ni Heavenhell ay agad akong natunton ng mga lalaking nakaitim.



"There's someone here!" Sigaw ng isa nang makita ang pigura ko sa tinataguan ko.



"Fuck! It looks like I need to run!" naiiling kong sabi atsaka mabilis na tumakbo. Mabuti na nga lang at nabawasan ko na ang haba ng gown ko kung kaya't mabilis akong nakakatakbo ngayon.




"Go after her! Don't let her escape!"



Nang makita ang dami ng lalaking humahabol sa'kin ay mabilis akong tumakbo papunta sa emergency exit. Ayaya! Mukhang matutupad ang adventure kong habulan sa stairs scene!



Tumakbo ako pababa ng hagdanan at dahil sa malalaki silang tao ay mabilis lang nila akong maaabutan kung hindi ako tatalon pababa. Aiya! Parkour na ba ang solusyon?




Hindi na ako nag-isip pa at mabilis na tumalon papunta sa kabilang side ng hagdanan. Mukhang nagulat pa nga ang mga lalaki dahil bigla silang napahinto sa pagtakbo. Hehe! Sorry, boy, sadyang sanay lang ako sa habulan!



Pumasok ako sa pinto nang makita ag floor number. Nasa 32th floor na ako ng gusali ibig sabihin ay malayo-layo din ang tinakbo ko. Pumasok ako sa malaking hallway at mabilis na tumakbo.



Nang makita na may mga lalaking nakaitim sa 'di kalayuan ay agad kong binuksan ang kwartong nasa gilid ko para magtago. Sa dami nila ay hindi ko sila kakayanin na takbuhan lahat. Hindi ko naman sila pwedeng patayin dahil malilintikan ako nito.



Napahinga na lang ako nang maluwag,  pero hindi pa ako tuluyang nakakahinga ay agad kong napansin ang kakaibang itsura ng kwarto.



Marahan kong nilibot ang aking paningin hanggang sa dumako ang mata ko sa kama, kung saan doon ay nakahiga ang duguang babae na wala nang buhay.




'Da–damn! Did I just send myself to the demon's den?'



Napatigil ang paghinga ko nang mahagilap ng mata ko ang pigura ng lalaki na nakatayo malapit sa bintana. Ngayon ay ramdam ko ang pataas ng balahibo ko lalo na't nang makita ko kung ano ang hawak nito. A knife...



"I'm sorry, I entered the wrong room. I'll go now. "



Tatalikod pa lang sana ako nang marinig na automatic na nag-lock ang pinto, maging ang mga bintana ay isa-isa na ring nagsara. Nanlamig lang lalo ang buo kong katawan nang marinig ang malamig nitong boses.



"Who are you?"




'I'm your mother! Damn!' 



_______________________________________


Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...