A Martial's Query (Saint Seri...

Par gereyzi

22.7K 1K 787

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... Plus

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 25

463 31 29
Par gereyzi

Chapter 25
Moments

"Dad, what do you want for breakfast?" tanong ko kay Daddy kinabukasan matapos ko syang makita sa harapan ng aking bahay.

"I already cooked," nakangisi nyang sagot bago tumayo mula sa couch at dumiretso sa kusina. Nagtataka naman akong sumunod sa kaniya.

"Wow!"

"Told you," Mayabang na sagot ni Dad kaya natawa ako at inalalayan na siyang maupo.

Hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan nya. Pakiramdam ko'y dinagdagan ko lang ang alalahanin nya nang magkwento ako ng aking problema kagabi. I told him everything without mentioning any name. All he did is to listen. Nagulat lang ako at mas lalong umiyak nang malaman kong may sakit pala sya sa puso. I ached at that even more.

"Dapat ay hindi na ho kayo nag-abala, Dad," sabi ko nang makaupo ako sa kaniyang harapan.

"Ano ka ba? I'm fine!" aniya at bahagya pang tumayo. Kaagad siyang natumba dahil doon. Kaagad akong tumayo at nagmamadali siyang dunaluhan.

"Dad!" mabilis kong sinalo ang ulo nya nang muntik na itong lumapat sa sahig. "I-I'll bring you to the nearest hospital."

Mabilis akong tumakbo sa aking kwarto para kumuha ng susi ng sasakyan. Pinilit kong buhatin si Daddy palabas ng bahay, nagulat pa ako nang makita kong naroon si Konon at may nilalapag na box sa harapan ng aking pintuan.

"Is... is everything fine?" tila gulat na gulat nyang tanong. Naiyak na ako dahil doon.

"Help us, please... I... I can't carry him—"

"Ako na ang bahala. Umuna ka na sa sasakyan," putol nya sa akin at mabilis na kinuha sa akin si Dad para buhatin. "Calm down, Liah."

Natataranta akong nagtatakbo papunta sa elevator at doon sila inabangan, nang bumukas ay kaagad kong pinindot ang ground floor. Mabilis kaming nakarating sa ground kaya naman kumaripas na ako ng takbo papunta sa parking lot. Mabilis kong binuksan ang aking sasakyan at nang makarating sila ay dali-daling nagmaneho papuntang ospital.

Si Konon ang nag-asikaso kay Daddy nang mga oras na iyon. May mga sinasabi pa sya sa akin na hindi ko naman maunawaan dahil pakiramdam ko'y sasabog na ang dibdib ko sa kaba.

"Ameliah," tawag pansin sa akin ni Konon nang hindi ko sya marinig.

"Ha?"

"Call Chano. You need assistance here," aniya. Tiningala ko siya dahil doon at tumango.

"I will," sagot ko nalang.

Tinitigan ako ni Konon dahil doon. May hawak siyang kung ano na siyang sinusulatan niya at mukhang pati sakin ay nastress na rin sya.

"Again, you need to call your husband and ask him to be here for you. There will be a doctor to explain to you later about your dad's condition," huling sabi nya bago ako iwan.

Nang oras na iyon ay sinubukan kong tumawag kay Chano pero walang sumasagot. Tumawag din ako sa office nya pero wala rin kaya naman nanatili na lang ako sa labas ng kwarto ni Dad.

Baka naman busy. That's fine.

"Have your dad told you that his illness is very dangerous?" ani Doctor na syang dumalo kay Dad. "He has to go back to Ireland for his treatment dahil doon siya nakatakda talaga base sa papel na inabot nya sa akin kanina."

"Anong ibig mong sabihin, Doc?" nalilito kong tanong.

"Nakiusap ang ama mo kanina na wag namin syang gamutin dahil nakahanda naman daw sya at ang gamot nya... sa Ireland."

"Ah, ganoon ba? Sige, Doc. Thank you."

"Dad, naman e!" umiiyak kong sugod kay Daddy nang pumasok ako sa kaniyang kwarto matapos makausap ang doctor.

Kaagad akong dumiretso sa aming mga gamit at nilingpit iyon pabalik sa aking bag.

"Tara na. Sasamahan kita pauwi," halos humagulhol ko nang sabi. Nilingon ko si Dad na ngayo'y nakapikit pero nakangiti pa rin. Mas naiyak ako dahil doon.

"Wala pa ang service natin, anak," sagot nya sa akin. Natigilan ako dahil doon. "Papunta pa lang—"

"Anong... anong walang service? You just told the doctor that you are prepared!" naiinis ko nang sabi. Magsasalita pa sana ulit ako nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Konon na may ilang men in black na kasama.

"I still have available plane, you two can use it immediately," ani Konon na mabilis na lumapit sa akin at kinuha ang aking bag.

"Konon," banta ko.

"This is the last time, don't worry," aniya at ngumiti pa. Nanginig ang aking labi dahil sa pagpipigil ko ng aking luha. Hindi ako umimik at hinayaan siyang tulungan na naman ako.

Gaya ng sabi ni Konon, tinulungan nya kaming mabilis na makaalis ng bansa. Buong oras na nasa byahe ay umiyak ako nang umiyak habang si Daddy ay tulog sa aking tabi.

"Don't worry. Even if this is the last time, always remember that you are loved and cared whenever you feel helpless," Konon said as he rubs my arm. Kasunod nyang ginawa ay inilagay ang takas na buhok ko sa aking tenga. "Ikaw palagi, Liah. Ikaw lang ang mamahalin ko ng ganto dahil tahanan ka para sa akin."

Those wonderful words. Those were the last ones.

He's so kind to me and it hurts so bad! Why do I have to be in this situation? I hate Konon so much!

"Cry all you want," biglang sabi ni Dad na syang nakapagpatiligil ng iyak ko. Tinapik-tapik nya ang aking likuran pero mas naiyak ako. "I don't know if you're crying about me but let all your frustration and pain flow," he added.

Lumipas ang mga araw. Nagsimula ang pagpapagaling ni Dad pero tila walang improvement. Parang lalo lang lumalala ang sakit nya. Wala naman akong magawa dahil hindi ako eksperto sa ganon. Pakiramdam ko sa bawat araw na lumilipas ay unti-unti syang nawawala sa amin. Hindi ko na rin sinubukan tawagan si Chano dahil sa takot na baka madagdagan ko lang ang isipin nya. Napag isip-isip ko na rin hahayaan ko muna ang mga bata sa kaniya dahil mas naaalagaan nya ang mga ito. Babalikan ko naman sila, basta wag lang ngayon dahil si Dad ang top priority ko. Saka... nevermind.

"Liah, bangon na!" tawag sa akin ni Anabella mula sa labas ng aking kwarto. Last week lang sya dumating dahil sa trabaho. It's been a month since I stayed here.

"What time is it?" tanong ko nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"It's... passed nine," sagot nya. Tumango ako.

"Susunod na ako," sagot ko. Akmang isasara ko ang pinto nang harangan nya ito. I was about to talk pero nagulat ako nang yakapin nya ako. "Hey..."

"Sorry," she sobbed. "I really am sorry for being a bitch and shallow minded. I really am sorry!"

Nang sabihin ni Ana iyon ay napangiti ako. Dahan-dahan ko siyang niyakap pabalik at hinalikan sa ulo.

"It's okay."

Pakiramdam ko, sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay ay ang pagtatanim ng sama ng loob ay wala nang puwang sa akin. Hindi sa ayos lang sa akin ang ganon na pangyayari kundi may mga bagay at sitwasyon talaga sa buhay natin na dapat daanan. Bawat sitwasyon ay may matututunan dapat tayo. Palaging ang lesson ang syang pinagtutuunan ko ng pansin.

I was raped, yes. But does that stop me for overcoming my fear? Does living with it will help me survive? No. May kanya-kanya tayong problema kaya ganoon din sa solusyon. I chose to forget and fight for my future. Who am I to live in the past, anyway? We always and have to move forward para makapagpatuloy.

"Okay, guys, gather around!" sigaw ni Serpent dala ang kaniyang camera. Kaagad kaming nagsiksikan sa upuan habang nasa gitna naming magkakapatid si Dad.

Kasalukuyan kaming nasa restaurant para magtanghalian. We've been rebuilding our family. Wala ni isa sa kanila ang gustong pag-usapan si Mommy kaya hinayaan ko nalang.

"Get up, move forward, and fight with Apple Fitness Juice."

Tahimik akong ngumiti nang makita sa malaking TV screen ng restaurant si Konon. It was his commercial. Hindi ko alam na talagang hanggang dito ay abot ang kasikatan nya.

"Wala ba talagang chance, Ate?" bigla akong siniko ni Serpent. I just smiled at him. Sila Ana at Kuya Sentinel ay tahimik na ngumisi habang si Dad nama'y naging abala sa pagkain.

"Breaking news: The famous star from Philippines— Konon Dior, together with his screen partner just arrived for the shooting of their upcoming movie."

"Whoah!" ani Kuya. Lantaran nya akong nilingon at nanlalaki pa ang mata. I shook my head.

"I'm choosing Chano and the kids," I told him... dishonestly.

"Why don't we go now? It's pretty late already for my siesta," biglang salita ni Dad. Nagkatinginan kaming magkakapatid dahil doon. Si Kuya ang tumango kalaunan.

"Right. I also have to pick up my kids, too," aniya at tinawag na ang waiter para makapagbayad.

"Liah, it's been a month. Wala kang plano bumalik sa Pinas?" tanong ni Kuya nang palabas na kami.

"Saka na kapag ayos na si Dad, Kuya," sagot ko.

"Have you called Chano? Have you checked the kids?" tanong ni Ana. Natigilan ako dahil doon.

"I called... the kids," sagot ko. "Saka na si Chano," sagot ko at nagpatuloy na sa paglakad.

Sa totoo lang, hindi ko na alam. Chano is a well-known lawyer kaya isang search lang sa social media ay lalabas agad ang mga ganap sa kaniya. At hindi naman ako tanga para isipin na wala lang sila ni Zoe. Ayos lang sa akin yon, to be honest. Paulit-ulit lang naman namin pinipilit sa sarili namin na kami ang para sa isa't-isa kahit ang totoo ay hindi. Harap-harapan na ang ebidensya. Hindi ko pwedeng sabihin na si Konon ang para sa akin, pero kaya kong pumusta na si Chano at Zoe ang para sa isa't-isa. And I don't have any problems with it. Ang mga bata lang ang naiisip ko.

Habang tumatagal kasi... lalong lumalabo ang nararamdaman ko kay Chano. Kahit ipilit ko sa sarili ko ay wala na talaga. Naiiyak ako sa katotoohanang yon pero hindi ko naman pwedeng iwasan habang buhay.

Saka ko na siguro sasabihin sa pamilya ko ang lahat kapag nakausap ko na si Chano.

Ilang araw pa ang lumipas. Wala na kaming ginawa kundi ang magpauli-uli sa ospital at sa bahay dahil ayaw naman ni Daddy magpa-confine.

"Tinawagan mo na ba si Serpent? He told me he'll pick us up," sabi ni Dad habang tinutulak ko ang wheelchair niya papunta sa park na malapit sa ospital.

"He'll be here anytime," sagot ko habang nakatingin sa cellphone para i-check kung may text ba ang kapatid ko. Wala syang paramdam.

"Wow! Looking great, Martial!" nakangiting bati ng manager ng park kay daddy.

"Same to you," tila tuwang tuwa na sagot ni Dad. Ngumiti ako at tumango bago ipinagpatuloy ang pagtulak kay Dad.

"Please, don't go near the pond! There's a film shooting!" huling sigaw ng manager kaya naman iniwasan namin ni Daddy na pumunta roon.

"I'm still wondering what film they're doing," ani Dad nang matanaw namin ang pond mula rito sa kabilang street. Maraming tao doon at mukhang seryoso ang scene na isinasagawa roon.

"Let's just wait for the news later. I'm pretty sure it'll be out," sagot ko.

"Why don't we sneak in? There are people there!" pagpupumilit ni Dad. Sinamaan ko sya ng tingin bago bumuntong hininga.

"Saglit lang tayo, ha?"

"Oh sure, dear!" masiglang sagot ni Dad.

Kahit pagod at masakit na ang paa ay itinulak ko ang wheelchair ni Dad papunta sa kabilang street. Mula sa malayo pa lang ay rinig na rinig na ang pasimpleng sigawan ng mga tao. Karamihan ay mga Pinoy. Wala nang ginawa ang mga staffs kundi ang patahimikin sila.

"Ang gwapo, lintek!" sabi ng isang nakasalubong namin.

"Kung wala lang akong alaga, e!" angal.naman ng isa.

Nang makarating kami sa shooting area ay natigilan ako nang makita si Konon. Nasa gitna sila para sa scene na ginagawa ng kanilang team. Kissing scene.

"Okay, perfect!" malakas na sigaw ng direktor.

I saw how they kissed each other passionately. Nakahawak sa batok at panga ng babae si Konon habang ang babae nama'y nakakapit sa kaniyang damit. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko exactly pero gustong lumakad ng paa ko palayo sa lugar na ito.

"Cut!" muling sigaw ng direktor. Nag-iritan ang lahat pati na anf staffs dahil doon. Nanatili naman ang tingin ko kay Konon na akma nang lalayo sa babae pero hinigit siya nito palapit lalo.

Ang sakit kahit walang nananakit!~

Mag-uumpisa na sana akong madismaya nang biglang lumayo si Konon sa babae. Natigilan ang lahat dahil doon.

"Don't you like my behind the scene kisses?" tila napapahiyang sabi ng babae.

"I don't," ngumiti si Konon. Hinawakan nito sa balikat ang babae. "We're here for work. I don't have any intentions for you but pure work," he added before leaving to go to his tent.

"Why don't we go to our next spot?" biglang tanong ni Dad. Wala sa sarili akong tumango at muling tinulak ang wheelchair.

"The boy is a man," usal muli ni Dad nang lakarin namin ang parke. "If that's another boy, sigurado akong papatulan nila yon. Hindi dahil sa tempasyon kundi dahil sa trabaho."

"Baka nga po," sagot ko na lang. I started calling Serpent dahil nagsisimula na akong mailang sa atmosphere ng paligid.

"Oo, Ate I'm on my way," sagot ni Serpent at tila nagmamadali.

Hindi ko alam kung gaano pa kami katagal lumibot ni Dad hanggang sa mapagod na ako at napagpasyahang maupo na lang muna sa bench.

"When do you plan to visit here, Dad? Para alam na ni Pento kung kelan sya dapat mag-leave sa trabaho," usal ko habang inaayos ang pwesto ng wheelchair.

"Nah. I think this is my last visit here. Napapagod ka lang, anak," sagot ni Dad. Napangiti ako dahil doon.

"Tama, Dad. Ang bigat mo pa," biro ko kaya natawa sya. I was about to talk again nang makita ko sa di kalayuan si Konon na abala sa cellphone.

"But are you sure that no press has seen her?" yan ang naabutan kong marinig na sinasabi nya sa kausap.

"What? So she left? With who? With her dad? Bakit hindi ko sila nakita sa shoot kanina?" nagmamadali nyang sabi sa kausap. "You think Liah saw how my partner kissed me behind the scene?"

Nang akma syang lalagpas sa amin ni Dad ay nagpanggap na akong nauubo para makuha ang atensyon nya. Natigilan siya doon at gulat na gulat akong nilingon.

"A-Ameliah," nauutal nyang bati. Lumapit siya at tila pahiyang-pahiya. "I thought you left already. Sir, good afternoon," dagdag nya at bumati kay Dad na tumango lang sa kaniya.

"We're about to," ngumiti ako at tumayo na. Pumunta ako sa likuran ni Dad para ihanda na sa pag-alis. Nakakahiya.

Itinulak ko ang wheelchair ni Dad. Sobrang nahihiya ako sa di ko malaman na kadahilanan kaya naman pinilit kong magmadali.

"Ameliah, please!" biglang tawag ni Konon nang makatalikod na kami.

"Go, anak. Talk to him," seryosong sabi ni Dad. Iiling pa sana ako pero sinamaan nya lang ako ng tingin kaya wala akong nagawa kundi harapin si Konon.

"What is it?" salubong ko kay Konon.

"I..." panimula nya. Tumaas ang kilay ko para ipakita na nag-aabang ako sa sasabihin nya. Mas napahiya lang ako nang humarap si Dad at panoorin kami. I had no choice but to pull Konon far from what can Dad see but can't hear.

"What?" ulit ko. "Can we make this quick? Iinom na kasi ng gamot si Dad," dahilan ko.

"I just wanna say... I'm sorry for being here in front of you again," aniya at kumamot pa sa batok. "It's funny, right? I've been bidding my goodbyea since I don't know yet we still keep seeing each other," he added. Tumitig ako sa kaniya at umiwas din dahil sa kakaibang emosyon na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung ano ito pero pakiramdam ko ay natatakot akong  magsabi ulit sya na hahayaan na nya ako dahil tingin ko ay huli na talaga ito.

"It's okay. Coincidence, I guess?" I smiled at him kahit kabang-kaba ako. "Uhh... should I go now? I'm pretty sure you'll be staying here a bit more than me, e," dagdag ko.

Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa. Ilang beses na bumuka ang bibig niya pero walang lumalabas na salita dahil sa pagpipigil nya. Hindi ko alam kung parehas ba kami ng nararamdaman sa ngayon pero isa lang ang sigurado ako, gusto ko nang maglupasay sa sahig dahil ayaw lumabas sa bibig niya ang mga katagang gusto ko maranig.

"Yeah, I... I think you're right," he replied later. Para akong sinampal dahil doon. Tumango ako.

"I should go," tinuro ko pa ang daan papunta kay Dad. "You... you take carw of yourself," dagdag ko bago nag-umpisang maglakad palayo. Nakailang lingon pa ako pero nakatingin lang sya sa akin kaya naiinis lang ako.

Disappointed akong lumapit kay Dad. Inis na inis ako sa kanya kahit ako itong magulo. Naiinis ako sa sarili ko kasi naiinis ako sa kanya—

"Ameliah?"

Kaagad akong lumingon kay Konon nang banggitin nya ang pangalan ko. Umaasa akong lumingon sa kanya.

"Take care of yourself, too," aniya. Mas nasira lang ako mood ko. "And please know that I miss you every single day," he added bago naunang umalis.

Hindi ako nakaimik dahil doon. Lumapit ako kay Dad at tuluyan na syang itinulak palabas ng park dahil sabi ni Serpent ay nasa labas na sya.

I must admit, after a very long time ay sumaya ulit ako ng totoo kahit sa kapiranggot na oras at salit na galing kay Konon.

I don't know what's with me at napakababaw ko talaga pagdating sa kanya.

Muling lumipas ang ilang araw. And those are hardest day dahil walang araw na hindi pumupunta ang doktor sa bahay para tingnan sya dahil mas lalo siyang humihina. Hindi ko alam kung anong iisipin pero hindi ko talaga maiwasang mag-overthink. I love Daddy so bad.

"How was he?"

Mula sa pagtitig kay Daddy na nakahiga sa kama ay nilingon ko si Serpent na kadarating lang galing sa trabaho.

"He's... he's getting weaker and weaker," mahina kong sabi. May kumawala na hikbi sa akin kaya mabilis akong niyakap ni Kuya.

"Hush now..." marahan na bulong niya at tinapik tapik ako sa balikat. "Just be ready for what might come next. Sinundo ka lang nya para kumpleto tayong apat."

I know that.

"Please, bear with me and my fragile heart. I am so not ready, Kuya," umiiyak kong sabi.

"It's okay..." agap niya. "You're the closest to him kasi pinalambot mo ang puso niya. All he wants right now is for us... for you, to stay strong."

Matapos ang saglit na pag-uusap namin ni Kuya ay mabilis na rin naman siyang umalis dahil sa biglaang tawag sa trabaho. Ang ginawa ko nama'y nanatili ako sa kwarto para linisin ang pinagkainan ni Daddy. Wala ang ibang kapatid ko dahil lahat sila ay nasa trabaho, tanging ako lang ang may libreng oras.

"Anak, Ameliah..."

Mula sa paglilinis ko ng kalat ay mabilis kong nilingon si Daddy na ngayo'y mulat at nakangiti sa akin. I saw how his eyes are tired. Mabilis akong umiwas ng tingin dahil para akong matutumba na dahil sa panginginig ko. Hindi ko kayang tingnan siya ng ganto.

All my life he's the only one who cared for me in our family. Hindi nya ako kadugo pero kinupkop nya ako at binigyan ng lahat ng gusto at kailangan ko. Hindi man sya katulad ng iba na showy pero alam ko, ramdam ko na tinuring nya talaga akong anak. Pinakulong nya ang asawa nya para sa katarungan ko. If that's not love, I don't know what to call that then.

"Play a music, please?" muling sabi ni Daddy kaya wala akong nagawa kundi buksan ang maliit na speaker sa kaniyang tabi.

"What song, Dad?" I asked. I turned my phone on at ni-connect sa speaker. "Old song?" I smirked to make a joke. Bahagya siyang tumawa at umiling.

"A song that speaks yourself right now," halos pabulong na niyang sabi. Napaisip ako dahil doon at pilit na inalam kung ano nga bang gusto ko sabihin sa kaniya na hindi ko masabi dahil ayaw kong isipin nya naaawa lang ako sa kaniya.

"Ah, I know one, Dad," ngumisi ako at pinatugtog iyon.

"Hold my hand, anak," aniya kaya ginawa ko iyon. I held his hand, nagulat pa ako nang maupo siya. "Let's dance? I don't get to dance with you when you turned eighteen, right?"

"Yeah, right. I remember you're out of town that time, e," I smiled at him. Inalalayan ko siyang tumayo gaya ng gusto niya.

Nanginginig at nanghihina ang kamay ni Daddy nang hawakan niya ako sa bewang. I even guided him dahil hindi na sya halos makagalaw.

Nang makaayos kami ay nagsimula na kaming mag-sway sa kanta.


Moments
by: Micah Edwards

You, you make me feel
Some sort of way
Never loved so much that it pains
When I'm with you, and when you're away



"Wanna know a secret?" Daddy whispers. Natawa pa ako dahil para siyang bata.

"Sure. What is it?"

"When you were a little, you and Chano are inseparable. You always tell me that he's just an annoying kid who wants to tag along for your lunch," he said while smiling gently.

"Okay, what's the secret there?" tanong ko. Marahan kong isinandal ang aking balikat sa kaniyang dibdib.

"Wala naman. I just said it because it kinda sounds cool."

"Dad, naman!"




My thoughts are so incomplete
I can't put my finger on this feeling
I wanna call it love
But I'm not convinced that is all it is




"But what confuses me is the way you looked at this boy from the park weeks ago, anak," biglang salita ulit ni Dad. Bahagya akong natigilan dahil doon.

"What's with it?" I chuckled nervously.




I know someday
I'll have to say goodbye
I'm losing time
All the moments that I get to share with you




"I just don't know how you two can talk so casually when it's too obvious that you missed each other so bad!" aniya na ikinaiwas ko ng tingin.

"Dad, ano ba? Babalikan ko si Chano sa Pinas," I said firmly.

"Then what's with the look kanina when you told him to take care of himself?"

"Wala yun, Dad."




As I watch you sleep
Between a momentary consciousness
And somewhere in your dreams
I feel the weight of a moment
Spent without you




"Ang sa akin lang, anak, ayaw kong mabubuhay ka sa pagsisisi dahil lang... pinili mong maging responsable," dad preached. Hindi ako nakaimik dahil doon.

"Ako anak, paalis na ako kahit anong oras—"

"Daddy!" saway ko sa kaniya kaya natawa sya.




I know someday
I'll have to say goodbye
I'm losing time
All the moments that I get to share with you




"Basta alam kong sa dinami-rami mong pinagdaanan at nakasalamuha... ay wala kang lalake na tiningnan ng katulad nang ginawa mo kay Dior, Liah," he smiled and kissed my cheek. "It's such a shame of me because I never looked at your mom the way you looked at him. The adoration and longing is very evident, anak."

Nang sabihin iyon ni Daddy ay hindi ko na naiwasang mapaiyak. I hugged him tight dahil pakiramdam ko'y sinampal ako ng katotohanan na pilit kong iniiwasan.





This moment has passed away
Maybe that explains all these feelings
Could I find a way into your dreams somehow?
But you need your sleep, so I'll





"The moments do fade away, anak," bulong nya sa akin. Mas sumakit ang puso ko nang maramdaman ko ang paghahabol niya ng hininga. Aalisin ko dapat ang yakap niya sa akin pero mas hinigpitan nya ang kapit sa akin. "Choose what your heart desires, Liah. Choose what brings comfort for your chaotic heart."




I'll see you in the morning
I'll see you in the morning
I'll see you in the morning, yeah
I'll see you in the morning, oh




"I may not see you in the morning, anak, but I'm pretty sure I'll see you happy someday. Mahal na mahal kita, anak ko."

That night, Dad bid his goodbye to me through his last dance with me and advice. I don't have any idea what should I do next now that he's already gone.

My moments with him won't fade away. Not one bit.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...