One shot stories (gxg)

By ronschavez

217K 2K 170

Ito ay one shot stories lamang ang mga chapter ay hindi po magkakadugtong kundi iba iba pong storya.. Hango p... More

Second Chance
Kaibigan nga lang ba talaga?
My one night stand turns to Forever
My Forever Love
Author's note
Stepsister (1)
Stepsister(2)
My Ex-boyfriend's Bestfriend
My Highschool Crush(Part 1)
My Ex-boyfriend's Bestfriend (part 2)
Imperfect LoVe
My Highschool Crush (part 2)
Author's Note
AUTHOR'S NOTE
Why Can't it Be (teacherxstudent)
Why Can't it be(2)
Girl Next Door(SPG)
My workmate
Miss Dream Girl
Selfless Love
Miss Dream Girl(part2)
heyy!
Highschool Crush (Part 3)
My Half Fairy Girlfriend
Love Affair
Loving Patricia
Loving Patricia (2)
Loving Patricia 3
Loving Patricia 4
Loving Patricia 5 (end)
Soul Meets 2
Soul Meets 3
Soul Meets 4
new story
Part of me is YOU

Soul Meets 1

942 29 2
By ronschavez

'Paalam' isang masakit na salita na nagpapalabas ng luha. Napaiyak naman kasi ako sa mga narinig ko.

I am homophobic pero these two beautiful ladies na nasa coffe shop namin na nag-iiyakan I think they are lovers. Sorry ha Marites kasi ako, di ko naman sinasadya na marinig pag-uusap nila.

Ayokong may nakikita na mag jowa na same sex pero parang exempted sila, di ko nga din alam baka dahil sobrang ganda at sobrang babae kumilos di halata.

Napapahid ako ng luha ko nung sabi ng isa "Paalam, Pat" at iniwan si ateng pretty sa table. Naawa ako sa itsura niya parang talunan sa online sabong. Di nagtagal ay umalis na din siya.

How sad naman to witness ng ganung scenario.

"Mam Mich, nanjan na po si Sir Gregg" Lyka told me.

----------
----------

Michelle's POV

I'm in my usual spot. Sa park na malapit sa isang hospital na malapit din sa village namin. Lagi akong nandito basta gusto kong mapag-isa at lumayo sa bahay. Si Papa at si Mama as usual laging nag aaway sa mga bagay na di mapagkasunduan. Si Kuya Niel naman laging nasa barkada palaging lasing, si Ate Schie na asawa ni kuya nasa bahay aligaga sa pagbabantay ng mga anak na laging iyak ng iyak.

"Hi Kristine" bati ko sa kanya. I am always confused bakit di siya nagpapalit ng damit, maybe uniform nya,

"Hello, problem ulit?" Ngiti niya. Ngumiti din ako sa kanya. Ang ganda niya, mala anghel, lalo na sa puting dress niya.

"Ano pa nga ba, gusto ko lang mag muni-muni" dito ko rin lang siya nakilala halos every night kasi ako dito dati pati siya hanggang sa nagkakwentuhan at naging magkaibigan.

She's older than me. Tinatawag ko nga siyang ate dati nung bago palang kaming magkakilala kaso ayaw niya.  Ngmumukha daw siyang matanda. She said she's 37 and I am 27 10 years gap.

Whenever i talked to her gumagaan ang pakiramdam ko, she's like my walking diary. Di ko iniexpect na may makikilala akong kaibagan sa tagal kong pagtambay dito. Masaya ako kasi kahit papano may napapagsabihan ako.

"See you tomorrow" paalam namin sa isa't-isa.

------
------

Nasa park na naman ako, napaka toxic ng family ko sa totoo lang. I have work pero halos lahat ng sweldo ko sa kanila napupunta tapos tatalakan ka pa kasi kulang pa. Hayss

I've waited for Kristine pero di siya dumating,

Hanggang sa ilang araw, at buwan di ko na nakita si Kristine.


___
It's been 2 years. Bigla ko lang ulit siyang naisip.

"Mam, pinapapunta ka ni sir Gregg sa office niya" sabi ni Bhadz na barista dito sa coffee shop.

Gregg is my boyfriend he's older than me, he's 40 now but still hot, ala albert martinez..

Im 29 and i don't care bout the age gap. Ginawa niya akong manager sa coffee shop niya para matulungan ko din daw siyang mag manage.

"Oh napano ka?" Sabi ni Gregg

"Wala, nadala lang ako dun na saksihan ko" then i told him everything.

"paglabas ng babae sa coffee shop, sabi pa niya sa lalaki, 'you're lucky to have her , please take care of her" narinig ko siyang tumawa.

"Anyway, may dinner tayo bukas with my family" bigla naman akong na seryoso kasi pag pamilya na niya usapan natatakot na ako, pamilya ng mayayaman eh.

Tumango nalang ako,then he gave me kiss..

---
Maaga akong pumasok sa coffee shop, nandito na din si Lyka at Lyn.

Pagka bukas palang ay may pumasok agad, nasa counter ako at may kinukuha, pag tingin ko sa babae.

Nagulat ako, napanga nga.. siya ba 'to? Mas gumanda siya.

"Kristine?" Tumingin siya sa'kin pero di ako pinansin 

Lalabas na sana siya pero hinabol ko.

"Kristine" nilingon niya ako.
"Yes do i know you?" very sophisticated

"Michelle" hingal ko pang sabi,pero kumunot lang ang noo niya seems like di niya ako kilala.

"It's been 2 years, lagi kita hinihintay sa may park na malapit sa hospital" paliwanag ko pa. Mas lalong kumunot ang noo niya.

"2 years? Are you sure?" Paninigurado pa niya..

"Yes" tango ko pa

"Sorry  baka nagkakamali kalang" sagot pa niya.

"I am sure, Kristine, may balat ka sa kili-kili mo" nagulat siya sa sinabi ko. I remember na pinakita niya yun sakin.

"You're right how'd you know?"

"Kasi pinakita mo sa kin" sagot ko pa

"Sorry i don't remember going to a park and fyi I'm in a comma for a year then 2 years ago, nagising ako"  nagulat ako sa sinabi niya. So sino yung kausap ko lagi sa park? Di ako pwedeng magkamali siya talaga yun..

--

Buong araw akong lutang. Iniisip kung sya yung Kristine na nakilala ko  o baka may kambal siya. Siguro nga may kambal siya  baka kambal niya yung nakakausap ko.

Early out ako today kasi may dinner kami with Gregg's family susunduin niya nalang daw ako sa bahay. Siyempre nag make-up ako, tsaka nag dress nu, yung formal para naman wala silang masabi.

6pm when Gregg arrived, "wow, stunning as always" hinalikan niya ko sa pisngi.

Basta nandito si Gregg mabait lahat ng pamilya ko, walang ingay na maririnig. Buti naman daw at ginamit ko ang utak ko at pumatol ako sa mayaman kahit matanda sa'kin.

Pumatol ako kay Gregg kasi mahal ko siya, siya yung taong naiintindihan ako at higit sa lahat tanggap ako kahit hindi ako mayaman.  Isang taon siyang nanligaw sa'kin at ngayon mag iisang taon na din kami.

Pagdating namin sa kanila ay sinalubong kami ng magulang at mga kapatid niya. Lahat sila mga business man/woman, mayayaman. Feeling ko tuloy out of place ako dito pero still taas noo pa din akong nakipag halubilo sa kanila.

Fake smile ang binibigay ng mga kapatid niyang babae, while yung mga lalaki ok lang naman chill lang.

"Magandang gabi po tita" sabay beso ko.

"Maganda gabi naman" seryoso niyang sabi. Yung palad ko ay pinapagpawisan pati yung kili-kili ko.

"Hi everyone gud evening, " sabi ng kapatid niyang lalaki, bunso nila na kaedaran ko lang.

"Hi Michelle" bati niya sakin.

Nag dinner kami, lahat sila usapan ay business, ako walang imik.

"By the way your ex-wife will be our new partner" napa kunot-noo ako

"Ma, naman" reklamo ni Gregg.

"It's business Gregg," i don't know bout his ex-wife

"don't worry it's all bout business" sabi naman ni Evon.

I don't know about this really, I am dissapointed,

After that dinner sabi niya sa condo niya kami dederetso

"So ex-wife pala?" Sabi ko habang nagdadrive

"Look, i'm sorry for not telling you this, ayoko lang maging paranoid ka" pagdadahilan pa niya.

"Paranoid? That's not the point Gregg, the point is wala kang sinabi, di ka naging transparent" sagot ko pa.

"Matagal na kaming hiwalay, 3years ago na yun, annulled na kami at wala kaming anak" sabi pa niya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Kung di ba minemention ng Mama mo yung ex-wife mo di mo talaga sasabihin?" Inis ko pa.

Napabuntong hininga siya.

"Ihatid moko sa bahay" wala siyang imik at deneretso nga ako sa bahay.

"I'm sorry Loves" sabi niya pagka dating namin sa bahay, wala akong imik at agad na bumaba ng kotse.

Wala ako sa mood na pumasok ngayon dahil sa mga nangyari kagabi. Sinusuyo niya naman ako sa text pero di ako sumasagot.

"Goodmorning Mam Michelle" bati ni Lyka at ni Lyn.

"Wala pa si Bhadz?" Tanong ko,

"Baka late na naman" sabi ni Lyn. Di na ako umimik kasi ayokong mas mainis pa.

"Goodmorning Mam" bati ni bhadz pero wala akong imik. Late sya ng very very light lang naman.

"Nu bayan, nakakasuka namang makakita ng dalawang lalaking naghoholding hands" sabi ko pa. Tiningnan lang ako nila at di umimik, nagkibit-balikat lang ako  kasi totoo naman diba kasalanan sa diyos yung ganyan at super proud pa sila.

"Goodmorning, is Michelle here?" Sabi niya

Pagkakita ko nagulat ako, na nasiyahan kasi naalala na niya ako.

"Kristine?" Naghalf smile siya.

"Ah yes, Gregg told me ikaw daw yung magtuturo sa'kin sa mga inventories dito" napanganga ako. Akala ko kasi naalala na niya ako. Pero nagtataka ako ba't siya nagtatanong bout inventories

"Ah,sorry di ako na info-form" utal-utal ko pa.
"Ah bago kabang hired ni Gregg?" Napangiti siya at napailing..

"No," sagot niya 

"Di ba niya nasabi sayo?" Dugtong pa niya, umiling ako.

"Pero sabi niya susunod daw siya dito," ayokong magselos pero parang nagseselos na ako, close ba sila?

Di ko nalang pinahalata na mejo naiinis ako, tinuruan ko nalang siya sa inventories at routine sa shop at sinagot lahat ng mga katanungan niya.

Dalawang oras ang lumipas bago dumating si Gregg.

Hinalikan nya ko sa pisngi tsaka binati si Kristine.

"Mich, this is Kristine" sabi pa niya.
"I know Gregg" pagtataray ko pa.

"She's my ex-wife" nagulat ako sa sinabi niya pero pinilit kong di mahalata. Though i know na parang uminit ang mukha ko.

She's my long lost friend, di naman niya na banggit na may asawa siya.

Umalis na naman si Gregg for another business meeting, while si Kristine ay nagpaiwan gusto niya daw ma familiarize ang shop at matutukan

"Ahmmm Miss Tine" sabi ko pa.

"Hmmm" habang nakaharap sa pc.

"May kakambal po ba kayo?" Napatawa siya.
"Haha wala bakit?" Parang napahiya tuloy ako

"Wala kaba talagang naalala 2 years ago?" Tanong ko ulit.

Umiling siya at napaisip. "Sorry, but i don't remember anything, pag kasi pinipilit ko sumasakit ang ulo ko" tumango ako.

"Sorry ha, nung nakita kita nasiyahan ako, matagal na kitang hinahanap, di ako magkakamali, ikaw talaga yun.. it's you Kristine my human diary my one true friend"  wala kasi akong naging kaibigan na same kay Kristine, siya yung nagcocomfort sa'kin  ngpapalakas ng loob, giving me inspiration to fight with my life



"I'm sorry Mich ah," napahawak siya sa ulo niya.

"Hindi ko kasi talaga alam sinasabi mo  tsaka wala akong friend na para ko nang pamangkin" nasaktan naman ako dun pero okay lang.

"Ahh" hawak pa din niya ulo niya.

"Okay kalang Tine?" Pag-aalala ko pa.

"Ouch, aaah!" Kumuha ako ng tubig, sumasakit ata ulo niya.

"My bag,please yung gamot ko" dali dali kong kinuha ang bag niya. Kumuha siya ng gamot at agad na ininom ito.

Nakahawak pa din siya sa ulo niya. Dahil ba sa akin kaya sumakit ang ulo niya.

"I'm sorry Tine, sorry kung kinulit kita" na guilty tuloy ako sa nangyari

Mejo kalma na din siya "i told you i don't wanna over think of things, kasi sumasakit ang ulo ko," naawa ako sa itsura niya kasi namilipit talaga siya

"Please don't mention that again to me" seryoso pa niyang sabi.

Tumango nalang ako kahit labag sa loob ko  ayoko na naman na sumakit ang ulo niya, di ko naman kasi akalain ganun pala ang effect nun.
--

Everyday na din siya sa shop, si Gregg naman minsan lang bumisita pero hatid sundo niya ako.

"Maya na ako aalis pag dating ni Kristine" sabi pa niya

"Bakit? Gusto mo ba siyang makita?" Pagbibiro ko.

"Mich, naman alam mo naman ikaw ang mahal ko" lumapit siya atsaka hinalikan ako, we shared a very passionate kiss na nakalimutan ko na nasa office kami.

"Ahem, get a room" nahiya ako dahil naabutan kami ni Kristine

"Hmm una na ako" sabi ni Gregg, at iniwan kami, syet im blushing kasi umiinit ang mukha ko.

"Im sorry," napa smirk siya.

"That's fine Mich" naka ponytail siya ngayon, kitang kita ko ang leeg niyang balbon at sobrang puti.

Naka dress siya na fit sa kanya, pormang porma ang sexy niyang katawan, yung boobs niyang sakto lang, urgh bakit ang perfect niya?  I'm not insecure ha, im appreciating.

"Miss Tine, may boyfriend kana po ba?" O realized what i just said, baka too personal na for her.

"Wala Mich, but i have a girlfriend" napaubo ako sa sinabi niya.

"Ano po?" Napatawa siya.

"I said i have a girlfriend, at wag mo na akong i po po" wtf? Girlfriend sa ganda niyang yan, sa sobrang diyosa niya..tapos sasayangin niya lang para lang sa babae.

Ibang Kristine ang nakilala ko 2 years ago, mahinhin, palatawa at sobrang sweet. Hanggang sa pag-uwi ko di na nawala sa isip ko yung pagkakaroon niya ng girlfriend. My gosh pano nila yun nagagawa? Di ba sila natatakot sa Diyos?

Pagdating ko sa bahay sigawan ang naabutan ko, yung gusto mong magpahinga pero paano mo gagawin yun kung pati sarili mong bahay ganito.

Nag-aaway na naman sina Mama at Papa dahil lasing na naman si Papa.

"Michelle, pambayad sa kuryente, mapuputolan na tayo!" Sigaw ni mama. Tiningnan ko lang siya.

Di manlang ako tinanong kung kumain na ba ako or pagod ba ako.
"Diba nagbigay na ako Ma?" Sabi ko

"Eh wala eh, naubos sa sugal" nagpapakahirap ako sa trabaho para lang sa sugal! Nakakainis!!

"Ma naman, mahirap kumita  wala pa kaming sweldo" malayo pa ang kinse, nagtitipid na nga ako sa allowance ko.

"Edi humingi ka sa jowa mong mayaman" napairap nalang ako sa sinabi niya.

Kinuha ko ang perang nakatabi sa wallet ko, at binigay sa kanya.

"Last na pera ko na yan Ma" ngumiti lang siya saka ako pumasok sa kwarto.

Ilang oras ang lumipas, ay narinig ko naman si Ate Schie at Kuya Niel nag-aaway.

"Lagi ka nalang barkada, panggatas ng anak mo wala kang pambili" ang sarap sumigaw dahil sa ingay.

"Humiram ka nalang muna kay Michelle, mayaman naman jowa nun" oh my gosh am i hearing that right!

Alas otso na pero wala paring pagkain! Bangayan dito bangayan dun, bunganga ni Ate Schie at ni Mama naririnig ko! Nakakarindi na!

Nagbihis ako at umalis. Naglakad ako palabas ng village namin, nakita ko yung park kung saan kami dati ni Kristine nag-uusap. Napangiti ako ng maalala ko ang mga sandaling yun.

ilang beses tumawag si Gregg pero di ko sinasagot na iinis ako, nabwebwesit ako bat ba yung pamilya ko ganun. Walang pinagbago mula noon hanggang ngayon ganun pa din. Gusto ko lang naman ng Mama na aasikasuhin ako,yung Papa na masasabihan ko ng problema, yung kuya na magpoprotekta sa kin. Pero wala, kumpleto nga kami pero di ko naman maramdaman ang essence ng family.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa pinakamalapit na bar. Malapit din sa park,

Dahil sa inis ko uminom ako.

Wala pang masyadong tao, kaya pumwesto ako sa may counter, umorder ako ng tequila.

Uminom lang ako, naka 3 shots na nga..

"Can i join?" Bulong ng isang babae  ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko.

Nilingon ko siya at parehas kaming nagulat.
"Kristine?"
"Michelle?"

7.

"Why are you here? Alam ba ni Gregg na nandito ka?"

"Im here dahil umiinom ako at kung alam ni Gregg, Nope" sabi ko sabay shot.

"Eh ikaw? Bat ka nandito at may pabulong-bulong kapa?" Tanong ko sa kanya.

"It's none of your business" natawa ako.

"C'mon Tine, sinagot kita sa mga tanong mo, be fair" shot ko ulit.

"I am meeting with someone, akala ko ikaw siya." Tumango ako.

"Girlfriend?" Napatawa siya.

"Haha! So naniwala ka talaga dun? Haha! No just a friend" tumango.

"And yes you can join me" napangiti pa ako..
binigyan ko siya ng shot glass at nilagyan ito ng tequila.

"Nag-away ba kayo ni Gregg?" Umiling ako.

"Gregg is a husband material, bakit kayo naghiwalay?" Tanong ko pa

Uminom na din siya.
She's wearing silk na sleeveless na kita ang cleavage, tsala naka ripped jeans, batang bata tingnan, i know she's 39, kasi 37 siya nung nagkita kami 2 years ago.

"Maybe because di talaga kami para sa isa't-isa, baka para sayo talaga siya" tawa pa niya.

"Haha! We'll never know" sagot ko lang.

"Nasan na friend mo Tine?" Uminom muna siya bago sumagot. Lumipat na kami sa isang table

"She's not coming, something came up daw" tumango ako "i'm glad you're here" dugtong pa niya.

"Masaya din ako na nandito ka, just like the usual" napatingin siya sa'kin. Maybe di niya magets yung part na yun

"Ba't ka pala nag iinom? May problema kaba?" Tanong niya. Mejo nahihilo na ako, di pa pala ako nag dinner.

"Yun lagi kong problema dati pa, alam mo na yan!" Sabi ko pa.

"I'm sorry?" Nahimasmasan ako sa sinabi ko.

"Sorry, Tine. It's about my family" tumango siya

"You can tell me everything Mich" napangiti ako, naalala ko tuloy dati nung nasa park kami ganyan din yung sabi niya.

"Why?" Tanong niya

"May naalala lang ako Tine, sobrang miss ko lang siya. I'm glad talaga na nandito ka " after that kwenento ko sa kanya ang lahat. She's really a good listener.

"Alam ba to ni Gregg?" napangiti ako

"Di ako masyado nagshishare sa kanya bout this" i am not comfortable lang.

"Then why'd you share it with me?" Mejo nagbablush na siya dahil sa iniinom namin.

"Coz i am comfortable with you" feels like we're connected. Dati palang una ko din siyang nakita parang sobrang komportable ko sa kanya yun bang parang ang tagal na naming magkakilala..

Di siya nakapagsalita. Tinitigan ko lang siya. She's very beautiful, halatang mayaman, sexy at sobrang bango. Napalunok ako nung napatitig ako sa cleavage niya.

"It's almost 1am Mich" oo nga, pero ayoko pang umuwi, kaya lang nahihilo na ako.

"Ayokong umuwi" sabi ko.
"May trabaho tayo bukas" sabi pa niya.

Tumayo ako para mag CR pero natumba ako, iba pala pag nakatayo na, sobrang hilo ko na talaga.

"Pls don't call Gregg! Magchechek in nlang ako malapit dito, i don't want to go home" gagamitin ko nalang yung credit card ko. .

"Di mo na kaya Mich, you can stay with me" tumingin ako sa kanya. Parang kinabahan ako bigla.

"Nakakahiya naman Tine," sabi ko pa.

"Okay lang Mich, napaka komportable ka namang kasama tsaka magaan ang feeling ko sayo"

"I'm happy that you feel the same way too".. hinawakan niya ang bewang ko para alalayan maglakad

But all i feel is electricity..

Her touch makes me shiver. 

---

Di ko na alam anong mga nangyari kagabi, basta pag gising ko iba na ang damit ko. Mejo nagpanic ako  meaning ba nito nakita niya buong katawan ko?

"Oh gising ka na pala?" Nagulat ako sa boses na nanggaling sa likod ko.

"Ah oo, anong oras na ba?"sabay hawak sa ulo ko, feeling ko pag tumayo ako matutumba ako.

"It's already 12" lumaki ata mata ko sa gulat.

Agad akong tumayo pero napaupo ulit dahil nga nahihilo pa ako, hangover ba to.

"Late na ako!" Sabi ko pa.

"Haha! Late Tayo Mich" ngiti pa nya habang hawak hawak ang dalawang mug.

"Coffee?" Inabot ko ito sa kanya.

"Baka hanapin ako ni Gregg" sambit ko pa.

"Don't worry, sinabi ko na sa kanya na malilate tayo, may meeting pa kasi siya kaya sabi niya ako na daw bahala" tumango ako. As usual busy na naman siya.

"You can use my clothes, mag ka size naman tayo. Meron akong di pa nagagamit dito" di ko alam na matagal na pala akong napatitig sa kanya.

"Mich?" Tawag nita ulit.

"Ah yes, thank you Tine" hinigop ko ang kape para naman  mawala ang hangover

"Mabilis kaba talagang malasing Mich?" Tumabi siya sa'kin nasa kama pa kasi niya ako.

"Di naman Tine, pero kasi di ako kumain nun" tumango siya 

Bago pa siya nakapagsalita ay napatakbo ako sa CR at nagsusuka. Eto na sinasabi ko basta hangover baliktad talaga sikmura ko

"Ikaw ba nagbihis sa'kin?" Tanong ko pa nung nakabalik ako. I saw her lying at nakapikit.

Kitang kita ko ang hubog ng katawan niya, in her black sleeveless na fit na fit sa katawan niya plus short na sobrang short talaga.

Nagulat ako nung minulat niya mata niya.

"Yes i did," i saw her smirk

"Nakita mo lahat?" Feeling ko uminit buong mukha ko.

"Of course" smirk again. Kainis nakakahiya

"Tine, nakakahiya!" Narinig ko siyang tumawa

"As if naman wala ako nyan, unless" di niya tinuloy sinabi niya.

"Unless what?" Tanong ko pa.

"Unless you're into girls"  dugtong niya.

"Hindi mangyayari yan" sabi ko pa. Habang nakatabi na sa kanya. Parehas na kaming nakahiga.

Humarap siya sa akin gayun din naman ako,. Kitang kita ang cleavage niya at bakat ang nips niya. Pero bat parang kinakabahan ako haha! Relax Mich,

"Wag kang magsasalita ng tapos" pabulong niyang sabi habang titig na titig sa 'kin. Tingin niyang parang matutunaw ako.

Kung lalaki lang ako masasabi ko talagang she's flirting the way she looks at me.

She touches my face.

Habang papalapit ang mukha niya i don't know bakit pumikit ako.

"Go Back to sleep" bulong niya.



---

Alas dos na ng hapon kami nakapasok ni Kristine,  hanggang closing kami ngayon. Pinainom din niya ako ng gamot after naming kumain, mejo okay  na naman ang pakiramdam ko kaso, masakit pa din ang ulo ko. Pagdating namin dumeretso siya sa office while ako sa counter. Tinanong ko si Lyka kung nasaan mga kasama niya. Sabi niya nasa kitchen daw. Kaya pumasok ako dun at nakita si bhadz at Lyn, flirting. I don't know that bhadz is a lesbian i just thought na boyish lang talaga siya.

"Aheemm" nagulat sila pareho

"Ma- ma'am?" Utal utal na sabi ni Lyn.

"Ang sweet nyo ah, wala ba kayo sa trabaho" nainis ako sa nakita ko, they're both girls and they are flirting. That's a No No!

"Sorry ma'am" sa sobrang sakit ng ulo ko, nag walk out ako at pumasok sa office,

"Anong nangyari, bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Tine. Everytime i heard her voice i feel calm.

"Bhadz and Lyn naglalandian sa kitchen! Gosh! They're getting into my nerves!" Narinig ko siyang natawa 

"What?" Inis ko pa

"Relax Mich, don't be so homophobic" siya lang yung boss na sobrang relax

"Pero kasi Tine, kasalanan yun" sabi ko pa.

"Are you mad because 'kasalanan' yung ginagawa nila or because its against our policy?" Tanong niya.

"Both!"

"You know what Mich, for me lang ha, ang pagmamahal ay di kailanman magiging kasalanan. Di masamang magmahal, ang masama ay yung nanghuhusga ka sa mga tao" napatahimik ako, here she is the Kristine that i know.

Di na ako sumagot kundi pinatuloy ko na ang pagtatrabaho.

"Maybe you'll need this, para naman malamigan ang mainit mong ulo" kahit ano pang pang-iinis ang ginagawa ni Tine i cant be mad at her.

I grab the iced coffee.. "thanks Tine, you always make me calm" she smirked, nagulat ako derederetsong lumabas sa bibig ko yun.

Hinawakan niya both shoulder ko,

"My pleasure Mich" bulong niya. Gosh bat ba nakakapanindig balahibo tong si Tine.

I heard her talking to someone. Enjoy na enjoy silang nag-uusap. Tapos lumabas siya. Sinundan ko siya hanggang sa pinto ng office.

I saw her hugging a gorgeous woman. Omg! Model ba siya? Sobrang ganda at sexy, sosyal na sosyal.

Sobrang close nila. Literal na magkadikit talaga. Touchy. Huh! Mas lalong uminit ang ulo ko.

Bumalik ako sa pagtatrabaho..na hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Gregg.

"I miss you" bulong niya. Napangiti ako.

Tumayo ako at humarap sa kanya
"I miss you too" walang pasabi ay hinalikan niya ako sa labi. Naka kabit na ang mga kamay ko sa leeg niya.

I feel hot, the way he kissed me parang gusto na niya akong dalhin sa kama.

Nagulat kami pareho ni Gregg ng bumukas ang pinto.

"I'm sorry" sabi ni Tine saka umalis. I saw pain in her eyes.

I can't explain, may feelings pa kaya siya kay Gregg kaya ganun nalang naging reaction niya? Or sobrang nag-iisip lang ako.

🔶🔶🔶🔶

Kristine's POV

Since nagkasama kami ni Michelle sa bar mas naging komportable ako sa kanya. How ironic naman na kung sino pa yung girlfriend ng ex-husband ko eh dun pa ako komportable. It feels like this feeling is very familiar.

After i woke up to that coma feeling ko i miss someone. Someone i don't know  sa kakaisip ko nun araw-araw sumasakit ang ulo ko. The doctor said na iwasan ang mag overthink dahil sasakit ang ulo ko.

I don't know what happened to me and Gregg, parang isang iglap from masaya to wala na.. since nakunan ako, na depress ako and also Gregg, napalayo ang loob namin sa isa't-isa, we always blame each other for what happened pero mostly ako talaga sinisisi niya. Until we decided na magpa annul, madaliang proseso since may mga koneksyon ang pamilya ko at pamilya niya.

Pero after that i realized i still love him  mahal ko pa pala siya. Naghabol ako pero siya naka move-on na at nung nalaman ko na may girlfriend na siyang bago sobra akong nasaktan because im expecting na mahal niya pa din ako.

I was crying that time habang nagdadrive it's almost midnight, sobrang bilis ang takbo ng kotse ko hanggang sa di ko na alam ang nangyari.

nung nagising ako from that coma ay bigla nalang akong walang naramdaman sa kanya. He was guilty that time..siya lagi ang nagbabantay sakin, kasi sinisisi niya sarili niya.

Nung naka recover na ako, i talked to him at nagkapatawaran na kami  we became friends no feelings at all. Kahit ako di ko mapaliwanag bakit. Yung alam ko lang something is missing but it's not Gregg.

--
Nung gabing nandito si Michelle iba ang pakiramdam ko, di ko maipaliwanag, if i'm overwhelm or masaya, para bang may matagal kang hinahanap tapos nakita mo na, yung ganung feeling.

After naming mag-usap ni Grace ay pumasok ako sa office pero iba nadatnan ko, agad din naman akong umatras nung nakita ko silang naghahalikan.

Parang nakakainggit haha it's not about Gregg, i just miss the feeling of being love.

--

10pm ako nakarating sa condo, i live alone since my family ay nasa U.S. na din, gusto nila akong isama pero my instinct said na magpaiwan ako dito.

Business partners ang pamilya ni Gregg at pamilya ko, i've been busy looking for something or someone na makakapag kumpleto sa'kin pero wala eh. So nagdecide ako mag focus sa business

Until i met Michelle, there's something in her that i can't explain. I can't say i'm attracted pero may something talaga.

I've been with a girl pero may hinahanap pa din ako,tried dating with a guy pero ganun din.

I am 39 pero di ko pa din alam ang gusto ko.

🔶🔶🔶

Michelle's POV

Hanggang ngayon di ko pa rin malimutan ang mukha ni Kristine nung nakita niya kami ni Gregg.

"Hey, sure kabang di na kita ihahatid?" Sabi ni Gregg, sa condo niya kasi ako natulog. Namiss ko din naman siya.

"Bukas na ako uuwi Hon" sabi ko pa.

"Fine let's sleep" niyakap niya ako, he's wearing boxer shorts only kaya bakat na bakat yung ano niya.

I feel hot, at alam kong siya din,so he started kissing me. Nung napapikit ako mukha ni Kristine ang nakikita ko kaya minulat ko ulit ang mata ko.

Hanggang sa natapos siya ay wala akong ibang naisip kundi si tine.

"Are you okay?" Tanong ni Gregg habang pinupunasan ang kanyang sandata.

"Yes" sagot ko,

Nagshower muna ako bago matulog ayokong mag amoy ano hmm..

Dumeretso na ako sa shop total my damit naman ako dito sa condo ni Gregg.

Wala pa si Kristine, kaya sa counter muna ako tumambay. Kitang kita ko ang mga tinginan ni bhadz at lyn.

Oh gosh! I can't stand the way they look at each other.

"Mam, hayaan nyo na sila" sabi ni Lyka.

"Diba nasa policy yan na bawal magjowa ang magkatrabaho" sagot ko sa kanya. Lyka is mahinhin, cute at charming.

"Di naman sila magjowa mam" napatawa ako sa sagot niya.

"Sa lagkit ng tinginan di ba? Haha!" Tawa ko pa.

"Goodmorning Mich" sabi ni kristine na humarap sa'kin sa counter. Ang lapit ng mukha niya.

Amoy na amoy ko ang sweet perfume niya 

"Ah,good morning Tine" ba't nagpapanic ako..si Kristine lang naman yan.

She smiled sweetly, at di ko mapigilang mapatitig sa ganda niya.

"Akala ko ba mam si Bhadz at Lyn lang ang naglalandian" sabi ni Lyka habang si Kristine naman nakaalis na at nakapasok na nag office 

"What do you mean Lyks?" Napangiti siya or patawa na ata.

"Yung tinginan niyo ni Mam Kristine, kung di mo jowa si sir aakalain kong bet mo siya" kung nakakamatay lang ang tingin baka nilalamayan na si Lyka..

"Naririnig mo ba sarili mo? OMG! Jan ka na nga" yan ang naging reaksyon ko pero deep inside di ko alam ano isasagot ko kasi bigla akong kinabahan bumilis ang tibok ng puso ko.

Pagpasok ko ng office ay uminom agad ako ng tubig.

"Uhaw na uhaw ka ata Mich" napa fake smile lang ako.

Naisip ko yung sinabi ni Lyka, agad naman akong umiling iling.

"Hey are you okay?" Nakalapit na si Tine sakin, at nakahawak sa likod ko. Napaigtad ako at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ah yes," umupo ako at nag focus sa trabaho.

"Mich, i dreamed of you last night" .. she said

She smiled "ah ta-talaga  ano naman napanaginipan mo?" Tanong ko pa,

"Nakaupo tayo at nagkwekwentuhan" confuse nyang sabi
"Pero ewan ko di masyadong clear, pero alam ko ikaw yun" ngiti pa niya.

"Ah haha" yun lang ang nasabi ko, pinipilit kong ma compose ang sarili ko kasi parang ewan tong nararamdaman ko, kinakabahan at di ako komportable kay tine simula nung nakita niya kami ni Gregg na naghahalikan.

"Are you okay Mich?" Lapit niya sa'kin at hinawakan ang balikat ko.

Mas lalo akong kinabahan feeling ko sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Oo, okay lang naman" uminom na naman ako ng tubig para pakalmahin ang sarili.

"Bet you're not" she smiled again, bakit ba lagi siyang naka ngiti.

Di ako umimik, i don't know what to say.

"Sabihin mo na Mich, you can share it with me.. i don't like seeing you being so uncomfortable with me" she sweetly said. Ano bang meron sa boses niya bat parang ang sweet.

"I'm sorry Tine." Huminga muna ako bago magsalita ulit.

"Since kasi nung nakita mo kami ni Gregg na naghahalikan" di ko maituloy yung sasabihin ko

"Hmmm anong meron dun?" Tanong niya ulit

"Do you still love him?" Awkward kong tanong.

"Hahaha!" Tawa niya. Nakakahiya naman, bat ko pa kasi tinanong yun
"Of course not Mich" ngiti pa niya

"Sorry Tine, the way you look at us kasi" tumango siya.

"Nabigla lang ako i didn't expect that, nahiya ako" paliwanag niya.

"Okay, thanks" sabi ko.

"No probs Mich basta ikaw" kindat pa niya.

--

Eto na naman si Grace at si Tine nag-uusap sa labas, sobrang sweet hmmm. Sino ba talaga si Grace sa buhay ni Tine?

Napaisip ako at natauhan ba't ba pinoproblema ko si Tine at Grace.

Lumabas ako sa counter Grace looked at me na parang hinuhubaran. Nakaka awkward naman, kaya dali dali akong pumunta sa counter.

"Kumusta Lyks?" Tanong ko kay Lyka.

"Mejo na busy lang kanina Ma'am" sabi ni Lyka, pero yung paningin ko nandun sa table nina Tine..

"Ang sweet nila ma'am nu, bagay na bagay sila, ang gaganda!" Kilig pa niyang sabi.

"Naririnig mo ba sarili mo Lyka?" Tanong ko pa.

"Oo naman di naman ako bingi" aba pilosopa tong Lyka na 'to.

"Ang babae ay para lang sa lalaki" sabi ko pa.

"Di mo naman kasi mapipigilan kung sino ang ititibok ng puso mo ma'am it's not about gender" aba ininglisan ako..

"Ma'am baka matunaw na silang dalawa," sabi niya ulit.

Kaya umiwas nako ng tingin at nag-inventory nalang, tiningnan ano ang mga kulang at kailangang bilhin.

"Hey, Mich.." lingon ko kay Tine

"Yes?" Napatingin ako kay Lyka, aba nakangiti

"Lunch tayo, what do you want?" Tanong niya

"Ikaw!" Narinig ko ang tawa ni Lyka at dali daling umalis.

"I mean ikaw what do you want? Yun nalang din" sabi ko.

Napatawa si Tine sa pagiging defensive ko.

"Okay, i'll order" tumango ako.

---
Tinawag ako ni Tine para mag lunch,kaya dumeretso nako sa ofis.

Pag-upo ko binigyan niya agad ako ng food,

Okay! Bat ang sweet niya?

"Lemon juice or Cucumber?" Tanong niya

"Cucumber" binigay niya sa'kin ito,

"Hus Grace?"  Bigla kong tanong, mejo nagulat siya pero agad naman ding ngumiti.

"She's a special friend!"

Tumango lang ako sa sagot niya. Ayoko ng magtanong baka sabihing napaka chismosa ko naman.

Uminat ako bago tumayo sa kinauupuan. It's time to go. Sinabi ko kay Gregg na uuwi na muna ako sa bahay.

"Going home?" Tanong ni Tine.

"Oo eh" sagot ko.

"Hatid kita?" My heartbeat  napahawak ako sa dibdib ko.

"Wag na maabala pa kita Tine" tumango siya.

"Okay, pero i'm just one call away okay?" Tumango naman ako at ngumiti.

--
Pagdating ko sa bahay ganun pa rin.

"Michelle naman, dalawang araw kang di umuwi,wala na kaming bigas at pang-ulam!" Sabi ni Mama

"Dba po binigyan ko na kayo ng budget?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot

"Eh yung Papa mo, binili ng pang-inom yung kaibigan niya kasi bumisita dito" napa buntong hininga ako.

Papasok na ako sa kwarto ng biglang pinigilan ako ni Mama.

"Umutang nalang kami sa tindahan, bayaran mo nalang" wala akong imik at dumeretso sa kwarto!

Aaaghhh! Buhay naman eh! Napaka unfair.
Ano ba ako banko lang nila? Anak din naman ako nila ah, simula pagkabata di ko ramdam ang pagmamahal nila

Di ko namalayang nakatulog pala ako, narinig ko nalang na may kumakatok sa pinto.

"Mich," tawag ni Ate Schie

"Mich!" Tawag niya ulit. Alas 8 na pala..nagugutom na din ako

Pinagbuksan ko siya.

"Sabi kasi ng Kuya Niel mo humiram muna ng pera sayo para sa gatas at diaper ng pamangkin mo!" Sa totoo lang wala na talaga akong extra cash dito at di ko pa na wiwithdraw pera ko, though may sahod na.

"Di pa kasi ako nakapag withdraw" aba tinalikuran lang agad ako.

Pumunta ako ng kusina para kumain pero walang pagkain, wow! Diet muna ata ako..

Bumalik ako sa kwarto para matulog pero narinig ko ang pagkatok ni Kuya

"Michelle!" Galit niyang tawag sa pangalan ko
Pinagbuksan ko siya agad.
"Napakadamot mo naman para sa pamangkin mo di mo kayang magpautang!" Galit niyang sabi.

"Sabi ko di ko pa na withdraw ang pera ko!" Sagot ko pa.

"Edi withdrawhin mo!" Siya pa ang galit.

"Pwede bang bukas nlang pagod ako sa trabaho" pakiusap ko pa.

"Okay lang sayo magutom ang bata? Napakadamot mo naman! babayaran ka naman pag magkapera ako ah?" Sa lahat ng inutang niya never niyang nabayaran pero wala siyang narinig sa'kin

"Porke ba mayaman ang boyprend mo, akala mo kung sino kana! Napakadamot mo porke wala akong trabaho!" Eto na naman yung mga salitang paulit-ulit kong naririnig

"Kuya! Walang kinalaman ang boyfriend ko dito atsaka pinagtatrabahuan ko ang pera ko! hindi ko naman sinabi na di kita papautangin ah! Sabi ko di pa nawiwithdraw kaya bukas nalang! Saan madamot dun?" Sagot ko pa

"Eh wala na ngang gatas yung bata ngayon" sigaw pa niya.

"Bakit obligasyon ko ba yan!" Naiinis na ako kaya di ko na napigilang sumagot

Sampal ang natanggap na sagot ko sa kanya.

"Sobra sobra na naibibigay ko sa inyo na halos wala nang natira sa sarili ko, pero di nyo manlang natanong kung okay ba ako?" Iyak ko pa. Kinuha ko ang wallet ko at cellphone tsaka umalis

Pumunta ako sa park kung saan dati kaming nagkikita ni Kristine.

Di naman ako masamang tao para maging ganito ang pamilya ko, i don't deserve this.

Iyak lang ako ng iyak. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. 

Hanggang sa may nag abot ng panyo sa'kin. Pag tingala ko i saw her. Di ko napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko  siya..

"Tine" ..



"Anong ginagawa mo dito Tine?" Tanong ko sa kanya.

Umupo kaming dalawa sa bench..

"Na bored kasi ako sa condo kaya umalis ako, dito ako dinala ng mga paa ko" sabi pa niya.

Mejo napangiti ako dun

"Right timing just like the old times" bulong ko pa.

"Old times?" Tanong niya.

"Wala hehe, anyway thank u Tine.. whenever i'm not okay ur always there" sincere kong sabi.

"Siguro nga may rason bakit dito ko naisipang pumunta." She asked me what happened kaya kwenento ko naman.

Di ko alam bat di ako nag aalangan ibahagi sa kanya ang kalahati ng buhay ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa isang bbq stall na malapit sa park.

"Let's have dinner di pa din kasi ako kumakain" sabi niya

"Kumakain ka nito?" Turo ko sa isaw
"Haha oo naman, favorite ko nga yan eh" napaka simple, napakabait, napakaganda

Ang swerte ng taong mamahalin ni Tine. Ang swerte ni Gregg pero ba't pa niya pinakawalan si Tine

After 3 years naluto na din ang bbq haha! Ang dami niyang inorder na isaw, paa ng manok,betamax meron ding manok at baboy

"Kaya natin to Tine?", Napangiti siya

"Oo naman" sabagay gutom din naman ako

Kukuha na sana ako ng bbq kaso inunahan niya ako at nilagay ito sa plato ko. Kumuha siya ng isaw at sinawsaw sa maanghang na suka saka isinubo sa'kin

"Try mo" .nagulat ako and again kinabahan na naman. Di ako sanay na may taong ganito ka sweet sakin, even Gregg.

"Sige na" kumagat ako pero nahihiya talaga ko, di ko alam bat ganito ang epekto sakin ni Tine.

Habang kumakain i asked her " bakit wala kapang boyfriend Tine, you're a perfect catch" sabi ko..

Napatawa siya, "di naman ako nagmamadali sa lovelife, may hinahanap ako na di ko pa nakikita.." sagot pa niya.

"Dati" dugtong pa niya.

"So ngayon meron na?" Curious ko pang tanong.
"Maybe, i don't know i'm confused, baka kasi i find her attractive lang, atsaka this is a new feeling" mejo nagulat ako sa sagot niya. Sinabi ba niyang her? O mali lang ako ng pagkakarinig

"Her?" Ngumiti siya at tumango..

"Si Grace?" Napatawa siya

"Alam mo kumain nalang tayo" baka si Grace nga tinutukoy niya. Sobrang sweet nila,

Wala ni anomang pangdidiri sa'kin nung sinabi niyang HER. Why? Di ko din alam.

"I'll drive you home" sabi niya.

"Wag na.." ayokong maabala pa siya

"No..it's late" she insisted
"Pero Tine..."
"No buts" again hinawakan niya ang kamay ko.

Kaya wala na akong nagawa kundi sumakay sa kotse niya. Kinabitan niya ako ng seatbelt dahilan para mapalapit ang mukha niya sa'kin.


"Dito na Tine" sabi ko nung nakarating kami sa bahay.

"Thank you for the time Tine" sabi ko pa. She hugged me.

"You're always welcome" bulong niya.

"Gudnyt" she kisses my cheek..



Nanigas ako sa ginawa ni Tine di ko iniexpect to.

"Gu-gudnyt"


Di ko alam na nakapasok na pala ako ng kwarto. Lutang na lutang ako sa ginawa niyang yun

I have girl friends, pero iba si Kristine. Iba yung impact niya sa'kin. I am comfortable with her pero parang nahihiya ako na di ko ma explain


--
"Goodmorning ma'am" bati ni Lyn

Feeling ko sobrang stress ng mukha ko, buong gabi akong walang tulog. Kristine can't get off my mind.

"Goodmorning Lyn," 9am palang kaya wala pa din si Tine. Usually 10am siya pumapasok.

"Goodmorning Ma'am Mich" bati ni Lyka

"Goodmorning Lyks" sagot ko pa.

"Okay kalang mam? Ba't po maga ang mata mo?" Napaka observant talaga ng batang to

"Di ako masyadong nakatulog" sagot ko pa. Sa counter kasi muna ako tumatambay basta ganitong oras

"Goodmorning" bati ni Kristine. Ba't bigla akong nagpanic..

"Goodmorning Mich, nakatulog kaba ng maayos?" Nakita kong tumingin sa'kin si Lyka, pinandilatan ko siya ng mata pero ngumiti lang siya.

"Ah o-oo Tine, ikaw ba?" Tumango siya at ngumiti..

"Yes"

Nagpa templa ako ng kape kay Lyka..kasi i need one, parang anytime pipikit mata ko..

"Akala ko ba wala kang tulog ma'am?" Ngiti pa niya..

"Wag ka ngan maingay, bilisan mo nalang jan" inis ko pang sabi.

Nakita kong lumabas ulit si Tine galing sa office.

"Mich, lalabas muna ako.. Grace is waiting for me, balik ako agad" pagkarinig ko sa pangalang Grace eh parang nainis ako 

Ang aga naman ng pagkikita nila.

"Ma'am?" Tawag ni Lyka

"Oh ano?" Inis ko

"Ah kasi kanina ko pa po binibigay ang kape kaso di mo ako pinapansin di na sya masyadong mainit." Nahimasmasan ako, ano ba kasi ang kinakainis ko..

"Sorry, thanks" umalis ako at pumasok sa office.

Gregg is calling me..

"Hello Hon" bati niya..

"Hon" wala talaga ako sa mood, at inaantok ako.

"Are you okay? Bat ang tamlay mo?" Tanong niya

"Yes, i'm fine" ..

"I miss you, can i see you later?" Para wala naman kasi ako sa mood na makipagkita sa kanya. Gusto kong matulog agad.

"Pagod kasi ako Hon, bukas okay lang?" This is the first time na tinanggihan ko siya.

"Okay no problem," nagpaalam siya kasi may meeting pa daw siya.

Di ko namalayan ang oras wala pa akong nagagawa..

"May dala akong lunch kumain kanaba?" Tanong ni Tine

"Ah wala pa Tine"

Naglunch kami together, i feel very happy with her, parang i forgot about everything pag siya ang kausap ko.

"Can i invite you for dinner?" Tanong niya, di ako nakasagot.

"Celebrate my birthday with me please?" Makakahindi pa ba ako pag siya na ang nagplease?

"Birthday mo? Happy birthday Tine" she smiled

"Thank you, so?"

"Yes Tine," sagot ko.

"Sunduin kita sa inyo ha, no buts"

Parang sumigla ang pakiramdam ko, baka siguro sa kape lang to na nainom ko.




Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...