ViceRylle Collectanea Fandonie

By RuinousMystery

29.3K 789 161

This collections are for the fans and supporters of vicerylle loveteam where you can feel different feelings... More

KUNG MALAYA LANG AKO
THE BIRTHDAY GIFT
HOW CAN I TELL HER
PHOTOGRAPH
DANCING WITH YOUR GHOST
GOODBYE
VLOG1: I'M PREGNANT PRANK (REAL?!)
VLOG2: NAWAWALA SI JOSEPH PRANK
TO MY PARENTS
DOPPELGANGER
BUWAN
ALMOST OVER YOU
HUSBAND AND WIFE
FATE
VLOG3: MUKBANG & PRANK W/ ZEINAB
THE ONE THAT GOT AWAY
CAN WE GO BACK?
HULING GABI
SOMEDAY
GIVING UP
DARKEST SECRET
LETTING GO
KARYLLE IG STORY
DARKEST SECRET II
ORGAN
IF TOMORROW NEVER COMES
HAPPIER
AKLAT
THE GIRL
VK HOME DATE
ECQ
I NEED YOU MORE TODAY
DEJA VU
SANTOL ART
DADDY
THAT GUY
SMILE IN YOUR HEART
EX
OFFCAM
LETTER E
CRUSH
LAST CHRISTMAS
KURBABE
SIR
LOVE YOU MOST
BEST FRIEND
SA'YO NA LANG AKO
PRETTY WOMAN
HIS GUARDIAN ANGEL
SHOWTIME BABIES
BABY KO SI KULOT
UNFAITHFUL LOVE
DECADES
LEAVES
SHE LEFT
SHE LEFT (2)
BEST FRIEND
KUMPAS
STUCK WITH YOU
DADDY'S SECRETARY
DADDY'S SECRETARY II
DADDY'S SECRETARY III
MY CONSTANT
STUCK WITH YOU
IKAW AT SILA
OLD LOVE
I LOST HIM
TATAY
(UN)LABELED
NATATANGING LIHAM
NATATANGING LIHAM
THE GOLD DIGGER
MY TEACHER, MY MOM
RIGHT PERSON, WRONG TIME
HIS WIFE
THE CORPSE
TRAVEL WITH YOU
BINALEWALA
CONSTANT & BUKO
REUNITED
THE OFW
ALMOST HEAVEN
MAID MAIDEN
WAITING SHED
CRIMINAL
MAYBE THIS TIME
MAYBE THIS TIME (2)
MAYBE THIS TIME (LAST)
UNEXPECTEDLY YOURS

TAHANAN

335 8 4
By RuinousMystery

"Magandang umaga po mang modesto" bati ni jose sa matandang nasa labas ng bahay habang may dala siyang bungkos ng bulaklak.

"magadang umaga iho. Anong sadya mo rito?" tanong ng matanda na tumigil sa pag wawalis upang sya ay makausap.

"nandyan po ba si ana?" magalang niyang tanong.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni mang modesto na bakla si jose.

"nandyan sa loob, maaga ka nanliligaw ha. Sige na. Puntahan mo na sa loob." saad ng matanda at tumango naman ng bahagya si jose bago pumasok sa loob ng kabahayan ng pamilyang Garcia.

Naabutan naman ni jose si ana na nag huhugas ng mga pinggan. Nakasuot lamang ito ng simpleng damit at nag eenjoy sa kaniyang ginagawa.

"good morning ana" bati niya rito at pumasok. Tumingin sa kaniya si ana bago ngumiti.

"uy jose, ang aga ha. Good morning. Maupo ka muna dyan, tatapusin ko lang itong ginagawa ko." sinunod naman ito ni jose at hinintay na matapos sa ginagawa si ana.

"bakit nga pala? Ang aga mo naman" sabi ni ana bago umupo sa kaniyang tabi. Inabot naman nya ang mga bulaklak.

"Salamat dito." ana.

Pinakatitigan lang naman siya ni jose at nginitian.

"Jose, hindi sa pag aano.. seryoso ka ba talaga sa panliligaw sakin?" tanong nito sa kaniya. Inabot naman ni jose ang kaniyang kamay at hinawakan yon.

"oo naman, seryoso ako sayo. Sa tingin mo ba, magtatagal akong tatlong buwan na nagpapabalik balik dito kung hindi ako seryoso sa ginagawa ko para maging akin ka?"

Ngumiti sa kaniya si ana na isang hudyat na pinag patuloy pa rin ang kaniyang panliligaw.

At matapos muli ang isang buwan na panliligaw ay naging sila na ni ana.











"mahal.. anong result?" nakadikit sa pinto si jose at hinihintay ang kasintahan na lumabas mula sa banyo.

Marahan naman na binuksan ni ana ang pinto at inabot kay jose ang pregnancy test.

Umupo sya sa kama at nanatiling tahimik.

"two lines.. mahal! magkaka baby na tayo!" masayang sabi ni jose habang nakatitig sa kasintahan. Niyakap niya rin ito ng mahigpit.

Ngunit isang tipid na ngiti ang binigay nito sa kaniya.

"Bakit? Hindi ka ba masaya?" jose.

"masaya ako.. masaya ako mahal. Iniisip ko lang yung sasabihin sakin ni papa at ni mama. Dalawang taon pa ako sa college. Hindi pa ako tapos mag aral." saad nito sa kaniya habang nakatitig.

"kakausapin ko si papa mo tsaka si mama mo, mahal. Pwede ko naman pag ipunan rin yon para makapag aral ka. Tutulungan kita, pangako."

Agad na niyakap ito ni jose at siniksik naman ni ana ang kaniyang mukha sa leeg ng kasintahan.









"Anong buntis pinag sasabi nyo?!" saad ni mang modesto at napatayo ito dahil sa pinag tapat ng dalawa ang bunga ng kanilang pagmamahal.

"Jose! Hindi pa tapos mag aral ang anak ko! Dalawang taon pa yan sa college! Bakit hindi pa kayo nakapag hintay?!" singhal nito sa kanilang dalawa.

Hinawakan lang naman ni jose ang kamay ni ana, nakayuko lamang ito at hindi sumasagot sa kaniyang ama.

"mawalang galang na po mang modesto, pasensya na po. Pero pinapangako ko po mag sisikap ako para sa anak nyo. Pag aaralin ko rin po sya hanggang sa makatapos sya ng pag aaral."

Pinakalma naman ni aling esperanza ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng pag hagod sa likuran nito.

"kumalma ka modesto, baka tumaas na naman ang presyon ng dugo mo. "sabi nito kaya agad na umupo ang matanda.

"Pakasalan mo ang anak ko, jose. At katulad ng pangako mo, pag aaralin mo ang anak kong si ana." sabi nito kaya agad na napatango si jose sa mga magulang nito.





Pagkauwi nila sa kanilang bahay, agad na nagluto ng pagkain si jose. Lumapit naman sa kaniya si ana at niyakap sya mula sa likuran.

"mahal," pag tawag nito sa kaniyang atensyon.

"mmm?"

"salamat."

Hinarap naman sya ni jose bago sya ngitian at hinaplos ang kaniyang buhok.

"wala yon mahal, mas magpapasalamat ako sa tatay at nanay mo dahil pinayagan nila ako na kasama ka na sa iisang bahay. Mag sisikap ako para sa ating dalawa at para sa bubuuin nating pamilya." nakangiti nitong sabi sa kaniya kaya naman dinampian sya ng halik ni ana sa kaniyang labi.


Nag doble kayod naman si jose dahil alam niyang kailangan niya ng mas malaking halaga ng pera. Sa umaga siya ay nasa kaniyang parlor at mag sasara sya ng ala singko ng hapon bago tutungo naman siya sa isang bar para maging waiter.

Ilang beses na ngang may nag aaya sa kaniya na bayaran sya para gawin ang isang bagay pero hindi niya ito tinatanggap. Mas mahalaga sa kaniya ang kaniyang dignidad at mahal niya si ana.

Badang alas nwebe na ng gabi ang kaniyang uwi at minsan nga ay maaabutan niya si ana na tulog na.

Sa araw araw minsan ay kumikita siya ng higit kumulang anim na libong piso. Minsan pa nga ay nag raraket pa sya sa pag titinda ng mga sabon at mga pabango.

Lahat ng pera niya ay iniipon niya. Tinignan niya ang alkansya na para sa kasal nila. Meron na siyang walong libo na naiipon habang sa panganganak naman ni ana ay mayroon ng limang libo.

Nakabukod rin ang kanilang pang araw araw na gastos.

Hindi na rin kasi siya nakapag tapos ng pag aaral dahil hirap rin sa buhay. Pero kung tatanungin sya, gusto niyang bumalik rin sa pag aaral.

"mahal" naalimpungatan na pag tawag ni ana sa kaniya. Bumangon pa ito habang kukusot kusot ang mata.

"mahal. kaloka, antok na antok ka na. tska gabi pa lang. Tulog ka na ulit." sabi niya at hinarap ang asawa.

"gutom ka? pag hahain kita ng pagkain." sabi nito at akmang tatayo pa mula sa kanilang higaan.

Agad naman niya itong pinigilan.

"hindi na mahal, busog ako. Kumain na ako bago umuwi."

Tumitig naman sa kaniya ito at nginitian sya ng bahagya. Hinaplos din ang kaniyang mukha.

"wag ka mag pagod masyado, nag aalala ako sayo. Sa umaga nasa parlor ka, sa gabi nandoon ka sa bar nag seserve ng mga orders ng mga customers. Tapos minsan naglalako ka pa ng mga paninda. Nag aalala na ako sayo baka magkasakit ka niyan, wala ka pa masyadong tulog minsan. "

" ayos lang ako mahal. Ayos lang ako, tska kailangan ko mag ipon para sa inyo ni baby. Tska para sa pag aaral mo. " sabi niya rito.

Ramdam ni ana kung gaano sya kamahal ni jose. Hindi nga siya nito hinayayaan na mag trabaho kahit kaya pa naman niya. Hindi pa naman gaano malaki ang kaniyang tiyan.

" halika nga dito sakin" pag tawag niya at agad na niyakap ang kaniyang asawa.

"mahal ko, ito tandaan mo ha? hindi importante sakin ang magarbong kasalan. Kahit simple okay lang, mahalaga sakin magkasama tayo sa hirap at sa ginhawa. Yung pag aaral ko, pwede naman ako huminto muna hanggang sa lumabas si baby natin."

"nangako ako kay papa na pag aaralin kita"

"alam ko naman yon mahal eh, pero gusto ko muna inenjoy ang pagiging ina at asawa ko sayo. Pero salamat mahal ha, na appreciate ko lahat ng ginagawa mo. I love you." saad ni ana bago titigan ang asawa.

Isang ngiti ang binigay sa kaniya ni jose at hinalikan siya sa labi.



Nag hanap rin ng iba pang trabaho si jose para mas makaipon pa sya. Habang si ana naman ay gumawa rin ng paraan para makatulong sa kaniyang asawa.

Nag luto sya ng mga shanghai, lumpia at iba pang mga ulam at nilalako nila ito sa kanilang lugar.

"bakit naman hinahayaan ka ni jose na mag tinda? Baka mapa ano ka pati yang bata na nasa sinapupunan mo" sabi ng tatay niya noong minsan na pumunta sya sa bahay ng mga ito.

"papa, ayaw nga po ni jose na mag tinda ako pero gusto ko sya tulungan." pangangatwiran niya rito.

"ang sabi niya pag aaralin ka niya. Mabubuhay ka ba ng asawa mo?" kunsumidong tanong ni mang modesto sa anak.

"Masipag po si jose. Alam ko pong ginagawa nya ang lahat para sa akin, sa amin ng magiging anak niya. Nakaka kain po kami tatlong beses sa isang araw, papa. Kung sa pag aaral ko naman po ako na nagsabi sa kaniya na pwede naman ako tumigil muna. Gusto ko mas maramdaman ang pagiging asawa sa kaniya at pagiging ina sa aming anak. "

Nakatitig lang naman ang kaniyang mga magulang sa kaniyang sinabi. Tumayo na siya at kinuha ang basket na pinaglagyan nya ng mga paninda.

" uwi na po ako ma, pa. " paalam niya sa mga ito at lumabas na ng bahay.


Pagdating niya sa bahay nila ay nandoon na si jose at nag luluto ng kanilang pagkain.

"mahal, ang aga mo naman yata. Hapon pa lang ah." sabi ni ana habang nilalapag ang basket sa kanilang mesa.

"eh kasi mahal dinala ko sa parlor yung mga deliver na sabon at mga pabango. Napaubos ko doon agad. Habang nag kukulot nga ko doon ng buhok nag se-sales talk ako!" masaya nitong pag kukwento sa kaniya kaya pati siya napangiti.

"Proud talaga ko sayo mahal koo" agad niyang nilapitan si jose at niyakap ng mahigpit.

"palagi kitang ipagmamalaki kahit anong sabihin ng ibang tao sayo." ana.

Bumakas sa mata ni ana ang bahid ng lungkot at sakit dahil sa narinig niyang masakit na salita mula sa kaniyang sariling ama. Agad naman na nakaramdam si jose dito.

"may nasabi na naman ba si papa sayo?" pag tatanong niya ng marahan dito.

"wala, ano yang niluluto mo?" pag lihis niya ng usapan ngunit hindi ito nakaligtas kay jose.

"Pwede ka naman mag aral mahal, yung pang kasal natin sa pag aaral mo muna. Mapag iipunan pa naman yon eh." sabi nito sa kaniya.

Ganoon na nga ang naging sitwasyon nila. Si jose nag hahanap buhay habang si ana naman ay nag aaral. Minsan nga ay dinadala niya sa kanilang paaralan ang mga produkto na sabon at pabango, inaalok niya sa kapwa niya mga estudyante at sa mga guro.

"so bakla ang asawa mo?" tanong ng isang lalaki na nasa kaniyang bandang likuran. Si Richard. Isang mayaman.

"Oo. Pero masipag. Mula araw hanggang gabi nag tatrabaho sya. Minsan nga hindi na sya halos nag papahinga para lang sa akin. Nangako kasi sya sa papa ko na pag aaralin niya ako at eto ako ngayon, dahil sa kaniya nag aaral pa rin ako. At proud na proud ako doon, madiskarte sya." nakangiti niyang sabi dito. Natahimik naman si Richard sa mahabang paliwanag sa kaniya ni ana.

Kinuha na niya ang kaniyang mga gamit, palabas na siya sa room ng makita niya si jose na naka gray shirt at pants. Kumaway ito sa kaniya.

" Mahal! " sigaw niya bago kumaway. Tuluyan na sya lumabas ng kanilang classroom at sinalubong ang asawa.

"para namang miss na miss mo ako ah" sabi ni jose sa kaniya.

"Syempre naman! ay oo nga pala, nabenta ko yung mga products sa mga guro at mga estudyante. Yung iba nga nag hahanap pa. Naka tatlong libo rin ngayong araw mahal." sabi ni ana sa kaniya at inabot ang pera.

"Nako ikaw ha, kaya pala nawala mga products sa bahay, girl ah. Thank you mahal" Jose.





Nakatapos sa third year college si ana at buwan naman ng kaniyang kapanganakan. Nakaipon naman si jose ng dalawampu't limang libong piso. Nag papasalamat naman sila at normal delivery ang asawa, sa public hospital din sya nanganak kaya naman hindi ganoon kalaki ang kanilang binayaran.

Ang iba sa napera na dapat sa panganganak ay binili nila ng mga kagamitan ang kanilang anak. Katulad ng diapers, gatas at vitamins. Naibili na rin kasi ni jose ng mga damit at sapin ang kanilang anak mula sa iba pa niyang ipon.

Ngunit dumating sila sa puntong naubos ang ipon ni jose. Nag bawas sya ng kaniyang trabaho upang may kasalitan si ana sa pag aalaga. Ayaw niya kasing pahintuin ito sa pag aaral, ang pangako niya sa ama nito ay hindi niya kayang sirain.

"wala na palang gatas si jasmine." saad ni ana habang tinitimplahan ng gatas ang anak. Kaunti na lamang ang nasa lalagyan nito.

"may pera pa ako mahal, bibili na lang ako mamaya. Ano pa bang wala?"

"may diaper pa naman siya, pang agahan ang wala tayo." sabi nito bago kargahin ang kanilang anak.

Tumango tango lang si jose sa kaniya bago nag bihis. "Hahanap muna ako ng pera, mahal." sabi nito at agad na umalis ng bahay.

Pumunta siya sa bar at muling nakiusap na kung pwede ay mag waiter sya doon at pwede rin na kumanta. Tinanggap naman siya ng may ari ng bar dahil kilala naman siya.

Noong gabing yon ay maraming nakuhang tip si jose dahil sa kaniyang pag kanta at kumita rin siya sa pagiging waiter nya. Binibigyan rin naman siya ng tip.

Noong gabing yon ay kumita sya ng limang libong piso. Pauwi na sana sya ngunit hinarang siya ng dalawang lalaki at pilit na inaaya.

"Para namang bago ka sa pakikipag s*x sa mga lalaki"

Hinawakan siya nito sa panga at pilit na hahalikan.

Lingid sa kaniyang kaalaman, may pares pa lang mata ang naka matyag sa kaniya hanggang sa umalis ito.

"ano ba! Pakawalan nyo ko!" pilit siyang kumakawala sa mga ito hanggang sa sinipa niya isa isa.

Patakbo siya umuwi sa kanila ng gabing iyon. Pagkapasok pa lang niya sa kanilang bahay ay nakita niya si ana na karga pa rin ang kanilang anak.

"mahal, kumita ako ngayong gabi" sabi niya at umupo sa tabi nito.

"saan galing?"

"sa bar, kumanta at nag waiter ako ulit para makakuha ng pera"

"Hindi ba yan galing sa mga lalaki mo?"

Napakunot noo si jose sa sinabi ng kaniyang asawa.

"anong mga lalaki? Ano yan mahal?"

"may nag sabi sakin kanina na may kahalikan kang lalaki at sa daan pa. Hindi ka na nahiya."

Nilapag nito ang kanilang anak sa higaan.

"mahal, hindi ako nanlalalaki. Sino ba may—

"At patuloy mo pa itatago? Ano yang nasa leeg mo?!" malakas na sabi nito sa kaniya.

"mas mauuna ka pa bang maniwala sa mga ibang tao kaysa sakin? Nag waiter ako sa bar, kumanta ako kaya mayroong pera, mahal. Yung nasa leeg ko, hinalikan ako ng isang lalaki —

"Ayan, sa sarili mong bibig lumalabas ang lahat ng yan"

Hindi na lang nag salita pa si jose dahil ayaw niyang sigawan ang asawa. Pagod sya sa pag haharap ng pera.

"kung ayaw mo makinig sa paliwanag ko, ikaw bahala. Kilala ko ang sarili ko at malinis ang ginagawa ko." tumayo na siya at lumabas ng bahay.



Tatlong araw itinagal ang hindi nila pag uusap ng maayos. Mas pinili na lang ni jose na mag trabaho upang hindi niya maisip ang  pag aaway nila ng kaniyang asawa.

Minsan nga uuwi sya wala pang nailuluto na pagkain pero wala syang reklamo. Sya pa rin ang kumikilos minsan sa pag uwi.

"mahal," pag tawag ni ana sa kaniya at nilapitan sya. Umupo ito sa kaniyang tabi at humilig.

"sorry" habol nito.

"nag ttrabaho ako ng maayos, ana. Pero kung sa iba ka maniniwala, wala akong magagawa doon." may hinanakit pa rin na sabi nito.

"bakla ako, alam ko yon. Ayaw kong mawala ang dignidad ko, ayaw kong may masabi sakin na kaiba yung mga magulang mo." pahabol nito.

"mahal sorry. Tutulungan na lang kita sa trabaho mo, pwede naman ako pumasok as a clerk doon sa munisipyo. Kapag nakaipon na tayo, pwede na ako ulit makapag aral..may mas maibibigay na tayo kay jasmine na pangangailangan nya."



Nagkaroon nga ng trabaho si ana sa munisipyo. Kaya naman minsan ay dinadala ni jose ang anak sa parlor, dala niya ang stroller nito na bigay ng kaniyang kapatid sa kanila.

Nag aalaga sya habang nag ttrabaho. Habang si ana naman ay mag hapon sa munisipyo at uuwi na lang sya sa hapon.

Sa araw araw na pagttrabaho ni ana ay may madalas na kumausap sa kaniya na lalaki. Naging kasundo niya ito, nag ngangalang christian. Galing ito sa mayamang pamilya at naka graduate ito ng kolehiyo. Gwapo rin at matangkad.

Minsan nga ay hinahatid pa sya nito sa kanila, at bago yon ay sabay pa silang kumakain sa mga kainan malayo sa kanilang lugar.


" may gusto yata sayo yung christian" sabi ni jose habang dinuduyan ang kanilang anak.

"wala, kaibigan ko lang yon. Palagi lang sya nag ooffer na ihatid ako rito sa bahay." nag bihis na sya at nilapitan ang kanilang anak.

Pinakatitigan naman sya ni jose at tumango ito ng marahan.










Palaging ganoon ang nangyayari, minsan nga gabi na siya umuwi dahil kasama nya pa rin ito. Hinahatid naman sya.

At napag tanto niyang nag kakagusto na sya kay christian.

Noong gabing yon ay hindi sya makatulog. Pinag masdan nya lang si jose na naka harap sa kaniya habang nakapikit at natutulog ng mahimbing.






"Alam mo ana, gusto kita." pag tatapat ni Christian habang naka tambay sila sa isang tulay.

Napalingon naman sa kaniya si ana, "pigilan mo na yang nararamdaman mo."

Binawi agad ni ana ang kaniyang pag titig sa lalaki.

"Bakit naman? Ikaw ba, hindi ka ba nagkagusto sakin?"

"Christian, mali ang kung ano mang nararamdaman ko at nararamdaman mo."

"so gusto mo ako?"

Hindi agad sya nakasagot at tumingin na lang sa malayo.

Pero bago matapos ang araw na yon, ay nagka aminan na sila ng tunay na nararamdaman..


Nanatiling sikreto ang relasyon ni Christian at Ana. Tumagal ito ng dalawang buwan at walang nalalaman si jose.

"may pupuntahan lang ako ngayong gabi. May pinapagawa kasi sa munisipyo" paalam ni ana habang nag bibihis.

"ala sais na ng gabi mahal, diba hanggang alas kwatro lang yun?" pag tatanong ni jose habang karga ang kanilang anak.

"saglit lang talaga.." hinalikan siya nito sa pisngi at lumabas na ng bahay. Dahil hindi naman mapakali si jose at parang nag hihinala na rin sya ay sinundan nya ang asawa. Panandalian niya munang iniwan ang kanilang anak sa kaniyang magulang.


Sinundan nya ito hanggang makarating siya sa isang kainan. Nakita niya si ana at si Christian na masayang nag kukwentuhan. Masakit para sa kaniya ang nakikita pero hinayaan nya lang.

Nag tago lang siya upang di sya makita ng mga ito.

Alas otso na ng umuwi si ana, hinatid sya ni Christian sa kanilang bahay. Nasa tapat na sila at halatang walang tao rito dahil naka patay ang ilaw at sarado ang pintuan.

"thank you Christian."

"thank you hon, i love you"

Napa sandal naman si ana si sasakyan ng halikan sya nito sa labi. Bigla na lang itong tumumba at sumadsad sa sahig ng hilahin at suntukin ito ni jose.

"Jose!" Ana.

Walang salita na lumabas sa bibig ng kaniyang asawa sa halip hinila sya papasok ng bahay nila.

"mahal—

Nag pipigil si jose na saktan sya kaya naman napaluha at napahikbi na lamang sya.

"Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko? Ano bang kulang ana? Sana sinabi mo sa akin kung ayaw mo na..kung pagod ka na sa buhay na ganito. Pasensya na, ito lang kasi ang kaya ko."

Gustong hawakan ni ana ang asawa pero umiiwas ito.

"Mahal..."

"Pasensya na, hindi ko kayang ibigay sayo yung mga kaya niyang ibigay." patuloy na pumapatak ang kaniyang luha habang humihikbi.

"Wala akong naging kasalanan sayo para gawin mo sa akin to. Nagsisikap ako para sayo, para sa anak natin. Para matupad ko yung pangako ko sa tatay mo na makapag tapos ka ng pag aaral, para maikasal tayo, makapag patayo ng mas magandang bahay. Ni hindi kita kayang saktan pisikal, hindi kita kayang sigawan dahil nirerespeto kita ana. Pero sana maintindihan mo rin ako, yung nararamdaman ko. "

Lumayo sya rito at kinuha niya ang kaniyang  bag at mga damit niya.

"Mahal, pag usapan naman natin to oh."

"Ana wala tayong dapat pag usapan. Kitang kita ko kung paano ka tumugon sa mga halik niya."






"Matalino kang tao, ana! Anong ginawa mo?!" iaang sampal ang inabot niya mula sa kaniyang ina.

"Hindi ko masisisi si jose kung iniwan ka niya! Nakakahiya ka!" sumbat ng kaniyang ama.

Araw araw nag tatrabaho si jose, nasa kaniya ang kanilang anak. Gusto niyang magkaroon ng magandang buhay ito.

Kung minsan naiisip niya si ana pero binabalewala na lang niya dahil may anak siyang kailangan siya.

Sinusubukan rin naman na bisitahin ni ana ang anak at makausap na rin si jose tungkol sa nangyari.

"nasa kwarto si jasmine, natutulog. May mag aalaga naman sa kaniya, sige na may trabaho na ako." halatang iniiwasan sya ni jose at ayaw syang makita nito.

"jose, please.. kahit saglit lang." pagmama kaawa ni ana habang hinahabol sya.









"pinigilan ko naman yung nararamdaman ko kasi alam ko na mali. Noong gabing yon, handa na akong sabihin sayo yung pagkakamali na ginawa ko. Pero ayun na, nahuli mo na ako. Hinanda ko na noon yung sarili ko sa kung ano ang magiging reaction mo. Sorry mahal, hindi ko dapat ginawa yon sayo. Hindi ko na inintindi ang nararamdaman mo. "

" Hindi ko na alam kung paano ko pa ibibigay ang buong tiwala ko sayo, ana"

Humihikbi naman si ana at hinawakan sya sa kamay.

"mahal, sorry. Kung magkakaroon man ulit ng pagkakataon hindi ko na sisirain ang tiwala mo. Gusto ko mabuo tayo para kay jasmine. Kung hindi na ganoon kalalim ang pagmamahal mo sakin, maiintindihan ko. Basta para sa anak na lang natin." pakikipag usap ni ana habang nakatitig sa kaniya.

" may nangyari ba sa inyo? " tanong nito sa kaniya.

Agad syang umiling," wala. wala mahal, natatakot pa rin ako na baka magbunga yung panloloko ko sayo. "

Nakatitig sa kaniya si jose," pag iisipan ko kung kailangan ka pa namin ni jasmine sa buhay namin. "

Tahimik lang sya na tumango. Umalis naman na si jose dahil may trabaho pa at naiwan syang nakatayo habang umaagos ang kaniyang luha.





Unti unti ng nakakapag pundar ng kagamitan si jose at ang iba niyang mga pera  ay hinulog na niya sa bangko. Malaki na rin ang kaniyang naipon.



"magandang araw po," Bungad ni jose sa bahay ng mga magulang ni ana.

"jose, anak. Tuloy ka" sabi ni aling esperanza sa kaniya.

"salamat ma, si ana po?"

"nasa loob ng bahay, nakahiga lang. Kakatapos umiyak at namimiss na kayong dalawa ni jasmine." paliwanag nito.

Marahan naman siyang tumango bago pumasok sa loob ng bahay. Nakapikit si ana ngunit pumapatak ang luha nito.

Tumabi sya rito at yumakap. Maya maya pa ay kinuha niya ang kamay nito at hinawakan.

Sinuotan nya ng singsing ang daliri nito.

Napalingon at napatitig sa kaniya si ana.

"mahal.." naluluhang saad nito sa kaniya at agad syang niyakap ng mahigpit.

Isang ngiti ang binigay ni jose sa kaniya, "nagpahinga lang ako saglit pero hindi nawala ang pagmamahal ko sayo kahit nangyari yung bagay na yon. Pinapatawad na kita mahal ko. At makakapag pakasal na tayo." bulong niya ang huling linya sa tenga nito.

"Sorry mahal, sorry." Ana.

Agad na hinalikan ni jose ang asawa sa noo bago sa labi.

"mahal na mahal kita, ana."









Kinasal silang mag asawa sa isang simbahan. Magarbo at maganda ang pagkakalagay ng mga bulaklak at iba pang palamuti.

Dahil sa pag tityaga ni jose ay natupad niya na maging maganda ang kanilang kasal.

At konting tiis na lang, makaka graduate na si ana sa kolehiyo.









"You may now kiss your bride" saad ng pari. Unti unti naman tinaas niya ang belo ni ana. Hinawakan niya sa pisngi at hinalikan ito sa labi.



















"ang galing nyong mag asawa sa actingan!" sabi ni anne habang nag pupunas ng luha.

"awwie, thank you annie. Super galing dyan ni vicey. Yung mga mabibigat na parts talaga ramdam na ramdam ko" karylle.

"girl! Yung mga linyahan noong mag hihiwalay na yung characters namin, dzai wala yon sa script. Yung iba doon ako na lang nag gawa dahil hindi ko sya.. parang hindi ko mafeel. Nagpaalam ako kay direk sabi ko kung pwede ba ibahin ng konti. Tska maaawa ka kay karylle kapag umiiyak to eh " Sabi ni vice bago hawakan ang kamay ng asawa.

Natawa naman sa kanila ang mga co hosts.

"i am super proud to my hubby. Ang galing sobra." karylle.










"muling mag babalik ang showtime.. lenten special.." sabi ni vice habang nakangiti.



A/N:
Ang habang story so far! Namiss ko ang lenten special ng showtime kaya naisip ko to hahaah

Continue Reading

You'll Also Like

48.3K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
112K 2.6K 83
How can you "reset" if you keep pressing "rewind"? A Bongbong Marcos and Leni Robredo fanfic. ❤️💛
9.6K 429 18
Nilisan ni Ybrahim ang Encantadia para kalimutan ang trahedyang naganap sa pinakamamahal niyang si Amihan. Makalipas ang ilan pang mga taon, muling...
281K 7.9K 38
"I love you Vice" -Karylle "But K... Yes I love you, but only as my friend" -Vice "...Okay lang" -Karylle "Pero sawa na rin akong masaktan sa mga la...