Reincarnated as a Binibini

Per yrioosterical

463K 17.3K 761

Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel called 'Grow Old with You'... Més

Reincarnated as a Binibini
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
ANG HULING KABANATA

KABANATA 49

5.4K 243 9
Per yrioosterical

Halos habol hininga akong umuubo habang sapo-sapo ang aking dibdib. “Diyos ko, anak! Ayos ka lang ba?” naramdaman ko nalang na may humaplos sa likod ko.




“Ayos lang ako, ina.” saad ko habang habol pa rin ang hininga, feeling ko lumusot sa ilong ko yung tubig eh! Grabe instant lunod.




Nakatalikod ako sakanila kaya hindi ko pa nakikita ang mga ulupong! “Binibining Isabella!” rinig kong sigaw ni Olivia.




Napalingon ako sakanilang lahat, napakurap kurap ako dahil parang nahilo ako nang makita ko na naman sila.




Jusme! Ang sabi ko lang ay namiss ko sila pero hindi ko sinabing mag pakita sila ulit sa akin ng sabay-sabay!




“Anong ginagawa niyo rito?!” hindi makapaniwalang saad ko.




“Mukhang ayaw ata ni Binibining Isabella na narito tayo.” umakto pang nasaktan si Rafael.




“Ang sakit mo naman, Binibining Isabella.” dugtong ni Miguel.




Ewan ko kahit ayaw ko silang makita nang sabay-sabay ay namiss ko talaga ang kakulitan nila! Okay nalang na narito sila hehe.




“Wala naman akong sinasabing ganon.” pag tanggi ko.




Totoo naman eh, nag tanong lang ako kung ano ang ginagawa nila rito hindi ko sinabing lumayas sila. Ang bastos ko naman kung ganon!




Napadako ang tingin ko kay Ren na ngayon ay nakangiti sa akin. “Magandang gabi.” bati nito.




“Magandang gabi rin.” waah! Bakit namiss ko si Renren? Parang isang linggo kaming hindi nag kita kahit ilang araw lang naman ‘yon?!




Parang feeling ko ang dami kong ginawa sa araw na ‘yon!




Lumipat naman ang tingin ko kay Ej na ngayon ay nakatingin din pala sa akin, nag tama ang tingin naming dalawa.




“Magandang gabi sa iyo, Binibining Ysa.” binati ko rin siya pabalik, syempre dapat mabait tayo kasi may magandang nangyari kanina.




“Umupo na kayo at tayo ay kakain na.” biglang saad ni ina. “At saka, Isabella anak kaya sila narito dahil gusto ka raw nilang dalawin.”




“Oo nga, binibini.” napalingon ako sa gilid ko nang doon umupo si Claria.




Ganon din si Olivia na nasa kanan ko na. Sunod-sunod na silang umupo sa upuan na gusto nila.




Kakapal ng mga mukha! Dito pa talaga nag si-kainan sa bahay namin!




Nag dasal muna kami bago inumpisahan ang pagkain.




“Si Ginoong Samuel ay niyaya kaming pumunta sakanilang mansyon para sa gaganaping selebrasyon para sakaniyang pag babalik!” Biglang saad ni Claria.




“Si Ginoong Samuel ay inanyayahan lahat ng tao sakanilang mansyon.” nakangiting ani ni ina.




Pasimple kong nilibot ang tingin ko, tss! Buti at hindi nila sinama si Hannah! O baka naman hindi nila niyaya?




Kawawa naman ang babaeng ‘yon, dapat pala sinama na nila hehe.




Napatingin ako sa gawi ni Ej na kumakain at nakikinig lang sa pag uusap nila ina tungkol sa party ni Samuel.




“Bukas na nga po ‘yon.” rinig kong sabi ni Olivia.




Iniwas ko na ang tingin ko kay Ej at nag patuloy nalang sa pagkain hindi ko na sila pinansin pa dahil kumakain ako!




Ang sarap pa man din ng ulam tapos hindi ako mag fo-focus? Asa! Pagkain ‘to oh! PAGKAIN.




Natapos ang kainan kaya ang mga bwisita ay busog na busog, kapal talaga! Akala mo walang pagkain sa bahay nila! Dito pa talaga kumain.




Pero sabagay, dinalaw naman nila ako kaya okay na ‘yon para sa akin.




Palihim akong napangiti. Pumunta kami sa salang lahat, nag upuan naman ang mga kupal!




“O sige at diyan muna kayo para kayo ay makapag usap.” tumingin sa akin si ama. “Ikaw na ang bahala sa mga bisita mo, anak.” napatango nalang ako.




“Opo ama, mag pahinga nalang po kayo ni ina.” saad ko.




Umakyat naman na kaagad ang dalawang matanda at nang ‘di ko na sila makita pa ay saka lang ako humarap sa mga BISITA ko raw.




“Hindi pa ba kayo uuwi? Gabi na at baka hinahanap na kayo ng inyong mga magulang.” hindi naman halatang pinapalayas ko sila.




Hindi ko naman talaga sila pinapalayas! Baka pagalitan lang sila ‘no! I‘m just concern.




Charot.




“Pinaakyat mo lang sila Don Alejandro tapos palalayasin mo na kami?”




“Hindi naman sa ganon, nag aalala lang ako baka hanapin na kayo.” sagot ko sa tanong ni Miguel.




“Alam naman nilang narito kami, kaya wag kang mag alala, binibini.” sagot naman ni Ren.




“Nag paalam kami bago pumunta sa inyong mansyon.” napatango nalang ako dahil sa mga sinasabi nila.




“Dapat kasi kaninang hapon nalang kayo nag punta hindi yung gabi na!” irita kong saad. “Pero narito na kayo eh, ano ba ang pag uusapan natin?” tanong ko bago umupo na rin.




Nakaka guilty naman kung palalayasin ko sila ‘no, may mabuti pa rin naman akong puso kahit pa-paano!




Kinuha ko ang tubig na nasa lamesa lang na binigay ng mga kasambahay at kaagad na ininom ito.




“Ang pag uusapan natin ay tungkol sa inyong dalawa ni Ginoong Joaquin, mag kasintahan na ba kayo?” diretsong tanong ni Olivia na ikinabulunan ko ulit.




ANO?! AYOKO NA TALAGA SA EARTH!




Agad naman akong inalo ni Claria. “Ano ka ba naman Oliv! Mag hinay-hinay ka naman sa iyong sinasabi, binigla mo si Binibining Isabella.” alalang saad nito. “Pero totoo ba, binibini?” tanong din nito.




Pucha!




Rinig ko ang mga tawanan nila Miguel, Rafael at ni Renren, napangiwi naman kaagad ako.




“Walang namamagitan sa amin.” saad ko, napatingin ako kay Ej at saka siya pinanlakihan ng mata.




Mukhang napansin naman niya iyon kaya napatikhim siya. “Tama si Binibining Ysa, dapat ay hindi niyo na siya kinukulit pa.” saad nito.




“Pero kung mapilit kayo, pwede naman naming totohanin.” dugtong  pa niya.





Nganga, ganiyan ang bibig ko ngayon! Ano raw?! Pakiulit? Nabinge ata ako eh, mali ata pagkakaintindi ko.




“Parang walang Binibining Hannah ang iniibig ah?” biglang saad ni Claria.




Oo nga! Ganiyan nga 'yang si Ej, babaero.


Natawa lang si Ej. “Wala na kami ni Hannah.” saad nito.




Sus!





Nag usap-usap lang sila samantalang ako ay tulala lang at parang sirang plakang umuulit sa pandinig ko ang sinabi niya.

"Pero kung mapilit kayo, pwede naman naming totohanin."


"Pero kung mapilit kayo, pwede naman naming totohanin."


"Pero kung mapilit kayo, pwede naman naming totohanin."







“Pumunta kanina ang mga taga siyasat sa mansyon namin.” napukaw lang ang attention ko nang marinig ko ang sinabi ni Rafael.




“Lahat naman ata ng mansyon natin ay pinuntahan ng mga taga siyasat.” saad ni Miguel.




“Narinig ko sa usapan nila ama na sa mansyon daw ng mga Soriano natagpuan ang bangkay ng taga hawak ng pera at ang perang ninakaw!” parang nag palakpakan ang tenga ko sa narinig.




“Ano ang nangyari sa mga Soriano?” tanong ko nang biglaan.





Pero mukhang hindi naman nila napansin na masiyado akong excited sa Soriano.




“Muntikan na silang dakpin ngunit ang sabi nila ay hindi raw sila ang gumawa non baka raw ay binitag sila.” palihim naman akong napangisi sa sinabi ni Rafael.




Ano kaya ang naging reaksyon nila? Siguro priceless! Sigurado akong pinuntahan na rin nila ang morgue na ‘yon! Wala na silang mapapala dahil nakatakas na ang dalawa.




“Ano ang nangyari? Pinalaya sila?” tanong ni Ren.




“Oo ata, kasama pa naman ang mga Soriano bukas sa gaganaping selebrasyon ni Ginoong Samuel.” muling saad ni Rafael.




Tahimik lang akong nakikinig sakanila pero gusto kong tumawa ng malakas dahil nakalaya pa sila.




Sabi na eh, makakaisip kaagad sila ng paraan para hindi sakanila isise, nakakatuwa.




Hindi na ako nagulat doon lalo na‘t maimpluwensiya rin si Don Alfred ang tatay ni Philip. Tsk! Makikita ko ang mga Soriano bukas na bukas din!




Wala namang nangyaring masama sa party ni Samuel kaya medyo panatag ako na medyo hindi.




Lalo na‘t naiba na ang flow ng story, wala nang gusto si Ej at Ren kay Hannah, tapos si Samuel hindi na love at first sight kay Hannah, basta! Ang daming nabago.




Dahil ba sa akin?




Malamang sa alamang, Isabelle! Dahil talaga sa ‘yo ‘yon.




Sorry, my false.




Palihim nalang akong napasimangot dahil sa kinakausap ko ang sarili ko! Jusko naman baka makita ko nalang ang sarili ko na nasa Mental Hospital na!




“Bakit hindi niyo kasama si Binibining Hannah?” tanong ko.




Natigilan naman silang lahat, oo lahat talaga sila natigilan, wow ah parang nag practice.




Napakamot si Miguel sa ulo, napangiwi ako sa kinilos niya. “She‘s busy.” saad nito.




Busy?





“Ah ganon ba?” tanging saad ko nalang, buti nalang talaga at ‘di nila sinama amg babaeng ‘yon! Talantod!




Tumango tango naman siya. “Uwi na tayo, masyado ng gabi.” biglang nag salita si Ej.




“Oo nga, aalis pa tayo bukas.” dugtong ni Ren na sinang ayunan ko rin hanggang sa mag sunod-sunod na silang sumang ayon.




Tumayo na sila kaya ganon na rin ako, inihatid ko na sila sa labas ng gate at naroon ang kaniya-kaniya nilang mga karwahe.




Nag paalam sila sa akin at nauna nang pumasok sa kalesa sila Olivia at Claria, sumunod yung dalawang ulupong na si Migs at Raf ganon din si Ren.




Napatingin ako kay Ej, nag tama ang tingin naming dalawa, sobrang tahimik ang namagitan sa amin.




Ngumiti ito sa akin, kaya napangiti na rin ako sakaniya. “¡Qué bonita sonrisa!” ( What a beautiful smile )




Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, huh? Ano raw?




“Me gustas mucho.” ( I like you ) muli na naman nitong saad.




Ano rawww?! Gusto niya ng mucho?! Wala naman atang choco mucho rito diba?




Unti-unti nang bumalatay ang taka sa mukha ko, gago baka minumura na ako ni Ej?! Kingina.




“H-huh?” takang tanong ko.




Aba! Gusto niya pala ng choco mucho bakit sa akin niya sinasabi?! Kingina nito.




Rinig ko ang tawa nito na ikinairita ko. “Wala.” saad nito sabay ngiti sa akin. “Aalis na ako.” saad nito.




Ngumiti nalang ako. “S-sige, bye.”







“Adiós, Mi vida.” ( Bye, my life. )










***
yrioosterical.

Continua llegint

You'll Also Like

159K 374 14
Adult content 🔞⚠️ , smut...😍 read ur own rick ❌‼️
108K 2.4K 58
I'm Genevieve Clarrise Royal the princess of Cattelion Kingdom and I am in a disguise as the maid of prince Marcus Arthur Rebel the prince of Sunris...
𝐌𝐘 𝐁𝐎𝐎 Per ఌ

Literatura romàntica

308K 15.7K 24
typical highschool love story
52K 2K 47
A girl who can make you smile. A lovely girl that can be a demon. A girl who loves playing around. She can have the power but she remain silent, till...