Reincarnated as a Binibini

By yrioosterical

498K 18.1K 933

REINCARNATED SERIES #01 Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel ca... More

Reincarnated as a Binibini
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
ANG HULING KABANATA
ESPESYAL NA KABANATA

KABANATA 31

6.2K 220 1
By yrioosterical

Napatahimik bigla ang lahat sa table namin, tangina! Na hot seat ako! Nananahimik lang naman ako rito eh bakit ako yung tinanong?!




Duh! Si Hannah ang may birthday, hindi ako! Kainis amputa.




Napatingin ako sa bisita dahil babae ang nag tanong, kapal ng mukha! Wala pa naman ito sa katandaan, kasing edaran lang namin.




Saan niya nakalap ang balita na iyan?! Eh yung pamilya Montenegro, Hernandez at Guivarez lang naman ang nakakaalam, isama na natin yung dalawang ulupong.




Si Migz at Raf, psh!




Ano sasabihin ko ngayon?! Kingina naman wala naman akong gusto kay Ej! Wala bang tutulong sa akin diyan?




Ang sasama nila kung ganon! Kitang kita ko ang pagmumukha ni Hannah dito na nakangisi sa akin, parang na eenjoy niya yung reaksyon ko.




Mapagpanggap talaga ako, lalo na't nag papanggap ako bilang si Isabella, siya naman masiyadong halata! Ang pagkaahas niya ay pinapakita niya!




Don Alexander cleared his throat, mukhang naramdaman niya ang atmosphere. "Let's just continue the party." sa awa ni Don Alexander iniba niya ang usapan.



Buti naman! Pati ako naiilang na rin eh! "Happy birthday to you, Hannah, iha." nakangiting saad ni Don Alexander.




Ngumiti rin naman ang gaga, syempre tatay 'yan ni Ej dapat good girl siya, duh daig niya talaga yung china sa pagiging peke niya!




"I want to enjoy my birthday, ama nasaan na po yung mang tutugtog ng piyano?" sabik nitong saad.




Kailan pa siya nagka interes sa piano?! "Anak, hindi makakarating ang mantutugtog dahil may importante raw siyang pupuntahan." saad naman ni Don Rolando.




Umakto naman itong nalungkot, pinagmamasdan ko lang silang lahat.




Parang tanga si Hannah.




Biglang lumiwanag ang mukha nito na parang biglang may naisip. Kita ko ang pag tingin niya sabay ngisi sa akin.




Ayoko ang ngisi na 'yon, parang may binabalak siya! Tangina! Pag talaga ako nakaganti sa 'yo Hannah, luluhod ka talaga sa akin habang nag mamakaawa!




"Bakit hindi nalang si Binibining Isabella ang tumugtog ng piyano?"




Sabi na eh, hindi talaga ako nag kamali sa hinala ko. Alam niyang hindi marunong tumugtog ng piano si Isabella.




Papahiyain talaga ako nitong si Hannah eh! Pero hindi ko hahayaang pahiyain niya ako lalo na ang pamilya ni Isabella.




Kita kong biglang natigilan ang lahat na nasa lamesa, alam din nilang hindi marunong tumugtog ng piano si Isabella dahil one time rin ay pinatugtog siya pero ang pangit nang kinalabasan.




"Kaarawan ko naman, Binibining Isabella. Pag bigyan mo na ako." nakangiti nitong ani.




Kung ang totoong Isabella pa siguro ang nandito kanina niya pa sinampal si Hannah, kahit ako kating-kati na akong suntukin ang pagmumukha niya.




"Binibini, pwede namang sa ib─." natigil ang pag sasalita ni Ej nang tumayo ako.




"Gagawin ko dahil kaarawan mo naman, binibini." nakangiti kong saad.




"Anak." tinignan ko lang si Donya Ilaura dahil kita ko ang pag-aalala niya.




"Ayos lang, ina."




"Per─."




"Kaya ko po, paano natin malalaman kung hindi ko po susubukan?" alam kong tinuturuan ni Donya Ilaura si Isabella sa pag pi-piano.




Pero hindi talaga matuto si Isabella, hindi hilig ni Isabella ang pag piano, pero ako mahilig ako mag piano.




May dahilan ako kung bakit gagawin ko 'to, alam kong gusto akong pahiyain nito. Hindi ko siya hahayaang pahiyain ako dahil siya ang papahiyain ko.




Kita ko ang pag bulong sakaniya ni Ej, kita ko bigla ang gulat sa mukha niya na parang sinadya niya kahit alam naman talaga niya.




"W-wag─."




"G-gagawin ko." putol kong saad, pinaramdam ko sakaniya ang kaba ko kahit hindi naman talaga ako kinakabahan.




"P-pe─."




"Ayos lang, binibini. Wag kang mag-alala. Gagawin ko 'to para sa 'yo. Para maging kaibigan mo." mahinhin kong sagot na parang totoong totoo ang sinasabi ko.




Natigilan naman siya kahit ang mga tao rin sa table. Umalis ako sa upuan ko, kitang-kita ko kung paano ngumisi sa akin si Hannah.





Iniwas ko nalang ang tingin ko sakaniya at umaktong natakot, pinahalata ko ring kinakabahan ako. Para sulit yung pag papanggap ko.




Pumunta ako sa piano kung nasaan nasa pinaka gitna iyon, umupo ako ron.




"Attention! Si Binibining Isabella ay tutugtog ng piyano." pag pukaw ni Hannah sa attention.




Tsk tsk, halata namang gusto niya ang nangyayari! Palihim akong ngumisi, sinisigurado kong walang nakakita nang pag ngisi ko.




Hindi ko hahayaang mapahiya ang pamilyang Montenegro nang dahil lang sa kagustuhan mong pahiyain ako Hannah.




May magiging dahilan ako pag tinugtog ko na ang piano.




Hindi ako sasabak sa gyera kung walang akong sandata.




Pero pwede ko naman siyang suntukin...




Tinignan ko ang mga pyesa bago bumuntong hininga.




Imbis na ako ang papahiyain mo, ikaw ang pahihiyain ko. This is my sweetest revenge for you, my dear sister.




Huminga muna ako nang malalim, inilagay ko ang isa kong kamay bago tipain ang pyesa, lumikha ito nang hindi magandang tunog.




Kita ko sa peripheral vision ko ang nakangising mukha ni Hannah, kita ko rin ang pag-aalala ng iba sa table.




Inulit ko ulit iyon, dalawang kamay na ang ginamit ko, sinadya kong pangitan ang pag-tipa, don na ako nakarinig nang bulong-bulungan sa paligid.




Tsk! Mapang-husga ang mga tao! Tinigil ko muna iyon, hindi ko rin alam kung ano ang patutugtogin ko, dahil kung kanta sa kasalukuyan ang ipa-piyano ko, baka makahalata siya.




Hinawakan ko ang mga pyesa at tinipa ulit ito, pinangitan ko na talaga. Mas lalong lumakas ang bulong-bulungan sa paligid.




Sige lang, pag-usapan niyo lang ako.




Masaya kana ba ngayon Hannah? Nagagawa mo nang pahiyain ako, pero pasensya nalang sa 'yo, ikaw ang mapapahiya.




Kita ko ang akmang pag tayo ni Hannah, para siguro puntahan ako at humingi ng sorry sa lahat, papahiyain niya ako pag tumayo siya riyan sa upuan.




Alam ko ang ugali ni Isabelia, tss.




Nang tuluyan na siyang makatayo ay akmang lalapit na siya sa akin nang tipain ko na ang mga pyesa sa maayos na pagtugtog.




Kita ko ang pag tigil ni Hannah sa akmang pag lakad niya palapit sa akin, parang tumahimik din ang paligid at tanging ang tunog ng piano lang ang maririnig sa buong mansyon.




Pumikit ako at mas dinamdam ko ang pagpa-piano ko, habang mas tumatagal ay gumaganda ang tunog hanggang sa bumibilis ito at bumabagal din.




Maganda pakinggan at masarap sa tenga.




Napadilat ako nang matapos ang pag tugtog ko, rinig na rinig ko ang pananahimik ng lahat, parang kahit pag bagsak ng karayom ay maririnig!




Walang nag salita, lahat ay nakatingin sa akin. Napatingin ako kay Hannah na ngayon ay tulala at hindi makapaniwala, nag hahalo ang inis don.




Pahiya ka 'no?




Gusto ko siyang ngisian kaso baka makahalata na siya. Tumayo na ako bago lumapit sakanila.




"Anak..." tumayo si Donya Ilaura at niyakap ako, niyakap ko rin siya pabalik.




"Paano ka natutong mag piyano?" takang tanong nito nung kumalas siya sa yakap.




"Syempre, magaling po ang nag turo eh." saad ko. "Tinuruan ko po ang sarili ko, inisip ko ang mga tinuro mo at 'yon ang itinuro ko sa sarili ko." pag dadahilan ko.




Ngumiti ito at hinaplos ang buhok ko. "It's just all pretending? You impressed me, iha." ngumiti ako kay Don Alexander nang puriin niya ako.




Gusto mong ma-impress si Don Alexander diba Hannah? Sorry ka ako yung pinuri niya, 1 points para sa 'yo Isabelle.




"Ang galing mo, binibini." puri sa akin ni Renren, ngumiti ako nang malapad sakaniya.




"Maraming salamat, Ren." napatingin ako sa gawi ni Ej na nakatingin lang saakin, ngumiti ito ng mag dapo ang tingin naming dalawa.




"Napakaganda." saad niya, ngumiti rin ako sakaniya, kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Hannah.




Opss! Sorry sadya!




Biglang tumayo si Hannah kaya napadako ang tingin naming lahat sakaniya, kita ko ang pag buntong hininga niya.




Pahiya unti, bukas bawi.




"A-ang galing mo, Binibining Isabella." ngiti nitong saad sa akin, ngumiti lang ako sakaniya bago tumango na parang nag papasalamat. "Hindi ko akalain na marunong ka pala." dagdag nito.




Gusto kong tawanan ang mga pinagsasabi niya pero pinigilan ko dahil baka ako na naman ang mag mukhang masama sa tingin nila.




Salamat dahil pinahiya mo lang ang sarili mo.




"I'll speech na, dad. Because i have a big announcement to everyone." palihim akong natigilan.




Mukhang eto na yung part na sasagutin na ni Hannah si Ej! Hindi pwede. Bigla akong nakaramdam nang tawag ng kalikasan.




Ano ba iyan! Bakit ngayon pa ako tinawag ng kalikasan? Naiihi ako!




"Ina, mag babanyo lang ako." saad ko, tumango ito sa akin kaya dali-dali rin akong pumunta sa banyo.




May mga nakasabayan din akong babae na nag babanyo, yumuyuko lang kami sa isa't isa bilang pagbati na rin.




Pumasok na ako at nag simula nang gawin ang dapat gawin, nag mamadali rin ako at nag iisip kung paano ko ipapatigil ang gagawin niya!




Nang makita ko ang peslak ng babaeng 'yon kanina habang sinasabi niya ang big announcement.




Alam kong sasagutin na niya si Ej! Jusme anong gagawin ko? Tumalon kaya ako sa bintana kanina?




Mag himatay-himatayan kaya ako? Naiistress ako mahabagin!




Dali-dali akong tumayo at pagkatapos na ng lahat ay lumabas na rin ako, halos madapa-dapa na ako kakamadali.




Nang tuluyan na akong makarating don, nakita ko si Hannah na nakatayo lang sa gitna habang nakangiti.




"This man is courting me for a months! I know... i know inside me that i slowly falling inlove with him." napangiwi naman ako.




Weh? Ulok! Nag iisip pa rin ako kung ano ang gagawin ko, gawin ko na kaya yung himatay-himatayan? Kakahiya naman iyon diba?




Baka mas lalo lang maiissue na ginawa ko ang gawain na 'yon dahil ayaw ko silang mag katuluyan, which is totoo naman dahil ang dahilan ko ay yung hindi na ang totoong Hannah ang nasa katawan na 'yon!




Bumilis ang tibok ng puso ko sa sunod na sasabihin niya.




"And i want to announce to everyone na si Ginoong Elijah Joaquin Hernandez ay sinasag─."





"AHHHHHH!!!"










***
yrioosterical.

Continue Reading

You'll Also Like

249K 9.9K 32
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
271K 13.3K 61
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
37K 2.3K 22
𝐁𝐨𝐨𝐤 # 𝟏 𝐨𝐟 𝐓𝐡𝐞 𝐑𝐚𝐚𝐳 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬. Love or betrayal? Consumption of betrayals. Internal betrayal? Yes! Will they be overcome? Or W...
16.4K 360 14
Hello, this is English Poetry and I do not claim that this is mine.