Itlog Invasion!

By katmew

364 11 10

A collection of one-shots... (Requests are allowed) by:Katmew^^ More

Itlog Invasion!
I'm Dating The Itlog Princess
Requests!
Announcement

Never Itlog A Gangster

66 2 0
By katmew

Dedicated to AlesanaMarie ;). Mahal na mahal ko po si RED! xD

■▨■▨■▨■▨■▨■▨■▨■▧■▧■▧■▨■▨■▨

Gangster...

Ang unang pumapasok sa utak natin ay mga masasamang taong mahilig manakit. Bigtime bully kumbaga..

Ang real life gangsters ay pangit, mahilig manigarilyo at uminom, basagulero, drug users, at masasama.

Sa wattpad world naman, puro gwapo, matatangkad, hot, mayaman, hearthrob at naiinlove sa good girl.

See the difference? Isang napakalaking kalokohan..
Pero dahil loko loko ako, wattpad world gangsters ang trip ko. Alam ko namang mahilig kayo sa gwapo eh...

Meet Red Dela Paz, ang gwapong gangster ng Itlog High...
Pano kung mameet nya si Kristine Mercado? Ang dakilang commoner ng school? May twinkle twinkle little star kayang magaganap?

Ang cliche diba? Ganun talaga, wattpad eh..

▣▣▣START▣▣▣

Nagmamadaling tumatakbo ako patungo sa assigned room namin. Malelate na kasi ako sa pag-aassist sa mga teachers. Kakambal ng scholarship ay ang pagiging teachers pet ko sa kanila. Personal assistant kumbaga..
Pero okay lang, as long as namemaintain ko naman ang pagiging scholar ko.

As usual, sa tuwing makikita nalang nila ako naguusap na naman sila tungkol sakin. Pakialam ba nila kung poorita ako at 30 pesos lang ang baon? Tanggap ko naman from the start pa lang na wala akong laban sa Gucci at ferrari nila. Hanggang jansport na binili pa sa bangketa lang ang kaya kong bilhin.

Isa pa, hindi naman nila ikayayaman ang pagtsismisan ako nang kung ano anong kasinungalingan. Nagsasayang lang sila ng oras..

Pagliko ko sa hallway nakasalubong ko si Diamond, ang "queen bee/school slut". Sya ang pinakaleader ng haters ko at leader naman ng Red Club. Ewan ko ba sa kanya kung bakit ako lagi ang pinagtitripan.

"Look girls, ang mahirap na squatter girl.."

Tiningnan ko sya nang masama. Kahit mahirap ako hindi naman kami nakatira sa squatters area no!
"Ano na naman ba Diamond?"bored na tanong ko. Ilang minutes nalang at talagang malelate na ako..

"Eww, stop calling my name nga. Dinudungisan mo ang makinang kong pangalan.."maarteng sabi nya.

"Bagay talaga sayo pangalan mo, mukha ka kasing pwet ng baso.."bulong ko.

"Anong sabi mo?!"atungal nya sa malaki nyang bibig.

"Walang ulitan sa bingi, pwede na bang umalis? Nagmamadali na kasi ako eh."Sabi ko sa kanya.

"Whatever squatter girl, shoo na nga! Nangangamoy squatter na ako eh. Yuck!"sabay spray nang pabango nyang masakit sa ilong.

Di hamak na mas mabango pa ang johnsons sa cologne nyang galing USA.
Nilagpasan ko na sya at saka dumiretso papuntang faculty. Inutusan kasi nila akong ibalik ang mga libro sa library.

Dala dala ko ngayon ang isang pile nang mga librong umabot pa hanggang lampas ulo ko pag binuhat. Wag sana akong madapa..

Hirap na hirap akong naglalakad patungong library, at para umiwas narin sa mga taong mahilig mantrip sa hallway, lumiko ako sa likuran ng building. Dito, mas safe ako sa mga taong namamatid ng paa lalo na't may bitbit akong mga libro.

Siguro nga talaga at hindi ako mahal nang tadhana, nabangga ako sa isang pader or so I thought.
Nagkalat sa lapag ang stack ng librong buhat ko kanina kasabay nang pagkabagsak ko sa lupa.
Wow, malas ba talaga ako?

"Stupid, tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"singhal ng isang boses.

Nung tiningnan ko ang tarantadong bumangga na nga sakin sinabihan pa ako ng stupid. At lalo lang akong nainis nang makita kong si Red yun. Ang basagulerong feeling gwapong gangster ng school.

Agad agad akong tumayo at sinigawan sya.
"Hoy gag0! Ang kapal naman ng mukha mong sabihan akong estupido! Ikaw na nga tong nambangga ako pa sinisi mo! Tang-a kaba?!"

Siguro stupid talaga ako at sinigawan ko ang pinakadangerous na tao sa school pero huli na para magback out. Sinabi ko na eh..

Tiningnan nya ako nang matalim, yung tipong tingin na magpapanginig sayo.
"Anong sinabi mo sakin?"mahinang tanong nya sa nakakatakot na boses. Pero hindi ako nagpaapekto. Ako pa tinakot nya?

"Ano bingi lang? Pwede ka namang magsorry diba? Bat mo pa ako sinabihang stupid? Porket gangster ka batas ka na? Suntukan na lang kaya?!"patuloy kong dakdak.

Teka.. hinamon ko ba sya ng suntukan?

Nagulat ako nang bigla syang tumawa. Yung uri nang tawang kita ang ngala ngala.

"Tss, nasisiraan na ata to ng bait.."bulong ko sa sarili.

Habang tumatawa sya ng walang bukas, pinulot ko naman isa isa ang mga librong nagkalat sa lupa. Nang maayos ko nang maipile, agad ko tong binuhat. Paalis na sana ako nang humarang sya sa daanan ko.

"Tabi dyan! Baka pag nabangga mo na naman ako sabihan mo na naman ako ng stupid. Tabi!!"singhal ko sa kanya.

Nakangiti lang sya ng nakakaloko sa harapan ko at hindi umalis. Sarap din talagang suntukin nito eh no..

"You know what, I like you.."sabi nya habang nakangiti.

Ano daw? Nakatitig lang ako sa kanya na parang nasisiraan sya ng bait. I guess, nasiraan na nga.

"Ginagag0 mo ba ako? Tumabi ka na nga dyan bago kita masipa.."inis na inis na saad ko sa kanya. Ang walangya, wala talagang balak lumayas sa harapan ko.

"Be my girlfriend and I'll let you pass.."patuloy parin nya.

Nasiraan na nga ng bait.

Napabunghalit ako ng tawa, ngayon lang ata ako natawa ng ganto sa buong buhay ko. Siraulo kasi tong lalaking to eh..

"Hahahahaha. Lumuwag na ata ang turnilyo nito sa utak. Hoy pulang itlog! Hindi ako nakikipaglokohan sayo kaya pwede ba! Tumabi tabi ka dyan sa daan!"naiinip na sabi ko sa kanya.

Bigla naman syang sumeryoso.
"Hindi ako nakikipaglokohan sayo Kristine.."

Napatigil ako sa mahinang pagtawa ko. Kilala nya ako?
"Oo na lang, alam nyo. Anlakas talaga ng mga trip nyo ano? Pwede ba, tigilan nyo na ako.. Tsaka ayaw ko ngang maging boyfriend ka. Hindi pa ako nababaliw para gawin yun no.."

"Magpasalamat ka pa nga at ako na ang nag-aalok sayo, yung iba nga dyan nagkakandarapa pa sakin. At isa pa.."sinuyod sya nito mula ulo hanggang paa. "Hindi ka naman kagandahan, flat chested ka pa nga eh.."nakangising saad nito.

Aba't!!

"Bastos!!" Saka umigkas ang kanang paa ko sa where it hurts the most.
Napatalon talon naman sya sa sakit.

"Yan ang nararapat sayo, you perverted sonofab!tch!!"sigaw ko saka agad agad na tumalikod at umalis.

Bago pa ako makalayo, narinig ko ang sinabi nya.
"You'll pay for this Kristine! And you'll be mine!"

Hindi ko na lang sya pinansin at dere deretsong tinahak ang daan papuntang library.

Nag-inat inat muna ako bago ako lumabas ng room. Uwian na at dederetso pa ulit ako sa library para magresearch. May assignment kasi kami sa history, dahil nagtitipid ako at ang pag-iinternet ay dagdag gastos lang, tatambay na lang ako sa library.

Naglog muna ako sa logbook ng lib bago ko hinanap ang mga reference book na kailangan ko.
Makalipas ang ilang minuto, napatingin ako sa paligid. Magisa lang kasi ako. Nakakapagtaka naman...

May narinig akong tunog ng lock at ilang boses. Napatayo naman agad ako sa upuan at dumiretso sa pinto. Pag pihit ko ng doorknob, nakalock..

"Hello?? Hello? May tao ba dyan? Buksan nyo naman tong pinto! Hello!! Wag nyo nga akong pagtripan! Buksan nyo to..."pakiusap ko sa kung sino mang hudyong nagkandado sakin sa loob. Nakarinig ako ng tawanan sa labas. Sabi na eh, pinagtitripan na naman nila ako, kailan ba nila ako titigilan?

"Hoy ano ba! Buksan nyo nato! Hello?! Hello?! Sh!t!"mangiyak ngiyak na napaupo ako sa lapag.

Ganto nalang ba palagi? Nakakainis na sila..

Mga ilang minuto siguro akong nakatitig sa kawalan habang nakasandal sa pader. Kinalimutan ko na ang assignment ko.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa dun si Red. Sa likuran nya ay grupo ng mga babaeng namumutla. Hindi ako kumilos, nakatitig lang sa kanila.

Deja Vu...

Parang nangyari nato dati.
Tama, yun yung time na grade 5 pa lang ako, inilock din ako ng mga classmates ko sa cr. At iniligtas naman ako ng childhood bestfriend kong si Aldred.

Aldred...

Tumakbo sakin palapit si Red at hinawakan ang mukha ko. Parang may something sa expression nya, nag-alala ba sya? Pero bakit naman sya mag-aalala sakin?

"Tintin..okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong nya.

Napatitig ako sa kanya, tinawag nya akong Tintin.. Iisang tao lang naman ang tumatawag saking Tintin..
Si...

"Aldred?"nagtataka kong usal.

Saka ko lang napansin ang pagkakahawig nilang dalawa, mula sa ilong, sa kulay brown na mata at sa nunal nito sa gilid ng kanang mata. Iba lang ang kulay ng buhok, ang dating kulay itim ay kulay red na at may hikaw narin sya sa kanang tenga.

Napangiti sya, at nakita ko ang nagiisa nyang dimple sa kaliwang pisngi. Si aldred nga..
"Ako nga Tintin, ngayon mo lang ako nakilala?"

Nakakunot noo lang akong nakatingin sa kanya.
"Pero pano... diba nasa states ka?"tanong ko sa kanya.

Pero imbes na sumagot, binuhat nya ako sa lapag into bridal style. Kinuha naman nung kasama nyang lalaki ang bag ko sa mesa at saka kami lumabas ng library at iniwan dun ang grupo ng mga babaeng mukhang nashock.

Tumigil kami sa quadrangle at inupo nya ako sa bench saka sya tumabi sakin. Nakatitig lang ako sa kanya na parang isa syang alien.

"Galing nga akong states, pero umuwi ako para sayo.."nakangiti nyang sabi.

Hindi parin ako nagsasalita. Tumawa sya ng mahina sa reaksyon ko.
"Diba nangako ako sayo na babalikan kita? Sabi mo pa nga pakakasalan mo ako pagbalik ko eh, so eto na ako.."patuloy nya.

Bigla akong namula ng maalala ko ang promise na yun. Hapon yun at paalis na sila kinabukasan papuntang states. Malay ko bang maaalala nya pa yun, grade 5 palang naman kami nun eh.

"So pano ba yan Kristine Mercado, magpapakasal na ba tayo?"nakangisi nyang saad.

Hinampas ko naman sya.
"Aray.. nakakadalawa ka na ha!"reklamo nya.

"Sira ka kasi! Bat ngayon ka lang nagpakilala sakin?"naluluha kong sabi.

Bigla nya naman akong niyakap.
"Okay nayun, at least magkasama na ulit tayo. Tayo na ha walang bawian.."bulong nya sakin.

"Pero pano sila?"bulong ko pabalik.

"Sinong sila?"

"Schoolmates natin. Panigurado masisira ang image mo.."malungkot kong saad.

"Pabayaan mo sila, pakialam ko ba sa kanila? Mas importante ka sakin Tintin.. oh ano? Tayo na ba?"

"Tayo na agad? Ni hindi ka pa nga nanliligaw eh.."panloloko ko sa kanya.
Pero deep inside, isang malaking YES na.

"Wag na, nagpropose ka na nga sakin eh.."sagot nya.

Napangiti ako.
"Loko.."sabay kurot sa tagiliran nya.

I guess, may swerte din pala sa buhay ko..
▨■▨■▨■▨■▨■▨■▨■▨■▨■▨■▨■▨■▨

Erm.. I don't know kung okay lang yan-___-
Nagiba yung ending eh. Hindi naman ganyang ending yung ineexpect ko. Pero wala na, nakalimutan ko na yung iniisip ko at tinatamad narin ako.xD

Sana okay lang..
Need critics please-w-
-Kat

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...