Capturing The Grand Duke

By LadyCode

17.1K 567 198

Kairro Angelo Echevarri, the only Grand Duke of Mexico, he came from the noblest family who always guards the... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 6

1.2K 54 26
By LadyCode

Tumigil ang mga paa ko sa paglalakad nang maramdaman kong may nakasunod sa akin. I looked behind me, crossed my arms and raised an eyebrow.

"Why are you following me?" naiinis na tanong ko sa kanila

Kanina pa nakasunod sa akin si Cauis, Valerian, Rayne, Lay, Gran at Zeke. Mabuti na lang at nabawasan sila ng isa dahil busy si daddy kay mom. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kanina pa sila sunod ng sunod sa akin na parang mga buntot ko at talagang sinama pa nila si Zeke. Pinagtitinginan kami ng mga tao lalo na't nakatopless silang anim at akala mo mga modelo na binabaladra ang mga katawan nila.

Nasa beach resort kami ngayon dahil gusto nilang magbakasyon at magbonding bago ako magtungo sa Mexico.

"Chasing away some bugs." aniya ni Gran na nakapamulsa sa board shorts niya

Cauis nodded and combed his wavy hair, "I'm just trying to scare away some wolves."

Bugs? Wolves? Seriously, ano bang akala nila dito sa pinuntahan namin? Zoo?

Binaba ni Rayne ang sunglasses niya, "Binabantayan ka lang namin, ate."

"Baka may kumuha sa'yo." parang balewala na sabi naman ni Lay na kanina pa nakaharap sa iPad niya

Valerian smirked at me, "Naghahanap ako ng dudukutin na mata." He is also my cousin, Cauis' brother.

Zeke shrugged his shoulders, "Niyakag lang nila ako kaya wala akong choice."

Marahas na napabuga ako ng hangin at nameywang sa harap nila.

"Bakit ba kayo sumunod dito sa beach? Bonding lang namin 'tong magkakaibigan." asik ko sa kanila

"Let's find some shade." malamig na aniya ni Cauis na pinapayungan ako

Saan naman niya kaya nakuha ang payong na 'yan? Wala akong nakita na may dala ng payong sa kanila kanina.

"Did you put sunblock on? Baka magkasunburn ka nanaman, ate." inabot sa akin ni Lay ang sunblock ko na halatang galing sa bag ko

Napakamot ako sa kilay ko at pilit na tinatanggal ang inis ko sa kanila. They're sweet, alright. But it's a bit excessive!

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa cottage namin. Hihintayin ko na lang sila Xyra at Luna na matapos magbihis. Nauna kasi akong nagbihis dahil gusto ko ng magtampisaw sana sa dagat kaso hindi naman ako malayang makagalaw dahil dito sa mga kasama ko. Parang mga bodyguards na nakapalibot sa akin ang mga kapatid at pinsan ko kasama si Zeke. Kaya ayokong ipaalam na magpupunta kami ng beach dahil alam kong mangyayari ito, eh. Pero dinaldal kasi ni Gran sa kanila. Kalalaking tao, chismoso. Kaya nga pati mga magulang ko ay nandito.

Mas malala pa dito ang nangyayari kapag family reunion namin. Lahat ng mga pinsan ko, puro mga lalaki. Ako lang ang nag-iisang babae kaya lahat sila, overprotective. Akala mo naman bigla akong mawawala na parang bula kung makasunod sila.

"Oh, ang dami mo nanamang bodyguards." natatawang sabi ni Xyra nang makapasok sa cottage namin

"Kaya walang may lakas ng loob na ligawan si Avery, e." natatawa at naiiling na sabi naman ni Luna

"Kung mga duwag sila, wag na silang magtangka o kahit mangarap man lang na malapitan si Ate Avery." nakaismid na sabi ni Rayne

All of them nodded in unison. Pinanlakihan ko pa ng mata si Zeke na nakitango din, akala mo talaga kasama siya sa samahan ng mga kapatid at pinsan ko. Minsan talaga naiisip ko na meron silang kulto at kung sino-sino ang nakukumbinsi nilang sumapi sa kanila.

Dumating si Sunny at marahang tinapik ang balikat ni Rayne, "Ate Avery used to be so sweet and innocent. Pero naging mataray, kakabakod niyo." naiiling na sabi niya

Nakasuot siya ng itim na two-piece swimsuit at hindi man lang niya pinatungan 'yon ng cover up. Nag-igting ang panga ni Gran nang makita ang ayos ni Sunny at mabilis na binalot siya ng towel na nahagip niya.

"Tangina naman, Sunshine. Binabalandra mo talaga 'yang katawan mo dito?" sobrang diin ng bawat salita ni Gran at talagang hindi siya nakapagpigil na magmura ng malutong sa harap ko

Umismid sa kanya si Sunny na walang nagawa kundi magsuot ng roba na inabot ni Lay sa kanya.

"Hot na hot nanaman si fafa Gran." nanunuksong sabi ni Xyra, baliw talaga 'to at laging inaasar si Gran

I saw mom coming towards us while removing her sunglasses. Tumigil ang tingin niya kay Gran na kunot na kunot pa rin ang noo. Tinampal ni mommy ang kamay ni Gran na nasa bewang ni Sunny.

"Wag ka ngang dikit ng dikit kay Sunny na parang linta. Stop being possessive, Gran." umikot ang mga mata ni mom at bumulong kay Sunny, "Hija, if you don't like it, say something. If he's being controlling, just break up with him. Sasamahan kita maghanap ng ibang lalaki." nakangiting matamis si mommy kay Sunny

Mas lalong sumama ang mukha ni Gran sa sinabi ni mommy. Lumiwanag naman ang mukha ni Sunny na naglalambing na yumakap kay mom.

"Don't worry, tita mommy. I'll dump him."

Mom smiled and caressed her hair. Binalingan niya ulit si Gran na gustong umangal pero hindi naman makapalag, "Ikaw naman, wag mong sakalin si Sunny. Why do you guys have to control what we women wear? Nasa beach tayo. My god, do you expect us to wear pajamas?"

Nagpipigil kami ng tawa nila Luna at Xyra sa sinabi ni mommy. I want to stuck my tongue out to Gran but I don't want to anger him more.

"Mom, she's showing too much—" mom cut him off

"Look at what you did to your sister. Kung hindi ko pa kayo pinigilan noon baka parang naging manang na 'yan." nakaismid na sabi ni mommy

Napanguso ako sa sinabi ni mommy. Grabe naman iyong manang na sinasabi ni mom, hindi naman. Sa sobrang pagiging protective kasi nila, ayaw nila akong magsuot ng dress na hanggang tuhod o kahit shorts man lang. Pati sleeveless ayaw nila.

"Tita, I still think Ate Avery is showing too much skin." nakapamulsang sabi ni Cauis

"I can see her legs shining all the way from the beach." exaggerated na sabi naman ni Valerian na ngumunguya ng bubble gum at pangisi-ngisi

Ang sarap talagang tanggalin ng ngisi niyang mapang-asar. He's a prankster and I hope he's gonna behave today.

"Nagtapis pa pero kita naman ang hita." nakaismid na sabi ni Rayne

"Design lang ata 'yan, e." ani naman ni Lay na tinuro ang sarong ko

Nakasuot kasi ako ng one piece swimsuit na longsleeve at sarong pero kita pa rin ang ilang bahagi ng hita ko lalo na pag hinahangin ang sarong ko. Nakalongsleeve ako dahil mabilis ayokong masunog ng araw at dahil na rin dito ako komportable.

"Inaano ba kayo ng sarong ko?" naiinis na tanong ko sa kanila

"Ano ba kayo boys? Fashion 'yan. Fashion." tumatawang sabi ni Luna na umikot pa para ipakita rin ang sarong niya, nakasuot siya ng yellow na bikini

Narinig ko ang pasimpleng ismid ni Ash na mukhang hindi rin sang-ayon sa suot ni Luna.

"Buti na lang wala akong boyfriend na magbabakod sakin." tumatawang sabi ni Xyra na talagang binalandra pa ang legs niya

Sanay na sanay na ang mga 'to sa buong angkan namin kaya mga walang hiya. Tumaas ang kilay ko nang makita ang pag-ubo ni Cauis. May sakit ba 'to at inuubo?

"Inubo ka dyan, fafa Cauis? Bakit, gusto mo ako bakuran? Nyahahahaha. Papayagan kita pero pahawak ng abs." nagtaas-baba ang kilay ni Xyra na parang walang hiya sa katawan

Napaubo ulit si Cauis at muntik pa niyang mabuga ang buko juice na sinisipsip niya. Bahagya pang namula ang tainga niya na parang siya ang nahihiya kay Xyra. Hindi ko napigilan ang hampasin si Xyra.

"Mahiya ka nga sa pinsan ko! Mas bata 'yan sa'yo." pinanlakihan ko siya ng mata

Humalakhak si Xyra, "Gusto ko talaga 'yong mas bata. Rawr!"

"Kayong mga bata talaga kayo. Baka mamaya kayo magkatuluyan dyan." tumatawang sabi ni mommy

"Hell no!" mabilis na apela ni Cauis

Parang enjoy na enjoy si Xyra sa pang-aasar dahil ginagatungan pa niya talaga. Lumapit siya kay Cauis na napapitlag nang hawakan ni Xyra ang matipunong braso niya at pinaglandas ang isang daliri sa gitna ng abs niya. Naeeskandalo ako sa ginagawa ng kaibigan ko at agad na napatakip sa mata ko pero medyo nakabuka naman ang daliri ko kaya kita ko pa rin sila.

"Ang sarap mo, Cauis." Xyra licked her lower lip, "Ang sarap mong asarin. Rawr!" she added before laughing

Sumipol si Valerian at biglang nagkaroon ng hiyawan sa cottage namin dahil kay Valerian, Ash, Zeke, Luna, Sunny at mommy na nakikisabay pa talaga sa kalokohan nila.

Napapalatak naman ang mga kapatid ko na agad humarang sa harap ko. Kahit hindi ko tignan ang sarili ko, alam kong pulang-pula ako. Hindi ako sanay sa ganito, I'm innocent about this stuff. Angelo and I only kissed once, wait, I think it's called making out? Pero minsan lang 'yon! Kahit nakita ko siyang nag-ma..m-masturbate.

Oh my god. Forgive this sinful eyes.

NAKAUPO ako sa lounge chair na nasa veranda ng hotel. Tahimik kong pinagmamasdan ang buwan at pinapakinggan ang mahihinang hampas ng alon. It feels so relaxing. I want to treasure this serenity before going into an unknown battle. I'll be lying if I say that I'm not scared. I'm scared, very scared. I have enough information about what's the situation in Mexico but I don't know everything. At syempre iba pa rin pag nasaksihan mo ang sitwasyon. Hindi ko alam kung anong dadatnan ko doon o magiging ayos lang ba ako. Sobrang natatakot ako na baka wala akong mapala sa pagpunta doon.

Kuya Kairro has been with me since I was a child, he was my brother too at some point. But now that he's in another identity that's unfamiliar to me, I can't help but feel scared. Hindi lang ako doon natatakot, kundi pati sa sariling nararamdaman ko. I've admitted that I love him as a man. Parang napakadali para sa akin na aminin iyon nang mawala si Kuya Kairro, pero paano kung confused lang pala ako sa nararamdaman ko? It has been seven years since that night pero wala akong ginawa. I kept making excuses kahit kaya ko namang magpunta sa Mexico. It's very daunting.

Mula pagkabata, nakukuha ko lahat ng kailangan ko at gusto ko ng hindi ko sinasabi. I'm the pampered princess of the Andrews and Olivars, mom's family. Kahit hindi ko kailangan, madali kong nakukuha lahat ng 'yon. If I ask dad to buy me plane, he'll surely give me a whole airline. If I ask my grandparents for a yacht, they will give me a sea port. I know no one wants me to go to Mexico. Pero hinayaan pa rin nila ako at binigay lahat ng kailangan ko.

This time, I want to get something by my own hand. I want to claim him by any means. I've never wanted something so bad until today.

I felt a warm blanket on my shoulder, "Why are you still outside, princess?" dad sat beside me and gave me a cup of warm milk

I smiled weakly at him and looked at the moon again, "Dad, I'm scared."

Napahigpit ang kapit ko sa cup na hawak ko at pinigilan ang luha ko.

Dad wrapped me in a warm hug and kissed my temple, "Why are you scared? We're all here for you."

Binaba ko ang cup na hawak ko at malambing na yumakap kay dad. Tumingala ako kay dad nang maalala ko ang gusto kong itanong.

"Dad, why did you let him fight alone?"

Dad slightly chuckled, "I've already prepared everything for him, princess. That's what he wants, too. Gusto niyang patunayan ang sarili niya. And he's a prideful man."

Pagkatapos ng gabing makita namin siya, hindi kami nakapag-usap ng masinsinan ni dad dahil naging busy kami sa pag-aayos ng mga kakailanganin ko sa pagpunta ng Mexico. Hindi ko nakakitaan ng disappointment o galit man lang si daddy. He's always on my side and supports me.

"Then, why are you helping me?" nakangusong tanong ko kay dad

Of course, I want their help and I appreciate it. Pero nakakagulat lang na isang sabi ko lang, mabilis silang kumilos para suportahan ako.

He smiled sweetly at me and hugged me tighter, "You are my princess. I can move all the Andrews' resources just for you. The Andrews' will be behind you all the way on your fight and we will be at your disposal. Hindi ako nagpakahirap magtrabaho para lang mahirapan ang mga anak ko. Walang kwenta ang lahat ng meron ako kung hindi naman sasaya ang nag-iisang prinsesa ko. Daddy loves you so much and I always wish for your happiness."

Napaiyak ako sa sinabi ni daddy. Kahit hindi ko sila kadugo, hindi ko kailanman naramdaman na iba ako sa kanila at na may kulang sa pagkatao ko. Baka nga mas isipin ng iba na mas ampon ang mga kapatid ko dahil mahal na mahal ako ng mga magulang namin. Wala na akong mahihiling pa sa mga magulang ko.

"Thanks, dad. I love you too." malambing na sabi ko

Lumingon ako sa kabilang gilid ko nang maramdaman kong may iba pang bisig na yumakap sa akin. I saw mom smiling at me. She kissed my temple lovingly.

"Naglalambingan pala kayo ng daddy mo dito. Hindi niyo ako sinali." tila nagtatampong sabi niya

"Come here, Love. I'll give you more love." dad chuckled and opened his arms wider

Kinulong kami ni dad sa bisig niya at hinalikan kami sa ulo ni mom. Kalaunan ay umayos kami ng upo habang nakaakbay pa rin sa amin sa daddy. I took the cup of milk and sipped on it. Bahagya akong napangiwi nang maramdamang malamig na iyon pero ininom ko pa rin dahil tinimpla 'yon ni dad para sa'kin.

"Avery..." mom called me

Lumingon ako kay mommy at nagtatakang tumingin sa kanya nang magpalitan sila ng makahulugan na tingin ni daddy.

Mom bit her lower lip like she's about to cry, "W-What do you think about meeting your real parents?"

Naramdaman ko ang titig sa akin ni daddy dahil sa tanong na 'yon. Ngumiti ako kay mommy at walang pag-dadalawang isip na sumagot.

"I don't mind. But I don't particularly feel anything about it."

Totoo ang sinabi ko. Sa mga napapanood ko sa palabas at nababasa ko sa mga libro, parang may iba silang pakiramdam pag makikilala nila ang totoong magulang nila. Pero iba ang sa akin, I don't really feel anything about it. Hindi ako kinakabahan, nalulungkot o masaya. I mean, I've never met them since I was a baby. Hindi ko sila kailanman nakilala o maalala man lang dahil baby pa'ko noon. Hindi ko rin sila kailanman naisip o ginustong makita pero hindi naman ako inis o galit sa kanila.

Ewan ko ba, siguro dahil sobra-sobrang pagmamahal ang nararamdaman ko sa pamilya ko na hindi ko naramdamang kulang ako o na ampon ako. If I even see them, I probably just see them as a normal human being, a stranger. Iyong pakiramdam na may pinakilala lang ang mga magulang mo sa'yo na bago sa paningin mo. Siguro kung may mararamdaman ako, iisang lang iyon.

Gratefulness. 'Yan lang dahil natutuwa akong maisilang sa mundo at naging magulang ko sila mom at dad.

"S-So you want to meet them?" pumiyok ang boses ni mommy

Alam kong mahirap sa mga magulang ko na sabihin sa akin ito pero sinabi pa rin nila. Alam kong nasasaktan si mommy pero itinabi muna niya iyon iyon para sa kapakanan ko. How can I even think about my real parents if I have such wonderful parents with me right now?

I held mom's hand, "Yes, I want to meet them. I want to thank them for bringing me to this world. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko kayo makikilala ni daddy."

Tuluyang naiyak si mommy kaya agad ko siyang niyakap. Nasasaktan akong makita si mommy na umiiyak dahil siya ang pinakaperpektong nanay sa paningin ko. Alam kong may shortcomings din si mommy pero mahal na mahal namin siya. She's the best mom in the world.

"Avery, thank you for choosing us as your parents." nakangiting aniya ni dad na medyo namumula din ang mata

Yumakap ako sa bewang ni dad habang hawak ang kamay ni mommy. Lagi pa rin kaming bumibisita sa orphanage kaya alam ko na lahat ng bata doon pwedeng tumanggi pag ayaw nila ang gustong umampon sa kanila. Sa ibang orphanage kasi, basta na lang sila pinapaampon.

"Mama! Mommy! Daddy!"

Sabay-sabay kaming lumingon kay Kai na maligalig na tumatakbo sa amin. Dinamba niya ng yakap si daddy habang bumubungisngis.

"Ikaw talagang bata ka. Napakaligalig mo." natatawang sabi ni dad at kinandong siya

"Mommy! I ate banana and dip it on the chocolate fountain!" masiglang kwento niya kay mom

"Kaya pala nakadungis mo." tumawatang sabi rin ni mom habang pinupunasan ang gilid ng bibig niya

Bumaling siya kay dad na nakangiting nakatingin sa kanya.

"Daddy, hide me, please?" pinapungay niya pa ang mata niya at pinagsalikop ang mga palad

Kumunot ang noo ni dad, "Hide you from—" hindi natuloy ang tanong ni dad nang marinig namin ang malakas na sigaw ni Lay

"Kaitel!"

Napapitlag si Kai pero mahinang bumungisngis lang siya at sumiksik kay dad. Nagtataka akong tumingin kay Lay na palinga-linga sa paligid hanggang sa tumigil ang mata niya sa amin.

Ano nanaman kayang kalokohan ang ginawa ng bubwit na 'to?

"Have you seen Kaitel— nandito ka lang pala!" he exclaimed when he saw Kai

Kaitel stucked his tongue out at him. Parang mas lalong nainis si Lay sa ginawa niya at mukhang nagtitimpi lang siya.

"What happened?" tanong ko sa kanya

Agad na lumipat sa kandong ko si Kai at humilig sa balikat ko, "Mama, he took away the chocolate fountain from me. So I made his iPad swim in the pool."

Napasinghap kami sa sinabi niya. Kaya naman pala gustong magtago dahil may ginawa nanamang kalokohan!

"Kaitel!" napahilamos siya sa mukha niya, "Dad! He's such a spoiled brat!"

Pinababa ko si Kai mula sa kandungan ko at hinarap sa akin. He looked guilty when I looked at him seriously.

"Kaitel, why did you do that?" I asked seriously

He bit his lip, "Si Kuya Lay naman ang nauna, e." aniya sa mahinang boses

"Lay?" baling ko kay Lay

He sighed, "Pinapapak niya kasi 'yong chocolate. Hindi mapagsabihan. Kagagaling lang niyan sa dentista noong isang araw."

Tinignan ko naman si Kai na nakahawak na sa laylayan ng damit niya at nakatungo. He looks so pitiful but I still need to discipline him. Hindi kasi siya napapagalitan nila mom at dad minsan kaya mas lalong tumitigas ang ulo niya.

"Pinagsabihan ka pala ni Kuya Lay, bakit hindi ka nakikinig, hmm?" malumanay na tanong ko sa kanya

"Sorry, Mama." naiiyak na sabi niya

Hinawakan ko ang mukha niya at pinatingin sa akin, "Are you sure you should be saying sorry to me? Not to Kuya Lay?"

Napakurap siya sa tanong ko sa kanya. Tumalikod siya sa akin at pumunta sa harap ni Lay. Nakakatawa silang tignan dahil nakatingala si Kai ngayon sa kanya at nakayuko naman si Lay.

"Sorry for throwing your iPad, Kuya Lay. I will not do it again." bigla siyang yumakap sa bewang ni Lay

Lay sighed in defeat, "It's okay. Makinig ka kasi kapag pinagsasabihan ka."

Napanguso si Kai at humiwalay kay Lay. Nakatingala pa rin si Kai sa kanya, "Say sorry to me, too. You took my chocolate fountain."

Lay chuckled, "Oo na. Sorry na."

WE ONLY stayed at the beach for two days. Hindi kami pwedeng magtagal dahil may mga trabaho pa kaming lahat. I'm currently at home picking out a dress for our lunch. Mom told me to dress up a bit as there are some guests coming over. I just chose a simple sleeveless pink dress and put some pink lip balm. Bumaba ako nang matapos ako sa pagbibihis at agad na tinungo ang kusina.

I saw mom preparing the foods. I gave her a back hug and lean my chin on her shoulder.

"Naglalambing ka nanaman. Do you need something?" tumatawang aniya ni mommy

I chuckled and went beside her, "I want one of these." I pointed at the yellow macaron

Natawa si mommy sa sinabi ko at pinayagan akong kumain ng isa. I chose the yellow macaron and I know it's a mango flavour.

"Mom! I really like it!" I beamed in delight

I would love to eat this with a cup of coffee. Pero dessert daw namin iyon mamaya kaya bawal ng kumuha ulit. Ipagtatabi naman siguro ako ni mommy para may snacks ako mamaya.

"Drink water after that, okay?" nakangiting bilin ni mom kaya agad akong tumango

I heard the doorbell rang. Agad na tinanggal ni mommy ang apron niya at hinila ako papunta sa front door para siguro hintayin ang bisita. Pinunasan ko pa ang gilid ng labi ko dahil baka mamaya mahalata pa nilang nauna na akong kumain ng dessert.

One of our helpers opened the door. Lumingon ako sa gilid ko nang maramdaman kong may umakbay sa akin. It was dad, nagday off din siya today. Hindi nila sinabi kung sino ang mga bisita namin pero mukhang mga importanteng bisita iyon.

"Hello, kumusta?" nakangiting bati ni mommy sa bisita namin

It was a familiar middle aged man and a woman, siguro kasing-edad nila si mom at dad. I know the man, he is Tito Greg, Zeke's dad.

"Ah, hello, ma'am. Salamat sa pag-imbita sa amin." nahihiyang aniya ni Tito Greg

The woman remained silent while looking at me. She looks like she's about to cry.

"Please call me Hillary, this is my husband, Grayson. Masaya akong na pinaunlakan niyo ang imbitasyon namin. Pasok kayo." mom welcomed them warmly

Lumapit ako para magmano kay Tito Greg at ganoon din sa ginang na kasama niya, "Magandang tanghali po, Tito. Buti nakadalaw kayo."

"May dala pala akong mga prutas na paborito mo." nakangiting sabi ni Tito Greg

"M-May dala akong roll cake pero hindi ko alam kung magugustuhan mo." nag-aalinlangang sabi naman ng ginang at inabot sa akin ang isang box

Nagtataka man ay nagpasalamat ako bago kinuha iyon at inabot sa mga katulong namin para ihanda nila mamaya.

I looked at mom who's already giving me a weird look. I was about to ask her what's wrong when I heard a familiar voice.

"Tita, Tito, magandang tanghali po. Nagpark lang po ako ng sasakyan kaya medyo natagalan." it was Zeke, nakibeso ito kay mom

Tumango lang si dad sa kanya. Kanina pa tahimik si daddy pero hindi naman siya mukhang wala sa mood.

"Buti nakasama ka, hijo." nakangiting sabi ni mom

"Nagday off din ako, Tita. Hello, Avery, kumusta?" nakipagbeso din sa akin si Zeke

"I'm good." tipid na sagot ko dahil medyo nagtataka ako sa pagbisita nila

"Ah, anak siya pala si Freya. Kaibigan siya ng Tito Greg mo." pakilala ni mommy sa ginang

Nakangiting nilahad ko ang kamay ko sa kanila, "I'm Avery po. Nice meeting you po."

Tita Freya held my hand tightly. Tita Freya is pretty, she has some fine lines on her face but she's still beautiful. Ang puti din ng balat niya at nakalugay ang kulot niyang buhok. Nagtataka ako kung bakit nandito sila sa bahay pero hindi na ako nagtanong. I mean, mom has a lot of friends. Nagtaka ako nang biglang umiyak si Tita Freya habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Ayos lang po ba kayo?" nag-aalaang tanong ko sa kanya

"Sobrang saya ko lang na makita ka muli." umiiyak na aniya

I don't remember meeting her before. Maybe I met her when I was still a kid. Hinintay muna namin kumalma si Tita Freya bago nag-aya si mommy sa dining room.

"Linda, paki-handa na ang lunch." utos ni dad sa kasambahay namin

Yumakap ako sa braso ni dad dahil busy si mommy sa pag-asikaso sa mga bisita namin. Kinuha din ng mga kasambahay ang mga dala nila. Tahimik lang din si Zeke na parang nag-oobserba sa paligid. Nag-utos muli si dad na tawagin ang mga kapatid ko mula sa mga kwarto nila. Nandito pala silang lahat? Nag-day off ba silang lahat para sa araw na 'to?

Pinaghila ako ng upuan ni dad at ganoon din ang ginawa niya kay mommy. I sat beside mom while dad is sitting on the kabisera. Kaharap naming naupo ang mga bisita namin. Sabay-sabay na dumating ang mga nagtatangkaran na kapatid ko na akala mo mga modelo na naglalakad.

Lay came to and gently kissed my hair, "Hi, ate."

Rayne did the same, "Ang ikli nanaman ng damit mo, ate."

Napanguso ako sa sinabi niya, hindi naman maikli ang damit ko. Hanggang tuhod nga iyon, e.

Lumapit din sa akin si Gran na ginulo lang ang buhok ko.

"Gran!" angil ko sa kanya na ikinatawa lang niya ng mahina

Kaitel is not at home, he's in school. Akala ko naman pati siya ay hindi pumasok.

"Gran." dad warned him but he just shrugged his shoulder before sitting down

"Boys, behave. May mga bisita tayo." pinanlakihan sila ni mommy ng mata

They mouthed 'sorry' to mom and briefly greeted our guests. Hindi naman bago sa kanila si Zeke kaya nag-fist bump sila ng mga kapatid ko.

Inihain na nila ang lunch namin kaya medyo natahimik ang mesa. Nilagyan ni Rayne ng kanin at ulam ang plato ko dahil siya ang katabi ko.

"Avery..." tumikhin si dad at binigyan ako ng makahulugan na tingin

Tumingin sa akin si mommy at pasimple akong siniko. Napanguso ako at napatigil sa paglalagay ng carrots sa gilid ng plato ko. I don't really like carrots. Hindi ko gusto ang lasa niya, I'd rather eat bell peppers than carrots.

Pasimple ko ring kinalabit si Rayne. He knows what to do. Siya kasi madalas ang kumakain ng carrots sa plato ko. Syempre pasimple lang namin iyon ginagawa dahil baka makita ni mommy. Napailing si dad nang makita ang ginawa ni Rayne na pagkuha ng carrots ko. Hindi na niya ako nagawang sawayin dahil busy sa pagkwekwentuhan sila mommy at Tita Freya.

"Hey Zeke, I heard you dropped Mr. Marasigan's case. Glad you dropped it before the arraignment."

Tumingin sa akin si Zeke at tumango, "It was a hopeless case. Sa'yo sila unang lumapit kaya siguradong alam mo na kung bakit hindi ko na kinuha 'yon."

Napatango-tango ako sa sinabi niya, sa akin sila unang lumapit pero hindi ko iyon tinanggap. I know I'm a criminal lawyer, trabaho ko ang magtanggol sa kliyente ko inosente man siya o hindi. Trabaho kong gawin siyang inosente kahit hindi. Pero ayoko ng ganon, hindi man maiiwasan iyon pero hindi ko kayang gawin 'yon lalo na sa kaso ni Mr. Marasigan.

"He raped his own daughter and there's already solid evidences. I don't want to defend that kind of bastard." may halong galit na dagdag ni Zeke

"Mr. Marasigan? Isn't he involved in some drug case before?" kunot-noong tanong ni Gran

I nodded, "But he was acquitted. Lack of evidence."

May kanya-kanyang kwentuhan ang mga matatanda at paminsan-minsan ay sumasali din kami kaya nalaman ko na hindi pala si Tita Freya ang mama ni Zeke. Naalala ko bigla na namatay pala ang mama niya noong graduation ball namin kaya hindi siya nakapunta. Magkaibigan lang daw si Tita Freya at Tito Greg. Mabait silang pareho pero parang may problema ata sila, pansin ko rin na kanina pa sila sulyap ng sulyap sa akin.

Pumunta kami lahat sa may gazebo sa garden nang matapos ang lunch namin. Doon na lang daw nila ihahatid ang dessert namin. Hindi na sumama sa gazebo ang mga kapatid ko dahil may mga lakad daw sila. Ewan ko kung saan ang lakad nila ng tanghaling-tapat. Siguro maghahanap nanaman sila ng trouble kung saan.

"Avery, anak..." lumingon ako kay mom at nahinto ako sa pagsubo ng macaron

"Po?" malumanay na tanong ko sa kanya

She looks hesitant and teary-eyed, "Do you still remember the talk we had when we were at the beach?"

My forehead knotted, "Which one, mom?"

Ang dami kaya namin pinag-usapan ni mommy. Palagi ako nakikipagkwentuhan kay mommy, e.

She gulped and held my hand tightly, "About your real parents."

Parang nagkaroon ng jigsaw puzzle sa utak ko na unti-unting nabubuo dahil napagtagpi-tagpi ko na kung anong meron ngayon. Kilala ko lahat ng mga kaibigan nila mom at dad pero ngayon ko lang nakita si Tita Freya. Ngayon lang din nakilala nila dad si Tito Greg. They were both curious about me ever since they arrived. Lagi silang nagtatanong ng mga tungkol sa akin lalo na si Tita Freya.

Kaya ba hindi ganoon kakomportable kanina si mommy? She's accommodating them warmly kahit na halatang medyo awkward siya at nahihirapan sa sitwasyon.

I looked at Tito Greg and Tita Freya. Sumulyap din ako kay Zeke na mabilis na nag-iwas ng tingin. He probably knows the truth already. Kailan pa?

"Uhm, are you perhaps my real parents po?" magalang na tanong ko sa kanila

As if on cue, they both started crying. Inabutan ko sila agad ng tissue na kinuha naman nila.

Bahagya akong napakamot sa ulo ko dahil pakiramdam ko ako na ang pinakamasamang anak dahil wala akong maramdaman na sinasabi nilang lukso ng dugo. Manhid ba ako? Paano ba mararamdaman 'yon? Inasahan ko ng magiging ganito ang reaksyon ko kung sakaling makikilala ko ang mga totoong magulang ko. I am shocked and curious but that's all. I am very nonchalant about it as I expected.

Lumapit sa akin si Tita Freya at bahagyang lumuhod habang umiiyak, "I'm sorry, anak. Patawarin mo ako. Wala akong choice noon kundi iwan ka sa bahay-ampunan dahil hindi kita kayang buhayin. Patawarin mo ako kung hindi kita hinanap kaagad."

Lumapit din sa akin si Tito Greg at hinagkan ako, "H-Hindi ko alam, anak. Hindi ko alam na nagkaanak ako kay Freya. Hindi ko alam ang tungkol sa'yo."

Napakurap ako at hindi ko mapigilan ang mailang. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anong dapat maramdaman ko. Tinignan ko sila mommy at daddy, umiiyak si mommy sa bisig ni dad. Ngumiti sa akin ng tipid si daddy.

Pinaliwanag nila sa akin na dati pa lang nagtratrabaho sa isang club si Tita Freya at doon sila nagkakilala ni Tito Greg. It was a one night stand but Tito Greg didn't cheat. Isang taon na daw silang hiwalay ng mommy ni Zeke noong nangyari iyon. Kinumpirma din sa akin ni Tito Greg na Kuya ko si Zeke, I mean Kuya Zeke. Alam ko na mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Nahinto siya sa pag-aaral noong elementary dahil naaksidente siya at na-comatose ng ilang buwan. Doon din daw nagkamabutihan ulit ang mga magulang niya at nagkabalikan.

Si Tita Freya naman hindi ako pinalaglag noong nalaman na buntis siya dahil hindi kaya ng konsensya niya. Dinala niya pa rin ako at iniwan sa bahay-ampunan dahil hindi niya ako kayang buhayin. Marami daw kasi siyang kapatid na sinusuportahan at pinag-aaral tapos may sakit daw ang tatay niya noong panahon na 'yon. Nahanap daw ako agad ni Tita Freya noong bandang college na ako dahil wala daw siyang makuhang impormasyon sa orphanage.

Of course she won't get any information. My family is not ordinary, kaya itatago nila sa ibang tao lahat ng mga impormasyon na pwedeng makasakit sa amin.

At ayon nga, nahanap niya ako nung nasa college ako dahil naging janitress siya sa university namin. Nakita rin daw niya ako sa orphanage ng ilang ulit dahil pabalik-balik daw siya doon. Madali lang din na malaman na ako daw ang anak niya dahil hindi ako nagpalit ng pangalan. Nakita ni Tita Freya si Tito Greg sa university isang beses at doon niya sinabi ang tungkol sa akin. Kuya Zeke and his mom knows about my existence. Hindi naman daw sila nagalit dahil hindi naman nagtaksil ang papa niya. Pero hindi nila ako nilapitan dahil daw natakot sila sa pamilya ko. At ayaw din nilang masaktan ako dahil mukhang maayos naman ang lagay ko.

"I already know that someone is looking for you. Pero hinarangan ko dahil ayokong masaktan ka at ang mommy mo. I'm selfish kaya ayoko rin na malaman mo na hinahanap ka ng mga totoong magulang mo. Hindi ko sila hinayaan na makalapit sa'yo maliban kay Zeke na naging kaibigan mo. But your mom found out. Kaya wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo at nagpasya syang ipaalam sa'yo." sumulyap si dad kay Kuya Zeke na tipid na ngumiti sa akin

Kaya ba lagi akong nilalapitan noon ni Kuya Zeke dahil alam niyang magkapatid kami? Now, that makes a lot of sense. Akala kasi ng mga kaibigan namin noon ay may gusto siya sa akin pero sinabi niya na wala dahil parang kapatid ang turing niya sa akin.

"Anak, hayaan mo sana kaming makabawi sa'yo. Kahit hindi mo na kami kilalaning mga magulang, kahit maging parang kaibigan mo lang kami. Sapat na sa akin iyon." madamdaming aniya ni Tito Greg

Dinaluhan ko si Tita Freya at niyakap. Mas lalo siyang humagulgol at yumakap pabalik sa akin. Lumayo ako sa kanya nang medyo kumalma siyang muli at inabutan ng tubig.

"Avery..." tawag sa akin ni Kuya Zeke na nakabuka ang bisig tila humihingi ng yakap

Napakurap ako pero agad ding yumakap sa kanya. Tumawa siya ng bahagya at hinaplos ang ulo ko.

"Masanay ka ng tawagin akong Kuya, okay? Hindi na ako papayag na Zeke lang ang tawag mo sa'kin." natatawang aniya

Napanguso ako sa sinabi niya dahil pakiramdam ko palagi niya akong aasarin.

"Ayaw kitang Kuya. Lagi mo akong inaasar, e." nakangusong aniya ko

Tumawa lang siya at humiwalay sa yakap namin pero hindi naman ako pinakawalan dahil nakaakbay siya sa akin. Nahihiya akong tumingin kay Tito Greg at Tita Freya. Tumingin din ako sa mga magulang ko na may maliit na ngiti sa labi. Hindi na umiiyak si mommy pero halatado ang pagpipigil niya ng iyak.

"Dad, what should I do?" hindi ko mapigilang itanong

Dad smiled sweetly at me. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya na agad kong ginawa. Agad akong yumakap sa kanya na bahagya niyang ikinatawa.

He kissed my temple, "Do whatever you want, princess. Do what makes you happy. Your mom and I are always here for you. Hindi ka namin pipilitin na gawin ang bagay na hindi mo gusto."

"Thanks, dad. I love you, mom."

Humiwalay ako kay dad pero nanatili akong nakaupo sa tabi niya. Tumingin ako muli sa mga totoong magulang ko na malamlam ang matang nakatingin sa akin. May naglalarong malungkot na ngiti sa labi nila.

"K-Kung hindi ka komportable sa akin, pwede akong umalis at hindi na magpakita sa'yo. A-Ayos lang din kung hindi mo ako mapatawad, naiintindihan ko 'yon." naluluhang aniya ni Tita Freya

I heaved a sigh and smiled, "Salamat po. Maraming salamat po dahil pinili niyong ipanganak ako. Hindi naman po ako nagtanim ng sama ng loob o nagalit sa inyo dahil hindi ko naman kayo maalala at wala din naman akong alam tungkol sa inyo. Pero masaya po akong naipanganak niyo po ako at naging parte ng pamilya ko ngayon. Sobrang saya ko nga po dahil may mga magulang akong minahal ako ng buong puso kahit na hindi ako kadugo.

Naiintindihan ko rin po ang sitwasyon niyo noon. Hindi ko naranasan ang mahirap na buhay pero alam kong sobrang hirap ng pinagdaanan niyo. Hindi ko po kayo sinisisi sa kung ano man ang nangyari sa nakaraan. Sabi nga po nila, past is past. Magfocus na lang po tayo sa present natin. Pero hihingi po ako ng tawad kung hindi ko kayo kayang tawaging mama at papa. Hindi po kasi ako komportable sa ngayon. Ayos lang po bang tawagin ko kayong Tita at Tito lang muna?"

Mabilis na tumango si Tito Greg at Tita Freya sa akin. Hinawakan ni daddy ang kamay ko nang makita niyang humigpit ang kapit ko sa damit ko.

"Ayos lang sa amin, anak. Naiintindihan namin ni Freya. Salamat dahil tinanggap mo kami." nakangiting sabi ni Tito Greg

"Salamat, Avery. Babawi ako sa mga pagkukulang ko sa abot ng makakaya ko. Hindi ko inakalang matatanggap mo kami ng ganto kadali. Napakabait mo, anak. Pinalaki ka ng mga magulang mo na puno ng pagmamahal." umiiyak na sabi muli ni Tita Freya

"Salamat din sa inyo Hillary at Grayson. Alam kong napakahirap ng desisyon na 'to sa intong mag-asawa pero hinayaan niyo kaming ipakilala ang sarili namin kay Avery."

Tito Greg is a very humble and a kind person. Nakilala ko siya noong nasa law school kami nila Zeke. Hindi ko akalain na kaya pala sobrang bait niya sa akin noon dahil siya ang totoong ama ko. Pero totoong mabait siya sa lahat ng mga kaibigan namin. Mas pinapaboran nga lang niya ako minsan dahil madalas mga paborito kong pagkain ang hinahanda niya pag nasa bahay nila kami.

Napakabait din ni Tita Freya dahil ang dami niyang sakripisyo para sa pamilya niya. Nalaman kong hindi na siya nag-asawa o nagkaanak dahil ginugol niya ang panahon niya sa pag-iipon at paghahanap sa akin. Naging madali din sa akin ang pakisamahan sila at tanggapin sila dahil kitang-kita ko ang respeto nila sa mga magulang ko na nagpalaki sa akin. Hindi nila isinasantabi ang mga magulang ko at nagiging maingat din silang hindi masaktan ang damdamin nila.

I have such wonderful foster parents. Naiintindihan ko si dad kung bakit ginawa niya iyon at hindi ako nagalit sa kanya. I love them for who they are. Alam kong lahat ng gagawin at ginagawa nila ay para lamang sa ikabubuti ko. They will never do something that will hurt me. Noong makaalis sila Tito Greg, Tita Freya at Zeke, lumapit ako kila mom at dad. Niyakap ko sila ng mahigpit.

"Mom, dad, thank you. I love you both. You're the best parents in the world."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...