You Are My Everything (COMPLE...

By AiaRev3use

14.9K 560 1.8K

He is a playboy, for him a girl is just a toy. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Dahil alam niya na sa huli... More

SYNOPSIS
YOU ARE MY EVERYTHING
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 6

473 15 55
By AiaRev3use

CHAPTER 6


'Shero May P.O.V'


"Hindi mo naman ako kailangang isama. Hindi tuloy ako nakapagtinda ng isda sa palengke." Mahinang untag ko sa kaniya.

"Shero, bukas na ang alis ko. Ngayon lang ako makakabawi sa'yo hayaan mo na ako." Sagot ni kuya.

Bumuntong hininga ako. "Linggo bukas, hindi mo man lang ba ako sasamahang magsimba bukas ng umaga?" Pagtatanong ko, nananatiya kung dapat ko bang itanong 'yon.

Nilingon ako nito at inakbayan. "Magsisimba muna tayo, bago ako umalis pabalik ng Macau."

Tipid lang akong tumango, nandirito kami ngayon sa mall isinama niya ako para daw makapasyal kami. Ito raw ang bawi nito sa akin sa ilang taon niyang pagkawala simula noong nagtrabaho siya sa Macau.

Si Kuya Gelo ang tanging taong alam ko na kakampi ko, ito ang tagapag-tanggol ko kina mama at papa noon sa tuwing pinagagalitan ako at pinapalo dahil sa isang kasalanan na hindi ko alam kung ginawa ko ba o hindi. Ngunit ngayon, hindi na niya ako kailangang ipagtanggol pa dahil kaya ko na ang sarili ko.

"Hindi ba muna tayo kakain?" Tanong ko ng huminto kami sa isang clothing shop.

"Hindi na muna, bumili muna tayo ng damit." Anito, tumango lang ako at sumunod sa kaniya papasok.

Ang clothing shop na ito ay nahahati sa dalawa, damit na para sa mga babae at damit naman na para sa mga lalaki.

"Pumili ka nang sa'yo ako na ang magbabayad." Mabilis akong umiling sa sinabi nito.

"Sayang sa pera, huwag na lang kuya. Marami pa akong mga damit sa bahay, hindi na kailangang bumili." Tanggi ko, sayang ang pera na ipangbibili namin.

"Hindi sayang, dahil sa'yo naman mapupunta at gagamitin mo rin naman. Kaya sige na, kumuha ka na ng damit na magugustuhan mo at ako ang magbabayad." Pagpupumilit nito wala akong nagawa kundi ang pumayag, ito ang palaging panalo. Bumuntong hininga ako ng iniwan niya ako at naglakad ito papunta sa mga damit na pang-lalaki para pumili rin ng kaniya.

Bahagya akong sumimangot habang naghahanap ng damit. Masyadong pangbabae ang mga damit na nandito.

"Yes, Ma'am. Ano po hanap niyo?" May lumapit sa akin na sales lady.

Nilingon ko siya. "May over size shirt ba kayo?" Tanong ko.

Umiling ang babae. "Wala po Ma'am, tanging mga ganito lang po ang mayroon. Sexy t-shirt."

Bahagya akong napangiwi at tumango bago tinalikuran ang sales lady, ayaw kong makipag-usap dito nakakaasiwa ang ngiti niya.


Pumunta ako sa damit ng mga panglalaki at doon pumili ng mga damit na gusto ko. Tatlo ang napili ko na talaga nga namang nagustuhan ko.

Lumapit sa akin si Kuya. "Bakit dito ka kumukuha? Bakit hindi doon sa mga pangbabae, panglalaki rito."


"Ito na kuya, kumportable ako dito kesa doon na akala mo ay kinulang sa tela ang mananahi." Ismid ko at nangunang naglakad patungong casher.


Inilapag ko sa tapat ng casher ang mga damit na pinamili ko at hinayaan si Kuya na magbayad nito, lumabas kami ng clothing shop pagkatapos pumili at bumili ng damit.

"Sa karinderya na lang tayo kumain." Mahinang wika ko habang sabay kaming naglalakad.

"Hindi na, dito na lang sa fast food chain." Tanggi nito, nilingon ko ito.

"Mahal dito." Sagot ko, umiling lang ito at mahina akong tinawanan.

"Hindi naman ikaw ang magbabayad, sige na doon na tayo." Pagpupumilit nito at sa huli ito lang rin ang nasunod, sa isang fast food chain kami kumain. Nang matapos ay kung saan saan pa kami pumunta.

Kapag kasama ko si Kuya, pakiramdam ko ay hindi ko kailangang itago ang totoong ako, siya ang Kuya ko at kilala ako nito.

Alas-tres na ng maka-uwi kami nang bahay. Inayos ko ang mga pinamili namin at inilagay ito sa mga dapat pag-lagyan.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo? Baka naman dahil sa pagtratrabaho mo ay napabayaan mo na ito?" Pareho kaming nakaupo sa mahabang sofa ngayon dito sa bahay, kagaya ng dati wala na naman sina mama.

"Tsk, hindi ko 'yon pinababayaan. At isa pa alam mo namang mas priority ko ang pag-aaral." Tugon ko at hinimas ang paa ko dahil bahagyang nananakit.


"Dapat lang Shero, dahil pupulutin ka sa kangkungan kung sakali mang binigo mo ako." Anito, nginisihan ko lang ito bago tumango.


Alas-kwatro pa lang ng hapon ay nakabihis na ako papuntang lugawan sa bayan, suot-suot ko na rin ang isa sa damit na pinamili namin kanina. Wala ng labahan, isinuot ko na agad.

Pagkarating ko ng lugawan ay sarado pa ito, malamang ay nasa loob pa sila Aling Betty at nagluluto ng ititinda at hindi pa ang mga ito nagbubukas.

Umupo ako sa hindi kataasang semento na pahagdan at doon naghintay. Pinagmasdan ko ang mga taong naglalakad at may kaniya kaniyang kasama, ang ilan ay wala, ang ilan naman ay magkasintahan na pumuntang bayan para mag-date.

Napa-iling na lang ako at napakamot sa kilay, sa tanang buhay ko hindi ko pa nasubukang magkaroon ng kasintahan, kung sa bagay wala rin naman akong balak subukan at pumasok sa isang relasyon.

Sa ilang minutongpaghihintay ay bumukas na rin ang lugawan, tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumingon kay Mang Berting, ito ang nagbukas ng lugawan.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong nito sa akin, umiling ako.

"Hindi naman ho." Tipid kong sagot bago sumunod sa kaniya papasok sa loob.

Inilapag ko ang dala kong bag sa tabi at isinuot lumabas ulit ng silid upang ayusin ang mga mesa at upuan.

Gamit ang basahan ay pinunasan ko ang mesa at inayos ang upuan, bumalik ulit ako sa loob para ilaba ang ginamit kong basahan.

Dumating na rin ang ilang mga costumer, mabuti na lang rin ay dumating na si Marla para asikasuhin ang mga ito. Ako naman ay nasa loob para ayusin ang mga lugaw na idedeliver sa kanila.

Naging gano'n ang paulit ulit na nangyari, babalik ako sa loob para kumuha ng order at babalik sa labas para ideliver.

Nakaupo ako at binabasa ang mga hindi pa naibibigay na order ng pumasok si Marla dito sa loob habang mahihinang tumitili na animoy may sunog at katapusan na.

"Ay, ano ba 'yan Marla. Anong nangyari?" Tila nataranta si Aling Betty dahil dito.

Tumili ulit ang bakla at ngumiti ng pagkatamis tamis. "Aling Betty naman, pakiramdam ko sinusundo na ako ng love of my life ko." Tumatalak na anito.

"Tsk." Ismid ko bago nagpatuloy sa ginagawa.

Napailing na lang si Aling Betty habang natatawa dito, maging si Mang Berting na nagluluto.

"May order ba 'yang love of my life mo?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya na ikinairap nito sa hangin.

"Oo naman, tatlo ang orde niya may mga kasama siya e." Tugon nito, tumango lang ako at inilista bago inayos ang mga nadagdag na order.

"Unahin mo munang ideliver ang sa kanila May, ha?" Nakangiti wika nito.

"Tsk, oo na. Lumayas ka na." Pagtataboy ko rito. Inirapan lang ako nito at ikinaway ang palad bago umalis para bumalik sa pwesto nito sa harap bilang casher.

Bumuntong hininga ako bago inilagay ang tatlong mangkok ng lugaw at tatlong mangkok ng sabaw sa tray, mabuti naman at nagkasya. Nang maiayos ko na ay tsaka na ako naglakad palabas dala-dala ito.


Lumingon ako kay Marla. "Saan ito?" Mahinang tanong ko, ngumiti ito at itinuro ang deriksyon ng tatlong kalalakihan na nakaupo hindi kalayuan sa pwesto ko. Tumango lang ako at naglakad doon palapit.

"Tatlong lugaw at tatlong sabaw." Wika ko at inilapag ito sa mesa nila. Nakatutok ang atensyon ko sa ginagawa kung kaya hindi ko napansin o gaanong nakita kung sino ang tatlo.

"Shero." Dahil sa boses na iyon, automatiko akong natigilan sa ginagawa, halos bulong na lang ang pagkakasabi ng taon 'yon sa malapit sa tainga ko dahil bahagya akong yumukod habang inilalagay ang order nila sa mesa. Pakiramdam ko ay tumayo ang ilang maliliit na balahibo ko sa leeg at dahilan para mapatayo ako ng tuwid.

Napalingon ako sa taong 'yon at napakunot ang noo ng makita siya. "Ramirez." Mahinang bigkas ko sa apelyido nito, sapat lang para marinig niya.

Isa ito sa tatlong lalaki, hindi ko siya nakita dahil nakatalikod siya sa deriksyon ko kanina ng lingunin ko sila.

"Anong ginagawa mo rito?" Wala sa sariling naibulalas ko, iyon ang lumabas sa bibig ko.

Ngumiti siya. "Obviously umorder ng lugaw, inaya ko na rin ang dalawa kong kaibigan para mas madagdagan ang costumer niyo." Nakangiti nitong sagot na para bang sa pamamagitan no'n ay hindi maging sarkastiko sa pandinig ko ang sinabi niya.

Tumikhim ako dahil pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko. Tumango lang ako bilang tugon sa kaniya. "Kung wala na kayong order, makakaalis na ako." Wika ko at tinalikuran siya- ibig kong sabihin ay sila.

"Wait." Pigil nito sa akin sa akmang pag-alis sa pamamagitan ng paghawak sa pulso ko.

Natigilan ako at napatigil sa akmang paghakbang. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa pulso ko, bakit ba napakahilig nitong hawakan ako.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa pulso ko at humarap sa kaniya. "May kailangan ka?" Tanong ko sa seryosong boses.

Saglit itong tumitig sa akin. "Gusto mo bang sumabay sa amin? Libre ko."

Umiling ako bilang pagtanggi. "Hindi na." Sagot ko, "pwedi na ba akong umalis?" Bahagya itong tumango kung kaya ay tuluyan na akong naglakad paalis at iniwan sila.

Pagkarating ko sa loob ay kaagad kong inilagay ang tray sa gilid ng mesa at mabilis na nagpaalam para mag-banyo. Hindi ko alam pero iba ang epekto ng hawak niya sa akin, bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang naghuhurumintado dahil sa simpleng hawak niya, dahil sa simpleng pagdikit ng kamay niya sa katawan ko at sa simpleng boses niya ay nagbibigay kakaibang pakiramdam sa akin.

Napahawak ako kaliwang bahagi ng dibdib ko, ayaw kumalma ng puso ko sa tuwing naaalala ko ang pagtawag niya sa unang pangalan ko kanina.

Tsk, ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito? Ano ito?

Nang naging maayos na ang kakaibang pakiramdam ko ay lumabas na ako ng banyo at bumalik sa loob para asikasuhin ang mga costumer.

Sana naman ay wala na siya.


Pagkalabas ko para magdeliver ulit ng order ay hindi ko maiwasang hindi magulat, nandito pa rin kasi sila.

Gusto kong pukpukin ang ulo ko dahil sa sariling sinabi, hindi sila pweding umalis kaagad dahil hindi pa naman nila ubos ang biniling lugaw.

Hindi ako lumingon sa deriksyon niya seryoso kong ibinaba ang order ng isang costumer sa mesa bago umalis at bumalik sa loob. Naging ganoon ang nangyari, babalik ako sa loob para kumuha ng order lalabas ako para ideliver, lalabas ulit ako para punasan ang maruming mesa at babalik ulit sa loob para ibalik ito.

Ngunit ang ipinagtataka ko ay nakaparadang sasakyan sa labas na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis, alam ko kung kanino ito. Nangunot ang noo ko at iniwas ang tingin sa kotse.

Maaga kaming naka-uwi ngayon dahil sabado naman, alas-diyes pa lang ay pina-uwi na kami.

Isinasara na ni Marla ang pinto ng magsalita ito. "Ghurl kilala mo ba si Ethan?"

Nangunot ang noo ko. "Bakit?"

"Kanina kasi ay palagi ko itong nahuhuling nakatingin sa'yo." Anito, natigilan ako ngunit hindi ko iyon ipinahalata.

"Ikaw bakit mo siya kilala?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Duh, kaibigan siya ng love if my life ko kaya." Maarteng sagot nito, tumango ako kahit pa na wala akong pakialam.

Lumihis ito ng daan dahil may dadaanan pa raw siya, kung kaya ay naiwan akong mag-isa. Napatingin ako sa naka-garaheng kotse hindi kalayuan sa kinaroroonan ko, nandoon pa rin ito.

Naglakad ako palapit doon, kumatok ako sa bintana ng sasakyan tapat ng passenger seat, kahit pa tinted ang bintana ang bintana nito ay alam ko kung sino ang nasa loob. Ilang saglit ay bumukas ito, at bumungad sa akin ang halatang naalimpungatan dahil sa pagkatok ko sa binatana niya.

"Shero." Bigkas nito sa pangalan ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin na huwag na huwag mo akong tatawagin sa pangalang iyan?" Bakas ang inis sa tono ng boses ko at may diin iyon.

"Iyon ang gusto kong itawag sa'yo." Sagot nito bago kumurap kurap, halatang kagigising.

"Huwag mo akong tatawagin sa pangalang iyon, pang-huling paalala ko sa'yo." Seryosong pahayag ko. "Anong ginagawa mo rito? Alas-diyes na, bakit hindi ka pa umuuwi?" Nakakunot ang noong tanong ko.

Ngumiti ito dahilan para lumabas ang pareho at malalim nitong biloy. "Hinihintay kita. Gusto kitang ihatid sa bahay niyo, naisip ko kasi na kung aabutin ka ng dis-oras nang gabi ay baka wala ka ng masakyan at baka mapahamak ka pa. "

Saglit akong napatitig sa mukha niya bago kusang umiwas ng tingin. "Umalis ka na, kaya ko ang sarili ko. May sasakyan akong masasakyan."

Sunod sunod itong umiling. "Hindi ako aalis hanggat hindi ka makikisabay pauwi sa akin." Pagmamatigas nito.

Umiling rin ako. "Hindi mo ako madadaan sa paganyan-ganyan mo. Umalis ka na, at ng makahanap na ako ng sasakyan. Baka dahil diyan sa ginagawa mo ay matambangan ka ng mga nakaaway mo noong nakaraan."

Umiling ulit ito. "Kung hindi ka makikisabay sa akin, baka kapag tinambangan nila ako ay walang tutulong sa akin. Bakit hindi ka na lang kaya makisabay?" Suhetisyon nito, ngumisi ako.

"Hindi ako makikisabay." Madiin kong sabi at nagsimula ng maglakad.

"Hey!" Medyo malakas ang boses na tawag nito, hindi ako huminto o lumingon man lang, bagkus ay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Napahinto lang ako sa paglalakad ng ihinti niya mismo ang sasakyan sa tapat ko. "Makisabay ka na nga kasi, baka ikaw pa ang mapahamak dahil diyan sa ginagawa mo."

"Bakit ba ang kulit mo?" Tanong ko rito habang nakakunot ang noo.

Bumuntong hininga ito. "Ayan na naman, nakakunot na naman ang noo mo. Sumabay ka na nga kasi, gabi na at malalim na ang gabi."

Umayos ang sa pagkakakunot ang noo ko. "Sa susunod huwag mo na ulit itong uulitin. Sa ngayon pagbibigyan kita."

Umikot ako para pumuntang passenger seat at doon pumasok. "Nagkakaintindihan ba tayo? Huwag mo na itong uulitin." Tinignan ko ang kulay tsokolateng mga mata nito.

Ngumisi ito at nagkibit balikat, hindi sinagot ang tanong ko. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at pinaharurut paalis ng hindi sinasagot ang tanong ko.

Tsk! Maling desisyon.

Continue Reading

You'll Also Like

520K 1.7K 153
Complete story Tagalog / English
7.7K 105 19
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
4.8K 141 23
[Matured Content] May mga bagay sa mundo na mahirap paniwalaan at mapanindigan, isa sa mga bagay na ito ay ang tinatawag nila na mga kathang-isip at...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...