Capturing The Grand Duke

By LadyCode

17.1K 567 198

Kairro Angelo Echevarri, the only Grand Duke of Mexico, he came from the noblest family who always guards the... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 5

1.2K 50 6
By LadyCode

"P-Papa?" nanlalaki ang matang tanong niya, "Teka, ayoko! Hindi ka namin anak ni Avery." dagdag niya pa

Hindi ko napigilang sipain siya ulit at tumama iyon sa tagiliran niya. Tumungo si Kai at parang nalungkot.

"Why are you bullying him?!" asik ko sa kanya

"M-Mi amor, why are you accepting a kid that isn't mine? Anak lang dapat natin ang tumatawag sa'tin ng mama at papa." tila nalulungkot at kinakabahan na aniya

Niyakap ko si Kai na naglalambing na yumakap din sa akin. Siguradong nalungkot siya sa sinabi ng kumag na 'to. Gusto ko sanang kiligin sa sinabi niya pero pinigilan ko dahil inis na inis talaga ako sa kanya.

"Wag mong dagdagan ang kasalanan mo." mariing pagbabanta ko sa kanya

Parang natigilan siya sa sinabi ko. Nagbuntong-hininga siya bago inabot ang lamp shade para buksan iyon. Mas malinaw ko ng nakikita ang mukha niya ngayon.

He held Kaitel's little hands, "I'm sorry, kid. Papa is not angry at you." there was tenderness in his voice

Hindi ko alam kung bakit parang may humaplos sa puso ko nang makita ko siya sa ganoong ayos. Binuhat din niya si Kai at inupo sa kandungan niya.

"Hindi ko sinabing magpatawag kang papa. Ang sa'kin lang, wag kang harsh." nakaismid na sabi ko sa kanya

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at pinag-tuunan niya ng pansin si Kai na nakangiti na ngayon sa kanya. Nakayakap pa ito sa leeg niya.

"Papa, kamukha mo 'yong nasa picture don sa sala."

Natigilan kaming dalawa sa sinabi niya. He's really observant.

"Mas gwapo ako don." mayabang na sabi naman niya

"Dito ka ba magsleep, papa?"

He smiled at Kai and shook his head, "I can't sleep here."

Napanguso si Kai dahil sa sinagot niya. Nababahala ako dahil parang bigla siyang napalapit sa kanya kahit ngayon niya lang nakita si Angelo. Hindi siya ang klase ng bata na palakaibigan dahil naimpluwensyahan na siya ng mga kapatid ko at ni dad ng kasungitan. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang lahat mamaya?

"What the fuck?"

"Kuya, wait for— Putangina."

Mabilis na napatayo ako sa gulat habang nakatingin sa nakabukas na bintana ng kwarto ko. Nakaupo doon si Rayne at Lay na gulat na gulat na nakatingin ngayon sa amin. Saglit na nagpalipat-lipat ang tingin nila sa amin bago tuluyang pumasok.

Hindi ko alam kung uunahin ko ba silang sitahin sa ginawa nilang pagtakas sa gabi o ang pagalitan sila sa pagmumura nila.

"Your mouths! Sisipain ko kayo palabas ng bintana!" I chose the latter

Parang nagdilim ang mukha ng dalawa at halata ang galit doon.

"Woah. Woah. Ate, bakit ka nagpapapasok ng lalaki dito sa kwarto mo?" madilim ang mukhang sabi ni Rayne

"Should I just shoot his head?" kinasa ni Lay ang baril na nakuha niya sa side table ko at itinutok iyon kay Angelo

Napasapo ako sa noo ko dahil sa pagkastress sa kanilang dalawa. This is so mess up. Nakatalikod na ngayon sa kanila si Angelo kaya hindi nila nakita ang mukha niya. Tinignan ko si Kai pero tuktok ng ulo lang niya ang nakikita ko, mukhang tinago siya ni Angelo sa bisig niya.

"Kuya?" rinig kong sabi ni Kai

Kumunot ang noo ni Lay dahil sa narinig at nilagay sa likuran niya ang baril para itago iyon, "Kaitel? Are you sleeping here again?"

Nakita kong pilit na sumilip si Kai mula sa balikat ni Angelo at kumaway sa mga kapatid namin.

Humagikgik si Kai, "I slept with mama and met papa."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Siguradong magkakagulo dahil sa sinabi niya. Napapikit ako ng mariin at pinilit na mag-isip kung paano aayusin ito. This kid, really!

Napasigaw ako nang makarinig ako ng malakas na kalabog at putok ng baril. Ang bilis ng pangyayari. Pumikit lang ako saglit, ilang segundo lang 'yon!

What happened? What just happened?

Nanginginig na naupo ako sa kama ko at pinilit na kalmahin ang sarili ko. Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko dahil sa takot ko.

"You really dared to come to my daughter's room in the middle of the night?"

Mabilis na napaangat ako ng tingin dahil sa nakakatakot na boses na iyon. May nagbukas ng ilaw kaya biglang lumiwanag ang buong kwarto ko. Namutla ako nang makita ang ayos ng kwarto ko. Wala akong narinig na ibang taong pumasok sa kwarto ko. Pero hindi na dapat ako magtaka doon, the men in my family moves around like they're a trained assassins and a fighter.

Dad is holding a gun and pointing it towards Angelo who's kneeling down while holding his bleeding arm. Kaitel is in Gran's arms, he is wearing a headphone while his face is buried on his chest. Rayne and Lay looked shock but there's fear underneath their expression.

Why are they here? How did this happen?

No, they're probably waiting for this moment. Matagal ng hinihintay ni dad na magpakita siya sa akin.

"D-Dad..." hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko

Dad looked at me with tender eyes and put the gun down, "Hindi ko na 'to palalampasin, Avery." malumanay ang boses ni dad pero nandoon ang diin sa bawat salita niya

Tinignan ko si Angelo na nagdurugo pa rin ang braso. Did dad really shot him? Gusto kong tumayo at daluhan siya doon pero alam kong mas lalo lang lalala ang sitwasyon.

Dad opened the door, "Follow me."

Hindi ko alam kung kanino niya iyon sinabi o inutos pero parang may sariling isip ang mga paa ko na agad tumayo. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok ni Rayne at Lay. Sumunod si Gran kay dad habang buhat pa rin si Kaitel at ganoon din sila Rayne at Lay. Dinaluhan ko muna ang sugatan na si Angelo at sinamahan siyang talian ang braso niya.

"A-Are you alright?" nag-aalalang tanong ko sa kanya

Napapangiwi siya at bahagyang pinagpapawisan, "Yes, daplis lang naman 'yon."

Inalalayan ko siyang tumayo at sinamahan maglakad. Kahit galit ako sa kanya, may konsensya pa naman ako. Tahimik kaming bumaba sa sala dahil tinuro ng kasambahay iyon sa amin. Bahagya pa akong nagtaka dahil may dala siyang first aid kit at nagtaka rin ako dahil akala ko ay sa library kami pupunta.

Sabay kaming napatigil sa paglalakad ni Angelo nang marating namin ang sala. Nagtaka ako sa ayos nilang lahat, nakaluhod si dad, Gran, Rayne at Lay. Napaayos ako ng tayo nang makita ko si mommy na prenteng nakaupo sa couch na kaharap ng mga nakaluhod na kapamilya ko. Nasa tabi ni mommy si Kaitel na nakahiga sa kandungan niya.

Dumako ang malamig na tingin ni mommy sa amin. Kinakabahang napahawak ako sa laylayan ng pantaas ko dahil sa titig ni mommy. Kahit matanda na kaming magkakapatid, takot na takot pa rin kami kay mommy. Mas takot siguro kami kay mommy kaysa kay daddy.

"Kneel." mommy pointed at the cold tiles

Hindi ako nagdalawang-isip kaya agad akong sumunod, paluhod na ako nang marinig ko ulit si mommy, "Avery, the floor is cold. Come here." tinapok niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya

Nilingon ko ang mga kasama ko pero wala silang imik at reaksyon. Nakaluhod na rin si Angelo at tahimik na nakatingin sa tiles. Sumunod ako sa utos ni mommy at tahimik na naupo sa tabi niya.

"Gina, paki-gamot nga ang sugat niya." utos ni mommy sa kasambahay namin na nakita ko kaninang may dalang first aid kit

Agad na tumalima ang kasambahay namin at walang nagsasalita habang ginagamot si Angelo. Walang limang minuto ang paggamot sa kanya pero parang ilang oras na ang dumaan dahil sa nakakabinging katahimikan. Pinaalis agad ni mommy ang kasambahay nang matapos niyang i-bandage ang sugat ni Angelo.

"What's your name, young man?" mom asked and sipped on her shake

Hindi ko alam kung saan ang galing ang strawberry shake ni mommy. Ang daming time ni mommy, ha.

Hindi nag-angat ng tingin si Angelo, "A-Angelo po, ma'am."

Pagak na natawa si mommy, "Angelo? Okay, Angelo. What's your relationship with my daughter?" binigyang-diin ni mommy ang pangalan niya

Nakatungo pa rin ako na parang batang napagalitan. Mom is really open about relationship and I even told her that I have a crush on someone several years ago. Hindi siya kailanman nainis o nagalit pero nakakagalit nga naman na biglang may pupuslit sa kwarto ng anak mo sa kalagitnaan ng gabi o madaling araw.

Bumuga ng hangin si Angelo at nag-angat ng tingin. He's looking at mom's eyes directly.

"We are not yet in a relationship, ma'am. Seven years ago, I promised her that I'll come for her. But I was late."

Mom scoffed and sipped on her shake again, "You're three years late then, young man. Do you think my daughter deserves that?"

"No, ma'am. She doesn't deserve it." mabilis na sagot ni Angelo

"Don't you think she needs a better man who will not maker her wait? My daughter deserves the best in the world and you just made her wait for nothing. I don't approve of you." nakataas ang kilay na sabi ni mommy

Tumingin ako kay mommy na lumingon din sa akin. She gave my hand a squeeze and gave me a loving smile. Hindi ko napigilan ang maiyak at malambing na yumakap sa kanya. Si Gran at Sunny lang ang may alam kung gaano ako nalulungkot tuwing naaalala ko ang pangakong iyon. Naghintay pa rin ako kahit i-deny ko pa iyon sa sarili ko. Hindi ako nag-entertain ng ibang lalaki at mga manliligaw.

Nakita ko kung paano natigilan si Angelo, "M-Ma'am, I'll be a better man for your daughter."

Mom caressed my hair, "Let's start with your men hanging around my daughter, then. Remove them all."

Nakita ko kung paano dumaan ang magkahalong takot at gulat sa mata ni Angelo. Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ni mommy.

Did Angelo put his men around me?

"Hinayaan kita ng pitong taon at sapat na siguro ang pitong taon na iyon. Hindi ko gustong pinapabantayan mo ang anak ko. Ano bang napatunayan mo sa anak ko sa pitong taon na paghihintay niya sa'yo? Wala, diba? You should stop pursuing my daughter if you're just gonna do it half-heartedly." mapaklang sabi ni mommy

Mas humigpit ang yakap ko kay mommy. She knows me best, I know it. Sinabi niya lahat ng bagay na hindi ko masabi kay Angelo. Tama naman si mommy. Pinaghintay niya ako sa wala at wala pa siyang pinapatunayanbsa akin o sa pamilya ko. Dalawang beses ko pa nga lang siyang nakita sa pitong taon eh. On that graduation ball and now.

Sinilip ko si Angelo, nakakuyom ang kamao niya at nakayuko ulit siya ngayon. Parang nawala ang confidence niya kanina. Parang nag-iisip siya ng malalim hanggang sa bigla niyang nilabas ang cellphone niya at may tinawagan.

"Javier, all of my men around Avery...." he sighed, "Call them back... Stop the surveillance." mariin siyang nakapikit at halatang labag na labag sa loob niya ang ginawa niya

Binalik niya sa bulsa niya ang cellphone niya at tahimik na nakayuko ulit.

"Next, you're not allowed to visit my daughter without my permission. And stop visiting my daughter in her room in the middle of the night. Ano bang akala mo sa anak ko? Parang kabit na tinatago na sa gabi lang kikitain? Visit my daughter her officially and properly." mariing sabi ni mommy na pilit na pinipigilan ang magtaas ng boses

"Yes, ma'am." mabilis na sagot niya habang nakayuko

"Your name. Tell me your whole name."

Tumingin ako kay mommy dahil sa sinabi niya. She knows it already but she still asked him. May dumaang emosyon sa mata ni mommy na agad ding nawala.

Angelo looked at mom tenderly, "Kairro Angelo...." he gulped and hesitated a bit, "Echevarri."

Parang labag sa loob niya nang banggitin niya ang apelyido.

Tumikhim si mommy, "Tell me about yourself."

Wow, slam book ba 'to? Pero buti na lang sinabi din ni mommy dahil gusto kong makinig.

He cleared his throat, "I'm a Grand Duke of Mexico and a businessman."

Oh, I know he's a Grand Duke but hearing it from him feels different.

"Are you willing to be give up that title for my daughter?"

Mas lalo akong nagulat sa tanong na 'yon ni mommy. Alam na alam ni mommy na importante sa kanya 'yon. He left us for his revenge, and claim what's rightfully his. He can never just turn his back and come back to us.

"Yes." malamlam ang mga matang mabilis na sagot niya

"For Avery, I can give up everything." he stated seriously, "But not now. Not when everything is still not in place. I don't want to put her in danger."

Mom tapped her fingers on her knee, she looks unsatisfied with his answer, "I'll be blunt, Mr. Echevarri. I don't want you for my daughter. You're a coward like my husband. Ito ang hirap sa inyong mga lalaki, gusto niyong maghintay kami para sa inyo tapos mamaya pag nakahanap kami ng iba, maghahabol kayo.

Hindi mo ba kayang protektahan ang anak ko habang nasa tabi mo siya? Hindi ba't mas maproprotektahan mo siya kung magkasama kayo? What logic do you men have? You have two heads but none is working properly sometimes. Kung balak mo pa ring paghintayin ang anak ko, bukas ang pinto para sa'yo, makakaalis ka na sa pamamahay ko."

Lumingon si dad kay mom na may malungkot na mukha, "Love, sorry..." he said sincerely

Umirap si mommy kay daddy na napayuko lang. Mom told me about their love story before kaya naiintindihan ko kung bakit sinabi niyang naging duwag si daddy.

Bumukas ang bibig ni Angelo na parang may gustong sabihin pero agad ding sumara iyon na tila pinipigilan ang sarili. He took his phone out when it suddenly rang. Walang pagdadalawang-isip na sinagot niya iyon.

"Miguel, ¿qué pasó?" (What happened?)

I bit my lower lip when I found his Mexican accent sexy.

Napansin kong humigpit ang pagkakahawak niya sa phone niya at agad na binaba iyon. Bigla siyang tumayo kaya umangat ang tingin ni dad at mga kapatid ko sa kanya.

Matiim siyang nakatitig sa akin. Nanatili kaming tahimik nang lumapit siya sa amin ni mommy. Napakurap ako nang biglang kinulong niya kaming dalawa sa matipunong bisig niya. I felt his lips on my temple and he did the same with mom.

"Te quiero, mom. Te amo, mi amor. Vuelvo enseguida." he whispered tenderly

(Translation: I love you, mom. I love you, my love. I'll be back.)

Binigyan din niya ng magaang halik sa ulo si Kaitel na mahimbing na natutulog. Naintindihan ko lahat ng sinabi niya. All of us siblings took Spanish class.

Parang bigla akong nilamig nang humiwalay siya sa amin. Hindi niya tinungo ang pintuan at sa bintana ng sala siya nagmamadaling lumabas. Humigpit ang pagkakahawak ni mommy sa kamay ko kaya tinignan ko siya at napansing lumuluha pala siya. I know how much she missed him.

Pinunasan ni mommy ang luha niya at tumingin sa akin, "What's your plan now, my princess?" malumanay na tanong niya

Bumuntong-hininga ako. Mom really knows me. Matagal ko ng pinag-iisipan ito pero hindi ko lang matuloy dahil hindi ko alam kung paano ako papayagan at hahayaan ng pamilya ko ng hindi nagdududa. On the fifth year, I stopped waiting and was planning to go to Mexico. Pero pinigilan ako ni Gran at Sunny.

Pero ngayon, kung hindi talaga niya pa kayang bumalik, ako ang pupunta sa kanya. Dad told me to be strong so I can stand beside him. I am strong now and independent. Hindi ako naging abogado para sa wala at hindi pinagtiisan ang lahat ng hirap ng 'yon para sa wala. Hindi ko pinanalo lahat ng kaso ko para sa wala. I became one of the most sought criminal lawyer in the country in just three years. Lahat ng kasong hinawakan ko, napanalo ko. I am one of the lawyers who has the highest winning rate. Pinaghirapan ko lahat iyon para magkaroon ako ng confidence sa sarili ko. I want to have a firm foothold in the country.

Hindi ako uupo na lang at maghihintay ulit. I will find my own happiness. Nakasalalay sa akin ang sarili kong kaligayahan at hindi sa ibang tao. I will take him back, by hook or by crook.

"I'll leave the country, mom."

Buo na ang pasya ko. Gagawin ko ngayon kung anong gusto ko.

Mom smiled at me tenderly, "You're a big girl na talaga, anak. Mom will support you always."

"Thanks, mom." malambing na aniya ko at yumakap sa kanya muli

I heard my brothers and dad groaned. Nakalimutan ko na nakaluhod pa rin pala sila hanggang ngayon.

"Styx will be at your disposal." nakaiwas ang tingin na sabi ni Gran, siya ang namumuno sa Styx, ang mafia ng mga Andrews

"TIA is at your disposal, too." nakangusong sabi ni Lay na halatang labag na labag sa kalooban ang sinabi niya

TIA is Trojan Intelligence Agency. It's Lay's agency, he built his own company using his own money. It's an intelligence agency that is famous in the country. But I know better, Lay's agency is also involved with the underground world. This is only known to us, his family.

"Tsk. Wala akong ambag. Di naman ako mayaman. Wala akong sariling mafia o kompanya. Bigyan niyo na lang ako ng blue print kung may gusto kayong pasukin na bahay." parang nagtatampong sabi ni Rayne

Ewan ko ba sa isang 'to na parang walang sariling direksyon ang buhay. He's took a double degree in civil engineering and electrical engineering. Hindi niya sinabi sa amin na kumuha din siya ng electrical engineering. Mahilig pa rin siyang makipagbasag-ulo at imbes na magtrabaho sa kompanya namin, mas pinili niyang magtrabaho sa ahensya ng gobyerno, the DPWH. Mas gusto niya raw doon pero parang hindi naman siya laging pumapasok sa trabaho.

He also always claim that he's not rich or he doesn't have money. Wala siyang maitatago sa amin, alam naming na may binili siyang property malapit sa trabaho niya. May sarili din siyang yate na bigay ni Lolo Landon sa kanya. Lahat kami may yate, shares sa mga iba-ibang company at real estates na pinamana sa amin ng great grandmother namin. Lola Camilla gave him a latest Aston Martin car when mom took his car keys because he was caught in a drag racing again.

My brothers are all rich. Hindi lang 'yon halata dahil sa pagiging kuripot nila.

"Go to your Tito Griffin. Sabihin mo maniningil ka ng utang. He knows what he should do." seryosong sabi naman ni dad

Maniningil ng utang? Ano nanaman kayang kalokohan ang ginawa ni Tito Griffin na nagkaroon siya ng "utang" kay dad.

KAKATAPOS lang ng arraignment ng kasong hawak ko nang lapitan ako ni Zeke. Hinintay niyang matapos ako dahil magkasama kaming babalik sa firm at kakatapos lang ng final hearing ng kaso niya.

"How was your hearing?" tanong ko sa kanya habang palabas kami ng court room

Mayabang na ngumiti siya sa'kin, "I won the case, of course."

Natawa ako sa sinabi niya at tinapik siya sa balikat, "Congrats, Attorney Ezekiel Castañeda."

"Ako lang 'to, Avery. Ako lang 'to." mayabang na sabi niya habang tumatawa

Baliw talaga ang isang 'to.

Nagkayayaan kaming lahat na magpunta sa bar nang matapos ang mga trabaho namin. Sakto naman iyon dahil sasabihin ko sa kanila na aalis ako ng bansa. Kaya nga naging busy ako nitong mga nakaraang linggo dahil sa pag-aasikaso ng mga kasong hawak ko. Ang ibang trabaho ko ay kinuha na ni dad sa akin.

I'm working in dad's firm together with Zeke, Xyra, Luna and Ash. Syempre hindi ako nakapasok dahil lang anak ako ni dad at sila ganon din. Pinaghirapan namin ang pagpasok dito sa firm na parang mga normal na aplikante kami. Pero lahat naman kami ay nag-internship na dati dito sa firm kaya marami na rin kaming kakilala lalo na ako na lumaki na palaging pumupunta sa firm.

Walang makakapagsabi na nakapasok kami gamit sa koneksyon dahil sinalang kami sa normal na proseso. We got this position, fair and square.

"Bakit nakabusangot ka dyan, Sunny?" tanong ni Xyra

We're currently in a VIP room. Bar ito ni Rayne, o diba. Sabi niya mahirap siya pero may bar.

This VIP room is exclusive only to us, our family and my brothers friends. Hindi naman kami madalas dito at ditong bar lang ako pinapayagan na pumunta.

"Ate Xyra, gusto mo ba si Gran? Ipamigay ko na lang siya sa'yo." walang ganang sabi ni Sunny

Napasinghap ako sa sinabi niya at ganon din si Xyra.

"Sunny! Ano bang sinasabi mo?" naeeskandalong tanong ko dahil pinapamigay niya ang kapatid ko na parang candy lang

Bahagya akong napangiwi nang umismid siya. Nag-away nanaman sila panigurado.

Umakbay si Xyra sa kanya, "Mareng Sunny, cute si fafa Gran pero di ako tumatalo ng mga ex o boyfriend ng mga kaibigan ko." natatawang sabi niya

"No, I insist." nakairap na sabi pa ni Sunny

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa sinabi niya. Ano nanaman kayang ginawa ni Gran sa kanya? Uupakan ko talaga 'yon kapag pinaiyak at sinaktan niya si Sunny.

Mas lumakas ang tawa ni Xyra na parang baliw, "Hindi ko siya type, mareng Sunny. Type ko iyong mga cute, sarap i-bully sa kama."

Namilog ang mata ko sa sinabi ni Xyra, ito talagang ito kung anu-anong mga sinasabi. We're all almost twenty-six but I still can't keep up with Xyra's mouth.

"Xyra, ano ka ba, may virgin dito." natatawang saway naman ni Luna

Parang umakyat bigla ang dugo ko sa pisngi ko na. Napahawak ako sa pisngi ko at sinamaan sila ng tingin ng tumawa sila.

Sunny's forehead creased then she suddenly raised an eyebrow, "Makapagsalita si Ate Luna akala mo di na virgin."

Pumula bigla ang mukha ni Luna dahil sa sinabi ni Sunny. Naeeskandalo naman akong tumingin kay Sunny dahil sa lumalabas sa bibig niya.

"Wag mo naman ilaglag 'tong mga conservative na kaibigan natin, kumare." nang-aasar ang tonong aniya ni Xyra

"Isa ka rin, Ate Xyra. Akala mo hindi ko alam na kaya kayo nagbreak nung huling ex mo kasi hinawakan niya puwet mo?" natatawang sabi ni Sunny

Pabirong sinabutan ni Xyra si Sunny habang sa nauwi sila sa pagkikilitian. Parang mga bata talaga 'to.

"Avery, are you alright?" tanong sa akin ni Zeke

"I'm alright." tipid na aniya ko

"Hoy, anong pinagbubulungan niyo dyan?" tanong sa amin ni Ash na may pilyong ngiti sa labi

Nahawaan na talaga ni Luna ng kadaldalan 'tong boyfriend niya. Dati halos hindi siya nagsasalita pero ngayon mahilig ng mang-asar.

"Pinagchichismisan ka namin." sabay na sabi namin ni Zeke

"Kung hindi ko lang kayo kilala, pagkakamalan ko na talaga kayong magkapatid, magkapatid sa chismis." pang-aasar ni Ash sa namin kaya nahampas ko tuloy siya ng unan

Hinampas din ako pabalik ni Ash ng unan pero humampas lang iyon sa unan na hawak din ni Zeke. Para silang mga batang naghahampasan ng unan.

"Hindi ako papayag na mahampas mo ang kapatid ko sa chismis, magchichismisan pa kami." kunwaring madamdaming sabi pa ni Zeke

"Chismoso ka talaga, siraulo."

Hinayaan ko silang maghampasan doon at tinabihan ko si Sunny na tahimik sa isang tabi. Nagpunta sa dance floor si Xyra at Luna. Wala kaming dapat ipag-alala sa kanila dahil safe naman ang bar ni Rayne at isa pa, kaya nila ang sarili nila. Mas kawawa siguro ang mga mambabastos sa kanila.

"Hey, what's up?" tanong ko sa kanya

She looked at me, "Gran will never give up Styx, right?"

I gave her a small smile, "He can give it up for you. Just give him a word. He will do it whole-heartedly."

Hindi ko alam kung anong issue ng dalawa tungkol sa Styx. Ayokong mag-usisa kaya hinihintay ko lang na magkwento ang isa sa kanila. Ayoko ring makialam sa problema nila.

Bahagyang tumingin sa paligid si Sunny na parang chinicheck kung may makakarinig sa sasabihin niya.

Nilapit niya ang mukha sa akin, "He has killed a lot of people."

Hindi ako nagulat sa sinabi niya at wala din akong reaksyon. Hindi ko pinagtatakpan ang mga kapatid ko o ang pamilya ko. I know what's happening behind the scenes. Ayoko ring i-justify ang mga ginawa nilang mali. Killing is killing, murder is murder. It's a bit ironic, he's a doctor but killing people. I am a lawyer but I have a brother who is a killer and a hacker.

"Are you afraid of him?" I asked seriously

Sunny scoffed, "I know why he did that, Ate. Paano ako matatakot sa kanya?"

Natahimik ako sa sinabi niya. My brother may be a killer, he's a criminal or not. Our mafia's purpose is to eliminate the threats of the country. Hindi gagalaw ang Styx kung inosente ang isang tao. They will never kill an innocent person. Hindi ko pinagtatanggol si Gran pero hindi ko rin kayang tawagin siyang masamang tao. Ilang sindikato ang nabuwag dahil sa kanya at ilang tao na ang nailigtas ay naibalik sa mga pamilya nila.

Child trafficking? Human trafficking? This forsaken world is dirty. May mga taong halang ang kaluluwa na hindi lang sila pinagbibili. They're even sexually harassed or even missing an organ.

"I'm afraid for his life. He's cruel but selfless. Kaya niyang sumalag ng bala para lang may mailigtas kahit isang bata. Hindi ko alam kung paano bubuo ng pamilya kasama siya kung hindi niya iingatan ang sarili niya. Pero hindi ko rin kayang patigilin siya. I love how loving and heartless he can be at the same time."

Hindi umiiyak si Sunny pero alam ko kung gaano kabigat ang dinadala niya. Hindi rin ako nakaimik sa sinabi niya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Should I punch Kuya Gran?"

Lumingon kami ni Sunny dahil sa malamig na boses na iyon. Cauis' cold gray eyes met mine. Ano bang meron sa pamilyang Andrews? Parang required palagi ang maging masungit, malamig at sumulpot na parang kabute. He's my cousin, Tito Griffin's son. Mas matanda siya ng isang taon kay Rayne. Childhood friend din siya ni Sunny at close silang dalawa. Minsan napapaisip ako kung paano sila naging close, mukhang tuod minsan 'tong si Cauis.

"Wag na. Sinapak ko na siya." nakaismid na sabi ni Sunny

Hindi natanggal ang malamig na tingin sa akin ni Cauis. Hindi naman ako nailang dahil sanay na sanay na ako sa mga pinsan at mga kapatid ko.

"Ate Avery, I'm coming with you." malamig na sabi niya habang nakapamulsa pa rin

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Parang gusto kong hilain ang piercing niya sa tainga dahil sa lamig ng pakikipag-usap niya.

"Coming to where?" tanong ko sa kanya

Halos mahulog ang panga ko nang biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ngumiti siya ng ubod ng tamis na ngayon ko lang nakita.

No, no, no. Kilalang-kilala ko ang mga taong 'to. Tuwing ngumingiti sila ng ganyan, isa lang ang ibig sabihin.

"Mexico."

Damn. This is trouble.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...