The King's only daughter

By sxaynrdra

350 25 12

'A lost life is a start of a new beginning. A beginning that we never know how it ends.' Status: On-going Dat... More

Prologue
#2
#3
#4
#5
#6
#7
#8

#1

64 6 3
By sxaynrdra

Chapter one

-

Samantha

Napapahikab ako habang naglalakad pababa sa sala. Ang aga ba naman kasi akong ginising, di pa ako nakatulog ng maayos kagabi kasi napuyat ako kakanood ng anime. Pahirapan pa matulog kasi nagpeplay sa utak ko yung huling episode na pinanood ko.

Naririnig ko na ang mga plato na hinahain ni mama sa mesa kaya dinalian ko na ang pagbaba ko. Nasa panghuling hakbang na ako ng biglang may tumulak sa akin.

"Ang laki mong harang." sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Ano bang problema ne'tong panget na'to? Umagang umaga nangbubwisit.

Di ko talaga maintindihan ba't galit na galit siya sa akin di ko naman siya inaano. Laki laki ng problema sakin.

"Problema mo ba? Di ka naman inaano dyan." sabi ko at binawian siya ng siko. Akala niya porket kapatid ko siya di ko siya babawian, mukha niya.

"Ikaw ang problema ko. Nakikita lang kita nasisira na araw ko." sagot niya pabalik habang nakakunot ang noo. Kulang nalang mawala na pagitan ng kilay niya.

"Sus! Di ka lang yata nalambing ng jowa mo kagabi kaya ka ganyan eh." sabi ko at nilabasan siya ng dila bago tuluyang pumasok ng kusina.

"Ano na naman ba yan? Umagang umaga nagbabangayan na naman kayo." napasimangot naman ako dahil sa sinabi ni mama.

"Si kuya nauna, bigla bigla nalang nanunulak kitang nasa hagdan yung tao." sagot ko at pinagdiskitahan ang hotdog sa harapan ko.

"Harang kasi!" rinig kong sabi niya pero di ko nalang pinansin.

"Hay naku mga anak,osiya magsikain na kayo. Ito na pala yung permit mo Samantha, nahanda ko na rin yung kailan mo para di ka gutumin. Siguraduhin mong mag aayos ka dun." mahabang salita ni mama habang inaabot yung permit ko sakin. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago abutim yun, "Ikaw bantayan mo 'tong kapatid mo. Wag mong hahayaang gumawa ng kalokohan."

"Bakit ako? Di naman kami magkasama niyan."

"Anong bakit ikaw? Natural ikaw yung kuya, responsibilidad mong bantayan ang kapatid mo." sagot ni mama, nakita ko namang umirap si kuya pero nagpatuloy lang din sa pagkain.

Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Sa school na ba kayo magkikita Samantha anak?" tanong ni mama habang umiinom ng kape. Di na naman siya kumakain.

"Opo. Basta bago mag 7:00AM andun na kami lahat." sagot ko at tiningnan ang cellphone ko. Nakita kong 6:20AM na kaya nagmadali na ako sa pagkain, "Mauuna na po ako ma, baka matagalan pa ako."

Humalik ako sa kanya bago kinuha ang bag ko at umalis. Sana lang talaga maging maayos 'tong fieldtrip namin. Pinagpilitan pa'to ng adviser namin para lang matuloy.

Habang naglalakad ay di ko talaga maiwasang di humikab. Required ba talagang alas singko gumising basta fielftrip? Kabadtrip.

Di rin nagtagal ay nakarating na ako sa school kasi malapit lang din naman sa bahay. Sa gate palang nakikita ko na ang mga kaklase kong katulad ko, humihikab din. Nakita ko pa yung isa na nakaupo sa sahig habang yakap yakap ang bag niya tapos tulog. Hala sige pagpatuloy mo, abutin mo ang panaginip mo.

Lumapit ako sa isang babaeng nakaupo sa sulok at lutang, halatang walang tulog. Kahapon pa 'to excited eh ayan di nakatulog. Paggising ko kanina tadtad ako ng messages at chats niya na di na daw siya makahintay. Anak ng tokwa tinawagan pa ako, hanggang sa nakatulog nalang ako di parin siya tapos kakasalita.

"Ayan, sobrang excited di nakatulog." bungad ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako at napangiwi ako sa itsura niya. Naligo naman pero mukhang sabog parin.

"Di ako nakatulog ng maayos, nasigawan pa ako ni kuya ang ingay ko daw." mahinang salita niya, inabot ko naman sakanya yung dala kong kape na nakalagay sa tumbler, mainit pa yun kasi yun yung iniinom ko kanina na di ko natapos. "Salamat."

Umupo ako sa tabi niya at pinanood ang mga kaklase ko. Meron nakatulog ng maayos, merong medyo pero mas marami ang mga himdi natulog. Well, hindi naman talaga natutulog yung ilan sa kanila.

Napalingon ako sa isang pwesto ng tuluyan na talagang nakahilata sa sahig yung natutulog dun, napailing nalang ako. Sa kabilang side naman mga naglalaro ng sobrang aga. Sa kabilang dulo ulit, mga grupo ng babae na nagkukwentuhan at humihikab.

Ilang sandali pa ay may nagdatingan ng mga sasakyan na gagamitin namin sa fieldtrip, nakita ko rin kakarating lang ni kuya kasabay nag girlfriend niyang nakabusangot. Ano na naman kayang ginawa niya dun?

"Class gather around!" rinig kong sigaw ng adviser namin. Lahat naman kami nagsitayuan at lumapit sa kanya. May humila pa dun sa isang natutulog patayo kaya nagising bigla.

Hawak hawak ni ma'am ang attendance sheet niya and as usual, she looks fresh. Mukhang di stress, di mawala wala yung ngiti sa labi niya. As far as I know she's the youngest sa lahat ng teachers namin dito. She was admitted here I think two years ago.

Isa isa niya kaming binibilang to check kung may kulang ba o malelate, so far wala naman kaya tumingin na siya ulit sa attendance sheet niya. Notice how she didn't call our names? It's because kilala niya na kami lahat.

One thing amazing about her, mabilis siyang makamemorize kahit mukha pa ng tao yan o pangalan.

"Make two lines, boys dito sa left girls sa right. Isa isa sa pag akyat para hindi mahirap." sigaw niya, nasa hulihan ako kasi wala lang bakit ba?

Napalingon ako sa kabilang bus at sinalubong ako ng nakasalubong na kilay ni kuya. Problema na naman ne'to?

Pinakyuhan ko lang siya at tuluyan ng umakyat ng sasakyan. Nakita kong nakaupo sa may dulo si Natahlia at may space sa tabi niya. Nakangit na siya at maayos na ang mukha, may pulbo at liptint na ang gaga.

Umupo ako sa tabi niya na malapit sa bintana, di ko alam ba't dito niya ako pinaupo. "Ayokong magulo hair ko." sabi niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko. Kaya naman pala.

Napailing nalang ako at tumingin sa labas pero napasimangot ulit ng mukha ni kuya ang nakita ko sa kabilang bus. Nakatingin parin siya sa akin ng masama. Nagsign pa siya sakin ng magbehave daw ako dahil kung hindi malalagot ako sa kanya.

Although di naman talaga ganun yung ginawa niyang sign pero ganun na din minemean niya. Ang sama talaga ng ugali ne'tong kapatid ko. Nagtataka pa siya eh siya din naman nagturo sakin dati nung bata pa kami ng kagaguhan. Sumbong ko siya kay mama eh.

"Ang panget mo!" sigaw ko kaya napalingon sakin ang mga kaklase ko at classmate niya. Sinamaan niya ulit ako ng tingin at kulang nalang tumalon siya palabas ng bintana ng bus para sakalin ako.

Nireregla yata 'tong kapatid ko. Nagka girlfriend lang mainit na palagi yung ulo, pwede ng magprito ng itlog sa noo niyang malapad sa sobrang init. Kabuwiset.

Parang dati lang nilalambing niya pa ako ng suntok at batok, hays kamiss.

Napatingin ulit ako sa harapan ng marinig si ma'am. May hawak siyang maliit na mic para marinig namin siya dito sa likuran.

"Sinabi ko na sa inyo ang dapat niyong gawin kahapon. Wag maging pasaway, kahit ngayong araw lang guys. Wag kayong gagawa ng makakaistorbo sa ibang tao. Naiintindihan?" tanong niya kaya sumagot kami ng malakas, o diba excited sila.

Malamang sa malamang magbebehave talaga 'tong mga demonyong 'to, gusto din namin mag enjoy eh. Kahit isang araw lang.

Naramdaman kong bumigay ang balikat ko kaya napalingon ako dun, nakapatong sa balikat ko ang ulo ni Natahlia habang may suot na earphone at nakapikit. Malayo din kasi ang pupuntah namin kaya maaga kaming aalis.

Around 6:45 ay nagsimula ng mag alisan ang bus. Pumikit muna ako sandali dahil inaantok pa talaga ako, dagdag pa na binubwiset din ako ni kuya kagabi.

-

Nagising ako dahil sa isang malakas ng kalabog. Napamulat ako at kinusot muna sandali mata ko dahil nanlalabo paningin ko.

Gising na din si Natahlia na may subo subo sa bibig habang nanonood sa cellphone niya.

Napatingin ako sa labas at napansing di parin kami nakarating sa pupuntahan namin. Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang alas siyete na. Wala pang kalahating oras simula ng maalis kami sa school.

Napalunok ako sa di malaman na dahilan, kinakabahan ako. Pakiramdam ko ba may mangyayareng di ko gusto.

"Maghanda na kayo, yung mga basura niyo. Malapit na tayo." sabi niya ma'am. Agad naman silang nagsi ayos at pinagpupulot ang mga basura nila. May dala kaming malaking plastic na paglalagyan namin ng mga basura namin. Kasi alam namin makalat kami pag nilagay sa lugar na walang basurahan.

Ilang sandali pa ay pumasok ang sinasakyan naming bus sa isang sikat na tourist spot dito sa city namin. Malayo siya sa mga kabahayan pero worth it naman.

Ang sabi ito daw ang pinaka historical na lugar dito sa amin, di ko alam kung bakit o sadyang di lang talaga ako nakikinig nung kinuwento sa amin yun.

Sa gitna ng lugar ay may isang napakalaking mansion - o palasyo. May lumang statue sa pinakagitna ng mistulang plaza, mukha itong fountain dati pero puro bulaklak nalang ang sana baba ne'to. Sira na yung statue dahil may bawas na ito sa kabilang parte ng mukha at putol ang isang braso.

Agad na tumayo ang adviser namin at naunang bumaba. Isa isa kaming bumaba at luminya, nagpaalam din kami sa driver bago tuluyang bumaba.

Naramdaman kong may nakatingin sakin ng masama kaya napairap ako, si kuya na naman yan. Siya lang naman yung kanina pa may problema sakin.

Nilingon ko siya at nakitang di naman siya napatingin sakin at kausap ang girlfriend niyang mukha maayos na ang mood. Napakunot noo ako dahil sa nangyare, napalingon ulit ako sa harapan ng mag salita bigla ang adviser namin.

Di ko na maintindihan ang sinasabi niya at sumusunod nalamg ako sa kanila dahil sa nararamdaman ko. Di ko magawang makapag focus sa fieldtrip namin, di ko na nga rin naririnig ang sinasabi ng guide namin.

Huminto kami sa isang napakalaking painting. Mas malaki pa yata 'to sa bintana namin. Napatingin ako sa lalaking nasa painting. Napansin ko yung pin sa kanang dibdib niya. It was a blue butterfly with diamonds in it's wings.

Ang ganda ng pin niya na ang hirap alisin ng tingin mo dun. Para bang hinihila ako ne'to at sinasabihang hawakan mo'ko.

Napakunot ang noo ko ng may naalala ako.

"Siya po yung statue kanina? Napansin ko po kasi yung pin." tanong ko sa guide namin at tumango naman siya.

"Siya ang nag mamay-ari ng palasyo na ito. It has been in our city away from civilization for more than a thousand years, as of now ang descendants niya na ang nagmamay ari nung lupa, pero di nila tinanggal ang pagiging tourist spot nung palasyo." mahabang sagot niya kaya napatango kami.

Napalingon ulit ako dun at tiningnan ang mukha niya. His facial expression was so stoic, ang blanko. His brown eyes was so cold na halos di mo na makikitaan ng emosyon.

He has a very fine face for a guy who looks like in his 40's. His broad shoulders and big build shout authority. Parang siya yung tipo ng taong di mo susubukang banggain at suwayin.

"Samantha iha, paalis na tayo baka maiwan ka dyan." rinig ko kalabit ng adviser ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong naglalakad na papunta sa kabilang bahagi ulit ng palasyo ang iba.

Sumunod naman agad ako sa kanya. Maiwan pa ako mahirap na.

Marami pa kaming pinuntahang mga lugar. Isa dun ang kwarto kung saan nakalagay ang mga mga iba't ibang gamit na di pamilyar sa amin. Meron mga daggers na nakikita ko lang sa mga fantasy movie dati. Long sword, bow and arrow at spear na sobrang gaganda.

They look magical.

Umabot kami ng tanghali sa kakaikot namin, and tanghalian means... Pagkain! Nagugutom na ako kakaikot.

Nagpaalam na sa amin ang guide sa amin, mukhang nag enjoy naman ang mga kasama ko kakaikot at tingin sa mga gamit na naka preserve dito. Except sa akin, hanggang ngayon kinakabahan parin ako, para bang gusto ko ng umuwi agad ewan ko ba. Pinilit ko namang mag enjoy pero umeepal talaga 'tong kaba ko.

Nasa loob parin kami ng palasyo at naglalakad kami papunta sa pagkakainan namin. Pumasok kami sa isang kwarto na may nakasulat na hall. Feeling the Harry Potter vibes tayo sa palasyong ito mga beh.

Sumalubong sa amin ang ingay ng mga taong andito din para mamasyal. Malaki yung hall kaya kasya parin kahit marami silang tourists.

Lumapit kami sa isang table at si ma'am na ang kumuha ng order nung iba dahil may baon yung iba sa amin. Binuksan ko na yung dala kong baonan, nakita kong hotdog din yung andun. Kung anong inulam ko kanina ganun din ngayon.

Well not a problem because in the Philippines hotdog is the ulam na hindi lang pang breakfast, hanggang hapunan na yan.

Nagkukwentuhan lang kami buong tanghalian, hinayaan din kami ni ma'am mag iikot at pumunta sa kung saan namin gusto. Baka may gusto ba daw kaming bilhing souvenir, buti nga yung mga binebenta nila ditong souvenir eh pasok sa allowance namin.

Habang nagtitingin sa stall ng mga jewelry na souvenir ay may nakita akong pamilyar na pin. Nilapitan ko ito at nakitang katulad ito nung pin na meron yung lalaking nasa painting kanina. Although duplicate lang siya at hindi yung original. Tinanong ko sa tindero kung magkano at binili.

"Ano na naman ba yang pinagbibili mo?" rinig kong boses sa gilid ko kaya napalingon ako. Nakita ko si Kuya na nakatayo sa tabi ko kasama ang girlfriend niyang mukhang binudburan ng harina sa mukha.

Ewan ko ba anong nagustuhan ng kuya kong buang dyan, di na nga maganda panget pa ng ugali. Jusko naman dong, namili naman sana ng maayos.

Nakita kong inirapan niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay, mukhang napansin ni kuya yung ginawa ko kaya pinitik niya bigla yung noo ko.

"Nangingialam ka? Umalis na nga kayo bago ko pa gawing tinapay yang jowa mong mukhang harina!" sabi ko at tinulak siya palayo. Bahala na kung ano na namang gagawin niya sakin mamaya pag uwi basta ayokong makita mukha ng jowa niya, nakakabanas.

Inabot na sakin ng tindero yung binili ko bumalik na ako sa bus namin, wala naman akong nagustuhang iba sa lahat ng nakita ko dito kundi yung pin lang talaga. Napadaan ako sa statue niya sa gitna ng plaza, ang ganda ng mga bulaklak na nakatanim dun.

Mukhang hindi mo siya makikita dito sa bansa, galing pa sigurong ibang bansa yan. Pa'no kaya nabuhay yan dito?

Huminto ako sa harap ng bus dahil hinihintay pa namin si Ma'am Anna, nag iikot din siguro.

Ilang sandali pa ay sabay sabay na nagsidatingan ang mga guro namin kaya bumalik na kami sa loob ng bus.

Sa wakas makakauwi na rin. Mawawala na yung kabang kanina ko pa nararamdaman.

Napahikab ulit ako pero di ko na piniling matulog, natatakot akong pumikit. Pakiramdam ko di na ako makakadilat ulit pag pumikit ako.

Ilang sandali pa ay umandar na paalis ang bus. Tinanaw ko mula sa malayo ang palasyo habang papaalis kami ng may napansin ako sa third floor ng palasyo.

Nakatayo sa harapan ng isang bintana ang lalaking nasa painting kanina, suot ang parehong damit sa painting. Nakatingin siya sa akin ng maigi kaya bigla akong nakaramdam ng panlalamig.

"The beginning of a new life."

Rinig kong bose kaya nangilabot ako. Saan galing yun?

Di ko nalang pinansin ang nangyayare at pinanood nalang ang tanawin sa labas. Ngayon ko lang napansin na nasa tabi pala ng pangpang ang palasyo at dagat na ang nasa baba na may matutulis na bato.

Kahit nasa malayo na kami ay nakikita ko parin ang maliit na pigura ng lalaki na parang sinusundan ako ng tingin. Kinikilabutan na ako pero di ko nalang pinapansin.

Di pa kami nakakalayo sa pinanggalingan namin ng makarinig kami matinis na tunog, the bus's tires was screeching on the road.

Nataranta kami dahil sa biglaang paggulo ng galaw ng sasakyan, para bang may mali.

"Ma'am nawalan po ng brake yung sasakyan!" sigaw ng driver sa harapan. Nanlaki ang mata namin at biglang nagkagulo dahil sa narinig namin. "Nawalan din po ng control yung manibela! Nahihirapan po akong ibangga para makahinto tayo!"

Nagkakagulo na kaming lahat dito sa loob at pilit kaming pinapakalma ng adviser namin.

Biglang nag tayuan ang mga kaklase kong lalaki at nagtutulakan sa may bintana, nag uunahang tumalon palabas. Gusto ko din tumalon nalamg palabas, bahala ng magkagalos ako o bali basta buhay parin ako. Pero di ko kaya, agad akong nanigas sa kinauupuan ko ng marinig ang sinigaw ng driver.

Nabibingi na ako sa sigawan ng mga babae at iyakan nila, halos lima na sa mga kaklase kong lalaki ang nagsitalunan. Tumalon na rin ang iba sa mga kaklase kong babae, tinutulugan sila ni ma'am Anna na makatalon ng maayos at pinipigilang matumba pahinga dagil pagewang gewang na ang sinasakyan naming bus.

Napasigaw kami ulit dahil sa biglaang pagbilis ng takbo ng bus, para bang nakikipagkarerahan kami kay Satanas sa sobrang bilis.

Damuhan na ang katabi ng dinadaanan namin kaya agad na nagsitalunan palabas ng bintana ang mga kaklase ko. Pahirapan pa kasi mahirap lumabas mula sa bintana ng bus.

"Mas gugustuhin ko pang mabalian o magkagasgas kesa sa mamatay!"rinig kong sigaw ng huling tumalon.

Lima nalamg kaming naiwan sa loob. Yung driver , si Ma'am Anna, ako, si Natahli at isa naming kaklase na nanginginig na din dahil sa takot.

Lumapit siya sa amin at hinawakan kami.

"Ayoko pa pong mamatay ma'am, gusto ko pa makasama magulang ko." iyak ng kaklase ko habang nakahawak sa damit ni ma'am.

"Shh, magiging okay din ang lahat. Gagawin ko ang lahat mailigtas lang kayo." bulong niya habang lumilingon lingon. Mukhang humanap siya ng tyempo dahil nagiging mabato na ulit sa labas.

"Alam kong natatakot kayo pero wala na tayong ibang paraan kundi tumalon paalis ng bus. Masakit oo pero ang mabuti makaligtas tayo kahit may bali man kayo o gasgas." sabi niya kaya dahan dahang kaming tumango.

Napasigaw kami ng maramdamang natanggal narin ang isa pang gulong ng bus. Biglang natumba si Ma'am at bumangga ang likod sa bakal ang mga upuan. Pinilit niyang tumayo at di ininsa ang sakit para lang makalapit sa amin.

"Tayo na bilis! Wala na tayong oras! Talon!" sigaw niya at sabay kaming tunalon palabas sa iba't ibang bintana, "Samantha!"

Nanlaki ang mata ko ng hindi ako lumabas. Nanatili parin ako sa loob. Sumabit ang paa ko sa isang pole na malapit sa kinauupuan ko kanina.

Bumagal lahat ng paggalaw at kitang kita ng dalawang mata ko ang kamay ni ma'am na pilit akong inaabot, para bang hinihintay niyang abutin ko iyon.

Katapusan ko na ba? Mamatay na ba ako?

Naisip ko bigla ang nakangiting mukha ni nanay. Lahat ng pagihirap niya ng iwan kami ni papa, mga sakripisyo niya sa amin ni kuya. Ang nakabusangot na mukha ni kuya, ang mga pangbubwisit niya sakin.

Napangiti nalang ako bigla dahil sa mga naalala ko. Pasensya na po nanay, di na po makakauwi anak niyo.

Isang malakas na pagkabangga ang naramdaman ko kaya tumilapon ako papunta sa likrmuran. Naramdaman ko pang nabali ang paa ko kaya napasigaw ako bago tumama ang ulo sa bakal na nasa mga upuan.

Nandidilim na ang paningin ko at nakakaanoy na din ako ng gas. Nakita kong nasunog ang bus bago tuluyang nandiliim ang paningin ko, pero bago ako makapikit may nakita akong lalaking nakaitim na nakatingin sakin.

Sinusundo na nga ako ni kamatayan.

"You'll be changing everything for a better future, Samantha. Now sleep." sabi niya at tuluyan na ngang dumilim ang paningin ko.

Ang bata ko pa para mamatay pero wala na akong magagawa, mukhang oras ko.

But why do you I feel like I won't be dying?

-

Just so you know I'm a slow uploader, dagdag din na sabay ng pagkakagawa ko neto eh may tambak akong modules at bring home exam HAHAHAHAHA

Honest comments will be much appreciated. Thank you :)
Have a good day!

Continue Reading

You'll Also Like

36.6K 1.5K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
284K 7.2K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
137K 4.9K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...