Pelikula - G. del Pilar

By LynSafirah

17.7K 1.1K 4.8K

๐๐ž๐ฅ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐š// Kung saan ang isang sikat na artista ay bumalik sa sinaunang panahon kung kailan siya ipin... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Epilogo

Kabanata 22

443 34 121
By LynSafirah

•''•


( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 22 )

˜"*° CERVANTES, ILOCOS SUR.

•'¯'•





Sa kabilang grupo naman ay napakadaming nangyayari, nalaglag ang kabayo kasama na rin ang mga sundalo, nahimatay si Hilaria, at wala nang makain.

Tumigil na rin sila para magpahinga. Gabi, sa kuta nila Gregorio may mga ilang siga, nagmamatyag ang katutubo, napapaligiran ng mga sundalo ang isang katutubo.

"Huling kabayo nalang natin 'yan." Wika ng isang sundalo. May humihiwa ng ilang piraso sa iniihaw na kabayo, dinadala ni Gregorio ang pinggan sa isang dako ng tolda.

"Makaraos lang." Binigay ni Gregorio ang pinggan kay Emilio, hindi pa gutom si Emilio dahil sa pag-aalala niya kaya ibinigay niya nalang iyon kay Felicidad at umalis na sa pwesto.

Lumabas ng tolda si Felicidad dahil may pagkakataon na siyang sabihin kay Gregorio ang totoo. "Kamusta ang Sinyora?"

"Mabuti. Gregorio, may sasabihin ako sayo tungkol kay Remedios." Saad ni Felicidad.

"Ano 'yon?"

"Buntis siya. Kailangan mong dalhin siya dito para maalagaan mo." Natulala si Gregorio sa sinabi ni Felicidad at tinanong kung totoo ito.

Binigyan na ni Juan ng sabaw sila Remedios at Joven na magkatabi. "Nasaan na kaya ang Vanguardia?" Tanong ni Joven.

"Ang alam ko isang araw nalang dito ang Concepcion. Malamang 'dun na natin sila maabutan." Tumango-tango naman si Joven. Tatanungin na sana ni Juan na kung may gusto pa si Remedios kaso napansin niyang may sundalo na tumatakbo.

"Ano 'yun? Saan papunta 'yun?" Tanong nito. Dumarami ang sundalong ang tumatakbo, may mga putukan din na nagaganap.

"Andiyan na sila! Andiyan na sila!" Sigaw ng isang sundalo.

"Putangina!" Mura ni Juan. Agad niyang kinuha ang kamay ni Remedios at Joven palayo sa inuupuan nila.

"Kaya mo bang tumakbo?" Tanong ni Juan kay Remedios pero umiling siya. May nararamdaman na siyang mga sintomas.

Nag-isip nang mabilis si Juan hindi rin makakatakbo si Trinidad dahil may edad na iyon. Hinatak niya si Joven para makinig sa kaniyang sasabihin.

"Joven, tumakbo ka sa taas nang sobrang bilis kung kaya mo. Isama mo na rin si Miguel. Ibalita mo sa kanila na kailangan natin ng mga sundalo at kunin dito sila Remedios. Bilisan mo!" Binuhat na ni Joven si Miguel at tumakbo na nang mabilis patungo sa itaas.

"Remedios, dito lang kayo hanapin mo ang nanay mo at magtago muna kayo sa gilid, babalik ako." Agad naman pumunta siya kay Trinidad at nagtago.

"Goyong... Asan ka na?" Hikbi ni Remedios.

Sa tolda, pinutol ni Vicente ang usapan nila. "Goyong, may narinig kaming putukan sa ibaba." Sa pag-aalala ni Gregorio ay pumunta siya sa may gilid para pakinggan ito may mga kapwa sundalo din nakikinig kasama na ang Presidente.

Nasilayan nila si Joven at Miguel na tumatakbo. Hindi mapigilan ni Miguel ang kaniyang iyak kaya binuga na niya ito. Hindi siya sanay sa mga ganitong ingay.

Agad silang tumatakbo pababa para tanungin kung bakit sila lang ang umaakyat. "Heneral! Presidente!" Paulit-ulit na sigaw ni Joven.

Ikinarga na ni Emilio ang kaniyang anak at hinihintay ang dahilan ni Joven. "Naabutan po kami ng mga Amerikano, kailangan pa daw po ng mga sundalo. Sila Remedios po, kailangan po kayo lalo na po sa kalagayan niya." Hingal na wika ni Joven.

"Anong nangyari sa kaniya? Natamaan? Ano!" Tarantang sambit ni Emilio, kinuha na ni Felicidad si Miguel.

"Kuya, mamaya na 'yan. Kailangan kayo doon." Agad nilang kinuha ang mga baril at armas nila, kasama ang mga sundalo. Tumakbo sila pababa, medyo delikado na kasi madilim ang paligid.

"Saan kayo pupunta na mga punyeta kayo?" Gigil na wika ni Juan habang hinihila pabalik ang mga sundalo.

"Lumaban kayo!"

"Balik! Wag kayong mga duwag! Huwag niyo sila papalagpasin!" Bumalik na si Juan kila Remedios habang pumupunta siya may isang sundalo na binabantayan kila Trinidad.

"Anong ginagawa niyo? Bumalik kayo! Wag kayo maging duwag! Kayo bantayan niyo sila Binibining Remedios." Sakto nakarating na si Juan.

"Juan, ako na ang bahala dito. Habulin niyo ang Vanguardia kailangan maibisaduhan ang Presidente." Utos ng isang namumuno. Hindi nila namamalayan ay may mga paparating na sundalo na tutulungan at kasama ang magtrotropa at ang Presidente.

"Remedios? Remedios! Asan kana! Rem!" Sigaw ni Gregorio habang naghahanap. Nakita na niya si Remedios na nakayakap kay Trinidad, agad niya itong pinuntahan kasama ni Emilio.

"Goyong..." Hikbi ni Remedios, niyakap siya agad ni Gregorio.

"Ayos ka lang? Kayo?" Turo ni Gregorio sa tiyan ng kaniyang kasintahan. Nagulat siya kung paano niya ito nalaman, tungo nalang ang nagawa niya.

Inutusan na ng Presidente na magbantay na sa unahan ang mga sundalo at sumunod naman ang mga ito. Inutos ni Emilio kay Gregorio na dalin na sa itaas ang kaniyang pamilya.

Makalipas ang ilang oras ay nakaakyat na sila, sinalubong sila ni Felicidad at Hilaria. Maayos na ang kalagay ni Hilaria dahil kumain na ito nang kunti at nakita niya na ang tatlong inaantay niya.

Tinawag ni Gregorio ang mediko para tignan kung ayos ang kalagayan ni Remedios at ipinaalam niya din na buntis ito para malaman ang kalagayan ng bata.

Ibinigay ni Rusca ang mga natitirang pagkain at tubig para makain ito kasama ni Trinidad. Mayamaya ay nakarating na si Emilio, tumigil ang mga Amerikano sa pagpapaputok dahil hindi nila inaasahan na dadami ang mga kalaban nila.

Nasilayan ni Emilio na nakahiga si Remedios at tinitignan ng mga mediko ito kung maayos ang kalagayan ng kaniyang kapatid at napansin din niya na nakahawak ito sa tiyan.

Lalapit na sana siya nang humarang si Gregorio para kausapin siya. Nagkaroon sila ng matinding usapan at pangako. Hindi galit ang naging reaksyon ni Emilio.

Pagkatapos tignan si Remedios ay niyakap ito ni Emilio at tinanggap ang nangyari. Nagsimula na silang lumikas.

Ilang araw pa sila naglakbay na kunti nalang ang pagkain, ang tubig naman ay meron pa kasi bawat tigil nila ay may nakikita silang tubigan. Alagang-alaga si Gregorio kay Remedios minsan ay binubuhat pa ito kapag pagod na ang kasintahan niya.

Nakarating sila sa isang bayan, ngunit wala silang naasahang tulong kaya pinilit nila ito. Sa wakas, ay tinanggap na sila. Binibigyan sila ng pagkain na makakain.

Tapos na silang kumain, napansin ni Remedios na ang tahimik ni Gregorio kaya hinila niya ito para makapag-usap nang harapan.

"Bakit ang tahimik mo ngayon?"

"Wala. Napagod lang." Wika niya habang inaalayan na maglakad si Remedios.

"Pinagsisisihan mo ba 'to?" Turo ni Remedios sa tiyan niya. Agad naman tinignan ni Gregorio ang mukha ni Remedios.

"Ano? Hindi. 'Bat mo naisip 'yan? Biyaya kaya ng Diyos sa atin 'yan."

"Alam kong sa mga taong ito ay kakaiba kapag magkakaroon ng anak na hindi pa kinakasal." Yakap niya kay Gregorio habang tinitignan ang kalangitan.

Isang bulubundukin na lugar, naglalakad muli ang grupo. Magkatabing naglalakad si Remedios at Gregorio, lumalakad sila sa tabi ng kaniyang mga sundalo at tumigil sa tabi ni Joven.

"Joven, patawad kung nadamay ka sa lahat ng ito. Alam kong hindi 'to kasama sa kontrata mo. Huwag kang mag-alala. Mas ligtas na tayo sa kabilang bundok na ito." Wika ni Gregorio kay Joven.

"Salamat, Heneral. Kumapara sa lahat ng dinanas natin, gusto ko na ulit maranasan ang pagkuha ng litrato." Tumigil sa paglalakad si Gregorio kasama na din si Remedios dahil naalala niya ang litrato nila kaya agad niyang binitawan ang kamay ng kaniyang kasintahan at binuksan ang lalagyan ng gamit niya.

Dala-dala niya ang litrato tuwing aalis siya, hawak niya na ito. Tinignan din ito ni Remedios, tumingala si Gregorio sa direksyon ng bundok. Naisipan niya na pumunta sila doon kaya hinawakan ulit ni Gregorio ang kamay ni Remedios.

Naalala niya ang eksenang ito na tatakbo papunta si Gregorio sa itaas kaya agad siyang nagsalita. "Kung naisipan mo na pumunta tayo doon na tumatakbo, subukan mo at baka nakakalimutan mo na buntis ako." Taray na saad ni Remedios.

Binilisan nalang nila ang kanilang lakad, nalagpasan na nila ang kanilang grupo. Habang umaakyat sila ay pumasok ang mga alaala sa isip ni Gregorio. Sumasayaw sila sa kaarawan ni Remedios, unang pagkikita nila, at ang puno.

Nakadating na sila sa napakagandang tanawin na habang buhay ay pwede mo itong tignan. Ang pinakamagandang tanawin ay darating pagkatapos ng pinakamahirap na pag-akyat.

Habang pinagmamasdan nila ito ay may dumaan na Agila sa langit. "Kung agila na lang kaya ang magiging pangalan ng anak natin." Ngisi ni Gregorio, piningut naman siya ni Remedios.

"Kung itapon kaya kita. Gusto mo?" Tinawanan nalang siya ni Gregorio at muling pinagmasdan ang tanawin. Ang hindi nila alam ay may humahabol sa kanila, sila Roman at Vicente.

"Lintek. Akala ko nabaliw kana, Goyong. Nag-aalala ang Presidente."

"Kaya nga, napagod ata si Rem." Umiling naman si Remedios.

"Tignan mo." Turo ni Gregorio sa tanawin.

"Kita ang buong bayan." Sabay nilang sabi. Dumeretso na sila pabalik sa grupo. Sinalubong ng mga tao sila Emilio sa lugar ng Cervantes.

"Maligayang pagdating, Sinyor Presidente. Meron po kaming pagkain at tubig para po sa inyong lahat." Pagbati ng namumuno sa lugar na iyon.

"Salamat. Maraming Salamat." Ngiti ni Emilio. Tapos na silang kumain, nililigpit ng mga kababaihan ang pinagkainan. Maayos nakaupo ang mga sundalo, sa kaliwa ang mga sundalo ni Gregorio, sa kanan naman ang mga sundalo ni Antonio Luna.

Nakaupo si Remedios at Felicidad na manonood sa kanila. Pinilit ni Gregorio na magpahinga muna siya sa kubo pero tinanggi naman ito ni Remedios dahil nakakapahinga naman siya kapag nakaupo at gusto niya din manood.

"Alam kong may dinadala pa din hingnanakit ang mga sundalo ni Luna laban sa ibang sundalo dito. Pero panahon na ngayon para magkaisa. Kailangan ko ng sisentang sundalo para magtayo ng trintsera sa Pasong Tirad at ipagtanggol ito." sabi ni Vicente habang lumalakad sa gitna.

"Brigada del Pilar, tumayo ang matapang." Nagsitayo agad ang mga ito pero ang iba ay nanatiling nakaupo.

"Ruiz, Sabino. 'Wag kayong duwag." Nagtuturuan silang dalawa na kung sino ang tatayo sa kanila. "Tayo! ikaw Pilat, Bikong, Oy Paltik!" Nagsitayo na sila.

"Batallion, Ilocos Sur. Tumayo ang matapang." utos niya ulit. Lilingunin sa likod ang isang sundalo ni Luna, ang nasa unahan niya ay nakatungo, tumingin sa katabi niya ang nasa gawing kabila. Tinitignan ni Gregorio ang mga ito dahil ni-isa ay walang tumayo.

"Walang magiting sa Ilocos Sur? Pare-pareho tayong dumaan sa hirap papunta rito ni-walang isang tinubuan sa inyo ng bayag? Panay duwag pala ang mga ito eh." inis na salita ni Vicente, pumunta na siya sa tabi ni Gregorio.

"Kolonel Enriquez! Kaming mga Ilocano ay hindi mga duwag!" Lumingon ang lahat sa likuran, dumarating ang isang lalaki. Inaaninaw ni Vicente kung sino ang dumarating, tinignan din ito ni Gregorio.

"Tiniente Garcia, Taga Cervantes ka pala." Wika ni Gregorio. Napatayo tuloy si Remedios nang marinig niya ang pangalan nito at agad na pumunta sa pwesto nila Gregorio.

"Heneral Goyo at... Binibining Remedios! Hindi ko inaasahang makita kayo dito." Sasaludo sa isa't isa si Garcia at Gregorio.

"Ako din." Ngiti ni Remedios habang hinahawakan ang kaniyang tiyan. Napatingin tuloy si Garcia sa tiyan nito at binati ang dalawa.

"Tiniente Garcia!" Sigaw nila Roman, Rusca, at ang magkapatid na Bernal. Ngumiti naman si Garcia sa kanila. Hindi pinasama ni Manuel si Angel dahil delikado daw ito at pinabalik nalang siya sa mga kamag-anak, bumalik na saseryosong pag-uusap silang dalawa.

"Kusang loob ba ito?" Tanong ni Gregorio.

"Dipende. Ano ba ang pinaglalaban ninyo?" Hindi niya maamin na galit siya dati kay Gregorio dahil sa nangyari.

"Buhay namin." maikling sagot ni Gregorio. Matiim na tinignan ni Garcia si Gregorio. Haharap si Garcia sa mga sundalo ni Luna.

"Buhay kayo? Nandito ang malalapit kay Heneral Luna." Nagsitayo naman agad ang mga ito. Binilang ni Vicente ang mga ito kaso kulang pa.

"Isa nalang!" Minamasdan ni Garcia ang mga sundalo sa kanan. Susulpot ang isang batang may sampung taong gulang, may laruang baril tumatakbo ito papalapit kay Garcia ito.

"Kumpleto na." Tinunguan ni Gregorio si Vicente. Nakatingin si Joven sa bata. Marami siyang naisip tungkol dito, kahit bata palang ito ay naisipan na niya na sumama at dahil nagmana ito sa kaniyang tatay.

Pumasok na ng kubo sila Remedios para makapagpahinga muna dahil sa pagod. Nag-usap din sila ng mga bagay-bagay at tungkol sa bata na dinadala ni Remedios.

Sa bandang sinabi ni Felicidad na kapag nailabas na ito at tinanong niya kung paano kaya magiging reaksyon ni Gregorio, bigla naman itong tumalikod at gumihit sa kaniya ang malungkot na mukha.

Naplanuhan nila na ngayon na nila gagawin ang pagtayo ng trintsera sa Pasong Tirad hangga't maaga pa. Naisipan naman ni Gregorio na magpapakuha sila ng litrato kay Joven.

Para balang araw ay matandaan at makita ang mga sumama at matatapang. Nakapwesto na sila, Nakauniporme na ng asul si Garcia, hinihamas ni Vicente ang kabayo na sinasakyan ni Gregorio nasa likod niya ay ang mga nakahilera na mga sundalo.

"Isa nalang po." Wika ng isang lalaki na tinutulungan si Joven.

"Sige, akin na." Ibinigay na sa kaniya iyon at ipinasok na sa pangkuha ng litrato. "Maghanda na po. Wala na pong gagalaw."

Nasa unahan si Gregorio, sakay ang puting kabayo. Sa gawing kaliwa sa kaniyang likod ay ang mga sundalo, sag awing kanan nasa unahan si Garcia at anak nito.

Maaraw pa, ang kahabaan bulubunduking Tirad Pass, may bahagyang hangin, may puting bulaklak ang mga talahi. Inihahanda ng mga sundalo ang pagpwepwestohan sa tuktok ng bundok. May puting bandila sa gitna.

Luntian ng mga tanawin ang paligid, sa kabilang parte ay ang mga kasamahang naghahanda sa isa pang pwepwestohan. May pulang bandila sa gitna.

Ang huli ay sa pinakatuktok na naghahanda din ng pagpwepwestohan. Naglalakad si Gregorio papalapit sa grupo na may watawat ng Pilipinas sa gitna. Pinagpatong-patong ng mga sundalo ang mga bato.

"Mas malaki ang ilalagay ninyo. Para mas matibay." Utos ni Garcia sa kanila. Ang hindi nila alam ay dumarating ang mga Amerikano sa isang komunidad na tinatawag na Candon, Ilocos Sur. Itinuturo ng isang taong bayan ang tuktok ng Tirad Pass, tumatango naman ang mga Amerikano.

Lumabas na ng kubo si Remedios para magpahangin, gustong samahan ni Felicidad ito pero tinanggihan niya kasi gusto niya daw makapag-isa.

Umupo siya sa di gaanong kalayo sa tinutulugan nila at pinagmamasdan ang tanawin. Iniisip niya kung paano liligtasin ang kaniyang nobyo, wala na siyang maisip na paraan dahil posible ito. Alam niya na hindi siya papayagan ni Emilio at Gregorio na sumama sa labanan dahil buntis siya.

May pagkakataon na siyang baguhin ang lahat pero mayroon pala na hindi niya pwedeng mabago. Tinatawag niya si Jerrold pero hindi naman ito nagpapakita, mga ilang buwan na siyang hindi nagpapakita.

Tuwing may problema siya ay laging susulpot si Jerrold para tulungan siya pero ngayon... Wala talaga. Iyak nalang ang nagawa niya, ayaw niya naman na mamatay ang minamahal at ama ng dinadala niya.

Naisipan ni Joven na makapaglakad-lakad sa tabi, may naririnig siyang umiiyak sa bandang kaliwa kaya dumeretso siya sa direksyon na iyon.

Namukhaan ito ni Joven at dali-daling umupo sa tabi ni Remedios. "Ate... 'Bat ka umiiyak?" Pinunasan agad ni Remedios ang kaniyang mga luha.

"Wala lang 'to, napuwing lang. Grabe ang ganda ng langit noh?"

"Ate, binabago mo na yung usapan." Hindi mapigilan ni Remedios ang kaniyang iyak kaya bumuhos ito at hinarap si Joven.

"Kailangan ko lang ng payo. Alam kong kailangan pumunta ni Goyong sa araw ng labanan sa Pasong Tirad, hindi ko lang pinapakita kahit kanino na takot ako sa mga ganitong labanan. Hindi ko na kaya mawalan pa ng isang tao na minamahal ko." Hagulgol niya.

"Ate, sa tingin ko naman po hindi papayagan ni Heneral na iiwanan lang po kayo ng ganun. Napansin ko na gagawin lahat niya ang lahat para makasama lang po kayo at may uuwian din po siyang dalawang tao." Pagpapatahan ni Joven sa kaniya at tumango-tango naman ito.

"Salamat, Joven..." Narinig nila ang ingay sa unahan at baka nakauwi na sila Gregorio galing Pasong Tirad kaya agad na silang tumungo doon.

Papalapit na si Gregorio sa kaniyang kasintahan, yayakapin na sana ito pero napansin niya na ang pula ng mata ni Remedios.

"Napano 'yang mata mo? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod na pag-aalala ni Gregorio at tinignan niya ang katawan nito kung may sugat.

"Wala." Maikling sagot nito at niyakap nalang niya si Gregorio.

"Sigurado ka ah." Tumango naman siya. Nakahanda na ang pagkain para sa hapunan, nagsimula na silang kumain. Panay kwento na si Remedios sa kaniyang nobyo, kanina ay umiiyak siya, naiinis, ngayon naman ang saya niya.

Hindi sigurado ni Gregorio kung apekto ba ito ng pagbubuntis ni Remedios kaya pinabayaan niya nalang.

Gusto niyang makasama ng buong gabi si Remedios dahil kinabukasan ay kailangan na niyang umalis, naging biglaan ito. Ang nasa plano nila ay sa ikalima ng Disyembre kaso ikauna palang. Hindi alam ito ni Remedios kaya magiging mahirap ito para sa kaniya.

Gabi na at may palatuntunan ang mga katutubo na nakabahag sa Cervantes, ginagawa ang katutubong sayaw sa paligid ng siga. Pinapanood naman sila ng mga sundalo kasama na rin sila Hilaria.

"Maraming salamat sa iyong pagpapaunlak sa munting palabas ng mga kapitbahay namin." Sabi ng namumuno kay Emilio.

"Mabuti naman at nagkakasundo kayo dito."

"May kaniya-kaniyang away ang tribo kadagera. Nagkakasundo lamang kami dahil tinutulungan namin sila sa pagsalakay ng mga kaaway nila." Ipinatong ni Remedios ang kaniyang ulo sa balikat ni Gregorio at hinawakan naman niya ang kamay ni Remedios.

Inilalabas ng sumasayaw na katutubo ang isang pugot na ulo, nakapatong ito sa pinutol na puno, may dugo pa ito. Napapikit si Remedios dahil dito kaya kinalbit niya si Gregorio para umalis na.

Napansin niya naman na tinititigan ito ni Gregorio kaya nilakas niya ang pagkalbit, sinabi ni Remedios na ayaw niya nang panoorin iyon kaya umalis na sila.

Naglalakad na sila sa kanilang kubo, pinayagan sila ni Emilio na magsama. "Naduduwal tuloy ako." Wika ni Remedios, inilalayan naman agad ito ni Gregorio.

"Upo ka muna dito. Gusto mo ba ng tubig?" Umiling naman ito. Mayamaya ay maayos na ang karamdaman niya at nasa kubo na sila.

Nakapagpalit na si Remedios ng pantulog, humahanap pa din ng tamang oras si Gregorio para sabihin kay Remedios.

"Nakatunganga ka diyan. Anong iniisip mo?" Umupo siya sa tabi nito at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Rem, nagbago ang isip ni Ka Miong."

"Ang alin?"

"Kailangan na namin pumunta kinabukasan sa Pasong Tirad." Napatayo naman si Remedios.

"Ano? Akala ko ba sa ikalima pa. Teka, puntahan ko lang si kuya-" Pinigilan ni Gregorio ito at sinabing ginawa niya na iyon at ayaw pa rin magbago ang isip nito.

"Ayoko! Pwede naman iba yung mamuno doon, diba?" Umiling naman ito.

"Goyong, iiwan mo kami dito? Malaking labanan 'yan..."

"Hindi ko naman kayo iiwan eh at tsaka pagkatapos nito ay uuwi ako ng buo sa inyo." Pagpapakalma ni Gregorio sa kaniya. Marami siyang pinangako sa kaniya kasama na ang pagpapakasal nila.

Kahit gaanong kahirap naman ito ay kinaya ni Remedios, hindi niya nabago ang parteng ito. Nakatulog na sila at mayamaya ay nakaramdam nang gutom si Remedios.

"Goyong..." Tapik niya. Tumagilid naman si Gregorio at patuloy sa pagtulog.

"Goyong!"

"Ano?" Upo nito, kumakamot pa sa ulo at papikit-pikit pa.

"Gusto ko ng saging."

"Ano ka unggoy?" Tawa nito, nakaramdam naman siya agad ng pingut at hampas.

"Hindi ako nagbibiro!" Tinignan naman ito ni Gregorio at ngumunguso si Remedios, wala na siyang nagawa kundi tumayo at lumabas, sumama naman si Remedios.

May nakitang saging si Gregorio sa lamesa malapit sa kusina pero ayaw ni Remedios ang iyon, gusto niya daw yung bagong pitas at may pumasok nanaman sa isipin niya na gusto niya din ng buko.

"Saan ako kukuha 'non? Gabi na din, baka malamigan 'yang tiyan mo." Gulat na tanong ni Gregorio, nilibot ni Remedios ang paligid at tinuro ang isang malaking puno.

"Papaakyatin mo ako diyan?" Tanong ni Gregorio habang tinitignan ang puno ng niyog.

"Ayaw mo? 'Wag nalang..." Tatalikod na sana si Remedios kaso hinawakan naman ni Gregorio ang braso niya.

"Ito na. Dalhin mo na lang itong pangliwanag." Ngumi si Remedios at dali-dali itong kinuha.

Tinanggal muna ni Gregorio ang kaniyang tsinelas at umakyat na, na parang unggoy. Tinatawanan na lang ito ni Remedios pero bilib siya sa kaniyang nobyo.

Sa wakas, nakababa na si Gregorio. Dala-dala ang isang niyog, pinagpag niya ang kaniyang sarili dahil nadumihan ito at baka may langgam na gumagapang sa kaniya.

Sunod naman nilang pinuntahan ay ang puno ng saging, nagpasalamat si Gregorio sa Diyos dahil mababa lang ito hindi katulad ng inakyat niya sa napakataas ng punong iyon.

Pagkatapos nito ay binuksan ni Gregorio ito at ibinigay na kay Remedios na takam na takam. Umupo sila sa tanawin na kitang-kita ang buwan at bituin na lumiliwanag. Dati pa nilang ginagawa ito tuwing tumatakas sila ng bahay.

"Penge ako." Tinitigan lang siya ni Remedios at patuloy lang na kumain. Tumawa na lang siya, napapaisip niya na sa paglilihi ito.

"Nasasabik na ako lumabas ang anak ko." Ngiti ni Gregorio.

"Ako din."

"Basta Agila ang pangalan niya ah." Piningut agad ito ni Remedios, nakatanggap naman siya ng tadtad na salita.

"Kung iyan ang tawag sayo ng iba, huwag na huwag mong ipapangalan 'yan sa anak natin. Baka gusto mo pa atang palitan ng aso."

"Oo na. Mag-iisip nalang ako ng iba. Ito naman oh, hindi mabiro." Pagkatapos kumain ni Remedios ay bumalik na sila sa tinutulugan nila.

"Goyong, gisingin mo ako kapag gigising kana para makapaghanda. May ibibigay kasi ako sayo..."

"Sige." Natulog na sila nang mahimbing na magkayakap.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 101K 16
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
21.6K 765 109
โlove is game where gambling is required and there are few ways to win the game.โž morpheus series: the sequel nct dream ff english-tagalog date star...
20.5K 1.7K 37
Completed | Gregorio Del Pilar's Fanfiction Si Remedios Santos ay isang babaeng mahilig sa mga makalumang mga bagay at lugar. Minsan pa'y natalakay n...
7.4K 241 47
d a n c e r i s t. โ Marunong ka rin palang sumayaw e, dali sabayan mo ko. โž โ‡ svt tagalog chatfic#1 โ‡ performansae#1 โ‡ completed est. apr. 23, '20 ...