Pelikula - G. del Pilar

By LynSafirah

17.7K 1.1K 4.8K

๐๐ž๐ฅ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐š// Kung saan ang isang sikat na artista ay bumalik sa sinaunang panahon kung kailan siya ipin... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Epilogo

Kabanata 20

553 40 266
By LynSafirah

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 20 )

˜"*° AWAY.

•'¯'•




Nag usap-usap muna silang lahat ng mag trotropa. Kumuha ng alak si Gregorio dahil gustong subukan ito ni Remedios kasi hindi siya pinapasubukan ng kaniyang pamilya.

Lihim na ibinigay ni Gregorio ang baso sa kaniya, pagka tikim ni Remedios ay nagbago ang guhit ng kaniyang mukha. Sabik na naging nangdidiri, kaya ibinigay na niya agad ang baso kay Gregorio na tawa ng tawa.

Bumalik na si Gregorio kila Manuel para makisama. Naisipan naman ni Remedios na puntahan si Joven para kausapin dahil nag-iisa lang ito.

"Bakit ayaw mong makisalo doon?" Wika niya.

"Ay! Maligayang kaarawan, ate. Hindi na ako nakapagbati kanina dahil may kausap ka." Ngiti ni Joven.

"Kay Gregorio 'yan diba?" Tumango naman si Joven at mayamaya ay nagpaalam muna siyang pumunta sa likod ng kanilang bahay para magpahangin. Pinayagan naman ito ni Remedios.

Iniwan lang ni Joven ang gamit ni Gregorio sa kaniyang silya kaya kinuha nalang ito ni Remedios para ilagay sa kaniyang silid para hindi mawala.

Inilagay niya ito sa gilid ng kama nang isasarado na niya ang pinto ay nalaglag ito na puno ng mga liham.

Hindi inaasahan ni Remedios na pati ito kasama ng parte na mangyayari. Akala niya na matino na si Gregorio kaya binasa niya ang mga ito.

Nagulat siya sa kaniyang nabasa lalo na sa isa. Nakikipag usap pa rin si Gregorio sa babae bago pa pumunta ito sa Pangasinan. Matatanggap pa niya kung dating-dati pa.

Pagkatapos niyang basahin ito ay binitbit niya ang mga ito at pinuntahan niya kung nasaan si Gregorio.

Nakita niya na si Gregorio na nakikipag-usap kila Roman na nagtatawanan. Walang medyong tao sa tinatayuan nila kaya ibinigay niya ito sa kaniya na may kasamang galit at inis na mukha.

Nagulat naman sila Rusca sa ginawa ni Remedios. Agad naman itinanong ni Gregorio kung galit siya pero agad-agad itong umalis at pumunta sa likod ng bahay.

"Anong nangyari?" Tanong ni Julian, umiling naman si Gregorio at sinundan niya ito.

Si Vicente naman ay natulala nalang dahil naisip niya ang pwedeng nangyari. Nakalimutan niyang kunin iyon kay Joven. Agad naman syang sumunod sa dalawa para ipaliwanag ang nangyari.

"Remedios! Teka!" Habol ni Gregorio. Nakarating na sila sa likod ng bahay. Ito naman si Joven ay agad na umakyat papanik para hindi masama sa gulo, pero nakasalubong niya si Vicente. Hinawakan niya ang kwelyo nito as sinama naman siya pabalik ulit si baba.

"Gregorio, ano ba! kakasabi mo lang kanina ng matatamis mong mga salita" Asik ni Remedios.

"Rem, dati lang yung mga liham na iyon-"

"Galing mo ah... Kung dati pa iyon bakit hindi mo tinapon ah?" Napatigil si Gregorio sa dapat niyang sasabihin. Inisip niya din iyon kung bakit hindi niya nalang itapon.

"Baka gusto mo pa atang idikit 'yan sa pader." Naisipan na ni Vicente na sumabat pero nagsalita ulit si Gregorio.

"Ayan nanaman tayo. Alam mo tuwing iyan ang pinag-uusapan natin nadadaan diyan."

"Aba, ako pa ang mali?" Paiyak na boses ni Remedios.

"Ikaw na nagsabi niyan. Baka kapag naging tayo, ayan pa rin ang paksa ng away na pag-aawayan natin. Hindi ka ba talaga naniniwala sa akin? "

"Grabe ka! Isa lang sinasabi ko, 'tas andami mo nang sinasabi sa akin, parang ako yung mali dito. Wala pa ngang tayo, nagkakaganito na tayo!" Paiyak na saad ni Remedios. Babalik na sana siya sa taas pero narinig nilang nagsalita si Vicente.

"Teka, Teka- walang aalis. Ibubuga ko nalang lahat. Kahapon ko lang nakita ang mga liham na 'yan sa tinitirahan namin diyan sa kabilang daan. Hindi ko alam na sulat 'yan ng mga babae niya dati. Tungkol sa petsa ng isa, ewan ko lang dyan kay Gregorio." Hinarangan ni Vicente sa pinto. Kinuha ni Vicente ang gamit ni Gregorio at pinakita ang mga petsa sa bawat liham noong pitong buwan pa ang petsa ng mga liham, pero mayroong petsa na ngayong buwan lamang.

Tinignan nang mabuti ni Remedios ang nakasulat. "Maayos na sana eh, kaso ewan ko lang dyan sa isang liham. Maging matino ka na Gregorio. Hindi ka na bata! Nililigawan mo pa lang ako ng petsang 'yan. At nasaktan ako sa mga sinabi mo sa akin, lintek ka." Bumalik na siya sa taas.

Umiling-iling naman si Vicente sa ginawa ni Gregorio. Tapos na ang kasiyahan at agad naman dumeretso si Remedios sa kaniyang silid.

Napansin naman ni Hilaria at Felicidad na malungkot ito. Pinakausapan ni Hilaria si Felicidad na siya na daw ang magtatanong kung ano ang problema.

"Rem, si ate Hilaria ito." Katok niya sa pinto, binuksan naman agad nito ni Remedios na umiiyak.

"Uy, bakit ka umiiyak?" Pag-aalala ni Hilaria at sinara niya na ang pinto. Ikinuwento lahat ni Remedios ang nangyari.

"Hindi totoo yung mga pinagsasabi niya. Wag mong pakinggan yang si Gregorio na utok! 'Yang si Gregorio talaga wala nang... Ganito Rem, ito'y atin ha? Kapag kayo'y nag-aaway, sabihan mo lang ganito. Goyong, ako nanaman ba ang mali? Pasensya na." Ngumiti si Remedios sa mga sinasabi ni Hilaria.

"Basta ang gusto ko, magmahalan kayo na galing sa puso ninyo. Alam kong siya ang tamang lalaki para sa iyo. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa iyon, tingin ko may dahilan siya kung bakit niya nasabi ang mga iyon."

Ang mga taong may pinakamahusay na payo ay kadalasan ang mga taong may pinakamaraming pinagdaanan.

Lumabas muna ng bahay si Gregorio para magpahangin. Nagsisisi siya sa mga nasabi niya kanina. Hindi niya alam na sinusundan siya ni Julian.

"Sinabi sa akin ni Vicente ang nangyari kanina. Bakit mo ginawa 'yon?" Bungad ni Julian sa kaniya. Hindi niya maamin na nagagalit siya sa kaniyang kapatid.

"Kuya, hindi ko naman sinasadya yung mga sinasabi ko. Hindi ko nga alam bakit ko nasabi sa kaniya mga 'yon. At nung mga buwan na iyon ay hindi ko lang talaga mapigilan."

"Siguro, nainis 'yan kasi sa mga ginagawa mo dati. Baka iniisip niya na gagawin mo sa kaniya ang pagloloko. May kasalanan ka rin, Gregorio. Ikaw ang mas matindi. Ano ba ang kinakainisan mo?"

"Nag seselos eh." Mahinang sagot ni Gregorio. Tinalikuran niya si Julian dahil alam niyang tama ang kaniyang kapatid.

"Malamang nagseselos 'yan. Ano bang masama sa pagseselos? Napakalaki ng problema mo sa pagseselos, nagseselos 'yan sayo kase mahal ka niyan... May pakialam sayo..." Hindi nakapagsalita si Gregorio kaya itinuloy ni Julian ito.

"Pag hindi na nagseselos 'yan sayo, kabahan kana kase wala nang pakialam sayo. Wala ng natitirang pag mamahal sayo 'yan. Matagal ko nang sinasabi sayo na 'wag mo nang gawin yung ginawa ko dati. 'Tas ngayon ginawa mo naman."

Naghiwalay sila dati ni Felicidad dahil nakikipag-usap siya sa isang babae at nakikipaglandian. Pinag awayan din nila ang selos kaya ayaw na maranasan ni Julian ang naranasan niya dahil sobrang sakit nito.

"Oo na, kuya. Tama ka na. Pasensya."

"Wag ka sakin humingi ng tawad. Alam mo kung kanino. Gumawa ka ng paraan kapag nalaman 'yan ni Ka Miong, tignan mo malilintikan ka." Iniwan na niya ang kaniyang kapatid dahil sa sobrang inis.

Napakamot nalang si Gregorio at pumunta sa Dalampasigan para doon mag isip. Alam niyang mahirap suyuin si Remedios. Mga ilang oras na siyang nakatambay dito at hindi niya alam na hinintay siya ni Remedios.

Sigurado siyang nasa paborito pwesto niya ito kaya pumunta siya doon. Nasilayan na ni Gregorio si Remedios na naglalakad papunta sa kaniya kaya agad itong tumayo at pinuntahan siya para humingi ng tawad.

"Rem. Rem- Pasensya na. Wag mo na sana isipin yung mga sinabi ko sayo kanina, hindi ko sinasadya iyon at hindi ko na talaga uulitin." Niyakap naman siya ni Remedios.

"Hindi pa rin kita mapapatawad kasi nasaiyo na yan kapag magbabago ka pa. Huwag kang umasa na masasagot kita agad kasi lalo mo akong pinapalayo sa iyo." Umupo na sila sa bato at sinandal naman ni Remedios ang kaniyang ulo sa braso ni Gregorio.

"Hala!" Biglang pumasok sa kaniya yung nakalimutan niya.

"Bakit?" Inangat na ni Remedios ang kaniyang ulo. Nakalimutan ni Gregorio ang kaniyang regalo at sigurado tulog na si Joven.

"Yung regalo ko sayo..." Hinampas naman siya ni Remedios.

"Kainis ka. 'Yan lang pala eh. Ayus lang kahit wala."

"Hindi. Mayroon akong regalo sayo kaso tulog na si Joven." Nagtaka naman si Remedios sa mga sinasabi nito.

"Ano? Regalo mo si Joven sa akin?" Tawa ni Remedios.

"Baliw, hindi." Nakaramdam naman ng pingut si Gregorio.

"Makabaliw ka ah."

"Basta. Kailangan natin magpakuha ng litrato bukas at iyon ang aking regalo sa iyo." Ngumiti at tumango naman si Remedios.

Napapaisip na si Remedios kung ngayon niya na gagawin ito. Gusto niya nang gawin ito dahil mabilis lang ang panahon at ayaw niyang magsayang ng oras.

Tumayo si Remedios at kumuha siya ng bato. Tinitignan naman siya ni Gregorio, dumeretso na siya sa kanilang puno at may inukit siya.

Oktubre 15, 1899 ang kaniyang inukit. Tumayo si Gregorio para tignan ito at tinanong.

"Para saan 'yan?"

"Isipin mo." Ngisi ni Remedios. Tinignan ulit ito ni Gregorio, ang petsa na pagkatapos ng kaarawan ni Remedios.

"Hindi ko talaga alam." Napabuntong hininga nalang si Remedios.

"Tayo na."

"Ha?" Narinig niya iyon pero gustong marinig ulit ni Gregorio kung totoo ang mga salita na nagmula sa bibig ng nililigawan niya.

"Tayo na." Niyakap agad siya ni Gregorio at sumigaw ng malakas, hinampas naman siya ni Remedios dahil apakalakas ng boses nito.

"Akala ko ba matatagalan ka sa pagsagot mo sa akin?"

"Eme lang yun, este wala lang iyon. Alam ko namang tumigil ka na dati pa, pero papalagpasin ko iyon."

"Oktubre 15, 1988." Bigkas ni Gregorio paulit-ulit. Hindi napigilan ni Gregorio ang kaniyang sarili na ilapit ang kanilang mga labi.

Para maging talagang maganda ang isang halik, gusto mo itong magkaroon ng kahulugan. Gusto mong makasama ang isang taong hindi mo maalis sa isip mo, nang sa wakas ay dumampi ang iyong mga labi ay maramdaman mo ito kahit saan dahil kapag nahanap mo ang tamang taong halikan, ito na ang lahat.

Kumalas na ang mga labi nila at nagulat si Remedios sa ginawa ng kaniyang nobyo. "Hinalikan mo ako." Hindi niyang makapaniwala na sabi kay Gregorio.

"Pasensya na. Hindi ko mapigilan. Ayos ba?"

"Parang ang bilis lang." Tumawa naman si Gregorio.

"Alam ko. Alam ko..." Bumalik na sila sa bahay na magkahawak ang kamay at nakangiti.

Maagang gumising si Remedios dahil maganda ang araw niya. Nagluluto siya ng almusal na kakainin nila. Lumabas na sila ng kanilang mga silid dahil gutom na rin sila.

Napansin nila na panay ngiti at bati si Remedios sa kanila. Kahapon ay hindi namamansin ito at galit pa at alam din nila ang nangyari kahapon maliban lang kay Emilio.

"Grabe ang ngiti mo diyan, Remedios ah." Biro ni Rusca habang umuupo, umupo na rin ang iba.

"Syempre. Ang ganda ng araw ko eh." Nilapag niya na sa lamesa ang mga naluto niya at umupo na din.

Napansin din nila na nakangiti din si Gregorio. Ito naman si Emilio ay nalilito dahil sa mga pinagsasabi nila.

"Ano bang nangyari?" Nagsitinginan naman sila sa kaniya at walang nagsalita kahit isa.

"May tao ba dito?"

"Opo, 'tay! Kahapon po kasi-" Agad naman tinakpan ni Hilaria ang bibig ni Miguel na nasa tabi niya. Tinaasan naman ito ni Emilio ng kilay, ningitian na lang siya ni Hilaria at nagpatuloy nang kumain.

"Kuya, kami na ni Goyong." Napatingin naman sila kay Remedios at binati silang dalawa. Agad naman binigyan ng payo ni Emilio si Gregorio at mga banta.

Natigil ang kanilang pag-uusap nang may kumatok, binuksan naman iyon ng mga kasambahay. "Ay, babalik nalang po ako-" Wika ni Joven.

"Teka! Dito ka nalang muna. Kumain ka na ba?" Tanong ni Remedios, umiling naman si Joven kaya pinakain na din nila ito.

"Maitanong ko lang, bakit ka naparito?" Tanong ulit ni Emilio sa kaniya.

"Kukuhanan ko po ng litrato sina Heneral at ate Rem. Hindi po kasi natuloy kahapon dahil-" Itutuloy na sana ni Joven ang kaniyang sasabihin nang tinitignan siya nila Roman nang masama.

"Dahil naging sila? Ganon ba?" Tumango nalang si Joven. Kumakain na sila ng prutas.

"Tita, nakalunok ako ng buto ng pakwan." Turo ni Miguel sa kaniyang tiyan.

"Lagot ka. Tutubo 'yan sa loob ng tiyan mo." Takot niya kay Miguel.

"Ay, hindi daw sabi ni mama."

"Naniwala ka naman. Sinasabi niya lang 'yun sayo para 'di ka umiyak. 'Di ba ate?" Sumabay nalang sa trip si Hilaria.

"Oo. Ayaw lang kitang umiyak kaya sinabi ko iyon." Tinignan naman agad ni Miguel ang kaniyang nanay, paluha na ito. Inasar din nila si Miguel kaya umiyak na ito.

"Mamatay na ako." Iyak niya. Pagkatapos nilang kumain ay nagpakuha na ng litrato ang dalawa kay Joven.

Pumiwesto sila sa puno na may duyan kung saan nakaukit ang pangalan nila. Hindi nila namalayan na may lumipad na Agila at tumigil ito sa sangay ng puno, sakto nakuhanan ito ni Joven. Agad naman itong lumipad at bumalik sa langit, makalipas nang ilang minuto ay agad nilang tinignan ito kung nakuhanan kasama ang Agila, napangiti sila nang nakita nila ito, naisama ito ni Joven.

Pagkatapos nito ay dumeretso na sila sa bahay para magkwentuhan doon, papasok na sila nang lumapit si Emilio sa kanila.

"Goyong, kailangan mo nang maghanda na pumunta ng Nueva Ecija. Baka daw magkaroon ng labanan doon dahil malapit ang mga Amerikano sa lugar na iyon."

"Sige po, Ka Miong."

"Sama ako." Sambit ni Remedios.

"Hindi pwede." Sagot naman ni Gregorio, alam ni Emilio na sasama si Remedios dahil hindi siya pipigil hangga't kasama siya.

"Wag kang makulit. Alam mo naman na delikado doon."

"Samama ako! Wala kang magagawa, alam kong kailangan mo ako doon-" Tinakpan agad ni Gregorio ang bibig nito.

"Oo na! sasama ka na." Papasok na sila sa bahay nang sinara ni Gregorio ang pinto. Nakulong si Remedios sa loob.

"Pasensya na. Mahal kita-" Naputol ito nang sinipa ni Remedios ng pinto.

"Gregorio!" Ginagamit ni Remedios ang buong unang pangalan ni Gregorio kung galit siya. Agad naman binuksan ito ni Emilio dahil baka masira pa ito.

"Sasama na siya. Makakatulong din naman si Rem, gagamutin niya yung mga nasugatan." Wala nang nagawa si Gregorio kung hindi tumango nalang at nakaramdam siya ng pingut galing sa nobya niya.

"Tignan mo. Kung pinabayaan mo lang ako doon, hindi mo rin makukuha yung mga gamit mo at baka nakakalimutan mo manggagamot ako."

Sinabihan na ni Gregorio ang mga sundalo na maghanda, kasama na sila Roman, Rusca, Vicente, Manuel, Jose habang sa Julian naman ay may ginagawa kaya hindi siya makakasama.

"Fuego!" Sigaw ni Gregiorio sa mga sundalo na nagpapaputok. Pinamumunuan ni Gregorio ang labanan dito.

"Doon kayo sa gilid! Dito kami!" Sigaw ni Manuel.

Tumatakbo si Vicente kung nasaan si Gregorio para ibalita na ang nangyayari at kung ilan na ang namamatay. "Nasa isang daan ang bilang ng mga Amerikano. Wala pang sugatan sa kanila."

"Fuego!" Sigaw ulit ni Gregorio habang nakikinig kay Vicente.

"Ilan na ang sugatan sa atin?" Mabilis na tanong ni Gregorio. "Kinse ang sugatan. Bente na ang patay. Goyong, hindi tayo tatagal dito. May mga tiradores din ang mga Amerikano. Mas asintado sila." May mga sundalo na tumatakbo pabalik pero natamaan ito sa tabi nila.

"Punyeta!"

"Baba!" Sigaw nila.

"Aatras na ba tayo?" May sundalong tinamaan. Wakwak ang leeg. Magtatama ang mata ni Gregorio at ang naghihingalong sandalo. Naputol lang ito nang kinalabit ito ni Vicente.

"Goyong!" Tumango na si Gregorio at agad na umalis na si Vicente para sabihin sa mga sundalo na aatras na sila.

Nakita ni Remedios na may isang sugatan na sundalo sa leeg kaya agad siyang pumunta dito kasama ng ibang sundalo para sumabay sa kaniya sa pagbuhat nito.

"Bilisan niyo." Kinuha na nila ang katawan nito. May mga nagpapa-ulan ng bala sa tabi nila kaya agad na tumakbo si Gregorio sa direksyon nila.

"Remedios! Tabi!" Sigaw ni Gregorio at tinabi niya naman ang kaniyang nobya na muntik na mabaril.

"Sabi ko na sayo na delikado eh!" Tarantang wika ni Gregorio habang tinitignan kung natamaan ba si Remedios, sinamaan naman niya nang tingin si Gregorio.

"Baka nakakalimutan mo, nag gaganito na ako simula noong na punta ako kila Heneral Luna." Wika niya habang tinatakpan ng tela ang leeg ng sundalo at binuhat na nito ng mga kasama niya. Sumabay na lang din si Gregorio sa kanila.

Umuwi na ang mga sundalo na dumadaan sa kagubatan. Ang mga sugatan ay nasa papag, bitbit ng mga malakas pa. Tapos na si Remedios linisin ang mga sugat ng iba kaya magpapahinga muna siya. Mabuti nalang ay nakita niya si Gregorio nagpapahinga sa gilid na may hawak na tubig.

"Pasensya na nga pala kanina. Nag-aalala lang kasi ako." Pagpapaumanhin ni Gregorio sa kaniya. Tumango nalang siya at tinuro ang tubigan niya.

Ibinigay naman agad ito ni Gregorio sa kaniya at pinasakay na ito sa kaniyang kabayo. Hindi naman mahihirapan si Gregorio sa pagpapaandar ng kabayo dahil nasa likod niya si Remedios.

Naabutan sila ni Vicente. "Magpapadala ba ako ng kawal para magbantay sa susunod na trintsera? Hindi pa umaabante ang mga Amerikano."

Dumaan ang mga sugatan, ang isa doon ay ang sundalo na nabaril sa leeg. Napansin naman ito ni Remedios kaya kinalabit siya at tinuro si Vicente.

"Maliit na bakbakan ang nangyari kanina. Walang rason ang mga Amerikano para umabante sa susunod na trintsera." Wika ni Gregorio habang sumasakay ng Kabayo.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinaandar niya na ang kabayo. Inilagay ni Remedios ang kaniyang mga kamay sa bewang ni Gregorio para hindi siya malaglag.

Nakadating na si Miguel Laureano galing sa Maynila. "Hindi mabilang kung ilang mga lalaki, babae, at mga bata ang napatay ng mga sundalo taga-" Titignan ito ni Miguel kung taga saan ang mga sundalo pero sinabi na ito ni Joven.

"Tennessee."

"Tennessee, jusmiyo. Pasensya na 'yan ang pasalubong ko." Saad ni Miguel habang umuupo.

"Gusto kong pumunta ng Maynila."

"May kontrata tayo kay Heneral Goyo. Pangalan ko nakataya diyan."

"Parang wala naman akong silbi dito eh." Asik ni Joven kabang tumitingin sa tiyo niya.

"Anong gagawin mo sa Maynila? Hindi ka naman sundalo. Noong humawak ka ng baril, si Remedios ang natamaan. Ipagpatuloy mo nalang ang trabaho mo rito. Ito nga dinalhan kita ng mga gamit dito para sayo." Pagpapakita niya ng mga dinala niya. Hindi naman mapigilan ni Joven ang mga sinabi niya.

"Eh, kayo? Babalikan ninyo mga Amerikano na kliyente ninyo?"

"Galit ka?"

Mga bandang hapon na sila nakarating sa Dagupan. Dumaan muna sila sa simbahan para magdasal. Umupo si Remedios sa bandang unahan para tahimik kasi ang ingay ng dalawa na sina Julian at Gregorio.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Tanong ni Gregorio sa kaniyang kapatid.

"Uuwi ka namang Bulacan sa pasko 'di ba?" Tapos nang magdasal si Remedios kaya tumayo na siya at nakita naman ito ni Gregorio na nakatingin sa kaniya

Tinaasan niya ito ng kilay, lumabas na siya ng simbahan at dumeretso na sa kanilang bahay. Agad naman tumayo si Gregorio para sundan siya nang hilain ito ni Julian.

"Kanina mo pa siya kasama, susundan mo nanaman." Hindi nalang siya pinansin ni Gregorio at patuloy na sinundan ito, tinawanan na lang ito ni Julian.

Pinagsasabihan na ni Miguel ang kaniyang pamangkin. "Hindi naman lahat ng Amerikano, halimaw. May negosyo tayo tandaan mo. Joven, marami kang alam pero iba ang kaalaman sa karunungan. Tingnan mong mabuti ang mga kilos ng tao sa paligid mo. Marami kang matututunan sa kanila."

"Wala naman akong natutunan sa mga tao na nandito maliban lang kay ate Rem."

"Edi matuto ka sa pagkakamali nila."

Kumatok si Gregorio sa kwarto ni Remedios at mayamaya ay binuksan ito. Bumungad sa kaniya ang kaniyang nobya na naka pantulog na kaya agad siyang tumalikod dahil kulang ang tela nito.

Tumawa na lang si Remedios. "Ano ka ba ayos lang ito. Nobyo na din naman kita, hindi ba?" Wika ni Remedios kaya pumasok na si Gregorio sa kaniyang kwarto.

Agad naman siyang humiga dahil pagod siya. "Anong kailangan mo?" Tanong ni Remedios, umiling naman si Gregorio.

Humiga na din si Remedios sa kaniyang tabi at ikinagulat ito ni Gregorio. Sa sinaunang panahon ay ito ang mga senyales kapag may gusto kayong gawin, at iyon ang ginawa nila sa araw na iyon.

Alam naman ni Remedios na baka may mangyari pagkatapos nito o may dalang bata pero wala siyang paki dahil gusto niya pang makasama si Gregorio nang matagal dahil alam niya na malapit na mangyari ang labanan sa Pasong Tirad.

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

Continue Reading

You'll Also Like

21.6K 765 109
โlove is game where gambling is required and there are few ways to win the game.โž morpheus series: the sequel nct dream ff english-tagalog date star...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.1M 4.3K 69
Ang Noli Me Tรกngere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang...
Overnight By Chantrea

Mystery / Thriller

1.3K 138 25
JABBO DUOLOGY #1. "A night of fun turns into a deadly one." The class of CSS 11B decided to sleep over at their classmateสผs rest house. The night tha...