Pelikula - G. del Pilar

By LynSafirah

17.7K 1.1K 4.8K

๐๐ž๐ฅ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐š// Kung saan ang isang sikat na artista ay bumalik sa sinaunang panahon kung kailan siya ipin... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Epilogo

Kabanata 19

460 37 102
By LynSafirah

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 19 )

˜"*° KAARAWAN.

•'¯'•







Lumipas ang buwan ay natutuwa si Remedios dahil sa ginagawa ni Gregorio sa kaniya. Lalo kapag may problema, lagi siyang andiyan sa kaniya kahit may trabaho ito. Minsan may tampuhan pero mayamaya ay nagkakabati ito. Lumipas na ang buwan ng Agosto ay kaarawan na ni Remedios.

Lumuwas ng Dagupan si Emilio para puntahan si Apolinario Mabini sa Rosales, Pangasinan. Susubukan niya na pabalikin si Apolinario sa Politika.

Pumasok na siya sa tinitirahan ni Apolinario at may kumuha ng kaniyang gamit. Nakaupo si Apolinario na nakatingin sa kaniya. "Mukhang hindi bagay sa iyo na mahiwalay sa Politika."

"Hindi ko naman ginusto umalis." Makalmang saad ni Apolinario sa kaniya. May pakiramdam siya na hindi pirma lang ang pakay niya dito.

Umupo na si Emilio sa bakanteng upuan na nasa harap ni Apolinario at ibinigay niya ang mga papeles para pirmahan ito ni Apolinario.

Mayamaya ay nagsalita na ito para umpisahan ang nais niyang sabihin sa kaniya.

"Naging haligi ka sa Kabinete, Pule. Huwag mong isipin na initsupwera ang mga-"

"Hindi masama ang loob ko. Malayo na ako sa intriga. Ang mahalaga'y nakapagbibigay pa rin ako ng mga payo sa mga humihingi..." Tinignan niya na muna si Emilio bago ituloy ang kaniyang sasabihin.

"At sa mga nakikinig." Siya ang tao na paulit-ulit na ipinapahiwatig kay Emilio Aguinaldo ang tangi niyang kaligtasan ay marangal na kamatayan sa digmaan.

"Mabuti nalang at tahimik nitong nagdaang buwan."

"Masyadong tahimik, hindi ba?" Kitang-kita sa mata ni Apolinario na may galit siya kay Emilio.

"Pagkakataon natin ito. Ipapadala ko si Alejandrino sa Maynila kasama ng ilang mga Amerikanong bihag para simulan ulit ang nigusasyon." May kinuha si Emilio at ito ay isang maliit na kahon.

"Umaasa pa rin ako na kilalanin ang mga Amerikano ang gobyerno natin."

Itinuon na ni Apolinario ang kaniyang atensyon sa mga papeles. "Kayo ang bahala. Pero ang lahat ng ito'y napag-uusapan sa liham. Ano ang totoong pakay niyo?"

"Narito ako para himukan kang bumalik. Gusto kong ikaw ang maging Pangulo ng Korte Suprema." Inilabas niya na ang malyete at isa pang gamit.

Tinignan ito ni Apolinario, tinupi at itinabi ang kaniyang binabasa na liham na may kasamang galit. "Nung una hiniling niyo na bumaba ako sa Gabinete para mamuno sa Paterno-"

"Para sa kapayapaan." Putol ni Emilio.

"Ano'y ito? Para matigil ako sa pagbabatikos sa mga kabalbalan ng payaso sa Kongreso? Baka nakakakalimtan niyo ayaw nila sa akin dahil nagsasalita ako ng totoo." Tumayo si Emilio para lagyan ng alak ang kaniyang baso.

"Mabuting tao sina Paterno. Pinagsisikapan nilang makamit ang kapayapaan."

"Kapayapaan na walang kalayaan." Hindi na papatagalin ni Emilio ang pag-uusap nila kaya dineretso na niya.

"Kailangan ko ang utak mo, Pule. Kailangan ko ang taong totoo."

"Kaya na ba ng Pilipino na marinig ang katotohan nang hindi mapipikon? At dahil katotohanan na rin naman ang pinag-uusapan natin, sige. Ano ang katotohanan sa pagkamatay ni Antonio Luna?" Deretsong tanong ni Apolinario, hindi naman makapagsalita si Emilio kaya naisipan niya ituloy ang kaniyang pagsasalita.

"Dahil ba sa sinasabi nila Buencamino? Umalis lang si Luna ng sandali kaya nasaktan ang kapatid mo? Baka iyon din ang isang dahilan na kung bakit mo-"

"Huwag mong idamay dito si Remedios at hindi ako nagpapatay sa kaniya. Tandaan mo 'yan." Timpi ni Emilio sabay turo sa kaniya.

Kinuha na niya ang kaniyang gamit at palabas na siya. "Wag ngayon, kaibigan. Tatanggapin mo ba ang alok ko? Maglalabas ako ng opisyal pagkilala sa bago mong posisyon."

"Para sa bayan." Sagot naman ni Apolinario at umalis na si Emilio para bumalik sa Dagupan.

Lumabas sa dila ni Apolinario ang gusto niyang sabihin. Naalala niya pa ang mga araw na iyon noong ililibing si Antonio Luna noong mismong namatay siya, may dugo siyang nakita sa kampilan ni Janolino.

Hindi maamin ni Emilio na hindi siya magaling na kung saan magaling ang mga Ilustrado dahil hindi siya natapos kaya kinuha niya si Apolinario. Si Apolinario Mabini ang naging punong tauhan, hindi ka dadaan kay Emilio hanggat hindi ka dumadaan kay Apolinario.

Nakikinig si Emilio kay Apolinario at dahil duon nagkaroon ng mga batas na tumakbo ang ating Gobyerno nang maayos dati. Pero may isang beses siyang hindi nakinig kaya madaming nagbago.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin dumarating ang tinutukoy nilang "henerasyon".

Hindi gaya nila Rizal at ibang mga bayani na nakapag-aral sa Europa. Si Mabini naman ay nag-aral dito sa Pilipinas pero napatunayan niya ay kayang makipagsabayan ng Pinoy kahit kanino pagdating sa paggamit ng utak.

Si Apolinario Mabini mismo ang nagsabi sa kaniyang la revolusyon Filipina "Si Aguinaldo lang dapat ang sisihin sa pagkasawi ng dalawang ito." Dahil sa kagustuhan niyang kapangyarihan.

Kung buhay pa si Luna ay alam niya ang kinahinatnan ang nang laban tama siya sa kaniyang sinasabi na ang papatay sa pilipino ay kapwa pilipino kaya doon nauso ang patayan sa halalan.

Nasa dalampasigan sila Remedios at Gregorio kasama si Vicente, nagkwekwentuhan lang sila ng mga bagay-bagay, nang nakita nilang tumatakbo si Angel sa kanilang direksyon.

"Heneral! Koronel! Ate Rem! Pinapatawag na daw po kayo sa bahay." Hingal na wika ni Angel.

"Bakit ka pa tumakbo? Tignan mo tuloy pawis kana." Saad ni Remedios habang pinunasan niya ang mga pawis sa hawak niyang panyo at pumunta na sila sa kanilang bahay.

Pagpasok nila ay nandoon na si Emilio at abot langit ang ngiti ni Julian.

"Pasensya na, Goyo. Biglaan." Sabi ni Emilio kay Gregorio, alam niya kasi na nag-uusap silang tatlo sa Dalampasigan.

"Ginawa akong Gobernador Militar ng Bulacan. Magsisimula ako pagsapit ng Nobyembre." Pagpapaalam ni Julian.

"Maligayang Pagbati, Julian." Saad nila Vicente at Remedios. Napansin naman ni Remedios na ang lungkot ng mukha ni Gregorio.

"Huy, Goyo?" Niyakap naman niya si Julian. Kumain na sila dahil tanghali na. Pinag-uusapan na nila ang kasiyahan para sa kaarawan ni Remedios.

Napagkasunduan nila na magkakaroon ng kasiyahan sa loob ng kanilang bahay. Napapaisip si Gregorio kung ano ang ibibigay niya sa kaniya o mga gusto nito kaya tinanong niya si Remedios pero ang sabi niya.

"Jusko, wag na. Andito ka lang sa tabi ko ay sapat na." Kaya nag-iisip na lang siya ng iba.

Oktubre 14, 1899. Kaarawan na ngayon ni Remedios at naghahanda na sila ng lulutin at naglalagay na rin sila ng mga dekorasyon.

Maraming inimbita si Emilio na mga miyembro ng Politiko at kasama nito ang mga anak nila. Hindi pa rin nakakabili ng regalo si Gregorio dahil mahirap talaga siyang hanapan.

May nahahanap na siya pero pumapasok naman sa isipan niya na hindi iyon magugustuhan ng kaniyang nililigawan hanggang sa naalala niya sa Joven at ang tiyo niya.

Tapos na ang kontrata nila kaya naisipan niya na kausapin sila para magtagal pa pero tinawag siya ni Emilio kaya pinagawa niya na lang kay Vicente iyon.

Ibinigay na ni Vicente ang bayad sa kaniya. "Maraming Salamat po sa serbisyo, Sinyor Laureano."

"Walang anuman, Koronel." Sagot naman nito at pumasok na sa pinto at hinabol naman ito ni Vicente.

"May hiling lang po ang Heneral. Kung maari manatili kayo dito ng mga ilang buwan pa."

"Ha? Nako may kliyente ako sa Maynila. Sa katunayan, papaalis na nga ako ngayon." Wika ni Miguel Laureano. Tinanong naman agad nito ni Joven habang tinutulungan niya ang kaniyang tiyo.

"Tiyo Miguel, sino po yung kliyente ninyo?" Humarap agad si Miguel at hininaan niya lang ang boses para hindi marinig ni Vicente.

"Mga Amerikano. 'Wag kang maingay."

"Ganon ho ba? Maari niyo po bang gawan ng paraan? At tsaka nga pala Joven, iniimbitihan ka ni Remedios sa kaniyang kaarawan mamayang ala sais ng gabi." Tumango naman ito at humarap si Miguel kay Vicente dahil may naisip siya at sinabi ang kaniyang paraan.

Ibinalita na ni Vicente na si Joven nalang daw ang magiging Potograpo nila dahil aalis si Miguel. Mamayang gabi nalang sasabihin ni Gregorio kay Joven ang plano.

Dalawang oras na lang ay magsisimula na ang kasiyahan kaya nag-aayos na sila Remedios at Felicidad. Tinutulungan nila ang isa't isa sa pag-ayos ng kanilang mga sarili.

Inilabas na ni Remedios ang kaniyang susuotin at inilapag sa kama. Napansin ito ni Felicidad at muntik niya nang makalimutan ang regalo niya para sa kaniyang kapatid.

Agad siyang lumabas ng silid ni Remedios at kinuha ang kaniyang regalo at ibinigay na niya ito kay Remedios. Pagbukas ni Remedios ng balot ay nakita niya ang baro't saya na kulay pula at mukhang mamahalin pa ito.

"Ala, ate! Salamat!" Yakap niya kay Felicidad at binalik niya naman iyon.

"Walang anuman. 'Yan nalang ang suotin mo." Pumayag na siya at dumetrso na siya sa banyo.

Sa kabilang kwarto naman ay nag-aayos na ang mga lalaki. Mayamaya ay lumabas na sila ng kwarto, nasilayan na ni Gregorio si Remedios na nakikipag-usap sa mga bisita.

Kulay Pulang baro't saya ang soot nito, nakatali ang buhok niya at may pantali na kulay puti sa likod. Suot niya din ang kwintas na ibinigay ni Laureana sa kaniya na nakaukit ang kaniyang pangalan.

Ang mga soot naman nila kasama na rin sila Rusca, Roman, Vicente, Magkakapatid na del Pilar at Bernal ay kulay puting uniporme. Habang si Angel naman ay naka asul na kasuotan.

Binilan siya ni Julian para mapatawad na siya ni Angel sa pinaggagawa niya sa kaniya. Kuya na din ang tawag sa kaniya ni Angel, hindi na Koronel.

Binati muna nila ang mga tao sa kanilang tabi bago pumunta kay Remedios. Sabay-sabay silang bumati sa pamamagitan ng pagbilang ni Rusca ng tatlong sigundo at pinasalamatan ito ni Remedios habang tumatawa sa ginawa nila.

Nakita ni Vicente na nakaupo lang si Vicente sa gilid kaya pinuntahan niya. "Mukha kang halaman diyan." Wika niya habang umuupo sa tabi nito.

"Wala pa naman akong ugat, Koronel."

"Ayaw mong makisalo?" Nag iba na ang tugtog, itong tugtog na ito ay pangsayaw na.

"Masaya na po ako sa panonood." Sagot naman ni Joven.

"Eh, ikaw muna ang magbantay nito." ibinigay muna ni Vicente ang katad na lalagyan ng mga gamit ni Gregorio na lagi niyang dala kung saan-saan.

"Kanino 'to?"

"Kay Goyong. Bantayan mong mabuti." Kinuha ni Joven ang katad na lalagyan ng gamit. Nagsisimulang yayain ng mga binata na sumayaw ang mga dalaga.

Agad naman pumunta si Gregorio kay Remedios para isayaw siya. Inilabas niya ang kaniyang kamay para hawakan ito ni Remedios bilang pagtanggap ng sayaw.

"Binibini." Napansin naman ni Remedios na ang daming nakatingin na mga babae kay Gregorio ang iba naman ay nakatingin na may kasamang galit sa kaniya.

Kanina pa naiinis si Felicidad at tinatanong kung sino ba ang nag imbita sa mga babaeng iyon pero pinabayaan niya nalang ito.

"Gusto ka nilang isayaw oh." Sinulyapan nila ang limang babae na nagmamasid kay Gregorio.

"Kanino? Sa mga mata mo lang naman akong nakatingin. Kung tutuuusin, ako pa nga ang nakikipagpaligsahan." Tumingin naman sila sa mga anak ng Politiko na nagmamasid kay Remedios.

"Patas lang." Kinuha na ni Remedios ang kamay nito habang nangyayari iyon ay binuksan ni Joven ang gamit ni Gregorio.

"Ang tagal mo nangliligaw ah, hindi ka pa ba napapagod?" Wika ni Remedios habang sumasayaw sila.

"Ang lagi ko lang sinasabi sa iyo ay Ayaw kong maghintay. Pero kung ang paghihintay ay nangangahulugan na makasama ka. Maghihintay ako hanggang sa makasama ka." Pagbukas ni Joven nito ay puro liham ang nasa loob.

"Goyong, baka sa susunod sumuko ka na." Hindi na nagsalita si Gregorio tungkol doon dahil hinding-hindi niya gagawin iyon.

"Pamilya ko lang ang tumatawag sakin ng Goyong. Pero... 'Pag may pamilya na tayo-"

"Goyo." Putol ni Remedios. Laging sinasabi ni Gregorio ang linyang iyan. Dahil na din kay Miguel, naiisip niya ito tuwing kasama niya kaya sinasabi niya ito kay Remedios. Kumuha ng isang liham si Joven at binuksan.

"Sabik ka na ba talaga? Kailangan na nating mag-usap."

"Tungkol saan?"

"Sa mga babae mo o baka may tinatago ka lang sa akin." Binasa na ni Joven ang liham.

"Goyo, hindi kita pinagbabawalang aliwin ang sarili mo. Dapat nga'y magkaroon ka nang panahon para dyan. Pero naman... huwag sana sa paraang maririnig kong ginagawa mo!"

"Rem, di ba pinag-usapan na natin ito. Huwag kang magpapaniwala sa mga naririnig mo."

"Naguguluhan lang kasi ako at natatakot." Kumuha na naman ng isa si Joven ng patago.

"Pangako. Hindi ko gagawin sayo 'yun. Tignan mo lang ang aking mga mata at malalaman mo kung nagsisinungaling ako. Nalalaman mo nga agad kung may tinatago ako eh."

"Ang tanging hiling ko'y magparamdam ka. Hindi mo na ba ako natatandaan? Alam mong bawat salita mo'y pinaniniwalaan ko. May tiwala ako sayo. Hindi ako naniniwala sa sabi-sabi."

"Siguraduhin mo lang." Sabi niya kay Gregorio.

"Naduling lang ako sa ganda mo. Hindi ko alam kung titingin ba ako sa mga mata mo, sa labi mo, sa katapangan mo, kabaitan mo, sa kamay mo..." Napatigil sila sa pagsasayaw at hinawakan ni Gregorio ang mga tinutukoy niya. Agad naman hinampas niya si Gregorio, dahil nakatingin sa kanila si Emilio.

"Nako! Nako. Tumigil ka diyan." Bilis niyang sabi kay Gregorio at nagpatuloy na silang sumayaw. Naka tatlo na si Joven, binibilisan niya na lang ang pagbabasa. Binabasa niya lang ang mga nakikita niya bawat liham.

"Nalimutan mo na yata ang isang krus Rojang babae. Narito siya sa kalapit na bayan may sakit siya't iniisip ka-"

"Alam kong bantay sarado ka sa bahay ng Presidente. Ang sabi mo'y ginaguwardiyahan mo ang bayan na 'yan, pero sinisilayan mo lang si Remedios. Hindi ba? Magsabi ka!"

"Sa maririnig mo, dati 'yun. Nagbago na ako simula noong napadpad ako dito at kung naging tayo na, ganda at alaga mo lang ang lunas sa pagkaduling ko."

"Kapag hindi totoo ang mga pinagsasabi mo... Hindi mo na aasahan na sasagutin kita."

"Kapag sinabi kong maganda ka, kasama na ang kagandahang loob mo." Bulong niya sa tainga ni Remedios.

"Bakit ka nagsisinungaling? Kayo na nga ba? Ang balita dito'y may balak kang pakasalan siya!"

"Aaminin kong bihira, ang mga babaeng katulad mo. Dapat sayo'y inaalagaan, sinasamba." Ngumiti naman si Remedios sa mga sinasabi niya.

Tapos na basahin ni Joven ang mga liham na galing sa mga babae ni Gregorio dati. Tumingin siya kung nasaan si Gregorio, kasama siya ni Remedios na nagsasayaw. Iniisip niya kung sasabihinin niya ba ito kay Remedios o hindi.

"At kung may singsing lang ako..."

"Goyong, ang bilis na ng mga iniisip mo. Wala pa nga tayong isang taon…"

"Pero naniniwala ka ba na mahal kita?" Tinignan naman ni Remedios ang mga mata nito.

"Makakahintay ka ba?" Tumango naman si Gregorio.

"May isang hiling lang ako. Kapag tanggap mo na ang pagmamahal ko, ipaalam mo sa akin. Bigyan mo ako ng senyales." Tapos na ang sayaw at tugtog kaya hinalikan na niya ang kamay ni Remedios at ibabalik niya na si Remedios kay Emilio na kasama nila Hilaria at Felicidad.

"Balak kitang pakasalan, Remedios."

━━━━━━━━━━━━━━━

━━━━━━━━━━━━━━━

Continue Reading

You'll Also Like

55.4K 330 37
PAGSUSULAT NG EDITORYAL Sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong opinyon o pananaw? Pasalita, Pasulat o Pagguhit? Bilang isang manunulat, lahat ng...
Sa Taong 1890 By xxienc

Historical Fiction

76.9K 3.3K 70
Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghi...
2.9K 301 33
South Black University is the university where students do not study normally, showing their abilities is the only focus, they don't believe in the w...
541K 17.6K 75
[Complete] Team Alpha Trilogy Finale "Team Alpha! Ahu! Ahu!" It's the last draw. It's the last card. And it's almost time to say.. goodbye, Team Alph...