He Used to be Mine

Par theAUscribbler

3.3K 147 7

They say that it is better to have loved and lost than to have never loved at all. But what if you've lost y... Plus

Chapter 1:Seven Years After
Chapter 2:A Rough Start
Chapter 3:The Annulment
Chapter 4:A Truce?
Chapter 5:Young Love
Chapter 6: Daddy Duties
Chapter 7:The Family Dinner
Chapter 8:For Real
Chapter 9:A Dangerous Play
Chapter 10:What Happened Before?
Chapter 11:Where were you?
Chapter 12:Grief Divided Is Made Lighter
Chapter 13:Loneliness Is a Bad Company
Chapter 14:One Last Time
Chapter 15:I Will Always Choose You
AUTHOR'S NOTE

Special Chapter:My Miracle

239 13 3
Par theAUscribbler

Thankful to have you every day!

19th Week of Pregnancy

Hindi naging madali para kay Win ang pagbubuntis para sa ikalawa nilang anak ni Bright. Sobra ang naging morning sickness ni Win when he was starting, and there were also times na talagang napaka-moody niya. But all of these things tinanggap ni Bright ng walang reklamo, and he lived up to his promise that he will try to take all the pain away.

Now in his almost fifth month, Win can manage better. Mas naging maayos ang lagay niya. Busy ang araw na ito para sa buong pamilya. It's the weekend, at napagdesisyunan nila ni Bright na ngayon gawin ang gender reveal party para sa baby nila.

Marami silang naging preparations para sa araw na ito. Hindi alam ni Win at Bright ang gender kaya excited sila pareho. Although napag-usapan naman na nila na hindi nag mamatter ang gender for them, but Nyle would insist that he would want a baby sister. Gusto talaga nito ang babaeng kapatid, sa katunayan, kapag may bibilhin silang gamit para sa kapatid nito'y mag-iinsist ito ng mga bagay na may design na pambabae.

Tanging ang mommy ni Bright ang nakakaalam ng gender ng bata. Pinasikreto kasi nila iyon sa kanilang doktor at tanging ang mommy nga nila ang binigyan ng doktor ng impormasyon. Ito na rin ang naatasan na mag-reveal niyon sa party.

Everyone is invited to the party. Marami ding nakahanda na mga pagkain. Bright hired a special chef for the party kahit pa nga ilang beses nilang pinagtatalunan ni Win iyon. Gusto kasi ni Win na simple na lamang ang gathering. Hindi naman kasi lalampas sa 50 ang guest list nila. Win had that in mind, ayaw kasi niyang mag-imbita ng sobrang daming taong alam naman niyang walang magiging papel sa buhay nila ng anak niya.

Chimon arrived the earliest, at kasama na nito si Pluem. Sinundo daw ito ni Pluem. They're official now, and Win can see how happy his brother is with Pluem.

"Ang aga niyo naman," sita ni Win dito dahil wala pa naman talagang tao sa garden kung saan gaganapin ang party.

"E ang kulit niyang kapatid mo, Kuya," sabi ni Pluem habang nakangiti.

"Kilala kasi kita. Mabagal ka po, Sir. Kaya dapat maaga tayo umalis," sarkastikong sagot naman ni Chimon, inirapan pa si Pluem.

"Grabe sa mabagal. E ikaw yung ayaw bumangon kanina," sabi ni Pluem, tila unaware na may sinabing hindi tama. Tapos ay mabilis na sumigaw ng "Aray! Ba't ka nangungurot?" Mabilis kasi ang naging pagkurot ni Chimon dito matapos marinig iyon.

Natawa si Win sa kapatid, at saka sinabing, "Bakit? Akala mo naman hindi ko alam na dun ka na nakatira sa condo niya?"

Si Pluem din naman ang nagsabi kay Win. Ayaw daw kasi nitong gumawa ng hakbang na ganun kalaki ng hindi nalalaman ni Win iyon. Kahit daw ayaw ni Chimon ay sasabihin niyang sadya dahil nirerespeto daw siya nito.

Isa iyon sa mga naging dahilan kung bakit kampante si Win sa relasyon ng kapatid dito. Napakabait naman kasi ni Pluem. Alam ni Win iyon dahil nakikita niya kung gaano ito ka-fond kay Nyle. Madalas pa rin ang pagpapaalam nitong isasama si Nyle sa pag-swimming. Kadalasan naman din ay kasama si Chimon kaya okay lamang.

"Ikaw! Iyang bibig mo talaga, Purim! Sasakalin na kita e," nanggigigil si Chimon sa pagkurot kay Pluem. Agad din naman itong niyapos ni Pluem.

"Ay sorry na, hon. Di ko sinasadya," paglalambing nito.

Sinimangutan ito ni Chimon at saka nagtanong kay Win, "Nasaan si Nyle, kuya?"

"Baka nasa game room. Puntahan niyo na lang doon at nagtanong na rin naman kanina kung anong oras kayo darating," paliwanag ni Win sa mga ito.

Matapos pumunta nina Chimon at Pluem sa game room ay nagdesisyon naman si Win na umakyat muna sa kwarto nila. May tinatapos kasing mga papeles si Bright. Hindi maipagpaliban dahil kailangan na talaga iyon sa ngayon.

As he entered their room, napansin niya na busy sa pagtipa sa keyboard ang asawa. Win cannot help but smile. Magmula ng maliwanagan siya sa mga nangyari sa kanila ay para siyang naging mas in love sa asawa. Win knew that he wasn't wrong sa desisyon niyang pagbigyan ito because Bright have proven himself so many times sa loob ng ilang buwan. And he looks forward to more years with his husband. Hindi rin naman nito pinapabayaan ang kalusugan. Update ito sa consultations sa lahat ng doktor nito at si Win ang nagta-track ng mga progress, regress, at improvements dito. Although the tumor is not affecting him anymore, gusto pa rin ni Win na sigurado sila sa bawat araw na darating.

He went near his husband and kissed him on his nape. "Not yet finished?" tanong niya dito.

Bright let out a pleased sound, "Hmm... I love that. Can you kiss it again?" request pa nito.

Win kissed his nape again and tried to sniff it. Bright's 'hmmm' became more lustful. That was when Win tapped his shoulder, stopped, and said, "Ay Bright. Alam ko ibig sabihin niyang ungol na yan!"

Bright laughed so loud with what Win said, "Quickie, baby?" he teasingly asked.

"Tigilan mo ako. May event tayo mamaya!" sabi ni Win dito.

"Mamaya pa naman yun. Saglit lang naman tayo," sabi muli ni Bright. This time ay tumayo na ito sa kinauupuan at lumapit kay Win ng dahan-dahan.

Nang makalapit ito kay Win ay inalalayan niya itong humiga sa kama kahit pa nga panay ang reklamo ni Win. Tumatawa naman ito kaya nagpatuloy si Bright. But he really didn't want to do it now. Gusto niya lang talagang lambingin ang asawa. When Bright was finally on top of Win while the latter was lying down on the bed, Bright began kissing Win's whole face.

Then, he said, "Joke lang po. Gusto lang kitang lambingin."

Win smiled. Madalas na ganito kasi si Bright. Napakalambing nito. A day won't last ng hindi ito yayakap, hahalik o aamuyin siya. Kung minsan nga pakiramdam ni Win ay ito pa ang mas emosyonal sa kanilang dalawa.

"I have something to tell you, baby," sabi ni Win sa asawa.

"Shoot!" excited na sabi ni Bright.

"I invited Mike today," sabi ni Win.

Win noticed how Bright's face froze. Wala naman siyang ibang intensyon for inviting Mike except for the fact na gusto niyang magkaayos ito at si Bright. Mula kasi noong nagkasakitan ang dalawa'y hindi na muling nag-usap ang mga ito. Ayaw niyang ng dahil sa kanya'y tuluyang magkasira ang dalawa.

"Okay. Just don't expect me to talk to him ha?" sabi naman ni Bright, halatang may inis pa rin para sa kaibigan.

Kinuha ni Win ang mukha ni Bright at ikinulong sa kanyang mga palad. Then he looked him in the eye at saka sinabing, "Are you seriously going to let your pride get in the way of your friendship with him?"

"Baby, he was clear about what he said that day. Gusto ka niya and I cannot make peace with that," Bright said.

Win breathed out. "Baby, that doesn't mean naman na he's a bad person diba? Isa pa, nag-apologize na siya sayo, right? O, e ibig sabihin nun he's willing to make peace with you," dagdag pa ni Win.

Bright didn't reply. Win knew na tampo na lamang ang mayroon ito para sa kaibigan. Alam ni Win dahil sadyang ganoon si Bright with friends now. Mas maalalahanin, mas focused, at mas binibigyan niya na ng importansya ang pagiging bahagi ng mga ito sa buhay niya. Gun and Off were a proof of that. Kahit hindi nila masyadong nakakasama si Mike sa loob ng halos limang buwan, palagi naman itong nababanggit sa tuwing nag-uusap ang mga ito. Hindi rin lilipas ang usapan nilang tatlo na hindi tinatanong ni Bright kung kumusta si Mike.

"Bahala na," disinterested na sagot ni Bright kay Win. Tapos ay nagpatuloy ito sa paghalik sa leeg ni Win. "For now, I wanna savor your scent."

"Ay naku, Mr. Tan! Mamamaya na yan at kailangan natin tulungan si Mommy sa pag check ng mga kailangan for the party," sabi naman ni Win habang inaawat ang asawa sa paghalik sa kanya.

"Mom can manage. Diba para sa atin ang surprise? So, hayaan na natin sila," Bright said and once again started sniffing Win's neck.

"Ay naku Bright," pinaigting na ni Win ang tono dahil kung hindi ay aabot na naman sila nito sa quickie na sinasabi nito.

Bright's appetite in bed is quite a handful. Hindi naman sa nagrereklamo si Win but he needs to find a way on how to control his husband o baka makasama na rin sa pagbubuntis niya kapag nag-araw araw sila.

Tila naman natauhan na si Bright sa ginamit na tono ni Win kaya agad itong bumangon. "O sige na nga, Master!" sabi pa nitong habang nagjojoke na yumuyuko sa kanya. But he kissed Win's lips before he stood up at masuyong inalalayan si Win sa pagtayo para makapaghanda na sila para sa party.

When the time came for the party, isa-isa na ring nagsidatingan ang mga inimbitihan nila. New's family came in as one bunch. Ganoon din sina Khao at Tay. Halata nga lang na may hindi pagkakaintindihan sina New at Tay base sa reaksyon ng dalawa ng magkita. They're together now. Pero hindi mapapansin iyon sa dalawa dahil magkalayo ang mga ito.

When Bright and Win came to the venue, napansin agad nila ang mga bisita. At sumunod nilang napansin ang mga dekorasyon doon. Napakaganda ng pagkakadecorate sa lugar. Pero wala na rin nagawa sina Bright at Win dahil nga ang mommy nila ang nag-ayos ng lahat. Kaya nahihiya din tuloy si Win dahil sobrang magarbo ang pagkakaayos ng lugar.

There are a lot of elaborate designs everywhere. And in the center of the venue is a carriage completely adorned with balloons and flowers of different colors. Marahil naroon ang pinaka-revelation ng gender ng baby nina Bright at Win.

Mabilis na inalalayan ni Bright si Win pababa ng golf cart, at saka sabay silang nagsimulang ngumiti sa mga bisita. Everyone are all smiles habang binabati nila pabalik ang mag-asawa. It's an atmosphere of festivity pero hindi iyong parang may piyesta sa ingay. The sound that plays in the background is very subtle, pero mararamdaman pa rin ang excitement ng mga tao sa lugar. Then, everyone hears Mrs. Carmen Tan when she spoke:

"Hello everyone! Good evening! First of all, we'd like to thank everyone for just your presence. Malaking bagay na nandito kayo lahat ngayon because all of you plays an important part in our lives as a family," panimula nito.

Win smiled at the term, "our family." Hindi niya alam kung masasanay ba siya sa terminong iyon. It's been quite a while since everything has been ironed out, and Win still cannot believe na naging magaan na lahat from there on. Daig pa niya ang natanggalan ng pasanin sa dibdib sa mga nangyari pagkakaayos sa mga pamilya nila ni Bright at siyempre sa kanila ring dalawa.

Nabalik ang atensyon ni Win nang muling magsalita ang mother-in-law niya.

"I didn't prepare any program kasi wala naman talaga akong balak. Isa pa, Win didn't want anything na sobra sa dapat so pinakagarbo ko na lang ang venue tapos bahala na sa mga mangyayari. At least sa venue man lang nakabawi ako," natatawang pag-joke pa nito.

"May I invite my two sons and our baby boy, Nyle, here in front?" tawag nito sa kanilang pamilya.

Nang makarating ang tatlo sa unahan ay nagsimula nitong ipaliwanag ang gagawin ng mga ito:

"So, inside that carriage is the gender of our second angel. There are balloons inside, and each of the balloons contains colored powders. The color indicates the gender of your baby. Puputukin niyo lang yung lobo. Kapag pink ang lumabas na kulay ng powder of course, we all know that we are getting a baby girl. And if it is blue, it's a baby boy," sabi nito, while teasing the three with her smile.

Sumenyas ito matapos magpaliwanag sa isa sa mga servants na present. Hinatak naman nito kasama ang isa pa ang carriage kung nasaan ang mga lobo. When it was near Bright, Win, and Nyle ay inabutan sila ng mommy nila ng isa stick na pointed ang dulo, gagamitin sa pagputok ng lobo.

"Mom! So we need to be covered in powders at the start of this party?" Bright asked, di makapaniwala dahil pinagputi sila nito. Marahil iyon nga ang dahilan kung bakit ganoon ang sinabi nito sa kanilang tatlo.

"Yeah. We'll just have a little fun, Bright. Huwag kang KJ," biro ng mommy nito sa kanya.

Win nudged Bright by the waist and affirmed what his mom said. "Oo nga, yaan mo na. Para nga masaya diba?

"Okay, okay," natatawa ng pagsang-ayon nito.

They each picked one balloon. Nagbilang naman ng tatlo ang mga bisita bago nila sabay sabay na tinusok ang lobo. And a shower of white-colored powder was seen. Nagulat silang tatlo dahil hindi blue o pink ang laman ng mga lobo.

"Mom? What's this? Why is it white?" tanong muli ni Bright na puno na ng powder ang mukha dahil sinadya ni Win na itapat sa mukha nito ang pagputok ng lobo.

Narinig nilang nagtawanan ang mga tao ng makita ang itsura nilang tatlo.

"That's because, I forgot to tell you that out of 30 balloons there, isa lang ang may kulay," tumatawang sabi ng ina nito.

"That's unfair!" sigaw ni Bright, ngunit hindi naman sa tonong naiinis, bagkus ay natatawa pa nga ito.

"Daddy, you're such a child!" sabi ni Nyle sa ama.

Nagtawanan ang mga bisita sa tinuran ni Nyle sa ama.

"See? He's more of a man than you are, pre!" sigaw ni Off, teasing Bright. The latter replied with a fist. Lalo tuloy nagtawanan ang mga bisita.

"We're gonna be covered in powder after this," sabi muli ni Bright. This time addressing it to Win.

Win mouthed "It's okay" to him. Bright nodded, and they once again got one balloon each. At the count of three ay sabay sabay muli nila iyong pinutok ngunit panay puti pa rin ang laman ng mga lobo. Tawa ng tawa ang mommy nila sa itsura nilang tatlo. Nyle's face is now covered in white powder dahil mas maliit ito'y dito halos natapon ang lahat ng powder. Hindi naman ito narinigan ng kahit na anong reklamo matapos iyon.

On their fourth attempt, Win decided na pagtutulungan nilang mag-ama si Bright. Win told Bright: "Sit down baby. We'll pop this on you."

"No!" mabilis na di pagsang-ayon ni Bright.

"Dad, come on!" pagpipilit ni Nyle. At dahil alam ni Bright na di niya kayang tanggihan ang mag-ama niya ay sumunod naman siya.

They all instructed their guests to count to three. Everybody was game and a loud counting of three was heard in the area. Matapos ang ikatlong bilang ay bigla ang pagsabog ng napakaraming powder in Bright's head. Naubo pa ito sa sobrang dami niyon. But an applause was heard when everyone saw the color of the powder that covered Bright's entire face. It's pink!

"It's a girl, ladies and gentlemen! We'll be having our princess soon!" sigaw ng mommy nila. Sabay sabay na nagpalakpakan ang mga bisita. And an amountful of "congratulations" was heard in the venue. Everyone is very happy for Bright and Win.

"Yey!" sigaw din ni Nyle ng finally maunawaan din ang ibig sabihin ng pink na powder. Tuwang tuwang yumakap ito kay Bright at saka dinugtungan ang sinabi: "I'm having a baby sister! Yes! Daddy! I'm so happy!"

Bright kissed Nyle on the cheeks and they both hugged Win after.

"Congratulations! I am so happy for both of you," sabi ng mommy ni Bright habang inaabot sa kanila ang resulta ng ultrasound. There it is stated na babae nga ang magiging anak nila.

"Thank you, mom!" sagot naman ni Win dito.

When everyone settled down after that announcement ay muling nagsalita si Mrs. Tan.

"Okay. So, this time naman. I know na mayroon sa inyong gustong bumati sa kanilang pamilya. So wala ng program program ha? Isa-isa na lang, you can go here in front to greet them, while the others can also start feasting on our meals," paliwanag nito.

The very first person to walk in front was New. May dala din itong regalo. He's smiling widely and embraced Bright and Win nang makalapit na sa mag-asawa.

"Congratulations! Grabe! Nakadalawa ka na agad, Bright! Sipag mo!" biro nito. Tapos ay nagpatuloy, "But anyway, I am also very happy for the two of you. Kasi sobra yung pinagdaanan niyo. You both deserve to get your happy ending. And now na "Tito" na ulit ako, I am in cloud nine. So, may ibibigay ako diyan sa little princess natin."

New started handing the gift. Maliit na kahon lamang iyon at nakabalot ng ubod ng sosyal. New told them to open the box dahil gusto daw nitong mareveal na ang regalo.

Nagulat naman sina Bright at Win dahil ang laman ng kahon ay isang card na may nakalagay na free consultation for a lifetime. Naroon din ang pangalan ni New at ang contact number at mga ospital kung saan ito nag-cliclinic.

"Ayan ha? Di niyo na poproblemahin ang pedia. Ako na bahala diyan. Sagot ko na buong lifetime niya," mayabang pang sabi nito.

"Kuripot ka talaga, Kuya!" kantyaw ni Pluem sa kapatid.

Nagtawanan ang lahat ng mga bisita sa sinabi ng kapatid nito.

"Hoy! Ang mahal nga niyan!" sagot naman nito.

"Langya ka, kung maka-lifetime ka akala mo naman buong buhay sayo magkokonsulta yung pamangkin mo," sabi naman ni Bright dito.

"O bakit? 18 years din yan no?" sagot muli ni New.

Umiiling na natawa na lang sina Bright at Win sa sinabi ng pinsan.

"No, I'm just joking. Syempre libre yang mga pamangkin ko no. Pero take a look at the back of that card," uto ni New sa mag-asawa.

Binasa nina Bright at Win ang nakasulat doon. There is a phrase that says, European Tour?

Bright's eyes widened. "Hindi naman pala kuripot," sigaw pa nito kay Pluem.

"Sagot ko na, kahit ilang weeks kayo doon. Wala kasi akong maisip na ibigay e," paliwanag nito sa mag-asawa.

Nagkantyawan naman ang mga bisita dahil sa sinabi ni New. Sumunod napansin nina Bright at Win ang paglakad nina Chimon at Pluem papalapit sa kanila. Si Pluem ay may hawak na isang stuffed toy na aso at si Chimon naman ay isang kahon na maliit din.

"Hi Kuyas," simula ni Chimon tila nahihiya sa kanila.

"Hello, Mon!" magiliw na bati ni Bright dito.

Win smiled. Natutuwa siya na magmula noong naikwento ni Bright lahat kay Chimon ang nangyari ay mas naging malapit din ang dalawa. Humingi na rin kasi ng tawad si Bright sa kapatid ni Win. Maluwag ang loob namang tinanggap iyon ni Chimon and he said to Bright na iwanan na nila lahat ang nangyari sa nakaraan.

"Kuya Win, sorry wala ako talaga maisip na ibigay kay baby nyo ha? Kasi parang feeling ko mapo-provide naman ni Kuya Bright lahat," tumawa ito matapos sabihin iyon.

"Ano ka ba? Hindi mo nga kailangan magregalo e," sagot naman ni Win sa kapatid.

Bago pa man maiabot ni Chimon ang regalo ay iniabot na ni Pluem ang stuffed toy kina Bright at Win. "Here's mine kuya, partner nung kay Nyle yan. Medyo naspoil na kasi sa akin ni Tita Carmen yung gender kaya alam kong pang-girl ang bibilhin ko," paliwanag nito.

"Ang daya mo!" natatawang biro ni Win kay Pluem.

Lumapit na si Chimon matapos maiabot ni Pluem ang regalo. Binigay niya ang maliit na kahon kay Win. Then, Win opened it, and was just in awe when he saw what it contained. Nagsimula ding mag-unahan ang mga luha niya ng magsalita na si Chimon. Kahit pa nga alam naman ni Win kung kanino ang nasa loob ng kahon.

"That's mama's necklace. Noong namatay siya, I kept it. And I was hoping to really give it to you because I know how much you blame yourself noong nawala siya. But, Kuya, as you know, things happened. Pero ngayon na okay na lahat, I am giving this necklace to our little princess. Sa kanya na ito dahil unfair naman pag sayo ko ibibigay diba? Hindi fair, alangan namang ikaw lang ang may minana," pabiro na ang naging tono ni Chimon sa huling bahagi ng sinabi nito. Dala marahil iyon ng naging masyadong emosyonal ang atmosphere dahil sa sinabi niya.

"Thank you, Mon!" umiiyak na sabi ni Win sa kapatid. Matapos ay tumayo ito upang yakapin si Chimon.

Bright said his thank you, too, before Chimon and Pluem left them.

Then, Khao and Tay stood up from their seats and went near them. Tapos ay nagsalita na rin ito:

"Wala akong regalo, Bright and Win, kasi hindi ko talaga alam anong pipiliin dahil hindi ko pa alam ang gender. Pero I just want to say how much I am happy na finally kayong dalawa rin sa huli. I just wish that both of you will remain strong. Pagkatapos naman ng mga nangyari sa inyo alam kong mas pinatibay kayo ng panahon. Salamat, Win, for the friendship, and I just really wish you forever happiness because alam ko kung gaano mo ka-deserve yun," madamdaming sabi ni Khao.

Win embraced Khao and told him, "Thank you, Khao. I love you, bestie!"

"Always here for you and the rest of the family," pagwawakas ni Khao. He patted Nyle's head thereafter.

"Ako din, Win. I will give your little princess a gift kapag sa binyag niya. Hindi ako papayag na hindi ako ninong," nagbibirong hirit ni Tay kay Win.

"Nasa listahan ka talaga!" biro pabalik ni Win dito.

"Kidding aside though, thank you for letting me be your friend. Salamat ng marami. If it weren't for you, hindi ko makikilala ang matampuhin kong boyfriend," pagkasabi niyon ay tiningnan nito si New na inirapan naman siya.

"Ah ladies and gentlemen, tulungan niyo po akong kumbinsihin yung pinakamamahal ko. Ayaw po kasi akong kausapin. Nalimutan ko po kasing mag-message kaninang umaga kung anong oras ko siya susunduin. Kaya po ayaw, hindi na ako kinakausap ngayon," matapang na pahayag ni Tay sa mga bisita doon.

Nagtawanan ang lahat lalo ng nakita nilang binatukan si New ng kanyang tatay bago sinabing, "Napaka-petty mo. Nag-aral ka ng 10 years sa med school tapos di ka lang namessage nag-inarte ka na?" sabi pa nito, halata namang nagbibiro rin.

Lalo tuloy nagtawanan ang lahat. Lalo tuloy inirapan ni New si Tay.

"Kayo talagang dalawa!" sabi ni Bright kay Tay. Then, he told New, "OA mo pinsan!"

Muli nagtawanan ang mga bisita, pero nagpatuloy muli si Tay sa sinasabi, "I wish na super healthy si baby. Sana hindi ka rin mahirapan sa panganganak, okay? Basta pag kailangan niyo ng restaurant open ang Rado's, discounted kayo!" pagwawakas nito.

Sumunod nilang napansin ang pagtayo nina Off, Gun, at Mike. Bright's face lit up because of this. Although wala pang pormal na pag-uusap sina Mike at Bright ay alam ni Win na masaya ang asawa base sa mga reaksyon nito. Tingin naman ni Win ay maayos na rin ng dalawa ang di pagkakaunawaan.

"Yung sa amin, pre, kalokohan lang," simula ni Gun.

Nagulat naman sina Bright at Win nang biglang may pumailanlang na music sa venue. Instrumental iyon. Pamilyar kay Bright ang kanta dahil kinakanta niya na ito kay Nyle. Nang magsimulang kumanta si Gun ay biglang natahimik ang venue. May itinatago kasing talent ang kaibigan ni Bright pagdating sa pagkanta. Napaka-lambing ng tinig nito. Nang magsimulang magharmonize sina Mike at Off ay biglang naghiyawan ang mga bisita nila dahil sadyang napakaganda ng kinalabasan ng kanta. Pati si Win ay hindi na mapigilan maiyak dahil na rin sa lyrics ng kanta:

When you feel afraid,

When you lose your way, I'll find you,

Just try to smile, and dry your eyes,

I will bring back the moon into your skies.

And ever you will, remember darling, I'll be there to:

Say to you

I'll promise you

I'll promise to

Comfort you and say to you

Darling, I'll be there just for you.

There's so much to learn,

And when you want me

Then I'll show you,

And through the years,

You'll always be

The lullaby in the heart of the child in me.

Nang matapos ang kanta ay isa-isang yumakap sina Off at Gun kay Bright. "O bawal ka na mawala ha? Dalawa na yang maghihintay sa aruga mo, pre," sabi ni Off sa kaibigan.

Matapos ang pagpapasalamat ni Bright ay napansin naman ni Win ang paglapit ni Mike kay Bright. The atmosphere turned awkward pero mabilis lamang dahil ngumiti si Mike. Tapos ay sinabing, "Bati na tayo, pre?"

Bright smiled at Mike, then he said, "Basta hindi ka na mang-aagaw ng asawa ha?" pabiro nitong tinapik si Mike sa braso matapos iyon.

Nagtawanan silang apat na magkakaibigan. And Win cannot help but admire the boys. Alam ni Win na maaaring hindi na nila kailangan ng mahabang usapan dahil naging totoong magkakaibigan naman sila. And Win knew that in Bright's heart, napatawad na nito si Mike. The same goes for Mike, Win thought. Ramdam niya iyon sa dalawa.

When everyone was done giving their gifts and greetings to the family ay nagsimula na rin magsikainan ang mga ito. Naging masaya naman ang selebrasyon. Nakipagkamustahan ang mga bisita kina Bright at Win at tanging mga tinig lamang ng kaligayan at appreciation ang maririnig. Win cannot help but feel overwhelmed sa nararamdamanan niyang pagmamahal. He looked at Nyle and asked his son to embrace him dahil kahit papaano ay naalala niya kung paanong noon ay sila lamang dalawa pero ngayon ay napakarami na ring nagmamahal at susuporta sa kanila. His tears started shedding.

"Baby, why?" tanong ni Bright nang marahil ay mapansin ang pagpapahid ni Win sa luha.

"Nothing. I'm, ah, I'm just so - - ahm, so happy?" putol puto na sabi ni Win sa asawa dahil hindi niya rin macontain ang kaligayahang nadarama.

Niyakap naman siya ni Bright matapos iyon. And they ended the night with such a happy and emotional mood. Nang magsimulang mag-alisan ang mga bisita ay nagdesisyon sina Bright at Win na mag-stay sandali sa lanai para magtsaa. Nyle is already asleep. Napagod marahil ito. Ganoon din naman sina Chimon at Pluem who decided to stay sa mansyon. Pati rin ang mommy nila'y maagang nagpaalam sa kanila para magpahinga na.

"What are we gonna name our princess?" tanong ni Bright kay Win nang makaupo sila sa isa sa mga silya doon.

"Let's think about it. Ang hirap nga din mag-isip ng pangalan no," sagot ni Win.

"Pinag-isipan mo yung kay Nyle?" tanong ni Bright kay Win.

"Hoy! Oo naman no! Ang hirap kaya," sabi ni Win kay Bright.

"What does it mean?" tanong ni Bright.

Natigil si Win sandali. Tapos ay biglang nanlaki ang mga mata nito at tila excited na nagsalita. "Grabe! Is it just a coincidence, baby?" tanong nito kay Bright, still with that widened eyes.

"What?" natatawang tanong ni Bright dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng asawa.

"Diba, dad calls you Champ?" tanong nito kay Bright.

Tumango naman si Bright bilang pagsang-ayon.

"You see, noong buntis ako kay Nyle, I used to read a lot. Sobra kong naging tanggulan noon ang pagbabasa. And there was this one article I came across. It was a list of some Celtic names. The names there are quite intriguing, and that is where I saw the name 'Nyle'. Alam mo ibig sabihin?" tanong muli ni Win.

"What?" tila wala ng pasensya na tanong ni Bright. Naeexcite din marahil.

"A passionate champion," Win said.

Bright's eyes opened upon the realization. It was predestined. Parang naplano talaga ang lahat.

"And Friedrich means 'peaceful ruler' baby," dugtong ni Win.

Both of them were just in awe. Nakakatuwang isipin na ang tawag ng daddy ni Bright dito ay ang ibig sabihin din ng pangalan ni Nyle. Ngayon lang na-realize ni Win ang lahat ng pag-usapan nila ang mga ibig sabihin ng kanilang mga pangalan.

"I guess it's true, baby. Na we live up to the meaning of our names. Nyle is our champion, too. He was like our binding force. Para niya tayong pinagbigkis ulit. He is the true champion in our family," Bright passionately expressed.

Then, he went near Win and embraced his one and only. Ang tanging lalaking itinatangi ng puso. Ang dahilan ng kanyang pagpupursigeng pag-igihin ang buhay at mabuhay pa.

38th Week of Pregnancy

"Arrggghhhh!" sigaw ni Win ng maramdaman niya ang pagsirit ng sakit sa tiyan niya.

Mahigpit na mahigpit ang kapit ni Win kay Bright habang papasok sila ng delivery room. Hindi niya alam bakit ganito kahirap ang paglalabor niya sa ikalawa nilang anak. He wasn't like this with Nyle. Maybe because during that time may mga mas masasakit na bagay siyang naexperience bukod dito kaya kinaya niya.

Nang humilab ang tiyan niya kaninang umaga ay agad siyang dinala ni Bright sa ospital. Hindi naman naging matagal ang biyahe kaya hindi rin siya ganoong nahirapan. Pero ngayon ay mas triple ang sakit na nararamdaman niya sa tiyan.

Panay ang palo niya sa braso ni Bright dahil sa sakit. Pinayagan itong pumasok ng doktor dahil kakilala nila ito. Kaya habang umiiri si Win ay nakahawak lamang si Bright sa asawa, trying to take all the pain away.

"Arrgghhh!!!! Huwag ka ng uulit, Bright ha? Ang sakiiittt! Bwiset ka!" sigaw ni Win habang umiiri.

Natawa naman ang attending physician sa kanila. Halata kasing nagbibiro lang si Win, siguro'y dahil inaaliw ang sarili sa sakit na nararamdaman.

Natawag na yata ni Win ang lahat ng santo at namura na rin niya yata si Bright ng ilang beses dahil sa sakit, but nothing seems to work dahil sobrang sakit talaga.

"Sige, isa na lang po, Sir!" prompt na sabi ng doktor kay Win.

Isang malakas na iri ang ginawa ni Win at naramdaman niya ang dahan dahang paglabas ng anak sa kanya. He breathed heavily after that. Pakiramdam niya ay nagmarathon siya ng sobrang tagal sa pagod na nararamdaman.

Ngunit agad din napawi iyon ng marinig nila ni Bright ang pag-iyak ng bata.

"She's very healthy, Sir. Ang lakas din po ng iyak," pagkumpirma ng doktor.

Dinig nga nina Bright at Win ang malakas na pag-iyak ng bata. And when their baby was finally placed beside Win on the bed, Bright and Win cried in unison. Pareho silang umiiyak na nakangiti, full of happiness on their faces because they were blessed with another child to take care of. The fruit of their love for each other.

"Hello, baby!" sabi ni Bright sa anak.

"Amari. Amari Mireya," sabi naman ni Win.

Bright looked at Win dahil hindi niya alam na may naisip na pala itong pangalan para sa kanilang anak. "What does it mean baby?" tanong ni Bright sa asawa.

"She's our miraculous giver," sabi ni Win. "And we will call her Ame for short or in French, our beloved," dugtong pa ni Win sa sinasabi.

Bright smiled at Win. Then, he kissed both Ame and Win in the forehead. Happiness filled him as he looked at his family.

When Win was finally given the go signal to be in the recovery room ay agad silang sinalubong ng mommy ni Bright kasama si Nyle. Mabilis ang pagtakbo ni Nyle palapit sa kanila. Agad itong binuhat ni Bright kahit pa nga napakabigat na nito. Then, he told Nyle, "Hello, Kuya Nyle! Meet your baby sister, Ame!" magiliw na pahayag ni Bright.

Nyle's smile was outstanding. Halatang masayang masaya ito, "Hello, Ame! I am Kuya Nyle!"

Win's eyes went back and forth to Bright, Nyle, and Ame. And a feeling of contentment rushed through him. He's grateful. Walang hanggan ang pasasalamat niya na ipinagkaloob pa sa kanya ang isang buo at masayang pamilya. Tanggalin na siguro ang lahat ng materyal na bagay sa kanya at magiging masaya at kuntento pa rin siya basta kasama ang mag-aama niya. Wala na siyang hihilingin pang iba.

Bright's feelings were the same. Both of them just had a quick flashback of how they started and where they thought they would end up. Pero pareho silang nadala sa konklusyon na hindi natin kahit kailan mapepredict ang kahahantungan ng mga buhay natin. Laging iba ito sa mga ninanais natin.

Maaring maging masaya ang ending, maaari din namang hindi. Pero iisa ang sigurado silang dalawa. Life is a matter of choice. And sometimes those choices may not be leading you to the dream you've always wanted. Pero hindi imposible ang lahat sa panalangin at ang pagtatrabaho sa pinapangarap natin. Win wanted to build a family with Bright. And the latter wanted a chance to rebuild his family. Both of them didn't think it was possible, but God granted them that because they both remained faithful to one thing: their love for each other, tested by time and circumstances, but it remained true and everlasting.

THE END.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

112K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
52.6K 1.8K 49
********** WARNING ⚠️: BOY'S LOVE SERIES SMUTS ALERT READ AT YOUR OWN RISK ********** Si Jihoon ay isang normal na college student. Matalino, snob...
260K 6.5K 46
Sa mundong kinagagalawan ng lahat, normal naman siguro ang magkasala pero normal pa kayang tawagin kapag nalabag mo ang isa sa pinagbabawal na kasala...
356K 5.7K 36
Rated SPG. Reminder: Boy x Boy SPG Magbasa kayo. Gamitin nyo mata nyo at unawain nyo ung reminder. Kung ayaw nyo ng gantong story, wag basahin. Tapo...