I fell Inlove with A Man Name...

By authornaoverthinker

271 31 0

One day they'll realize they lost a diamond while playing with worthless stones.. More

Synopsis
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
Chapter 4 (MANOY KAPAY)
Chapter 5 (R18)
EPILOGUE (part 2)

EPILOGUE (part 1) CLOSE YOUR EYES,BABY

36 3 0
By authornaoverthinker

Lumipas ng ilang buwan ng sagutin ko si Ash.

Walang araw na hindi nya ipinaramdam sa akin na ako lang yung babaeng pinakamamahal nya.

Bulaklak, tsokolate, at kung ano anu pang mga regalo ang araw araw ay natatanggap ko mula sa kanya.

Nagkamali ako ng isiping pareho lamang kame ng estado ng buhay noon, dahil malaman kong anak pala sya ng isang napakayamang negosyante at sya rin ng nag iisang tagapag mana ng mga monroe.

Nung una ay hindi ako tanggap ng father nya dahil sa hindi naman ako ganon kayaman tulad nila, pero nung makilala nila ako ng lubusan ay kusa na rin nilang tinanggap kung ano at sino ako para sa anak nila.

Nakakatuwang isipin na yung taong ayaw sayo noon ay heto at nakakwentohan mo na at nakakasalo na rin sa hapag kainan.

"Hon.." Narinig ko na lamang ng tawagin ako ni Ash.

"Hon, Upo ka dito."

"Kanina pa kita hinahanap, Malamig na dito sa labas."

Napangiti na lamang ako ng mahipit nya akong yakapin mula sa likuran ko. Ito ang pinaka nagugustohan ko talaga sa kanya.

"Napaka ganda ng buwan, Ash. Bilog na bilog at napaka liwanag. Ganon rin ng mga bituin, Kung sana ay kaya ko silang abutin ay gagawin ko."

"Yeah.." Sa tantsa ko ay napipilitan lamang syang tugunan lahat ng sinabi ko.

"Ash.."

"Hon-It's Hon, Baby." Pagtatama nya sa pagbanggit ko ng pangalan nya.

Natawa na naman ako sa inasal nya.

Para talaga syang bata na nasa katauhan ng beynte syete at gwapong lalaki.

"Tss.. Kahit ano pang itawag ko sayo, Ganon pa rin yung pagmamahal ko at di yun nababawasan sa tuwing babanggitin ko ang pangalan mo, okey?"

"Yeah.. Whatever!"

Natapos ang gabi ng kami lang dalawa ang magkasama.

Kinaumagahan ay muli nya akong ipinasyal,

Nag date,

Naglakad while holding hands,

Nag tawanan,

At sa huli ay heto naka upo kaming dalawa sa loob ng simbahan.

Katatapos lang ng misa ni father.

"Hon, gusto kong makita ka balang araw na lumalakad sa simbahang ito hindi dahil nagdarasal ka kundi dahil ikakasal ka at lumalakad ka palapit sa akin. Gusto kong makita ka na nakasoot ng wedding gown habang ako naman ang gwapong groom mo."

Kung kanina ay nakangiti lamang ako, ngayon naman ay kinikilig na ako at hindi iyon maitago ng katawan ko.

"And that's a f*cking-" Pareho kaming natawa ng maalala nyang nasa loob pa rin kami ng simbahan. "Sorry.. As I said I'll merry you, I promise, Babe."

"Tinanong mo na ba ako kung magpapakasal ako sayo??" Natatawang tanong ko, hindi nakatakas sa akin ang pagkabugnot nya.

"Why? I know you'll merry me, babe."

"Paano kung hindi??"

"I Don't take No for an answer, baby. You know me." Yeah! Yeah!

"I'm just kidding, Hon." Isang mabilis na halik ang iginawad ko sa labi nya. "Hon, Rest room lang ako, Naiihi na ko eh."

"Go ahead, Baby. Aantayin kita."

Mabilis akong naglakad papunta sa Banyo, Malapit na sana ako makarating doon ngunit bigla na lamang may humila sa kamay ko at may tumakip ng bibig at ilong ko, Naramdaman ko na lang na unti unti akong pinanghihina ng amoy niyon hanggang sa kumalat na ang dilim sa mga mata ko.

Nagising na lamang ako na nakatali na pala ang mga kamay at maging ang dalawang paa ko.

Inalala ko ang huling nangyare bago ako makuha ng mga di ko kilalang lalake.

"Sino kayo? Anong kailangan nyo sakin?"

"Sa'yo wala, Pero sa Nobyo mo Malaki! " Ani isang lalaki. May hawak syang mahabang baril at natatakot ako sa kanya.

Ano bang kasalanan sa kanila ni Ash?

Nabalot ako ng kaba at takot.

Hon...

Ilang oras ang lumipas ng marinig ko ang Tunog ng motor ni Ash.

Nandito ka na..

Siguradong nagaalala na sya sa kalagayan ko.

Palagi mo na lang akong inililigtas.

"Hon!!" Palahaw ko ng may isang lalaki ang humampas sa likuran nya.

"Hon.. Baby.. Sinaktan ka ba nila?" Sa halip na indahin nya yung paghampas sa kanya ay mas pinili pa nyang kamustahin ang lagay ko.

Nagngangalit ang mga ngipin ko, pilit kong pinaluluwag ang tali sa mga kamay ko ngunit sadyang kay higpit niyon.

"Ash.. Labanan mo sila.. Wag mo silang hayaang gulpihin ka lang!"

"Wag mo akong alalahanin Hon, Sinaktan ka ba nila?" Pag uulit nya.

"Sinaktan nila ako kanina pero baliwala na yon kasi nandito ka na"

Nang marinig ang sinabi ko ay kaagad na nagbago ng awra ng mukha niya. Hayun na naman yung awra na kahit ako ay kinatatakutan sya.

"Close your eyes, baby. Kahit anong mangyare wag mong titingnan ang gagawin ko."

Nalilito ako kung susundin ko ang sinabi nya, ngunit sa huli ay sinuway ko sya. Pinanood ko kung paano nya pag sasapakin ang mga lalaking kumuha sa akin na para bang ganon kadali sa kanya ang lahat.

Wala nyang awang hinugot ang baril na nasa tagiliran nya at wala nya ring awang ipinutok ito sa lalaking humapas sa likuran nya.

Kaagad na humandusay ang lalaki, At sinunod naman nya Ang isang lalaking lumabas mula sa likuran nya.

Kung kanina ay baril ang hawak nya, ngayon naman ay isang matulis na patalim. May isang dipa ang layo nya sa lalaki kaya naman pag harap nya dito ay ganon na lang kaasintado ang bato nito sa patalim at tumama ito sa Noo ng lalaki. Kaagad itong humadusay sa sahig.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw nyang makita ko syang ganito kabayolente.

Ayaw nyang matakot ako sa kanya.

"Hurt my girl and I will kill you fuck'n asshole! I will send you to hell!!"

"Ash.." Bulong ko sa pangalan nya.

"Am I cool, baby?" Sa gitna ng pakikipag laban nya nagawa pa talaga nyang mag biro.

"Hon.. Tama na natatakot na ako, Please.." Umiiyak na Pag awat ko.

"I told you not to watch, Antigas kasi ng ulo mo"

Wala akong magawa kundi ang umiyak dahil sa takot at kaba.

Lumipas ang oras ng bumaliktad ang sitwasyon, ang kaninang nambubugbog na si Ash ang ngayon ay nagugulpi na.

"Kung hindi mo na sana pinakialaman pa ang mga ginagawa namin, edi sana wala ka sa kalagayan mo ngayon!" Walang awa nila kung pag tulungan si Ash.

Hon!!!

Wala akong magawa kung sana ay di nakatali ang kamay ko, may magagawa sana ako.

"Naaalala mo pa ba ang nangyare noon sa Nobya mo? Si Ella?"

"Wag mo syang idamay dito!!" Narinig ko ang pag sigaw niya.

Ito ang dahilan kung bakit nya sinisisi ang sarali noon. Ganitong ganito ang senaryo na para bang mauulit na naman iyon ngayon.

"Panoorin mo kung paano maulit ang nakaraan, Monroe!" Nang sabihin iyon ay may isang lalaki ang biglang lumapit sa akin.

Hindi pa rin ako tumitigil sa pag luha, lalo na ng may maramdamang akong dulo ng baril sa Sentido ko.

Wala akong ibang tinitingnan kundi si Ashton. Kung ano man ang mangyare gusto kong sya lang ang kahuli-hulihang tititigan ng mga mata ko.

"Ash.." Usal ko.

"Huwag!!" Sa kabila ng bugbog sarado nyang katawan ay pinilit nyang gumapang patungo sa akin.

Nakaawa ang kalagayan nya..

Kasalanan ko 'to!!

"Hon, Okey lang ako.." Mahirap kumbinsihin ang sarili ko na ayus lang talaga ang lahat. Pero kung ito lang ang bagay na makapag liligtas sa lalaking mahal ko, Masaya akong mag sasakripisyo. "close your eyes, Ash."

"No.. Baby!- Ako ng barilin mo! Wag nyo sya idamay! Parang awa nyo na!"

Mas lalong umagos ang luha ko nang makita kung paano syang mag makaawa sa lalaking tumututok ng baril sa ulo ko.

Wala akong narinig kundi ang mala demonyong tawanan nila.

"Pag dating sa babae, napakahina mo talaga, Monroe!"

"Mahina na kung mahina! Wag nyo syang idamay!-Ako! Sa akin nyo iputok lahat ng baril nyo mas tatanggapin ko pa iyon!!"

"Ash.."

"Please!! I'm begging!!"

Muling nagtawanan ang mga lalaking nasa paligid namin.

Ilang saglit lamang ng may lalaki ng kumakalas ng tali sa mga kamay at paa ko.

Itinayo nya ako saka sinabunutan at iniharap kay Ashton.

"Bitawan mo sya o Papatayin din kita!" Galit na sigaw dito ni Hon, ngunit mas idiniin nito ang pag sabunot sa buhok ko.

"Gusto mong magpaka bayani? Pagbibigyan kita." Ani ng isang leader nila.

"Wag nyo lang syang galawin!" nanghihina na ang boses niya.

Sandaling katahimikan ang namutawi ng marinig kong mag kasa ng kanyang baril ang pinaka leader nila.

"May huling habilin ka pa ba sa nobya mo,?"

Umiling ako ng umling, hindi ko kayang tanggapin na isasakripisyo nya ang buhay nya para sa akin..

"Hon, I'm really sorry. Please at this time close your eyes. I don't want you to see me like this. Continue your life, okey? Even without me." Pinilit kong yumakap sa kanya.

Ayaw ko syang mawala!

"Wag hon.. Ayaw ko. Patayin na rin nila ako. Please lumaban ka.." Walang humpay sa pag tulo ang luha ko.

"I recorded my songs and I want to share that with you. Alam mo naman ang bahay ko, baby di ba? Nasa kwarto ko ang lahat ng iyon."

"Hindi!! Ayaw ko!"

"Wag nang matigas ang ulo, baby. Go ahead, turn around and don't look at me no matter what happens. Okey?"

Walang bahid ng takot ang mukha nya, wala syang pakialam kahit pa mamatay sya basta mabuhay lang ako.

Masakit man ay sinunod ko ang sinabi nya. Pigil ang hiningang tumalikod ako sa gawi nya.

Ayaw kong tanggapin!

Ayaw ko!!

Nagulat na lang ako ng may dalawang mag kasunod na putok ng baril ang bumalot sa buong lugar na aming ngayo'y kinasasadlakan.

Hon....

Naramdaman ko na lang ang pag iinit ng dibdib ko, nang hawakan ko iyon ay tila tinakasan ako ng natitirang lakas ko ng makita ang bahid nang dugo na tumutulo mula mismo sa kaliwang dibdib ko.

Unti unti akong pinanghihina niyon hanggang sa pinilit kong makalapit sa kanya, Napakahayop ng gumawa nito.

Nanginginig ang buong katawan ko ng mabungaran ko ang duguang mukha ni Ash, Wala syang malay at kinakapos na ng hininga.

"A-Ashh.." Impit ang boses na usal ko, bahagya kong inuuga ang katawan nya pero nagulat na lamang ako ng bigla nyang kapitan ng mahigpit ang palad ko.

Ashhh..

Pilitin ko mang lakasan pa ang loob ko ay binalot pa rin ng kulay itim ang buong paningin ko hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod pang nangyare.

Continue Reading

You'll Also Like

572K 8.7K 86
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
156K 17.2K 23
"𝙏𝙤𝙪𝙘𝙝 𝙮𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙛, 𝙜𝙞𝙧𝙡. 𝙄 𝙬𝙖𝙣𝙣𝙖 𝙨𝙚𝙚 𝙞𝙩" Mr Jeon's word lingered on my skin and ignited me. The feeling that comes when yo...
6.6K 57 4
The Governor. Is he going to have her or Not. Arran Scott the nations governor, finds himself in love some years after his wife's tragic dea...
3.4K 85 19
yn lives with her step mother. her father died in an fight and her real mother died when she was 4 years old. yn and her step mom doesn't live in vil...