"nat ganda mo ngayon" taas babang kilay na sabi ni duke
gag* din eh lakas mang asar
hindi ko nalang sya pinansin at nag patuloy nalang sa pag kain ko.
pero hindi talaga ako tinigilan ng loko at talagang inaasar ako
kaya naman ang ginawa ko ay tinadyakan ko ang paa nya agad naman sya na aray dahil sa ginawa ko
"ansakit nun ah!" bulyaw nya sakin, tiningnan kolang sya ng masama at nagpatuloy na sa pag kain
"sumbong kita kay lucas!"sambit nya pa
naalala ko bigla ang imahe ng isang lalaking pinakamamahal ko si lucas parang may sumakal sa puso ko nang mapansin ko ang tila pag babago nya sakin.
"pst uy natahimik ka jan?"bumalik ako sa aking realidad ng mag salita ulit si duke
inis kong tumayo at tiningnan sya ng masama
"pwede ba wag mong banggit-banggitin yang pangalan na yan naiirita ako!"bulyaw ko sakanya at nag martsang umalis
narinih kopang bumulong sya ngunit hinayaan ko nalang at umalis na
nagtungo ako sa veranda ng kwarto namin
iniisip ko ang ginawa nya kaninang umaga
FLASHBACK
pag gising ko ay naramdaman kong parang wala na si lucas sa tabi ko kaya naman iminulat ko ang aking mata upang hanapin kung nasan sya
nakita ko syang nakatayo sa may veranda may hawak na yosi sa kaliwa at may hawak na cellphone sa kanan
lumapit ako ng bahagya sakanya ngunit hindi nya ako naramdaman sa likod nya
"what do you want me to do then?" he said in husky way
sino ang kausap nya?
"fine love just please wait for me there ok?"
l-love?anong ibig sabihin nito?
"ok see you later i love you"he said then hang up the phone
agad akong humiga sa kama at nagkunwaring tulog
naramdaman ko ang pag lubog ng kama at ang pag galaw nya
"tss piece of sh!t" bulong nya pa
hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya pero parang nanikip ang dibdib ko sa sinabi nyang yun
END OF FLASHBACK
Naramdaman ko ang pag tulo ng aking luha saking pisngi
napaka gulo na ng aking isipan maraming tanong ang pumapasok saking isipan
sino ang kausap nya?
san sya pupunta?
sino ang tinutukoy nya?
at isa pa ano nga ba talaga ako sakanya?
ang huling katanungan sa isipan ko ang mas lalong nagpasikip saking dibdib
girlfriend nyaba talaga ako?
bakit ganon?bakit sobrang sakit?
ganto ba talaga kapag nainlove ka sa isang lalaki?
kung ganto lang din pala sana hindi nalang ako sumugal kase sobrang sakit
natigilan ako sa pag iyak nang marinig kong may kumatok sa pintuan
inayos ko ang aking sarili bago buksan ang pinto
bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni aiden
"i know you're not ok nathalia" pinalibot nya ang kamay nya saking bewang at hinila ako dahilan para mapayakap ako sakanya
"sobrang sakit aiden" sambit ko at hindi na napigalang lumuha pa
"hush go on cry all you want im here ok" malambing na sambit nya
hindi kona napigilan ang sarili ko niyakap ko nang mahigpit si aiden dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko
hanggang sa bumigat ang talukap ng aking mga mata
bago pa man ako makatulog ay narinig ko pa ang mga sinabi nya
"maling tao ang napili ng puso mo mahal ko" malungkot na sabi nya nakita kopa ang kanyang matang nangungulila
naramdaman ko ang pag halik nya saking noo
hanggang sa nakatulog na ako
AN: im sorry if this is just a short update
don't forget to vote, comment and share