You Are My Everything (COMPLE...

By AiaRev3use

14.9K 560 1.8K

He is a playboy, for him a girl is just a toy. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Dahil alam niya na sa huli... More

SYNOPSIS
YOU ARE MY EVERYTHING
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 1

1.1K 25 65
By AiaRev3use

CHAPTER 1


'Shero May P.O.V'

"Anong ako? Ikaw ang may kasalanan! Kung hindi ka sana nag-susugal hindi sana mauubos ang perang inipon natin," napapikit ako dahil sa sigaw ni mama kay papa.

Ganito ang senaryong naaabutan ko tuwing umuuwi ako galing eskwela at ng palengke. Malakas akong tumikhim upang mapansin nila ako. Pareho silang napatingin sa deriksyon ko.

"Oh, nakauwi ka na pala." bungad ni mama, step mother ko.

Gusto kong sumagot at barahin ito ngunit itinikom ko na lang ang bibig ko at tumango.

"Magkano ang pinagbentahan mo?" tanong ni papa. Lumingon ako dito at ibinigay ang pinagbentahan ko ng isda kanina sa palengke.

Tuwing sabado at linggo ay nagtitinda ako sa palengke ng isda, sideline upang may pandagdag sa pang-araw araw namin at maging baon ko sa eskwela.

Kalahati lang sa sweldo ko ang iniabot ko sa papa ko at ang kalahati ay para sa akin.

"Bakit ito lang?" tanong ni papa at itinapat ang dalawang daan sa mismong mukha ko.

"Iyan lang ho ang ibinigay na sweldo sa akin," sagot ko at bahagyang umatras.

"Ano pa nga ba ang aasahan mo sa batang 'yan? Siyempre wala, hindi niya gayahin ang kuya Gelo niya, hayun nasa ibang bansa na at nakakapagtrabaho ng maayos at nakakatulong sa atin samantalang ayang anak mo? Wala man lang silbi," sunod-sunod na palatak ni mama, napayuko ako sa mga masasakit na sinabi nito ngunit hindi ako iiyak, hindi na.

"Hayaan mo na, sa ngayon May palalampasin ko ito. Sa susunod mas bigyan mo na lang ako ng mas malaking halaga," si papa ang nagsalita at pagkatapos no'n ay umalis na sa harapan ko at lumabas nang bahay.

"Oh, ano pang tinutunganga mo riyan? Magluto ka nang hapunan," utos ni mama, tumango lang ako at naglakad na papuntang kusina.

Napabuntong hininga ako bago naghugas ng kamay sa lababo. Sanay na ako sa araw-araw na sinasabi nila. Na wala akong silbi at lagi akong ikinukumpara sa kuya ko na nasa ibang bansa.

Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ang purihin at mapansin din nila sa mga ginagawa ko? Kahit pa yata linisan ko ang buong bahay at magbigay ako ng milyones kung meron man, sa kanila ay sa paningin pa rin nila ay wala akong silbi.

Mamayang gabi ay may raket akong papasukan pandagdag sa ipon ko at pangbigay kay papa.

May iniuwi akong tilapia, tira ito sa paninda ko kanina at ibinigay lang sa akin noong may ari ng mga tinitinda kong isda sa palengke.

Nilinisan ko pa muna ito at hinugasan bago iniluto, paksiw ang gagawin kong pangluto, dahil takot akong iprito ito.

Habang nagluluto ay isinabay ko na ring iluto ang kanin sa kabilang kalan upang habang nagluluto ng ulam ay nagluluto na rin ako ng kanin para sa amin.

Nang matapos ay inihanda ko na ang mga pinggan, baso, kubyertos sa mesa at tinawag sina mama at papa.

Pagkaupo nila sa hapag-kainan ay agad na silang nag-simulang kumain habang ako ay taimtim munang nagdasal bago kumain.

"Papasok ka ba mamaya?" tanong ni mama.

Ngumuya muna ako bago tumango. "Opo."

"Aba dapat lang," sagot nito at nagpatuloy na sa pagkain.

Nang matapos na silang kumain ay basta na lang silang umalis at iniwan akong kumakain, napabuntong hininga na lang ako tinapos ang pagkain. Ako na rin ang naghugas ng pinggan dahil wala naman akong maasahang gagawa no'n.

Dumeritso ako sa maliit kong kuwarto at kumuha ng tuwalya at pamalit, kailangan kong maligo at magpalit dahil amoy isda pa rin ako, nakakahiya namang pumunta ng lugawan sa karendirya kung amoy isda ako.

Paalis na ako ng mapansing wala na naman sina mama at papa, malamang umalis ang dalawa at pumunta sa kung saan. Napabuntong hininga na lang ako at isinara ang pinto bago naglakad paalis.

Nilakad ko hanggang kanto at huminto para maghintay ng traysikel na mapapadaan. Ilang saglit na paghihintay ay may dumaan na ring trycicle, sa labas ako sumakay dahil puno na ng pasahero sa loob.

Huminto ang sinasakyan kong traysikel sa tapat ng isang panaderya, hindi kalayuan sa lugawan na pinagtratrabahuan ko. Nagbayad ako ng pamasahe bago naglakad palayo at papuntang lugawan.

Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ni Aling Betty, ang may ari ng lugawan. Nginitian ako nito. "Mabuti naman at nandito ka na, wala pa si Marlo- este si Marla malamang ay nahuli na naman, sige na asikasuhin mo na ang ibang mga costumer, dumadami na."

Tumango lang ako bilang sagot at naglakad na papasok sa isang pinto, at doon ko nakita si Manong Berting ang kusinero, ito ang taga-luto ng lugaw, ito rin ang asawa ni Aling Betty.

Kinuha ko ang kulay itim na apron na nakasabit sa gilid at isinuot iyon, kinuha ko ang apat na tray na lagayan, at inilitag iyon sa malaking mesa, kinuha ko ang mga mangkok na may lamang lugaw at inilagay sa tray na nasa mesa.

"Kuhanin mo itong listahan ng mga order dito sa tabi ko, para malaman mo kung kanino mo ibibigay ang mga order," utos ni Manong Berting, tahimik akong tumango at naglakad palapit sa kaniya, pagkatapos ay kinuha ko ang listahan na nasa tabi lang niya.

Saglit ko iyong tinignan at binasa bago ko ibinulsa sa bulsa ng apron. Binuhat ko ang isang tray na may lamang lugaw pagkatapos ay naglakad palabas ng silid.

Inilapag ko sa unang table ang limang mangkok nang lugaw. "Limang order nang lugaw, may idadagdag pa kayo?" tanong ko sa seryosong boses.

Nagtaas ng kamay ang isa. "May sabaw ba kayo?" tanong ng isa sa kanila, tumango ako bago umalis.

Bumalik ako sa loob at sinabi kay Mang Berting ang limang sabaw. Kumuha ako ng mangkok para paglagyan ng sabaw at iniabot kay Mang Berting. Kumuha rin ako ng isa pang tray at doon ko inilagay ang mga mangkok na may laman ng sabaw.

Lumabas ulit ako at inilagay ang mga sabaw na nasa mangkok sa mesa ng mga humingi. Tumalikod na ako at bumalik ulit sa loob, kumuha ako ng mga lugaw na nasa mangkok at inilagay ulit sa tray at pagkatapos ay ideniliver ko sa mga customer na naghihintay, naging gano'n ang routine. Ako ang taga-bigay ng mga order at taga tanong sa mga darating kung ano at ilan ang bibilhin.

"Ghurl, ano kaya pa ba?" si Marla, ang baklang kasamahan ko dito sa trabaho. Mabuti pa ito dahil nakatoka bilang taga-tanggap nang bayad ng mga costumer.

"Mukha bang hindi?" walang buhay na boses kong tanong pabalik.

Inirapan ako nito. "Ay palaban."

"Tsk," magsasara na kami, dahil pasado alas-dose na ng madaling araw at walang ng mga costumer. Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng mesa at pag-aayos ng upuan.

...

Sabay kaming naglalakad ni Marla habang papunta sa paradahan ng traysikel. "Ghurl?" tawag nito, hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatuon ang tingin sa nilalakaran. "Ay sungit mo naman."

"May chismiss sana ako ayaw mo namang makinig," anito, napabuntong hininga na lang ako dahil sa kadaldalan nito. "Pero kahit ayaw mong makinig, ayos lang ichichismiss ko pa rin."

"Tigilan mo ako Marlo."

"Anong Marlo? Marla, Marla hindi Marlo, tandaan mo 'yan May," pagpapalatak nito na para bang malaking big deal 'yun para sa kaniya, saglit akong himinto at tumingin sa kaniya.

"Anong ipinangalan ng nanay mo?" tanong ko at namulsa sa suot kong kupas na pantalon.

"Marlo," sagot nito.

"Oh, edi Marlo hindi Marla," seryosong sabi ko, hinampas ako nito sa balikat at inirapan.

"Marla na nga kasi itawag mo, kaloka ka! Stress beauty ko sa'yo," napapa-irap na sabi nito. "Ito na nga 'yong chismiss ko sa'yo-."

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Tigilan mo ako, ayaw kong makinig ng chismiss mong hindi makatutuhanan."

Umismid ito. "Kailan pa ako nag-chismiss ng hindi makatutuhanan? Hoy totoo ito, iyon na nga may nakita akong guwapo at makisig na lalaki kanina at sa tingin ko siya na ang true love of life ko."

Napairap ako sa hangin. "Iyon ang chismiss?" tanong ko.

Nakangiti at tila kinikilig na tumango ito ng sunod-sunod. Umismid ako at naglakad na, iniwan siya.

"Hoy ghurl, teka! Echoss mo naman!" sigaw nito at hinabol ako.

Napahawak ako sa batok ko dahil sa pangangalay kanina habang nakayuko. Pumikit-pikit ako bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy ayos ka lang?" tanong ni Marla.

Tumango ako. "Ayos lang," maikling sagot ko.

Pareho kaming sumakay nang traysikel, mabuti na lang at may namamasada pa sa ganitong oras. Mauuna ang bahay nina Marla, kesa sa bahay namin.

Kung kaya ng bumaba na siya sa mismong tapat ng bahay nila sunod sunod ang banta niya sa driver na sinakyan namin. "Hoy manong, baka rapist ka? Iuwi mo ng maayos ang kaibigan ko sa lugar nila."

Napapikit ako sa mga pinagsasabi ng bakla, nakakahiya ang bibig nitong walang salaan.

...

Maayos at matiwasay naman akong naka-uwi sa bahay namin, sarado na ang pinto at madilim na sa loob. Sinubukan kong pihitin ang door knob ngunit naka-lock na ito. Bumuntong hininga ako at naglakad papuntang likod ng bahay para doon dumaan papasok ng bahay.

Dumeritso ako sa maliit kong kuwarto at tinanggal ang suot na sapatos, pagod akong humiga sa kama.

Nakakapagod, pero kinaya at kakayanin. Pumikit ako hanggang sa lamunin na ako nang antok at tuluyan ng makatulog.

...

Ala-singko emedya pa lamang ay gising na ako, kailangan kong pumasok sa paaralan. Senior High School student na ako at hindi ko pweding pabayaan ang pag-aaral ko dahil para iyon kay Kuya Gelo. Ito ang pangako ko sa kaniya bago siya umalis papuntang ibang bansa, ang magpatuloy at magtapos nang pag-aaral.

Nagluto ako ng almusal para sa amin pagkatapos ay kumain na rin ako. Iniwan ko ang niluto ko sa mesa at tinakpan bago naligo.

Nang matapos maligo ay sa loob na rin nang banyo ako nagbihis ng uniform para sa pagpasok. Fitted plain skirt at kulay puting polo shirt na may halong kulay gray naman ang pang-itaas na uniform ang suot ko, napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako kumportable sa suot kong uniform, ang ikli ng palda na animong kinulang sa tela ang mananahi.

Kinakailangan ko ring mag-suot ng skintone stocking, para matakpan ang stretch marks ko sa likod ng binti, nakuha ko ito noon no'ng tumaba ako at pagkamot sa tuwing may regla ako. Napabuntong hininga ako bago isinuot ang two inch black shoes.

Kinuha ko ang bag ko na nasa gilid ng kama ko at isinukbit ito sa kaliwang balikat bago lumabas ng kwarto. Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto ng kwarto nina papa. "Alis na po ako," paalam ko at naglakad na palabas ng bahay pagkatapos itong maisara.

Napatingin ako sa relong pambisig ko bago napabuntong hininga, mukhang hindi ako mala-late ngayon.

Sa kanto ako maghihintay ng traysikel na pweding sakyan papuntang school dahil walang mga traysikel sa paradahan dito sa baranggay namin.

Mabilis akong napa-atras nang may humaharurot na kotse ang dumaan sa harapan ko, mabuti na lang at hindi ako nito nasagasaan. Napaka-walang modo sa kalsada!

Marahas akong napabuntong hininga at inayos ang nakasukbit kong bagpack. Sakto at may humintong traysikel sa tapat ko kung kaya sumakay na ako.

A/N: Hmm? Sino kaya 'yong walang modong 'yun?

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 141 23
[Matured Content] May mga bagay sa mundo na mahirap paniwalaan at mapanindigan, isa sa mga bagay na ito ay ang tinatawag nila na mga kathang-isip at...
155K 3.3K 32
My Boyfriend is The Professor Book 3 Dont forget to read the first 2 books before reading this. My Boyfriend is the Professor (1) I'm Married to a...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.3K 64 31
Isang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng s...