Secret Glances

By viexamour

37.9K 847 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Kabanata 18

830 22 1
By viexamour

"Milada? Amadeus? Nasaan kayo?" mabilis akong naglakad palapit sa lababo.

Si Amadeus naman ay lumapit sa akin at sumandal sa sink na ikinalaki ng mata ko at hindi siya makapaniwalang tiningnan. Nandoon pa rin ang tingin niya na kakaiba at nakakakaba. 

Nahihiya akong nagbaba ng tingin.

"Milada?"

Naging mas malinaw ang boses kaya nalaman kong si Tita Analyn pala ang tumatawag.

"N-Nandito po!" sigaw ko.

Lumitaw si Tita Analyn ng nakangiti. Pero agad napalitan ng pagtataka ng tumingin sa aming dalawa.

"O? May problema ba, Milada?" agad akong napaayos ng tayo dahil doon.

I can still feel Amadeus stares, at alam kong nakikita niyang namumula na ako. I bit my lower lip to suppress my nervous face at the same time my flushed face.

"What are you doing here, Mom?" tanong ni Amadeus.

"Ano bang tanong 'yan, anak? Nagdala akong pagkain kay Milada dahil mag-isa lang siya dito. 'Tsaka masyadong maraming dalang pagkain ang mga pinsan mo." Mas lalo lang akong nahiya at bahagyang lumayo kay Amadeus.

Inilabas ni Tita Analyn ang mga dala mula sa loob ng paper bag. Siya na rin mismo ang nag-ayos at ayaw akong patulungin. Magkaharap kami ng upuan ni Amadeus kaya nakikita namin ng mas malinaw ang isa't-isa.

Ako lang ang kumakain dahil ayaw na ni Amadeus lalo't nakakain na rin naman siya sa kanila. I can feel his dark orbs staring at me. Mabuti na lang at nagsasalita si Tita Analyn at kung miminsan ay tinatanong ako.

"Ano ba ang balak niyong dalawa?" si Tita Analyn.

"We'll watch a movie, Mom..." sagot ni Amadeus.

Nasa may sala na kami at ihahatid si Tita Analyn sa labas.

"Gano'n ba?" tumingin sa akin ang mama ni Amadeus. "Kung gano'n... aalis na ako," ngumiti lang ako at hinayaan si Amadeus na siya ang maghatid sa mama niya sa labas.

Ako naman ay sinet-up na ang TV para pagbalik niya ay mamimili na lang na panonoorin.

Kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon lalo't ito ang kauna-unahang beses na makakasama ko si Amadeus sa ganitong sitwasyon. Manonood ng movie. Kakain. At kaming dalawa lang. Wala naman akong ibang malisya na binibigay pero dahil gusto ko siya ay hindi ko rin maiwasan na kiligin.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Amadeus kaya nagkunyari akong busy sa may TV kahit pa ramdam ko na ang papalapit niyang presensya.

"What movie do you want?" nataranta ako kaya bumagsak ang mga CD sa carpeted floor.

"A-Ah, wait lang..." sabi ko at mabilis na pinulot ang mga CD.

Tinulungan niya ako at sabay namin nakuha ang isang CD na hindi ko kailanman naisip na meron no'n doon.

Namilog ang mata ko at kita kong natigilan din siya habang titig na titig sa balot ng CD. A woman who’s topless and behind her is a mascular man that is also topless.

I gulped and suddenly felt the heat on my face because of my sudden embarrassment. Nagkatinginan kaming dalawa kaya mabilis ko 'yong hinablot at itinago sa likod ko.

"Hindi sakin 'to!" agad kong depensang sabi sa kanya.

"Wala naman akong sinabi." Matigas ang boses niya ng sabihin 'yon.

"A-Ah... oo! A-Ano... kay ano 'to... kay Cassie. A-Ano kasi..." natataranta kong sabi.

Shit! Why am I stuttering?!

"Go on..." he sitted while looking at me with a bored face.

Lalo tuloy akong nahiya at napaiwas ng tingin sa akin.

"She always wants me to watch it..." tumikhim ako.

"Nanood ka ng porn?" suminghap ako sa bulgar niyang salita.

"Hindi!" halos isigaw ko na 'yon sa mukha niya.

Akala ko ay inuwi na 'yon ni Cassie  sa kanila. Pero nilagay niya naman pala sa lagayan ng mga CD. Paano kung nakita 'yon ni Tita Kilari? Gosh! Pahamak talaga ang babaeng 'yon!

"Then what's that?" nakagat ko ang ibabang labi ko.

Nakita kong tumingin siya roon pero agad din nag-angat ng tingin sa mukha ko.

"Akala ko inuwi niya na 'yan sa kanila. Hindi ko naman alam na nandyan pa pala! I swear! I never watch porn videos!" mas nagtunog depensa ang boses ko.

Gumapang siya palapit sa akin at mabilis na nakarating sa pwesto ko. Naiatras ko ang aking katawan ng ilang pulgada na lang ang layo ng aming katawan sa isa't-isa. He was fast that he was able to take the CD on my hand at my back. Umupo siya kaharap ko at binuksan ang lagayan ng CD.

Suminghap ako ng baliin niya ito sa gitna. Hindi lang isang beses kundi ilang ulit niya itong binali. Hindi pa siya nakuntento na pati ang mismong lagayan nito ay pinunit-punit niya.

"Don't watch porn." Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan.

"Eh, bakit ikaw? Hindi ka ba nanonood ng porn? I know most of the boys watching porn just to satisfy their needs. Bakit sa babae big deal na nanonood ng gano'n?" hindi ko na mapigilang maiusal.

Nagdilim ang tingin niya sa akin. His adam's apple moved and his jaw clenched. Napatitig ako sa kanyang labi ng kinagat niya ito dahilan para  mabasa.

"Hindi ko sinasabi na bawal sa mga babae ang manood niyan, Milada. I'm just saying that... fuck!" nanlaki ang mata ko ng magmura siya.

He even scratched the back of his head and tilt it. Mariin ang tingin niya sa'kin na parang hindi siya makapaniwala na hindi niya masagot ang tanong ko.

"Let's... let's just watch a movie, Milada. Set it up," pagkatapos ay tumayo siya bitbit ang pira-pirasong CD.

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil sa malakas na kabog nito. What was that?

Hindi naman nagtagal ay bumalik siya at napanatag naman ako ng mas mukha na siyang kalmado kumpara kanina. We decided to watch a Korean movie which is a werewolf boy.

I'm still sniffing even the movie was already ended. Nanatili namang tahimik si Amadeus sa tabi ko at inaabutan ako tissue kapag kinakailangan.

"Stop crying, Milada..." hindi ko alam kung ilang beses niya na ba 'yon sinabi sa'kin.

"I didn't know that it was a heartbreaking movie! Bakit iyon ang pinili mo!" halos sisihin ko siya dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa naging ending ng palabas.

He sighed. He looks troubled because of me. Napanguso ako ng walang makuhang sagot sa kanya. Suminghot ako at pinunasan ang maaring sipon sa butas ng ilong ko.

"I thought it was an action movie. Hindi ko alam na gano'n," mahinahon niyang sabi.

Hindi ako sumagot at tipid na lang na tumango. Nilagyan niya ng tubig ang baso at inabot sa akin. Nagtaka pa ako noong una pero kalaunan ay tinanggap ko na lang din at uminom.

What a gentleman!

"Feeling better?" I nodded.

"Let's not watch it again then," seryoso ang pagkakasabi niya no'n.

Tumango ako at itinago na lang ang ngiti sa pag-inom ng tubig.

Nagtagal pa si Amadeus sa bahay. Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang manood ng panibagong palabas. Hindi ko magawang magtangkang kausapin siya dahil hiya ang namumutawi sa sistema ko. Pero siya ay maya-maya ay tinatanong ako kung ayos lang ba sa akin ang palabas. Paulit-ulit 'yon at halos wala na akong maintindihan dahil ang tainga ko ay naka-focus na sa kanya at hinihintay ang susunod niyang tanong.

Naagaw lang ang atensyon namin sa palabas ng tumunog ang cellphone ni Amadeus. Napatingin ako roon at nakitang hindi kilalang pangalan ang lumitaw sa screen ng cellphone niya. But he refused to answer it and just ignored it and put it back inside his pocket.

"Bakit hindi mo sinagot? It might be important," umiling siya.

"It's nothing..." nagtagal ang tingin ko sa kanya kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

Umiwas ako ng tingin at hindi na siya kinulit pa roon. Pero maya-maya ay muli na naman itong tumunog. I heard Amadeus sighed kaya sinulyapan ko siya.

"Sagutin mo na, baka importante talaga..." panghihikayat ko pa.

He nodded. Tumayo siya at pumunta sa kusina para roon sagutin ang tawag. Napasandal naman ako sa sofa at hindi maiwasang maging kuryoso sa kung anong pinag-uusapan nila.

Natapos na lang ang palabas pero hindi pa rin bumabalik si Amadeus kaya pumunta na ako sa kusina para silipin siya. And I found him there leaning on our long table and his back are facing me that's why he didn't notice my presence.

"My decision is final," mariin niyang sabi.

Natigilan ako at hindi na nagtangka pang lumapit sa kanya. Mukhang hindi pa rin sila tapos mag-usap kaya tumalikod na ako at bumalik na lang sa sala. I tapped my feet on the carpeted floor while waiting for him. Kalaunan naman ay bumalik na siya at seryosong-seryoso ang mukha. I smiled at him at ibinalik niya naman 'yon.

"Uuwi ka na?" I softly asked.

"Hmm, will you be fine here?" mabilis kong tumango.

"Ah... mukhang importante ang tawag," sabi ko.

"It's my cousin. They want me back in Albancia..." nakatitig siya sa'kin.

"Eh, 'di bakit hindi ka bumalik?" tanong kong muli.

"School. And my mother will be alone in the house. I just can't leave her here..." tumango ako.

"Okay na ba ang lolo mo?" he shook his head slowly.

"He's old. His body are already weak but he still wants to live," natunugan ko ang lungkot sa boses niya.

Hindi ko kailanman naramdaman ang pagmamahal ng isang lolo at lola. I was raised by my Tita Kilari. I don't know the comfort and the love giving by the grandparents. 

Siguro ay masarap sa pakiramdam. Pero nang magtagal ang tingin ko kay Amadeus ay parang may hinanakit siya sa lolo niya.

"Ayos ka lang ba?" hindi ko na mapigilang itanong.

"Hmm," my lips turned into line while staring at him.

"I heard that you’re not in good terms..." he smiled weakly and nodded. "Pero hindi ko naman sinabi na sasabihin mo na sa'kin ang dahilan. I'm sorry at inungkat ko pa..."

"It's fine," aniya.

Napatingin ako sa wall clock at sumulyap sa kanya.

"I think you should leave, you have emergency! Masyado na pala akong nagdaldal," natataranta kong sabi dahilan para mahina siyang matawa.

"Hindi naman, Milada. But yeah... I should leave now.” 

Nagtagal ang tingin niya sa'kin bago siya tuluyang inihatid sa labas ng gate.

I wave my hand a little to say goodbye. Ako na ang pinauna niyang pumasok bago siya umalis. Magkatapat lang naman ang bahay namin pero kung paunahin niya akong pumasok sa loob ng bahay ay parang malayo pa ang uuwian niya.

Naging okupado rin naman ang mga oras ko lalo't matagal ang naging pag-uusap namin ni Tita Kilari gamit ang facetime. Sumama rin si Mr. Payton kaya hindi ko na napigilan na punahin ang pagiging blooming ni Tita Kilari. 

I teased her secretly at mabilis niya naman na nililihis ang usapan hanggang sa mapunta na ito sa lupa. Malapit na daw nila ito makuha at kaunting panahon na lang ay makakauwi na sila sa Laguna.

Inayos ko lang din ang mga ipapasa ko bukas dahil tatlong araw na lang ay tuluyan ng tapos ang aking baitang sa grade 11. Kahit papaano naman ay nakahinga ako ng maluwag. Dahil hindi man gaanong mataas ang grades ko, ay hindi ko naman na kailangan pang bumalik ng grade 11 para punan ang mga bagsak na grado lalo't pasado ako lahat. 

Thanks to Amadeus' help. For not giving up for me even if I was a hard headed student to him.

"Dalawa pa lang ang nagagawa ko, e. Pero gagawin ko na later ang iba since bukas na bukas ay tutulak na kami sa Albancia. My whole summer will be there and it will be extremely boring!" ngumuso ako sa sinabi niya.

"I love your province, Cassie. Wala pa sa kalahati ang mga lugar na pinuntahan natin doon pero gustong-gusto kong bumalik." Sabi ko pa.

"Well, you're a tourist there. Syempre gugustuhin mo talagang bumalik doon," nakanguso niyang sabi at inilabas ang portfolio para gawin ang natitirang gawain para sa aming clearance.

Kaunti lang kami sa classroom dahil ang mga kaklase ay pakalat-kalat sa buong campus upang mag-gala. Hindi rin namin matagpuan ang tatlong lalaking kaibigan na siguro'y busy rin.

"Hindi na tayo na guidance, 'no? Ang huli ay noong nakipagsabunutan ka kay Angel." Humagikhik siya sa sariling sinabi.

"Bakit gusto mo bang dalhin hanggang sa grade 12 natin?" umirap siya sa tanong ko.

"Syempre hindi, 'no! Napansin ko lang naman since ang buong taon natin sa grade 11 ay labas pasok tayo sa guidance office. Nahuhuli tayo ng crush mo at ni Aiden." Sumimangot ako sa sinabi niya.

"Crush mo rin naman si Aiden," naisatinig ko kaya suminghap siya.

"Hindi ko siya crush, Milada! Anong sinasabi mo riyan!" depensang sabi niya.

"I saw you two yesterday. Magkasama kayo. Kaya pala lagi kang nagmamadaling umuwi kasi inaabangan ka ni Aiden sa may mini-park." Pang-aasar ko sa kanya.

Namula ang pisngi nito at irap lang ang nagawang isagot.

Finally our last day for complying our clearance has come. Wala na ang mga kaibigan ko dahil bumalik sila sa Albancia. Sa kanilang totoong tirahan. Hindi naman ako nalungkot lalo't nakapagpaalam naman sila ng maayos. Ngayon ay hinihintay ko lang si Amadeus dahil sabay kaming uuwi ngayon.

May iilang nakakapansin sa akin at agad akong binabati. Ngiti lang naman ang binabalik ko lalo't ang iba ay hindi ko naman kilala. Hindi kalayuan ay natanaw ko na si Amadeus pero agad nangunot ang noo ko ng makitang kasa-kasama niya si Angel.

Tuluyan silang nakarating sa pwesto ko pero hindi ko inaalis ang tingin kay Angel na nakangiting nagsasalita sa tabi ni Amadeus. I know that Amadeus is looking for me but I didn't bother to look back.

"Mini-party lang 'yon ng section natin noong grade 10. If you want sabay na lang tayong pumunta..." mahinhin ang boses ni Angel ng sahihin 'yon.

Umarko ang kilay ko dahil sa pagkairita.

"I'm sorry, Angel. But I have things to do," si Amadeus at lumakad na palapit sa tabi ko.

Nagulat pa ako ng kunin niya ang bag ko sa may upuan at isinabit sa kanyang balikat ang strap nito. Natigilan si Angel at napawi ang ngiti ng makita ang ginawa ni Amadeus. I wanted to laugh at her reacrion but I remained my face stoic.

"Just chat to our group chat if you want, Amadeus. Everyone is expecting you..." tipid ang naging pagtango ni Amadeus.

Tumingin sa direksyon ko si Angel kaya pinakita ko sa kanya ang pagtataas ng kilay ko at bahagyang itinagilid ang ulo. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago muling ibalik sa mukha niya ang tingin. Slowly, her face became crumpled but immediately vanished when she looked at Amadeus.

"Alis na 'ko, Amadeus..." nagtagal ang tingin niya kay Amadeus na para bang hinihintay na sasabihing sabay sila.

"Sige," ako na ang sumagot. "Umuwi ka na..."

Sabay silang tumingin sa akin. Namula ang pisngi ni Angel at tuluyan na ngang naglakad papalayo. I scratched my nose and rolled my eyes again.

Nilingon ko si Amadeus at nandoon na naman ang mukha niya na parang natutuwa at nagpipigil ng ngiti. Pati tuloy siya ay inirapan ko.

"Ba't ganyan ka makatingin?"  he bit his lower lips and shook his head.

"Let's go home," ngumiti ako kalaunan at tumango.

Hinatid niya lang ako sa bahay at nagpaalam na may pupuntahan daw. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang magpaalam sa akin. I'm not his girlfriend. Wala rin kaming relasyon. It's just that maybe we really are close to each other.

Tomorrow will be our bonfire. I can't help but to feel excited especially that I have plans to do. Sayang lang at wala si Cassie pero alam niya ang gagawin kong pag-amin muli kay Amadeus. 

I know it will be a risky decision for me. I just want to tell Amadeus that I still like him. Wala naman akong nakikitang mali roon pero siguro ang nagtulak sa akin na muling umamin sa kanya ay dahil sa mga sinabi ni Angel.

I like Amadeus genuinely not because Angel like him too. I like him since we were a child. I like him when I first met him but I was scared to talk to him. At ngayon na mayroon na akong pagkakataon na umamin sa kanya ay hindi ko na sasayangin lahat ng 'yon.

I prepared my things that I will bring tomorrow. Kakatapos ko lang din makausap si Tita Kilari at nangamusta at nakibalita na rin. When I finished fixing my things I decided to rest early para bukas ay hindi ako lantang gulay lalo't alam kong maraming activities ang inihanda ang mga student council.

"Dapat kasi ay nagpaiwan ka na lang muna at sumunod na lang pagkatapos ng bonfire natin," ako habang kausap sa cellphone si Cassie.

Ang aga-aga niyang tumawag para makibalita sa akin. Hindi. Alam kong dahil kay Aiden ayaw niya lang talagang umamin.

[You know my Abuela, Milada. Para siyang dragon kung magalit.]

Natawa ako sa pinakita niyang reaksyon sa akin.

"'Wag ka mag-alala at babalitaan kita tungkol kay Aiden. Sisiguraduhin kong walang babae na aaligid." Humalakhak ako ng makita ang gusot na gusot niyang mukha.

[Ano ba 'yan! Hindi ko nga siya gusto, e! 'Tsaka pakialam ko ba kung may babae na aaligid sa kanya diyan? Basta 'wag niya na akong lalapitan at kakausapin!]

Asik niya na mas lalong nagpatama sa hinala ko. I teased her more at natigil lang 'yon ng lumabas na ng bahay nila si Amadeus. Tumawid siya sa kinaroroonan ko at agad kinuha ang duffel bag ko at isinukbit sa balikat niya.

"Kanina ka pa?" ngumiti ako at umiling.

"Good morning," I said calmly.

"Good morning," napapaos ang boses niyang turan.

Sabay kaming tumawid sa kabilang kalsada lalo't nandoon ang sasakyan na dadalhin namin papunta sa Tagaytay. Nilagay niya muna sa compartment ang bag ko kasama ng mga gamit niya. Nagkatinginan kaming dalawa ng ibaba niya ang pintuan nito.

I smiled again. Mahina naman siyang tumawa at iginiya na ako sa may driver seat. Tahimik ang biyahe at tanging tunog lang sa stereo ang nagbibigay ng ingay sa loob ng sasakyan.

Pagdating sa school ay halos marami na rin ang mga estudyante. Naghihintay pa muna ng ilang minuto bago kami aalis.

Nakasandal lang ako sa may hood ng sasakyan ni Amadeus habang siya naman ay kausap ang kapwa student council.

"Ang lakas din talaga ng loob mong sumabay kay Amadeus, 'no?" napaayos ako ng tayo dahil sa lumitaw na si Angel sa harapan ko.

"Ano na naman?" bored kong tanong.

Siya lang mag-isa at wala ang mga bubuyog niya na madalas nitong kasama bukod sa student council.

"Bakit ka sumabay kay Amadeus? Papahirapan mo pa siya sa pagmamaneho kung pwede naman siyang sumakay sa van na para sa student council. Alam mo, paepal ka talaga, e!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pagak na natawa.

"Wala akong maalala na dapat kang makialam sa gusto ni Amadeus. And for your information, si Amadeus ang nag-imbita sa akin na sumabay sa kanya. How about you? Niyaya ka ba?" pagod na pagod na ako makipagtalo sa babaeng ito.

Hindi ba siya nagsasawa? Nawawala ang poise niya tuwing nagkakaharap kaming dalawa. Parang kaunti na lang ay sasabog na siya sa galit at inis sa akin. Wala pa akong ginagawa sa lagay na 'yan pero kung umasta ay parang inaapi ko.

"I invited him many times but he refused it. Iyon naman pala ay dahil sa'yo!" gigil niyang sabi.

Oh? Galit na galit?

"Tinanggihan naman pala. Anong ikinagagalit mo diyan?" pinagkrus ko ang braso ko sa aking dibdib. "'Wag mo kasi pilitin ang tao na gustuhin ka, Angel. Tingnan mo ako... hindi ko pinilit pero lumalapit sa akin."

Nakita kong iiyak na siya dahil sa sinabi ko. Mabilis itong tumalikod. Sinundan ko siya ng tingin at dumiretso sa mga bubuyog niya na agad naman siyang dinaluhan. Nag-usap sila at sabay-sabay na tumingin sa direksyon ko pero inirapan ko lang sila. Tsk!

May iilang dumalo sa kanila at alam kong nakarating na kay Amadeus ang nangyari. I can hear my name that was mentioned by the other students. Of course, si Angel ang paniniwalaan nila kaysa sa akin. As if naman na kailangan ko pang magpaliwanag sa kanila. I don't need any of them though.

"What happened?" si Amadeus ng makalapit sa akin.

"Tanong mo sa girlfriend mo," hindi ko mapigilang mairita.

"Sino?" inis ko siyang nilingon sa inosente niyang tanong.

"Si Angel!" asik ko.

"I don't remember that she's my girlfriend, Milada. And how many times do I have to tell you that there's nothing between us?" pilit niyang hinahabol ang mata ko pero pilit ko naman iyong iniiwas.

"Everyone! Pack now, we will leave after five minutes!" I heard Aiden's announcement kaya mabilis akong lumayo kay Amadeus.

Handa ko ng buksan ang pintuan ng sasakyan ng mabilis iyong pigilan ni Amadeus gamit ang pagtulak ng isa niyang kamay para mapigilan ang pagbukas nito.

Halos kapusin ako ng hininga ng mula sa likod ko ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa akin tainga. Amoy na amoy ko rin ang kanyang panlalaking pabango na hindi yata ako magsasawang amuyin.

"Ano ba ang dapat kong gawin para maalis na sa isip mo na girlfriend ko si Angel? Ano pa ba ang dapat kung gawin? Hmm, Milada...?"

I can't move because of the words he said. At lalong hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi.

Akala ko ay magtatagal pa kami sa gano'ng sitwasyon. Nang hindi ako sumagot ay agad niyang binitawan ang pintuan at pinagbuksan ako. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kaba kaya sa biyahe namin ay tahimik lang ako at nakatingin sa labas ng bintana.

Ramdam ko naman ang paglingon sa akin ni Amadeus at alam kong may gusto siyang sabihin pero nanatili na lang siyang tahimik.

"I'm sorry, did I make you uncomfortable?" gulat ko siyang nilingon.

Hindi ko alam na gano'n na pala ang iniisip niya.

"Hindi, Amadues..." bumuntong-hininga siya at tumango-tango.

Muli kaming natahimik na dalawa. Nakita ko ang bottled water sa may likod kaya inabot ko 'yon at binuksan. Marahan kong inabot sa kanya.

"Baka... nauuhaw ka na..." lumingon siya sa'kin. "Kanina ka pa kasi nagda-drive... baka nauuhaw ka."

Akala ko ay tatanggihan niya 'yon. At halos pigil hininga ang nagawa ko ng hawakan niya mismo ang kamay ko kung nasaan ang bottled water at uminom doon na parang wala lang sa kanya ang paghawak sa kamay ko. Habang ako ay hindi na makagalaw sa kinauupuan ko.

"Thank you, Milada..." he said when he finished drinking.

Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanya na parang lutang at bumalik ng maayos sa pagkakaupo. Tulala akong nakatingin sa labas ng bintana habang pinapanood ang mga puno na nadadaanan namin.

Napasulyap ako sa kamay kong hawak pa rin ang bottled water. Napahawak ako sa kanang kamay kong hinawakan ni Amadeus kanina.

I can't help but to suppress a smile during our whole ride.

Continue Reading

You'll Also Like

227K 3.4K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
880K 39.9K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
8.7K 555 22
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...