Flaming June (Calendar Girl S...

By zane199X

5.7K 133 121

WARNING| SPG| R-18 You can't hurt her feelings. Proserfina doesn't have any. She is a secret agent who desire... More

Disclaimer
Calendar Girls Series 2022
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12

Kabanata 8

230 4 2
By zane199X

KABANATA 8

Touch

Napahawak si Proserfina sa sariling labi. Hanggang ngayon ay dama parin niya ang lambot at init ng halik ni Leighton bagay na bumabagabag sa damdamin niya. Sigurado siyang kakaiba ang halik na iyon. Ilang beses niyang binalikan ang tagpong iyon sa isip niya. Nakakapagtakang hindi galit ang nararamdaman niya kundi pagkadismaya dahil tumigil ito sa paghalik sa kanya.

Pinag-sugpong ang palad at saka humalumbaba. Mabuti pa ay tigilan na niya ang pag-iisip tungkol sa nangyari. Baka isa lamang iyong patibong para makuha ang loob niya. Sa palagay ba nito ay madaling mauto ang isang Hera Venida?

Wala na siyang nararamdaman pa. Binalot na ng matigas na bakal at nilamon na ng panahon ang puso niya. Paghihiganti, hustisya para sa pamilya, iyon lamang ang dapat laman ng puso at isip niya.

At si Leighton? Tandaan mo, Hera! Humalik ka rin!

Napahawak siya sa sentido,

Huminga siya ng malalim, sunod sunod na pumasok doon sila Kurt, Yohan, at Eya. Bahagya pa siyang nagulat ng makita rin si Madam Terry. Napayuko siya ng magtama ang kanilang mata. Ilang buwan niyang hindi nakaharap ang babae. Ganoon parin ang mukha nito, mamahalin, perlas nga kung ihalintulad iyon ng iba, ang nagmamayari ng X Agency, si Madam Terry Sassy.

"Hera," bumaling ito sa kanya.

Bahagyang namawis ang palad ni Proserfina. Alam kasi niyang gigisahin siya nito dahil sa pagkakasangkot niya kay Leighton Solon, "Yes, Miss."

"Malaki ang patong sa ulo mo, milyones. Do you know that? Aware ka pa ba sa mga nangyayari sa paligid mo? Oh come on, Hera. Hindi, di ba? Ikaw mismo ang naglalagay sa sarili mo sa bingit ng kamatayan." Naupo ito mismo sa ibabaw ng lamesa at saka pinagkrus ang mga binti.

"I-I don't k-know..." Nagulat siya sa sinabi ni Madam Terry. Hindi niya napaghandaan ang pagkikita nila.

Napangisi naman si Terry Sassy, "Exactly!" sabay halakhak, "Dahil pinangunahan ka ng galit... puot." Ikiniling nito ang ulo upang hulihin ang mga mata niya, ngumisi ito, "Kailan mo balak sabihin ang tungkol dito? At dinamay mo pa talaga ang mga kasamahan mo?" Tumawa ito bahagya, "Hindi ka ba nagiisip?"

"Kahit kailan talaga, napakatigas mo. Hindi ka naman dating ganyan..." Bumaling ito kay Eya na kanina pang nakayuko. Kahit si Kurt at Yohan ay tahimik lang na nakikinig.

"Eya," tawag ni Madam Terry. Itinaas nito ang kanang kamay. Agad namang lumapit si Eya upang iabot ang isang brown envelope.

Ilang beses pang umiling-iling si Kurt habang nakatitig kay Madam Terry na abala sa mga papel na hawak. Marami iyon at sa uri ng pagtitig nito ay alam nilang mahalaga ang nilalaman noon. Bahagyang nanaas ang kilay ni Madam Terry habang isa isa niyang inilalapag ang mga papeles na hawak.

Tuluyan ng napatunghay si Proserfina ng ilapag ni Madam Terry Sassy ang mga papel na hawak,

Tumighim si Yohan upang makuha nito ang atensyon ng lahat, "Miss, ilan lamang 'yan sa mga transaksyong nagaganap sa loob ng Da Vinci by Solon Design, at karamihan sa mga iyan ay mga pinag-babawal na gamot. Ang strategy nila ay mag-angkat ng mga mamahaling kasangkapan mula sa iba't ibang bansa ng sa gayon ay hindi mapuna ang mga droga na nakapaloob sa mga shipping container na pumapasok sa ating bansa. Paanong hindi napupuna iyon gayong mahigpit ang checking ng mga shipping container? Dahil may lagay ang bawat isa na involved sa transakyong ito... malaking halaga, malaking halaga ang natatanggap ng bawat isa..."

"What?" Hindi mapigilan ni Proserfina ang hindi magulat.

"Yes, tama ang narinig mo, Pros... at lahat ng iyan ay nakapangalan kay Leighton Solon. Hindi pa malinaw ang imbestigasyong isinasagawa namin patungkol sa Da Vinci by Solon Design, pero natitiyak kong may iba pang tao sa likod nito..."

Huling huli ni Proserfina ang pananaas ng kilay ni Kurt. Hindi niya alam kung para saan iyon pero iba ang kutob niya. Pakiramdam niya ay may ibang balak si Yohan at Kurt. Paanong nag-iimbestiga sila gayong wala ni isa sa kanila ang nagreport ng tungkol doon.

Napayukom ang kamao ni Proserfina bago muling sinulyapan si Madam Terry Sassy, "What do you want me to do, Miss?" Bahagyang nanigas ang panga niya ng titigan ang bawat pahina na hawak ni Madam Terry Sassy kanina. Lahat iyon ay may lagda ni Leighton Solon, lahat ng iyon ay orihinal.

Pagdroga ang sangkot sa usapan ay lalo lamang siyang nagagalit sa mundong gingalawan. Droga ang dahilan kung bakit magisa siya sa buhay. Droga ang dahilan kung bakit kailangan niyang mas maging matapang, malakas, at walang kinatatakutan.

Ngayong nakumpirma niyang si Leighton Solon ang totoong nasa likod ng drogang sinasabi ni Yohan, kahit pa may ibang tao sa likod ng transaksyong ito. Kailangan na niyang mahanap ang microchip upang mailantad na niya sa publiko ang mga ilegal na trabaho ni Leighton Solon at pati narin ng yumaong ama.

"Hera,"

Napatunghay si Proserfina,

"Gusto kong talikuran mo ang misyong ibinigay sayo ni Mr. R..." Deretso ang mga mata ni Terry Sassy na nakatitig kay Proserfina.

Napatuwid siya, "Miss?" naguguluhan sa mga nangyayari.

Bahagyang umubo si Kurt at Yohan habang si Eya naman ay mukhang alam na ang mga mangyayari.

"Iyon ang gusto ko, Hera. Gusto kong lubayan mo si Leighton Solon." Ngumiti ito at saka tumayo. Pinagpag ang nagusto na skirt at saka nilibot ang mga mata.

"No... Hindi. Alam mong hindi papayag si Mr. R kung... kung basta ko nalang tatalikuran ang misyong 'to." Naiiling niyang hinarap ang titig ni Terry Sassy, "at paano ang microchip na naglalaman kung sinu-sino ang mga taong nasa likod ng mga malalaking sindikato na patuloy na sumisira sa reputasyon ng ating bansa, Miss?" Matigas niyang tanong.

"Iyon ba talaga ang dahilan? Ang nilalaman ng microchip?" Naglakad lakad si Terry Sassy sa kabuoan ng headquarter nila, "importante ba talaga sayo ang nilalaman noon?"

"Miss..."

"Alam ko, at alam ng mga kasamahan mo na hindi iyon ang dahilan kung bakit kating kati kang mapalapit kay Leighton Solon. Hindi ang sindikato o kahit ang punyetang repustasyon na iyan ang dahilan kung bakit nagkakaganito ka!" Bulyaw nito na nagpayuko sa kanilang apat.

"Kulang ka sa mga impormasyon, Hera. Ngayon lang kita nakita na sumugod sa isang gera na kulang ang dalang bala." Tumawa ito.

"I'm sorry, Miss... pero hindi ko tatalikuran ang misyong 'to dahil lang sa kulang ang mga impormasyong hawak ko. Dugo at pawis ang puhunan ko kung bakit nasa harapan mo ako ngayon. Kaya kong isugal ang buhay ko para sa microchip at sirain ang buhay ni Leighton Solon..." Mariin niyang katwiran.

Napuno ng katahimikan ang silid. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Naroon si Kurt na nakahilig lamang at si Yohan na malayo ang tanaw. Si Eya na nakasugpong ang mga palad habang nakayuko.

"Fine... kung iyan ang gusto mo. Galingan mong magpanggap, Hera. Ayokong pagsisihan mo ang lahat ng ito sa huli..." Pagsuko ni Terry Sassy.

Mukhang hindi na nito maawat ang dalaga sa mga plano nito na mapalapit kay Leighton Solon. Alam ni Terry Sassy na ang kasalanan ng ama ay hindi kailanman naging kasalanan ng anak. Natatakot siyang kamuhian ni Proserfina ang sarili sa oras na lumantad ang katutuhanan.

Magaan ang pakiramdam ni Proserfina habang nakaupo sa tapat ng fountain kung saan ay nakaharap sa mansion ng mga Solon. Ilang araw din niyang hindi nakita si Leighton. Kaya't hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng hiya. Idagdag pa ang impormasyong tungkol sa droga. Pero hindi maalis sa isip niya ang pagkaaligaga na makita ang lalaki.

Muli niya tiningala ang matayog na mansion habang tanging lagaslas lamang ng tubig mula sa fountain ang naririnig niya. Nakatanggap siya ng tawag mula sa head of security ng mansion na aalis si Leighton at kailangan siya nito. Iyon lamang ang sabi ng matandang kausap niya sa landline kaya hindi siya nagdalawang isip na pumuntahan si Leighton kahit pa wala naman itong tawag mula sa binata.

Isinantabi muna niya ang tungkol sa droga at mga ilegal na trabaho ni Leighton. Kailangan niyang bantayan ang bawat kilos nito at magdoble ingat pa. Tama si Terry Sassy, hindi ang laman ng microchip ang mas mahalaga kay Proserfina, ang pagkitil sa buhay ni Leighton ang pakay niya.

Para kay Proserfina, siya lamang ang may karapatang pumatay kay Leighton Solon. Kung hindi man niya iyon magawa ng mabilisan, pwes magagawa niya iyon ng dahan dahan.

"Hi,"

Napatunghay si Proserfina, "L-Leighton," sabay hawak sa tapat ng puso niya. Bumilis ang tibok ng puso, mas mabilis kumpara noong hinalikan siya nito. Nasasanay na yata ang puso niya sa ganitong reaction tuwing nakakaharap ang lalaki.

Pinapaalala ko lang sayo na kaaway ang taong nasa harap mo!

Napapilig siya, "L-let's go?"

Napakunot ang noo ni Leighton, "Huh? Sinong nagsabi sayo na kasama ka?" Bahagya itong natawa, "No, I don't need you there..."

Lumampas si Leighton kay Proserfina,

"T-teka!" Agad niyang hinawakan ang kamay ni Leighton upang hindi ito makapasok sa sariling sasakyan.

Bahagyan pang nagulat ang lalaki dahil sa inasal niya kaya naman agad nitong binawi ang palapulsuhan

"Sasama ako! Paano kung... kung..." Hindi malaman ni Proserfina kung ano ang dapat niyang ikatwiran sa harap nito lalo na't pabilis ng pabilis ang pagbayo sa ng puso niya.

"Kung?" Kumunot ang noo ni Leighton bago pinag-krus ang bisig.

"Ano... ah, paano kung may mangyari sayo?"

Ngumisi si Leighton, "Ikaw ang dapat kong iwasan..." tinalikuran niya si Proserfina na laglag-panga.

Walang nagawa si Proserfina kundi ang tanawin ang sasakyan ni Leighton palabas ng mansion. Naiiling niyang kinapa ang cellphone and she dialled Yohan's number. Ngumisi muna siya bago lumulan sa sariling sasakyan. Kailangan niyang manmanan si Leighton.

PAULIT ulit ang pagkurap ni Leighton ng mamatahan niya si Proserfina papasok sa loob ng restaurant kung saan ay nakadine-in siya. Agad namang lumipat ang mga mata niya sa lalaking kasama nito.

Kumunot ang noo ni Leighton ng mapansin niya ang pagkakahawak ng lalaki sa braso ni Proserfina hanggang sa makaupo ang dalawa, di kalayuan sa kinauupuan niya. Lalo pang kumunot ang noo ni Leighton ng bahagyang yumuko ang lalaki at may binulong kay Proserfina na siyang nagpangiti sa dalaga.

Ngayon lang yata niya nakitang ngumiti ng ganoon si Proserfina. Kalimitan kasi ay pakeng ngiti ang nakikita niya sa labi ng dalaga. Nanigas ang panga niya at namawis ang palad dahil sa matinding inis, kung bakit ba naman naririto rin si Proserfina. Hindi ba dapat ay nasa mansion lang ito?

"Mr. Solon?"

Napakurap siya, "Oh, yes yes?"

"Ah, ito nga po pala iyong mga document na dapat pirmahan para sa last shipping this month po. Mas marami po ito kumpara noong nakaraan," ngumiti ang babaing kausap ni Leighton.

"Oh, yeah. Let me see again..."

"Ay! Nabasa na po 'yan ni Ma'am Reidyl, Mr. Solon..." agad na hinila ng babae ang mga hawak na papel.

Kumunot ang noo niya, "Oh, I see... then let me read it again." Akmang kukunin niya ang papel ng tumunog ang cellphone niya.

Wala siyang nagawa kundi ang sagutin iyon, "Yes?" baritong tanong niya sa kabilang linya.

"Hey, chill..." Isang malakas na tawa mula sa kabilang linya na naging dahilan upang ilayo ni Leighton ang cellphone sa kanyang tainga.

"What the hell? What do you want, El? Nasa meeting ako..." mariin niyang bulong.

"Good news at bad news, Pare... magkita tayo."

"Sige, mamaya..." Akmang ibaba na niya ang tawag ngunit agad humirit si Ellie.

"Now, Pare. Hindi na 'to pweding ipagpa-mamaya eh," tumawa pa ito.

"Fine," hindi na niya hinintay pa ang sunod na sasabihin ni Ellie. Agad niyang kinuha ang personal pen na talagang ginagamit niya tuwing lumalagda. Wala siyang nagawa kundi pirmahan ang mga papel. Hindi na niya binasa pa iyon, tutal ay nabasa na rin naman ni Reidyl, isa pa trusted na ang company na ito. Mabuti na rin at tumigil si Reidyl sa pagpuna ng cargo niya. Lagay naman ang loob ni Leighton kay Reidyl, hindi siya nito tataluhin.

Abot abot ang ngiti ng babaing kaharap niya, si Gina, ang assistant manager kung saan niya ipinagkakatiwala ang cargo ng Da Vinci. Nagpasalamat lamang ang babae at saka nagmamadaling umalis. Naiwan siyang nagtataka dahil sa inasal nito.

Agad niyang inayos ang mga gamit bago nagpasyang umalis. Nagtext na rin si Ellie kung saan sila magkikita kaya naman agad niyang nilisan ang table niya at hindi na muling sinulyapan ang pakikipagharutan ni Proserfina sa lalaking kasama nito na mukhang lamang lang naman ng isang paligo. Maputi lang ito, habang siya naman ay may pagkamoreno.

Hindi hamak naman na mas matikas ako!

Halos maisatinig na niya iyon ng malampasan niya kay Proserfina na mukhang hindi napansin o naramdaman manlang ang presensya niya dahil abala ito sa kausap. Huminga ng malalim si Leighton bago itinulak ang bubog na pinto. Mas importante ang mga sasabihin ni Ellie kesa panuorin si Proserfina habang may kasamang iba.

Oh eh bakit parang nagseselos ka?

Bago pa man mabuksan ni Leighton ang kotse niya ay may humarang na agad sa pinto noon,

"Saan ka na naman ba pupunta? Iniiwasan mo ba ako?" Hinihingal na tanong ni Proserfina habang pinapalispisan ang dibdib dahil sa paghahabol-hininga, "Sasama ako sayo, okay?"

Napaatras si Leighton at bahagyan kiniling ang ulo para silipin ang mukha ni Proserfina. Namumula ang pisngi nito, "No," maikli niyang sagot at saka luminga linga upang hanapin iyong lalaking kasama ni Proserfina kanina.

"What? Iyan lang ang sasabihin mo? Pagkatapos mo akong halikan?" Nanlilisik niyang tinitigan si Leighton.

"...at humalik ka rin, Proserfina." Napangisi siya ng mapansin ang matinding pamumula ng pisngi nito.

Ano na namang drama ito, Lai?

"Sasama ako, sa ayaw man o sa gusto mo!" Sabay hablot sa palapulsuhan ni Leighton. Muling naramdaman niya ang kakaibang daloy ng init mula sa palad ni Proserfina. Napakalambot ng palad nito. Katulad na katulad iyon noong magkalapit ang katawan nila. Parang sinisilaban ang katawan niya tuwing nalalapit sa dalaga.

Shut the fuck up, Lai! Hindi mo kilala ang babaing 'yan!

Sa gulat ni Leighton ay napaatras siya, "Don't touch me, Venida..."

X

Continue Reading

You'll Also Like

540K 10.2K 38
The Boss' Bride by: Eonnieverse My name is Faye Vieros and this is my not so ordinary and full of action story. Highest Rank: #16
14.3M 435K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
190K 7.8K 12
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.