Midnight Kisses

By vastralust

687K 27K 13.6K

Sabrina Ysabelle Montiega wants to take a gap year before senior high school. However, things never go as pla... More

Author's Word
Midnight Kisses
Dedication
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
061
062
063
064
065
066
067
068
069
070
071
072
073
074
075
076
077
078
079
080
081
082
083
084
085
086
087
088
089
090
091
092
093
094
095
096
097
098
099
100
#001
#002
#003
#005: Short Holiday Special ⭐️
A Message For You
A Little Gift For You

#004: Meet the Family

6.7K 276 273
By vastralust

____________

Happy one hundred and fifty thousand reads!

Today also marks my first year of writing.
Hence, this will serve as my anniversary gift to you all.

Thank you for the warm support I'll cherish for a lifetime.

____________

Special Chapter #004

Sabrielle.

Hindi naman talaga ako maarte sa susuotin.

Dati, okay na ako sa maong saka kung ano ma'ng top na mahugot ko sa cabinet ko. Wala rin naman kasing kukuha ng picture ko para i-post sa Instagram, kaya kung ano'ng keme na lang din 'yung isunusuot ko. Dati kasi, ultimo bumili-bili pa ako ng mga damit sa Shopee kapag may okasyon kaso ang ending, wala rin naman akong kasamang matinong mag-picture! Si Mama kung picture-an ako, kalahating katawan na nga lang, kinukuha pa ng liwanag! Nakakaloka kasi ang okasyon, Pasko... pero ang picture ko, pang-Halloween!

E'di umuwi rin ako nang luhaan!

"Ito, bakla! Palitan mo na 'yan, wala na tayong oras!"

Syempre, sa oras ng kagipitan, kina Yarisse din ako lalapit! Nakakahiya namang mag-maong sa bahay nina Jett tapos makikita ako ng mga kapatid niya dating Miss World Titleholders. Baka ako na kumaladkad sa sarili ko palabas doon.

"'Te, sana nakakahinga na ako riya'n, ha! Baka mamaya, ang ganda-ganda ng porma ko pero puputok naman pala ako kapag kumain na!" Lumapit ako kay Yarisse habang nasa likuran ko si Cass na nag-pa-panic na rin habang ibinababa ang zipper ng naunang itim na dress na ipinasukat sa akin ni Yarisse.

Maganda naman. Hapit nga sa katawan ko kaso nakakakaba lang kapag umupo ako't kumain na, baka bumuka 'yung zipper sa likod! Mas maliit kasi si Yarisse sa akin kaya napapadasal na lang ako sa mga Santo ngayon na may magkasya sa aking damit niya.

"Oo, kasya na sa'yo 'to! Dress 'to ni Ate Ristelle dati—magka-katawan kayo! Dalian niyo na! Anak ng—Helena Cassidy, napakabagal mo namang humubad ng zipper! Ako na nga!" At nag-agawan na nga ang mga gaga sa likuran ko.

Rinig kong binatukan ni Cass si Yarisse. "May two hours pa naman! Napaka-OA niyo! Pag-untugin ko kayo ni Sab, e'! Ako ang na-i-i-stress sa Meet the Family na 'to!"

Napasapo ako sa noo ko nang maibaba na sa wakas ang zipper. "Tama na! Tigil na! Isusukat ko na!" Kinuha ko na ang bestida sa kamay ni Yarisse bago dumiretso sa banyo nila. Maging magkakaibigan ba naman ang tatlong panikera!

☾ ʚїɞ ☾

Salamat sa Maykapal at sa mga Santong dinasalan ko, nagkasya naman 'yung dress ng Ate ni Yarisse sa akin.

"Okay, recap tayo, ha!" anunsiyo ni Cass habang mina-make-up-an niya ako't nasa tabi ko si Yarisse na inaayos ang mga gamit ng hand bag ko.

Yarisse nodded. "Game, dali!" Umayos na sa pagkakaupo ang katabi ko.

Natawa ako. "Ano'ng recap? Ewan ko sa inyo! Alam ko na naman 'yang—"

"Heh! Mag-re-recap tayo!" Itinutuktok ni Cass ang dulo brush sa ilong ko bago lumayo't tumayo sa harapan ko.

"Una, titingin sa dinadaanan, ha! Bawat bato, titignan mo! Hindi bale nang mapagkamalan ka nilang nakakakita ng mga elemento, at least, hindi ka madadapa! Kung mapapatid ka, siguraduhin mo naman 'te na sa labas na lang para hindi kita ng madla! I mean, at least hardinero lang ang makakita sayong mapa-salampak!"

"Tumpak!" gatong naman ni Yarisse.

Hindi ko mapigilang mapangiwi. Nakakaloka talaga sila! "Oo na, sige! Number two na!"

"Number two, hindi ka tatawa kung may gagawa ng nakaka-offend na joke sa'yo sa hapag, ha?" Minata ako ni Cass. "Lalayas ka! Hindi ko alam kung ano'ng ugali ng pamilya nila, pero hindi porque ubod ng yaman sila, mamaliitin ka na nila, okay?! Mag-di-dinner na lang tayo sa mall; layasan mo na 'yang dinner nila! Susugurin talaga namin ni Yarisse ang angkan niya'n kapag ginano'n ka!"

"Mga luka-loka! Mabait 'yung pamilya nu'n, promise!" sagot ko dahil totoo naman! Sobrang bait ng pamilya ni Jett!

I mean, sa three years naman namin ni Jett, palagi nga akong kinukumusta't binabati ng Mommy at Daddy noon kahit hindi ko birthday. Lalo na 'yung mga kapatid! Kapag nakakasalubong ko pa nga 'yung Kuya Jaice niya, tina-tag ako sa IG Story tapos may caption pa 'yung selfie namin ng "YES! 🤩 Finally met Sab! 😜kahit na pang-sampung Story niya na 'yong kasama ako.

Ginawa pa akong artista!

"Heh! Basta siguraduhin mo lang na huwag kang magpapaapi, ha! Hindi ka si Maria Clara! Wala nang ganoon! Lalaban tayo kapag tinatapakan!"

"Tama!" sambit ni Yarisse sa tabi ko bago iniabot sa akin ang naayos na niyang bag ko. "Pero kapag inabutan ka ng milyon para hiwalayan ang anak niya, iuwi mo na! Barya lang sa mga Bella Corte 'yan sa dami ng mga branch ng kumpanya ng alahasan nila rito sa Pinas saka sa Singapore! Ihahanap na lang kita ng pangarap mo dating mayamang Kanong malapit nang ma-chugi!"

Napailing na lamang ako bago tumango't natawa. Alam ko namang nagbibiro lang si Yarisse doon sa una niyang sinabi, pero totoo naman kasi... Siguro lowkey lang talaga 'yung pamilya nila.

Pero the fact na kapag sinearch ko 'yung La Cortelle Inc. sa Google tapos... lilitaw sa Google Images 'yung pictures nila ng pamilya niya kapag may news sa kanila, minsan napapatanong ako sa sarili ko kung jowa ko ba talaga si Jett.

At hindi naman 'to dahil sa kaba ko lang kasi nakapunta na naman ako sa bahay nina Jett noon—ilang beses na rin. Pero natataon talaga na wala iyong parents niya dahil nasa trabaho.

Ngayon lang talaga 'yung ano na...

Hay, bahala na!

"Ah, naku! Ewan ko sa inyo! Basta, okay na ako! Thank you—thank you nang marami sa pagiging personal assistants ko for today! Bawi ako next time, okay?!" Bumeso na ako kina Yarisse at Cass.

Bumeso na rin sila pabalik habang sinisiguro na kumpleto na ang mga dala-dala ko. Kung hindi talaga sa dalawang 'to, baka tuluyang naloka na ako ngayon. Mag-ta-taxi pa sana ako pabalik sa bahay (syempre hindi alam ni Jett na problemado ako ngayon), kaso nag-prisinta na si Yarisse na ipahatid ako sa driver nila pabalik.

Kaya pagdating ko sa bahay, naupo na lang ako sa sala't nag-intay dahil fifteen minutes pa naman. Ingat na ingat akong hindi malukot 'tong itim na puff-sleeved dress na tila hanggang binti ko lang din ang haba. Iyong buhok ko... inilagay ni Cass sa isang high-ponytail para raw hindi hassle kapag kumain, pero 'yung manipis na bangs ko naman (na ako lang din 'yung gumupit last week) ay nakaladlad sa noo ko. Ultimo lahat ng gold na accessories ng bruha, ipinasuot sa akin!

Ilang minuto pa ang nakalipas nang tumunog ang cellphone ko sa gilid.

Jett
You already okay, babe? Hahaha :)

Naikagat ko ang ibaba kong labi, na kaagad ko ring binawi nang maalalang baka kumalat ang lipstick ko, bago nagtipa pabalik.

You
Hehehe oo pero take ur time baka paalis ka pa lang
HWJSJHAHA

You
May 15 mins pa naman

Jett
Uh hahaha, I'm already outsideee?

You
HA

Jett
HAHAHAHAHA

You
ENDE NGA???

Jett
Hahahaha oo ngaaa, do you need a proof?

You
KAINIS KA NAMAN ENDE KA NAGSASABI!! 😭 KANINA KA PA???

Jett
HAHAHA :( sorry, I didn't like to put pressure on you.

You
👍🏻

You
Kala mo naman madadaan mo ako sa pa-sad face mo 

Jett
Love you

You
BWISET!!!!!!

Jett
HAHAHAHAHAHAHA :)

Halos mag-usok ang tainga ko nang makita ko talaga si Jett sa labas ng bahay namin nang makalabas ako, prenteng nakasandal sa labas ng pulang Audi niya. Kahit madilim ay kita pa rin naman siya dahil sa suot niyang puting turtleneck long-sleeves na naka-angat hanggang siko.

Ni hindi man lang ako napansin sa harapan niya dahil ngiting-ngiti siya sa phone niya.

Hinampas ko ng handbag ang braso niya nang makalapit ako. Lawak ng ngiti! "Nginingiti-ngiti mo!"

Nanlaki ang mata ni Jett at muntikan nang mahulog ang phone sa gulat. Mayamaya ay napormahan ng ngisi ang labi niya, eyes curving into a smile. "Hi."

Inangatan ko siya ng kilay. "Hindi ka nakakatuwa."

Jett's smile fell into a sad one. "Sorry."

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung maganda bang hindi kami nag-aaway sa tatlong taon namin, pero puro ganito naman. Iyong tipong ayaw niyang sabihin na nasa labas na siya ng bahay para hindi ako magmadali sa pag-aayos.

"Sa susunod, magsabi ka. Nakakahiya sa'yo, pwede ka namang pumasok at intayin ako sa loob ng bahay kung hindi pa ako tapos, e'."

Tumango si Jett. "Yes. Opo. Sorry," aniya at akmang magsasalita pa sana ako nang hatakin niya ako't yakapin nang mahigpit sa baywang.

Binatukan ko siya nang mahina. "Ayan. Ganiyan, Bella Corte! Sa ganiyan ka magaling pero uulitin mo naman!"

"No. Promise, today's the last," he replied, eyes squinting. Makaraan ang ilang segundo ay isinandal niya ang pisngi niya sa pisngi ko habang yakap ako. "And I hope you know... you look so pretty tonight."

Alam ko sa sarili kong ramdam niyang nag-alab ang pisngi ko roon. Nakakainis! Naihampas ang likuran niya. "Tumigil ka nga!"

Tumawa lang si Jett—iyong tumaas at bumaba pa ang dibdib niya na parang ang saya-saya niya ngayon. Pagkatapos noon, hinalikan niya lang ang pisngi ko bago bumitiw at siyang hinayaan akong maglakad sa kabilang pintuan ng sasakyan niya.

Sinamaan ko na lang siya lalo ng tingin nang kindatan niya ako nang pagbuksan niya ako ng pintuan ng Audi niya. Naikagat niya lamang ang ibaba niyang labi para magpigil ng tawa bago isinara ang pintuan ko.

Diyos ko. Nakakaloka talaga siya minsan.

☾ ʚїɞ ☾

Jett never bragged about anything. Lalo na kapag tungkol sa pamilya niya. Naalala ko noong Senior High School kami tapos mayroong survey na i-dinistribute about parents' occupation and position (na hindi ko rin alam kung para saan ba pero voluntary lang naman) na ako ang nag-tally, ang inilagay niya lang sa magulang niya ay businessman at businesswoman. Three years later, malaman-laman ko na President pala ng kumpanya ang mommy niya tapos Chief Executive Officer ang daddy niya.

Maingat akong bumaba sa Audi ni Jett nang pumarada ito sa harapan ng main entrance ng bahay nila nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Dati nagtataka pa ako kung nasaan 'yung mga sasakyan nila... kasi walang parking at puro garden ang bungad pagpasok. Malaman-laman ko, may basement parking pala... tapos nandoon ang lahat ng mga sasakyan nila. Hindi ko talaga kinaya.

At mas nag-init pa ang mukha ko nang nagsi-bati't yuko iyong mga body guards nina Jett na bumungad sa amin sa entrance. Pamilyar dahil nakita ko na silang kasama ni Kuya Jaice noon. Sa hiya ko ay yumuko rin ako nang bahagya sa kanila isa-isa.

I felt Jett's thumb graze over my waist nang makapasok kami sa hallway papuntang living room nila. "You're feeling okay?"

"O-Oo naman—"

"Oh! Sabrina's here!"

Kapwa dumako ang mata namin ni Jett sa harapan namin nang lumitaw ang kambal niyang mga kapatid. Kuya Jaice was still in his office attire—coat and slacks outfit with a file case sitting in one hand. Meanwhile, Ate Claudia was in her white sleeveless silk dress partnered with heels.

The latter shrieked. Halos maghugis puso ang mata nito nang makita ako. "Sab! My baby girl!"

Nanlaki rin ang mata ko sa gulat. Hindi pa man ako nakakabati pabalik ay mabilis akong sinalubong ng yakap ni Ate Claudia.

"My baby is so so pretty!"

"Ate, please give me Sab..." hinaing ni Jett sa likuran ko.

Ramdam kong hinampas ni Ate Claudia si Jett nang pakawalan niya ako sa yakap. "Mamaya ka na!" Her gaze landed on us, tearing up. "Kayo, ang laki niyo na! My God! Back then, cuties like this pa kayo!" She gestured. "Tumatanda na ako!"

Mula sa tabi niya ay naiwang nakatitig si Kuya Jaice sa kan'ya, laglag ang panga't hindi makapaniwala. "Wow... You're always so weird."

"Shut up kapag pangit, okay?!" parinig pabalik ng kakambal nito bago ibinaling ang tingin kay Jett. "Anyway, Mom and Dad are there na sa living room. Ate and Kuya are with manang sa kitchen. Meanwhile, Jaice and I will follow na lang, okay? May kukuhanin lang kami sa poolside."

"Okay, okay. Thanks, Ate," sambit ni Jett bago muling inilapat ang palad niya sa baywang ko. "You're feeling okay?"

Siningkitan ko siya ng mata sa tanong niya. Nakakatawa kasi palaging ganito ang isang 'to kapag natatahimik ako. "Oo. Okay lang ako," bulong ko pabalik kahit na namamawis na talaga ang palad ko't gusto ko na lang humilata rito sa marble tiles nila at magpagulong-gulong.

"You sure? We could go outside for a while—"

"Jett, sa tingin mo, magugustuhan ba ako ng parents mo?"

Kasi sa parents ko, aba, sila pa ang hindi makapaniwalang pinatulan ako ni Jett! Akalain mo 'yon, sina Ate at Kuya nang makita si Jett sa amin, ang unang tanong sa akin ay kung ano raw ba'ng gayuma ang ibinigay ko! Napaka-kakapal talaga! Kaya walang isyu sa amin si Jett at kulang na nga lang, maghanda na kami ng fiesta tuwing dadalaw 'yan sa amin. Kasi syempre, si Jett Bella Corte siya...

E' ako, ano?

He stalled the both of us. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Babe, what's wrong?"

Umiling ako, maintaining a stern expression. "Wala naman. Iniisip ko lang kung ano..." Hindi ko pa magawang maituloy.

"They already love you, okay?" aniya habang natatawa nang mahina. "Believe me. They do."

Inirapan ko siya. "Ni hindi ko pa nga sila nakakausap nang personal—"

Nabigla ako nang luminga siya sa paligid, animo'y sinusuri kung may daraan. At sa isang iglap, lumapat ang labi niya sa akin.

Sa segundong lumayo siya ay naiwan lamang ang mata kong hindi kumukurap. Parang tinakasan ako ng kaluluwa ko. Jett even had the guts to smile at me in innocence like it never happened.

"Trust me." He tapped the top of my head shortly before pulling me to his side. These days, I figured na one of the habits siguro nitong si Jett ang isandal ang pisngi niya either sa pisngi ko... or katulad ngayon, sa ituktok ng ulo ko. "I love you," bulong niya pa.

Halos kumuliglig na sa loob ng sala nina Jett.

"Mom. Dad."

Napalunok ako. Ramdam ko ang pagpisil ni Jett sa kamay ko nang tumayo kami sa harapan ng magulang niyang nakaupo sa malaking sofa.

"Sab is here po."

Tahimik lang ang lahat.

Buong akala ko ay ganoon na iyon, ngunit sabay ngunit dahan-dahang tumayo ang mag-asawa nang maglakad kami papalapit—tila pagbibigay respeto rin. Mrs. Bella Corte flashed a cordial smile. "I see. Hello. A pleasant evening."

The tweed skirt and the coat resting on her mother's shoulder were giving off elegance. Hindi ko akalain may tao palang kayang mag-maintain ng ganitong physique... Para niya lang ka-edaran ang mga anak niya.

Ibinalik ko ang ngiti na iyon sa kanilang dalawa. But looking at their father made me realize Jett got most of his features from him. "Good evening po, Tita and Tito," bati ko bago yumuko nang bahagya bilang pagbigay-galang.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero sa ngiti ng mommy ni Jett ay mukhang... natutuwa naman siyang makita ako. The corners of her eyes angled up too.

"Jett is right," biglang salita nito, still keeping the chaste smile plastered on her face. "You actually look more alluring in person."

Napauwang ang labi ko.

She extended both of her arms in a welcoming manner. And the moment I stepped forward, she gave me a cordial hug. "It's nice to meet you, Sabrielle. Finally."

I thanked Tita with the failure to control my smile. Babatiin ko pa lang din sana si Tito nang bigyan din ako nito ng pormal na yakap.

Halos lumabas na sa magkahalong tuwa at kaba ang puso ko nang magsimulang mangamusta ng magulang ni Jett sa akin. On the other hand, he stood beside me—smiling as if telling me he was right all along.

Napangiti na lang din ako sa kan'ya nang magtama ang tingin namin. After all, I was just as surprised to know that his family perhaps loves hugs.

☾ ʚїɞ ☾

The dinner felt warm and cozy. Also, quick because the topics just ranged from the vaguest to the funniest stuff about life. Even the issues of work and school were out of the picture—and the absence of those felt relieving. Hindi ko alam na mas okay palang maging topic ay kung ano ang favorite flavor ko ng cake (para raw alam nila ang ibibigay sa akin sa birthday ko) kaysa kung ano'ng pangarap ko sa buhay. Less nerve-racking.

Nakakaloka. Ni hindi nga nagtanong ang magulang niya tungkol sa trabaho ng magulang ko and such personal matters. Siguro ay ganoon din talaga silang pamilya kahit wala ako sa hapag. Mostly, Kuya Jaice was sprinkling out jokes here and there tapos, syempre, binabara lang siya ng mga kapatid niya... pati nina Tita at Tito.

"Your curfew is at 11 pm, babe, right?"

Kanina, nasa kuwarto lang kami ni Jett at nakanood pa kami ng isang episode ng K-drama na sinamahan niya akong panoorin (kahit mukhang wala naman siyang interest doon, naging interesado na rin yata siya dahil sa akin). Kaso tinawag kami ni Ate Claudia at inaya rito sa may poolside nila para mag-ihaw ng marshmallow kasama ni Kuya Jaice, Kuya Jarvis, at ni Tito.

"8 pm pa lang naman!" sagot ko kay Jett habang ngumunguya ng marshmallow sa tabi ng kambal niyang kapatid.

"Wine! If anyone wants!" Ate Tres with Tita appeared with a bottle of wine and glasses on a tray. "Bawal hard liquor!"

Tinignan ako ni Jett. "You want?"

Ngumiti ako at tumango.

Dati talaga, gusto ko ng malaking pamilya. Pero kalaunan, sabi ko sa sarili ko baka mahirap kaya isa na lang gusto kong anak ko kung mag-aasawa ako. Baka 'ka ko kasi mahirap i-maintain 'yung bond kapag marami kayo. Pero siguro sa paraan talaga ng parenting nakasalalay.

Kaya naman pala... parang gusto ko na ulit.

"Why are you smiling?"

Nilingon ko si Jett nang makabalik siya sa tabi ko na may dalang bote ng wine.

Tahimik lang akong umiling bago siya niyakap sa baywang gamit ang isa kong kamay saka isinandal ang ulo ko sa braso niya.

☾ ʚїɞ ☾

Nangingiti kong pinagmasdan iyong polaroid picture sa kamay ko. Ang sarap ipa-frame! Hindi ko akalain na bibigyan talaga ako ni Tita ng tatlong copy ng picture ko kasama ng family nila. Sa wakas, may i-po-post na rin ako sa Instagram...

"Babe!"

Lumingon ako sa likuran ko at namataan ko si Jett na humabol sa akin sa hallway. Kukuhanin ko kasi sana ang bag ko sa sala para picture-an itong polaroid shot sa kamay ko.

"Bakit? Ito naman. May kukuhanin lang ako, ano ka ba." Natawa ako.

Jett chuckled. "I have something to give you."

Kumunot ang noo ko. I faced my body to his direction. "Ha? Ano 'yun?"

Imbis na sagutin ako ay hinatak lang nang marahan ni Jett ang kamay ko. Sinundan ko siya papanhik ng second floor hanggang sa papasok ng kuwarto niya.

"Ano 'y—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang balikan ako ni Jett sa pintuan, abot-abot sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.

Ngumiti siya. "Flowers."

"Grabe." Napasinghap ako. Nakakaloka talaga siya! "Ano'ng okasyon?!"

"What?" Kumunot ang noo niya, nagpipigil ng tawa. "Can't I give you flowers for no occasion?"

Naiwan akong nakatitig sa kan'ya habang yakap-yakap ang bouquet. Kahit hindi ko tignan, alam kong carnation bouquet ito... Sa inis ko'y naihampas ko na lamang ang dibdib niya bago siya niyakap.

"Ewan ko sa'yo. Nagayuma yata talaga kita."

"Oh. At least, effective."

"Bwiset!" Natawa kami pareho. Kumalas ako sa yakap at pinagmasdan iyong magandang pagkakaayos ng pink carnations sa bouquet. "Nakakainis ka. Kinikilig ako na dalawa na pwede kong i-post for today! Finally."

Jett looked at me in question. "Huh?"

Bumuntong-hininga ako't sinamaan siya ng tingin. "Ito saka 'yung polaroid. Wala naman akong i-po-post na pic ko na solo. Syempre, masaya ako sa ganito! Huwag kang judger!"

Jett's lips went agape. "Babe," he muttered. "Why? You can post a picture of yourself? You look beautiful tonight."

I let out a snort, subtly hitting him with the bouquet. "As if may mag-pi-picture sa akin!"

Nalaglag lalo ang panga ni Jett. "Seriously? That's it?" he asked in between his chuckles. Binasa niya ang ibaba niyang labi bago ako tinitigan nang mariin. "Okay. Game. Do you want to take pictures?"

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"Yes or no?"

"Keri lang—"

"Then, let me get my camera."

Muntikan nang lumuwa ang mata ko. "Ha?!"

Jett let out a scoff before holding both of my shoulders. "Sab, your boyfriend's not a print model for nothing, okay? I know how to take good shots," natatawang aniya. "In fact, there's a mini art gallery on the third floor. They were for Ate Tres' and Mom's paintings, but we all have access to it. Remember you told me you wanted to take photos in an art gallery?"

Nanatiling nakauwang ang labi ko. Medyo nagtubig pa ang mata ko. Nakakainis siya. "Okay lang... sa'yo?"

Jett only smiled again, with his eyes this time as his face remained close to mine. "Of course?"

He laughed lowly as he continued, "Of course. I'm all yours, remember? Starting today, I'll take every shot, reel, video—anything for you. Whether it may be at the beach, at an art gallery—anywhere you feel like taking one. Just... anything for you, Sab. Tell me and I will always be up for it."

_____________
#004
Narration

Happy one year!
Thank you for loving Jett and Sab! 🤍
#MidnightKissesWP 🌜

Continue Reading

You'll Also Like

105K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
til it's true By ash

Teen Fiction

71.3K 1.7K 154
[COMPLETE] til it's true an epistolary All Rights Reserved. 2023 book cover by: @chionni_ on wattpad
283K 12.8K 109
Under The List Series #1 Margarette Alvarina is confident her list will work on her crush. But when it doesn't, she's stuck with the only option she'...
292K 8.7K 123
𝗲𝗽𝗶𝘀𝘁𝗼𝗹𝗮𝗿𝘆 | 𝗽𝗲𝗿𝗲𝗻𝗻𝗲 #𝟯 A girl that doesn't care about anything related to boys, that was forced to build a connection with someone...