Oh My Ghost

By KingDimaro

730 48 48

A Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freed... More

Reminder(Spare time to read)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Not An Update
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 31

10 1 3
By KingDimaro

Her POV

Bumungad lamang sa akin ang mga parisukat na lapida at lanta o bagong mga bulaklak pero ni anino ng bakla, hindi ko nakita. Anong laro na naman ba tong pinaggagawa mo weakling ka!

Maski isang multo ay wala na siyang nakakapag taka. Paanong ang isang sementeryo ay wala kahit isang kaluluwang naglalakad lakad sa paligid? Napa pikit na lamang ako ng madiin sa mga masasamang senaryo na nakita sa isip.

"W-weakling???? Ano bah? Nasaan kaba?"

Lahat ng sulok ay napuntahan ko na pero ni bakas niya ay hindi nagpakita. Mas lalong hindi ko siya nararamdaman ibig sabihin nito'y wala siya dito. Nasaan kaba? Pinag-alala mo na naman ako. tssss

Nasa gitna na pala ako ng malawak na sementeryong ito. Kinokontrol ang inis at lubos na pag-alala habang nakayuko.

Key Hanse Espuert
Died on -

Ang pangalan sa lapidang tapat kung saan ako naka lutang. Napa-atras ako sa nabasa dahilan para hindi ko masali ang buong impormasyon nito.

"B-bakit g-ganito na lamang ang reaksiyon ng katawan ko? Isa na naman itong panibagong katanungan Arghhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!"

Unti-unti ko ng nabubuksan ang misteryo ng aking nakaraan ngunit bakit pinipilit itong dagdagan upang sarhan ng kalituhan.

"Arghhhhh!!!!!!"

"H-hindi, hindi ito ang pakay ko! W-weakling!! Magpakita kana Please nagmamaka awa ako sayo. Huwag mo naman akong patayin sa pag-aalala"

Hinihintay kong may biglang bakla na bubungad at pagtatawan ako sa sinabi. Hinihintay kong may biglang sisigaw na 'Master paano kita papatayin kung patay kana? Master nakakapatay pala ang pag-aalala?' Kaso wala eh. Wala...

Aalis na sana ako't magsisimula sa paglilibot ng posible nitong puntahan na mga lugar ngunit nagsimulang dumilim ang kalangitan. Na parang may isang magnet sa gitna na nanghihikayat sa lahat ng mga itim na ulap para magtipon tipon. Ang kaninang maliwanag ay tuluyang naglaho, ang sikat ng araw ay tuluyang natabunan. Anong ibig sabihin nito?

"Hindi naman siguro kagagawan ito ng b-bakla diba?"

Kahit anong kumbinse ko sa sarili ay mas nanaig ang aking palagay.

Sa isang sandali ng pag pikit ng aking mga mata ay siyang bumubulosok na itim na usok ang patutungo sa deriksiyon ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang lumutang ng mabilis upang maka iwas. Madali lang akong mahuhuli nito gayong hindi sapat ang espayo at dadag pa, mahihirapan ako sa pag takas sapagkat nagsisimula na nila akong palibutan ng pa bilog.

"Arrghhhh!!!!"

"Ha ha ha ha.....wakasan!.....wakasan!!!wakasan!!..."

Sigaw nila na nakakarinding pakinggan. Hindi ako papayag na mapabilang sa inyo mga hayop kayo!!!

"Mas gugustuhin ko pang maging hangin kaysa maging katulad ninyo, mga demonyo!!!!!! Ahhhhhh!!"

Nagpupumiglas ako para makawala sa  itim na usok na kasalukuyang sumasakal sa aking lalamunan. Unti unti ay nauubos ang aking hininga, makapangyarihan sila para magawa sa akin ito. Wala akong laban! Liwaliw?

Multong Liwaliw!!Weakling!

Sa isip ko na lamang naisigaw ang pagsusumamo sa kadahilanang hindi ko magawa.

"T-tulong......"

"Huwag ka ng lumaban pa, sasama ka ng matiwasay kung ayaw mong masaktan!"

Saad ng di ko kilalang nilalang. Siguro pinuno nila? Kanang kamay? Wala akong paki alam

Paano ako sasabat kung may buwesit na naka bara sakin. Arggh!!!

"Layuan niyo siya!!!!!!!!!!!! Master!!!Help is coming!!"

Napapikit ako ng mariin, isa pato.

Hindi ko alam kung saang lupalop siya nanggaling basta bigla na lamang siyang lumitaw at nakita kong tumilapon ang mga kaluluwang nakatayo sa pabilog nilang harang kung saan ang bakla dumaan. Hindi ko din alam kung mag-aalala ba ako o matatawa. Paano ba kasi, naka boots siya na kulay itim, may panyong kulay pula na nakapalibot sa kaniyang noo, may kung ano-anong naka sabit sa kaniyang baywang at ang mas malala, naglagay pa ng pekeng begote sa itaas ng kaniyang bibig. Kahit kailan ka talaga!

"Bogsshhhh!! Bogsshhh!!"

Para itong isang bata na naglalaro lamang habang may kung anong isinaboy sa akin dahilan para kumawalag ang itim na ispirito kung kaya't napa ubo ako.

"K-kagagawan mo to diba?"

Umiling iling siya ng ilang beses habang naka ngiti kita ang buong ngipin. Makikita mong pilit tsssss

"Ang sweet Ha Ha Ha! May taga pag tanggol ka pala Ha ha ha!"

Iyong tawa ay sinasabayan ng mga itim na kaluluwa sa paligid. Nakaka inis na kayo.

May sampung kalaban ang papalapit kung kayat inihanda namin ang sarili sa maaaring susunod na maganap. Magkaharap ang aming mga likod at pinag-aaralan ang kanilang mga galaw.

Kaya ko silang patumbahin ng mag-isa, silang sampu lamang pero kapag siguro silang lahat na hindi ko mabilang kung ilan, wala akong pag-asa. Kinuha ng bakla ang latigo sa kaniyang baywang. Hindi na ako nag taka kung bakit mayroon siyang ganoon. Hindi niya mahahawakan ang katunggali kaya't umaasa ito sa hawak.

"Mag-iingat ka"

Pa-alala ko.

"Aye aye! Master!"

Sumaludo pa ito sa gitna ng awayan. Tssss

Hindi pinawisan ang bakla sa madaling pagtapos ng mga pangahas, pero alam kung simula pa lamang iyon. Mas may malala pang naka antabay.

At hindi nga ako nagkamali, unti-unting lumalapit ang mga naka harang na kaluluwa. Nakita ko pang tumatawa ang tatlong naglalakihang kaluluwa sa itaas na ginaya ng mga kasamahan nito sa likod, tila mga bantay. Wala silang mga mukha na siyang mabuti sapagkat natitiyak ko lang naman ay di ito maipinta tulad ng pangit nilang pag-uugali at motibo.

"Weakling? Kaya natin to"

Hindi ko pinapakita na natatakot din ako, na may kawalan ako ng pag-asa na nararamdaman upang hindi siya madamay.

"Syempre ikaw ba naman tapos ako, kayang kayang. Tsaka master, lumayo ka muna sa akin kasi sabi nila'y lahat ng kaluluwa'y maaring ma tamaan nito"

Wala ng pag-uusisa pa at ka agad akong lumutang palayo sa kaniya, kung kaya't sinalubong ko nalang ang mga kaluluwa sa bahagi na kung saan malayong ma puntirya sa anumang pinaplano ng bakla.

Lumutang ako paitaas nang may kabilisan at ilang beses umikot upang sa likod nila ako babagsak.

"Huh! Ang hihina niyo!"

Gulat man pero agad din silang kumilos para sugurin ako. Ilag dito, ilag doon. Hindi ko maikaka-ilang ilang beses din akong natamaan pero ini-inda ko ito. Iyong bakla ay patuloy sa pag babato ng kung ano-ano at bi-bigla itong sasabog na nagpapahina sa mga kalaban hanggang tuluyang maglaho.

"Shit! Bat ba kasi ang rami ninyo!"

Reklamo ng bakla.

Pa ubos na din ang mga dala niyang panguntra na ikinabahala ko. Habang may nakita akong daan tungo sa kaniya ay hindi agad ako nag aksaya.

"Okay kalang bah?"

"Hoh!!! Master bat ang tagal nilang maubos *pout"

Nagagawa niya parin talagang paga anin ang mabigat na tagpong ito.

"Tiis tiis lang, malalagpasan din natin to"

Sinuntok ko ang dalawang akmang sasakmal sa bakla.

Iisa na lamang ang natira sa baywang ng bakla, isang bilog na hindi ko alam ang laman basta balot ito ng patay na dahon sa saging at sen laki ng kamao ng isang tao, bakit tila hindi niya ito ginagalaw?

Pa lihim ko itong hinablot at itinapon sa mas maraming bugkos na kalaban.

"M-master Wagggggg!!!!!!!"

Pigil niya pa pero huli na.

Isang malakas na pag sabog ang naganap na nag sanhi pa nang pag yanig ng kalupaan. Lahat tumilapon maliban ang bakla, ganoon din ang mga makapangyarihang nilalang sa itaas ay nabuwag din.

Masakit ang naging pag salpok ko sa isang pader. Unti unti ay lumalabo ang aking paningin at mas lalong humina hanggang sa hindi ko na alam ang kasunod na nangyari.

Andrew POV

"Master!!!!!!!"

Wahhhhh!!!

"M-master!!! G-gising, sabi ko naman kasi sayo huwag mong e tapon huhuhu"

Iyon kasi ang may napakalakas na impak. Unti-unti na silang bumabangon, iyong mga natirang naka tayo pa.

Kung ikukumpara kanina ay nasa kalahati ng 1/8 nalang siguro sila. 

"Dito gawin ang ritual, simulan ang paggawa ng portal!"

Utos ng isa sa kanila.

Wahhhhhh!!Hindi! Hindi pwede

"Master gising!! Gising master!!"

Shit!

Inilabas ko ang latigo. Hindi ko hahayaang makuha niyo siya sa akin. Hindi.

Ang sinasabi nilang Portal ay unti unti ng nabuo. Shit shit shit!!

"U-umalis kayo!!"

Hinampas hampas ko ang latigo para walang maka lapit kay master. Hindi ako malayang makipag sagupaan dahil binabantayan ko siya. Ayaw kong mawala siya sa paningin ko.

Sa harap ang atensyon ko naka pukos kung kaya't hindi ko namalayan ang pumuslit na kaluluwa upang puntiryahin ako sa likod. At iyon nga, isang malakas na sipa na nagpa tumba sa akin.

Kung masuntok ko man lang kayo, siguradong wala kahit isa ang nakakatayo sa inyo.

"Ang ulo ko, shit!"

May nakapa akong kaunting dugo sa gilid ng aking noo pero ininda ko ito.

"Shooo alis!!!"

Akma nilang bubuhatin si master mabuti nalang naka tayo agad ako.

Dahil narin siguro medyo pagod at nanghihina kaya hindi ako nakapalag na may dalawang humawak sa aking mga kamay bandang likod at tuluyang nahuli.

"M-master!! Hindi!!!!"

Binuhat nila siya patungo sa portal. Wahhhhhh!! Help.. Help pleaseeee

"B-itiwan niyo ako!!"

Iyong dalawa ay naging apat hanggang anim na nakahawak sa akin. Paano ko naman makukuha itong huli kong pag-asa kung wala akong takas. Ahhhh!!

"M-master!!!gumising ka!! Pleaseee!!"

Malakas ang suntok sa aking tiyan ang pinakawalan ng isa sa nakahawak sakin. Ang sakit!! Wahhhh

"H-hindi!!!!!!!"

Napapikit ako dahil hindi ko kayang masaksihan ang pangyayari. Wala akong silbi, wala man lang akong nagawa. Plano ko ito pero talo ako. Ahhh!!

------

© BinibiningHari

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 247K 49
|COMPLETED| Despite coming from a non-magical family, Snow Brielle Sylveria still yearns to become one of the gifted. When the opportunity to attend...
16.5K 677 17
Highest Rank 1: Mystery-Thriller 'Kung ako'y iyong laruin, ang anim na pu't anim ay subukan mong abutin bago ako'y tuluyang magising.' Iyan ang mga...
Multo By Endee

General Fiction

1.3K 107 15
What if the ghost that haunts you isn't a person, but a love that never got the ending it deserved?
3.5K 373 68
She is a simple girl who will do anything to reach the man of her dreams, Ion Loughrey, the brilliant yet enigmatic president of Loughrey Academy. Wi...
Wattpad App - Unlock exclusive features