Seeking Light in the Darkness

By sunfloweryy_seeds

3.1K 346 20

"Ate, hindi na po ba tayo pupuntahan ni mama?" Tanong ng nakababata kong kapatid. Hindi ako nagsalita dahil h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 8

143 21 0
By sunfloweryy_seeds

"Ate bakit hindi mo ako ginising kanina?" Nakangusong sabi ni Jazen.

"Masyado pang maaga nang umalis ako." I explained.

We are now eating dinner, si kuya na ang pinaluto ko dahil pagod na pagod ako kanina. Pagkahiga ko rin kanina ay nakatulog agad ako dahil sa sobrang pagod.

"Shay tinawagan na ako kanina ng isa sa  mga na-applyan ko. Wala nang kasama dito si Jazen."

"Sama nalang ako kuya." Singit ni Jazen.

"Hindi kita pwedeng isama doon." Napanguso naman siya.

"Sama ko nalang siya sa karinderya, try ko mag message kay tita Kiann kung pwede." Saad ko.

Sana payagan ako ni tita hindi ko kasi alam kung sino ang pwedeng magbatay sa kaniya.

Hindi naman pwedeng sa kapitbahay, hindi pa namin sila kilala talaga, hindi rin pwede kila tita Jhin dahil malayo layo ang bahay nila kung araw araw ko siyang ihahatid sundo ay sayang din ang pamasahe.

"Makiusap ka nalang, hindi naman 'to malikot." Napangiti si Jazen ng purihin siya ni kuya.

Nang matapos na kami kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan. Ang dalawa naman ay naglalaro ng mga laruan ni Jazen.

Bigla kong naalala ang ube cookies na binigay ni tita Kiann. Nagtira ako para tikman nila Jazen. For sure magugustuhan nila.

"Jazen, may pasalubong pala si ate sa inyo kunin mo sa bag." Agad naman siyang tumayo at pumuntang kwarto.

"What's this ate?" Lumabas siya at pinakita sa akin ang plastic na hawak niya.

"It's ube cookies, try it." Pinunasan ko ang mga kamay ko pagkatapos maghugas.

"It's so good ate!" Natawa ako nang napatalon talon pa siya nang matikman.

"Saan mo 'to binili?" Tanong ni kuya.

"Sa karinderya 'yan. Binigay sa amin." Sagot ko. Umakyat ako at tumabi sa kanila.

Napatitig ako kay Jazen, he looks happy despite what we are going through, his smiles and laughs are so pure.

Like we are not facing a big problem, for me siya ang pinaka-apektado sa aming tatlo.

Dahil isang araw ay nagising nalang siya na wala na sa tabi niya sina mama at papa, nagising nalang siya na kami nalang ang kasama niya.

Kaming tatlo nalang ang kumakain nang sabay sabay sa hapag at kaming tatlo nalang ang magkakasama sa isang bahay.

Minsan nakakatakot din ako because I don’t know what’s running through his mind.

I'm sure palagi niya pa ring naiisip sina mama. After malaman namin na may pamilya na si mama ay hindi na siya nagtanong kung kailan siya babalik.

Siguro dahil alam na niya ang sagot. He chose to remain silent.

Seeing him with his cute smiles make me happy but at the same time it makes me sad dahil naiisip ko na pinipilit niya lang maging masaya sa harap namin ni kuya.

Kasi siya lang ang pinagkukunan namin ng lakas, we are working hard to give him a better future even without our parents.

"Kailan ka raw magsisimulang magtrabaho?" Nandito kami ngayon ni kuya sa harap ng pinto, nakaupo.

Jazen is already asleep, pinatulog ko na siya ng maaga dahil isasabay siya ni kuya papuntang trabaho at idadaan nalang sa akin dahil dadaanan rin niya ang karinderya.

"Bukas daw." Sagot niya. "Ano pala sabi ng boss mo?"

"Pwede raw, buti nalang ay pinayagan ako." Kakausap ko lang kay tita Kiann kung pwede isama si Jazen, noong una ay hindi siya pumayag kaya naman sobra ang pagmamakaawa ko sa kaniya dahil hindi talaga pwedeng maiwan so Jazen magisa.

Ilang minuto ko rin siyang kausap, nagmamakaawa na payagan ako buti nalang at nag-oo siya bandang huli.

"Kumusta pala ang school mo kuya? Kailan ka mageexam?" I asked.

Napatingin ako sa kaniya ng marining kong nagbuntong hininga siya. "Shay, saka nalang siguro 'yon."

Napakunot ang noo ko. "Pero kuya–"

"Pagiipunan ko nalang muna 'yon, kayo ang priority ko ngayon. Actually wala naman na talaga akong balak mag-aral."

"Pero kuya sayang! Ilang taon nalang!" Pilit ko.

"Ano naman? Saka maraming gastusin sa collage, Shay. Baka hindi natin kayanin, hindi naman ganun ka taas ang mga sahod natin plus yung mga pang araw-araw pa natin."

Napayuko ako, hindi ko na siya mapipilit pag kasi ayaw ni kuya, ayaw niya talaga kahit anong gawin mo hindi siya makikinig.

"Ang pag-aaral nalang siguro ni Jazen ang pagipunan natin." Aniya.

Kinabukasan ay maaga akong gumising, naligo muna ako bago magluto ng almusal at kumain.

Bago ako umalis ay nagpaalam ako kay kuya at binilin ko sa kaniya ang mga gamit na kailangan nilang dalhin. Hinalikan ko muna sa noo si Jazen bago tuluyang umalis.

Hikab ako ng hikab habang nakasakay ako sa tricycle. Well sanay naman ako na maaga magising dahil maaga ang pasok ko sa school pero hindi ganito kaaga.

Three fifteen na ako nakaalis dahil ilang minuto ako nakatulala sa cr. Antok na antok pa ako!

Pero kailangan tiisin para sa pera!

Nang makarating ako ay naabutan ko si Sara sa harap ng karinderya.

Lumapit siya sa akin at hinila ako papunta sa likod ng karinderya.

"Teka lang!" Muntik pa akong madapa.

"Ang tagal mo naman!" Reklamo niya. "Tagal kong nag hintay!"

"Sino naman kasing nagsabi na hintayin mo ako?" Pwede naman siyang dumeretso agad sa loob.

"Wala, trip ko lang bakit ba!" Pumasok na kami sa loob at as I was expecting nagluluto na si tita Kiann, nasa loob na rin si Jhun.

Agad kaming kumilos at tinulungan siya, nagsuot kami ng apron and hairnet.

Inatasan ako ni tita na iready ang mga sangkap na gagamitin niya, si Sara naman ay inatasang lutuin ang fried rice.

Habang busy kami ay dumating ang dalawang anak ni tita Kiann para tumulong, it's Saturday so walang pasok kaya pumunta sila dito para tumulong.

"Ang aga mo naman kami pinapunta, ma." Reklamo ni ate Rein.

"Syempre! Tatlo lang trabahador ko kailangan ko ng maraming katulong lalo na't weekend! Saka sinasahuran ko naman kayo." Napanguso si ate Rein habang tinutulungan akong maghiwa ingredients.

"Bakit kasi kailangan alisin 'yong mga trabahador mo dati." Parinig niya.

"Alam mo namang ayaw ko sa mga tamad! Nandito lang sila dahil sa libreng pagkain!" Hindi na sumagot si ate Rein.

Tuwing weekends daw ay maaga nagbubukas kaya bago mag alas-kwatro ay binuksan na ang karinderya.

Maraming namamalengke sa weekends kaya ilang minuto palang kaming bukas ay mayroon nang mga costumers.

Pagka alas-sais ay tumawag na sa akin si kuya na papunta na sila at maya maya pa ay dumating na sila.

Bilinin ko muna kay Jhun ang pagkuha ng mga take outs para puntahan sina kuya sa harap ng karinderya.

"Ate!" Agad na tumakbo papunta sa akin si Jazen and hugged me.

"Sige na, Shay. Baka ma-late ako first day ko pa naman." He kissed us first at sumakay na ulit sa tricycle.

"Tara, behave ka lang sa loob maraming ginagawa si ate at baka pagalitan tayo n ng boss ko, okay?" Paliwanag ko.

Agad naman siyang tumango. "Okay po!"

Pumasok kami sa loob at pinaupo ko siya sa tabi ng pwesto ko sa take outs.

"Behave." Paalala ko ulit. He smiled and nodded, natawa pa ako nang yakapin niya ang dala dala niyang maliit na spider man na bag.

Bumalik ako sa pagtatrabaho dahil baka pagalitan ako ni tita Kiann.

"Hala ito ba ang kapatid mo?" Napangiti si ate Reina nang makita si Jazen sa tabi ko.

"Opo, ate." Magpapalit muna kami, ako muna sa kusina at siya sa mga take outs.

"Ang cute naman! Mamaya na kita panggigigilan!" Natawa ako, iniwan ko muna siya doon at pumuntang kusina.

Tinulungan ko si Sara sa paghahanda ng mga orders ang dalawang lalaki naman ay naghahatid ng mga order at si tita naman ay nagluluto for lunch.

It's already nine fifteen and unti nalang ang mga costumers, kaya nakapagpahinga na kami. At ayon pinanggigilan na nila si Jazen.

"Ang gwapo mo naman! May kuya ka?" Binatukan ni Jhun si Sara sa tanong niya. "Aray!"

"Sumbong kita kay tita!"

"Epal 'to!" Inirapan niya si Jhun at binalik ang atensyon kay Jazen. "May kuya ka?" Tanong niya ulit.

"Opo."

Nanlaki ang mga mata niya. "Pakilala mo ako!"

Nag aagawan si ate Rein at Sara kay Jazen, tuwang tuwa sila kay Jazen pati si tita Kiann ay natuwa rin sa kaniya dahil naalala niya ang bunsong anak niya noong maliit pa.

Paminsan minsan ay inuutusan ko si Jazen para hindi lang siya nakaupo.

Pagkalunch ay naging busy nanaman kami, binilhan ko nalang muna si Jazen ng biscuit dahil hindi ko siya maasikaso.

"Ate ten pieces po na ube cookies." Pagkaabot niya ng bayad ay kumuha na ako ng maliit na paper bag inilagay ang kung ilan ang order niya.

Sakto namang ubos na ang isang tray kaya inutusan ko muna si Jazen na dalhin sa kusina at sabihin ay tita Kiann na i-refill.

"Ate dadalhin nalang daw ni tita." Sabi ni Jazen pagbalik. Tumango lang ako at kinuha ang order ng iba pa.

Pagpatak ng one thirty ay medyo nakapahinga na kami. Umupo muna ako sa tabi ni Jazen dahil si Jhun muna ang sa take outs na pinagpahinga muna ako.

"Ate nagugutom na ako." Rinig kong mahinang sabi ni Jazen.

Naalala ko puro biscuits lang kinain niya nang lunch.

"Sige, wait lang." Tumayo ako para pumasok sa kusina.

"Ah tita, pwede kumuha po muna ako ng isang ulam and rice babayaran ko po mamaya." Paalam ko kay tita.

"Sige kumuha ka d'yan." Agad akong kumuha ng plato at nilagyan ng kanin at ulam para kay Jazen.

Kinain niya naman agad 'yon dahil gutom na gutom na siya. Hindi niya naman naubos kaya kinain ko ang natira.

After that ay bumalik na ulit ako sa trabaho, si Sara naman ang pinagpahinga ko, ako ang pumalit sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.6M 71.3K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
120K 4.9K 99
STARTED: 08/01/21 ENDED: 05/12/22 ☆☆ A woman enters a room full of rowdy men. In the past few days, she has gradually gotten closer to those men. The...
1.5M 47.1K 72
"Yasmine Zehra Marquez" She's lovely and sweet She's intelligent and very passionate She's beyond beautiful She's rich and elegant She's my neighbo...