Seeking Light in the Darkness

By sunfloweryy_seeds

3.1K 346 20

"Ate, hindi na po ba tayo pupuntahan ni mama?" Tanong ng nakababata kong kapatid. Hindi ako nagsalita dahil h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 7

154 20 0
By sunfloweryy_seeds

Ilang minuto palang ang lumipas at sunod sunod nang nagsisidatingan ang mga costumers.

Ako ang inatasan para kumuha ng mga orders for take outs at nagbabalot ng mga pagkain sina Jhun at Sara naman ay ang kumuha ng mga orders at naghahatid ng mga pagkain sa mga nakadine in.

"Limang order ng sopas at dalawang order ng pansit." Mga basic na Filipino breakfast pa lang ang nakadisplay. Like sopas, lugaw, sunny side up eggs, hotdogs, pancit, spaghetti at marami pang iba.

Tumango ako at nilista ang mga order niya.

"Okay po." Pinahintay ko muna siya sa waiting area na nasa tabi lang ng counter.

Kinuha ko na rin ang mga orders ng mga taong nakapila. Pagkatapos ay isa isa ko nang pinagbabalot ang kanilang orders at ibigay sa kanila. Tinuruan din ako ni Sara kung gaano karami ang ilalagay sa plastic o sa plato.

Naging sobrang busy namin dahil sunod sunod ang pasok ng mga costumers, si tita Kiann naman ay nagluluto na ng mga putahe for lunch.

Eight na nang medyo kaunti na ang costumers kaya nagpahinga muna kaming tatlo.

"Grabe! Nakakapagod." Ani Sara habang minamasahe ang paa, sumakit na ito dahil sa pagpapabalik balik niya sa kusina at sa mga tables ng costumers at sa tagal nang nakatayo.

Kumain na rin kami ng breakfast dahil kaninang madaling araw pa ang kain namin. Buti nalang at libre ang pagkain namin kaya hindi na ibabawas sa sahod.

Putol putol lang ang pagkain namin dahil may dumarating pa rin na mga costumers.

"Jhun!" Rinig naming sigaw ni tita.

"Hoy tawag ka." Tumayo naman agad si Jhun at pasok sa kusina.

"Baka may ipapabili si tita." Sabi ni Sara habang pinupunasan ang mga bagong hugas na food tray.

"Matagal na ba kayo dito?" Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya.

She nodded. "Oo simula nang magbukas 'to nandito na kami."

"Gaano na ba katagal 'to?" I asked.

"Apat na buwan palang." She answered. "Ang sarap kasi ng mga luto ni tita na mga lutong bahay kaya laging binabalik balikan. Kahit noon tuwing may family gathering kami siya ang laging inaatasan na magluto ng mga handa."

"Actually dati ang binibenta ni tita ay mga Chinese foods pero hindi siya gaanong mabenta hindi kasi patok sa panlasa ng maramihan. Yung iba nga ay naghahanap ng Filipino foods kahit may nakalagay na sa tarpaulin namin sa labas ay Chinese Cuisine kaya sabi niya Filipino foods nalang ang ibebenta niya." Dagdag niya.

"Dalhin ko muna 'to kay tita." Tumango ako, dinala niya ang mga pinunasan namin sa loob ng kusina.

May mga pumasok na costumers kaya inasikaso ko muna. Pagkatapos kong kunin ang mga orders nila ay nilinis ko ang mga tables.

Malapit na mag lunch nang tawagin ako ni Sara para tulungan siyang ilabas ang mga pagkain for lunch.

Kumain na muna kami saglit ng lunch dahil baka after lunch pa kami makakain.

At dahil nga lunch na ay sunod sunod na nagsidatingan ang mga costumers. Puro dine in kaya pagod na pagod sina Sara dahil pabalik balik sa kusina para kunin ang mga orders. Lumabas na rin si tita sa kusina para tulungan kami.

Naawa nga ako sa kaniya dahil sobrang aga niyang nagsimula na magluto at ngayon lang siya tumigil sa pagluluto.

Salit salitan kami sa pagtulong sa kaniya sa pagluluto dahil napakarami ng putahe na lulutuin niya.

Marami rin ang nagoorder ng take outs kaya sobrang busy ko, mabuti nalang at nasanay na ako dahil ako lagi ang nagbabantay sa paninda ni tita noong nakatira pa kami sa kanila.

Marami rin ang naghihintay sa labas para makakuha ng upuan, sobrang dami naman ng mga upuan for dine in pero kasi sobrang daming tao kaya napuno na agad.

"Wala pa ba kayo ng ube cookies?" Tanong ng costumer.

"Hindi pa po available. Five minutes po."

"Sige, hinatayin ko nalang."

"Name nalang po."

"Angelyn." Tumango ako at sinulat sa taas ng papel ang pangalan niya. Umupo siya sa waiting area. Tinabi ko muna ang papel kung saan nakalista ang orders niya.

May mga desserts din na binibenta si tita at ang pinakamabili daw ay ang ube cookies.

Simula nang itanong ng babae about sa ube cookies ay nag order na ang mga kasunod niya.

Nang matapos ko na makuha ang mga orders nila ay nagsimula na rin akong magbalot ng mga orders.

Sakto nang matapos ako magbalot ay nilabas na ni tita ang mga ube cookies na kakaluto lang.

Grabe nakakagutom yung amoy! Gusto ko tikman!

Isa isa kong tinignan ang orders nila at binalot kung ilan ang order nilang ube cookies.

Tinawag ko ang mga pangalan ng mga completo na ang orders. Nang matapos ko na lahat ay nagpalit kami ni tita Kiann ng pwesto, siya muna sa take outs at ako ay tutulungan sina Sara sa mga dine in.

"Oh! Dalawa pang orders! Table one and ten! Grabe! Parang mas marami ata 'to compare nitong mga nakaraan!" Inabot ni Sara kay Jhun ang dalawa pang papel na puno ng orders.

"Kaya nga. Parang dumoble ang bilang." Saad ni Jhun habang nagsasandok ng kanin.

Kinuha ko ang isang tray na puno ng ube cookies at gamit ang tongs ay naglagay ako sa maliliit na bowls.

May nagrerequest na kasi na dalhin na and desserts.

Pumasok si tita Kiann na dala dala ang dalawang tray na walang laman. "Papunta na ang anak ko para tulungan kayo." Aniya.

"Buti naman tita! Nakakapagod!" Kinuha ni Sara ang isang tray na puno na orders.

"Dahan dahan." Paalala ni Jhun.

Ako naman ay lumabas na rin dala dala ang mga desserts. Habang nagbibigay ako ng mga orders ay may pumasok na matangkad na babae at may kasamang lalaki.

Derederetso silang pumasok sa kusina, mabilis kong binigay ang last na order sa table six para malaman ko kung sino 'yon.

Grabe yun ah! Derederetso lang sa loob!

"Sinama ko na si Kei." Kausap niya si tita Kiann.

Mukha siyang mas matanda sa amin nila Sara ang lalaki naman ay mukhang mas bata.

"Dalian niyo tumulong na kayo marami pang costumers sa labas!" Sabi ni tita at lumabas sa kusina pagkatapos mag refill ng ulam.

"Ate Rein si Shay po pala, bago lang siya." Napatingin sa akin ang babae habang nagsusulat siya n apron nang ipakilala ako ni Sara.

"H-hello po." Natakot ako nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa. Like she's judging me.

"Ilang taon kana?" Mataray na tanong niya.

"Seventeen po." Sagot ko.

Bigla siyang ngumiti ng matamis kaya parang nakahinga ako ng maluwag.

"Ang cute mo naman. Hindi ka mukhang seventeen! You look like fifteen!" Natatawa siyang saad. Hindi ko alam kung maooffend o matutuwa sa sinabi niya.

"Anyway! Let's get back to work! Mamaya na tayo magchismisan, baka pagalitan tayo ni mama." Tumango kami at bumalik na ulit sa pagtatrabaho.

Mama?

So siya ang tinutukoy ni tita Kiann kanina na dadating. Mabuti nalang at pumunta sila dahil walang tigil pa rin sa pagdating ng mga costumers.

Mas lalo kaming napabilis dahil
nadagdagan kami ng dalawa.

Alas dos na at unti nalang ang costumers, mostly mga desserts ang inoorder at take outs dahil magmemeryenda na.

"So kailan ka pa dito?" Tanong ni ate Rein.

Nandito kami ngayon sa waiting area sa tabi ng counter, nagmemeryenda. We're eating ube cookies and it's so good! So delicious. Sobrang sarap ng fillings!

Binigyan kami ni tita Kiann nang tagiisang plastic ng cookies dahil baka maubos na maya maya. Nagtira ako ng ilang piraso para ipatikim kina kuya pag-uwi.

"Kanina lang po umaga." Sagot ko.

"Wala ka bang pasok?"

"Hindi po ako nag-aaral." I chuckled.

Gulat siyang napatingin sa akin. "Bakit naman?"

"Ah, wala pa pong pera." Nahihiya ako.

"Wala bang trabaho ang mga magulang mo? Saka bakit ka nagtatrabaho diba dapat ang mga magulang mo?" Napayuko ako sa mga tanong niya.

Nasasaktan ako tuwing mas kausap ako at binabanggit ang magulang. Biglang bumabalik sa isipan ko kung paano kami iniwan ni papa at noong nalaman na namin na may pamilya na si mama.

Sobrang sakit.

"H-hindi na po namin sila k-kasama." Bulong ko pero sapat na 'yon para marinig nila.

"Nasa abroad?"

"I-iniwan na po k-kami." Pinipigilan kong umiyak sa harap nila.

"Hala! Sorry!" Hinawakan niya ang braso ko.

I looked at her and smiled.

Sorry siya ng sorry pero sabi ay okay lang 'yon. Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa mga sitwasyon na gaya nito.

After meryenda ay sinabi sa akin ni tita Kiann na pwede na akong umuwi dahil kung sasabay ako sa out nila Sara ay sobrang gabi na at delekado lalo na magbyahe sa gabi at minor pa lang ako, may curfew sa lugar namin.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nagpaalam na ako isa isa sa kanila.

Nang makauwi ako ay pagod na pagod ako at sobrang antok. Gusto nang bumigay ng mga binti ko, nanghihina na sila!

Ilang oras ba naman nakatayo at lakad ng lakad tapos may dala pang mabibigat na tray.

Saktong pagpasok ko ay naabutan ko ang mga kapatid ko na nanonood ng kung ano sa cellphone ni kuya.

Seryosong seryoso sila sa panonood 'ni hindi nila ako napansin.

"Tao po." Sabi ko sabay katok sa pinto. Agad silang napatingin sa akin at nagliwanag ang mga mukha.

"Ate!" Tumakbo papalapit sa akin ni Jazen and hugged my legs. "I miss you."

Nang makita ko ang mga ngiti nila ay parang bula na biglang nawala ang lahat ng pagod ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 81.6K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
635K 14K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.9M 93.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️