Seeking Light in the Darkness

By sunfloweryy_seeds

3.1K 346 20

"Ate, hindi na po ba tayo pupuntahan ni mama?" Tanong ng nakababata kong kapatid. Hindi ako nagsalita dahil h... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 1

323 22 1
By sunfloweryy_seeds

Magtatlong buwan na ang nakalipas ng mangyari 'yon. Iniwan kami ni papa at sumama sa kasintahan niya.

Ni hindi niya kami tinapunan ng tingin noong umalis siya, wala kaming narinig sa kaniya kahit isang salita para sa amin ng mga anak niya.

Derederetso lang siyang lumabas sa bahay, siguro nga wala talaga siyang pake sa amin.

It hurts to see your father walking away without saying a word, without explaining, without saying sorry for what he have done.

Parang hindi siya nagsisisi sa ginawa niya, mukhang okay lang sa kaniya na iwanan niya kami.

Sa loob ng tatlong buwan ay wala kaming balita kay papa. Hindi na namin siya na cocontact.

Hindi ko alam kung nagkikita sina mama at papa dahil balita ko ay tumira si papa at ang kasintahan niya sa bahay namin at si mama ay nagtatrabaho malapit doon.

Wala naman naganap na annulment dahil hindi kasal sina mama, live in lang sila.

Hindi nalang din kami nagtatanong kay mama dahil paniguradong pagagalitan niya kami.

Iniwan kami ni mama sa kapatid niya, sa isang probinsya at habang siya ay nagtatrabaho sa Manila. Nagpapadala siya ng pera para sa pangangailangan namin.

"Ate kailan daw tatawag si mama? Miss ko na siya." Niyakap ako ng bunso naming kapatid.

"Hindi ko alam. Tignan natin bukas, tawagan natin siya." Sagot ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

Gabi na at matutulog na kami pero itong kapatid ko ay naglalambing at paulit ulit na sinasabi na miss na niya si mama.

Mama's boy kasi siya, dati ay ayaw na ayaw niyang mahiwalay kay mama nagwawala talaga siya pag-umalis si mama ng hindi siya kasama.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi na namin gaanong nakakausap si mama dahil marami raw ang kaniyang trabaho.

Kung tatawag man ay hindi lumalampas ng sampung minuto ang paguusap namin.

"Hayaan mo, paniguradong uuwi si mama sa susunod na linggo baka busy lang siya sa trabaho para magkaroon ng pera para makauwi siya." Napatingin kaming dalawa kay kuya.

"Talaga, kuya?!" Masiglang sambit ng bunso.

"Oo, diba sabi niya tuwing katapusan ng  buwan dadalawin niya tayo." Nakangiting saad ni kuya.

Kinabukasan ay maaga ako nagising dahil tinutulungan ko si tita sa pagprepare ng kaniyang mga paninda.

Nagtitinda siya ng mga ulam sa tapat ng bahay niya. Habang nagluluto si tita ay inayos at nilinis ko ang lamesa.

Hinugasan ko rin ang mga lagayan ng ulam at inilabas ko na ang mga ulam na luto na.

"Ate isa pong itlong at hotdog." Lumapit ang isang batang lalaki na nakauniform.

Kumuha ako ng plastic at inilagay ang order niya. Pagkabayad niya ay umalis na rin siya agad.

Mukhang ka-edad lang siya ng bunso namin, medyo nalungkot ako dahil gusto rin ng kapatid namin na pumasok sa school pero wala kaming pera.

Grade one na sana siya kung hindi nangyari 'yon, ako naman ay mag co-college na.

Pinili nalang namin na huwag na munang mag-aral dahil sobrang mahihirapan si mama. Wala rin naman kasing pinapadala si papa sa amin.

Si kuya naman ay nagtatrabaho rin, minsan ay sumasama siya sa construction, nagta-try din siya mag apply sa mga restaurant pero hindi siya tinatanggap.

Gusto ko na rin mag-trabaho pero ayaw ni kuya dahil gusto niya na bantayan ko nalang ang bunso namin.

Hindi rin kasi maganda ang trato sa amin ng tita namin. Everytime na nagpapadala si mama ay lagi siyang may sinasabi.

Kesyo kulang pa daw, ang liit ng pinapadala ni mama, hindi kasya sa pang araw-araw namin.

Samantalang sampung libo ang pinapadala ni mama para sa amin, kinsenas at ang ipapaulam niya sa amin ay tuyo, itlog, delata o noodles lang.

Pero silang pamilya nakakarne. Ayaw din nilang sumasabay kami pagkakain sila.

Gusto ko man silang sagutin pero hindi ko kaya dahil nakikitira lang naman kami sa bahay nila, pasalamat pa kami dahil pinatuloy nila kami.

Ang asawa naman niya ay walang trabaho puro sugal, puro sabong at bisyo ang inaatupag.

Dumating si tita na may hawak hawak na ulam at nilagay iyon sa lamesa.

"Ikaw na magbantay d'yan. May pupuntahan ako." Bilin niya.

"Tita nagpadala po ba si mama?" Tanong ko. Siya ang kumukuha nang padala ni mama.

"Aba hindi ko alam! 'Ni hindi niya nga binabasa ang mga message ko! Sabihin mo sa nanay mo magpadala na siya! Kung hindi, hindi kayo kakain ng ilang linggo!"

"Ubos na po ba 'yong pinadala ni maam noong nakaraan?" Kakapadala lang ni mama ng sampung libo, ubos na agad? 'Ni hindi nga siya nag grocery.

"Oo! Napakamahal ng bilihin, 'kala niyo ba! Ginto na ang mga bilihin ngayon! Kaya humingi kana ng pera kung ayaw niyong magutom!" Nagmartsa siya paalis.

Hindi nalang din ako nagsalita dahil baka ano pa ang masabi ko at sabihin niya ay binabastos ko siya.

Alam ko rin naman kung saan siya pupunta, everytime na magpapadala si mama ay umaalis siya, pagdating niya ay may mga dala siyang shopping bags.

At kahit 'ni isang delata hindi siya bumibili, ang dami niya laging pasalubong sa mga anak niya at kami ay nakatingin lang sa kanila.

Malakas ang kutob ko na pera ni mama ang mga pinangbibili nila ng mga kung ano-ano.

Pati rin ng mga ingredients niya sa mga paninda niya sa pera ni mama siya kumukuha.

Kinuha ko ang cellphone ko para icheck si mama kung online ba siya. Pero hindi twenty minutes ago pa.

Pero I tried to call her, nagriring siya pero hindi sinasagot. I think she's busy kaya hinayaan ko nalang pero nag message ako, tinanong ko kung kumusta na siya at kailan niya kami bibisitahin.

Nagising na ang mga kapatid ko, ang bunso namin ay pinakain ko na at as usual itlong ang ulam niya at ang mga anak ni tita ay pritong manok.

Gusto ko sanang kumuha sa mga pagkain na tinitinda ni tita pero nandyan ang mga anak niya, pag nalaman nilang kumuha ako ay magsusumbong sila at hindi kami papakainin ni tita.

Narinig ko pang pinagyayabang ng mga anak niya ang ulam nila pero ang bunso namin ay hindi sumasagot. Sinabihan ko rin kasi siya na huwag siyang papatol sa kanila.

Umalis naman si kuya para mag-apply ulit. Si tita ay umalis na rin kasama ang mga kumare niya.

Binilinan niya ako na magbantay sa paninda niya at dahil wala nga siya hindi na kami makakatinda sa hapon.

Makalipas ang ilang araw ay wala pa rin kaming balita kay mama, hindi siya sumasagot sa mga tawag namin, sa mga messages.

Dinadakdakan kami ni tita dahil wala na raw siyang pera, wala na raw kaming pambili ng pagkain.

Lumpas ang dalawang linggo, palaging umiiyak ang bunso kong kapatid dahil gusto na niyang makita si mama.

Wala rin naman kaming magawa ni kuya dahil hindi nga namin alam kung paano makakausap si mama dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasagot ang mga tawag namin.

We tried to call papa pero ang girlfriend niya ang nakasagot, sinabihan kami na huwag na kaming tumawag sa papa namin dahil wala na raw siyang pakialam sa amin.

Kaya hindi talaga namin alam ang gagawin.

"Ano?! Wala pa bang pinapadala ang walang kwenta niyong ina?!" Bungad sa akin ni tito kinaumagahan.

"Wala pa po, tito." Napayuko ako.

"Siraulo pala 'yang nanay mo! Pinatuloy na nga kayo dito, hindi pa nagbibigay ng panggastusin!"

Nagpantig ang tenga ko.

Napa-angat ako ng tingin sa sinabi niya. "Hindi po siraulo ang nanay ko. Wala po kayong karapatan na tawagin siyang ganyan!" Matapang na saad ko.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong sumagot sa kaniya. Wala siyang karapatan tawagin si mama ng ganon!

Nakita kong napatingin si tita sa akin nang sabihin ko 'yon.

"Aba sumasagot kana!" Tumayo si tito mula sa kinauupuan niya. "Matapang kana?! Ha?! Pinapatira lang kita sa pamamahay ko, baka nakakalimutan mo! Wala kang karapatan na sagutin ako!"

Nang medyo makalapit siya sa akin ay pumagitna si kuya, tinago niya ako sa likod niya.

Inaamin ko kinakabahan ako pero hindi ko 'yon pinapahalata. Ilang beses na nilang pinagsasalitaan ng masama si mama pero ngayon napuno na ako.

"Tito pasensya na po, tama na po." Kalmadong sabi ni kuya.

"Ayus-ayusin mo pananalita mo ha!" Napakapit ako sa damit ni kuya dahil sa takot.

"Hoy, Rhyle! Ayus-ayusin mo ang bibig ng kapatid mo! Napakawalang respeto! Tito niya ang kaharap niya tapos ganyan sumagot! Ganyan ba kayo pinalaki ng mga magulang niyo?! Mga walang respeto!" Napairap ako ng makisali si tita.

"Sorry po." Hinawakan ni kuya ang braso ko at hinila palabas ng bahay.

Binitawan niya ako nang makarating kami sa likod ng bahay.

"Ano ka ba naman?!" Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Lagi nalang nilang pinagsasalitaan ng masama si mama, kuya!" Pagtanggol ko. Alam ko namang mali ang ginawa ko pero kasi sawa na ako marinig ang mga masasakit na salita na binabato nila kay mama.

"Paano kung palayasin tayo?!"

"Edi lumayas tayo! Ayoko rin naman silang kasama!" Napabuntong hininga si kuya sa sinagot ko.

"Kuya! Ate!" Sabay kaming napatingin kay bunso na tumatakbo papunta sa amin. Niyakap niya ako sa binti.

"Kuya umalis na tayo dito, ayoko na dito." Naiiyak kong sabi kay kuya.

"At ano naman ang mangyayari sa atin kung aalis tayo? Wala tayong pera, hindi pa natin nakakausap si mama." Napayuko nalang ako. Paano kung kinalimutan na kami ni mama?

Nakita kong umiiyak ang bunso namin habang nakayakap sa binti ko. Naawa ako sa kaniya, sobrang laki ng pinayat niya.

Dahil hindi siya nakakakain ng maayos simula nang maghiwalay sina mama. Pati kami ni kuya ay ang laki ng pinayat dati alagang alaga kami nila mama sa pagkain.

Hindi nila kami pinapabayaan.

"Kayo ang anak ni Clarrisa, diba?" Napa-angat kami ng tingin nang may lumapit sa amin na isang ginang.

Namumukhaan ko siya, siya ang kasama ni mama papuntang Manila.

"Opo." Sagot ni kuya.

May kinuha siyang isang sobre at binigay 'yon kay kuya.

"Pinapabigay ng mama niyo."

"Nakasama niyo po si mama? Kumusta na raw po siya? May nabanggit po ba siya kung kailan niya kami dadalawin?" Sunod sunod na tanong ko.

Napakamot sa ulo si ate. "Hindi ko alam, hija. Wala naman siyang binanggit pero maayos naman siya inaalagaan siya nang maayos ni Henry."

Napakunot ang noo ko. "Sino po si Henry?" Wala naman akong maalala na may kaibigan si mama na Henry ang pangalan.

Gulat siyang tumingin sa amin. "H-hindi niyo alam?"

"Ang alin po?" Takang tanong ni kuya.

"Ikakasal na siya na sila ni Henry at dalawang buwan na siyang buntis."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 81.6K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
4.5K 329 18
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.7M 74.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
8K 106 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...